LOKI: The Next Battle

By Direk_Whamba

262K 5.9K 887

[BOOK 2 COMPLETED] Countdown :3 basahin, lubusin, bago burahin. More

LOKI: The Next Battle
Prologue
1st Encounter
2nd Encounter
3rd Encounter
4th Encounter
5th Encounter
6th Encounter
7th Encounter
8th Encounter
9th Encounter
10th Encounter
11th Encounter
12th Encounter
13th Encounter
14th Encounter
15th Encounter
16th Encounter
17th Encounter
18th Encounter
19th Encounter
20th Encounter
21st Encounter
22nd Encounter
23rd Encounter
24th Encounter
25th Encounter
26th Encounter
27th Encounter
28th Encounter
30th Encounter
31st Encounter
32nd Encounter
33rd Encounter
34th Encounter
Epilogue
Author's Last Note

29th Encounter

4.6K 112 8
By Direk_Whamba

29th Encounter


Surtyr's POV:


Pagkadaan namin ni Coleen sa bukana ng isang eskinita, may tatlong estudyanteng lalake ang nag-overtake samin. Nakauniporme rin sila pero sa ibang eskwelahan, hindi sa Eastville.


Tinabig pa nung isa ang balikat ko. Asta silang mayayabang kala mo kung mga sino.


"—Mga gangsters. Mayayabang pero lampa." bulong sakin ni Coleen.


"Gangster?"
tanong ko.


"Gangster— malamang member ng gang. I don't know in other places, pero ang mga gangsters dito ay laging nakikipagpustahan sa iba pang gangster sa kung anu anong buwis-buhay na bagay."


"Bakit sila ganun?"


Nagkibit-balikat si Coleen. "Ewan ko? Baka kanya kanya silang may gustong patunayan sa isa't isa. Pero sakin, okey lang na existing sila as long as napagkakakitaan ko sila. Hehehe~"


Nakakakilabot. Si Coleen.


"—Tol sigurado ka bang dito yung way papuntang Eastville?" narinig naming nagtanong yung gangster na nasa gitna.


Iisa lang ang way namin kung parepareho kaming pupunta ng Eastville, kaya hanggang ngayon kasunod pa rin nila kame.


"Tsk.. Oo tama ito. Pag nandun na tayo, aabangan natin yung Loki na yun. Lintek na lalake yun, naaksidente na't lahat nabuhay pa! May sa pusa yata ang ungas!"


Nagpanting ang tenga ko pagkarinig ko nun. Lalo na nung binanggit nila si kuya! Anong karapatan ng mga taong gaya nila na pag-usapan ng masama si kuya?!


Kinuyom ko na ang kamao ko tas susugurin ko na sana sila pero hinatak akn pabalik ni Coleen.


"Huy ano ka ba? Bakit para kang mag-aamok diyan?"


Grrr... Galit ako. Gusto ko silang parusahan kahit anong mangyari!


"Surt, ayos ka lang? Huminto nga tayo saglit." nung ayaw kong huminto sa paglalakad, pinuwersa niya ako.


"Kumalma ka nga? Kilala mo ba yung taong pinag-uusapan nila?"


"Oo. Pinsan ko."
master ko.


Hinintay lang yata ni Coleen na makalayo sila ng konti bago kami naglakad ulit. "—Hay akalain mo! Pinsan mo yung bf ng bestfriend ko! Wag ka nang makialam sa personal na problema ng pinsan mo. Siya ang dapat lumutas nun."


"Pero—"


"—Alam mo pag lumala ang sitwasyon, yung tipong mauuwi sa karahasan, dun na lang tayo makialam. Pero sa ngayon, chill muna tayo okay?"


Bakit ko pa hihintaying may mangyaring masama sa master ko kung pwede naman akong kumilos ngayon na—


Pinagmasdan ko ang dinaraanan ng tatlo. Ano kaya kung bigla ko na lang silang sunugin habang naglalakad?


—Napukaw ng pansin ko ang malaking signboard ng isang establisyementong daraanan pa lang nila.


Wala akong masyadong ginawa. Pinagliyab ko lang yung wiring sa likod nun. Dahil dumagdag ang init mula sa araw madali yung nagliyab—


Tapos pinalambot ko yung bakal na suporta gamit ang napakataas na temperatura ng apoy. Segundo lang halos ang lumipas nung nagpagewang gewang ang signboard at pabagsak na.


Nanghilakbot yung tatlong babagsakan; ni hindi makatakbo dahil sa pagkabigla.


"TUMABI NA KAYO!" sumigaw si Coleen. Tumakbo na siya palayo sakin at huli na para pigilan ko siya—


CRAAASHHHH!


May ilang passerby na nagtilian pagkakita sa malagim na nangyari. Nakaligtas yung tatlong tanga dahil itinulak sila ni Coleen bago tuluyang bumagsak yung nagliliyab na signboard.


Pero si Coleen—


Gusto ko siyang alisin dun pero pinigilan nila ako. Mas makabubuti daw na maghintay sa mga eksperto dahil kapag ginalaw namin siya ay baka mas lalo siyang mapahamak.


Hindi bampira. Tao lang siya. Hindi siya gagaling agad sa loob ng ilang minuto. Hindi siya biglang tatayo at sasabihin niyang okay lang siya at hindi siya nasaktan.


Eeeeeengggg!


Tanging ingay lang ng serena ang namayani sa paligid. Serena ng ambulansya, ng rescue team, at ng mobile ng pulis. Naka-cordone ang bahaging pinangyarihan ng aksidente at ako ay tulalang nakatayo sa gitna nun.


Ah hindi pala yun aksidente... Sinadya ko yun.


Ngayon lang ako nagsisi na ginamit ko ang kapangyarihan ko sa kapararakan. Sana nakinig na lang ako sa kanya kanina.


Dreadful ako habang pinipilit nilang alisin yung signage na nakadagan kay Coleen. Gumamit pa sila ng hydraulic cutter para hindi siya masyadong magalaw sa ilalim.


Nakita naming nagkalat ang dugo niya pagkaalis ng huling bahagi ng signage na dumagan sa kanya.


Parang bumagal ang takbo ng oras. May hinihintay akong resulta at para bang pagkatagal tagal dumating nun. Buhay pa siya di ba? Sabihin niyo! Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya—


May vital signs pa raw si Coleen sabi ng medic pero kailangan niyang madala agad sa ospital.


Pinagtulungan niyang malagyan siya ng mga brace bago inilagay sa isang flyboard at dahan dahang isinakay ng ambulansya.


Sumama ako sa loob. Gusto kong makasigurong humihinga pa siya hanggang sa makarating kami ng ospital.


Ano ba ang nasa isip niya nung itulak niya yung tatlong mababaksakan ng signage? Inisip ba niya ang mangyayari sa kanya o hindi talaga?


Ganun ba talaga ang mga tao? Bakit hindi ko na maalala kung paano magmalasakit? Tao ako dati di ba?


Nakarating kami sa emergency nang hindi ko namamalayan. Nauna nila akong pinababa bago ang stretcher ni Coleen. Isa ako sa mga naghatid sa kanya papuntang operating room pero—


"Pasensya na pero hanggang dito ka na lang. Hindi ka maaaring pumasok sa loob. Gagawin namin ang lahat para iligtas ang pasyente."


"—Kailangan ko siyang makita!" pilit ko sa doktor. Ayaw gumana ng hipnotismo ko ngayon dahil siguro sa sobrang pagkatuliro ko.


Umiling siya sakin. "Hindi talaga pwede. Ang mabuti pang gawin mo ngayon ay kontakin mo ang mga magulang ng pasyente para malaman nila ang nangyari."


Hindi ko ginawa ang inutos niya. Naghintay ako sa labas ng operating room. Tapos may ilang sandali lang ang nakalipas nung may naramdaman akong kamay sa aking balikat.


"Ngayon ka lang naging balisa nang ganyan Surtyr." dumating si Kuya.


Lumuhod ako sa harap niya. "Parusahan mo ako! Kasalanan ko ito! Hindi ako sumunod sa utos mong wag mananakit ng tao!"


Yumuko si kuya tas pilit niya akög itinayo. "Tumayo ka. Sapat na ang nararamdaman mong pagsisisi ngayon at ayoko nang dagdagan ang samang nararamdaman mo."


"Kuya..."


"Alam ko ang lahat. Hindi ko sila personal na kaaway. Bahagi lang sila ng existence na hiniram ko dito sa Midgard."
ani Kuya.


"Sana pala nakinig na lang ako sa kanya."


"—Kalmahin mo ang sarili mo Surtyr. Wala ka nang magagawa kundi ang maghintay. Siguro ngayon alam mo na ang pakiramdam kapag may ayaw kang mawala sa buhay mo."


Ayaw kong mawala sa buhay ko...


Ano?


Tinapik tapik ni kuya ang balikat ko. "Minsan kahit ayaw natin, o akala natin manhid na tayo, bumabalik pa rin satin ang ating damdamin."


Hindi ko maintindihan si kuya. Pasensya na. Masyado siyang matalinhaga at lalo lang akong napaparanoid sa mga sinasabi niya.


Dumating ang sandaling natapos na ang operasyon.


Sinabi samin ng doktor na nasa comatose state daw si Coleen at hindi pa alam kung kelan siya magigising. Napuruhan yung likod ng ulo niya pati nagkandadurog daw ang mga buto niya sa kaliwang braso.


Gabing gabi na nung nailipat siya sa isang pribadong ward. Wala man lang ni isang myembro sa pamilya niya ang nagpunta ng ospital.


Sabi ng inspektor nasa ibang bansa daw ang ama ni Coleen at yun na lang daw ang kasama niya sa buhay dahil patay na ang nanay niya. Yung mga kamag-anakan niya pulos nasa ibang bansa rin. Nabubuhay mag-isa si Coleen at wala kahit kasambahay.


Para lang siyang natutulog lang nung nadatnan ko siya sa ward, except sa mga benda niya sa ulo at sa cast ng braso niya. Mayroon pala siyang pasa sa pisngi sanhi ng pagtama nun sa sementadong sidewalk.


"Mayroon bang paraan para magising na siya?" absent minded kong tanong kay kuya habang nakatingin pa rin kay Coleen.


"Baka may magawang paraan si Serenity. Kahit masakit, ipapaalam ko sa kanya ang nangyaring ito sa matalik niyang kaibigan—"


Tlaaak!


Umawang ang pinto at iniluwa nun ang babaeng tinutukoy ni kuya.


****

Serenity's POV:


Balita sa news ang nangyari kay besy. Hindi na ako nagdalawang isip pang puntahan ang hospital na pinagdalhan sa kanya. Bago yun, hindi ko mahagilap si Loki. Magpapasama sana ako. Pero dahil sa nagmamadali ako, mag-isa na lang akong lumakad.


Pagdating ko sa ward ni Coleen, nandun pala si Loki at pati na yung pinsan niya.


Medyo na-confuse ako dahil ano ang konek nila sa besy ko? But then salamat sa kanila dahil sinamahan nila si Coleen. Kasi— uhuh~ wala siyang any relative na nandito. Mag-isa lang talaga siya sa buhay ngayon.


Palapit pa lang ako kay besy, tulong tulo na ang mga luha ko. Hindi ko siya naiimagine na ganito ka-helpless at nakahiga sa isang hospital bed at—


"UHUHUH~ BESY WAG MO AKONG IIWAAAN HINDI KO KAYAAA WAAAAAH!"


Please po Lord wag niyo pong kukunin ang besy kooo~


"—Uhuhuhuh! Coleen wake up please..."


"HUY!"
sinitsitan ako ni Loki my lab. "Buhay pa yang kaibigan mo pero kung makaiyak ka pang-huling hantungan na ang dating eh."


"Eh paano— uhuhuh~"


Lumapit sakin ang beloved hubby ko. Pinahid niya ang mga luha ko. "Tulungan mo siya Serenity."


Natigil ako sa paghagulgol ko. "Ako? Paano?" kahit ano gagawin ko para gumaling lang si besy! Hindi niya deserve ang ganito eh!


"—Gamitin mo ang kapangyarihan mo."

——

direk_whamba

Continue Reading

You'll Also Like

21.1M 542K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
788K 32.4K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...
179K 12.4K 16
Harper Esmeralda Gazellian
129K 3.9K 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling...