Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 16

383 20 2
By CrabLamb

CHAPTER 16

[ Distraction ]

---

Alex's Point of View

"Mukhang sanay ka sa pagtu-turo," puna saakin ni Mark matapos kong kausapin ang ibang trainees.

Napansin kong wala na yoong ibang trainees na ina-assist niya, mukhang  mas nauna silang matapos mag usap usap. 

Kaming dalawa ni Mark ang inatasan ni Adam na mag assist sa mga mas batang Investigator Agents, maliliit na kaso ang nahahawakan ng mga ito katulad ng robbery, vandalism, at traffic accidents. 

"Ah, siguro dahil dati akong guro," sagot ko sa komento ni Mark.

Masyadong abala si Jonathan dahil mayroon pa siyang kasong hinahawakan sa Alabang, isa pa ay hindi niya forte ang pagtu-turo.

"Hey, nagpa deliver ako ng pizza, pumunta na lang kayo sa meeting room kung gusto ninyo," biglang sulpot ng tapik saakin ni Nathalie sabay lakad rin palayo.

Hindi nag tagal ay sumunod sakaniya si Jonathan, "Yoong parte ninyo ha! Kami nag abono."

Tumango lamang ako sabay lakad na para sumunod sakanila, pero napansin kong walang balak sumunod si Mark kaya bahagya akong napalingon.

Napansin siguro niya na hinihintay ko siyang sumabay saakin.

"I don't think I should join," sabi ni Mark sabay kamot ng ulo.

Mukhang ilang pa rin siya sa amin, halata kasing malapit at may pinagsamahan na kami nila Jonathan. Siguro yoong biglang pag pasok niya ay hindi siya naging kumportable, o kaya naman ay nahalata na niya si Jonathan na medyo ilang at hindi malugod ang pagtanggap sa presensya niya.

"Bakit hindi?" kunwari pa ay hindi ko pansin na sinusubukan niya lamang dumistansya, "Tara na, hindi gusto ni Nathalie kapag tumatakas sa ambagan."

Naga-alangan pa siya pero ako na mismo ang kumapit sa balikat niya at sabay na tinahak ang maliit na kwarto na nagsi-silbi naming meeting room sa palapag na ito. Kadalasan kapag wala kaming sipag na bumaba at mag 7Eleven ay nagpa-padeliver na lang si Nathalie ng pananghalian.

"Hawaiian!" sabat ni Jonathan nang unang buksan ni Nathalie ang Pepperoni dahil iyon ang paborito niya.

"Walang soft drinks?" kunot noong tanong ko habang naghi-hila ng monoblock upang upuan.

Inirapan ako ni Nathalie sabay labas ng plastic cups ng mga soft drinks sa isang paper bag, tinusukan niya ng straw ang isa sa mga ito sabay dulas ng bahagya papunta sa akin.

"Root beer pa inorder ko para saiyo."

"Kaya ikaw ang paborito ko eh," ngiti ngiti kong sabi sabay kuha ng plastic cup, napangiwi naman si Nathalie sa sinabi ko.

"Oh Mark," medyo malumanay na tawag ni Nathalie kay Mark, bagay na kinatigil niya sa pagtu-tusok ng mga straw, "Bakit ba nandiyaan ka sa dulo? Tumabi ka nga dito kay Jonathan."

Napatingin naman ako kay Jonathan nang sabihin iyon ni Nathalie, abala lang siya sa pagkain ng pizza at mukhang wala namang kaso sakaniya kung u-upo si Mark sa tabi niya.

Tipid namang ngumiti si Mark sabay tayo at ilang na umupo sa tabi ni Jonathan, nakita ko rin na mula sa ilalim ng lamesa ay inapakan ni Nathalie si Jonathan upang maghatid ng mensahe.

Gulat na tinitigan ni Jonathan si Nathalie, napailing na lamang ako at tinulak ang kahon ng pizza palapit kay Mark.

Napatikhim naman si Nathalie upang alisin ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming apat.

"Pasensya na kung hindi ka namin masyadong nakakausap, medyo abala rin kasi kami," pakurap kurap na sabi ni Nathalie.

Pinilit ko talagang hindi ngumisi habang nakikinig sa mga katagang binibitawan ni Nathalie, medyo nadi-distract lang ako sa pagkurap niya dahil alam ko kapag ginagawa niya iyon ay hindi niya alam kung ano ang pagka-kasunod sunod ng mga sasabihin niya.

O kaya naman ay nagsa-sala siya ng mga salitang hindi at dapat niyang sabihin.

"Tapos hindi rin namin alam kung paano ka ia-approach." 

Napakagat ako sa pizza na hawak ko sa isiniwalat ni Nathalie, straightforward pero pinanatili niyang tama ang tono kaya hindi nakakabahala at nakaka-offend ang dating. May pagsasala sa mga salita.

Siguro ay naramdaman din ni Nathalie na medyo ilang si Mark sa amin. Kung may nakakatawang sinabi si Jonathan ay ta-tawa siya pero kahit kailan ay hindi siya magbibigay ng komento, para siyang pako na kapag pinukpok lang ng martilyo ay saka lang gagalaw.

Kaya nga medyo nagitla ako nang kinomendahan niya ang paraan ko ng pakikipag-usap sa mga trainees kanina, iyon kasi ang unang beses na nag komento siya. Palagay ko'y sinusubukan ni Mark na makipag komunikasyon.

Mukhang alam ko na ang dahilan ng pagpa-padeliver ni Nathalie at Jonathan ng lunch.

"No, it's fine," bahagya pang natawa si Mark sabay kamot ng pisngi, "Ako ang bago kaya dapat naging attentive ako sa communication. I'm at fault too."

"But still, dapat pinakisamahan ka rin namin ng maayos," dagdag ko sa sinabi ni Nathalie sabay tingin ng makahulugan kay Jonathan, kumuha lang siya ng isang cup ng soft drinks na may straw na sabay sipsip noon.

Hindi siya nagsalita kaya naman agad akong umisip ng pandagdag.

"Oo nga pala, narinig ko mula kay Jonathan na hindi lumilipas ang isang linggo bago ka makapagsara ng kaso. Alam kong mas matanda ka saakin pero bilang nakagisnan nang Kuya ng team na ito, I want to commend you for your hard work."

Bahagyang umawang ang labi ni Mark sa sinabi ko at payukong tumango, mukhang epektibo ang positibong komento kong sinabi.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko," nakangiti pa ring sabi ni Mark habang natango, "Pero salamat."

Napatigil ako sa pag galaw ng panga ko nang ipagpatuloy ni Nathalie ang pagtusok ng straw sa  cup ng soft drinks sabay abot ng isa kay Mark.

"Again, welcome sa team. Ito na ang official na welcoming lunch namin para saiyo."

Mapanuya namang napasinghap si Jonathan, "Welcoming lunch, may ganoon ba?"

"Kung wala, ako ang nag imbento," iritadong sabat ni Nathalie na ikinailing ko na lamang.

"Masanay ka na lang sakanila Mark," suhestyon ko, "Sa mundo at trabahong ginagalawan natin, iyan na lang ang pantakas nila ng realidad. Ang mag-asaran."

Bahagya akong nagitla nang tumagilid ang labi ni Jonathan at sinabi kay Mark na, "Masyadong seryoso ang buhay ni Alex, boring na tao iyan huwag mong to-tropahin."

"Rinig kita."

"Nagbu-bukas lang ako ng tapika para mas makilala natin si Mark," palusot pa ni Jonathan at bahagyang humarap dito, "Ikaw Mark? Anong kwento ng buhay mo?"

Napakamot na lamang ako ng sentido sabay kagat sa pizza, alam kong ginagawa ito ni Jonathan dahil wala siyang gaanong tiwala kapag may mga bagong mukha na nakakasalamuha. Iba't ibang kriminal ang nakakaharap niya araw araw at may iba't ibang animo'y mabait ang personalidad na rin siyang ikinulong sa selda kaya hindi gaano madaling makuha ang tiwala niya.

"Ah, ang tatay ko ay Amerikano tapos ang nanay ko ay Pilipino. Hiwalay na sila bago pa man ako ipanganak at tumira ako sa tiyahin ko hanggang sa mag kolehiyo ako," simpleng kwento ni Mark habang pinapaliguan ng hot sauce ang kaniyang pizza.

"Parehas kayo ni Nathalie sa bagay na iyon," sabi ni Jonathan na kinakunot ng noo ni Nathalie na tila sinasabing paano siya nasama sa usapan.

"Maliban nga lang na sa tiyahin niya siya tumira, nagsikap iyang mag aral tapos nakikitulog sa library," pabirong sakay ko sa sinabi ni Jonathan.

"Wala kang kapatid Mark?" pagbabalik ni Nathalie ng tapika kay Mark, naramdaman ko na ring inaapakan na ako sa paa ni Nathalie sa ilalim ng lamesa kaya medyo napainom ako ng root beer.

Ngiting umiling si Mark, "Wala, hindi ko lang alam kung may anak ang tatay ko sa bagong pamilya niya."

"Isang puntos kay Nathalie at isang puntos para kay Alex," deklara ni Jonathan, napaigting naman ako ng panga.

"May kapatid si Kuya, tanga."

"Ah, oo nga pala," limita ni Jonathan sa nadanggi niyang tapika, palihim pa siyang nanghingi ng patawad saakin.

Napatikhim ako dahil bahagya akong nailang na nasa akin ang tapika, "Bakit ka nag NBI, Mark?"

"Pangarap ko talaga maging Investigator Agent," napatango naman ako sa isinagot ni Mark, "Mahilig akong magbasa noon ng mystery o kaya naman manood ng mga murder at documentaries. Tapos iyon na, naging pasyon ko na."

Napasipol naman ako at binatuhan si Jonathan ng capsicum, "Isang puntos para kay Jonathan."

Bumagsak ang panga ni Jonathan ng bahagya sa sinabi ko.

"Mahilig lang din siya mag basa ng mystery fictions kaya siya naging Investigator Agent," sakay ni Nathalie sa sinabi ko, "Let me guess, may kilala kang writer ng mystery na Dean Koontz?"

"Yeah," hindi makapaniwalang sagot ni Mark sa tanong ni Nathalie, "He was my favorite writer."

Sabay kaming ngumisi ni Nathalie kay Jonathan, paborito rin niya kasi iyon.

"At dahil diyaan Mark, unang advice ko saiyo bilang nagi-isang kakampi mo dito. Huwag na huwag mong hahayaan na pagitnaan ka ng dalawang iyan," palakaibigan na sabi ni Jonathan sabay turo sa amin ni Nathalie,  "Bully ang mga hayop na iyan."

---

Dala dala ang basket ng mga prutas at sobre para kay Nelly, tahimik kong tinahak ang hallway papunta sa apartment niya.

Byirnes ngayon at walang pasok kinabukasan kaya ngayon ko napagdesisyunang kitain si Mrs. Melanie, noong Miyerkules pa siya nagba-balak na magpa-abot ng pera kay Nelly kaso nga lang ay mas naging abala na ako dahil nga naga-assist ako ng mga trainees.

Magi-isang linggo na rin nang huli kaming magkita ni Jazzquin, kasalukuyan siyang nasa Puerto Princesa para mag sulat patungkol sa Underground river. Tinagurian kasi itong isa sa mga New 7 wonders of Nature noong 2007 kaya kailangan niyang kumustahin para may mailimbag sa magazine.

Tinext ko siya kanina bago at pagkatapos kong kumain ng hapunan, hindi pa siya nagre-reply kaya wari ko'y sobrang abala pa siya sa trabaho o kaya naman ay nakatulog. Siguro ay ta-tawagan ko na lang mamaya pagka uwi ko.

Nang tumapat ako sa pintuan ni Nelly ay laking pagta-taka ko sa aking sarili nang sumagi sa isip ko kung oras na ba para kwestyunin si Nelly. Sa tingin ko naman ay kahit pa-paano ay naging magkaibigan kami, simbolo din ng pagda-dala niya ng pagkain sa akin na magaan ang loob niya saakin.

Pero hindi rin ako hangal para hindi mapansin ang kaunting hanga na pinapakita niya, hindi sa hindi ako kumportable at malaki ang agwat ng edad namin kung hindi dahil sa may nobya na ako.

Kung totoo man ang hinala ko ay mas mabuti pang tanungin ko na nga siya ngayon, baka kung tumagal pa at lumago ang pag tingin niya saakin ay baka isipin niyang ginawa ko ang lahat nang ito para lang masagot niya ang mga katanungan ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sabay katok sa pintuan ng apartment niya. Medyo naagaw pa nga ang atensyon ko nang mapansin ko ang lalaking nagla-lakad patungo sa pwesto ko, may mga papel siyang hawak sa kanang kamay at naka suporta ang kaliwang kamay sa cellphone.

"Ne, hyeong. I will surely get my own copy," naka ngiti niyang turan sabay lagpas sa likuran ko.

Unang Deduksyon.

Kaliwete, base sa kamay na ginagamit niya pang hawak ng kaniyang cellphone.

Pangalawang Deduksyon.

Estudyante pa lamang ito, wari ko ay may kinalaman din sa business ang kurso base sa uniporme. Hindi rin naka ligtas ang calculator na kasama ng mga papel sa kanan niyang kamay.

Accountancy.

Pangatlong Deduksyon.

Naga-aral rin ito sa Lyceum. Nagturo ako roon ng ilang taon kaya pamilyar na sa akin ang mga uniporme ng kolehiyo.

Pang-apat na Deduksyon.

Exchange student, koreano. Halata na sa lenggwaheng iniuntag niya kanina.

Nabalik ang atensyon ko sa totoong pakay ko nang biglang bumukas ang pintuan ng apartment ni Nelly, nakita ko rin sa gilid ng mata ko na binuksan na ng binata ang pintuan ng sariling apartment. Dalawang pintuan lamang ang layo nito mula kay Nelly.

"A...Alex," tila nagulat na sabi ni Nelly nang makita ako, agad na bumaba ang tingin niya sa mga dala ko.

Tipid naman akong ngumiti at inangat ang basket, "Allowance at pagkain?"

Napakuyom naman siya ng labi bago binuksan ng malawak ang pintuan, simbolo na pinapa-pasok niya ako.

"Pasensya na, late kong nabuksan," pag hingi niya ng pasensya nang makapasok na ako ng apartment, "Naga-ayos kasi ako ng kwarto."

"Hindi naman ganoon katagal, ayos lang," pagpa-patawad ko sabay patong ng basket ng mga prutas sa Island counter ng maliit niyang kusina.

Sakto namang humarap ako ay naglalakad na siya papunta saakin, agad kong inabot sakaniya ang sobre na naglalaman ng labing limang libo niyang allowance, "Pang gastos mo."

Dumiretso ang labi ni Nelly sabay abot ng sobre at kalkal noon.

Doon ko lang napansin ang suot niya, naka gray siyang sando at puting shorts. Medyo hapit iyon kaya kapansin pansin ang kurba ng kaniyang katawan.

Agad kong isinantabi ang pago-obserba ko, "Nirekomenda ko na pala sa mga kakilala ko ang maliit mong shop online."

Napangiti naman siya sa sinabi ko, "Thank you."

Ngiti naman akong napatango.

Napa-pameywang naman ako sabay tingin sa kabuuan ng apartment, mukhang matalino sa pagbu-budget si Nelly at marunong pumili ng mga kagamitan. Malinis ang mga furniture na pinili niya at angkop ang mga ito sa kulay ng pader na siya mismo ang pumili.

Malaki laki ang allowance na ibinibigay sakaniya ni Mrs. Melanie kaya hindi na ako gaanong nagtataka, ang kinaba-bahala ko lang ay yoong baka siya ang naghi-hinala.

"Hindi ka pa ba a-alis?" tanong saakin ni Nelly nang mapansin na hindi pa ako kumikilos.

Napatahimik naman ako ng ilang segundo bago ko itinuro ang kabu-uan ng apartment niya, "Ayos ah. Alagang alaga."

Tumaas ang isang kilay ni Nelly, bahagya pa akong kinabahan dahil parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Mukhang nahalata niyang iniwasan ko ang tanong niya.

"Ano ang mga iyon?" pagi-iba ko ng tapika sabay lapit sa mga plastic na naka himlay sa sahig ng sala.

Saktong pag-upo ko sa sofa at pag-silip ay sinagot ako ni Nelly, "Balak kong mag benta sa LPU kapag nakapasok ako sa susunod na semester."

Namilog naman ang labi ko sabay tango, "Napaka business minded mo."

Napadiretso ng labi si Nelly sabay yuko sa sinabi ko, napansin kong pinipigilan niyang ngumiti.

"Nasaan yoong girlfriend mo?" ramdam ko ang pinilit na magiliw na tono sa boses niya, tinalikuran niya ako at pumasok sa kwarto.

"Nasa Puerto Princesa," kaswal kong sagot, "Ife-feature niya yoong Underground River sa next issue ng Manila Bulletin."

"Wow," hanga niyang sabi pagkalabas muli ng kwarto, napansin kong hindi na niya hawak ang sobre, "Gusto ko ring marating iyon, kaso lang ay wala akong kasama."

Bahagyang bumagsak ang balikat ni Nelly sa sariling iniuntag, pakiwari ko'y pangarap niya ring mag lakbay sa iba't ibang lugar. Ang alam ko rin ay kaya niya pinili ang tourism dahil gusto niyang makawala sa tahanan na nagku-kulong sakaniya.

Pero ngayong malaya na siya, parang walang saysay ang lahat. Nawala ang kaniyang ama at nilalayuan na siya ng mga kaibigan niya.

"Nelly," malumanay kong tawag sakaniya.

Napatigil naman siya sa paga-ayos ng mga prutas na dala dala ko, halata sa ekspresyon ng mukha niya na kanina pa siya nagdududa sa pananatili ko.

Napalunok naman ako at bahagyang napakamot ng leeg, hindi ko alam kung saan ako magsi-simula.

"Patungkol sana," napagalaw ako ng panga bago nagsalita muli, "Noong halos dalawang linggo kang nawala, bago mahuli si Mr. Goliath."

"Sinabi ko na ang sagot diyaan, hindi ba?" bahagya akong napataas ng dalawang kilay sa biglaang pagta-taas ng boses ni Nelly.

"Ang totoo niyaan kasi," napatayo ako sa sofa at pinatunog ang kamao ko dahil pilit kong pinapakalma ang sarili ko, "Hindi matibay ang sinabi mo, marami ding butas kagaya nang sinabi mong nanatili ka sa bahay ng kaklase mo dahil sa thesis at OJT. Pero noong tanungin ko sila..."

Hindi ko na itinuloy ang sa-sabihin ko, panigurado naman ay nakuha na niya ang ideya.

Mula sa iritadong mga mata ay biglang nanlisik ang mga mata ni Nelly, padabog niyang ibinato ang isang mansanas patama sa telebisyon.

Bahagyang bumagsak ang panga ko sa ginawa niya, hindi naman ganoon natinag ang telebisyon dahil hindi naman ito flat screen.

"Fine, naglayas ako dahil hindi ko maatim na may kasamang ibang babae si Papa," mabilisan niyang pagba-bago ng sagot, "Ayos na? Matibay na bang sagot iyon?"

"Kung gayon, pwede mo bang sabihin saakin kung saan ka nanatili noong nag layas ka?"

"Ha!" sarkastika siyang napatawa, "Lumabas din tunay mong pakay, sinasabi ko na nga ba at dadating ang puntong ta-tanungin mo ako patungkol dito."

"I'm sorry," mahinahon kong sabi para lang kumalma siya, pakiramdam ko ay bawat segundong lumilipas ay tumataas ang presyon niya, "Pero sana maintindihan mo, hindi naman ito para saakin. Para saiyo rin ito."

"Wow," pumalakpak si Nelly at halong mabingi ako sa lakas ng pag palakpak niya, "Alam mo ang dating nito saakin? Pinagbi-bintangan ninyo akong lahat na mamamatay tao! Pwes, para sabihin ko sainyo ay anak niya lang ako!"

Napakurap naman ako at nakaramdam ng awa nang mag simulang mag tubig ang mga mata ni Nelly, napansin niya rin yata iyon kaya umiwas siya ng tingin.

"Hindi lahat ng tao ay maku-kumbinsi na wala kang kinalaman, alam mo iyon at alam kong alam mo rin na hindi mo sila masisisi," diretsahan kong paliwanag kay Nelly, hindi siya nakasagot.

Malakas akong napabuntong hininga, "Kaya nga nandito ako, kung wala kang kinalaman ay tu-tulungan naman kitang linisin ang pangalan mo. Hindi ka na maka-karinig ng mga bagay na hindi mo gustong marinig."

Yoong galit sa mga mata ni Nelly ay napalitan na nang lungkot, nakaiwas pa rin siya ng tingin saakin at hindi umiimik.

"Hindi mo kami kalaban Nelly, kakampi mo kami. Kung wala kang itinatago ay walang mawawala saiyo," sabi ko sabay lakad papunta sa pintuan ng apartment. Mukhang hindi tama ang oras na napili ko. 

Hindi, sa palagay ko ay kahit kailan ay walang magiging tamang oras para dito, halatang sarado ang utak ni Nelly patungkol sa nangyari at nais na lamang niya itong kalimutan at mag patuloy.

Pero paano ako magka-karoon ng progreso sa kaso ni Jenny?

"Naniniwala ka ba na may kinalaman ako sa mga krimen na ginawa ni Papa?"

Napatigil naman ako sa pagla-lakad sa itinanong ni Nelly, pansin kong mas malumanay na ang tono niya kumpara kanina.

"Hindi importante ang paniniwala ko Nelly," walang lingunang sagot ko sa tanong niya, "Kahit pa alagad ako ng hustisya, kahit kailan ay wala akong karapatan para magbigay ng opiniyon, mga deduksyon lamang."

"Kung ganoon ay anong deduksyon mo saakin?" pangungulit pa niya.

Napayuko na lamang ako, mahahalata na niya kung magsi-sinungaling pa ako.

"Nag sinungaling ka."

Narinig ko ang sunod sunod na pag singhot ni Nelly, sensyales na umiiyak siya.

 "Pare-parehas lang kayong lahat."

Hindi naman ako natinag at nanatiling nakapako ang tingin sa aking sapatos na tila doon nakasalalay ang kasong hinahawakan ko.

"Umalis ka na," kalmadong may halong gigil niyang utos, "Sabihin mo rin sa nanay ko na huwag na huwag na siyang magpa-padala ng pera gamit ka, kung gusto niyang makatulong ay siya mismo ang humarap saakin."

Napakurap ako sa sinabi niya, kung gayon ay tama ang kutob ko. Alam niyang hindi NBI ang nagbi-bigay sakaniya ng allowance.

Tahimik at walang lingunan kong nilisan ang apartment ni Nelly. Habang nagla-lakad papunta sa elevator ay agad rumehistro sa aking isip kung gaano kalaking problema ang nangyari. Paniguradong sa nangyari ay hindi niya na ako gu-gustuhing makita.

Napapikit ako ng mariin, iniisip na kung ano ang ipapaliwanag ko kay Adam.

---

"Naisip ko nang hindi magsa-salita ang batang iyon," sabi ni Adam matapos kong i-report sakaniya ang nangyaring alitan sa pagitan namin ni Nelly, "Sinabi ko naman saiyo na gumagawa ako ng paraan para masulutan ng impormasyon ang DSWD patungkol dito, hindi ba?"

Matapos kong isuot ang fitted na latex gloves sa kanang kamay ko ay inabala ko ang aking sarili sa pagsu-suot ng gloves sa kaliwa, "At sinabi ko rin saiyo na mahirap dahil sa oras na labagin nila ang confidentiality ng pasyente nila ay pwedeng mawalan ng lisensya yoong Psychiatrist."

"Minsan iniisip ko kung walang ganoong patakaran ay ang dali ng trabaho ng NBI," malalim ang buntong hininga ang pinakawalan ni Adam nang sabihin niya iyon.

Napatawa na lamang ako sabay iling, "Hindi mo rin sigurado."

Nang bumukas na ang elevator ay agad kaming sumakay roon ni Adam, hinayaan ko siyang siya ang pumindot dahil alam niya ang palapag kung saan ang destinasyon namin.

"Ayon sa Psychiatrist na nag bantay kay Nelly sa DSWD ay naglayas yoong bata, hindi nakitulog sa kaklase."

Pinilit kong huwag magulat, kung gayon ay tagumpay siya sa pagsu-sulot ng impormasyon.

"Iyon ang sinabi niya saakin," pagdi-diin ko sa ka-kakwento ko pa lamang, "Hindi niya lang sinabi saakin kung saan siya pumunta kaya ka-kwestyon kwestyon pa rin ang alibi niya."

"Hindi mo ako pinatapos, may binanggit si Nelly sa Psychiatrist niya na lugar kung saan siya pumunta," ani ni Adam sa sinabi ko.

Napatingin ako sakaniya, "Paano ka nakakasiguro na totoo ang binanggit ni Nelly sa Psychiatrist na iyon?"

"Hindi ko sinabing sigurado ako," iling na sabi ni Adam, "Kung totoo man ang nakalap kong impormasyon ay mabuti, kung hindi naman ay magha-hanap ulit tayo ng paraan para makapag salita ang batang iyon, hindi ba iyon naman ang buhay natin?"

Malalim naman akong napabuntong hininga, "Sa tingin ko ay hindi totoo."

"Alam mo namang hindi importante ang opinyon natin."

"Deduksyon iyon," paglilinaw ko sa aking sinabi.

Ilang segundong katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa ni Adam hanggang sa narinig ko siyang tumawa ng malalim.

Napaismid naman ako at napatingin sakaniya ng pagilid, "Anong nakakatawa?"

"Masyadong mong mahal ang trabaho mo, Alex," sagot saakin ni Adam, "Minsan sa sobrang tumpak ng mga deduksyon mo ay hindi ko maiwasang matakot para saiyo."

"Naga-alala ka pala para saakin?" may panunuya sa aking tono.

"Hindi ako naga-alala, Alex. Mayroon lang akong pakialam," pagtatama saakin ni Adam sabay bahagyang tapik ng likuran ko, "Isantabi mo muna ang patungkol sa anak ni Goliath at mag pokus sa ha-harapin nating crime scene."

Naunang lumabas ng elevator si Adam saka ako sumunod. Agad bumungad saamin ang mga palakad lakad na Forensic scientist sa penthouse ng biktima, nagha-hanap ng mga ebidensiya.

Iginaya ako ni Adam papunta sa kwarto ng  biktima at halos bumaliktad ang sikmura ko sa nasasaksihan ko.

Nakadikit siya sa pader, gutay gutay na nakasabit.

Para siyang puzzle na pinaghiwa-hiwalay at binilog ng parang mga numero sa orasan, sa gitna ng mga lasog niyang katawan ay mayroong itak na nagsi-silbing kamay.

"Ilang oras nang patay ang biktima?" tanong ni Adam sa isang Forensic Scientist.

"12 to 14 hours," sagot ng isa sa dalawang Forensic Scientist habang tumitingin ng finger print sa buong kwarto.

Nilingon naman ako ni Adam at niyaya akong mas lumapit pa sa bangkay ng biktima, "Anong deduksyon mo Alex?"

Agad kong iginala ang mga mata ko sa bawat parte ng katawan na naka bilog.

Unang Deduksyon.

Ayon sa folder na pinakita saakin ni Adam, si Fabio Montano ay kilala sa mundo ng business na sobrang competitive at matalas ang dila.

Hindi na ako nagulat na dila ang nakalagay sa pwesto ng uno ng ginawang orasan. Paniguradong habang oras oras na pinag gu-gutay gutay ang katawan niya ay hindi man lang siya makapag salita.

Pangalawang Deduksyon.

Kasama sa mga ginutay ay ang ari ng biktima, ito ang pinaka huling tinanggalan mula sa biktima.

Si Jenny ba ang gumawa nito? Malaki ang posibilidad dahil pasok ang taong ito sa mga uri ng lalaki na pinapatay niya. Minsan nang nasampahan ng kasong rape si Mr. Montano at ilang beses na rin siyang nakailag mula sa pagkakakulong dahil sa pera.

"Sa tingin mo ba ay si Jenny ang gumawa nito?" deduksyon ni Adam habang nakatingin sa bangkay.

Umigting ang panga ko at pinag singkitan ng mata ang biktima, "Hindi ko sigurado."

"Anong nagpapaduda saiyo?" tila hindi nagulat na sabi ni Adam sa sagot ko.

"Ang disenyo ni Jenny ay bulgar," paliwanag ko, "Pribadong lugar ang penthouse, paano niya mapapahiya ang taong ito?"

"Marahil ay dahil pinagha-hanap na siya?" tukoy ni Adam sa mga artikulo sa mga pahayagan.

"Maaari," pag sang-ayon ko sakaniya, "Pasok ang obra ng crime scene sa estilo niya, pero binasag nito ang letrang 'J' na teorya ko."

"Hindi ba posibleng gumagawa siya ng panibagong letra?"

"Wala akong makitang letra, Adam. Puro numero ito," turo ko sa iba't ibang gutay na katawan ni Mr. Montano.

Isa pang nagpapaduda saakin ay hindi ko maramdaman ang pagka-akit ng biktima kay Jenny. Walang sense ng panunukso, purong takot at hirap lang.

Hindi ko na sinabi kay Adam ang impormasyon na iyon, bahagi lamang iyon ng empathy ko sa biktima.

"May safety vault dito," deklara ng isang Forensic Scientist na nilingon namin ni Adam.

Napa-alis naman ang pagkaka-krus ng dalawang braso ko sabay lakad palapit sa safety vault.

Pansin kong may nakababang hindi kalakihang litrato sa sahig, wari ko'y nakatago ang vault na ito sa likod niyon.

"May bakas ng dugo yoong apat na numero," agad kong turo sa numero ng 1-2-4-5, ang problema nga lang ay kung ano ang magiging pagka-kasunod sunod nito.

"Anong laman niyon? Pera?" may halong biro na tanong ni Adam.

"Dumagdag lang ito sa dahilan kung bakit sa tingin ko ay hindi si Jenny ang may gawa nito," sabi ko at sinubukang pindutin ang apat na numero ng sunod sunod, katulad ng inaasahan ko ay hindi iyon tama.

"Sa tingin mo pagna-nakaw ang dahilan?"

"Depende kung pera talaga ang laman nito," sabi ko at sumubok muli, 2-4-5-1, "Kung pagna-nakaw nga ang tunay na dahilan, hindi na rin ako magugulat. Normal lang iyon sa mayayaman."

Nang subukan ko na ang lahat ng posibleng kombinasyon ay doon kong napagtanto na hindi lang ito bastang apat na code.

Posibleng may naulit na numero. Ngunit alin sa mga numerong ito ang kailangan ulitin?

Imbis na subukan muli lahat ng posibleng kombinasyon ay lumingon ako sa bangkay ni Mr. Montano.

Bakit orasan?

Iniwan ko ang vault at lumapit muli sa bangkay ni Mr. Montano, agad dumako ang tingin ko sa itak na nagsi-silbing kamay ng orasan.

Nakaturo ito sa pangalawa, sa mutilated na kamay.

Doon ko napagtanto na malinis ang kamay, walang bahid ng dugo. Kung hindi si Mr. Montano ang pumindot sa vault na iyon ay killer ang gumawa.

Gusto niyang mabuksan namin ang vault na iyon. Ngunit, bakit?

Agad kong tinignan kung may parte ng katawan si Mr. Montano na nawawala, baka iyon ang laman ng vault pero lahat ay naroon. Kumpleto.

Naningkit ang mga mata ko sa daliri ni Mr. Montano, napansin kong naka senyas ito ng 'tatlo'. Kung gayon ay tatlong '2' ang isa sa code ng vault?

Inilabas ko ang maliit kong kwaderno sa bulsa at inilista ang tatlong '2' doon.

Agad bumalik ang paningin ko sa bangkay at tinignan ang dila, isa lamang ang dila pero hinati ito ng killer sa gitna, ibig bang sabihin noon ay dalawang '1' ang kasama sa code?

Ang '5' ay isang binti lamang, gayundin ang '4' na ulo ang ginamit bilang representsyon.

Sumakatuwid, tatlong '2', dalawang '1', isang '5' at isang '4'. Ngayon ang kailangan ko na lang i-crack ay kung ano ang ibig sabihin ng bawat numero na ito na maaaring magbukas sa vault.

Letra? B-B-B-A-A-E-D

"Anong kinalaman nito sa biktima?" bulong ko sa aking sarili sabay tingin kay Mr. Montano.

Napansin kong dumungaw si Adam sa isinusulat ko, "Mukhang nag-iwan ng puzzle ang killer?"

"Oo nga," sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga letra, "Kung si Jenny ito ay bago ito sa disenyo niya."

Biglang sumagi sa isip ko na ka-kaibang tatlo ang numerong '2' at dalawa ang numerong '1' kaya nagbaka sakali akong baka kasamahan iyon ng mga nagi-isang numero.

Kaso alin dito ang magka-kasama?

Mas lalong lumawak at kumumplikado pero hindi ko ito dapat sukuan, kailangan ko muna tignan ang mga posibilidad.

Unang Deduksyon.

Isang salita lamang ito. Ibang lenggwahe ba ito?

Kung kakaibang lenggwahe ito ay sa-sablay ang killer sa ebidensiya, madali naming matutukoy ang isa sa mga lenggwahe niyang alam.

Pangalawang Deduksyon.

Killer ang nagbigay ng clue sa code ng vault at nag disenyo ng puzzle na kailangan naming buuin, paniguradong sinigurado nito na may ideya kami sa gusto niyang iparating.

Pangatlong Deduksyon.

Ang pakay ng Killer ay... magpakilala o magyabang?

Habang pinagpa-pares ko ang bawat numero ay ang pangatlong deduksyon ko ang patuloy kong iniikot sa utak ko. Kung tama ako ay sa paanong paraan siya magpa-pakilala? Sa paanong paraan siya magya-yabang?

Ang hina ko sa ganito, paniguradong kung si Wojtek o si Jonathan ang narito ay alam na nila ang code.

"Ang galing," komento ko kay Wojtek nang tapos na niyang kausapin ang mga officer.

"Talo pa rin ako saiyo, Kuya," iling iling na sabi ni Wojtek, "Walang wala ito sa mga mabibigat na kaso na naisara mo."

"Aminin na natin na magaling lang akong mag obserba, pero hindi kasing likot ng utak ninyo ni Jonathan ang utak ko pagdating sa mga puzzles."

"Iyon ay dahil naka depende ka sa ebidensiya at katawan ng biktima," sagot ni Wojtek saakin.

"Sa tingin ko lang ay mas madali kong mai-imahe ang kabuuan ng krimen kung ilalagay ko ang mga paa ko sa sapatos ng mga biktima," ani ko.

Napangiti si Wojtek sa sinabi ko, "Kaya nga mas mahirap iyon at kumplikado."

"Hindi ko lang talaga maimahe ang sarili ko na isuot ang sapatos ng mismong killer," iling iling na sabi ko habang nagla-lakad na kami palabas ng istasyon.

"Hindi mo lang maimahe. Hindi dahil sa hindi mo kaya, kung hindi dahil ayaw mo."

Malinaw para saakin ang mensahe na binitawan ni Wojtek noong araw na iyon.

Kung su-suotin ko at titignan ang krimen mula sa perspektibo ng killer, baka nga mas madali kong maisasara ang kaso. Ngunit ang labis na kinakatakot ko ay baka makonsumo ako, paano kung magustuhan ko? Paano kung maging katulad nila ako?

Ayoko, ayoko maging katulad ni Sebastian.

Sa naisip ko ay biglang may pumasok sa isipan ko, hindi pa ako sigurado pero teorya pa lang ay nanginginig na ako.

Ang mga hayop ay nakakaamoy ng panganib.

Napatingin ako sa mga numerong pinagsama sama ko, posible kayang?

Inilista ko at pinag pares ang mga numero base sa deduksyon na nagpapahilo sa akin.

Sa impormasyon na nalalaman ng buong populasyon ng Pilipinas ay hindi maaaring hindi nakarating kay Jenny ang balita.

Bahagyang bumagsak ang panga ko nang mapagtanto ko kung ano ang nabuo ko.

Agad agad akong lumapit sa vault ulit at pinatabi ang Forensic Scientist na nagta-trabaho roon.

"Alex?" tawag saakin ni Adam mula sa likuran ko, hindi naman ako natinag at pinagpatuloy ang pagpi-pindot ng mga numero habang nanlalamig ang buong katawan.

Halos malaglag ang puso ko nang matagumpay kong mabuksan ang vault.

Biglang nanahimik ang buong kwarto nang unti unti kong binuksan ang vault, bumungad sa akin ang nagi-isang itim na papel na pirming nakahimlay sa loob nito.

Hinablot ni Adam ang maliit na kwadernong nasa kaliwang kamay ko, hindi ko iyon pinansin dahil agad kong kinuha ang papel na nasa loob ng vault at tinignan kung mayroong nakasulat roon.

Wala.

"Anong..." kunot noo kong sabi at hinalukay muli ang loob ng vault. Wala nang ibang laman.

Desperado akong bumalik sa bangkay ni Mr. Montano, hindi lahat ng numero sa orasan ay nagamit kaya paniguradong hindi pa tapos ang puzzle.

Tinignan ko ng maigi ang direksyon ng itak, nakatutok iyon sa kamay oo, pero awtomatikong lumampas ang tingin ko.

Agad kong nilapitan ang isang full body na salamin, mula sa repleksyon ay nakita ko ang isang painting ng mata mula sa kabilang pader.

Ang kulay ng mata ng painting na iyon... Ang kulay ng mga dingding...

"Isarado ninyo ang lahat ng bintana," wala sa sarili kong utos, "Sa buong kwarto lang."

Agad naman akong sinunod ng ibang kasamahan ko, mukhang nakuha rin na ni Adam ang gusto kong mangyari kaya agad gumala ang paningin niya sa kwarto.

"Sa likod ng painting," sabi ko kay Adam, agad niya namang nakita ang tinutukoy ko at inalis iyon mula sa pagkakasabit sa pader.

Hindi nga ako nagkamali, may switch doon.

Nagkatinginan pa kami ni Adam bago niya pindutin ang switch.

Sa isang iglap nga ay lahat ay bumaliktad, ang puting mga pader ay naging itim at ang lahat ng neon na ginamit na pang guhit ay lumutang.

"Jesus Christ," tanging nasabi ni Gerald, isa sa mga Forensic Scientist habang iginagala ang paningin sa buong kwarto.

Ang disenyo ng orasan kanina ay nailawan ng glow in the dark na 'e', sa bawat dingding din ng kwarto ay ang mga guhit ng Forensic Scientist na nag ha-hanap ng ebidensya sa paligid.

Black light.

Sa kisame at sahig din ay panay 'Jenny' ang nakasulat, ang nagi-isang nakatakas lamang sa glow in the dark na mga obra ay ang kama.

"Alex," tawag saakin ni Adam kaya napatingin ako sakaniya, itinuro niya ang salamin sa likuran ko kaya naman lumingon ako muli dito.

Nakaguhit ako sa salamin, bawat detalye mula sa ekspresyon, kasuotan at tayo ko nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin na ito ay nakaguhit na para bang inaasahan na ni Jenny na malalaman ko. Na naimahe na niya akong tumayo sa harapan ng salamin na ito bago ko pa man gawin.

Unti unting bumaba ang tingin ko sa itim na papel na ngayo'y puti na ang kulay, katulad ng inaasahan ko ay may laman iyon.

Katulad ng sa salamin ay nakaguhit ako rito, naka tayo sa harapan ng bangkay ni Mr. Montano, nagca-crack ng code sa maliit kong kwaderno.

Nang baliktarin ko ang papel palikod ay napalunok ako nang masakit sa nabasa ko.

Hi.

Nabitawan ko ang papel at dali daling hinakbang ang sarili ko papunta sa kama, agad kong inalis ang comforter at halos malula ako sa nakita ko.

"Jacky..."

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 14.3K 51
A Thomas Torres - Ara Galang Fan Fiction. In a chapter of your life where you are trying to start anew, fate suddenly decides to play with you, what...
36.5K 1.7K 28
Will the stars align for two persons to be together? Will there be enough darkness to make them see how they light up together? How will they see tha...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
52.6K 2.8K 29
REMEMBER ME SERIES # 1 - Demetria Madison Stewart thought that she had finally found her soulmate and her 'other half'. She believed in destiny and s...