LOOKING FOR THE ICE PRINCESS

By TheBlackElite

4K 198 15

She is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl wh... More

Chapter 1:Ice
Chapter 2: Harris University
Chapter 3: The Golden Note
Chapter 4: New Friend??
Chapter 5: The end of punishment
Chapter 6: New girl
Chapter 7: Who is she?
Chapter 8: Another girl
Chapter 9:Punishment
Chapter 10: Game of the Greatest
Chapter 11: Dogtag
Chapter 12: Bahay Kalinga
Chapter 13: Searching
Chapter 14: Ice cream date
Chapter 15: Group Project
Chapter 16: The Womanizer
Chapter 17: The Princess
Chapter 18: Knowing their Stories
Chapter 19: Her Struggles
Chapter 20: Call from the Master
Chapter 21: The Nightmare
Chapter 22: Lesson
Chapter 23: Girl friend?
Chapter 24: Invitation Card
Chapter 25: The Unexpected Announcement
Chapter 26: Finding Gia
Chapter 27: The Division of the Kingdom
Chapter 28: Sleep Over
Chapter 29: Iron Man
Chapter 30: The Favor
Chapter 31: Rain Drop
Chapter 32: Their Plan
Chapter 33: Meeting the Father
Chapter 34: Corvus
Chapter 35: Royal Cafe
Chapter 36: Preparations
Chapter 37: Festival (Part 1)
Chapter 37: Festival (Part 2)
Chapter 37: Festival (Part 3)
Chapter 38: First Sight
Chapter 39: The Yamato's
Chapter 40: Missing her
Chapter 41: Surprise Visitor
Chapter 42: Phone Call
Chapter 44: Truth or Dare
Chapter 45: Denial
Chapter 46: Christmas
Chapter 47: The Zerandell's

Chapter 43: Unwanted Visitor

49 4 0
By TheBlackElite

Ice's POV

"Sige na! For sure masaya yun!" pilit pa ni Francine. Sinulyapan ko ang lima na medyo malayo sa amin.

"Paano si Zay?" bulong ni Gia. Tinignan namin si Zayra na naglalaro ng buhangin sa gilid namin.

"Patulugin muna natin tapos pabantayan nalang natin yung suite sa isang guard, hindi naman tayo aabutan ng madaling araw, kahit two hours lang! Nakakabitin kaya yung clubbing natin, ang epal kasi ng mga lalaki!" reklamo ni Francine.

Sounds fun actually, gusto ko ring uminom ngayon.

Nagtinginan pa si Azura at Gia na parehong may mga karelasyon.

"Okay, pero hintayin muna nating makatulog yung mga boys" Gia

Masayang tumango tango naman si Francine.

At iyon nga ang ginawa namin.

Nang makatulog si Zayra, nagpalit na agad kami. Nagsuot ako ng puting off shoulder dress dahil iyon lang ang matinong damit na dinala sa akin ni Francine. Tahimik kaming lumabas ng suite. Pinakinggan pa ni Francine at Gia ang pinto ng suit ng mga lalaki. Nang makasigurong tahimik at tulog na sila, kinausap namin yung guard na malapit at binilin na bantayan ang suite namin.

Tuwang tuwa naman silang tatlo habang naglalakad kami papunta sa night party. Sumiksik kami sa mga nagsasayawang tao para marating ang open bar.

"Four cocktail" nakangiting sabi ni Francine sa lalaking bartender. Kumindat ito sa kaniya at trinabaho na ang order niya.

"Oh my gosh! This is lit!" sabi ni Gia at uminom sa binigay ni Francine na cocktail.

"Mas nabubuhay talaga ang beach sa gabi" nakangiti ring saad ni Azura.

Tumambay kami sa counter habang umiinom. Mild drinks lang naman ang iniinom namin, mukha kasing hindi sanay sa alak si Gia.

My alcohol tolerance is high, kaya pag nalasing ang tatlong ito siguradong ako ang maghihirap.

"Let's dance!" dala dala ang mga cocktails namin na pumunta sa gilid ng mga taong sumasayaw.

"Some people are kissing my gosh!" turo ni Francine sa ilang mga tao na naghahalikan habang sumasayaw.

Geez they are already making out.

"Get a room!!" sigaw niya sa mga ito kaya tumawa sila Gia at Azu.

"Woooh! Freedom!" pinagbangga namin ang mga cocktails namin.

"This is our first girls night" ani Gia na namumula na.

"Cheers to our first girls night and the following!"

"Anong ginagawa niyo dito?!"

Bumaling ang paningin namin sa sumigaw. Nagulat kaming apat ng lumapit sa amin ang limang pugok.

What are they doing here?

Tumakas rin ba sila para mag-party?

"Bakit? Kayo? Anong ginagawa niyo dito?!" balik ni Francine.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Zayn na mukhang naguguluhan rin sa mga nangyayari.

Ngumisi ako at nilagok ang natitira sa dala kong baso.

Nagsisigawan na sila kaya naman lumayo na ako. Sigurado namang magkakagulo kaya mas mabuting lumayo na lang. Naglakad ako palayo sa mga tao, now I want peace.

Dire-diretso lang akong naglalakad at alam kong nakasunod siya sa akin. Nang makalayo na kami sa ingay, huminto ako at tinignan ang napaka-payapang dagat.

"H-hey" hindi ko siya nilingon, pinagkrus ko lang ang mga braso ko at pinikit ko ang mga mata ko.

I stay like that for a while. Just listening to the peaceful sound of the waves. It is relaxing, nakakagaan ng pakiramdam ang ganito.

"A-are you okay?" nilingon ko si Zayn ng magsalita siya.

"I guess so"

"Nasaan nga pala si Zay?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Tinapunan ko lang siya ng tingin saka binalik sa dagat.

"Tulog na, pinbantayan din namin ang suite kaya hindi mo kailangang mag-alala" sagot ko. Sandali siyang natahimik. Siguro naghahanap ng pwedeng mapag-usapan.

"I-ice" nilingon ko siya ng tawagin niya ang pangalan ko. Napalunok pa siya ng ilang beses bago muling magsalita.

"Y-yung tungkol sa p-phone call" gusto kong matawa sa sinabi niya.

Kung ganoon gusto niyang pagusapan ang ginawa niyang pagtawag sa akin.

Napangisi ako sa itsura niya. Halata kasing kinakabahan siya at mukhang hindi alam ang sasabihin.

"What about it?" mapanloko kong tanong.

"A-anong mga sinabi ko? M-may sinabi ba akong hindi ko dapat sabihin?"

Pigil na pigil kong humagalpak sa tawa ngayon. Hindi ko alam kung umaarte lang ba siyang hindi naaalala o totoong nakalimutan niya yung mga pinagsasabi niya noon.

Matagal ko siyang tinignan saka umiling.

"A-anong ibig mong sabihin? W-wala akong sinabi?" gulat niyang tanong. Binalik ko nalang ang tingin sa dagat.

"Nang sinagot ko ang tawag mo, hindi ka na nagsasalita kaya inakala kong tulog ka na" paliwanag ko. Sandali siyang natigilan.

Napangisi nalang ako

Sigurado akong pag naalala mo lahat ng sinabi mo sa akin sa tawag na yun, hindi mo na kakayaning harapin pa ako.

"You can leave" pagkasabi ni tanda ay umalis na agad ako. Binigay ko lang naman ang ilang mga impormasyon na nalaman ko tungkol sa Corvus na pinatratrabaho niya sa akin sa loob ng ilang linggo.

Dumiretso ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.

I feel exhausted

Gustong gusto ko ng matulog pero kailangan ko munang maligo kaya pumasok agad ako sa banyo. I stayed there for thirty minutes. Iniisip lahat ng mga bagay na nalaman ko sa loob ng ilang linggo kong pananatili dito. Lalo na ang mga bagay na hanggang ngayon ay malabo pa rin at hindi ko pa rin nahahanapan ng sagot.

Lumabas ako sa banyo ng naka bath robe lang habang pinupunasan ang basa kong buhok.

Lumapit ako sa side table kung nasaan nakalagay ang cellphone ko. Siguradong tadtad nanaman to ng message at missed calls galing kay Francine.

Kumunot ang noo ko ng makitang may missed call ito mula sa unregistered number.

Pumunta ako sa veranda habang nagpupunas pa rin ng buhok ng tumunog ang cellphone na hawak ko at makitang tumatawag nanaman ito.

"Hellow?" mas lalo akong naguluhan ng walang sumagot sa akin.

"Who is this?" tanong ko ulit at baka wrong number lang.

Hindi pa rin ito nagsalita, akmang papatayin ko na ang tawag ng biglang may magsalita mula sa kabilang linya.

[Hey! Ice!] nagulat ako sa taong nagsalita.

Kilala ko ang boses na iyon

[Hey! *hik* Kumusta?!] napangisi ako at hindi nagsalita. Nilagay ko ang towel sa gilid at nag lean sa railings ng veranda habang nakikinig pa rin kay Zayn.

[Hellowwwwww!] medyo nilayo ko ang telepono sa tenga ko ng magsalita siyang halos pasigaw na.

"Are you drunk?"

Halata namang lasing siya. Sayang lang at hindi ko siya nakikita ngayon.

[Lasing?! Sinong lasing? Ikaw? Lasing ka ba?] natatawa nalang ako.

"Just go to sleep Harris" sabi ko pero sa totoo lang gusto ko pang marinig ang mga sasabihin niya.

[Sleep? Paano ako makakatulog ha?!]

"Ipikit mo yang mata mo at siguradong makakatulog ka agad"

Sa kalasingan niya ngayon, siguradong ilang sandaling pikit niya lang ay makakatulog na siya agad.

[Kahit pumikit ako hindi pa rin ako makakatulog! Alam mo kung bakit?]

I chuckled

Sige na nga, sakyan nalang natin ang trip ng siraulong to.

"Bakit?"

[Dahil sayo!]

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ako pa talaga? Ang layo layo ko na sa kaniya naasar pa rin siya sakin?

[Alam mo bang lagi kang tumatakbo sa isip ko?!]

Natigilan ako sa narinig ko

What the fuck is he saying?

[Simula ng umalis ka lagi ka nalang nagjo-jogging sa utak ko!]

Gusto kong humagalpak sa tawa dahil sa sinabi niya.

Ano daw? Nagjo-jogging ako sa utak niya? May ganun ba?

"Jogging?" di makapaniwalang sabi ko.

[Oo! Lagi kang tumatakbo!]

[Iniisip ko nga kung ano bang ginawa mo sakin at bakit lagi kitang iniisip!] I smiled. Ganun ba kalaki ang epekto ko sa kaniya?

Tss, he is really stupid

[Kinulam mo ba ako? O baka naman sinumpa mo ako ha?! Ang weirdo mo talaga] halata ang inis sa boses niya. Kung nakikita ko lang siya ngayon sigurado akong napapasabunot na siya sa buhok niya sa sobrang inis.

Ako pa ang weirdo? Eh siya nga itong tumatawag ng lasing at kung ano anong kabalbalan ang pinagsasabi.

[Kelan ka ba uuwi? Babalik ka pa ba?] naging malumanay ang boses niya. Tumingin ako sa langit saka ngumiti bago sumagot.

"Hindi ko alam"

[Aish! Anong hindi mo alam?!]

Inis niyang bulyaw kaya natawa nanaman ako.

[Kailangan umuwi ka na dito! Dapat lang na umuwi ka na!]

Akala mo naman kung sino siya para makautos. Ang sarap niya lang bigwasan ngayon.

"And why would I go back?" maangas na tanong ko.

[It's because.....] putol niya sa sinasabi.

"Because of what?"

[B-because.....] putol niya ulit.

"Because? What?" inis na tanong ko dahil sa paputol putol niyang sinasabi.

Bakit nga ba kasi ako nakikipagusap sa lasing na Zayn?

I'm sure he doesn't mean everything he's sayin--

[Because I miss you!]

Literal na nagulantang ako sa sinabi niya.

W-what does he say?

H-he m-miss me?

[Hoy! Nandyan ka pa ba?]

Bumalik lang ako sa sarili ng bulyawan niya nanaman ako.

"I-I'm still here" nauutal na sagot ko. Bumuntong hininga ako at pilit siyang iniintindi.

[Narinig mo ba yung sinabi ko?] mayabang na tanong niya at sinisinok pa habang nagsasalita.

"What?" nawiwiling ani ko.

Drunk Zayn Clyde is more fun than the sober Zayn.

[Ang sabi ko miss na kita!] sigaw niya kaya nilayo ko ng bahagya ang telepono.

[Narinig mo ba?!] malakas niya nanamang tanong.

Hindi ako sumagot at hinayaan lang siyang magsalita kahit hirap na akong intindihan dahil paputol putol na ito at sinasabayan din ng pagsinok niya.

[Ngayong alam mo na ang dahilan dapat umuwi ka na dito naiintindihan mo ba?]

Napangisi nalang ako sa kaniya.

Tss

[Umuwi ka na dito! Kung hindi ka pa uuwi.... A-ako... na mismo....ang magsusundo.... sayo...dya--]

Hindi niya na natapos pa ang sasabihin. Nakarinig rin ako ng tunog ng pagbagsak kaya malamang sinipa na siya ng antok dahil sa alak.

Hindi ko binaba ang tawag at nanatili lang akong nakikinig sa natutulog na Zayn.

Bumuntong hininga ako saka ngumiti sa kawalan.

"Fine, I'll go home"

-
"Sigurado ka bang wala akong nasabing kung ano?" pangungulit niya habang naglalakad kami pabalik.

Umiling lang ako at hindi na tumingin sa kaniya.

"Ice!" napatingin ako sa tumawag sa akin.

Si Maxwell

Tumakbo siya palapit sa amin at humihingal pa ng makalapit.

"San ba kayo nanggaling? Kanina ko pa kayo hinahanap" nagkatinginan kami ni Zayn.

Medyo nagtagal nga kami kasi nawili ako sa mga alon at sa payapang dagat.

"Nasaan sila?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa suite.

"Bumalik na, nag away pa nga si Red at Frans eh"

Hindi naman yun nakakagulat. Sa ugali palang ni Francine, ayaw niyang pinapangunahan siya o inuutusan. Kaya pag may ginusto siya, kahit sino ka pa hindi mo siya mapipigilan.

"Pasok ka na Ice" sabi ni Maxwell ng makarating kami sa tapat ng suite namin. Tumango ako sa kanilang dalawa at pumasok na nga sa loob. Nadatnan ko ang tatlo na magkakatabi sa kama habang si Zayra ay mahimbing na natutulog sa isang kama.

"Where have you been?" tanong ni Gia, umupo ako sa tapat nila kung nasaan ang couch.

"Nagpahangin lang. Anong nangyari?" tanong ko. Nagkatinginan muna sila saka sumagot si Azu.

"Nagkasagutan lang si Red at Frans"

"Ang kapal nila! Sila pa nagagalit na tumakas tayo? Sila rin naman diba?! Nakakainis!" bulyaw niya pero sinenyasan ko siyang hinaan ang boses at tinuro si Zayra.

"Wala ring sinabi si Gale sa akin na pupunta sila sa night party" dagdag ni Azu.

"Same with Sky" ani Gia.

"Lahat naman kayo may kasalanan" seryosong sabi ko saka inunan ang dalawa kong braso at tumingala.

"I agree. Dapat nagpaalam tayo baka naging masaya pa kung magkakasama tayong lahat" Gia.

Tumayo na ako sa couch at pumunta na sa kama para matulog.

Narinig ko pang nagpaalam si Gia at Azura na lalabas para kausapin sila Sky at Gale.

Si Francine naman ay nanatili sa loob at mukhang natulog nalang din.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang mga natanggap kong message ngayong araw. I saw a message from Damon.

From Damon:

When are you going back?

To Damon:

Monday, i guess

Ibababa ko na sana ang telepono ng magvibrate ito at magreply si Damon.

From Damon:

I'm flying back on Friday

Alam ko naman yun. Hindi ko nga rin siya maintindihan bakit pa siya sumama kung pwedeng iutos niya na lang sa iba.

Tinignan ko ulit ang bagong message niya.

From Damon:

Where is that resort you're in?

Bumuntong hininga ako at nireplyan siya.

To Damon:

El Paraiso. Batangas.

maikli kong reply at binaba na ang telepono.

I'm tired.

-

"Hmmm?"

Marahan kong binuksan ang mga mata ko at tinignan ko sinong walang hiya ang yumuyugyog sa akin.

Bumulaga sa akin ang nakangiting mukha ni Zayra.

"Good morning Ate Ice!" maligayang bati niya. Umupo ako at kinusot ang mga mata ko. Tinignan ko ang bintana at hindi pa naman ganoon kaliwanag.

"Kuya Zayn said we're going to do island hopping today kaya pinagising ka niya po sakin" tumango nalang ako. Ngumiti pa siya at tumakbo palabas ng suite. Nagmadali akong pumunta sa banyo at ginawa ang mga dapat kong gawin. Magkatapos maligo kumuha ako ng yellow dress at pinatong iyon sa navy blue one piece bikini ko. Nagdala ako ng sling bag at nilagay doon ang shades, cellphone, wallet at sunblock saka gumayak na palabas. Wala ng tao doon kaya naisip kong nasa buffet hall na sila at nagaalmusal.

Medyo maliwanag na rin dahil sa pag-angat ng araw. I saw some foreigners and guest who glance at me while walking. Hindi ko naman sila binigyan pa ng pansin at tumuloy sa hall kung saan ko naabutan ang mga kasama ko na nagkwekwentuhan habang kumakain.

"Oh! Ice is here!" saad ni Sky ng makalapit ako sa kanila.

"Sorry nauna na kami. Akala kasi namin magtatagal ka pa" bulong ni Gia ng makaupo ako sa tabi niya.

"Do you want something Ice?" tanong ni Max pero umiling lang ako. Inabutan ako ni Francine ng sandwich na kinuha ko naman agad.

Nasa tabi ko siya at si Gia naman sa kabila habang katapat ko si Zayn.

"Tumawag si Damon kanina" kunot noo ko siyang tinignan.

"Tinatanong niya kung nasaan tayo. Balak yatang sumunod dito." bulong niya.

"What for?" bulong ko pabalik.

"Hindi ko alam. Baka nami-miss ka" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Inalis ko nalang ang paningin ko sa kaniya.

Hindi rin naman masamang ideya na sumunod siya. Besides, he need to rest and relax a bit. Damon is done with schooling. Mas matanda siya sa amin ni Francine ng dalawang taon kaya trabaho na ang pinagkakaabalahan niya.

"Anong pinaguusapan niyo?" takang tanong ni Red na katabi si Francine. Mukhang ayos naman na silang dalawa at wala ng bahid ng pagaaway.

"Wala naman, nagtatanong lang ako kay Ice kung anong magandang gawin at papaano kita papatayin at ipapakain sa mga isda" nakangiting sagot niya kaya inismiran lang siya nito.

"Ilang islands ba ang pupuntahan natin ngayon?" tanong ni Gale kay Max.

"Apat" sagot niya bago sumubo ng pagkain.

"Let's snorkle later" natutuwang sabi ni Gia na tinanguan naman ni Max.

"Kuya I'm full" sabi ni Zayra. Ngumiti lang si Zayn at pinainom siya ng tubig.

"Are you having fun Zay?" tanong ni Red.

"Yes po" she giggled.

Ngayon na ang huling araw namin. Ang sabi nila bukas ng tanghali daw kami babalik sa Manila. They want to visit souvenir shop nearby so we agreed to go there later in the afternoon.

Pagkatapos mag-breakfast, gumayak na kami papunta sa dagat kung nasaan ang isang bangka na gagamitin namin. Inalalayan nila kaming lima at pinagsuot ng life vest. May kasama rin kaming isang lalaki na magpapatakbo sa bangka.

"I'm so excited!!" hiyaw ni Zayra ng magsimulang kaming umandar. Katabi siya ni Zayn at katapat ko sila. Kinuha ko ang shades ko at sinuot iyon dahil sa matinding sikat ng araw na nagpapasakit sa ulo ko.

Kausap ni Maxwell ang lalaki at mukhang binibigyan iyon ng instructions kung saan kami titigil. He looks so professional this time. Mukhang kabisado niya ang buong lugar at para bang natural sa kaniya ang ganitong mga bagay. Hindi maikakaila na sila nga ang may-ari ng El Paraiso.

Gale is taking pictures so the rest is smiling and posing. Lalo na si Francine na kina-career ang pagiging model niya.

"Malapit na tayo!" nakangiting ani Maxwell at tinuro ang isla na pupuntahan namin. Ilang sandali pa ay nakaabot kami sa pampang. Naunang bumaba ang mga lalaki at inalalayan naman nila kami. Kinarga naman ni Maxwell si Zayra sa balikat niya kaya tuwang tuwa ang bata.

I remove my slippers to feel the heat and the tickling sensation of the white sand. May ilang locals ang nandoon at binabati kami.

Kumuha si Gale ng mga litrato kaya naglakad lakad muna ako. Umupo ako sa isang lounger at nilapag ang bag sa tabi ko. I closed my eyes as I lay down and meet the heat of the burning sun. Buti nalang at naglagay ako ng sunblock bago kami umalis.

"Hindi ka ba lalangoy? We are suppose to have fun" bahagya kong tinanggal ang shades ko para tignan ang nagsalita. Nakaupo na sa lounger na tabi ko si Zayn at nakatingin sa akin. Binalik ko ang shades ko at pumikit ulit.

"Resting and relaxing is my way of having fun" sagot ko nalang.

"Matutulog ka ba?" tanong niya nanaman kaya napangisi ako.

"Sa tingin mo ba makakatulog ako kung nandiyan ka at dumadaldal?" sarkastikong saad ko. Hindi na siya nagsalita. Bumuntong hininga ako at bumangon.

"Nasaan sila?" tanong ko ng makitang wala ang mga kasama namin sa dagat. Nandoon pa naman ang bangka kaya imposibleng umalis sila.

"Nandoon" tinuro niya ang isang resto bar na gawa sa kahoy at nipa. Naglakad ako papunta doon at ramdam ko namang nakasunod siya sa akin.

Sa labas palang rinig ko na ang malakas nilang boses at tawanan. Nangunguna nga lang ang matining na boses ni Francine.

"I look hot here!" mayabang na sabi niya habang hawak ang camera ni Gale. Nakaipon sila sa isang mesa at tinitignan ang mga litratong kuha ni Gale.

"Uy nandiyan na pala kayo" una kaming napansin ni Gale.

"Smile!"

Nagulat na lang ako ng may mag-flash bigla sa harap ko. Sinamaan ko ng tingin si Francine pero inismiran niya lang ako at tinignan ang litratong kinunan niya.

Hinarap niya sa amin ang screen. Nakatayo ako habang nasa tabi ko si Zayn. Halata ang gulat sa mukha naming dalawa dahil sa biglaang pagkuha ni Francine ng litrato.

"Woah, ngayon ko lang napansin.... Bagay pala kayong dalawa" namamanghang ani Gia. Tinignan nilang lahat ng picture saka sabay sabay na tumingin sa amin ng nakakaloko.

"I already told Kuya to court Ate Ice na but he's not listening" natawa ang mga kasama namin sa tinuran ni Zayra. Sinamaan lang siya ng tingin ni Zayn.

"Oo nga naman Zayn. Ligawan mo na! Malay mo ikaw pa yung magpalambot sa yelo na yan!" ang sarap lang busalan ng bibig ni Francine ngayon.

Hindi ko pinansin ang mga asar nila at umupo nalang. Inagaw ko ang buko juice na hawak ni Francine at ako na ang umubos nun.

Ilang minuto pa kaming nanatili doon bago sila nagpasyang umalis na para makapunta sa susunod na isla. Puro asar ang natanggap naming dalawa pero siya lang ang pilit na pumapatol at dine-deny ang mga sinasabi nila. Hindi ko naman kailangang patulan ang mga sinasabi nila dahil hindi naman ako apektado. Siya lang talaga ang nagre-react sa aming dalawa.

"Itutulak kita sa bangka na 'to pag hindi ka pa tumigil!" inis na sabi niya kay Maxwell pero tumawa lang sila. Hindi naman kami nagtagal sa bangka at narating namin ang pangalawang isla. Tuwang tuwa sila na pumunta sa gilid ng isla kung saan mayroong mga rock formations. Nag-ala model sila habang ako ay piniling lumayo at tumingin sa dagat.

Tinanggal ko ang dress na suot ko at ang sling bag. Pinatong ko iyon sa ilalim ng puno ng buko at sinalubong ang maliit na alon.

Narinig ko pang tinawag nila ako pero lumangoy na ako palayo.

The water is so clear that you can actually see the little corals at the bottom. Umangat ako ng mawalan ng hangin. Medyo nakalayo na nga ako sa kanila. Humugot ako ng hininga at sumisid sa ilalim para tignan ang mga isda. Hindi na ako masyadong lumapit sa mga korales para hindi na magambala ang mga isdang naroon. Ilang sandali pa akong nagtagal bago nagdesisyong bumalik sa lupa. Sinalubong naman ako ng mga kasama ko na naghahanda ng umalis.

"San na kayo?" tanong ko ng makalapit.

"Snorkling daw" sagot ni Azura. Bitbit ni Francine ang dress ko at ang sling bag. Inabutan niya ako ng puting tuwalya. Kinuha ko naman iyon agad at pinatuyo ang sarili ko. Sumakay kami ulit sa bangka. Hindi ko na muna sinuot ang dress ko dahil balak kong lumusong ulit sa dagat. Lumayo lang kami saglit bago tumigil ang bangka. Kahit hindi pa kami bumababa sa bangka. Kita na mula sa posisyon namin ang mga isdang lumalangoy. I felt excited for a bit. These kind of activities hype me up.

Hindi na bumaba ng bangka si Zayra dahil hindi siya marunong lumangoy. Sinamahan naman siya ni Gia at Sky.

"Enjoy!" nakangiting ani Gia bago kami sabay sabay na tumalon sa dagat.

I am wearing my goggles kaya hindi mahirap dumilat. Lumapit ako sa mga corals para silipin ang iba't-ibang makukulay at magagandang isda. The ocean is much beautiful than land. Tahimik ang lahat at tanging paggalaw lang ng mga kasama ko ang maririnig sa tubig.

Umangat ako ng kapusin ng hininga. Sky is holding Gale's camera and taking pictures of us. Hinila ako ni Francine para sumali sa kanilang anim.

They pose for the camera for so many times. I just remain there standing and looking serious.

Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Francine at sumisid ulit sa ilalim.

I busied myself watching fishes swim, may nakita pa nga akong ilang clown fish na lumalangoy.

Nakita ko di kalayuan sa akin ang mga kasama ko. They are signaling me to come closer so I swim to them.

Tinuro ni Azura ang isang pawikan na lumalangoy palapit sa amin.

It is huge and looks old. Nanatili ako malapit sa kanila para panoorin ang pawikan na lumagpas sa amin. Nang makalayo ito, sunod sunod na umahon ang mga kasama ko kaya sumunod na rin ako.

Nagdesisyon silang umahon na para makapag lunch na kami sa sunod na islang pupuntahan namin. Nagpatuyo ako ng katawan at sinuot ulit ang dilaw na dress ko. Ilang minuto rin kami sa bangka hanggang sa makita namin ang isang maliit na isla.

Dumaong kami doon at inalalayan kami ng ilang locals sa pagbaba. They are singing welcome songs at may mga bata rin na lumapit at sinabitan kami ng mga bulaklak sa leeg. They are so warm and hospitable kaya nakakagaan sa pakiramdam. Nanguna si Max sa pagpasok sa isang restaurant na nandoon. Hindi naman ganun kalaki at hindi rin ganun kaliit. Gawa sa kahoy lahat ng mga gamit sa loob kaya nakatutuwang tignan na sumasabay ito sa vibe ng isla.

Lumapit ang isang babae sa amin pero si Max na ang nakipagusap. Ilang sandali pa, nilagay na sa mesa namin ang mga pagkain. Lahat sea foods kaya kumain na kami agad.

May mga local foods din na sinerve na pinatikim sa amin ng may-ari ng restaurant. Tuwang tuwa naman ang mga kasama ko dahil sa masarap na pagkain. Hindi na ako nagsalita habang kumakain.

Naalis lang ang atensyon ko ng kalabitin ako ni Zayra. Nakatingin siya sa kinakain kong hipon.

"Ate Ice can you teach me how to eat this?" saad niya at tinutukoy ang hawak niyang hipon. Kinuha ko iyon at binalatan sa mabilis na paraan saka isinubo sa kaniya. Naging busy ako sa pagbabalat ng hipon ni Zayra, nakakakain pa rin naman ako kaya ayos lang.

"Zay, ako nalang ang gagawa niyan. Hindi na makakain ng maayos si Ate Ice oh" tinignan ko si Zayn na katabi ni Zayra sa kabila. Tumingin naman silang dalawa sa akin pero umiling lang ako.

"It's fine. Busog pa naman ako" sagot ko at isinubo ulit kay Zayra ang hipon na kababalat palang.

She is fond of shrimps. Naalala ko bigla si Paris. He is allergic of shrimps. Kaya ayaw niya sa mga beaches at seafoods.

Nagtagal pa kami doon magkatapos kumain para pababain ang lahat ng kinain namin. Nagkwentuhan pa sila. Sumasali rin ako pero tanging oo, hindi, tango at iling lang ang sagot ko.

Sumakay ulit kami ng bangka pero hindi na kami tumuloy sa pang-apat na isla. Gusto kasi nilang mag-banana boat at subukan ang ilang water activities sa resort.

Ilang minuto ang lumipas bago kami nakabalik. Madami ng tao sa beach, past 2:00 pm na kaya siguro naglalabasan na ang mga tao. Nagpasalamat kami sa bangkero na nakasama namin bago bumalik sa suite. Nauna si Francine sa banyo kaya naghintay muna kami. Sinabay naman ni Gia si Zayra, at ng makalabas sila ay sumunod si Azura. Gusto ko mang matulog nalang, ayaw ko namang sayangin ang oras na nandito kami.

I'm here to relax and loosen up. Nag shower agad ako ng makapasok sa banyo. Nagsuot ako ng pink na two piece. Tinali ko sa leeg ko ang bikini at tinignan ang sarili sa salamin.

I put my hair into a messy bun then go out to meet the girls. Naabutan ko silang nagkukulitan sa kama at kinikiliti si Zayra.

"Ah! HAHAHAHAHAHAHA" hiyaw ni Zayra. Tumatawa naman ang tatlo habang pinagtutulungan siya.

"A-ate! S-sto HAHAHAHAHAHA stop! HAHAHAHAHAHA" lalagpasan ko na sana silang lima ng tawagin niya ako.

"A-ate Ice! HAHAHAHAHAHA help HAHAHAHAHAHA me! HAHAHAHA help me! Ahh!" bumuntong hininga ako at lumapit sa kanila. Sinamaan ko ng tingin ang tatlo kaya wala silang nagawa kundi umalis sa paligid ng bata. Humahangos naman siyang tumayo at lumapit sa akin. She hold my left hand so I let her.

"Nagkakatuwaan lang naman" protesta ni Francine na tinaasan ako ng kilay.

Tingin niya ba madadaan niya ako sa pataray-taray niya?

Hinila ko nalang si Zayra palabas ng suite. Hindi na rin ako nagulat ng makita ang lima na naghihintay na.

Akala ko kakalas na siya sa hawak sa kamay ko pero nanatili lang ang kapit niya doon kaya hinayaan ko nalang.

Sabay sabay kaming naglakad papunta sa shore. May kinausap si Maxwell sa isa sa mga staff. Dinala nila kami sa isang mga banana boat. So we ended up riding one, natawa nalang kami ng mahulog sila Francine, Gia at Maxwell sa tubig dahil sa bilis namin. We tried many water activities and it was so fun.

"Tanginang mukha yan Max" asar ni Red kay Maxwell na ngayon ay mangiyak-iyak dahil napasukan ng tubig ang ilong niya habang nagbabasaan silang lima.

They are making fun of Maxwell when someone riding a jetski came towards us and ended up splashing the water in our faces.

"What the fuck?!" inis na asik ni Zayn na humarang agad kay Zayra.

"Gago yun ah!" sabat ni Red. Tinignan namin ang tao na nakasakay sa jetski at nagulat ako ng makita kung sinong demonyo iyon.

Damon

"What the hell?! Anong ginagawa mo dito?!" natatawang bulyaw sa kaniya ni Francine. He take off his shades then gave us some smile.

"I just want to relax" maangas na sabi niya.

"Buryo na ako sa bahay niyo. Wala naman akong kasama doon" dagdag niya pa. Lumipat ang tingin niya sa akin kaya napataas ang kilay ko. Ngumisi siya saka tumingin sa iba. Sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ko si Zayn na mukhang naghahamon ng away gamit ang mata niya.

"Woah, chill dude" awat ni Max. Natawa pa si Damon at bumaba na sa jetski. Mabilis siyang lumapit sa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad. Hindi naman mawalawala ang ngisi niya sa labi.

"Na miss lang kita" medyo malakas na sabi niya kaya mapatingin sa amin lahat ng kasama ko.

Okay, he is putting a show again.

"Stop this or I will punch you in the face" mariing bulong ko pero mas lumaki lang ang ngisi niya sa labi.

Nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Nakakapanibago pala. Magkasama tayo sa loob ng isang buwan tapos ngayon na nakabalik ka na dito, hindi na kita nakakasama" he said then pouted.

What the fuck

Ramdam ko ang tingin ng mga kasama ko. Lalo na ang nakamamatay na tingin ni Zayn. Napalunok ako saka iniwas ang tingin sa kanilang lahat. Siguro inaakala nila na si Damon lang ang kasama ko sa buong panahon na wala ako dito.

A part of it is true but they might misinterpret things. Binigyan ko ng nakamamatay na tingin si Damon saka siya hinila palayo sa kanila. Nakakailang hakbang na kami palayo ng humagalpak siya sa tawa. Nilingon ko ang mga kasama ko at nang hindi ko na sila makita ay agad kong hinarap ang demonyong kasama ko.

"What's that?" halata ang iritasyon sa boses ko pero imbes na sumagot ay mas tumawa pa siya.

Bumubtong hininga ako saka marahas na kinuha ang kwelyo niya at binigyan siya ng isang suntok sa mukha.

"Shit!" inda niya sa sakit na dinulot ko. Ako na ngayon ang nakangisi habang siya ay nakahawak sa ilong niya. Mukha namang ayos lang iyon dahil wala namang dugo.

Hinintay ko siyang kumalma pero nakahawak pa rin siya sa ilong niya.

"I think I need some ice" I rolled my eyes. Napakaarte niya.

"Daplis nga nang bala hindi ka namomroblema, ayan pa na suntok lang?" nakataas ang kilay na tanong ko. Natigilan siya at natawa nanaman.

"Ano bang problema?" natatawang aniya.

"I'm just here to relax okay? Wala akong ibang intensyon" nakangising saad niya.

"Where are you staying?" tanong ko at humarap sa dagat na nilalamon nang papalubog na araw.

"I have my own suite, kanina lang ako dumating. Hindi ko kayo nakita" kwento niya. Naglabas siya ng silver na lagayan niya ng sigarilyo at kumuha ng isa doon.

Inalok niya pa ako ng isa pero umayaw ako. I tried smoking once and I swear it's not good.

Humithit siya sa sigarilyo niyang bagong sindi at tinignan ako ng makahulugan.

Kunot noo ko siyang tinignan.

"What?" walang emosyong tanong ko. Nagkibit balikat lang siya.

"That guy, mukhang papatayin niya na ako kanina" hindi ako tanga para hindi malaman na si Zayn ang tinutukoy niya. Hindi ko rin naman maintindihan kung bakit galit na galit ang pugok na yun sa demonyong ito.

"Lumayo ka nalang, ayaw kong magkagulo kayo dito" saway ko. Alam kong hindi nakakapagtimpi ang gagong iyon. Knowing Damon, pag alam niyang naaasar ka sa kaniya ay mas aasarin ka pa niya. I don't want them to cause any commotion here. Lalo pa at may kasama kaming bata.

He chuckled

"Why? Nagaalala ka ba sa kaniya?" nakakalokong tanong niya. Hindi ko siya sinagot.

I saw how Zayn fight, pero kung ikukumpara kay Damon, mas beterano ang demonyong ito kesa sa kaniya. Bata palang kami tinuturuan na siyang lumaban kagaya ko kaya sigurado akong dehado ang pugok na iyon.

"Don't worry Ice Klea" tinapunan ko siya ng tingin. Humithit pa siya sa sigarilyo niya at tinapon iyon sa paanan niya saka tinapakan. He faced me with his irritating grin.

"I won't mess with him or any of them..." pagputol niya sa sinasabi saka inakbayan ako at tumingin sa gilid namin. Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Zayn na naglalakad patungo sa amin. Lumapit ang mukha niya sa akin hanggang makarating sa tenga ko.

"I know they're special to you"

Continue Reading

You'll Also Like

171K 6.3K 80
Not many people understood 12 year old Jessica, as a person and an individual. That doesn't include, however, her older sister, who Jessica adores w...
930K 26.8K 43
Athena is trying to adjust in her newfound freedom but she is forcefully ripped away from it. But sometimes bad things happen for better!
100K 5.2K 28
Hooked onto drugs, no family, no guidance or sanity until she met HIM. Cover Creds: @Triceynexttdoor ❤️ -BLICKY.
266K 19.4K 23
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...