Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 20

334 22 1
By CrabLamb

CHAPTER 20

[ Original  ]

---

Alex's Point of View

"For the first time in history!" panga-asar saakin ni Jonathan sabay subok na i-shoot ang bola, pero hindi pumasok, "Si Alex Schwarz, may ka duo sa isang case!"

Sa direksyon ko bumagsak ang bola kaya agad ko itong nakuha at tumakbo sa sarili kong ring.

"Naka duo din naman kita dati ah?" depensa ko sa sinabi niya sabay shoot ng bola sa ring, pumasok iyon kaya pagkasambot ko muli ng bola ay inabot ko na ito kay Jonathan.

Tumigil kami saglit at tumayo lang para maghabol ng hininga dahil kanina pa kami naglalaro.

"Oo, pero iyon ay dahil bago bago pa tayo,"  sabat ni Jonathan habang pinapatalbog ang bola sa isang kamay, "Huwag mo na sabihin yung patungkol sa duo ninyo ni Wojtek, trainees pa lang tayo noon at hindi iyon kasama."

Napailing na lamang ako, kung alam niya lang niya na nagpatulong ako kay Wojtek nito lang.

"Wala pa akong sinasabi," sabi ko at a-akmang kukunin na sakaniya ang bola pero agad niya itong naiwas, tawa tawa pa siyang naglakad palayo saakin.

"Hindi mo rin masisisi si Adam, alam mo iyon?" ani ni Jonathan sabay paikot ng bola sa hintuturo niya, "Kung ako rin si Adam ay iyon din siguro ang gagawin ko. Dalawang copycat ang nagha-habol saiyo ngayon at ang isa ay pinagbantaan ang buhay mo."

"Sa tingin ko naman ay walang laman ang babalang iyon, kung totoo man na taga hanga ng totoong Jenny ang nagpadala sa akin ng death threat ay malaki ang tsansa na ginawa niya lang iyon para pigilan ako sa imbestigasyon," sabi ko habang ginagamit ang suot kong sleeveless shirt pang punas ng pawis.

Hinayaan kong tumakbo si Jonathan patungo sa ring niya at magpasok ng bola ng hindi siya hinahabol, balak ko na rin kasing tumigil.

Narito kami sa court ng subdivision na tinitirhan ni Jonathan sa Makati. Sabado pero may importanteng inaasikaso si Jazzquin sa opisina kaya mamayang alasais pa kami makakapag kita.

Naisipan kong tumambay dito kay Jonathan, maliban kasi sa wala akong magawa ay malapit ito sa building ng Manila Bulletin. 

Minsan lang ako magkaroon ng libreng oras dahil anumang segundo ay pwedeng may tumawag sa cellphone ko at udyukin akong magtrabaho. Sinulit ko na lang muna sa pagpapapawis.

"Alam ba ni Jazzquin yoong tungkol sa banta saiyo?" tanong ni Jonathan habang iniipit ang bola sa pagitan ng balakang at pulsuhan niya.

Naitulak ko na lang ang buhok ko palikod sabay iling, ang totoo niyaan ay hindi ko alam kung paano sasabihin sakaniya.

"Sa tingin ko kailangan mong sabihin sakaniya," pagbibigay ng opinyon ni Jonathan.

"Ayoko lang na alalahanin niya pa ako," pagdadahilan ko, "Kung makikita mo lang kung gaano karaming artikulo ang sinusulat niya nitong linggo, kahit natulog siya sa bahay ko noong Huwebes ay hindi kami gaano nakapag-usap."

Naalarma naman ako nang ibato saakin ni Jonathan ang bola, agad ko naman iyong nasambot at tinitigan siya ng masama.

"Alam mo, mamamatay kang tanga," reklamo ni Jonathan, "Nasa relasyon kayo, sa tingin mo ba ay hindi niya karapatan malaman na may nagba-banta sa nobyo niya?"

"Sa tingin ko nga kasi ay hindi nam---"

"Eh di sabihin mong wala siyang dapat ipagalala dahil may nagbabanta saiyo, ang mahalaga ay alam niya. Hindi ba?" putol saakin ni Jonathan.

Napagalaw ako ng panga at napayuko, "Oo, tama ka."

Ngayon ko lang naisip na pwede ring mapahamak si Jazzquin mula sa death threat na natanggap ko. Paniguradong may alam na ang nagbanta patungkol sa mga taong nasa paligid ko lalo na si Quin, hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sakaniya.

Hindi ko na protektahan si Mama at si Jacky noon, hindi ko na hahayaan pang mangyari ulit iyon ngayon.

Naagaw ang atensyon ko nang marinig ko ang malalim na buntong hininga ni Jonathan, nakayuko ito sakaniyang cellphone at yoong ekspresyon ng mukha niya ay tila nako-konsensya.

"Pamilya ng biktima?" panghuhula ko sa nag text sakaniya, napatango na lamang si Jonathan bilang sagot.

"Iyong murder na hinawakan ko sa Alabang noong Enero," ani ni Jonathan sabay lagay ng cellphone sakaniyang bulsa, "Sarado na ang kasong iyon pero kinukulit pa rin ako ng ina na hindi pa rin nahuhuli ang lahat ng may sala."

Napakunot ako ng noo, "At anong opinyon mo patungkol doon?"

"Nagnakaw ang biktima ng kalahating milyon sa suspect, iyon ang sinundan ko kaya agad kong nahuli ang may sala."

Sa maikling kwento ni Jonathan ay bigla kong naalala kung paano pinatay si Vergel, "Pamilyar."

"Hmn?"

"Si Vergel," panimula ko habang inaalala ang detalye ng pagkamatay ni Vergel, "Kapatid ko sa ama, pinatay din siya kasi may pinag nakawan siya."

Nakita kong napagalaw ng panga si Jonathan sa ibinahagi ko, mukhang iniisip niyang may koneksyon.

"Sa tingin mo ba posible?" tanong ko.

"Kailan nangyari iyon?" nakakunot ang noong tanong ni Jonathan.

"2002," napakuyom ako ng labi sabay ipinagpatuloy ang sasabihin ko, "Noong umalis ako ng NBI."

Napatingin naman sa gilid si Jonathan na tila may iniisip, tinitigan ko siya ng ilang minuto upang hulaan kung ano ang iniisip niya hanggang sa tumingin siya ulit saakin.

"Pahiram ng motor mo."

Napakunot ako ng noo, "Bakit?"

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jonathan sabay abot saakin ng susi ng bahay niya.

"May iche-check lang ako, wala na akong oras para umuwi pa ng bahay. Kunin mo na lang sa kwarto ko yoong susi, sa likod ng pinaka gitnang sumbrero."

Alangan naman akong inabot sakaniya ang susi ng motor ko.

"Saan nakasabit yoong mga sumbrero mong iyon?" tanong ko bago pa siya makalakad palayo.

Humarap siya saakin saglit, "Sa likod ng pintuan!"

At tuluyan na niya akong iniwan. Napailing na lamang ako at dinampot ang bolang binitawan niya, malapit ko na ring sunduin si Jazzquin kaya kailangan ko nang makaligo.

Mayamaya ay nilisan ko na ang court at tinahak ang bahay ni Jonathan, apat na minutong lakaran lang iyon pero tinamad pa siyang takbuhin.

Agad akong napatigil nang may namataan akong babae sa tapat ng bahay ni Jonathan, noong una ay hindi ko ito nakilala pero nang makalapit ako.

"Ms. Lily?" kuha ko sa atensyon niya.

Napalingon naman siya sa direksyon ko at bahagyang umawang ang bibig. Anak siya ni Atty. Eusebio, yoong abogadong natagpyan patay sa Luneta.

"Hi! Agent Schwarz, right?" tukoy niya saakin na tila hindi sigurado, napatango na lamang ako bilang kumpirmasyon.

Sa litrato ko lang siya nakita pero wala iyon halos pinagkaiba kapag harapan, ang kakaiba lang ay mas mahaba ang buhok niya ngayon.

Napalingon siya saglit sa bahay ni Jonathan at itinuro ito, "Nandito ba si Jonathan? Ilang araw na kasi kaming hindi nakakapag usap, I tried to call him pero hindi niya sinasagot."

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang tiyan, naka itim siya kaya hindi ko agad napansin ang medyo nakaumbok niyang tiyan.

Ah, hindi saakin naibahagi ni Jonathan ang parteng iyon.

"I'm sorry, umalis siya," tapat kong sabi sakaniya.

Napakuyom si Ms. Lily ng labi sabay turo ng sasakyan ni Jonathan, "Pero nandito yoong sasakyan niya and kung hindi ako nagkakamali ay dito rin sa bahay niya ang punta mo."

"That..." napakamot ako ng ulo, hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula, "Hiniram niya yoong motor ko, actually katatapos lang namin mag laro."

Bumaba ang tingin niya sa bola na hawak ko, mukhang naniwala siya, "Sinabi niya ba saiyo kung saan siya pupunta?"

"Hindi," iling kong sabi, "Pero ang sigurado ko lang ay patungkol sa trabaho, nandito rin ako para hiramin ang sasakyan niya."

Itinaas ko pa ang susi ng bahay ni Jonathan bilang pruweba, tinanguan na lamang ako ni Ms. Lily pero bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.

"Can you tell him na tawagan ako? I mean, kung sakali man magkita ulit kayo?" pag hingi saakin ng pabor ni Ms. Lily, "It's really really important."

"Sure," agaran kong sagot na may kasama pang pag tango.

"Thank you," ani niya sabay talikod na saakin, napansin kong nakaparke siya sa kabilang kanto lamang.

"I gotta go," paalam niya sabay talikod.

"Ms. Lily," tawag ko sakaniya, napatigil naman siya mula sa paglalakad at napalingon saakin saglit.

"Mabuting tao si Jonathan," sabi ko sakaniya, bahagya namang lumuwag ang ekspresyon ni Ms. Lily sa sinabi ko,

"He is the better man."

Napakuyom siya ng labi at napapikit, pagkaraan ay tumango bilang pag sang-ayon.

"I know."

Pinanood kong sumakay si Ms. Lily sa sasakyan niya at magmaneho palayo, hinintay ko pa siyang mawala sa paningin ko bago pumasok ng bahay ni Jonathan.

Hindi na ako nag sayang pa ng oras at sinimulan ko na agad maligo, mag a-alasingko na kasi.

Nang matapos ay dumiretso ako sa kwarto ni Jonathan para doon mag bihis.

Habang sinusuot ang itim kong t-shirt ay hindi ko naiwasang basahin ang mga ginupit na parte ng pahayagan sa  maliit na bulletin board ni Jonathan.

Karamihan doon ay artikulo patungkol sa pagpatay dahil sa pera, mga litrato ng biktima at mga lugar kung saan sila pinatay.

May mga sticky note din kung anong mga taon nangyari ang krimen at ang pinaka matagal ay 2005.

Kung gayon, kung totoo mang may koneksyon ito sa nangyari kay Vergel ay 2002 pa ito nangyayari.

Napaigting ako ng bagang, sinong demonyo naman kaya ang nasa likod nito?

Agad napako ang paningin ko sa litrato ng isang babae, hindi ito masyadong pansin dahil maliit lang naman at wala sa sentro ng board. 

30's? Palagay ko nasa mid, idagdag pa na naka black and white ang litrato kaya di ko sigurado kung tama ang edad na hula ko.

Napiling na lamang ako at kinuha na ang susi sa likuran ng pintuan ni Jonathan.

---

"Alex."

Napalingon ako kay Mark nang tawagin niya ako, itinaas niya ang folder na kinuha niya upang siguraduhin kung tama ang kinuha niya sa opisina ko, "Ito ba iyon?"

Tumango ako bilang sagot sabay sipa ng bahagya ng monoblock na tapat ko, nilapitan naman iyon ni Mark at doon umupo.

"Wow, makapal nga," komento ni Mark sabay lapag at bukas ng folder, "She's tough, huh?"

"Oo," pag sang-ayon ko sa sinabi niya, "Nakuha kong malaman ang kasarian at motibo niya sa pag patay, pero hindi ko alam kung anong maskarang sinusuot niya para makihalubilo sa lipunan."

Sinimulan ko naman idistribute ang bawat papel sa lamesa ng meeting room, "Una niyang strike ay sa Shaw Boulevard kung saan pinatay niya ang ilang pulitiko at artista, kung makikita mo ay human centipede ang disenyo dahil karamihan sa mga iyan ay sipsip at nagpu-punas ng pwetan ng isa't isa."

Napatango si Mark sa simpleng paliwanag ko habang pinagmamasdan ang hinarap kong litrato sakaniya.

"Isa rin sa mga trademark ni Jenny ay laging nakahubad ang pangibaba ng mga biktima niya, may ibang mutilated ang ari at mayroon din hindi. Hindi ko pa sigurado kung bakit pero ang teorya ay yoong iba niyang biktima ay tinotolerate lang na may nangyayaring... karahasan."

"Tapos ang mga mutilated ang ari ay mga sexual offender mismo?" pag konkluda ni Mark.

"Oo," tango tango kong sabi, "Sumunod na biktima ay si Cash, iyong dating nagha-hawak talaga ng kaso ni Jenny."

Sa sinabi ko ay alangang tumingin saakin si Mark, "Is he?"

"Sexual offender?" pagtatapos ko sa tanong niya, napatango naman si Mark.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko sabay tango, "Oo, may nakita akong Date-Rape drug sa pitaka niya."

Hindi na nakasagot si Mark sa sinabi ko, ako naman ay nagpatuloy na lang sa paglalapag ng mga litrato.

"At ito," lapag ko sa litrato ni Atty. Eusebio, "Ang pinaka huli, the rest ay panay copycat na ang may gawa. Pwede mo silang ikonsidera na canonically 3, for now."

"I know him," tukoy ni Mark kay Atty. Eusebio, "Lily, his daughter. She's my friend since high school."

"Woah? Bakit hindi kayo magkakilala ni Jonathan noong umpisa pa?" takang tanong ko sakaniya.

"I knew about Jonathan, pero ako ang hindi niya kilala," sagot ni Mark habang nakangiti, "Abala rin ako sa sarili kong trabaho, wala rin kaming oras kahit makapag kumustahan, nalaman ko lang na mayroon namamagitan sakanila ni Jonathan noong nakaraang linggo. Iniiwan ko kasi yoong anak ko kay Lily minsan."

Ngayong binuksan niya ang tapika patungkol sa anak niya ay muling namuo ang kyuryusidad saakin.

"Ilang taon na ang anak mo?"

"10," sagot ni Mark sabay buklat ng pitaka niya, pagkaraan ay iniharap niya ito saakin sabay pakita ng isang litrato ng batang lalaki.

"Hindi mo kamukha," natatawang komento ko matapos kong pagmasdan ang bata.

"Yeah, he's the carbon copy of his mother," sabi ni Mark sabay titig sa litrato ng anak niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot na bumalot sa mata niya.

Ayoko nang makiusosyo kaya dinaan ko na lang sa biro.

"Mahabang storya?"

"Yeah," pag sang-ayon saakin ni Mark sabay tago muli ng pitaka sa kaniyang bulsa, "Maikling oras lang iyon pero kung ikukwento ay mahabang storya."

Napangiti na lamang ako at hinanay na muli ang mga papel sa harapan niya.

"Anong masasabi mo?"

Bumalik sa pagiging seryoso ang modo ng buong meeting room, isa isa ring pinag masdan ni Mark ang mga litratong ipinakita ko sakaniya na tila may pinagbu-buklod buklod.

Mayamaya ay kinuha niya ang litrato ng Shaw Boulevard Massacre.

"Hindi ba masyadong marami ang biktima nito para gawin lang ng isa?"

"Sa totoo lang ay medyo nagda-dalawang isip rin ako sa Shaw Boulevard," sabi ko sabay turo sa dalawang mag isa na biktima, "Pero naka buo ako ng letrang J kasama iyan."

"J?"

Upang mas maipaliwanag ko ay pinagdikit ko ang litrato ni Atty. Eusebio at ni Cash, pagkaraan ay inilagay ko sa itaas ang litrato ng Shaw Boulevard.

Napakurap naman si Mark, "Dito nakuha ang pangalan ni Jenny?"

Napatango ako bilang sagot.

"Pero parang ang labo lang na iisa ang may gawa nito," turo ni Mark sa litrato ng Shaw Boulevard Massacre, "How about the other customer? Doon sa club."

"Nasa V.I.P room ang mga biktima," depensa ko, "Pakiramdam ko rin ay wala silang malay nang tahiin sila ng sama sama."

Inabot ko kay Mark ang autopsy record ng ilang biktima, "May bakas din ng drug sa bloodstream ng bawat isa."

Dinampot ni Mark ang listahan na ginawa ni Wojtek, "Ano ito?"

"Characteristics ni Jenny," simple kong sagot, "You see, nagre-resolba ako sa pamamagitan ng paglalagay ng sarili ko sa sapatos ng biktima. Hindi ko magamit ang empathy ko para makita ang perspective ng suspects."

"Kaya ka nakabase sa background ng biktima at kung ano ang nasa crime scene?"

"Oo," pag sang-ayon ko muli.

"May kakaiba ka bang na observe sa crime scene?" seryosong tanong saakin ni Mark, "Kahit alin man sa tatlong ito."

"May ginawang isang bagay si Jenny na sobrang... careless," sabi ko sabay turo sa litrato ni Cash.

"Sa karaoke room pinatay si Cash, yoong pintuan ng room ay sira," pag-alala ko sa pagi-ikot ng door knob ng karaoke room, "Medyo makalat gumawa si Jenny."

"Pero malinis na noong sumunod," bulong ni Mark, "There it is, the loophole."

"Loophole?"

"Kung ikaw si Jenny, bakit mo hahayaan na gawin ang krimen kahit alam mong sira ang pintuan ng karaoke room na pinagsasagawaan mo ng obra?" makahulugang tanong saakin ni Mark, "Kasi kampante ka na walang papasok."

"Sinasabi mo bang kasabwat ang lahat ng nagta-trabaho sa karaoke room noong gabing iyon?"

"Iyon ang nakikita ko," tango tangong sabi ni Mark, "Paano kung lahat ng nasa loob ng club na ito ay kasabwat?"

Bumaba ang tingin ko sa litrato ng Shaw Boulevard Massacre, nakatuon doon ang daliri ni Mark kaya nang ilipat niya ang turo sa litrato ni Cash ay sumunod din ang paningin ko roon.

"Paano kung ang lahat ng nagta-trabaho sa Karaoke House noong gabing iyon ay kasabwat?"

Alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

Paano kung lahat ng pulubi na nakausap namin sa Luneta ay kasabwat?

Doon ko lang naalala kung gaano kahirap kausap ang mga pulubi nang mag tanong kami, may isa pa ngang bata na tinatanong ng maayos pero sinipa niya lang ang officer sa binti.

Hindi ko naisip na ayaw lang nitong magsalita.

"Kung gayon, kailangan nating tanungin ang mga taong iyon?" paninigurado ko sa susunod naming hakbang.

"Iyon ay kung naroon pa sila," sabi ni Mark sabay tayo, "Tanda mo ba ang mga mukha ng nakausap mong staff sa Karaoke House?"

Napatango naman ako, "Oo."

"Pumunta muna tayo sa Karaoke House," sabi ni Mark sabay tingin sa mga nakakalat na papel, "Mukhang madadagdagan pa ang mga papel na ito."

Agad akong kumilos para kunin ang susi ng motor ko sa opisina, saglit ko pang tinext si Jazzquin dahil oras na ng tanghalian.

Eat well, baby. – Ako.

Yes, Mr. Romantic. – Quin.

Natawa na lang ako sa sinabi niya at inilagay na ang cellphone sa aking bulsa.

Sa oras na matapos ang lahat ng ito ay makakahinga na ako ng maluwag.

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko ang salitang kasal.

---

Hindi maiwasan ng utak ko na maglaro habang naka tulala sa kisame.

Maga-alauna na ng madaling araw, yoong dalawang pusa ko ay tahimik nang nagpapahinga sa labas at kaunti na lang rin ang dumadaang sasakyan sa labas. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang electric fan na panay ang lingon ng kaliwa't kanan.

Sana pala ay pumayag ako nang niyaya akong matulog ni Jazzquin sa bahay niya kanina.

Habang abala ako sa panonood ng telebisyon ay sinubukan ko nang sabihin kay Quin.

"Quin."

"Hmn?" puna niya habang nagti-tipa ng article.

Napagalaw ako ng panga, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ng hindi nagmu-mukhang natatakot.

"Noong birthday ni Adam, may natanggap akong sulat," panimula ko, sinubukan ko pang huwag pumiyok.

"Letter about what?"

Napaayos naman ako ng upo bago sumagot.

"Death threat."

Dinig na dinig ko pag tigil niya sa pagtipa, nakatalikod rin siya saakin kaya hindi ko makita kung ano ang ekspresyon ng mukha niya.

"Huwag kang mag alala, hindi naman big deal," natataranta kong sabi sakaniya, "Tinatakot lang ako noon para itigil ang imbestigasyon na ginagawa ko."

Hindi pa rin siya sumagot sa sinabi ko pero nagpatuloy na siya sa pagti-tipa muli.

"I'm sorry, ngayon ko lang sinabi. Ayoko lang na dumagdag pa ako sa alalahanin mo."

Bahagyang lumingon saakin si Jazzquin at bahagyang ngumiti, "I know."

Isang malalim na paghinga naman ang ginawa ko at niyakap siya sa likuran.

"Galit ka."

"Stay here," pagi-iba niya ng tapika, "Kung sino man iyon ay alam niya kung saan ka nakatira."

Kaso nga lang ay may pupuntahan pa kami bukas ng umaga ni Mark at sasakyan niya ang gagamitin namin dahil malayo.

Mayroon kasi kaming binabantayan.

"Dito pa ba nagta-trabaho ang babaeng ito?" tanong ko sa manager ng Karaoke House.

Naningkit ang mga mata ng Manager upang mas makita ng maigi ang nasa litrato.

"Si Monique? Nako hindi na, simula nang may patayin dito ay ilang linggo lang rin ay nag resign na siya."

Bahagya akong napalingon kay Mark sa isinagot saakin ng manager, hindi rin  iyon nag tagal dahil dinugtungan ko iyon ng sunong kong tanong.

"Eh ito ho?" tanong ko sabay abot muli ng litrato ng isang lalaki, "Ang alam ko ay gwardya siya dito."

"Kaka resign lang din niyaan kahapon," sagot saakin ng manager sabay abot saakin ng litrato pabalik, "Ang alam ko ay may cancer sa atay si Mang Silas."

"Iyong Monique, sinabi niya ba ang dahilan kung bakit siya nag resign?" sabat na ni Mark sa usapan.

Napakibit balikat ang manager, "Ang sabi sa resignation letter niya ay mas nakahanap siya ng mas magandang trabaho, pero iyon naman ang kadalasang laman ng resignation. Hindi ba?"

Noong una ay medyo tagilid ako sa teorya ni Mark, pero nang marinig ko mula sa manager ang pagre-resign ng dalawang staff na naka duty noong gabing pinatay si Cash ay bigla rin akong nagduda.

Mukhang may mga parte akong nakaligtaan.

Pero acceptable ang mga dahilan ng mga staff, kung nag resign man si Monique dahil natakot siya para sa buhay niya ay normal lamang iyon, hindi ba? Kung na diagnose man na may cancer ang gwardya ay karapatan niya ring mag pahinga.

Naitakip ko na lamang ang kamay ko sa aking mata, kaya nga bibisitahin niyo si Mang Silas sa Tanay bukas Alex, hindi ba?

Imbis na magkalikot pa ng imahinasyon ay inabala ko na lang ang sarili ko na makatulog.

Nagtagumpay ako makalipas ng limang minuto, pero agad rin iyong naantala makalipas ng tatlumpung minuto.

Saglit kong binuksan ang mata ko upang kumpirmahin kung yoong tunog ba ng cellphone ko ay totoo o panaginip, nang mapagtanto kong totoo ay hindi ko naiwasang irolyo ang mata ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago bumalikwas at kunin ang cellphone sa bed side table.

"Hello?"

"Alex," agad nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Mark, "Pinapatawag tayo ni Adam sa Mall of Asia."

Bahagyang umawang ang labi ko, "Huwag mong sabihing..."

"Oo, may bangkay na natagpuan doon," pagkumpirma ni Mark sa hinala ko, "Papunta na ako roon."

"Papa saan tayo pupunta?"

Bahagya akong natigilan nang marinig ko ang boses ng isang batang lalaki, mukhang kasama ni Mark ang anak niya.

Agad kong pinatay ang tawag para makakilos na, kahit pa gusto ng katawan ko na humiga muli ay ayaw na ng utak ko. Masyado itong sabik na matukoy kung si Jenny ang may kagagawan nito o isa sa mga copycat niya.

Bigla namang nanayo ang mga balahibo ko sa aking naisip, parang nagiging baliw na ako sa kasong ito.

Hindi, masyado lang akong sabik na matapos ang lahat ng ito. Dahil sa oras na maisara at mahuli si Jenny, makakaalis na ako ng NBI.

Magiging normal na ulit ang buhay ko.

Hindi na ako nag atubiling palitan ang puting pang itaas ko at nagsuot na lamang ng pantalon sabay labas ng bahay, bahagya pa akong napamura nang malaglag ang susi ng motor ko kamamadali.

Saktong pagkapulot ko ay tumawag si Adam.

"Nasaan ka na?" tanong saakin ni Adam, rinig ko ang mahinang hampas ng tubig sa batuhan.

Nasa sea side.

"Papunta na ako," sabi ko sabay sakay ng motor ko at alis ng stand nito, "Tinawagan na ako ni Mark."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Adam at pinatay na ang tawag, hindi ko kayang makipag usap habang nagmo-motor.

Madaling araw at wala nang traffic kaya halos labing limang minuto ko lang tinahak mula bahay hanggang MOA.

Pagkarating ko ay naroon na si Mark, kinakausap si Adam.

Habang nilalakad ang direksyon nila ay napalingon ako sa sasakyan sa hindi kalayuan. Doon ko nakita ang sasakyang dala ni Mark, sa shotgun ay may batang lalaki na nakapirming nakaupo.

"Adam," agad na bungad ko nang makalapit ako sa direksyon nila.

Naglakad si Adam at sumenyas na sumunod kami ni Mark sakaniya, napansin ko agad na palapit kami sa dancing fountain.

"Naroon siya sa itaas," sabi ni Adam sabay labas ng litrato, agad ko naman iyong inabot at pinagmasdan.

Agad kumunot ang noo ko, naka destino ang bangkay sa ikalawang palapag ng fountain, sa pinaka gitna, "Paano nailagay ang biktima doon ng walang nakakapansin?"

"Iyon din ang tanong ko," sabi ni Adam, "Ang biktima ay si Larry Quinto, kalalabas lang niya ng kulungan noong Hunyo."

"At ang kasong kinaharap niya ay?"

"Rape," mabilisang sagot ni Adam sa tanong ko, naagaw ang atensyon ko nang may ibigay saaking folder si Mark.

Agad kong binasa ang laman ng folder na inabot saakin ni Mark.

Wala nang pamilya ang biktima maliban lamang sa anak nitong nasa Saudi, teorya ko ay hindi maganda ang relasyon ng mag ama dahil simula nang makulong ito ay wala sila ni isang komunikasyon.

Huling namataan ang biktima kanina sa Malate, naghahanap ng trabaho.

"Kailangan kong makita ang crime scene, Adam," sabi ko kay Adam habang sinasarado ang folder.

Agad naman kumausap si Adam ng isang forensic investigator, pagkaraan ay lumapit ito saakin at nag abot ng plastic jeans at pares ng gloves.

"Naroon sa may likuran yoong hagdan," sabi ni Ara saakin, isa sa mga kilala kong forensic investigator.

Tumango lamang ako bilang sagot at umupo sa gilid ng dancing fountain, sakop ng plastic jeans na ito mula baywang ko hanggang talampakan kaya paniguradong hindi ako mababasa.

"Sa tingin ko tama ka, Mark," ani ko nang makalapit saakin si Mark, "Masyadong mahirap kung isang tao lamang ang gumawa nito."

Napatango naman si Mark bilang pag sang-ayon, "Hindi ko lang rin mawari kung paano napunta ang bangkay sa ibabaw ng walang gwardyang nakapansin. Apat hanggang tatlong oras pa lamang na patay ang biktima."

"Iyan ang aalamin ko sa itaas," sabi ko sabay higpit ng pagkakasuot ng plastic jeans na suot ko, "Gusto mo bang sumama?"

"Ah hindi na muna, kailangan kong tignan tignan si William," tukoy ni Mark sa anak niyang nasa sasakyan, napadako naman ang tingin ko roon at napansin kong panay linga nga ng anak niya.

"Walang kasama sa bahay?"

"Hindi, nagkusa siyang sumama" kamot ulong bahagi ni Mark, "Malaki ang interes niya sa ganitong trabaho."

"Nako," tila naman kinabahan kong sabi sabay tayo, "Mukhang may susunod sa yapak ng ama."

"Dapat na ba akong kabahan?" natatawang tanong ni Mark saakin, nagsimula na naman akong lusungin ang fountain.

"Bata pa naman si William, maisasalba mo pa siya," biro kong sabi sabay lakad na papunta sa hagdan.

Mga ilang hakbang lang ang inakyat ko bago ko natunton ang tuktok, may tatlo ring ibang forensic investigator akong kasama sa itaas.

Iyon siya, nakaplakda sa pinakagitna. Naka dilat ang mga mata habang ang likuran ay bahagyang nakabukas.

"Mukha siyang binalibag," komento ng isang forensic investigator habang pinipindot ang likuran ng biktima, "Wasak ang likuran niya."

Unang Deduksyon.

Base sa suot nitong hati sa gitnang polo ay pinahirapan muna ito bago patayin, kumpirmado rin na kasama ito sa magiging papel ni Jenny dahil wala itong pang ibaba na suot.

Pangalang Deduksyon.

Yoong wasak na tali na bahagyang nakapulupot sa kamay niya, napansin ko rin may marka ang paa niya ng tali kaya wari ko'y magkadikit dapat ang kamay at paa niya na nakatali.

Dumantay ang tingin ko sa likuran ni Mr. Quinto, halatang may pwersa na nangyari kaya nabuksan iyon.

Ang pwersa ring iyon ang dahilan kung bakit nasira ang tali.

Hindi ko alam pero napatingala ako sa madilim na langit.

Posible kayang?

"Papa!"

Agad akong naalarma nang marinig ko ang pagtunog ng isang umaalarmang sasakyan kasabay ng sigaw ng batang lalaki, dumantay ang paningin ko sa direksyon kung saan naka parke ang sasakyan ni Mark.

"William!" sigaw ni Mark, takot na takot.

Bahagyang umawang ang labi ko nang makakita ako ng isang lalaki, may kutsilyo itong itinutok sa leeg ni William.

"Tigil!" pagtutok ng baril ni Adam sa lalaki.

Agad ko ring niluwagan ang pagkakatali ng plastic jeans na suot ko at hinawakan ang baril na nasa tagiliran ko.

"Hindi ko ipapahamak ang bata!" sigaw ng lalaki na tila hirap na hirap, "Kailangan ko lang makuha ang atensyon niyo."

Biglang nanayo ang mga balahibo ko nang makita kong dumantay ang paningin saakin ng lalaki, takot na takot ito at tila nanghihingi ng tulong ang mga mata.

"Pinapasabi niya na tandaan mo."

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko sa narinig ko.

Magta-tanong na sana ako nang magsimulang umubo ito ng malala, dahil doon ay lumuwag ang pagkaka hawak niya kay William at nagkaroon ng pagkakataong makatakbo sa ama.

Habang pabagsak ng pabagsak ang lalaki ay panay ang ubo nito, hindi rin kalauna'y nasamahan na ito ng dugo.

Agad siyang nilapitan ni Adam at pinahiga.

"Sinong nag utos saiyo?"

Hindi ito sumagot at panay lamang ang labas ng dugo nito sa bibig, bahagyang umuwang pa ang labi ko nang magsimula na nitong habulin ang hininga niya.

"Sino?!"

Tila naman nabingi ako sa klase ng pagdaing ng lalaki, may kasama rin itong pag singhap at marahas na pag habol ng hininga.

Hindi pa dumadaan ang tatlong minuto ay nagsimula na itong hindi gumalaw.

"Putang ina!" mura ni Adam nang walang nakuhang sagot.

Agad akong nabalik sa kasalukuyan nang maradaman ko kung gaano na kahigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko, nagsisimula na rin itong mamanhid sa kawalan ng dugo.

Bumaba ang tingin ko kay Mark, mahigpit ang pagkakayakap at pagkakabuhat nito kay William na hanggang ngayo'y umiiyak pa rin.

"She is deep."

Hindi ko alam pero bigla kong narinig ang boses ni Wojtek.

"Cold? Pwede na rin."

Bumaba ang tingin ko sa bangkay ni Larry Quinto, madilim kaya hindi ko agad napansin ang dugong lumalabas sa bukas niyang likuran.

"She is art-centered. Ito ang pinaka importante."

Paikot ikot lang ang tubig ng fountain, malapot ang dugo pero dahil sa may tubig naman ay hindi iyon mangyayari.

Anong art doon? Solid na mga bagay lang ang finifilter ng isang fountain, kaya kahit dumaan ang tubig doon na may halong dugo ay walang mangyayari.

Sumakatuwid ay magkakaroon ng Dancing fountain show kinabukasan, yoon nga lang ay may halong dugo ang tubig.

Dumako naman ang tingin ko sa lalaking nagtutok ng kutsilyo kay William.

"Hindi siya marunong gumamit ng mga letra."

Kung gayon.

"Adam," wala sa sariling tawag ko sa aking Head Agent.

Napalingon naman saakin paitaas si Adam, "Oh?"

Napalunok ako at niluwagan ang pagkakakuyom ng kamao ko.

Mukhang nakarating na ang balita sakaniya patungkol sa mga copycat.

Tandaan mo.

"Siya ito."

Bahagyang lumuwag ang pagkakakunot ng noo ni Adam sa narinig, napansin ko ring naagaw ko ang atensyon ni Mark.

Sinalubong ko ang tingin ni Adam at binitawan ang aking konklusyon.

"Si Jenny ito."

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 262 38
Set in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileg...
5.2K 536 40
What happens when a wizard in training summons a succubus? Orphaned at a young age, Merlin wanted nothing more than to avenge his brother. Now that h...
52.6K 2.8K 29
REMEMBER ME SERIES # 1 - Demetria Madison Stewart thought that she had finally found her soulmate and her 'other half'. She believed in destiny and s...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...