Kung Ika'y Mawawala [complete...

By walangmagawa1210

1.3M 28.2K 1.5K

Life has never been easy for Francine. She's already a widow at the age of 23 and a single mom to a cute 5 ye... More

Kung Ika'y mawawala [Altamerano brothers series book 1]
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
chapter 18
Chapter 19
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38 (FINAL)

Chapter 20

31.6K 644 25
By walangmagawa1210

Date uploaded :12-27-14

Chapter 20

"Bye Mommy!"

Nag-kiss sa akin si Clyde at pumasok na sa gate ng school nila kasama si Maria. Sumama ako sa school service nila Clyde dahil gusto kong kausapin si Manong para sa paglipat namin ng bahay. At kung hindi sya papayag ay magtatanong na ako ng school service sa iba.

Binalikan ko si manong sa parking lot kung saan sya naghihintay sa akin sa tabi ng school service.

"Ma'am ano pa ba ang sadya ninyo?"

"Manong hihingi po sana ako ng pabor sa inyo. " Inabot ko sa kanya yung papel kung saan nakalagay ang address na paglilipatan namin. "Lilipat po kasi kami ng bahay, baka naman po pwedeng maihatid sundo nyo po si Clyde sa address na yan. Alam ko pong may kalayuan, dadagdagan ko na lang po ang bayad."

"Naku Ma'am, malayo nga po ito, at walang wala sa routa ko. Pasensya na ma'am pero hindi ko po kaya yan. Saka isa pa po, kawawa din po ang bata dahil masyado ko syang maagang susunduin at pinakahuli naman syang maihahatid pauwi. "

May katwiran nga naman si manong. Masyado ngang mahihirapan yung bata.

"Ummmm, e Manong, may kakilala po ba kayo na nag-p-pa-private service? Yung pwede syang ihatid sundo na mag-isa?"

Nag-isip sandali si Manong, pero maya-maya lang ay umiling-iling na sya.

"Wala akong kakilalang nag-ga-ganon e. Pero maghahanap din ako para sa inyo. Kelan po ba kayo lilipat? At hanggang kelan ko po sya ihahatid sundo?"

"Hanggang katapusan po manong para tamang-tama na bayad ko yung para sa isang buwan na ito. Sige po manong, maraming salamat na lang po. Tawagan nyo na lang po ako kung may nakita po kayong nag-p-private service. Salamat po."

'Salamat din Ma'am "

Tumalikod na ako kay manong. Napakunot ang noo ko. Paano kung wala akong makitang service? Hindi ko naman kayang ihatid sundo sya. May trabaho ako. Kung mag-t-taxi naman sila araw-araw ni Maria, butas naman ang bulsa ko! Baka sa pamasahe pa lang ubos na ang sweldo ko sa isang buwan! At isa pa, hindi naman pwedeng ipagkatiwala ko ng lubos kay Maria yung bata. Baguhan lang sya dito sa Maynila. haaaaaayyy.... Kung ililipat ko naman sya ulit ng school, baka naman ma-trauma na yung bata. Nag-aadjust pa nga lang sya, panibagong adjustment na naman. Pinaka best option ko talaga ay makahanap ng private service. Kung wala talaga akong makita, wala akong choice kundi ilipat ulit ng school si Clyde, or, ipagpapaliban ko muna ang paglipat hanggang matapos ang school year.

'What seems to be bothering you?" Napatalon ako sa taong biglang sumulpot sa tabi ko! Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko at parang biglang lumukso ang puso ko!

"Ano ka ba! Gusto mo bang atakihin ako sa puso? "

Tumingin ako kay Spencer na nakangisi sa akin. Gosh! This man! He could be the end of me! HIndi pa din humuhupa ang kabog ng dibdib ko. In fact, parang mas lalo pa itong nagwawala. HIndi ko alam kung bakit napakalakas ng dating nitong taong ito sa akin. Granted, he's soooo gwapo! Kahit na sa simpleng suot nyang white v neckline shirt, jeans and rubber shoes, hindi mo maipagkakailang saksakan ng lakas ng dating nya. He can capture anyone's attention without even trying. Even me? TEKA.. HINDI RIN A!

Wala syang appeal sa akin! WALA!

I know I'm just trying to convince myself of that. Pero kailangang pairalin ko ang utak ko. Mind over matter. Kailangang sumunod ang pahamak na puso sa dikta ng isip ko!

"And what do you think you're doing here? Paano mo nalaman kung saan nag-aaral si Clyde?"

He shrugged.

" I have my sources and I'm here to fulfill a promise." Ipinakita nya ang bitbit nyang IPAD.

"Teka, wait lang. Paano ka nakabili agad nyan? May bukas na bang store sa ganitong oras? "

"I have tons of suppliers who are willing to deliver any orders 24/7. Ayoko namang ma-disappoint si Clyde. "

He smiled at me and I looked away. Kung sa tingin nya ay madadala nya ako sa mga ngiti na yon, think again Mr. Spencer Altamerano! Hindi ako nadadala sa mga pa-cute na yan! Or so I think? GOSH! Mind over matter! Brain over heart! Kung pwede ko lang pagalitan itong puso ko para makisama naman ito! Haist! Naiinis ako sa sarili ko!

"Whatever. Pero iyan na ang huling ibibigay mo sa kanya. At pwede bang dumistansya ka na lang sa amin. "

"And why would I do that?"

"Because..... "

"I'm no longer engaged Sab... I'm a free man." He said teasingly. "And this is a free country, I can do whatever I want and you can't stop me."

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ko sya ng matalim.

"Spencer, If you know what's best for both of us, and even for Clyde, you have to stay away."

Dumilim ang mukha nya and he looks dangerous.

"And why would I do that? Give me at least 3 good reasons."

I threw my hands up! Ano ba itong taong ito! ANG KULIT LANG NG PEG!

"It's complicated! You are complicated!" Paano ko ba maipapaliwanag ito sa kanya? Para kasing hindi ko kayang maibigay sa kanya ang buong pagtitiwala ko dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit! There's just something that's on the hidden part of my mind that sends warning bells! Hindi ko naman ma-explain ito sa kanya ng husto dahil kahit ako ay hindi ko alam kung ano ito!

"Basta... "

"Sorry, you can't keep me away. Kahit na anong gawin mo, hindi mo ako maitataboy." Lumapit sya sa akin na parang ga-dangkal na lang ang pagitan naming sa isa't isa, dahil para mas lalo pang magwala ang puso ko! "I intend to keep what is rightfully mine."

Napahugot ako ng hininga. Anong ibig nyang sabihin don! Pero bago pa ako makapagtanong ay mabilis na naglakad na sya patungo sa administration building.

AAAARRRGGGG! Nakakainis talaga! Bakit ba ayaw na lang nya kaming lubayan!

Sinundan ko sya papuntang Admin office and I might say that he really is something to look at. He has the air of confidence that demands attention and respect but in the same way, he has this cool and easy way that he handles himself, na hindi ka naman ma-iintimidate sa kanya, unless he wants you to be.

What the heck am I doing? Why am I even entertaining these thoughts? Iniyugyog ko ang ulo ko. As if naman matatanggal ang mga iniisip ko kapag winagwag ko to! Naman!

Hinayaan ko na lang mag-isang pumasok ng admin office si Spencer at tumingin-tingin ako sa bulletin board ng mga school service. Inisa-isa kong tawagan yung mga nasa listahan. Hopeful pa sa pangatlo kong tawag, pero noong dalawa na lang ang nasa listahan at puro deny pa din ang naaabot ko ay medyo frustrated na ako!

Pumasok na ako sa admin office at doon na nagtanong sa front desk. Nilingon-lingon ko ang paligid. Nasan ni Spencer? Ang alam ko ay hindi pa sya lumalabas dito? O baka naman hindi ko na lang namalayan na umalis na pala sya.

Mabuti naman. Pero deep inside, nakaramdam ako ng lungkot. Ano ba to! Complicated nga talaga! Gusto ko syang paalisin kanina, ngayon naman at umalis na sya ng di nag-papaalam, para namang nagtatampo ako.

Ano ba talagang gusto mong mangyari!

Pinagalitan ko ang sarili ko. E sa hindi ko din naman maintindihan ang gusto ko! Maybe I just have to concentrate the task at hand, at iyon ay makahanap ng bagong service ni Clyde, at kung hindi, kailangang mamili ako kung ililipat ko ulit si Clyde o ipagpapaliban ko muna ang paglipat.

"Excuse me ma'am." Sabi ko sa babae sa desk. "Itatanong ko lang kung meron ba dito sa school na nag-se-service sa bandang Taguig?"

"Lahat po ng affiliated service sa school na ito ay nakapaskil po sa bulletin board. Pwede nyo pong tignan doon. "

"Actually, natawagan ko ng lahat yon. Unfortunately, wala kahit isa ang tumanggap. I was just wonderting kung may kakilala kayong nag-p-private service? Iyon kasi yung recommendation sa akin ng service ni Clyde."

"Naku man, wala po akong alam na may nag-se-service po ng ganon. Kung meron man po ay hindi po namin alam iyon. Baka mga private transactions lang po iyon between parents. "

Oh gosh... iyan ang problema ko. Kahit isang parent dito ay wala pa akong kakilala.

"Can I ask for a favor? " Inilabas ko ang calling card ko at inabot ko sa babae. " Just in case na may mabalitaan kang nag-p-private service, pwede mo ba akong tawagan?"

"Sige po ma'am"

"At bakit mo naman kailangan ng private service para kay Clyde?"

For the second time around ay halos mapatalon ako sa pagkabigla!

Humarap ako kay Spenser at pinalo ko sya sa braso.

"Don't you ever sneak up on me ever again!" Mahina pero madiin kong sabi sa kanya. At ito namang unggoy na ito, sa halip na humingi ng dispensa ay nginitian pa ako ng nakakaloka!

"I like it when you're getting feisty."

I rolled my eyes. Itong lalakeng ito, parang ewan!

"Seriously, bakit mo kailangang i-private service si Clyde, not that I'm against it. Kung akong tatanungin mo, mas gusto ko iyon, para hindi na paikot-ikot ang bata."

"Non of your business Spencer."

Naglakad na ako palabas ng office pero hindi naman ako tinantanan ni Spencer.

"Well, I'm making it my business."

Hindi ko na sya sinagot, hahaba na naman ang usapan. Dire-diretso na lang ako sa paglalakad.

"I'll do it."

"Do what? "

"Ako ang maghahatid sundo sa kanya. "

Tinaasan ko sya ng kilay. Anong naisip nito at nag-p-prisinta?

"No. Hindi ka driver. I'll try to find somebody who can take the job. And besides, masyado kang busy. There's no way you can do it."

"Kung hindi ko man magawa iyon araw-araw, i have tons of cars at his disposal. I'll hire his very own driver."

"You don't need to do that. And besides, he is not your obligation. "

"Then I'll make him my obligation."

"No."

He looked at me smugly. "Whatever you say, you can't stop me from doing what I want."

That's it! Hinarap ko sya at pinandilatan ng mata.

"What's in the word 'NO' that you do not understand? Ako na ang bahala sa anak ko! Anak ko sya! Ako ang may responsibilidad sa kanya."

"I am offering something that can make the kids life a lot easier. Are you depriving him of that? I can give him the things that he deserve. He is a very gifted kid and I already spoke to the principal to about his skills. They are willing to give him some kind of special attention and they are going to make a special program just for him. Ako na ang bahala sa addition fees nya. "

Iyon ba ang ponunta nya dito? He spoke to the principal without my knowledge?!

"Teka. Anong gusto mong palabasin? You are not his father. Wala kang karapatan na pangunahan ako sa mga bagay na yan!"

Tumalikod ako sa kanya at dire-diretso na ako palabas ng gate ng school. Alam kong walang nakakarinig sa pagtatalo namin, dahil malaki ang school at nasa lugar kami kung saan ay walang tao. Pero kahit na, ayokong sumabog. Who does he think he is!

"Sab! Wait!"

Hindi ko sya pinansin at dire-diretso pa din ako sa paglalakad. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad, para ipahiwatig sa kanya na ayaw ko syang kausapin.

Pero sadyang matigas talaga itong lalakeng ito. Hinawakan nya ang balikat ko at pinigilan nya ako.

"Hey Sab, I'm so sorry. Ok, let's just talk about this."

"Wala tayong dapat pag-usapan. Clyde is not your responsibility"

"Ok, sige, sige. But I still want to help him. Sa sandaling oras na magkasama kami, I feel so connected to him. I can't explain it, but I only want what's best for him. At kung kaya ko namang ibigay iyon sa bata, bakit hindi?! "

"What's the catch Spencer."

"There is no catch, there is no strings attached. Can we just talk about it? " binigyan na naman nya ako ng matamis na ngiti na kahit na sinong babae ay para bang matutunaw dito! "Can you hear me out?" His eyes are pleading. Asking me to give him a chance.

Napabuntong hininga na lang ako. O sige na nga, para matigil na lang sya.

"Ok sige, let's have a decent talk about everything. "

Napangiti sya at biglang niyakap nya ako. Hindi ko namalayan na pinipigilan ko na pala ang hininga ko! Mabilis na kumawa ako sa kanya.

"No touching please!"

"Oh, I'm sorry. I guess I still make you uncomfortable?"

"ArrrrrGH! Just shut up OK?!"

"Your wish is my command."

"Mabuti naman."

***

Sarado pa yung coffee shop na pinuntahan namin dati, kaya sa isang country clib nya ako dinala. Halos kaming dalawa lang ang tao sa may coffee shop. Mabuti naman at makakapag-usap kami ng masinsinan.

Actually, continuation na nga ito ng pag-uusap namin kagabi. ng sinabi nyang hindi na sya engage ay halos itulak ko sya palabas ng unit. Hindi ko na din inalam kung anong nangyari sa kanila ni Lovely. Malaki ang hinala ko na ako ang dahilan kaya na-guilty ako ng husto at pinaalis ko na syang bigla.

Lumapit sa amin yung waiter at nag-order sya ng coffee and pastries. Ng makalayo na ang waiter ay tinitigan nya ako ng matagal na para bang naninimbang.

"Ano ba talaga ang gusto mng mangyari?"

"Gusto ko lang na mapalapit sa inyo. " kinuha nya ang kamay ko at pinisil nya ito. "I want you back in my life Sab. "

"Hinagamit mo ba ang bata para lang mapalapit ka sa akin?" Alam kong masakit ang tanong ko, but I just have to know. Nakita ko nga sa mukha nya na nasaktan sya sa tanong ko. And with that expression, I already had my answer.

"Alam kong wala kang naaalala tungkol sa akin, but I'm not that kind of person. hindi ako nanggagamit ng tao para lang makuha ko ang gusto ko, how much more si Clyde! " he clenched his fist.

"Tama ka, wala akong naaalala tungkol sa 'yo. That's why I have to ask that question, kahit na masakit."

"Malinis ang intensyon ko sa 'yo at ng anak mo. Kaya nga inayos ko muna ang tungkol sa amin ni Lovely. Malinaw sa akin na ikaw ang mahal ko at hindi sya. Kaya tinapos ko na ang tungkol sa aming dalawa."

Kahit na mabigat ang loob ko kay Lovely ay naaawa pa din ako sa kanya.

"But how can you do that to her! You already had your engagement party at iniintay na lang ang kasal nyo. Anog sasabihin ng mga tao?"

"Do you think I care about those things? Wala akong paki-alam sa sasabihin ng ibang tao. Nagpapasalamat nga ako at bumalik ka sa buhay ko ng hindi pa ako nakakasal. It's as if fate is giving us a chance."

"There is no us, Spencer"

"Not if you will remember. " ikinulong nya ang mukha ko sa kanyang mga kamay. "Look at me straight into my eyes and tell me that you don't feel anything towards me."

Pinilit kong tigasan ang pagtitig ko sa ka ya, para lang matakpan ang totoong nararamdaman ko. Totoong may nararamdaman ako, pero may halo itong takot at pagkalito.

Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa mukha ko at umiwas ako ng tingin.

"For the fact that you can't look at me in the eyes says that you are very much in love with me as much as I am deeply in love with you!"

"Hindi kita mahal Spencer."

"We both know that that's a lie!"

"Hindi ako nagsisinungaling, dahil mahal ko na si Aldrin!"

I saw pain and confusion in his eyes at hindi ko ito matagalan. Tumingin ako sa malayo. May pagtingin naman talaga ako kay Aldrin. Ang alam ko nga ay talagang mahal ko na sya. Pero kapag kasama ko si Spencer ay parang nagbabago ang damdamin ko! I'm just so confused right now.

"Then I will prove you wrong." Napatingin akong bigla sa kanya, and I saw the determination in his eyes.

"Spencer! " may babaeng lumapit sa amin na para bang galit na galit! " totoo ba ang sinabi ni Lovely? That you broke your engagement with her?!"

"Sit down ma, you're making a scene."

Tumingin tingin ang babae sa paligid na para bang pinagsisihan nyang bigla ang pag-aangat nya ng boses. Umayos sya ng pagkakatayo at kitang kita mo na kahit may edad na sya ay posturang postura pa din sya. Tumama ang mata nya sa akin at nagdilim ang mukha nya.

"You! " dinuro-duro nya ako. "Ikaw ang dahilan kung bakit kinansela ng anak ko ang engagement nya kay Lovely! Ikaw ang dahilan ng eskandalong ito! NOW GET OUT OF MY SON'S LIFE! You whore!"

Continue Reading

You'll Also Like

21.4K 664 39
#In Watty'sPH Longlist 2018! "I will no longer your good man, Aurora. I am now your bad man." - Raxcer 'Ace' Vorex. He wants to be love. He wants y...
6.8K 105 40
"My Pain is you, Van Mentius." - Angel Horfelia The story of "My Pain" revolves around Van Mentius Lim and his journey to finding love and acceptanc...
567K 15.9K 30
Transferee at nag-iisang Pinay na estudyante si Mara Santacruz sa Sakura High School na matatagpuan sa Osaka, Japan. Dahil magkakilala ang mga estudy...
166K 678 6
Ginawang pambayad utang si Yleena ng step-brother niyang si Virgo sa pinagkakautangan nito dahil sa pagkalolong sa sugal. Labag man sa loob ni Yleena...