Herrera Series 7: Owning the...

By KNJTHNDSME

347K 14.4K 1.2K

Nang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26-27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter

Chapter 15

7.1K 334 26
By KNJTHNDSME

Chapter 15

HINDI na nagulat pa si Roxanne nang pagdating nila sa venue ng pagdadausahan ng wedding party ni Nathalie ay wala silang makitang maraming bisita.

Mabibilang lang ang mga taong naroon. Ang pamilya nila, pamilya ni Nathalie sa side ng kanyang ama at pamilya ng asawa nito na mangilan ngilan lang ang naroon.

Tulad niya, si Nathalie ay lumaking hindi nagkaroon ng matalik na kaibigan. Lumaki silang sila sila rin ang nagkakasama sa lahat ng bagay.

Si Everest at Saiden lang ata ang merong kaibigan sa labas. Kaya malamang, hindi sila kagaya ng mga ito na masyadong easy-go-lucky.

Bumaling siya kay Lucien na bakas sa mukha ang pagkalito at pagkamangha. Marahil ay hindi iyon ang inaasahan niyang hitsura ng venue.

Sa isang private beach idinaos ang kasal ni Nathalie. Walang magarbong reception, palamuti, musika at kung anu-ano pa na dapat ay meron sa isang kasal.

Ngunit hindi naman iyon kasal na inaasahan ng lahat. Sa katunayan ay matagal ng kasal si Nathalie at Lio. Hindi nga lang nagkaroon ng reception dahil biglaan iyon at ang dalawa lang ata ang nakasaksi sa lahat.

Kaya naman heto sila at sini-celebrate ang kasal na hindi naman nila napuntahan.

Hinila niya ang binata papasok sa isang malaking kubo kung nasaan ang naroon ang mga pinsan niya at mga asawa ng mga ito abala sa pagku-kwentuhan.  Tulad ng inaasahan ay wala roon si Alexa.

"Hey!" Bati sa kanya ni Celeste nang makita siya. Ang mga mata nito ay tumuon kay Lucien. "You must be.."

"Shut up, Celeste." Seryosong suway ni Eros. Batid niyang iniisip nito ang huling usapan nila sa isang restaurant.

Umawang ang sulok ng labi ni Celeste, halatang nagpipigil ng ngiti. "What? I am just greeting him. Ano na naman ba ang problema mo?"

"Sa hitsura mo kasi, mukhang may hindi maganda kang sasabihin." Nakangiwi namang sabi ng asawa nito.

Umingos ito. Pero naroon parin ang nakakalokong ngiti. "Hindi na kayo nasanay sa akin."

Pinaupo niya ang binata sa tabi ni Eros. Ang tabi lang kasi nito ang may bakante.

"Hi." Bati ni Lucien. Naiilang sa mga bagong kasama. "I am Lucien." Nakikita niyang nati-tense ito na makasama ang hindi pamilyar na hitsura.

"Nice to meet you, Lucien. I am Eros."

"I know a lot about you."

Umangat ang noo ni Eros. Namamangha sa sinabi nito. Kaagad rin iyong bumaba saka sumeryoso. "Believe me, you never know a lot about me."

"I am Sera." Iminuwetra nito ang asawa. "This is my husband, Lucas."

"Hey. Welcome to the family." Nakangiting inilahad ni Lucas ang kamay. Tinanggap naman iyon ni Lucien.

"Thanks."

Nagulat siya nang maglahad rin ng kamay si Sera kay Lucien. Ang mukha nito ay nagpapakita ng pagkainteres sa binata.

"H-Hello." Nahihiyang tinanggap iyon ni Lucien. "I am pleased to meet you." Bumaling ang binata kay Celeste. "I know you."

"Yeah?" Bumaling ito sa asawa. "He knows me."

Si Aspen naman ay sumama ang tingin kay Lucien. "Gusto mo rin ba makilala kamao ko?"

Napamaang ang binata sa inasta ni Aspen, sinamaan naman niya ito ng tingin.

Nagpakilala rin si Saiden at ang asawa nito. Sumunod naman ang kapatid niyang si Everest at ang asawa rin nito.

Nang matapos ang sandaling iyon ay namatay ang usapan. Nagkaroon ng saglit na pagka-ilangan sa pagitan.

"So, I heard you guys are dating?"

Lihim siyang nagpasalamat ng buhayin ni Sera ang usapan. Nagsalin ito ng wine sa baso.

"Y-Yeah."

"Huwag kang mahiya sa amin. Mukha lang kaming nangangagat, pero mababait naman kami." Sabat naman ni Sera. Pakiramdam niya ay hindi ito ang Sera na kilala niya.

Mahinang natawa si Celeste. "Ikaw lang naman ang nangangagat sa aming lahat e. Sinali mo pa kami."

Hindi pinansin ni Sera ang kapatid. Bagkus ay kay Lucien ito nakatuon. "Anyway, kailan kayo nagkakilala?"

Si Sera ang tipo ng tao na hindi nag-uumpisa sa kahit na anong usapan. Ang inaasahan niyang magtatanong ay si Celeste na madaldal sa kanilang lahat.

"For how long have you been dating?"

"A month, I guess."

"You guess?" Kumunot ang noo ni Sera. "Ngayon lang ako nakarinig ng nagdi-date na hindi alam kung ilang buwan na nagdi-date. I thought dating date are supposed to be special?"

"Hindi mo nga na-experience ma-date e." Natatawa namang ani Celeste. Ang atensyon ay nasa binata rin. "You know my sister here never dated. Actually she got pregnant before she even know those stuff."

"Shut up!" Singhal ni Sera. "At bakit sa akin nabaling ang usapan? I am talking to him."

"Pwede bang hinay hinay sa pagtatanong, Sera." Singit naman ni Everest. "Ako dapat ang nagtatanong dahil kuya ako." Bumaling ito kay Lucien. "So, gaano mo kakilala ang kapatid ko?"

"More," Bumaling ito sa kanya. "like she ever imagined."

Napalunok siya at nakaramdam siya nang kilabot sa katawan.

Hindi niya maiwasang isipin na isa itong serial killer na inaaral munang mabuti ang biktima bago patayin. Kung iyon man ang plano nito sa kanya, kailangan niyang magdoble ingat.

Pero sa hitsura ni Lucien? Sino nga ba ang mag-aakala na nagtatago rito ang isang kriminal? Mukha naman itong disente. Malinis ang katawan at hindi bakas ang pagka-konsensya.

Marahil ay iyon talaga ang intensyon nito. Ang huwag ipakita kung ano ang tunay na ugali upang makuha ang loob ng kung sinumang gusto nitong mabiktima.

'But not me, Lucien. I will not fall on your tricks. Sisiguraduhin kong sa ating dalawa, ikaw ang mahuhulog sa patibong ko'

Nag-iwas siya ng tingin sa binata saka ngumiti sa mga pinsan niya. "Nasaan si Nathalie at Lio? Gusto ko silang makausap para ma-congratulate man lang."

Gamit ang nguso ay itinuro ni Everest ang pinsan sa isang kubo kausap nito ang ama.

Siya at si Nathalie ay parehong malayo ang loob sa ama. Ngunit hindi naman kasing istrikto ng ama niya ang ama Nathalie, babaero lang.

"Looks like they forgiven each other."

Umingos si Sera. "Ano namang kasalanan ni Nathalie sa kanyang ama para patawarin siya?"

"Huwag ka ngang epal!" Singhal ni Celeste. "Palibhasa hindi mo parin kinakausap si Papa."

Hindi sumagot si Sera.

"Nasaan pala si Alexa? I haven't seen her j awhile." Ani Saiden.

"Oh, that girl? She's living with her Nanny." Sagot ni Celeste na hindi manlang nag-aalala sa kapatid.

"Pinayagan niyo?" Baling ni Everest kay Eros.

Nagkibit balikat ito. "It's her life. She is smart and we know that she can figure the life she wanted."

"Alam naman natin na iyon ang gusto niyang buhay. A simple and stress free life. So yeah, we let her go."

"Wow. I miss her already." Nalulungkot na ani Everest. "Sana lang ay makatagpo siya ng lalaking mamahalin siya kahit iba na ang takbo ng buhay niya."

"Sana."

Bigla ay tumingin ang lahat sa kanya. Kumunot ang noo niya sa mga ito. "What?"

"Sana ay mag-asawa kana." Saad ni Everest.

"Sana." Segunda naman ng lahat.

PAGBALIK sa rancho ay doon lamang niya nakausap si Nathalie. Nagkaroon sila ng tahimik at masayang pag-uusap na malayo sa iba nilang kasama.

Nakikita niya kung gaano na kasaya si Nathalie sa napiling buhay. Sa magiging anak nito sa asawa at sa bukas na haharapin nito.

Nasaksihan niya kung paano ito magdusa. Nakita niya kung gaano ito naghirap nang mawala si Lio kaya naman nararapat lang na sa kabila ng lahat ay makuha nito ang kasiyahang hinahangad.

"I wish that to you aswell."

Napukaw siya. "Why me? Bakit sa akin na naman napunta ang usapan?"

Bumaling ito kay Lucien na ngayon ay kausap ng kanyang Lolo, ina at kapatid. Ang mga ngiti sa labi ng binata ang tanda na hindi ito pinapakitaan ng masamang pagtrato ng pamilya niya.

Kung alam lang ng mga ito.

"We all like him."

"Him?" Umingos siya.

"Hindi siya katulad ni Ellis. He is more open to our family. Mukhang hindi nag-aalala kung may masabi ang pamilya natin sa kanya. I can sense that he is more than just he looks."

"An ex-convict." Bulong niya

"What?" Tanong ni Nathalie.

"Wala. Kamusta ang relasyon niyo ng Daddy mo?"

Natigilan ito sa tanong niya, ngunit kaagad rin naman iyong nabawi. "We are working it out. Though, I am not expecting anything from him anymore. Sanay na ako na humihingi siya ng tawad at nangangako, tapos hindi rin naman natutupad. But I forgive him. That's all it matters."

Tumango siya.

"How is your relation with your Dad?"

"Still."

"Oh." Nadidismayang anito saka pilit na ngumiti. "I know you guys are going to be fine. Hintayin mo lang kung ano ang plano ng Diyos sa inyo. Anyway, we are having a bonfire later. So don't go anywhere."

"Ok."

Tumayo ito. "Maiwan muna kita. Titingnan ko lang kung ano ang hapunan."

Tumango lang siya bago siya iwanan ni Nathalie. Nasa ganoong sitwasyon siya nang lapitan naman siya ng kanyang ina.

"Ma."

"I like him."

"H-Ho?" Kaagad niyang hinanap ang binata. Halos panlamigan siya nang makitang kausap nito ang kanyang ama. "He is talking to Dad."

"I know. Looks like your Dad likes him too."

"What?" Hindi makapaniwalang aniya. Hindi niya alam kung anong klaseng pambibilog ang ginawa ni Lucien para makuha ang loob ng kanyang ama. "How?"

Gusto niyang sabihin sa ina kung anong klaseng tao si Lucien. Pero natatakot siyang madismaya na naman ang kanyang ama sa kanya.

Sa nakikita niya, mukhang nagkakamabutihan nga ang mga ito.

"I know it's hard to believe. But Lucien was sent here to you on purpose."

"I don't believe in destiny or fate, Mom." Walang emosyong aniya. Hindi siya magpapa-apekto sa nakikita. Hindi siya mahuhulog sa pakulo ng binata. Sisiguraduhin niyang bawat galaw nito ay naka-abang siya.

"Kung gano'n, ano ang dahilan ni Lucien dito? If you don't believe in such things, why is he here?"

Dahil ang gusto lang naman niya rito ay ang anak na maibibigay nito sa kanya. Wala ng iba.

"Do you love him?"

"Mom!"

Napakurap ang kanyang ina. Sa sagot niyang iyon, alam na nito kung ano ang nararamdaman niya.

Nadismaya ito. "Huwag mong hahayaang pumasok sa buhay mo ang isang tao, kung wala ka rin namang plano na ingatan siya. You don't deserve him, Roxanne." Pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya.

Wala siyang nagawa kundi ang sundan nalang ng tingin ang kanyang ina.

Nang sumapit ang hapunan ay masaya ang naging salu-salo. Ngunit siya ay tahimik at pinakikiramdaman ang kanyang ina na hindi na siya tinapunan pa ng tingin.

Napuno ang mahabang mesa ng iba't ibang klase ng putahe na pinagsaluhan ng iba't ibang pamilya.

"Kapag may oras ka, Lucien, bisitahin mo kami sa bahay at maglaro tayo ng chess." Aya ng kanyang ama kay Lucien. Dahil doon ay nawala ang atensyon niya sa kanyang ama.

"Opo, tito. Titingnan ko ho kung may oras ako."

"I am sure you do. I heard that Roxanne put an investment to your bar. Hindi ka na mahihirapang humanap pa ng time."

"Pupuntahan ko rin ang bar mo." Ani naman ni Everest. "Me and Lewis." Bumaling siya kay Lewis na naroon rin.

"Yeah," Segunda nito. "you know what, I think you and I can do partnership. Gusto ko ring mag-invest sa iyong bar."

"Hindi ko na bar iyon. I used to be the owner."

"Nakulong ka nga pala 'no?"

Nanlaki ang kanyang mga mata. Awtomatikong tumungo sa kanyang ama upang tingnan kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi ni Lewis.

Ngunit gano'n nalang ang pagka-gulat niya nang wala manlang bahid ng pagka-disgusto sa mukha ng kanyang ama. Maging sa Lolo niya na tumatango tango pa habang nakatingin kay Lucien.

"What's going on?" Hindi iyon ang inaasahan niyang reaksyon sa mga ito. Hindi iyon ang nakasanayan niyang makita.

Sa mga oras na iyon, parang siya lang ang may ibang reaksyon sa lahat. Siya lang ata ang negatibo ang iniisip ng mga sandaling iyon.

Tumango ang binata. "Yes." Iyon lang ang naging sagot nito. Hindi niya nakitaan ng pagkahiya ang binata.

Nagkaroon ng tensyon sa paligid.

Bigla ay nakaramdam siya ng pagkahilo at pag-ikot ng sikmura niya. Animo'y masusuka. Nakaramdam rin siya ng paninikip ng dibdib.

Kaagad siyang tumayo. "Excuse me." Nagmadali niyang tinahak ang labas upang makalanghap ng sariwang hangin.

Huminto siya sa ilalim ng malaking puno at doon isinandal ang nang-hihinang katawan.

Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Lalo na sa reaksyon ng kanyang ama nang sabihin ni Lewis ang nangyari kay Lucien.

Napahawak siya sa kanyang ulo. "What was going on?"

Continue Reading

You'll Also Like

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...