27th Encounter

4.8K 122 13
                                    

27th Encounter


Coleen's POV:


Nakakainis. Pagdating ko ng infirmary, HINDI NA MASAKIT ANG PAA KO!


False alarm. I actually got everybody's attention for nothing.


"Minor sprain lang siguro yan Coleen. Pero iwasan mo muna ang tumakbo takbo. Obserbahan mo muna ang kondisyon ng paa mo. You wouldn't know. When you're done here, you can leave. Nasa office lang ako if ever you still need me."


Naiwan kami ni Surt dito sa isang cubicle. Nakaupo ako sa infirmary bed habang siya nakaupo sa chair.


Inikot ikot ko ang ankles ko to see if the pain would come back. Our typical stupidity: pag alam nang masakit pero hindi mo nararamdaman, you'll eventually poke it until you're in pain again.


Looks like hinihintay ako ni Surt na magsalita. BUT I WON'T. Napagdesisyonan ko nang wag siyang kausapin or pansinin like he doesn't exist.


Naglakad ako nang barefooted out of the infirmary straight into the corridor without even looking behind my back.


"BEEEESSSSY~ UHUHU WHAT HAPPENED?!"


Holy—


Nagtatatakbo palapit sakin si Serenity. Isa pa siyang nagbibigay sakin ng embarassing moment. I dodged her attempt to hug me.


As usual tatanga tanga na naman siya. Napatid siya sa sarili niyang paa at lalagpak siya sa sahig kung hindi ko nahablot ang kwelyo niya.


"Paano mo nalamang nandito ako?" seryoso kong tanong.


"—Ahh kasi pinag-uusapan ka nila sa corridor."


Tch.. Wala naman na akong magagawa kung pag-usapan nila ako. Basta wag lang silang magpapahuli sakin next time.


"Bumalik ka na sa room mo Renie."


She pouted at me. "Ayaaaaw~ minsan na nga lang tayo magkasama ee." oh yeah, may boyfriend na nga pala siya at yun ang pinagkakaabalahan niya ngayon.


I don't like that Loki guy for her. Dapat siguro mas ipush ko pa si Serenity into showbusiness. Pag artista na siya, mawawalan na siya ng time sa lalake na yun tas maghihiwalay na sila. Just kidding!


Di ako makikialam sa lovelife ng besy ko. Why should I? Ako ba ang makikisama sa jowa niya? Hindi naman di ba.


"Gusto mo ng strawberry shake mamayang lunch Renie?" wala naman sigurong magagalit kung aarborin ko mamayang next vacant tong besy ko. I need someone to ward off my stalker—


Walang sumusunod sakin paglingon ko sa likuran. Okay sorry naman if I expected too much of him.


But seriously, ganun ba siya kabilis ma-annoy kaya sumuko na siyang kausapin ako?!


"Ah besy anong nililingon mo?"


I gently pushed Serenity aside. "Wala. Forget about the strawberry shake. I don't want to see you at lunch—"


"WHYYY?! Sinabi mo nang mag-strawberry shake tayo eeeeh!"
she whines like a baby. Naririndi na naman ako sa kanya.


"Busy ako. Malapit na kasi ang school fair di ba? Babawi na lang ako next time." I reasoned out.


She still pouted like a duck. "Next time! Palagi na lang next time. Di mo na ako laaaaab!"


I should try to be nice periodically. Ikinawit ko ang braso ko sa braso niya. "Tara samahan mo na lang ako pabalik ng dojo."

LOKI: The Next BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon