Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 21

300 18 2
By CrabLamb

CHAPTER 21

[ Foul ]

---

Alex's Point of View

"She is insane."

Iyon na yata ang pinaka halatang bagay na isinabuhay ni Adam sa mga salita habang parehas kaming nakatingin sa dalawang bangkay na tahimik nang nakahimlay, "Akala ko may kakaiba kay Jenny na wala sa dalawang copycats."

"Mayroon," pag puna ko sa sinabi ni Adam habang naka krus ang dalawang braso, "Iyon ang gusto niyang ipunto sa nangyari, iniwanan tayo ng dalawang copycat ng mga sulat na salungat sa isa't isa. Ang orihinal ay mismong tao ang ipinadala para ipakita na iba siya."

"At ikaw ang kinakausap ng mensahero kanina."

"Ang sabi niya saakin ay tandaan ko," galaw galaw panga kong pag-alala, "Ang pagkakaintindi ko ay tandaan ko na ito siya, ang orihinal. Walang ibang makakagawa nito, ako lang."

Kumunot ang noo ni Adam sa ibinahagi ko.

"Kailan mo pa naintindihan ang perspektibo ng isang killer?" 

Kumibit balikat ako, "Wojtek, sa mga sinabi niya lang naman ako nakabase."

Hindi kumbinsido ang ekspresyon ni Adam sa sinabi ko, pero hindi na siya nangulit pa.

"Paano mo nasabing ito ang orihinal?" pagbabago ni Adam ng tapika, medyo mababa na rin ang boses niya sa pagkakataong ito.

"Art-centered," simpleng paliwanag ko sabay abot sakaniya ng munting guhit na ginawa ko kanina sa MOA, "Isipin mo na lang kung walang nakapansin agad ng bangkay sa ibabaw ng dancing fountain, iyan ang magiging bungad bukas."

Agad sinuri ni Adam ang drawing na ginawa ko, "At paano niya inilagay ang bangkay sa ibabaw ng dancing fountain ng walang nakakapansin?"

Hindi ko agad sinagot ang tanong ni Adam at nagpunta sa tabi ng bangkay ni Mr. Quinto, muling lumabas ang imahe ng kaniyang wasak na likuran sa aking isip.

"Naka tali ang kamay at paa niya ng magkasama," turo ko sa dalawang palapulsuhan ni Mr. Quinto na nangingitim, "Yoong likuran niya ay bahagyang bumukas dahil may nag tulak na pwersa, kagaya ng... pagbagsak."

Bahagyang umawang ang labi ni Adam sa sinabi ko sabay tingin sa kabuuang katawan ni Mr. Quinto.

"Sinasabi mo bang inilaglag siya at hindi inakyat sa ibabaw ng dancing fountain?"

Napalunok ako sabay balik ng tingin sa bangkay ni Mr. Quinto, "Pinahirapan siya bago patayin."

"Anong klaseng pag papahirap?"

"Pakiramdam ko ay alam niyang pinagtaksilan siya pero wala siyang nagawa," bahagi ko kay Adam habang nakatingin sa mukha ni Mr. Quinto, "Yoong bahagya niyang nakabukas na mata, parang nanlalaki muna bago siya mamatay. Nagulat siya, natakot, alam niyang mamamatay siya."

"Kagaya ba ito ng kay Cash?"

"Hindi," agad kong tanggi sa itinanong ni Adam, "Ang kay Cash ay mabagal na pang aakit, pero walang realization. Kay Mr. Quinto ay mabagal na pang a-akit pero may oras na ang biktima ay nagkaroon ng realization."

Natahimik ang buong morgue na kinalalagyan namin ni Adam ng ilang segundo, pakiramdam ko rin ay nangingitim ang kapaligiran ng mata ko dahil sa kulay kahel na ilaw na bumabalot sa buong lugar.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Adam bago muli magsalita, "Sa tingin mo ba may kinalaman ito sa pag labas ni Mr. Quinto sa kulungan?"

Matiim kong tinitigan si Mr. Quinto.

"Hindi siya binigyan ni Jenny ng ikalawang pagkakataon," konkluda ko, "Kahit ilang taon siyang nagsisi sa kulungan, nagkasala si Mr. Quinto sa kababaihan."

"Sinubukan ni Jenny na ilabas ang parteng iyon kay Mr. Quinto?"

Napaigting ako ng panga at napatango.

"Oo, pero hindi siya nagtagumpay."

Muling nanaig ang katahimikan sa kapaligiran, hindi ko alam pero sa unang pagkakataon ay naawa ako sa biktima.

Alam kong mali ang ginagawa ni Jenny, pero nakukuha ko ang hangarin niya. Hindi ko man siya lubos na maintindihan ay naranasan ko rin ang mapagsamantalahan, yoong galit sa mga katulad ni Mr. Quinto na mapanamantala ang nagsi-silbing koneksyon ko sakaniya.

Pero pumasok na rin sa isip ko na ipinasok na sa selda si Mr. Quinto, nawalan ng kalayaan ng ilang taon at binigyan ng pagkakataon na isipin ang kaniyang ginawang krimen.

Pinakawalan siya dahil kinakitaan siya ng pagbabago, nakita ko sa records na aktibo si Mr. Quinto sa mga aktibidad sa loob ng kulungan. 

Hindi tuloy maalis sa isipan ko ang imahe ni Mr. Quinto na ganadong nag hahanap ng mata-trabauhan sa Malate, handang handa na magsimula muli sa buhay sa labas ng selda.

Walang malay na may panibagong parusa na naghihintay sakaniya.

"Alex."

Nabalik ako sa kasulukuyan nang tawagin ako ni Adam, "Oh?"

"Tinatanong ko kung sa tingin mo ay anong ginamit na pang lipad para itapon si Mr. Quinto sa ibabaw ng dancing fountain?" ani ni Adam habang nagkakalikot sa kaniyang cellphone.

Gumawa naman ako ng ekspresyon na tila pinipilit mag-isip.

"Helicopter?"

Isang pindot lang ni Adam sa kaniyang cellphone ay tinalikuran na niya ako upang may tawagan, mukhang alam na niya rin na helicopter ang isasagot ko, kinumpirma niya lang sa pamamagitan ng pag tatanong.

Dumako ang tingin ko sa isa pang bangkay, ito ang mensahero na ipinadala ni Jenny.

Walang nahanap si Adam na property nito at tanging van lamang kaya agad naming nakonkluda na isa itong nomad. Nakita siyang pagala gala sa Metro Manila simula pa noong nakaraang linggo.

May mga nakita kaming mantsa tamod sa upuan ng van niya, maliban pa doon ay mga damit ng mga batang babae.

Napakuyom na lang ako ng labi kada maalala ko ang itura ng van na iyon, nakakuha rin kami ng iba't ibang plaka roon kaya hindi na ako magtataka kung bakit nahirapan ang mga awtoridad na hanapin ang van.

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isipan ko si Sebastian, dahil ba ang target rin ng lalaking ito ay mga batang babae?

"Kuya..."

Pakiramdam ko ay biglang nanikip ang dibdib ko at sumikip ang buong morgue kaya tinahak ko ang pintuan palabas, saktong pagkabukas ay bumungad saakin si Adam.

"Bumalik ka muna ng Headquarters at asikasuhin ninyo ni Mark ang patungkol sa nomad na iyon," turo ni Adam sa isang bangkay na ipinadala ni Jenny, "Mamayang tanghali ay pupunta tayo sa Alabang."

Napakunot ako ng noo at sumabay ng lakad kay Adam sa tahimik na hallway, "May nakarecord?"

"May ginamit na medevac na pasok sa oras  nang pagpatay kay Mr. Quinto," paliwanag ni Adam, "24 hours ang service ng Airgurus pero yoong taong nasa loob ng medevac ang kailangan nating makausap."

Isinantabi ko ang hanga kay Adam sa pagkalap agad ng impormasyon, "Sino?"

"Jackson Augustus at ang asawa niya."

Bahagyang umawang ang labi ko, "May ari ng Ayala?"

Tumango si Adam bilang sagot, "Nasa El Nido sila Mr. Augustus nang atakihin siya ng mild heart attack, nag patawag ang asawa niya ng medevac para madala siya sa Alabang Medical Center."

Nag-usap pa kami ni Adam patungkol sa ibang bagay bago naghiwalay ng landas, mag pa-paappoint pa daw siya dahil isang CEO ang kakausapin namin. Pupuntahan pa daw niya ang Airgurus upang makuha ang copy ng schedule.

Maikli lamang ang naging byahe ko mula morgue hanggang headquarters, maga-alasingko pa lang naman ng umaga.

Nang bumukas ang elevator sa palapag ng opisina ay ilaw mula sa meeting room ang agad na bumungad saakin, bahagya pa akong nagulat nang makita kong si Mark ang naroon.

"Si William?" bungad na tanong ko pagkapasok ng meeting room.

"He is with Lily," hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Mark, abala kasi ito sa paghihiwa-hiwalay ng mga papeles, "Ayoko sana siyang iwan doon pero ang sabi ni Adam ay kailangang may maireport ako sakaniya mamayang gabi."

Napatango na lamang ako sa sinabi niya sabay hila ng monoblock sa harapan niya, medyo nakakapanibago na madilim ang kapaligiran dahil kung magta-trabaho man ako ng ganitong oras ay wala ako dito sa headquarters kung hindi nasa labas.

"Kumusta si William?" sinubukan kong magbukas ng tapika, hanggang ngayon kasi ay bakas pa rin ang takot sa ekspresyon ni Mark.

"He is fine," malalim ang hiningang sagot ni Mark, "Kahit yung sariling takot ko nang makita ko siyang tinututukan ng kutsilyo sa leeg ay hindi ko na alam kung saan napunta, namanhid na lang ako sa iyak niya."

Biglang lumabas ang imahe namin ni Jacky nang malaman naming nakuha kami ni Sebastian, yoong magkahalong takot para sa sarili at takot para sa kapatid ko ang pinaka worst na kombinasyong naramdaman ko.

"Mabuti ay hinayaan ka niyang umalis?"

Kinalikot ko ang isang kahon na naglalaman ng mga gamit ni Mr. Quinto, agad kong kinuha ang pitaka niya dahil dito kalimitan nilalagay ng mga biktima ni Jenny ang Date-Rape drug na pag ma-may ari nila.

Medyo lumuwag nga lang ang ekspresyon ko nang makita ko ang litrato ni Mr. Quinto, may dala dalang bata sa kaniyang mga bisig.

Ito marahil ang anak niyang nasa Saudi.

"William is a brave kid," ngiting puri ni Mark sa sariling anak, "Oo natakot siya at nagulat, but he knows na kailangan kong magtrabaho. Ang sabi pa nga niya saakin bago ko siya iwan ay manghuli pa ako ng mga katulad ng lalaking nomad na iyon para wala nang ibang bata na magaya sakaniya."

Napatawa ako ng bahagya sa ibinahagi ni Mark sabay lapag ng pitaka sa kahon nang wala akong nakalap na Date-Rape drug, "Bakit pakiramdam ko ay mas naiintindihan niya ang trabaho mo kaysa saiyo?"

"He does!" hindi niya makapaniwalang sabi.

"Looks like he is already passionate," tango tangong komento ko na ikinatango niya rin, "Naalala mo yoong sinabi ko kanina na may pagkakataon ka pang iligtas siya mula sa pagiging Investigator Agent? I changed my mind, let him kung gusto niya maging detective."

Napatango si Mark sabay tingin sa mga litrato.

"He is braver than me."

Iyon din ang mako-komento ko kay Jacky, naalala ko yoong mga oras na hawak kami ni Sebastian. Pinipilit ko lang maging matapang para sakaniya pero mas ebidensya ang tapang sa mukha ng kapatid ko, yoong pag sagot niya kay Sebastian, yoong naiimahe kong paglaban niya para hindi siya lunurin...

Napailing na lamang ako habang tinatapos ang paglalapag ng mga papel, "Mas matatapang naman talaga ang mga bata."

"Iyon ay dahil hindi nila alam kung gaano kalaki ang kinakalaban nila," dagdag ni Mark sa sinabi ko," Hindi nila alam na may mga taong mas matatapang at malalakas kaysa sa kanila."

Pangiti na lamang akong naglabas ng hangin, "Tuloy ba tayo sa Tanay ngayon?"

"Ako na lang siguro," sabi ni Mark na bahagya kong ikinagulat, "Ang sabi saakin ni Adam ay may dapat kayong puntahan mamayang tanghali, hindi ka-kasiya sa oras kung sasama ka pa."

Napakuyom ako ng labi at napatango, "Kung mayroon ka mang makuhang impormasyon kay Mr. Silas ay sabihan mo kaagad ako."

"Oo naman," pag-sang ayon ni Mark at nagsimula na kaming mag lapag ng deduksyon.

---

"Ang totoo niyan ay kahit nakakapasok na ako ng apartment ni Nelly ay hindi pa rin niya ako gaanong kinakausap."

Naikuyom ko na lamang ang labi ko sabay galaw ng kaliwa't kanan ng swivel chair, "Ganoon po ba?"

"Pero nakita ko siyang may ka-text kanina sa phone," habol ni Mrs. Melanie na kinaintriga ko ng kaunti.

"Alam ho ba ninyo kung sino?" tanong ko pa.

"Hindi ako sigurado, mukhang kaibigan niya sa LPU, tinutulungan ata siya mag benta," bahagi pa saakin ni Mrs. Melanie.

Doon ko naalala na nagsimula na pala muling pumasok ng eskwelahan si Nelly, mabuti na lamang ay nakaabot siya sa enrollment.

Hindi naman sa iniisip kong hindi na magkakaroon ng kaibigan si Nelly, pero kakaiba lang na mayroon siyang katulong ngayon. Lantad ang ginawa ng kaniyang ama kaya ang inaasahan namin ni Mrs. Melanie ay mahihirapan na siyang makipag komunikasyon sa iba.

Ngunit, hindi naman siguro ganoon kalupit ang mundo. May mga tao pa ring maniniwala na hindi mo kasalanan ang ginawa ng magulang mo.

"Pare-parehas lang kayong lahat."

Bahagyang bumagsak ang mata ko nang maalala ko ang huling pagu-usap namin ni Nelly. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano kasakit nga siguro para sa bata yoong pakiramdam na ang tingin saiyo ay kung hindi kriminal ay anak ng kriminal.

"Sige po Mrs. Melanie, maraming salamat po sa kooperasyon," panimula ng pagpapaalam ko.

"Agent Schwarz," papatayin ko na sana ang tawag nang marinig ko ang pahabol ni Mrs. Melanie, "Maraming pinagdaanan si Nelly, sana maintindihan mo kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ng anak ko sa mga itinanong mo."

Napaigting ako ng panga at napapikit, "Pasensya na po, sana naghintay pa ako ng kaunti."

"Nabigo kami ni Ramon bilang magulang ni Nelly," tukoy ni Mrs. Melanie sakanila ni Mr. Goliath, "Ginagawa mo lang ang trabaho mo."

"Salamat po."

Hindi nagtagal ay pinatay na ni Mrs. Melanie ang tawag.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sabay tipa ng aking weekly report, hula ko na ay ipapaasikaso saakin ni Adam ang kaibigan ni Nelly.

Hindi ko alam pero parang ang mali pakinggan, parang tuluyan na kaming nanghimasok sa buhay ni Nelly. Walang pribasiya at kalayaan na mamuhay ng walang mga tanong na patungkol sa ama niya at sa pag patay kay Cash.

"Kuya, si Mark?"

Naagaw ang atensyon ko nang biglang pumasok si Nathalie sa opisina ko, may dala dala siyang dalawang plastic ng pagkain at yoong isa ay ipinatong niya sa desk ko.

"Pumunta ng Tanay," simpleng sagot ko habang inaangat ang sarili sa swivel chair.

"Nye, nakabili na ako ng isa pang tapsilog," sabi ni Nathalie sabay taas ng isa pang plastic na dala.

"Pakain mo kay Jonathan, masiba naman iyon," sabi ko sabay buhat ng plastic na ibinigay niya saakin at a-akmang lalabas na ng opisina.

"Weird nga, wala si Jonathan. Maagang lumabas," napatigil ako sa paglalakad sa sinabi ni Nathalie, mukhang nagkaroon ng breakthrough si Jonathan sa hawak niyang kaso.

"Saan ka pala pupunta?" takang tanong ni Nathalie nang mapansing aalis ako.

"Pupunta kami ni Adam sa Alabang," tipid na paliwanag ko sabay bukas ng pintuan.

"Ugh! Lahat kayo nasa labas!" arte ni Nathalie pero pabiro.

Nagkibit balikat na lamang ako at dumiretso na sa direksyon ng elevator. Sakto namang nakatanggap ako ng mensahe mula kay Adam na pababa na siya at sa parking na lang kami magkita.

Tanghalian na kaya agad kong dinial ang numero ni Jazzquin.

"Hello?" bungad saakin ni Jazzquin.

"Hello baby," malambing kong sabi sakaniya habang pinapanood na bumaba ang elevator, "Nasaan ka?"

"If you are going to ask me for lunch, I already ate and on my way to Filinvest," putol niya kaagad sa sasabihin ko.

Namilog ang labi ko, "Pupunta rin ako ng Alabang ngayon, but it's good to hear na kumain ka na."

Saglit na natahimik ang kabilang linya.

"What will you do in Alabang?"

"May bibisitahin kami ni Adam sa Alabang Medical Center," simpleng paliwanag ko sabay labas na ng elevator, "Patungkol sa latest na pinatay ni Jenny."

"Oh, I heard about that. In MOA, right?" tanong pa niya saakin na sinang ayunan ko na lamang. Ang bilis talaga ng balita.

"Oo," sagot ko, "Sa bahay mo ako matutulog mamaya, is that okay?"

"Bring extra clothes then," pilyang sabi niya na kinatawa ko ng bahagya.

Hindi naman nagtagal ay ibinaba na niya ang tawag, may kikitain pa kasi siya na kailangan niyang interviewhin.

Sampung minuto ang nakalipas nang sa wakas ay nakarating na si Adam. Nakita kong pinindot na niya ang remote upang buksan ang kaniyang sasakyan kaya agad kong nilapitan ang shotgun seat niyon.

"Mayroon lang daw tayong tatlumpu't minuto para makausap si Mrs. Augustus, kaya kung may katanungan kay ay magandang ilista mo na," utos saakin ni Adam sabay bukas ng pintuan ng driver sit.

Pagkasakay at pagkasuot ng seatbelt ay nagtanong na kaagad ako patungkol sa kinuha niyang schedule.

"Katulad ng sinabi ko ay pasok yoong paglapag ng medevac sa Alabang Medical Center sa oras ng pagpatay kay Mr. Quinto," ani ni Adam habang inaabot saakin ang kopya ng record, agad ko naman iyong tinignan at sinuri.

Napagalaw ako ng panga habang sinusuyod ang record, "Ano namang kinalaman ng Ayala kay Jenny kung sakali?"

Napakibit balikat si Adam sa itinanong ko sabay bukas ng makina ng sasakyan, "Idagdag mo sa mga tatanungin mo sa asawa ng CEO ng Ayala."

Pinatong ko ang plastic ng pagkain sa hita ko at umangat ng kaunti upang kunin ang maliit kong kwaderno sa bulsa.

"Ano iyan?" kunot noong turo ni Adam sa plastic.

"Pagkain?" wala sa sariling sagot ko sabay hugot ng maliit na kwaderno, "Tapsilog, binili ni Nathalie para pananghalian. Sayang pala dapat kinuha ko na yung para kay Mark."

Nakita kong napakurap si Adam sa ibinahagi ko, "Mukhang mabilis ninyong nakasundo si Mark."

"Maniwala ka saakin, kailan lang rin," iling iling na bahagi ko habang nagsu-sulat ng mga katanungan.

"Bakit nga pala wala si Mark sa headquarters?" tanong ni Adam habang iniikot ang manibela.

"Pumunta ng Tanay," simple kong paliwanag, ramdam ko naman na bahagyang napatingin saakin si Adam, "Makikita mo na lang sa report na pinapapasa mo sakaniya mamaya."

"Napaka lawak ng kasong ito," iling iling na komento ni Adam, ibinalik na ang paningin sa daanan.

Malalim naman akong napabuntong hininga, "Parang kada araw ay imbis na lumiliit ay lumalaki nga. Mas lalong kumakapal ang folder ni Jenny."

Natawa si Adam dahil nababakas sa mukha ko ang stress, "Mahal mo naman ang trabahong ito."

"Ikaw ang nagbalik saakin dito."

Natawa na lang kaming dalawa ni Adam ng sabay.

Sa kalahating oras na byahe ay agad kong naubos ang pananghalian na binili ni Nathalie at naisulat ang lahat ng tanong sa maliit kong kwaderno.

"Kumusta kayo ni Ms. Lebedev?"

Agad nakuha ni Adam ang atensyon ko nang bigla niyang kumustahin ang relasyon namin ni Quin, napasipsip na lamang ako ng dila at iniwasang hindi ngumiti habang naglalakad patungo sa elevator ng ospital.

"Ayos lang."

Saktong pag harap namin sa elevator ay siyang bukas nito, naroon na ang dalawang gwardya na hula namin ay magdadala sa amin sa kwarto ng CEO ng Ayala.

"Alam ba niya ang patungkol sa banta saiyo?" tanong ni Adam habang nakatingala sa paangat na paangat na floor.

Napakuyom ako ng panga, "Oo."

Agad akong napatingin sa dalawang gwardya na nasa may bandang likuran namin ni Adam, isa sa kanila ay nahuli kong nakatingin saakin pero nang lumingon ako ay mabilisang umiwas.

Kasing tangkad ko lamang ang isa at ang isa naman ay mas matangkad saakin ng kaunti, sa korte din ng mga katawan ng mga ito ay hindi na ako magtataka kung bakit sila kinuhang bodyguard.

"Dala mo ba ang badge mo?"

Bumalik sa unahan ang tingin ko at agad kong tinanguan si Adam, "Lisensya ang binigay ko sa desk."

Dalawang minuto lamang ang lumipas nang magbukas na ang elevator, nauna kaming lumabas ni Adam at sumunod ang dalawang gwardya upang manguna sa paglalakad.

Tahimik ang hallway na dinadaanan namin at kakaunting pintuan lang rin ang nakikita ko. Mukhang ang floor na ito ay para talaga sa mga VIP.

Hindi nagtagal ay tumigil kami sa isang pintuan, yoong isa gwardya ang siyang nag bukas noon, "Isa isa lang po ang pasok."

Nagkatinginan kami ni Adam, parang parehas kaming hindi iyon inasahan. Ngunit nandito na kami para mag reklamo pa kaya naman sa huli ay napatango na lamang siya.

"Ako na muna ang papasok," sabi saakin ni Adam sabay pasok ng kwarto.

Naiwan naman ako saglit sa labas ng kwarto kasama ang dalawang gwardya, pinag gitnaan nilang dalawa ang pintuan at pasimpleng sumusulyap sulyap saakin.

Pinilit ko ang sarili ko na huwag kumunot ang noo, pagkaraan ay napailing.

Mga mayayaman.

Muli kong chineck ang mga naka listang katanungan sa maliit kong kwaderno at nag revise ng mga tanong dito, naramdaman ko ang titig muli ng dalawang gwardya pero hindi ko na lang sila pinansin sa pagkakataong ito.

Mga labing limang minuto pa ang lumipas nang lumabas na rin sa wakas si Adam sa kwarto, nagtanguan na lamang kami bago ko saluhin ang pintuan.

"Huwag ho ninyong ilo-lock."

Saglit na kumunot ang noo ko sa sinabi ng isang bodyguard pero naisip kong ginagawa lang nila ang trabaho nila, binigyan ko na lang sila ng isang matipid na tango bago isara ang pintuan.

Pagkaharap ko sa kabuuan ng kwarto ay agad bumungad saakin ang isang may edad na babae, sa porma ng pananamit nito ay halata na kung ano ang posisyon nito sa buhay ng CEO.

"Mrs. Jennifer Augustus," ngiting bati ko rito sabay abot ng aking kamay.

Sinuklian naman ako ng isang malawak na ngiti ng Ginang at tinanggap ang pakikipag kamay saakin.

"Agent Schwarz, I heard a lot about you."

Nang maghiwalay ang mga kamay namin ay napatingin ako agad sa CEO na payapang natutulog, "Mukhang kayo po ang makakausap ko?"

Sinundan naman ng Ginang ang aking paningin.

"Yes, kagabi pa siya walang malay."

Napatango na lamang ako bilang pag sang-ayon, agad kong tinanggap ang pag anyanya niya na maupo sa isang sofa.

"Ang narinig ho namin ay tumawag kayo ng medevac kagabi ng 9:23 pm?" pagpa-pakumpirma ko sa Ginang na agad naman nitong ikinatango.

"Siguro narinig mo nang inatake ang asawa ko ng ganoong oras, nasa private Island kami sa El Nido when it happened."

"Then dinala po siya sa isang Health care unit para mabigyan ng paunang lunas," tango tango kong sabi habang nililista ang mga sinasagot niya saakin.

"Walang hospital sa El Nido and masyadong seryoso ang kundisyon ng asawa ko kaya nagpatawag ako ng emergency aircraft," tuloy tuloy na bahagi ng Ginang.

Bahagyang ngumiwi ang mukha ko habang binabasa ang susunod kong tanong.

"Ang estimated po na lipad niyo ay dapat isang oras at kalahati," panimula ko sabay tingin sa Ginang, "Base po sa record ay dumating ang helicopter sa El Nido ng 10:53 pm pero lumapag ito ng Alabang Medical Center ng 12:51 am."

Hindi nawala ang ngiti sa labi ng Ginang, bagay na nagpa disturbo saakin ng kaunti.

"Ano ang iyong pinupunto, Agent Schwarz?"

Isinara ko ang bahagyang naka bukas na labi ko at natawa sabay tingin paibaba, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinutuban.

"May natagpuan po ang NBI na bangkay sa ibabaw ng dancing fountain ng Mall of Asia kagabi, alauna ng madaling araw," panimula ng aking pagbabahagi.

"And?"

"Wala hong nakapansin ng bangkay, 3-4 hours na hong patay ang biktima simula nang matagpuan namin ng alauna ng madaling araw," pagtutuloy ko.

Sa sinabi ko ay bahagyang natawa ang Ginang.

"At anong kinalaman namin ng asawa ko dito?"

"Ang bangkay po ay hindi inakyat sa ibabaw ng dancing fountain, ibinagsak siya roon," pagsisiwalat ko na ikinasandal ng Ginang sa kaniyang kinau-upuan, hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagpapalit ng kaniyang pagde-dekwatro, "Kinakailangan po ng sasakyang pang himpapawid para magawa iyon."

"That's why you are suspecting us?" paglilinaw ng Ginang.

"Kung mayroon po kayong magandang alibi ay walang magiging problema," pagba-balanse ko ng modo ng usapan.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng Ginang bago nag-isip ng sasabihin.

"I don't know kung bakit hindi sinabi sainyo ng Airgurus na hindi kami agad naka lipad ng 10:53 pm because nagkaroon ng maintenance ang helicopter. NBI kayo, hindi dapat kayo binibigyan ng false records."

Bahagyang kumunot ang noo ko.

"Sila ho ang una naming nilapitan at humingi kami ng kopya ng schedule," sabi ko.

"You wouldn't understand because you are not in business world, Agent Schwarz," sabi ni Mrs. Augustus sabay lapag ng dalawa niyang kamay sa sariling hita, "Medevacs are air ambulances, sa tingin mo ba kapag nag leak na nagkulang sa maintenance ang isa sa mga aircrafts nila ay anong mangyayari? Try to think like a businessman for 10 seconds."

Igting ang panga kong tinitigan ang Ginang sa sinabi niya.

"Are you saying na hindi po tama ang ibinigay saaming schedule ng Airgurus?"

"I'm saying that you check it again," paglilinaw ni Mrs. Augustus.

Sabay naman kaming napalingon ng Ginang nang biglang bumukas ang pintuan.

"Alex," seryosong tawag saakin ni Adam, yoong tingin niya ay tila sinasabihan ako na kailangan na naming umalis.

Bumalik naman ang tingin ko kay Ginang Jennifer na saktong bumalik rin saakin ang tingin.

"Looks like tinama na nila ang mali nila," makahulugan nitong sabi saakin.

Napagilid naman ako ng labi at isinara ang maliit kong kwaderno.

Tinama nga ba?

"Thank you for your cooperation, Mrs. Augustus."

Sa ikalawang beses na pakikipag kamay ko sa Ginang ay may kakaibang pait akong naramdaman sa aking tiyan.

"Be safe, Mr. Schwarz."

Sinuklian ko lamang ng matipid na ngiti si Mrs. Augustus bago siya tinalikuran, habang tinatahak ko rin ang daan palabas ng kwarto ay pakiramdam ko'y pasikip ng pasikip ang dibdib ko.

Lumuwag lamang iyon nang makalabas na ako ng kwarto.

"Parang may mali," agad kong bahagi kay Adam pagka pasok na pagka pasok pa lang namin ng elevator, mabuti na lang at hindi na kami sinamahan pa ng dalawang bodyguard pababa.

"Ito kasi ang unang pagkakataon na nakakausap ka ng businesswoman," puna ni Adam saakin habang inaabot  ang kaniyang cellphone.

Bahagyang tumaas ang dalawang kilay ko sa nabasang mensahe ng Airgurus.

"Kung gayon ay maling copy ng schedule nga ang ibinigay nila satin?"

"Iyon ang kailangan kong ayusin at alamin," ani ni Adam at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga, "Tsk."

"Nangangamoy Obstruction of Justice," medyo may asar na sabi ko habang sinisiksik sa bulsa ko ang maliit kong kwaderno.

"Mukhang ganoon na nga," pagod na pagod na sabi ni Adam.

Habang nagu-usap kami ni Adam patungkol sa kaso palabas ng ospital ay biglang bumungad saamin ang isang ambulansya.

Lalagpasan sana namin ito nang makita ko ang taong iniluwa nito.

"Jonathan?" gulat na tawag ko sakaniya pagkababa pa lang niya ng ambulansya, napatingin rin sakaniya si Adam na malaki ang pagtataka sa ekspresyon.

"Alex!" parang nahimasmasan niyang tawag saakin, bumaba ang tingin ko sa polo niyang may bahid ng dugo, "Kanina pa kita tinatawagan! Bakit hindi mo sinasagot?!"

"Hah?"

Biglang nalipat ang paningin ko sa likuran ni Jonathan dahil sinimulan nang ibaba ng ibang hospital workers ang siyang laman nito.

Tila naman nabingi ako sa mga pinagsasabi ni Jonathan nang makita ko si Jazzquin, nakahiga sa stretcher at duguan.

Continue Reading

You'll Also Like

223K 6.7K 51
Cara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatras...
2.7K 262 38
Set in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileg...
1.1M 14.3K 51
A Thomas Torres - Ara Galang Fan Fiction. In a chapter of your life where you are trying to start anew, fate suddenly decides to play with you, what...
885K 20.3K 52
*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may be reproduced, copied, modified or adap...