To Win The War (Belle Ville S...

By TianaVianne

727K 26.6K 11.7K

Belle Ville Series #1. After countless betrayals and heartbreaks, Feem built walls around her. She's not tear... More

Prologue
Chapter 1: The twins
Chapter 2: That stare
Chapter 3: That yellow Rubicon Wrangler
Chapter 4: These walls around me
Chapter 5: The visitor
Chapter 6: The Keens
Chapter 7: Investment and bankruptcy
Chapter 8: The Creos cousins
Chapter 10: The ride
Chapter 11: His arrival
Chapter 12: Not again
Chapter 13: Retreat
Chapter 14: View deck
Chapter 15: Bad things
Chapter 16: Turned away
Chapter 17: The dinner
Chapter 18: Three words, eight letters
Chapter 19: That car
Chapter 20: No mercy
Chapter 21: Stay
Chapter 22: Last Summer
Chapter 23: The promise
Chapter 24: The bestfriend
Chapter 25: The message
Chapter 26: The kiss
Chapter 27: The call
Chapter 28: Fooled
Chapter 29: Untold stories
Chapter 30: Graduation Ball
Epilogue
Self-published under KPub PH!
Special Chapter 1: Trevor
Special Chapter 2: Feem

Chapter 9: The deal

18.5K 852 387
By TianaVianne


CHAPTER NINE

The deal


WHAT the hell?

Lamang na ng anim 'yong Realgorez! Puro sablay 'yong set ni Trev kaya hindi makapalo nang maayos sila Gonz.

Hindi rin makaatake ng maayos 'yong opposite hitter nila Trev. Pati right side hitter at outside hitter hindi rin makaatake dahil nga puro sablay 'yong set ni Trev.

What the hell's wrong with him?

Matatapos na 'yong first set ng game pero lamang na ng anim 'yong Realgorez.

Paano mahahabol ng 15 'yong 21? Para sa iba, dikit lang 'yong gano'ng score, pero para sa Belle Ville na kalaban ang Realgorez, mahirap nang habulin 'yon lalo na't nasa harap ngayon ang puwesto ni Bellamy. Bellamy's current position was very favorable to Realgorez because he's too good at attacking.

Tumawag ng time out si Coach Zavardo kaya naman mas kinabahan ako. Huling time out na kasi nila 'to para sa set na 'to.

"What the hell do you think you're doing in there? Wala ka sa sarili, Trev! Hindi ka gan'yan maglaro, ano ba? Ayusin mo. Bumawi ka," madiin na sabi ni Coach Zavardo. He was trying his best to stay calm but he needed to tell Trev what was needed to be fixed and I totally agree with him.

I thought what Coach Zavardo told Trev could somehow be the game changer, but that's not what happened. Muling nagsimula ang game pero sunod-sunod pa rin ang score ng Realgorez hanggang sa nag-25 na ang score nila.

Napabuntonghininga ako. Tahimik din ang mga kasama namin. Talo ang volleyball boys namin sa first set at bakas sa mukha ng mga kasama ko ang pagkalungkot. We know how hard they all trained to be here today.

Pinagmasdan ko lang sila mula rito sa kinauupuan ko. Napunta naman kay Trev ang atensyon ko dahil umupo siya sa sahig at inunat niya 'yong binti niya habang nakikinig sa sinasabi ni Coach Zavardo.

Umupo naman sa tapat ni Trev si Gonz at kinausap siya.

Napakagat ako sa labi ko nang maalala ko kung paano niya ako tinitigan kanina at kung paano niya rin inalis ang tingin niya sa 'kin. Bakit gano'n? Something felt wrong.

Galit ba siya sa 'kin dahil sinunod ko ang utos ni Coach Zavardo? Teka ang babaw niya naman kung gano'n. Bumili lang naman ako ng Gatorade. At ano namang pakialam niya kung sinunod ko ang utos ni Coach Zavardo? Siya ba 'yong tumakbo papuntang canteen? Hindi naman, 'di ba? Ako naman 'yon, eh.

Bago pa man matapos ang oras ng break nila, hinintay ko siyang lumingon sa 'kin at hindi naman ako nabigo dahil lumingon nga siya sa direksyon ko.

Akmang iiwas siya ulit ng tingin pero natigilan siya sa biglaang pagkaway ko.

Kumunot ang noo niya.

This is not so me, but I have to give it a try.

"Are you mad at me?" I mouthed.

I thought he was going to ignore me again but then his eyes remained directly aimed at me and his lips mouthed a simple "No".

Eh ano pala ang problema niya? Bakit gano'n 'yong inasta niya kanina?

"Come here!" I broke out of trance when he shouted.

Napalingon ako sa magkabilang gilid ko at sa likuran ko bago ko ibinalik sa kanya ang tingin ko. "Ako?" turo ko sa sarili ko.

Agad naman siyang tumango.

I could feel everyone's eyes on me, but I didn't mind them.

Kahit nagtataka ako kung bakit niya ako pinapalapit sa kanya ay tumayo na lang ako at lumapit sa bench nila. Hanggang dito nga lang ako sa railings.

"Bakit?" tipid kong tanong sa kanya.

"Did you meet with Denver?" diretso niyang tanong kaya napangiwi ako. What the hell? Ano ba'ng sinasabi niya?

"Bakit naman ako makikipagkita sa kanya?" irita kong sabi.

"Bakit nasa kanya 'yong face towel mo kanina?" tanong niya ulit kaya napakunot ang noo ko.

"Nakasalubong ko lang siya sa canteen. Hindi ko siya pinansin. Nagmadali ako bumalik dito kasi hinahabol ko 'yong game niyo. Hindi ko napansin na nahulog pala 'yong face towel ko kaya inab—teka nga bakit ba ko nag-e-explain sa 'yo?" iritang sabi ko nang mapagtanto kong ang haba na nang sinasabi ko.

"Sure ka, 'di mo pinansin?" tanong niya ulit.

Bakit ba ang kulit niya?!

"Hindi ko nga pinansin!" Tumaas na ang boses ko. Akala ko ay makikipagtalo pa siya ulit pero mabuti na lang ay tumango-tango na siya.

"Pag nanalo kami ng second and third set, you have to do something for me," mariin niyang sabi kaya napataas ang kilay ko.

"And why would I do that?"

"I'll take that as a yes," nakangiting sabi niya, hindi man lang pinansin ang sinabi ko kaya agad na nanlaki ang mga mata ko. Bago pa ako makapagsalita ulit ay tumakbo na siya kasunod nila Gonz papunta sa kabilang court. Change court na nga pala.

Agad na kinilig 'yong Realgorez students sa likuran ko dahil nasa harapan na namin ang mga players ng Realgorez. Ang sakit nga lang talaga sa ulo nang tili nila.

Sinundan ko nang tingin si Bellamy at kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya nakipaglandian doon sa babaeng lumapit sa kanya para abutan siya ng tubig. Seryoso? Tubig talaga? Ang dami kayang tubig nila Bell doon sa bench nila. Napailing na lang ako.

Habang pinagmamasdan ko siyang makipaglandian doon sa babae ay napalingon siya sa direksyon ko. Agad siyang napangiti nang makita niya ako. Iniwan niya 'yong babaeng kausap niya kahit salita pa nang salita 'yong babae at saka siya nagmadaling lumakad papunta sa 'kin.

Pagkalapit niya sa 'kin ay agad niyang itinaas ang kamay niya para makipag-high five sa 'kin.

Oh, God. Ito na naman siya.

Inirapan ko lang siya at nakipag-high five sa kanya. Wala akong choice. Kapag hindi ako nakipag high-five sa kanya ay paniguradong hindi ko na naman magugustuhan ang gagawin niya.

"It's nice to see you again, Feem," nakangiting sabi niya.

"Nag-usap na kayo ni Denver?" tanong niya kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Bakit naman kami mag-uusap?"

"Oh. Hindi pa rin kayo ayos? Come on, Feem. He did his best to stop those p—"

"Can you just stay away from me, Bellamy? Ayoko nang magkaroon pa ng koneksyon sa inyo ng pinsan mo," malamig kong sabi.

"He apologized a million times already. You should do your part, you know?" He shrugged his shoulders obnoxiously as if the thought of apologizing a million times can solve everything.

"Just leave me alone!" I snapped.

Ikinabigla niya ang pagsigaw ko, pero naintindihan niya naman kung bakit ganoon ang inasta ko kaya hindi na siya nakipagtalo pa sa 'kin. "Alright. I'm sorry," kalmado niyang sabi bago siya bumalik doon sa bench nila.

"Ano? Titingin pa eh," irita kong sabi sa mga taong nakatingin sa 'kin. They all looked away and acted as if nothing happened. If only I could stab their eyes for watching me the whole day, I would! But of course, I definitely would not. I just tend to say things I don't mean and most of the time, that's the problem.

Nagsimula na ang second set, at lamang na naman ang Realgorez. Pero this time, dalawa lang ang lamang nila. Naghahabulan lang sila ng score. Minsan lamang ang Belle Ville, tapos lalamang ulit 'yong Realgorez.

Maganda ang mga set ngayon ni Trevor. Mabuti naman bumalik na siya sa katinuan niya. Maganda na ulit ang laro ni Trev kaya maganda rin ang laro ng lahat ng kasama niya.

No'ng 23-22 na ang score, lalong umingay ang paligid dahil lamang ang Realgorez. Kinakabahan na ako para sa Belle Ville. Kapag ganitong patapos na ang set, nakakakaba talaga kapag dikit lang tapos lamang pa 'yong kalaban.

Tumawag ng time out si Coach Zavardo kaya mas lalo talagang umingay ang paligid. The crowd were all cheering for Realgorez. Wala naman kaming laban sa cheer nila dahil kaming mga players lang ang nandito para sa Belle Ville.

"Go Eagles!" sigaw ng Realgorez students.

"Go Spartans!" sigaw naman nila Lumi. Ayaw talaga magpatalo kahit kakaunti lang kami.

"EAGLES! EAGLES! EAGLES!" Realgorez students chanted.

"SPARTANS! SPARTANS! SPARTANS!" pagbawi naman namin ng mga kasama ko.

I must admit, I admire the dedication of our players when it comes to supporting our respective teams.

Kaunti man kami kumpara sa mga sumusuporta ngayon sa Realgorez, dahil sa lakas ng boses ng boys at girls namin, nasasapawan din naming ang cheer ng Realgorez.

Nang magtuloy ang game ay tumahimik ulit ang lahat. I could feel the tension between the two teams.

Atienza from Realgorez served the ball and when it reached the other side of the court, Carson, the libero of Belle Ville High, received the ball.

When the ball reached Trev, Trev set the ball to Kel who was positioned in the right front or what we usually call dos. Malas lang talaga dahil mas okay sana kung nasa dos ngayon si Gonz dahil siya talaga ang may pinakamalakas na opensa at depensa. Mahina tuloy ang opensa namin ngayon dahil wala sa harap si Gonz. Nasa sais kasi ngayon ang puwesto ni Gonz, which is the middle back.

Pinalo ni Markee ang bola pero hindi sapat ang bigat ng palo niya. Hindi tuloy nahirapang kunin ng kabila ang bola. Nang makuha ni Dominguez sa kabila ang bigay ni Markee, napunta sa setter nila 'yong bola at agad nitong binigyan ng magandang set si—

F*ck.

Kay Bellamy ulit dahil nasa harapan pa rin siya. Hindi pa kasi nakakapag-rotate dahil service pa rin nila kanina.

Nang makakuha ng magandang buwelo si Bellamy ay agad niyang pinalo ang bola mula sa posisyon niya sa quatro. Kitang-kita ang bigat nang palo niya kaya halos bumaon ito sa sahig. Ang layo nang tinakbo ng libero ng Belle Ville dahil nag-iisa lang siya sa likuran. Halos nakaabante kasi 'yong uno at sais. Si Carson ang nasa singko at walang tumulong sa kanya roon sa likuran kaya nakalusot ang palo ni Bellamy.

And just like that, Bellamy made Carson dive on the floor.

Sh*t.

24-22.

Mas lalong ginanahan ang mga estudyante ng Realgorez at buong lakas na sumigaw para ipakita ang suporta nila sa mga players nila. Hindi naman nagpatalo sa pagsigaw sina Rara at talagang sumasapaw pa. Ito ang mahirap kapag walang kasamang ibang Belle Ville High students eh, walang ibang taga sigaw kundi players lang din mismo.

Nang pumito ang referee, nag-serve ulit si Atienza at kay Gonz napunta ang bola. Patusok masyado ang service ni Atienza kaya hindi maganda ang naging receive ni Gonz. Medyo mababa tuloy ang bigay niya ng bola kay Trev kaya lumuhod nang mabilis si Trev para i-toss pa rin ang bola papunta kay Markee na nasa quatro.

Nang paluin ni Markee ang bola ay agad itong na-block ni Bellamy kaya bumalik kay Gonz ang bola. Ni-receive ulit ni Gonz ang bola, but this time, sa kanya nag-set ng bola si Trev kahit nasa middle back siya.

Nang paluin ni Gonz ang bola mula sa posisyon niya ay na-block ulit ito ni Bellamy. Buti na lang ay nakaabang ulit si Gonz kaya na-receive niya ulit agad ang bola.

Nag-set ulit si Trev pero this time, kay Markee naman ulit. Madali kasing i-block kapag galing sa posisyon ni Gonz ang bola. Nang paulin ni Markee ang bola ay nakuha ulit ito ng kabila.

Grabe, ang haba ng rally. Ayaw talagang bumagsak ng bola sa sahig. Ramdam na ramdam ko 'yong init sa pagitan ng dalawang team.

Nag-set ulit 'yong setter ng Realgorez at ibinigay niya ang bola kay Bellamy. Pagkapalo ni Bellamy ng bola ay inaasahan naming makaka-score na sila pero namangha ako nang ma-receive ng maayos ni Carson 'yong palo ni Bellamy kaya maganda ang punta ng bola kay Trev.

Nang mapunta kay Trev ang bola, nakaabang ang lahat sa kung sino ang bibigyan niya ng bola. Inaasahan ng lahat ay kay Gonz o Markee niya ibibigay ang bola pero mabilis niyang inilaglag ito sa kabila, dahilan para makapuntos ang Belle Ville.

Napatayo ako.

"Nice Trev!" malakas na sigaw ko. Nadala ako masyado nang galaw niya. Pang-mautak talaga ang posisyon na setter. Hindi lang basta set ang ginagawa namin, inuutakan din namin ang kalaban kaya nilalaglag namin ang bola sa kalaban kapag inaasahan nilang papalo ang isa sa 'min.

24-23.

Isa na lang ang kailangan nilang habulin.

Mabuti na lang at si Kel na ang mag-se-serve. Mabigat masyado ang service ni Kel kaya nahihirapan ang kalaban lagi na i-receive ang serve niya.

Nang pumito ang referee ay agad na nag-serve si Kel. Napunta naman kay Atienza sa kabila ang bola. Hindi maayos ang pagkaka-receive niya kaya hindi rin naging maayos ang set ng bola nila papunta kay Bellamy. Hindi pinalo ni Bellamy ang bola at nilaglag niya lang ito kila Trev. Mabuti na lang ay nakaabang sa baba si Trev at agad niyang nakuha ang bola.

No'ng makuha ni Trev ang bola ay para bang nag-slowmo ang lahat. Titig na titig ako roon sa bola na kasalukuyang nasa ere at ikinabigla ko ang mabilis na pagpalo ni Markee sa bola. Nabutasan sa likuran ang Realgorez dahil nakaabante lahat ng players nila kaya naman nakapuntos ulit ang Belle Ville.

Nagsigawan sila Betty sa likuran ko. Todo suporta sila sa volleyball boys namin at kahit ako ay hindi na rin mapakali rito sa kinauupuan ko.

24-24.

Deuce.

Kailangan pang maka-score ng dalawa ng Belle Ville para manalo sa set na 'to.

Kung sakaling maka-score man ng isa ang kabila, walang problema basta maka-score ulit ang Belle Ville dahil isang rotation na lang ay mapupunta na sa harap si Gonz.

At kapag nasa harap si Gonz, walang nakakatalo sa tandem nila ni Trev.

Tulad nang inaasahan ko, naka-score ulit ang Realgorez dahil kay Bellamy. Bellamy's now positioned on the middle front, making him the middle blocker this time.

Nang mag-serve ang Realgorez, na-receive ni Gonz ang bola mula sa cinco at binigyan ng magandang set ni Trevor si Jack na ngayon ay nasa dos na kaya maganda rin ang naging pag-atake ni Jack dahilan para hindi ma-receive ng libero ng kabila ang bola.

1-1

Deuce ulit! They must win a span of two points. Ang unang makalamang ng dalawa, 'yon ang panalo.

Kita ko ang pagngiti ni Gonz at Trev sa isa't isa nang sa wakas ay mag-rotate na ulit sila. Sa wakas ay napunta na sa quatro si Gonz. Left front is actually the best position for Gonz. Now I have a strong feeling that they'll win this time!

Nang mag-serve si Jack, na-receive ng maayos ng kabila ang bola at binigay ng setter nila kay Santiago ang bola. Nang paluin ito ni Santiago ay suwabeng na-block ni Gonz ang bola kaya bumalik sa kanila ang bola. Pero dahil nakasuporta sa baba si Bellamy, na-receive niya ang bola at binigay ito sa setter nila. Nag-set ulit sila at binigay ulit ang bola kay Santiago, pero this time, pumasok na ang palo niya. Na-receive naman ng maayos ni Jack ang bola mula sa uno kaya nabigyan ni Trev ng magandang set si Gonz.

Mula sa quatro ay umatake si Gonz. Sa lakas ng opensa ni Gonz ay hindi na kinaya ng depensa ng kabila kaya bumaon pa rin ang palo ni Gonz.

1-0!

Nice one!

"Go Gonz!" malakas na sigaw ni Rara. Lumingon si Gonz kay Rara at sinaluduhan niya ito na para bang master niya si Rara.

Mahina akong natawa.

Laging ginagawa ni Gonz 'yon tuwing makaka-score siya.

Nang mag-serve ulit si Jack ay nahirapan i-receive ng kabila ang bola kaya nang mapunta sa setter nila ang bola na halos dikit na sa net ay naabot ni Trev ang bola at siya mismo ang pumalo nito. Pagkapalo ni Trev sa bola ay halos bumaon ito sa lapag at sabay-sabay kaming tumayo para sumigaw at pumalakpak.

We won the second set!

Change court na ulit kaya bumalik na rito sa bench sa harap namin ang Spartans.

Kitang-kita kong tagaktak na ang pawis ng mga players namin pero bakas sa mga mukha nila ang saya dahil may third set pa. That's actually one thing about being an athlete. Kahit sobrang pagod ka na, basta alam mong may pag-asa ka, gaganahan ka talaga.

Malaking bagay talaga kapag naipanalo nila ang game na 'to dahil 70% ng cash prize ay i-do-donate namin sa mga school for visually impaired.

Uminom ng malamig na tubig sila Trev at sandali silang nagkulitan nina Gonz at Carson. The smile on their faces were priceless, and I'm really happy for them.

I broke out of trance when Trev's blue eyes suddenly met mine.

Nagsalubong lang ang kilay ko at inilipat ko agad kila Coach Zavardo ang paningin ko.

Bakit ba lagging nagtatama ang paningin namin? Ang awkward kaya.

Napailing na lang ako at pilit siyang inalis sa isip ko pero halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko namalayang nasa mismong harapan ko na pala si Trev.

Inis ko siyang tiningnan. "Ano na naman ba?" reklamo ko sa kanya.

He flashed me a mischievous smile. "If we win this game, you have to sit beside me on our way back to Belle Ville. That's the deal."

Napakunot ang noo ko. "Tigilan mo 'ko Trev. Hindi kita tatabihan sa biyahe," pagmamatigas ko.

"Sige. Ako na lang ang tatabi sa 'yo," he said, shrugging nonchalantly as he made his way back to their bench.


___

Tiana: Join our facebook group and let's talk there! ;)

TianaVianne's Readers <-- search niyo po 'yan sa fb and click join. Thank you!


Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
106K 607 7
Georgina Meredith Sy is living the life. She grew up in comfort. Hindi na niya kailangan ng kahit ano. She's got a loving family, she's pursuing her...
478K 10.9K 60
MUSIC BROUGHT THEM TOGETHER. Huling taon na ni Chord at ng kanyang banda sa CCPA. Konting tiyaga na lang at magbubunga na rin ang matag...
1.3M 57.3K 103
(Finished) Stella Dominguez works during the day and goes to law school every night - well, after her law classes, she parties at clubs to have some...