Learn To Love Again (Boyxboy)

By jwayland

332K 9.1K 903

After bumalik sa Canada two years ago ni Dustin ay kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas kahit labag sa kal... More

After Two Years
The Wedding
Can't Wait to Go Back
Home Sweet Home
Responsibilidad
Rebelde
I Lost My Virginity.....
Failed to Be a Goodboy
A Complication
What The F?!
Fly Like A Bird
Revenge is Sometime Salty
Pag-amin
Missing Him
Siya Ulit!
Meeting Alexander Villanueva
Game Over
New Guy
Hindi Pa Tamang Panahon
Time to Find My True Love
Are You In Drugs?!
My Abductor
Stranded
Restraint
This Is The End
You Get What You Want
The Right Choice
Living With Andrei Montevista
Three Days
Unexpected Meeting
Walk A Tight Rope
The Escaped
The Brawl
A Promise Of Forever
Special Chapter

New Home

7.5K 229 16
By jwayland

Good morning guys rest day ko finally sorry sa last chapter kung medyo lutang, lutang din kasi isip ko kahapon hehehe

Picture of Jonathan Montero on the right=====>>>>>>

Song is Runaway by The Corrs

===============================================================================

CHAPTER SIXTEEN

Dustin's POV

Inis na inis ako sa sarili ko nang mga oras na iyon, hindi ba hinanda ko na naman ang sarili ko sa katotohanan na hinding hindi maaring maging kami ni Jonathan dahil wala naman siyang nararamdaman sa akin pero bakit ganoon ang sakit sakit pa din talaga lalo na't makita mong kasama na naman siya nang parehong babaeng nakita mo two years ago sa kuwarto niya, parang bumalik na naman ang lahat nang sakit na naramdaman ko two years ago ngunit mas doble dahil aminin ko man o hindi ay bahagya akong umasa kahit maliit lang na porsyento na baka magustuhan din niya ako, but I guess I'm wrong, lagi na lang ba akong magkakamali ng hinala pagdating kay Jonathan.

Agad akong sumakay sa Taxi na sakto naman na nagbababa sa kabilang kanto, agad akong sumakay at matapos sabihin ang lugar ay agad kong pinalaya ang sama nang loob ko mula sa nakita kanina, napapansin ko ang panaka nakang pagsulyap sa akin ng driver ng taxi ngunit wala akong pakialam ang gusto ko lang gawin ay mailabas ko ang lahat ng sama ng loob na nasa dibdib ko nang dahil kay Jonathan.

Pagkarating na pagkarating sa bahay ay dali dali akong pumasok sa kuwarto ni Marvin at agad niligpit ang mga gamit ko na nasa aparador, I'm done dapat pala tinuloy ko na ang balak ko noong una na humanap nang malilipatan kung nagawa ko siguro iyon ay hindi ako ngayon masasaktan nang ganito, pero huli na, nangyari na eh ang dapat ko na lang sigurong gawin ay huwag ipakita dito na nasasaktan ako, maski man lang pride ko maisalba ko.

Mabilis ang naging mga kilos ko, ang pagliligpit ko ay natapos lang ng sampung minuto at matapos masiguradong nailock kong mabuti ang pinto at agad na akong naglakad papunta sa sakayan nang jeep o nang taxi o kahit ano nang mauna.

"Oh Dustin, uuwi ka na ba nang Canada kaya dala mo lahat ng gamit mo?" nagtatakang tanong ni Aling Tina ang may-ari ng tindahan sa may tapat ng bahay.

"Hindi pa po kailangan ko lang umalis Aling Tina, sige po goodbye." paalam ko dito hanggang makarating na ako sa sakayan at ilang minuto din ang pinaghintay ko bago ako nakahanap nang Taxi.

"Where is your destination sir?" nakangiting tanong nang driver.

"Sa Makati po tayo boss." sagot ko naman dito at hindi ko na pinansin ang pagkagulat nito sa pagtatagalog ko.

Sa totoo lang wala akong siguradong pupuntahan basta nasabi ko lang sa Makati dahil naalala ko nang una akong sumama kay Marvin nang magpunta ito sa trabaho last two years ago.

Habang nasa biyahe ay nakatingin lang ako sa labas nang bintana na wala naman talagang iniisip, parang naging blangko lahat para sa akin.

"Sir nasa makati na po tayo, saan po ba talaga ang destinasyon ninyo?" nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Manong Driver at saka ko lang napagtanto na tama nga ito, at ngayon ko lang din narealized na wala naman talaga akong exact na maaring tirhan.

"Pahatid na lang po sa pinakamalapit na hotel dito." ang sinabi ko dito, hinatid naman ako nito sa Hotel InterContinental Manila." at matapos magbayad ay dumiretso na ako sa loob at agad akong nagpabook nang isang kuwarto, habang wala pa akong naiisip na puntahan ay minabuti ko na munang magstay sa hotel.

Hindi na din ako nagtagal at agad kong kinuha ang ipad mini ko at agad nagsearch nang mga nagpapaupa nang mga condo unit at agad naman akong nakakita bandang Chino Roces na affordable naman dahil three thousand five hundred lang ang bayad, agad kong tinawagan ang naturang may ari nang condo at nakipagmeet dito sa Starbucks na malapit mismo sa condo unit para macheck ko na din.

Agad akong naligo at matapos makapag ayos ay agad akong sumakay nang bus na magdadala sa akin sa meeting place namin ng Francis na iyon.

Habang naghihintay ay naisipan ko na munang bumili nang isang Mocha Frap at isang bagel at ilang sandali lang ay dumating na ang isang morenong lalaki na medyo nag-atubiling lapitan ako kaya agad nitong kinuha ang phone at tinawagan ang numbe rko para makasigurado.

"Hi." nakangiti kong bati sa bagong dating na hindi man lang maitago ang paghanga nito sa akin.

"Hi! Francis nga pala, sorry kailangan kong makasigurado kasi akala ko Pilipino ang uupa sa condo unit ko eh." sabay kamot sa buhok nito.

"Don't be actually wala talaga akong dugong Pinoy natuto lang ako kasi ang Dad ko ay nakapangasawa nang Pilipina, by the way would you like to order something?' alok ko dito ngunit agad itong tumanggi at sinabing tapos na itong kumain.

Inubos ko lang ang inorder kong bagel at sabay na kaming pumunta sa condo unit nito na nasa katapat lang mismo nang Starbucks, kaya naman wala pang limang minuto ay nakarating na kami sa condo unit nito, may kaliitan ang naturang unit na isang kuwarto lang, cr at isang maliit na kusina ngunit bagay na bagay na sa akin iyon dahil ang pakay ko lang naman ay hintayin ang passport ko at bumalik na sa Canada, wala na din namang sense kung mag stay pa ako sa Pilipinas.

"So ang hihingin ko sayo ay bayad ngayong buwan kapag lilipat ka na at one month in advance." paliwanag naman nito nang nakaupo na kami sa silya sa kusina, may ilang mga gamit na din sa loob kaya hindi na ako mahihirapan.

"Hindi ba puwede isang buwan na lang ang babayad ko sayo kasi walang kasiguraduhan na aabot ako ng two months." pakiusap ko dito at akma itong tatanggi ng ginamitan ko ito ng Dustin charm na agad naman tumalab, at least kahit paano may effect pa pala iyon sa iba.

"Sige na nga para sayo, papayag ako." nakangiti na nitong sinabi sa akin at laking gulat nito nang malaman bukas na bukas na din ako lilipat at matapos iabot ang bayad dito at makuha ang susi ay nagpaalam na din ako dito para makabalik sa hotel room na tutuluyan ko nang gabing iyon, kailangan ko nang magsimulang huwag isipin si Jonathan.

"Akala ko ba kailangan ko nang simulan huwag isipin si Jonathan." tanong ko sa sarili ko nang may pagkasarcastic, kasi naman nakahiga nga ako pero mulat pa din ang kaisipan ko hindi ko maiwasang hindi isipin kung kumain na ba si Jonathan o kaya kamusta na siya.

Kung ano ano nang puwesto ang ginawa ko para lang makatulog ngunit mag aalas tres na nang madaling araw nang tuluyan kong mahanap ang napakailap na antok na hinahanap ko.

"Peste ka talaga sandman bakit ngayon ka lang dumating." ang huling lumabas sa bibig ko nang tuluyan na akong gapuin nang antok.

Mag-aalas dies na nang umaga nang magising ako, at sandali pa akong naguluhan nang magising ako sa hindi ko kilalang lugar hanggang unti unting bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kaya naman bigla ang naging pagbalik nang sakit sa dibdib ko.

Naramdaman ko na lamang ang malayang pagtulo nang mga luha sa magkabilang pisngi na agad kong pinahid, nagmamadali akong nag-ayos para makalipat na sa condo unit na lilipatan ko, kaya naman matapos magbayad nang bill ko sa hotel room ay sumakay na ako ng Taxi at nagpahatid doon.

Excited akong pumasok sa loob at tinignan kung ano ang mga kailangan kong bilhin na mura lang dahil hindi din naman ako magtatagal.

"Kama, kumot, unan, eletric fan, grocerie." isa isa kong chineck ang mga dapat kong bilhin nang araw na iyon, kaya nilapag ko lang ang gamit ko ay sumakay na ako ng bus papuntang SM Makati para bilhin ang mga kakailanganin ko.

Thirty minutes ang ginugol ko sa pagbiyahe at nang nasa naturang mall na ako ay agad akong naghanap ng mga kakailanganin ko, inuna ko na munang bumili nang pagkain ko na good for two weeks, matapos non ay dumiretso na ako sa home depot na nasa loob ng mall at namili na din nang maliit na electric fan, actually may ac naman na naiwan doon kaso masyadong malakas sa kuryente kaya mas gugustuhin ko pang gumamit nang eletric fan, matapos nga noon ay namili na din ako nang kama at napili ko ay pangsingle lang para hindi mahirap iakyat sa unit ko na nasa sevent floor nang building.

Matapos magbayad ay naisipan ko na munang mamasyal dahil masyado pang maaga, kumain na muna ako nang lunch at matapos non ay naisipan kong manood nang sine.

Habang nasa loob nang sine ay aksidenteng napagawi sa bandang kanan ang tingin ko at kita ko ang dalawang lalaking sweet na sweet habang ang isang lalaki ay nakasandig ang ulo sa balikat nang isa pa, parang biglang nasira ang mood ko sa pinapanood sa nakita ko, hindi ko maisip nang dahil sa sakit na naramdaman ko ay nagiging apektado na ako sa maliliit na bagay na iyon.

Hindi ko na din tinapos ang pinapanood ko at agad nang binalikan ang mga pinamili ko, tinulungan na din ako nilang tumawag nang Taxi at isakay ang maliit na kamang binili ko sa kanila. hindi din naman naging mahirap sa akin iakyat ang mga pinamili ko dahil may ilang lalaking tumulong sa akin na mukhang nabighani sa angking gandang lalaki ko.

Sandali muna akong naglinis sa loob ng unit at matapos masiguradong malinin na ang paligid ay nilagay ko na din ang kamang binili ko kasunod nang paglagay nang ilan pang mga binili ko, instock ko na din ang groceries na binili ko sa cabinet na nasa ibabaw nang lababo, at dahil sa pagod ay hindi ko na nagawang magluto kaya naman nagpadeliver na lang ako ng Manhattan Meatlovers na pizza sa Yellow Cab.

"Welcome to your new home for the next four weeks Dustin." ang bulong ko sa sarilim magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, masaya ako dahil maeexperience ko ulit ang pagiging independent, malungkot dahil kahit saan ako tumingin ay nakikita ko pa din ang itsura ni Jonathan.

"Enough already Dustin, maawa ka naman sa sarili mo sa kinikilos mo." galit kong sinabi sa sarili ko at kinuha ang phone na nakapatong sa mesa na nasa kusina.

Ibinunton ko ang lahat nang sama nang loob ko sa pagkain sa pizza na inorder ko at salamat na lang talaga at sobra akong napagod sa maghapon na iyon kaya naman agad akong nakatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 80 44
Klent is a cute and simple young man, and a first year student of Sun University. Nathan is a handsome, cold-hearted, and the king of the school. Two...
57.2K 1.1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
114K 3.7K 56
New start means New Life? Ethan and Riri were settling things in order. Ang pag-iibigan nila ay parang kinulong na may rehas. They were locked and se...