Cost of Taste | ✓

By alluringli

7.4M 378K 393K

seniors series #2 A Senior Highschool series. complete [unedited] Maraming nagsasabi na hindi naman daw patim... More

Cost Of Taste
seniors series
Panimula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
kabanata 40
Wakas
All my love, Li

Kabanata 1

197K 10.2K 11.9K
By alluringli

Kabanata 1

"Sino ba si Giorgion San Pedro, Marupok ka?!" singhal ko kay Suzette na ngayon ay halos nagmamakaawa saakin.

Sino ba kasing malakas ang amats na magi-imbita ng di naman niya close sa kanyang 18th birthday?!

She slouched on her chair and started arranging the violet themed invitations on the table. Binatuhan niya ako muli ng tingin na nagpapaawa.

Nasa Main Caf kami, inaayos ni Suzette ang mga invitations niya para sa 18th birthday niya. Late kasi siya nakapag-aral kaya mas matanda siya sa akin ng isang taon. Hindi naman halata dahil mas mukha siyang bata sa akin at mas bata siya umakto.

Both of us are from TVL- Cookery. Nakilala ko siya dahil madalas kaming maging magka-grupo kapag merong groupings. She's fun to be with since she's pretty laidback.

"Crush ko 'yon! Nasa 18 roses siya kaso di niya pa alam." Hagikgik ni Suzette, twirling her curly hair with her finger.

I narrowed my eyes at her.

"Pota ka, paano 'yon makaka-attend?!" kinurot ko siya sa pisngi. She winced because of that.

"Kaya nga nandiyan ka e! Ikaw magbibigay ng invitation," suhestiyon niya at nagawa pa akong bigyan ng isang ngiti.

Ngumiwi ako at binato ang invitation sa mukha niya.

"Ulol, di ko nga 'yon kilala tapos ako pa magyayaya sa kanya?"

Masyadong mataas ang pangarap nitong kaibigan ko. Gusto sana niya na lahat ng ex niya ang magiging eighteen roses sa kanyang kaarawan kaso hindi umabot sa eighteen kaya naman mga crush na lang niya.

Ang problema lang ay hindi naman lahat ng crush niya ay kakilala namin. Ang iba ay sadyang gwapo lang sa paningin niya.

"Sige na, Arrisea! Kahit 'yun na lang regalo mo sa akin! Makapal naman mukha mo e." Ngumuso siya.

Natigilan ako at biglang lumingon sa kanya. Magandang ideya 'yon. Hindi ako gagastos kung sakali. Ngumiti ako sa kanya at binawi ang invitation na binato ko.

"Game! Anong strand ba no'n?"

She smiled sheepishly, she pointed towards the building near bonanza area.

Kaya naman kasalukuyan akong nasa harap ng room ng ABM 1. Nasa Accountancy, Business and Management pala 'yung crush niya. Naks, mukhang pera.

Habang papunta ako rito, nararamdaman ko ang mga titig sa akin ng tao. Lalo na ng mga lalaki. Malalagkit. I decided to ignore it, hindi naman kasi ako nilalapitan.

I'm not blind. Alam ko kung bakit ganoon na lamang ang titig nila sa akin. I was blessed with looks that seems to captivate most people. Samahan pa ng katawan ko na medyo humuhulma na dahil na rin sa aking edad.

Sa TVL building, sanay na ang mga mata ng lalaki sa akin dahil madalas ako roon. Siguro rito ay naninibago pa sila sa aking mukha.

I have foreign blood in my veins. Ang maikli kong buhok ay kinulayan ko lamang ng itim dahil ayokong masyadong mapagkamalang banyaga. May maliit akong nunal sa ibabang bahagi ng kanang mata ko, a beauty mark as they say.

My father is a foreigner who had a cliché love story with my mother. Ang pangit nga lang ng pagiging gasgas dahil ginawang kabit ng Papa ko ang Mama ko nang hindi niya alam. My father wanted to raise me abroad when I was already seven years old, pero hindi ako tanggap ng kanyang asawa. Kaya naman bumalik din ako sa Pilipinas kahit ibang-iba ang buhay ko noon at ang buhay ko ngayong kasalukuyan.

I learned to speak english because my stepmother mocked me for not speaking her language well. Maswerte siya dahil hindi pa ako marunong magmura noong bata ako dahil baka araw-araw ko siyang namura noon dahil sa mga ginawa niya sa akin.

My thoughts drifted away when I noticed that I was already infront of the door of his section. Ang taray ni Suzy, mukhang matalino pa 'yata ang nais ng babaitang 'yon.

Tumigil lamang ako nang mapagtantuan kong nasa ABM 1 na ako. Kakatok na dapat ako sa pintuan nang may tumawag sa atensyon ko.

"Hi Miss," may lumapit sa akin, his eyes raking over my entire body. Hindi ako kumibo. Mamatay siya sa kakahintay ng sagot sa akin.

My silence didn't make him go away. Bagkus ay lalo lamang siyang lumapit.

"Sungit mo naman. Anong pangalan mo? Baka naman pwede natin kilalanin ang isa't-isa at pwede ba akong maka-isa?"

My lips were pressed in a thin line. Madalas kapag ganito ay agad ko rin binabatuhan ng mga masasakit na salita upang tumigil na, sometimes I'll even go with the flow just to prove that I'm not being intimidated.

Pero hindi ngayon, wala ako sa mood.

"Dali na, Miss..." he keep on prying, lalo lang niyang sinasarado ang ilang espasyong meron sa pagitan namin.

Wala pa rin akong sinabi. Nag-kunyari akong naglilinis ng kuko para lang ipakita kung gaano kahaba ito.

Mangangalmot talaga ako kapag lumapit pa ito sa akin. Isang lapit pa, magiging Wolverine ako nang wala sa oras.

"Hindi ka taga-ABM 'no? Anong strand mo? HUMSS? GAS? STEM? Huwag naman sana sa TVL kasi alam mo na..." Nagawang pang tumawa ng hinayupak.

It was out of nowhere for him to state that. Pero hindi ko naman hawak ang bibig niya kaya naman minabuti ko huwag itong bigyan ng pansin. Tutal ay hindi naman ako magtatagal dito.

"Mga patapon 'yon e." Nagpantig ang mga tenga ko sa sinabi niya.

Nevermind not minding this guy.

I laughed and turned my attention to him. Agad naman siyang ngumisi dahil akala yata'y totoong natutuwa ako sa kaliitan ng utak niya.

Hindi ko alam kung anong strand niya, pero wala siyang karapatan na sabihan kaming patapon. Siya nga basura pero sinabihan ko ba siyang patapon?

Pinakyuhan ko siya gamit ng kamay ko. I look at him from head to foot. Ang pangit naman nito, ano pa bang aasahan ko sa mga tulad niya?

"Grabe 'no? Pangit ka na nga tapos pangit pa ugali mo. Consistent ka, ang galing." I commented, may sarkastikong ngiti sa labi.

Nalaglag naman ang panga niya. He was about to repudiate my claims when we heard footsteps marching to our way. Nakita ko na may dalawang lalaking papalapit sa'min. Ang isa sa kanila ay pamilyar sa'kin.

Onyx hair, fair skin and his angelic face immediately registered in my mind.

Shit lang 'yung crush ko!

Napangiti agad ako. Lahat ng inis ko sa katawan ay napalitan ng kilig. Ilang linggo ko rin hinanap 'tong lalaki na 'to tapos ngayon lang siya magpapakita? Hindi man lang ako nag-ayos! Gusto ko maglatag ng red carpet para sa kanya!

Come to me, babe!

"Babe! May bumabastos sa akin!" sumigaw ako para marinig ni Adren. Lumingon sa akin si Adren, he arched an eyebrow upon seeing me.

"Ako ba, babe?"

Agad na kumunot ang noo ko at napangiwi.

Tangina, bakit 'yung katabi 'yung sumagot?!

"Kilala mo, Gio?" mahinahon na tanong ni Adren sa katabi niya.

Humalakhak 'yung katabi niya at unti-unting umiling. May pilyong ngiti sa kanyang labi habang ang mga mata'y nakatuon sa akin.

"Babe, sabi ko naman kasi sa'yo maraming mukhang manyak sa mundo e. Isa ka na roon, gago ka." tinuro nung Gio 'yung lalaki na nanginginig na sa takot.

The guy swallowed hard and his legs are trembling. Sino ba ang mga ito at ganito na lamang ang takot niya? Well, ganito naman talaga madalas ang mga lalaki — takot lang din sa kapwa nilang lalaki. As if girls are not on the same level as them to receive the same level of respect that they give to their fellow men.

"S-sorry p're. Di k-ko alam j-jowa mo."

"Kahit di ko 'yan jowa, wala kang karapatang mambastos." Saad nung Gio na masama ang tingin sa lalaki.

The guy only gulped, hindi magawang sumagot pabalik.

"You're not even from ABM 1. Did you purposely followed her with the intention to be a creep? How low of you." Malamig na sabi ni Adren, nakahalukipkip din siya.

The side of my lips automatically created a smirk. I knew that he was the perfect good boy but seeing him on action makes me fall even more.

Hindi makatingin nang diretso ang lalaki. Unti-unti pa nga siyang yumuko dahil 'yata sa takot at kahihiyan.

"S-sorry talaga! Gio at A-adren."

"Kami ba binastos mo? Tell that to her," Tinuro ako ni Adren gamit ng nguso niya. It was a cute pout from my perspective.

The guy, trembling in fear turned to me with an apologetic look. Hindi ko maiwasan ang isipin na kailangan pa bang kapwa lalaki ang sumuway sa kanya para tumigil siya? That speaks a lot. Some boys will only listen to boys too.

"Sorry A-ate.."

Ngumisi ako. "Kanina lang gusto mong maka-isa a? Ngayon kapatid na kita?"

He immediately went pale. Unti-unti siyang lumayo sa'min.

Tumakbo paalis 'yung lalaki malamang sa takot at kahihiyan. Duwag naman pala ang isang ito pero ang lakas kanina ng loob porke't babae ako!

"Thanks," lumingon ako kay Gio at kay crush.

Adren only frowned at me before trying to give a smile, Gio on the other hand offered a bubbly grin.

"Bakit ka po ba nandito? May pinapahatid ba sa'yo?" tanong nung Gio.

"Ah, may kilala kayong Giorgion San Pedro?"

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Adren pero may sumilay na ngiti sa labi niya. Minsan hindi ko alam kung napipilitan lang ba siyang ngumiti.

"Ha? Bakit? Ako 'yon. Legit. Hindi bogus." Humalakhak si Gio.

That makes sense. Kaagad kong kinuha ang invitation na para sa kanya at inabot ito.

"May kaibigan kasi ako na nilagay ka sa 18 roses niya. Di mo 'yon kilala pero crush ka niya." Walang pasikot-sikot kong sabi.

"Oh," tumango-tango si Gio. "May shanghai?"

I chuckled, hindi ko pa alam pero madali lang naman mag-luto nang shanghai kung gusto niya talaga ito bago pumayag na sumama sa birthday ni Suzy.

"Hindi pero lulutuan kita kung papayag ka." Kumindat pa ako sa kanya.

Magaling akong magluto. Kaya nga sa lahat ng track na ino-offer ng TVL, pinili ko ang cookery. Hindi ba 'yun naman talaga dapat? Piliin mo ang passion mo? Hindi ang gusto ng ibang tao para sa'yo?

He immediately grinned. "Considered it done!"

Inilipat ko ang atensyon ko kay Adren na ngayon ay suot pa rin ang peke niyang ngiti. It looks natural to others but he can't fool me. Mabilis ang kutob ko kapag pinaplastik lang ako.

"Baka gusto mo rin matikman?" tanong ko kay Adren.

"Luto mo?" tanong niya, suot pa rin ang pekeng ngiti.

"Ako." Ngumiti ako nang malawak. Muntik na mawala ang ngiti sa labi niya. His face was devoid of any emotion, pakiramdam ko ay kung hindi siya nakangiti ay wala talaga siyang emosyon.

He looks baffled with the way he tilted his head to his side but I'm not sure. He wasn't easy to read and it fuels my curiosity more.

"Kilala mo siya, Adren?" tanong ni Gio, tumingin sa akin si Gio bago bumaling sa kanyang kaibigan.

"Hindi..." umiling-iling si Adren pero hindi tinatanggal ang tingin sa'kin.

I pouted. Akala ko pa naman ay may lasting impression na ako sa kanya. Di bale, we have all the time in the world for him to know me better!

The siren for the lunchbreak made my gaze veered away from them. Naalala ko na may susunod pa pala akong klase. I immediately fixed my hair before flashing a flirty smile.

"Alis na muna ako, bye! Madalas mo na akong makikita, Adren!"

Isang ngisi ang sumilay sa labi ko nang makita ko siyang nakakunot ang noo sa'kin.

I walked away from them while thinking of possible ways for him to notice me more. Papansin na kung papansin pero kung siya lang din naman ang magiging boyfriend ko dahil sa pagiging papansin, I wouldn't really mind.

Hindi ko inakalang sa mga mukhang pera pala kasapi ang crush ko. Mukhang lalabas ang pagiging praktikal ko rito ah.

❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
207K 11.4K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
149K 2.1K 31
Masayang pamilya ang mayroon sina Lucas at Bythesea kasama ang kanilang anak na si Louie Zhi. Ngunit ng dahil sa aksidente na lumubog ang barko na sa...
21.5M 313K 54
It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today.