Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 19

314 20 3
By CrabLamb

CHAPTER 19

[ Team ]

---

Alex's Point of View

"Alex."

Napalingon ako nang tawagin ako ni Papa, pero hindi rin kalauna'y ay nag patuloy ako sa pag i-impake ng damit.

"Saan ka lilipat?" tanong niya saakin.

"Sa Intramuros," simpleng sagot ko habang nagla-lapag ng mga damit sa bag, "Mas malapit sa Malayan."

Hindi siya nakasagot.

Siguro ay nakapagta-taka na kung kailan ako nagi-impake ay saka lang siya magta-tanong kung saan ako lilipat.

Sa loob ng siyam na taon na pananatili ko sa puder niya ay hindi naman kami nagkaroon ng matinong konbersasyon ni Papa. Kahit pa nasa i-isang bubong lang kami, kahit pa sa i-isang lamesa kami kumakain at i-isang banyo na pinagliliguan.

Walang komunikasyon, hindi katulad ng ibang mag ama.

Nakakasagap lang kami ng balita sa isa't isa kada may iu-uwi siyang babae o kaya naman kada nakaka-resolba ako ng panibagong kaso. Ang tanging nasasabi lang yata namin sa isa't isa ay...

"Oo,  medyo kumplikado yung kaso."

"Ah, si Apple pala. Taga diyaan lang."

Pero ngayong wala na ako sa NBI at sapat na ang naipon ko para makapag pundar ng sariling bahay ay pwede na akong umalis.

Hindi, pwede na akong lumaya.

Mula sa galit ko kay Sebastian, hanggang sa personal na problema ng pamilya ko.

Gusto ko na maging normal, hindi ko makakalimutan ang lahat pero gusto kong lumikha ng mga positibong alaala malayo sa mga bagay na magpapaalala saakin ng mga bangungot.

"Mag gu-guro ka na, huh?" pagi-iba niya ng tapika, "Mas bagay nga saiyo iyon, malumanay na trabaho. Kagaya ng Mama mo."

Mahapdi kong naisara ang zipper ng bag. Gusto kong ibulalas na wala siyang karapatan na banggitin si Mama para lang makausap ako, gusto kong ibulalas na wala siyang karapatan na magbigay ng konklusyon patungkol sa ugali ko, na wala siyang karapatan na makibalita sa kung ano ang bago sa buhay ko.

"Balita ko malakas ang kita ng talyer mo,  ipagpatuloy mo lang iyon," tanging nasabi ko sabay sukbit ng bag sa balikat ko, "Babalikan ko iyong ibang gamit ko, hindi pa ako nakakabili ng aparador."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nilampasan na siya.

Habang nababa ako ng hagdan ay agad nahagip ng mata ko si Vergel. Kapatid ko sa ama pero anak ng pangalawang kabit ni Papa.

Mas bata siya saakin ng apat na taon, sumakatuwid ay matagal tagal na rin pa lang nagta-taksil si Papa kay Mama.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Mag si-sindi ng damo?" diretsahan niyang pag amin.

Hindi katulad ko na tago ang galit sa ama, iba si Vergel. Hindi kami gaano nagu-usap dahil walang matinong konklusyon kapag nagu-usap kami, pero hindi ko maiwasang isipin na kahit papaano ay may natitira pa akong kapatid.

"Sa tingin ko hindi magandang ideya iyon," pangaral ko sakaniya.

"Ah, oo nga pala. Pulis ka nga pala, anong gagawin mo? Maglalabas ka ng posas at sasabihing may karapatan akong manahimik at kumuha ng sariling Abogado?" maangas na tanong ni Vergel, "Ay, kung tama ang naalala ko ay hindi ka na Pulis. Paano mo ako isu-suplong kung noong Pulis ka pa ay hindi mo nagawa?"

"Kayang kaya kita i-suplong pero alam kong nagbe-benta ka lang, hindi gumagamit."

Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Vergel sa isiniwalat ko.

"Sa tingin mo ba hindi ko alam ang pinagkaiba ng gumagamit sa hindi?" makahulugan kong sabi, "Alam nating dalawa na mas adik ka sa mga laro sa computer mo."

"Sino ka ba?" iritado na niyang tanong, "Kuya ba kita?"

"Hindi ba?" pag gaya ko sa tono ng pananalita niya.

Umawang ng kaunti ang labi ni Vergel pero agad rin iyong sumara, makalipas ng ilang segundo na hindi pa rin siya umuuntag ng kahit na ano ay nagsalita muli ako.

"Itigil mo na iyan, bago pa masira ang buhay mo," sabi ko sabay ayos ng strap ng bag ko sa balikat.

Gusto ko sanang ibahagi sakaniya kung paano ako nakaahon, ilang taon lang ako nang mag hiwalay si Mama at Papa pero pinilit kong intindihin kahit pa hindi kaya ng utak ko.

Nang iwan ni Papa ang ina ni Vergel ay 14 years old na ito. Kahit papaano may isip na siya.

Pero naga-alangan ako dahil baka hindi naman siya makinig, na maging sarado ang tainga at isip niya, na sabihin niya na hindi ako siya.

Na magkaiba kami.

"Kung gayon ay sabihin mo sa walang kwenta nating ama na sana, imbis na sa bisyo niya ibinuhos lahat ng pera niya ay dapat saatin."

Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi ni Vergel, pero hindi ako lumingon.

Narinig ko ang mga yabag niya palapit saakin at bahagyang binangga ang balikat ko, "Akala mo ba ikaw lang may karapatang kumita ng pera para sa sarili mo? Sa tingin mo ba makakapag hintay pa ako na makatapos sa pag-aaral para makahawak ng sariling pera?"

"Maraming ibang paraan."

"Hindi ako pasensyadong tao katulad mo, alam mo naman siguro iyon," sabi niya sabay suot ng hood ng jacket niya, "Kung saan malaki at mabilis, papatusin ko."

Napagalaw ako ng panga, walang ibang paraan para mabago ko ang isipan ni Vergel. Sigurado ako doon.

"Umalis ka na, Alex," sabi ni Vergel sabay talikod, "Kung ako saiyo ay hindi na ako babalik dito. Hindi ito impyerno, pero wala kang ibang makukuha dito kung hindi pagkadismaya."

Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang pagkawala ng bulto ni Vergel sa paningin ko.

Iyon ang unang pagkakataon na kahit papaano'y nagkaroon kami ng pagu-usap, iyon rin ang unang pagkakataon na nagpakita kami ng respeto sa isa't isa.

Pero iyon din ang huling pagka-kataon na nakita ko siyang buhay.

---

Habang binabasa ko ang papel na nakita sa drawer ni Vergel walong taon na ang nakararaan ay hindi naiwasan ng utak ko na lumipad.

Isa itong death threat. Bagay na malinaw na isinantabi ni Vergel noon.

Mabuti na lamang at natago ito ng maayos ng Investigator Agent na humawak. Gusto ko lang ikumpara kung ano ang daloy ng death threat na natanggap ni Vergel sa natanggap ko.

Pinatay si Vergel dahil may kinupit siyang pera mula sa isang taong hindi dapat niya binangga, hindi na ako nagulat na kasama ang pagbawi ng pera sa naturang death threat.

Mahinahon pa ang tono pero may pagba-banta, iyon ang nakasaad sa letrang ibinigay kay Vergel.

Ibig sabihin ay binigyan pa siya ng pagkakataon na ibalik ang pera, pero base sa nakita sa ilalim ng kama ni Vergel ay hindi niya iyon ibinalik.

Hindi ko alam kung dahil alam naman ni Vergel na kapag ibinalik niya ay papatayin rin naman siya.

Pero ano ang nag tulak kay Vergel para kunin ang perang iyon?

May nagsasabi na may nag-utos sakaniya, mayroon kasing isang tao na nagpanggap na PNP para makuha ang pera na iyon. May ginamit itong silicon na mask na hawig na hawig ng isang officer kaya walang nakakita ng tunay niyang mukha.

Sumakatuwid ay umikot ang lahat sa pera. Galing ba ito sa nakaw? Sa droga? Wala pa rin espikasyon hanggang ngayon, pero isang daang porsyento ang ipupusta ng NBI na ilegal ito.

Sa natanggap ko naman kay Jenny.

Alex,

So you are him. The predators of all predators, the wise observer, the Sherlock Holmes of NBI.

At first, I was damn impressed. Honestly, you made me a wet, a bit. But knowing how pussy you are than my victims makes me feel so disgusted.

You could have ended this long before you even started, but you just made it easy for me. The news about you? Oh they definitely made you a sitting duck, how does it feel to be their puppets? If it feels good then guess what? You are doing great!

Sadly, it's not enough to surpass me. Failure will happen again, and again, and again. Just like how you failed to protect your little sister.

My murder is my art of killing, what's yours? Art of sister despair?

Pity, you're quite handsome. Thankfully, smashing someone's face is not my style. Would you prefer to be hanged publicly while your blood is dripping from your navel? Or would you rather be eaten by a pig? I could insert you inside its belly, you know I can.

You want to live longer? Stop finding me. If not, watch your back.

Jenny.

Makikita sa letrang ito ang development ng impresyon niya saakin. Mula sa pagka impress, sa pagkairita, hanggang sa layunin niyang patayin ako.

Dapat ang nasa isip ko ay nagpadala siya ng ganito dahil sa mga nakalipas na imbestigasyon ay baka may nadali na ako, baka may nadali na akong tamang pintuan patungo sa likod ng maskara ng nagi-isang Jenny the Stripper.

Pero hindi, bakit may parte pa rin sa utak ko na nagsa-sabi na parang may mali. Na may posibilidad na hindi rin siya ito?

Pinatibay lang nito na copycat ang pumatay kay Mr. Montano. Kahit pa parehas na Jenny ang nagsabi saakin na naa-attract sila saakin at na-impress ko sila ay magkaiba pa rin ang hangarin nila.

Ang isa ay gusto akong maghanap pa, ang isa naman ay gusto akong tumigil.

Isang napaka laking loophole.

Tinignan ko ang listahan na ginawa ni Wojtek nang mag-usap kami.

"She looks... obsessed," komento ni Wojtek habang binabasa ang letra ng kumopya kay Jenny, yoong pumatay kay Mr. Montano.

"Alam ko," parang may nalasahang panis na sabi ko, "Kahit ayokong marinig ang detalye. Sige, anong naiisip mo?"

"Katunog mo na si Adam," biro ni Wojtek.

"Dapat na ba akong matakot?"

Bahagya kaming natawa sa sinabi ko.

"Ang sabi mo, kapag inilalagay mo ang sarili mo sa sitwasyon ng biktima. Nalalaman mo kung ano yoong nararamdaman nila kapag kaharap nila ang kriminal."

Tumango tango ako bilang sagot.

"Anong naramdaman mo noong inilagay mo ang sarili mo kay Cash?"

Napagalaw ako ng panga bago sumagot, "Pakiramdam ko ay sabik na sabik ako sakaniya."

Napakuyom ng labi si Wojtek sa sinabi ko, mukhang hirap din na marinig na ganoong tao si Cash. Pero agad niya iyong naisantabi at nagmuwestra na magpatuloy ako.

"Pakiramdam ko..." bahagyang kumulubot ang noo ko upang alalahanin yoong eksaktong naramdaman ko sa loob ng karaoke room, "Pakiramdam ko ay nakatali ako. Pakiramdam ko kahit na anong pakiusap ko sakaniya ay hindi niya ako pahahawakin."

Tumango si Wojtek at nagsulat sa papel, "Ang pumatay kay Cash ay hindi gaanong marunong mang akit."

Napakunot ang noo ko, "Huh?"

"Tama ka sa deduksyon mo na isang sociopath ang pumatay kay Cash," tango tangong sabi ni Wojtek, "Hindi marunong ang suspect sa komunikasyon, bakit? Ang posibilidad ay dahil masyado siyang galit at kapag nagsalita siya ay mababaliwala ang misyon niya. Kahinaan ng bawat Psychopath at Sociopath ang bibig nila, pero mas malala ang mga sociopath."

"Anong pinupunto mo?"

"Maraming paraan para mang akit," sabi ni Wojtek sabay turo sa papel, "Hindi kaya noong pumatay kay Cash ang bumulong at mag sabi ng mga maiinit na salita para akitin siya."

"Kung gayon..."

"Lumapit siya kay Cash ng nakahubad," konkluda ni Wojtek sabay sulat sa papel, "Iyon lang siguro ang alas niya na magpapapunta ng biktima sa lungga niya. Paniguradong naririnig mo boses ni Cash na kinakausap ang babaeng iyon pero wala kang maimahe na sagot."

Hindi ako nakasagot, wala nga akong makitang imahe.

"Okay," tumikhim muna si Wojtek sabay basa ng sinulat niya, "Una sa lahat, siya iyong tipo na hindi magpapadala ng ganitong sulat."

Itinaas ni Wojtek ang letra, "Oo, nakakaakit siya. Pero hindi siya marunong gumamit ng mga letra, she is deep, cold? Pwede na rin, maganda at perpekto ang katawan."

"Ano pa?"

"She is art-centered. Ito ang pinaka importante," bilog ni Wojtek sa isinulat niya, "Madumi siya gumawa ng crime scene pero nililinis niya iyon para maging presentable. Kung baga sa isang artist, minimalist siya. Hindi siya sobra mag disenyo."

"At ang pumatay kay Mr. Montano ay sobra," sabi ko na tila nakakasunod.

Tumango si Wojtek, "Hindi ko alam iyon pero mukhang nakita mo ang loophole."

"Paano kung maka tanggap ulit ako ng panibagong letra?" tanong ko.

"Maliit na porsyento na gagawin ng orihinal iyon," singkit ang mata ni Wojtek habang sinasabi iyon, napansin ko ring kumurap kurap siya, "Sa totoo lang hindi ko sigurado. Pero kung magpapadala man siya ay bumase ka na lang sa mga inilagay ko dito."

Inabot ko naman ang papel na inaabot ni Wojtek, tungo pa akong tinitigan iyon at nilaro laro sa daliri ko.

"May posibilidad ba na patayin niya ako?"

Napagilid ng panga si Wojtek sa itinanong ko, "Hindi."

"Paano mo nasabi?"

"May nakalaban din kaming sociopath ni Nathalie," bahagyang bahagi ni Wojtek, "Nang malaman namin ang patungkol sakaniya, hindi niya kami pinatay. Bakit? Dahil hindi sa tipo namin siya galit."

"So sinasabi mo na as long as hindi ako manyak?" bahagyang natawa si Wojtek sa sinabi ko, napakamot rin ako ng sentido sa ginamit kong salita, "Ligtas ako?"

"May galit ang pumatay kay Cash sa mga katulad niya," tango tangong sabi ni Wojtek, "Espesipiko ang pagkamuhi niya kaya ligtas ka, maliban na lang kung manyak ka talaga."

Napasimangot naman ako.

"Bock haben."

Ibinaba ko ang papel na naglalaman ng death threat.

Hindi ito si Jenny, pero hindi rin ito ang pumatay kay Mr. Montano.

Napahilamos ako ng mukha sa naging konklusyon ng lahat.

Panibagong copycat, panibagong sakit ng ulo.

Inisip ko ang lahat ng posibilidad, lahat ng pwedeng dahilan kung bakit ito gagawin ng isang copycat.

Una ay baka mayroong namumuong kulto para kay Jenny, sa dami ng biktima ng rape or sexual harassment sa buong Maynila pa lang ay hindi na mabilang sa daliri.

Pangalawa ay baka si Jenny mismo ang may pakana nito, pwede siyang gumamit o manakot ng kung sino para pumatay. Isa itong magandang statehiya para mas malito ang NBI.

Nakakairitang isipin, na kung ang pangalawang dahilan ang tunay na dahilan ay gumagana.

"You got me on my knees, Jenny ~. Hoy Alex," entrada ni Jonathan sa opisina ko, napadako naman agad ang paningin ko sakaniya sabay ipit ng papel sa folder.

"Oh?"

"Lunch na, sasabay ka ba?" bahagya pang napatingin si Jonathan sa inipit kong papel sa folder pero mas pinili na lang niyang hindi mag salita.

Napalingon naman ako kay Nathalie at Mark, mukhang makikisabay rin sila ng kain, "Sige, saan ba?"

"Libre daw ni Mark, sa Shakeys," sabi ni Jonathan na mukhang excited.

"Palibhasa kasi libre, ni hindi pa nga tayo nakakabayad kay Nathalie para doon sa mga nagastos niya," sabi ko habang tumatayo.

"Sh!" suway niya saakin, "Huwag mo na ipaalala, mukhang kasama ng hangover niya ay nawala."

Napailing na lamang ako at nilampasan si Jonathan, sakto namang palabas na si Nathalie ng opisina niya.

"Nathalie," tawag ko sakaniya habang binubuksan ang pitaka ko, "Magkano nagastos mo sa kaarawan ni Adam?"

Napakurap naman si Nathalie na tila biglang may naalala, "Oo nga pala? Yoong mga bayad ninyo! Tig limang daan kayo."

Narinig ko naman ang reklamo ni Jonathan sa likuran ko, lumapit na rin si Mark na nagbubukas ng sariling pitaka.

"Oh!" labag sa loob na bigay ni Jonathan ng limang daan kay Nathalie, "Siguraduhin mong limang daan talaga ha!"

"Dapat nga pitong daan!" depensa ni Nathalie sa sarili niya, "Tinawaran na nga kayo, ikaw pa nag reklamo?"

Natawa na lang kami ni Mark sa away nilang dalawa habang kumukuha ng limang daan.

"Alam mo Alex, ang NBI ay parang tinapay."

"Huwag ka na makinig sakaniya Kuya, tara na Mark," pag-aya ni Nathalie sabay iginaya na kami ni Mark palabas ng Headquarters.

"Tapos kayong dalawa ni Nathalie yoong amag, hoy sandali!" pag habol ni Jonathan saamin pero mas binilisan namin ang lakad para makapasok agad ng elevator.

Para naman kaming bata na pinag tripan pa si Jonathan na i-iwan, panay ang tulak sakaniya ni Nathalie palabas ng elevator at ako naman ay panay pindot ng button ng first floor.

Hindi na nakayanan ni Mark, napatawa na siya ng malakas sa likuran namin.

"Tang ina! Gutom na ako, Diaz!"

"Mag kape ka na lang!" natatawang sagot ni Nathalie sabay atras.

"Mark! Pizza!"

Sa huli ay hindi rin namin kinaya, nakapasok si Jonathan sa loob ng elevator at hanggang sa makarating kami sa Shakeys ay panay ang mura niya sa amin ni Nathalie.

---

Napatigil ako sa pag pasok ng opisina ko nang makita ko si Adam, nakaupo sa swivel chair ng desk ko.

Nang hindi siya nagsimula ng konbersasyon ay saka ko naalala ang patungkol sa usapan namin kahapon para kay Nelly.

"Bukas, makikibalita ako kay Mrs. Melanie. Noong gabing ipinagtabuyan ako ni Nelly ay kinausap ko agad ang nanay niya, mukha kasing mas galit na saakin yoong bata kaysa sa nanay niya."

Hindi muli sumagot si Adam, medyo kumunot ang noo ko roon.

Doon ko lang naisipan na tignan kung ano ang nilalaro ng kamay niya, napalunok ako nang makita kung anong papel ang hawak niya.

"Saan mo ito nakuha?" malamig na tanong ni Adam habang itinataas ang papel na naglalaman ng pagbabanta sa buhay ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago sumagot, "Sa saddle bag ng motor ko."

"Kailan?"

"Kagabi," tapat na pag amin ko, ngayon pa lang ay hinahanay ko na sa utak ko ang mga posibleng tanong ni Adam.

"Nagkita tayo kaninang umaga, Alex. Pero bakit hindi mo saakin binanggit ito?" panimula ng panunuway saakin ni Adam sabay hagis ng papel sa lamesa, "Huwag mo sabihing dahil lang tuwing Byirnes ako nangangalap ng report mula saiyo ay ipagsasa Byirnes mo rin ito?"

"Maniniwala ka bang iyon ang dahilan?" medyo ngiwing sabi ko.

"IT'S A DEATH THREAT, AGENT SCHWARZ," malakas lakas na sabi ni Adam, salamin lang ang pader ng opisina ko kaya bahagyang napalingon ang iba sa malalapit.

Napatango naman ako, naiintindihan kung saan nanggagaling ang pagkadismaya niya, "Sasabihin ko rin naman talaga saiyo."

"Kailan? Kapag patay ka na rin?" awtomatiko niyang sabi na kinahilamos ko ng mukha.

"Adam, alam ko at naiintindihan ko ang punto mo dito," pagpapakalma ko sakaniya, "Sa tingin ko lang ay hindi ito karapat dapat na pag tuunan ng pansin. Isa lang din itong panibagong copycat."

"At sa tingin mo hindi kayang pumatay ng copycat? Hulaan ko, ang deduksyon mo ay binase mo sa ibinigay saiyo ni Wojtek, nalaman mo na isa itong copycat at kinonkluda mo na dahil sa kalahating magandang hangarin ni Jenny ay may mga sumasamba na sakaniya."

"Ada---"

"Hindi mo naisip na ikaw ang humahabol kay Jenny? Paano kung tama ang deduksyon mo na may mga umiidolo na sakaniya at ang turing sakaniya ay Diyos? Huhulihin mo ang Diyos nila, Alex. Sa tingin mo ba ay walang ibang baliw na maghahabol saiyo?"

Hindi na ako nakasagot, ito ang pinaka mabigat na lebel ng pagkadismaya ni Adam.

Kapag nasa ganitong pagu-usap kayong dalawa, hindi ka talaga makakapag salita.

Hindi dahil sa wala kang masabi, kung hindi dahil hindi ka niya pagsasalitain hangga't nakikita niya na may balak ka pa ring ipagtanggol ang ginawa mo na taliwas sa tama sa paningin niya.

"Patawad," tanging nasabi ko, "Gusto ko lang sana makasigurado talaga bago ko sabihin saiyo."

"Head Agent mo ako, Alex," pagdi-diin ni Adam sa posisyon niya, "Ako ang magde-desisyon sa bawat hakbang na gagawin mo. Kung may mata-tanggap kang ganito ang una mo dapat ginagawa ay ipaalam saakin. Nakita mo na naman ang nangyari sa mga kapatid mo, hindi ba?"

"Alam ko," sagot ko agad, "Umakto sila ng hindi pinapaalam saiyo."

Sumandal si Adam sa kaniyang swivel chair, hindi inaalis ang tingin saakin.

"Pulis tayo. Hindi dapat na tayo natatakot sa mga ganito," pagpapagaan ni Adam sa atmospera ng buong opisina, malalim naman akong napabuntong hininga.

"Kaya tayo ang nilalapitan kapag yoong mga ordinaryong tao ang nakaka tanggap ng pagbabanta," pag sang-ayon ko sa sinasabi ni Adam.

"Pero paano kapag tayo ang nakatanggap ng pagbabanta? Sinong lalapitan natin?" tanong ni Adam.

Napalunok ako dahil wala akong maisip na sagot. Ano nga ba ang sagot? Kapag ba ang mga bayani sumusugal, sinong pumuprotekta sakanila?

"Ang isa't isa, Alex."

Napayuko ako sa isinagot ni Adam.

"Hindi ito personal na problema para sarilihin mo," narinig kong tumayo si Adam mula sa swivel chair ng desk ko, "Trabaho ito. Ako ang nag hila at pumwersa saiyo pabalik ng NBI para sa kaso na ito, kaya responsibilidad kita."

"Alam ko..."

Nanaig ang katahimikan ng ilang segundo, tahimik lang akong nakayuko at nakapako sa kinatatayuan ko.

Si Adam naman ay panay ang tingin sa labas ng opisina, halatang malalim ang iniisip.

Damang dama ko iyong takot sa pananalita niya, iyong takot na may mamatay at mapahamak nanaman sa mga estudyante niya.

Wala siyang nagawa nang mamatay si Cash habang mahimbing siya natutulog sa kama kasama ang asawa niya, wala siyang nagawa nang muntikan mamatay si Nathalie, at mas lalong wala siyang nagawa nang maligaw ang katinuan ni Wojtek.

Hindi ko maimahe kung gaano kabigat sa dibdib ang pakiramdam ng mga iyon. Na saiyo pinagkatiwala ang mga taong ito dahil kaya mo silang hawakan, pero nang nasa panganib sila ay hindi mo sila nailigtas.

"Mangangako ako saiyo, Alex."

Naputol ang pai-isip ko nang magsalita na si Adam, awtomatikong umangat ang ulo ko patungo sa direksyon niya.

Inabot ng dila niya ang gilid ng kaniyang gilagid bago nagsalita.

"Ako ang pumwersa saiyo papasok dito, kaya pwede rin kitang ilabas."

Nanginig ang mga mata ko nang makuha ko ang ibig niyang sabihin, hindi ko alam kung motibasyon ba ang naramdaman ko o lungkot. Posible bang naghalo iyon?

"Hulihin mo lang si Jenny," yoong tono ni Adam ay parang nagsu-sumamo, "Kapag nahuli mo na siya at naikulong, gawin mo ang gusto mo. Magpakasal ka, bumuo ng pamilya na malayo sa kulay ng kahel."

Dahil kapag nasa mundo ka ng krimen, hindi itim ang pinaka masamang kulay, kung hindi kahel.

"Pwede kang umalis ng NBI."

Kumurap ako ng isa at isinara ang bahagyang nakaawang kong labi, kung wala siguro akong masabi kanina ay mas lalong wala akong masabi ngayon.

Nagsimula nang lakarin ni Adam ang daan palabas ng opisina ko, pero bahagya siyang tumigil sa gilid ko.

"Huwag ka munang umuwi mamaya, magu-usap tayo patungkol sa death threat na natanggap mo."

Matapos niyon ay tuluyan na niyang nilisan ang opisina ko.

Lutang naman akong naglakad patungo sa aking swivel chair at ibinagsak ang sarili ko doon, ginalaw ko ito ng kaliwa't kanan upang aliwin ang sarili ko.

Kung mahuhuli ko si Jenny, maibabalik yoong normal kong buhay.

Biglang sumagi sa isip ko si Jazzquin at hindi ko maiwasang mapangiti sa nai-imahe kong kinabukasan namin.

Isang simpleng buhay na malayo sa kadiliman, kaya ko ulit mag turo o kaya naman magtayo ng maliit na negosyo.

Binuksan ko ang aking cellphone at pinagmasdan ang litrato namin ni Jazzquin na kinuha ko kagabi.

Tulog siya at nakayakap ako sa likuran niya, nakapikit rin ako para magkunwaring tulog pero ang totoo ay kinukunan ko lang kami ng litrato na mukhang payapa.

Gusto ko niyon. Isang normal na buhay.

Hindi para saakin, kung hindi para kay Jazzquin.

---

Natapos na nga ang trabaho ko. Katulad nang napag usapan namin ni Adam kanina ay hindi muna ako umuwi at dumiretso sa palapag kung nasaan ang opisina niya.

Hindi katulad sa palapag namin na mabibilang na lang sa daliri ang mga tao ay iba kila Adam, karamihan sakanila ay narito pa rin at inaabot ng alas onse ng gabi.

Bago pumasok ng opisina ni Adam ay kumatok muna ako, nang marinig ko ang pag sang ayon niya ay a-akma ko sanang bubuksan na ang pintuan nang mahagip ng mata ko si Mark.

Papunta siya sa direksyon ko kaya wari ko'y sa opisina rin ni Adam ang punta niya.

"Kakausapin ka rin ni Adam?" tanong ko nang makalapit siya.

"Ah hindi," ngiti niyang iling sabay taas ng hawak niyang folder, "May ibibigay lang akong report."

Napatango na lamang ako at ako na ang nagbukas ng pintuan, sabay kaming pumasok pero mas nauna na si Mark na lumapit sa desk ni Adam dahil may ia-abot lang naman siya.

"Ito na iyong full report para sa kaso ng City Death," sabi ni Mark sabay lapag ng folder sa desk ni Adam.

Aakma sanang aalis na si Mark nang pigilan siya ni Adam.

"Kakausapin ko kayo ni Alex, stay."

Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Adam, may ideya na ako pero mas pinili kong huwag pangunahan iyon.

Hindi, hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung tama man ang teorya ko, may parte saakin na hindi ko gusto.

Ilang minutong nanaig ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Nakababa lang ang tingin ko sa lamesa ni Adam na tila iyon ang pinaka interesanteng bagay na nakita ko, si Mark naman ay abala sa pag kuskos ng hintuturo at hinlalaki niya habang si Adam ay pinapakiramdaman kaming dalawa.

"Nakatanggap si Alex ng death threat."

Para kay Mark iyon kaya hindi na ako nagulat nang mapunta saakin ang paningin nilang dalawa.

"Yoong hinahawakan niyang kaso, kumumplikado," pagpapaintindi pa ni Adam kay Mark, "Kalimitan sa mga klase ng taong hinahabol ninyo, kung magkakaroon man ng copycat ay isa lang."

Totoo iyon. Minsan pa nga yoong inaakala naming isang suspect lang ay mag-asawa pala ang gumagawa.

Naalala ko tuloy si Mr. Goliath at ang kinakasama niya.

"Pero ibang usapan ang tatlo," pagkonkluda ni Adam na magbubukas sa tunay na dahilan kung bakit kami ni Mark nandito.

Nakita kong hinila ni Adam ang folder na ipinasa sakaniya ni Mark, "Nahuli mo ang City Death serial killer ng isang linggo lang."

Napansin ko ang hiya sa pag tango ni Mark.

"Magaling ka sa pag kone-konekta ng mga senaryo, Agent De Guzman. Si Alex naman ay magaling sa pag o-obserba."

Doon pa lamang ay nakumpirma ko na.

"Kaya naman Mark para sa susunod mong trabaho ay tutulungan mo si Alex sa hawak niyang kaso," pagbi-bitaw ni Adam ng granada.

"Hulihin ninyo si Jenny."

Continue Reading

You'll Also Like

36.5K 1.7K 28
Will the stars align for two persons to be together? Will there be enough darkness to make them see how they light up together? How will they see tha...
223K 6.7K 51
Cara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatras...
101K 3.9K 55
A hundred nights. A hundred women. A hundred sins. Lust is bullshit. Lust is a bastard. Lust is the demon prince who is now using me as his puppet to...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...