I was born to love you

By xxakanexx

4.9M 124K 19.5K

Gianna Franceska Consunji - Dela Monte is the epitome of a living Princess. Her parents brought her up that w... More

I was born to love you
Prologue: Silver eyes
1. Oh my gosh!
2. Answers
3. Sweetest Welcome
4. Frenemies
5. Choices
6. What?!
7. Say something
8.Suicide
9. Everything will be okay
10. Bridal March to Oblivion
11. Waltz
12. Heart beat
13.That fateful day
15. For her happiness
16.Exactly
17. God of gods for nothing
18. Already
19. His version of everything
20. Three years
21. You heard that?
22. One
Epilogue: Eternity

14. Mine

149K 4.7K 957
By xxakanexx

Three hundred sixty five days later...

I was too damn sad knowing that I'm in a same country as Gianna and I can't even be with her. Para lang akong tanga na nakatingin sa malayo at pilit na kinukuntento ng sarili ko sa kung ano lng ng meron ako. It's just so sad that when I'm alone--- I just wanna cut my wrist open and just die.

Kailangan ko si Gianna pero masaya na siya. Kapag kasama niya ang lalaking iyon ay hindi siya magkamayaw sa kakangiti. She even changed the way she looked and the way she dresses --- she sold the engagement ring I gave her. I'm lucky my assistant saw it on the internet and bought it just to give it back to me. Ganoon siya kagalit sa akin at nasasaktan ako.

Para bang parusa na pinili ko munang unahin ang ang kapatid ko. Blood is thicker than water --- it will always be that way --- isa pa kung mahal ako ni Gianna sana kahit na gaano ang galit niya sa akin ay hinintay niya ako. Babalikan ko siya at sasaluhin ko ang lahat ng galit niya sa akin -- kahit na gaano karami ay tatanggapin ko iyon. I deserve everything she will throw at me.

Hindi ko naman siya sinisisi. It is my fault and that will never change. Siguro ay iyon ang paraan niya ng pagharap sa sakit. I'm just glad she has someone to lean on noong iwan ko siya.

Ang sakit-sakit palang magmahal ng isang Consunji.

Naalala ko si Hades. Naalala ko kung gaano siya kamiserable noon at kung gaano ko siya pinagtatawanan and realizing how much it hurts now --- mas doble pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang nararamdaman ko. May nawalang parte ng katawan ko at hindi ko na yon maibabalik. Pag-aari na siya ng iba at ni sa hinagap ay hindi ko na siya kayang tawagin na akin.

Usually --- my days will go by without me caring. Wala na akong sense of time. Wala na rin akong direksyon. Minsan ay hindi ko na sigurado kung saan ako pupunta. Hindi ko na alam. Ang malinaw lang naman sa akin ay ang sakit.

I deserve this pain for hurting her. I deserve every part of it.

I was sad...

Too sad and I needed someone I can talk to. At iyon ang hinanap ko. Pakiramdam ko kasi kapag hindi ko nailabas ang nararamdaman ko ay baka mawala na ako sa aking sarili. I'm not crazy --- I just needed someone to talk to.

Noong hapong iyon ay nagpunta ako para sa first session ko. The shrink's name is Dra. Arruba Escalona. I got to her office. It was pretty spacious. Nakita ko siya na nakaupo sa swivel chair niya at nakangiti sa akin. Tumayo siya at kinamayan ako nang makalapit ako.

"Zeus Vejar? The gods of god." Humagikik siya nang kamayan ako. "I was quite intrigue when I read your profile. Ang unique ng name mo. I'm Arruba Escalona. Nice meeting you..."

Pinaupo niya ako sa couch sa harapan niya. I looked at her. The woman is pretty but my Gianna is more beautiful.

"Let's start..." Ngumiti siya sa akin. Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsimulang magkwento. I told her everything and damn it felt good. Gumagaan ang loob ko habang nagsasabi ako. I just needed somone who can listen to me and I didn't know that a thousand bucks will do the trick.

Matapos nang nalakahabang kwento ko ay tiningnan niya ako. There was a hint of smile in her eyes.

"How do you see yourself twenty years from now?"

Hindi ko alam kung para saan ang tanong na iyon pero sinagot ko pa rin. Sinabi ko kung ano ang nasa isipan ko.

"Alone..." I chuckled. "Maybe my brother already have a dozen grandchildren that time and my sister will be happy. They will have their lives and I'll be alone. At night I would probably go out of the house --- drive around the city and I'll find myself lurking outside the house of the woman I love. I'll stand outside while watching her as she cuddles or kiss or be intimate with her husband and I'll tell myself that it should've been me. I should've been the one holding her. I should've been the one making love to her. Not some guy with a tattoo on his shoulder." I smirked at the last sentence. Nakita kong kumunot ang noo niya nang marinig niya ang huling sinabi ko. Ipinagkitbit-balikat ko iyon tapos ay nagpatuloy ako.

"Masama bang unahin ko ang kapatid ko?"

Nakita kong ngumiti siya. "Depende kasi iyon sa principles ng tao sa buhay. Kung mali sa kanila ay tama naman sa'yo. Ang mali sa'yo tama sa kanila. Magkabilaan kumbaga. There's always a down side to everything and that's what you're experiencing now."

Kalmado ang tinig niya. Alam ko na ang sinasabi niya noon pa pero para bang iba pa ang dating noon nang lumabas sa bibig niya.

Pinagkwento niya akong muli. Itinanong niya sa akin kung anong nararamdaman ko ngayon. I told her exactly how I felt.

Hell.

Hindi ko na alam kung anong oras natapos ang session naming dalawa. Nang lumabas ako ng clinic ay madilim na. Inilabas ko ang phone ko at tinawagan si Hades. Sinagot niya agad ang telepono.

Hanggang ngayon ay walang alam si Hades sa nangyari kay Athena. Dalawang araw mula ngayon ay darating si Athena kasama ang dalawang private nurses na ni-hire ko para sa kanya.

"Pupunta ako diyan." Sabi ko tapos ay ibinaba ko ang phone. Sumakay ako sa kotse tapos ay pinasibad iyon patungo ng Tagaytay. It was a tiring journey. Ang traffic pa. Kung hindi ko lang siya kailangan makita ngayon ay hindi ko naman siya pupuntahan. Hindi pa kasi kami nagkikita mula noong bumalik ako. Gusto ko lang makita si Hades at ang mga anak niya. Balita ko nga ay buntis na naman si Hera ngayon.

I parked in front of their house. Una kong napansin ang kulay dilaw na dodge challenger sa harapan nila. Napangisi ako. Bago na naman ang sasakyan ni Hades. I wonder what he will say if I told him that I bought a plane for Gianna. Sasabihan na naman niya ako na galit sa pera.

Sinalubong ako ng mga maids.

"Good evening Sir Zeus. Nasa nursery po si Sir Hades. 'Wag daw po kayong pumunta sa dining area at duniretso daw po agad kayo sa kanya."

Nagtataka man ay sinunod ko ang sinabi ng maid. Natagpuan ko nga ang kapatid ko sa nursery habang karga ang natutulog kong pamangkin ko. He looked domisticated.

Kung naikasal siguro kami ni Gianna ay may anak na rin siguro kaming dalawa. Siguro at ganito na rin ang hitsura ko sa ngayon.

"Magkasama ba kayo ni Athena?" Tanong niya habang sumasayaw. Natatawa ako. Hindi bagay sa kanya. But if I were in his place. I'd do the same thing for Gianna.

"Nasa Paris siya..." Matipid na wika ko. Kumunot ang noo niya at saka inirapan ako.

"Then why isn't she answering my calls?!" Dumagundong ang boses niya. Natawa ako. Kahit kailan ay hindi naman ako natakot sa kanya. Ganoon lang siya kapag nagpapaka-kuya siya kay Athena. I shrugged. Hindi ko sasabihin ang nangyari kay Athena. Ayaw niyang ipaalam kaya hindi ko sasabihin. I will never break any of my promises to Athena. She needs me and I'll be anything that she needs.

"Maybe she's busy shopping or eating french macaroons. I don't know, Hades! Jeez!" Nag-iwas ako ng tingin. His amber eyes are getting through me. Para bang nakikita niya kung anong iniisip ko so I looked away and think of something else to say.

"How is Hera? Buntis daw ba?" Nakangising tanong ko. Hades just looked at me.

"Something here is not right, Alejandro and if I find out what the fuck is going on and if it's a bad thing --- I swear to our mother's name --- you are going to regret it!" He hissed. Sinabayan iyon nang pag-iyak ni Perseus. Agad naman siyang inalo ni Hades. Ako nakatingin lang. Hindi niya dapat malaman. Babalik na si Athena. Sa pagbalik niya ay seventy-five percent na ang recovery niya. Her heart is getting better and I know that she'll be normal soon too.

"Ginagalit mo ang sarili mo, Hades Sanz." Tumikhim ako. Nginisihan ko siya. Nasa ganoong eksena kami nang pumasok si Hera. She looked disappointed to see me.

"Oh! The mother fucking bastard of an asshole jerk is here! I thought you didn't survive the Consunji attack."

"What Consunji attack?" Tanong ng kapatid ko. Hera went to him and kissed their son tapos ay hinaplos ni Hera ang mukha ni Hades.

Bigla ay na-miss ko si Gianna. I looked away.

"Binugbog siya nila Hermes." Masayang sabi ni Hera.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong ni Hades. Nagkibit balikat lang ako tapos ay nginisihan ako ni Hera.

"Gianna's dating someone else you know..."

"Oh I know." Sagot ko. "What is a king to a God?" Nakangisi na rin ako. Nakita kong napangiti si Hades.

"What is a God to a non-believer?" Hera asked back. I grinned a little bit wider.

"Remember what God did to Egypt, Hera? Those are non- believers." Kinindatan ko siya. Namula ang mukha niya. Hades seemed proud of me because of what I said. It was the first time I saw her speechless.

Ngumiti ako at lumapit sa kanila. I kissed Hera's cheek as a sign of goodbye and then I left.

Papito-pito pa ako habang naglalakad pababa nang hagdan. I was quite happy. Nakabuti nga yata ang pakikipag-usap ko sa psychologist na iyon. She was a good influence.

I heard the twins voices while I was going down the stairs. Nasa sala sila. Pinuntahan ko ang kambal para mag-hi. I like the twins. They remind me of the younger version of Hades and I.

Nang marating ko ang sala ay ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko si Gianna --- the blonde Gianna and that man she's dating. Karga ni Gianna ang isa sa kambal habang nasa kandungan ng lalaki ang isa.

"Ay multo!"

Napasinghap ako nang marinig ko ang isang boses. Nakita ko si Bathseeba na unang tiningnan ni Gianna tapos ay bumaling sa akin ang tingin niya. She gasped upon seeing me.

Agad na dinaluhan ni Bathseeba si Gianna at kinuha ang bata. She cringed in the sight of me which tore my heart apart.

Tumalikod ako at mabilis akong nagpunta sa kotse but she ran after me.

"Vejar!"

Huminto ako. Humarap ako sa kanya.

"Hey, Gianna. Did you missed me?" I asked playfully. Noon ko napansin na may dala siyang baseball bat. Nilapitan niya ako at saka sinampal.

"Go to hell, Vejar! I loathe you!"

Nawasak ang puso ko. I noticed the man she was dating. He was standing near the dodge challenger. He was grinning.

Nakarinig ako nang pagkabasag ng kung ano. Nakita ko si Gianna na binabasag ang harapan ng kotse ko. Hinayaan ko siya. Again I looked at King David.

"The girl is mine." He said to me. I nodded.

"Have you seen her eyes? She may be with you but her heart is still mine..."

Continue Reading

You'll Also Like

10.8K 294 8
This story contains adult content.You must be eighteen years or older to read.All characters appearing in this story are fictitious.Any resemblance t...
Tryst By Selina Matias

General Fiction

86.6K 104 1
Unhinged #4: Love sucks. MATURE CONTENT (R-18) ....... Cover photo grabbed from google. Credits to Claude Monet.
Helena Hanna By Cher

General Fiction

1.6M 45.6K 12
Matagal nang gusto ni Helena Hanna San Isidro si Ildefonso San Ildefonso. Nang mabalitaan niyang nag-resign na ang huli sa trabaho nito at umuwi sa p...
Shiver By Cher

General Fiction

4.3M 126K 28
How can a lost soldier find her way back to her home? And how can a self-centered bastard see things in a different way? How can the two find their w...