Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

16K 836 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 22

298 19 2
By CrabLamb

CHAPTER 22

[ Escape ]

---

Alex's Point of View

Halos malusaw ko ang pintuan ng operating room sa sobrang paghi-hintay ko na magbukas iyon.

"Alex."

Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko, ni hindi ako lumingon kay Jonathan nang tawagin niya ako.

Nang makita ko si Jazzquin sa ganoong kundisyon ay tila nawala ang lahat ng pakiramdam ko sa katawan at layunin sa buhay. 

Nawalan ako ng pandinig, lakas, at ng kulay. Pakiramdam ko rin ay tumigil ang pag tibok ng puso at pagtakbo ng utak ko ng ilang segundo.

"Namanhid na lang ako."

"Alex."

Sa pagkakataong ito ay nakuha na ni Jonathan ang paningin ko, bigla na kasi siyang humarang sa paningin ko.

Doon ko lang naisipang kumurap, kapos hininga rin akong sumagot, "Ano iyon?"

Matagal muna akong tinitigan ni Jonathan sabay may inabot saakin, bumaba ang tingin ko doon at agad kong napagtanto kung kaninong cellphone ang inaabot niya.

"Sinubukan kong buksan kanina, pero may password," ani ni Jonathan habang pinipindot ko ang gitnang button ng cellphone ni Jazzquin.

Bigla namang nagliwanag ang cellphone, agad bumungad sa akin ang litrato ng isang batang babae at may katandaang lalaki na halatang kinunan lamang gamit ang kamera ng cellphone.

Medyo may kalumaan na ang litrato kaya agad kong na konkluda na si Jazzquin ang batang babae sa litrato, hindi niya gaanong kamukha ang kasama niya kaya nagda-dalawang isip pa ako kung ama niya ito.

"Sa tingin ko kailangan mong tawagan ang mga kaanak niya?" suhestyon ni Jonathan nang mapansing tinitigan ko lamang ang lockscreen.

Iniswipe ko ang lockscreen at agad bumungad sa akin ang mga numero, nanghihingi ng pass code. 

May isa lamang problema, hindi ko alam ang pass code.

Napaigting ako ng panga at sinubukang ilagay ang numero ng kaarawan ni Jazzquin. Nang hindi iyon gumana ay sinubukan ko ring ilagay ang petsa kung kailan naging kami, kaarawan ko, ang hula kong paborito niyang numero at hell, pati yoong araw na unang beses siyang pumunta ng headquarters.

Pero lahat ng iyon ay hindi gumana.

"Hindi ko alam," blankong sabi ko habang pinagmamasdan ang cellphone.

Bahagyang kumunot ang noo ni Jonathan sa akin pero hindi rin kalauna'y lumuwag iyon.

"Wala kang numero ng kahit sinong kamag-anak niya?"

Umiling ako.

"Kasama sa bahay?" pagtatanong muli ni Jonathan.

"Wala," iling iling kong sagot muli, "Ang ibig kong sabihin, wala siyang kasama sa bahay."

Bubuka pa sana ang labi ni Jonathan nang biglang bumukas ang pintuan ng operating room. Mas lalong namanhid ang buong katawan ko nang sabay kaming lumapit ni Jonathan sa doktor.

"Sinong kamag-anak ng pasyente?" tanong agad nito.

Matagal kaming natahimik ni Jonathan, wala pa gaano sa katinuan ang utak ko kaya agad akong nag panic na kapag sinabi kong nobyo lang ako ay hindi nito sabihin sa akin ang kundisyon ni Jazzquin.

Napalunok ako, "Asawa niya ako."

Napatango naman ang doktor, "Stable na ang kundisyon niya, mabuti na lamang ay walang natamaang vital organ at mukhang napigilan agad ang pag labas ng dugo kaya hindi na niya kailangan ng blood transfusion."

Halos napapikit ako sa tuwa, yoong pamamanhid at panlalamig ng buong katawan ko rin ay unti unting nawala. 

Doon ko lang naisip na dahil magkasama si Jonathan at Jazzquin ay siya ang naglagay ng pressure sa tama ng nobya ko, pasimple kong tinapik si Jonathan sa balikat.

"Sa ngayon ay ililipat na namin siya ng kwarto, hintayin na lang natin siya magising so we can run some other test."

Napatango ako bilang pag sang-ayon bago lisanin ng doktor ang harapan namin.

Naagaw ang atensyon ko nang biglang may tumunog na cellphone, hindi iyon ang ring tone ko kaya inasahan ko nang hindi akin iyon.

"Si Lany, sagutin ko lang,"  sabi ni Jonathan, napatango na lamang ako at pinanood siyang maglakad palayo.

Mayamaya lang din ay inilabas na ng ibang nurse si Jazzquin mula sa operating room, napansin kong naka hospital gown na siya.

Agad kong sinundan kung saang kwarto siya dadalhin, nang maipasok na si Jazzquin ay agad akong sinabihan ng nurse na maghintay muna saglit sa labas dahil a-ayusin pa nila ang kwarto.

Tahimik akong nag hintay sa labas ng kwarto, pinaglalaruan sa kamay ang cellphone ni Jazzquin. May kaunting bahid ng dugo ang likurang bahagi nito kaya ang deduksyon ko ay handprint ni Jonathan iyon.

Doon ko lamang naisipang magtanong, bakit sila magkasama?

Napatingin ako sa hallway, balak tignan kung nakasunod si Jonathan sa amin. Ngunit, imbis na bulto niya ang makita ko ay isa sa mga bodyguard ng mga Augustus ang nakita ko, kausap ang doktor na kausap ko kanina.

Hindi na sana madadagdagan ang suspetya ko pero hindi nakatakas ang nakakadisturbong pahaling na tingin saakin nang gwardya nang matapos na silang mag-usap ng doktor. Yoong tingin niya ay parang inaasahan na niyang naroon ako at hindi pa rin umaalis.

Hindi ako nagpatalo at blinankuhan siya ng tingin, siya naman ang unang sumuko at tumalikod saakin.

"Nailipat na siya ng kwarto?"

Napalingon ako kay Jonathan sa aking kaliwa, medyo napakunot pa ang noo ko dahil sa direksyon na iyon siya sumulpot.

"Saan ka galing?" tanong ko.

Tinaasan niya ako ng isang kilay at takang napalingon sa kaniyang likuran, "Nag banyo pa ako."

Napatango na lamang ako at lumingon muli sa hallway. Wala na roon ang gwardya at mukhang nakaakyat na muli.

"Aalis na ako, kailangan ko pang magpalit at bumalik sa opisina," paalam saakin ni Jonathan kaya awtomatiko akong napatingin muli sakaniya, duguan kasi ang suot niyang damit.

"Bakit pala magkasama kayo ni Jazzquin?" tanong ko nang a-akma siyang ta-talikod saakin.

"Bakit? Selos ka papi?" biro saakin ni Jonathan, hindi ako sumakay sa biro niya at tinitigan pa rin siya ng seryoso kaya agad napawi ang ngiti niya, "Sabi ko nga nagseselos ka."

Pinagkrusan ko siya ng braso, halatang naghi-hintay ng matinong sagot.

"Nasa Muntinlupa ako dahil sa babaeng ito," taas ni Jonathan sa isang litrato na kinuha niya mula sa kaniyang pitaka, iyon yung babaeng nakita ko sa bulletin board niya, "Kaugnay siya sa mga taong nakakatanggap ng death threats dahil sa pera."

Napakurap ako, "May kinalaman ba ito sa pagpatay kay Vergel?"

Matagal na natahimik si Jonathan habang nakatingin saakin, mukhang pinagi-isipan kung sasabihin niya ang totoo.

"Oo,"  seryosong seryoso na sagot ni Jonathan, "Siya ang pinaka una, Alex."

"Anong ibig mong sabihin sa siya ang pinakauna?" medyo naguguluhan pang tanong ko.

"Siya ang pinaka unang nagtraydor, kaya napagtanto ko na isa itong organized crime," diretsahan nang sagot ni Jonathan.

Bahagyang nanlaki ang mata ko.

"Mafia?"

Bahagyang natawa si Jonathan, "Nagtaka ka pa? Eh talamak ang drug trafficking dito."

Hindi agad ako nakasagot at napasandal sa pader na nasa aking likuran, hindi ko lang akalain na nasangkot sa ganoon si Vergel. Alam kong gumagamit siya ng droga pero ang akala ko ay bumibili lang siya.

Iyon ang problema, hindi naman kami nagkaroon ng pagu-usap. Hindi ako nagtatanong kada tatawag sa bahay ang eskwelahan niya para lang ipaalam na hindi siya pumapasok sa eskwelahan. Hindi ako nagtatanong kada makikita kong may plastic siyang hawak na pilti niyang itinatago, at hindi ako nagtanong kada may mga bago siyang gamit na alam kong mga mamahalin at hindi kakayanin ng perang ibinibigay ko sakaniya o ni Papa.

"Ang dapat ko lang malaman ay kung sino ang big boss," bahagi pa ni Jonathan, "Pero mukhang nagkamalay na kaagad sila sa presensya ko, naka tanggap na ng death threat sila Lany."

"Yoong nangyari ba kay Quin..."

Nag abot saakin si Jonathan ng isa pang litrato, sa pagkakataong ito ay isang lalaki na ang bumungad saakin, "May pinaghi-hinalaan akong tao, halos dalawang araw ko na siyang binabantayan at sinusundan."

Sa itura ng lalaki ay wari ko nang mas bata ito kaysa sa amin ni Jonathan, siguro mga kasing tanda ni Quin.

"Sinundan ko siya sa Festival kanina, nagulat na lang ako nang magkita sila ni Jazzquin."

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba, yoong kaba na hindi galing sa pag-alala kung hindi galing sa mga teoryang namumuo sa utak ko.

Doon ko lang naalala yoong usapan namin ni Jazzquin kaninang pananghalian, ang sabi niya ay may ki-kitain siyang kailangan niyang interbyuhin.

"Anong trabaho nitong lalaking ito?" makahulugang tanong ko kay Jonathan.

"Kasalukuyang director ng De La Salle Santiago Zobel School at unang anak ng chief justice ng DOJ." 

"Zobel..."  paulit ulit kong sabi sa sarili.

Iisa lang pumasok sa isipan ko. 

Mga Augustus.

Agad pumasok sa isipan ko ang gwardya na kumausap sa doktor na nag asikaso kay Quin kanina, hindi ko alam kung patungkol kay Quin ang pinagu-usapan nila kanina pero hindi ko maiwasang hindi mag hinala.

Anong kinalaman ni Quin sa lahat ng ito?

"Normal lang silang nagkape habang nagu-usap, noong maghiwalay sila at lumabas si Jazzquin ay bigla na lang may bumaril sakaniya."

Napapikit ako sabay balik sakaniya ng litrato.

"Warning iyon para saiyo, tama ba ako?"

"Alam nilang nagma-masid ako, paniguradong alam na rin nila kung kakilala ko ang isang tao," pag sang-ayon saakin ni Jonathan, "Pasensya na at nadamay pa si Quin."

"Anong dahilan at bakit mo sinubukang buksan ang phone ni Quin, Jonathan?" seryosong tanong ko.

Bigla ko kasing naalala ang mga handprint sa phone ng nobya ko at ang sinabi niya kanina na sinubukan niya iyong buksan.

Matagal akong tinitigan ni Jonathan sa itinanong ko, "Aaminin ko, ininterview niya si Edgar Zobel kaya naisip kong may contact sila sa isa't isa."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sabay baba ng tingin.

"Hindi naman siguro pinaghi-hinalaan ang nobya ko dito, ano Jonathan?" malamig ang tono kong tanong.

"Kung walang alam si Edgar Zobel sa mga nangyayari ay hindi,"  paglilinaw ni Jonathan saakin, "Hindi ko siya pinaghihinalaan Alex, ang gusto ko lang ngayon ay makuha ang contact number ni Edgar Zobel. Pwede mo bang tanungin kay Ms. Lebedev iyon?"

"Bakit hindi mo na lang tanungin si Mr. Zobel?"

Inikutan niya ako ng mata.

"Hindi niya ibinigay," sabi ni Jonathan, yoong tono niya ay parang 'ginawa ko na iyon bago mo pa maisip.'

Nang hindi na ako sumagot ay dumistansya na muli si Jonathan, "Aalis na ako, marami pa akong kailangang asikasuhin."

Hindi muli ako sumagot at pinanood lamang siyang maglakad palayo.

Halata kay Jonathan na ayaw niya akong banggain, na limitado ang mga impormasyon at teorya na ibinabahagi niya saakin.

Hindi ko alam kung para hindi ako mag-alala o para hindi kami magka iringan.

Napatingin ako sa cellphone ni Jazzquin, masisisi ko nga ba si Jonathan kung may lihim siyang hinala kay Quin?

Ngayon ko lang napagtanto, halos lahat saakin ay alam ni Quin, kahit pa mga bagay na hindi alam ng mga taong malapit saakin.

Pero ni isang kusing ay wala akong alam patungkol sakaniya.

Sa sobrang distracted ko sa relasyon namin, hindi ko man lang napansin kung gaano kakulang ang komunikasyon namin ni Jazzquin. Ang alam ko lang ay tatlong taon na siyang nagsusulat sa Manila Bulletin, mayroon siyang pitong lenggwahe na alam at half russian at half french siya.

Yoon lang, walang kinalaman sa pamilya o ibang bagay.

Naputol ang pagi-isip ko nang magbukas ang kwartong pinagdalhan kay Quin, "Pwede niyo na ho siyang makita."

Tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa mga nurse na nag asikaso kay Quin bago sila umalis, bago pa ako pumasok ng kwarto ay ibinulsa ko muna ang phone ng nobya ko.

---

"Kumusta si Ms. Lebedev?" agad na bungad saakin ni Adam nang pumasok ako sa opisina niya.

"May malay na siya," sagot ko sabay sarado ng pintuan sa aking likuran, napansin ko na ang folder na hawak ni Adam ay galing kay Jonathan, "Sa palagay ko ay nireport na saiyo ni Jonathan ang nangyari."

Tumango tango si Adam bilang pag sang-ayon sabay sarado ng folder at patong noon sa ibabaw ng kaniyang lamesa.

Lumapit ako sa lamesa niya at inilapag ang report na ipinapagawa niya saakin kada isang linggo, "Ito na yoong report patungkol kay Ms. Nelly Goliath para sa linggong ito."

Tumango muli si Adam at inabot mula saakin ang folder.

"Adam," panimula ko ulit habang pinapanood siyang buklatin ang folder.

"Hmn?" matipid niyang sagot saakin, hindi man lang ako inaangatan ng tingin.

"Magle-leave ako ng tatlong araw," walang gatol kong ani, sa sinabi ko ay napatigil sa pag-angat ng mga papel si Adam at sa wakas ay inangatan na ako ng tingin.

"Kailangan ako ni Jazzquin," agad kong sabi sa dahilan.

"Sigurado akong alam mo na ang isasagot ko saiyo, Alex," parang hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Adam, "Mas kailangan kita dito, paano kung kumilos ulit si Jenny?"

"Nandiyaan si Mark," pangangatwiran ko.

"Kaya ko kayo pinagsama sa isang kaso ni Agent De Guzman dahil tatlong kriminal ang hinahabol natin dito," duro ni Adam sa folder na kasalukuyan niya hawak na ikinapikit ko, "Pakiusap, sabihin mo saakin na dala lang ito sa gulat mo kanina."

"Tatlong araw lang ang hinihingi ko, Adam."

"At sa tatlong araw na hinihingi mo ay maraming pwedeng mangyari," sabi ni Adam na may pag-muwestra pa ng kamay upang maidiin niya ang kaniyang punto.

Mahirap manalo kay Adam kapag ganitong bagay ang usapan, inasahan ko na ito bago pa man ako pumasok ng opisina niya.

Pero desidido ako sa pabor na hinihingi ko kaya wala akong balak na sumuko.

"Kahit pa sabihing babala para kay Jonathan ang nangyari at walang intensyong patayin si Quin ay mafia ang gumawa noon, paano ako makakasiguro na hindi babalikan ng mga iyon ang nobya ko?"

Napakunot ang noo ni Adam sa sinabi ko, "Nagbahagi saiyo ng impormasyon si Jonathan?"

"Kapatid ko sa ama ang unang biktima ng taong hinahabol ni Jonathan," pagtatapat ko kay Adam, hindi siya nakasagot doon.

"Iniwan ng ama ko ang ina ko, pitong taong gulang pa lang ako. Pinatay ni Sebastian ang ina ko at ang kapatid ko, pinatay si Vergel dahil may kinalaban siyang mafia na hanggang ngayon ay nasa labas pa rin at mukhang mataas pa ang posisyon sa lipunan."

Masyado na akong nagiging personal, pero ito lang ang naiisip kong paraan para matahimik si Adam. Ito lang ang paraan para makapag salita ako na wala siyang maiisip na pang balik.

"Tapos iyon ang maririnig ko? Sa kalagitnaan ng trabaho, makikita ko ang nobya ko nakahiga sa stretcher ng ambulansya, duguan. Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon Adam?"

Sa unang pagkakataon ay naluha ako sa sobrang prustasyon, alam kong ito na ang pinaka madayang paraan na ginawa ko pero masyado na akong takot, takot na baka kinabukasan isa nanaman sa mga importante saakin ang ilulubog sa lupa.

"Naiintindihan ko, Alex," mahinahong panimula ni Adam, "Alam kong natatakot ka, pero anong magagawa mo sa hinihingi mong tatlong araw na leave? Masisiguro mo bang ligtas si Ms. Lebedev pagkatapos ng tatlong araw na iyon? Na wala nang magba-balak na saktan siya ulit?"

May punto si Adam sa sinabi niya, aaminin ko.

Pero hindi lang naman ito patungkol sa pag siguro ng seguridad ni Jazzquin. May mga bagay rin akong dapat na makuha sa sarili kong nobya, hindi ko iyon makukuha kung kalahati ng araw ko ay nasa trabaho.

"Bukas na bukas rin ay ka-kausapin ko si Sgt. Pilapil, pababantayan ko si Ms. Lebedev," suhestyon ni Adam sabay kalikot muli ng mga folder, "Umuwi ka na Alex, magpahinga ka na muna."

Inilabas ko na lahat ng alas ko para mapapayag si Adam pero mukhang walang ibang paraan para gumana.

Wala akong magagawa kung hindi gamitin iyon.

Napapikit ako ng madiin at nagsalita.

"Adam."

"Umuwi ka na Alex," may tono na nang pagbabanta sa boses ni Adam.

"I was...raped."

Kitang kita ko ang pag yelo ng buong katawan ni Adam at ang pag guhit ng sobrang gulat sa kaniyang mukha, sa isang iglap ay nabalik saakin ang paningin niya.

"Anong sinabi mo?"

Napakuyom ako ng dalawang kamao at binaba ang tingin sa aking paanan, pakiramdam ko ay nandidilim ang paligid na mata ko sa sobrang kaba sa tapikang ako naman ang nagbukas.

"Noong kinidnap kami ng kapatid ko ni Sebastian, binigyan niya ako ng pamimilian," sa ibinabahagi ko ay awtomatikong pumasok muli ang mga imahe sa aking utak, "Hahayaan ko siyang galawin ako o ako ang gagalaw sa mismong kapatid ko at parehas kaming papatayin."

Sa narinig ay napasandal si Adam sa kaniyang swivel chair, parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang kaniyang ekspresyon.

"Ang sabi ko ako na lang ang patayin niya, pero wala sa opsyon na makakaligtas si Jacky," napapikit ako ng mariin, "Wala akong nagawa, ni hindi ako binigyan ng opsyon para mailigtas ang kapatid ko. Ang tanging nagawa ko lang ay kunin ang hustisya para sakaniya. Pero nang mahuli si Sebastian ay bumalik ba si Jacky? Hindi."

Tuluyan nang napipi si Adam.

"Ginagawa ko ito para sa sarili ko, Adam," blankong tono na sabi ko, "Sa madalang pagkakataon, gusto kong piliin ang sarili ko. Gusto kong bantayan ang nobya ko. Baka kasi siya na lang yoong dahilan kung bakit gusto ko pa ring magpakalalaki, na maging responsable sa mga bagay kahit hindi naman dapat."

Matapos noon ay nabalot ng isang nakakabinging katahimikan ang buong opisina ni Adam, nakatingin lang ako sa dulo ng sapatos ko samantalang siya naman ay nakatulala sa kaniyang lamesa, halatang malalim ang iniisip.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Adam at napakusot ng mata, nakikita ko sa ekspresyon niya ang magkahalong pagod, stress at awa. Bagay na ayoko talagang makuha sa mga taong makakarinig ng totoong nangyari.

"Kung ibabalik ka sa training ngayon ay bagsak ka sa professionalism," basag ni Adam sa katahimikan, "Napansin ko na iyon saiyo simula pa lang, pero pinuri ko ang pagiging emosyonal mo dahil nakikita kong isa iyon sa mga bagay na nagpa-paresolba saiyo ng kaso. Kahinaaan yaan sa trabaho natin pero ginawa mong lakas mo."

Napakulubot ako ng mukha at napatingin sa labas ng bintana, hindi ko mabasa kung papayagan ba ako ni Adam dahil sa tono niya ay parang nagda-dalawang isip pa rin siya.

"Isang linggo."

Bahagyang lumaki ang mata ko sabay balik ng tingin kay Adam.

"Tatlong araw lang ang hinihingi ko Adam," halos pabulong kong sabi, hindi sa hindi ako pabor sa sinuhestyon niya pero naiintindihan ko rin ang pangangailangan ng trabaho ko.

"Ako ang nagbalik saiyo sa impyerno na ito, kailangan ko pa bang ulitin iyon?" maluwag na tonong sabi ni Adam, "Ngayon lang ulit kita nakitang maging makasarili, huling beses na ginawa mo iyan ay alam kong may malalim na dahilan kaya pumayag ako."

Ang tinutukoy niya ay yoong pagkakataon na umalis ako ng NBI.

"Alam kong may mas malalim pang dahilan kung bakit ka nanghingi ng tatlong araw na leave, hindi lang ito tungkol sa pagprotekta sa nobya mo, tama ba ako Alex?" pagbubulgar saakin ni Adam.

Hindi ako nakasagot.

"Pero huwag kang mag-alala, katulad noon ay hindi ako magta-tanong."

Napatango na lang ako habang nakatungo, iniiwasan na huwag maiyak. Ayoko na mas maging madrama pa ang pagu-usap namin ni Adam.

"Pero magta-trabaho ka pa rin," sabi ni Adam, "Kailangan ko pa rin ng weekly report patungkol kay Ms. Nelly sa susunod na linggo at lahat ng makakalap ni Mark habang wala ka ay ikaw ang magpapasa sakin."

Napatango ako, "Walang problema."

"Buksan mo ang mga ipapadalang mensahe ko at huwag na huwag mong bababaan ang kahit na anong tawag ko," paalala pa ni Adam.

"Salamat Adam," simple lamang ang mga katagang iyon pero batid kong alam ni Adam na may iba pang laman ang mensahe na iyon.

"Umuwi ka na, Alex," tipid na ngiting sabi ni Adam, "Simula na ng isang linggong leave mo. Wag mong sayangin."

---

Marahan kong ibinigay kay Wojtek ang cellphone ni Jazzquin.

"Yari, Iphone nga talaga," agad na reaksyon ni Wojtek habang pinagma-masdan ang phone ni Quin.

"Gaano katagal sa tingin mo bago mo mabuksan iyan?" tanong ko.

"Ilang linggo? Buwan?" hindi siguradong sagot ni Wojtek sabay tingin saakin, "Kailangan ko ng background ng may ari nito."

"Isa pa iyon sa matatagalan," pahina ng pahina kong sabi, "Kung may makukuha man ako sa susunod na linggo, sasabihin ko kaagad saiyo."

Makahulugan akong tinitigan ni Wojtek, yoong tingin niya ay alam ko na agad na madali niya akong nababasa.

"Bakit hindi mo na lang siya ipa-background check, kuya?" tanong ni Wojtek.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin, "Paano kung wala naman talaga? Sapat nang pinapabaklas ko ang password ng kaniyang phone bilang pagsi-sinungaling."

Natawa si Wojtek sa sinabi ko, "Invasion of privacy ito, kuya. Mas legal pa kung ipa-pabackground check mo siya."

"Limitado lang makukuha ko sa mga iyon. Walang Bureau, Psych, Intelligence... " buntong hiningang sabi ko, "Alam ko nang hinding hindi sasabihin saakin ni Quin ang pass code ng cellphone niya, kung hindi ko maibibigay kay Jonathan ang contact na iyon ay paniguradong paghi-hinalaan ang nobya ko."

Hindi nakasagot si Wojtek sa sinabi ko.

"Natatakot ako Wojtek," tango tangong bahagi ko, "Sana maintindihan mo."

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Wojtek sabay tago ng phone ni Jazzquin sa kaniyang bulsa, agad niya namang inabot ang cellphone na hiningi ko sa text kanina.

"Same model iyan, paniguradong hindi na gagana," bahagi ni Wojtek, "Hindi uso ang memory cards sa Iphone kaya paniguradong sa storage ng phone nakalagay lahat ng laman, wala siyang makukuha diyaan."

Napatango ako habang pinagmamasdan ang cellphone na ibinagay saakin ni Wojtek, "Salamat."

Binigyan naman ako ni Wojtek ng isang matipid ngunit, tunay na ngiti.

"Kung ano man ang deduksyon na nasa isip mo kuya, sana hindi totoo," pagpa-palubag ni Wojtek sa loob ko.

Napangiti naman ako pero hindi iyon umabot hanggang sa mata ko.

"Sana nga."

---

Sa muling pag hagod ko ng buhok ni Jazzquin ay naalimpungatan na siya, unti unti niyang binuksan ang mga mata at kinusot ito.

"Ang aga mo, matulog ka pa," bulong ko sakaniya, napalinga tuloy siya sa wall clock ng kwarto at napailing.

"Anong sinabi ng Editor-in-chief?" paos na tanong ni Quin saakin habang inaalalayan ko siyang umupo, noong isang araw kasi ay inutusan niya akong pumunta sa Manila Bulletin.

"Hindi ka muna daw papasok ng opisina ng dalawang linggo," tapat ko sakaniya na kinakulubot ng noo niya.

"Damn it," lihim niyang sabi sabay linga sa kabilang bahagi.

Napakuyom naman ako ng labi habang pinagma-masdan siya.

Kalimitan nakikita mo ang tunay na halaga ng isang tao kapag patay na, pero bakit nararamdaman ko ngayon ito kay Quin?

Parang hindi ako makahinga.

"Where's my phone?" tanong saakin ni Jazzquin.

Napakurap ako nang biglang bumalik ang paningin niya saakin, tahimik naman akong kinuha sa bulsa ko ang phone na ibinigay saakin ni Wojtek.

"Sinubukan ko nang icharge pero hindi gumagana," bahagi ko habang sinusubukan niya itong buksan.

"Blyat," mahina pang mura ni Jazzquin sa lenggwaheng Russian, kitang kita ko sa mata niya ang malaking panghihinayang at kaba, "Nasa bulsa ng jeans ko ito bago ako mabaril."

Napansin kong parang normal lang sakaniya ang nangyari, pero kinumbinsi ko ang sarili na dalawang araw na rin naman ang nakalipas.

"Nadaganan mo?"

"I don't know Alex, because I passed out after I got shot," frustrated na sabi ni Quin sabay bagsak ng kaniyang phone sa side table at krus ng dalawang braso, "Piz dets."

Napaigting naman ako ng panga nang unti unting binalot ng konsensya ang dibdib ko, gusto kong sabihin kay Quin ang totoo pero para maprotektahan siya ay kailangan ko itong gawin.

"Why are you here by the way?" bukas na tapika ni Jazzquin habang tinitignan muli ang orasan, "Hindi ba dapat nasa headquarters ka ng ganitong oras?"

Napangiti ako ng tipid dahil napansin niya, agad akong umiling.

"Nag leave ako ng one week."

Bahagyang gumaan ang ekspresyon ng mukha ni Jazzquin, matagal siyang hindi nakasagot kaya wari ko'y pinagta-tagpi tagpi niya sakaniyang isipan kung bakit ako nag leave.

"Why?" halos pabulong niyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko.

Ngiti akong napaiwas ng tingin at napakibit balikat.

"Hindi ko alam, siguro natatakot ako?"

Bahagyang umawang ang labi ni Quin sa sinabi ko, pero agad rin niya iyong isinara at nag-iwas ng tingin.

"For me?"

Tumango ako bilang sagot. Kalahating hindi totoo ang sinabi ko dahil ang totoo ay natatakot ako sa pwedeng maging resulta ng ginagawa kong pagi-imbestiga kay Quin.

Pero ang nasa isip yata ni Quin ay natatakot ako sa kung ano ang pwedeng manyari sakaniya, ang sakit lang na makita siyang umasa na may pake ako sa mga nagba-banta sakaniya ng walang ibang dahilan.

"Bukas madi-discharge ka na," pagi-iba ko ng tapika, distraksyon na rin para hindi na madagdagan ang konsensya sa aking dibdib, "Pagkauwi natin ay pack your things, bring a bikini if you want."

Kurap kurap namang napatingin saakin si Jazzquin, halatang hindi niya inaasahan na may plano akong nakalaan.

"Where are we going?" may tinta ng pagdududa sa kaniyang boses.

Napangiti naman ako, "Tallest Mountain."

Sinamaan ako ng tingin ni Jazzquin nang mapagtanto niyang nagbi-biro ako, halata kasing ginaya ko ang boses ni Dora.

Mabilis na hinalikan ko ang noo ni Jazzquin, hinawakan ko pa ang likuran ng ulo niya at mariin na pumikit habang hinahalikan iyon.

Sana walang totoo sa mga teorya ko.

Pagkaraan ng ilang segundo ay ibinalik ko ang distansya sa pagitan namin.

"Sa Ilocos."

Continue Reading

You'll Also Like

164K 4.7K 12
Black Blade Series #1 Kay Leon Felizardo umiikot ang mundo ni Summer Aguirre. She is and always will be a self proclaimed Leon's girl. Palagi siyang...
81.6K 2.7K 62
One hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakaniya ang buhay niya. Hindi man pinalad sa...
36.5K 1.7K 28
Will the stars align for two persons to be together? Will there be enough darkness to make them see how they light up together? How will they see tha...
104K 4.4K 35
Book 11 of the Newly Weird Series----- Hindi matatapos ang lahat kung laging may magsisimula. Paano makikita ang kaibahan niya sa mundong sa ibang pa...