If I have Nothing (Absinthe S...

By Lumeare

448K 15.4K 1.9K

Syden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family an... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
W a k a s
Special Chapter

Kabanata 25

8.3K 324 19
By Lumeare

Kabanata 25

If I Have Nothing

"Ang kapal mo namang umatras sa kasunduan! We've wasted a lot of time for this mess. Nasaan ang tapang mo ngayon at bakit ka umaatras?" Lola continued ranting. The anger was apparent in her tone. Lumapit pa siya sa amin ni Mommy at hinatak ako mula rito.

I felt exhausted and enfeebled. Nagpadala ako sa marahas na paghatak sa akin ni Lola.

"Mama, tama na 'yan!" Mommy tried to reach for me. Huli na para gawin niya iyon dahil naramdaman ko na ang mabigat na kamay na tumama sa aking pisngi.

It was like a hit of hard steel. Umakyat ang init sa aking mukha at namimigat na iyon. Sa lakas ng sampal ay Napabaling ang aking mukha sa kabilang direksyon. I heard my mother gasped. "Mama! Ano ba?"

"Kailangang magtanda ng batang iyan. Hindi basta bastang inaatrasan ang ganitong kasunduan. Pinapahiya niya ang ating pamilya. What would the Vasilievs think of our family? Hindi na nila tayo pagkakatiwalaan ng dahil sa kaniya."

My tears welled on the edge of my eyes. Parang may nakadagang mabigat na bagay sa aking dibdib at hindi rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

"You're not even sorry at all. Barging in, telling us to stop the wedding? For what? For your own good? Wala kang utang na loob! Manggagamit ka!"

"Mama, tama na! Syden doesn't deserve those words! Kung gusto niyang itigil ang kasal ay ipapatigil ko!"

Lola's eyes widened. "Hijo de puta! Agatha, hindi mo anak ang batang ito! Sampid lang ito sa pamilya niyo. She signed a contract. She was willing to do it! Huwag mo ng ipagtanggol at pagbigyan sa gusto! She wanted to stay here so she signed it. Hayaan mong panindigan niya ang kaniyang pinasok!"

Bumagsak ang aking balikat kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha sa pisngi. Nanginig ang aking kamay ngunit hindi ko lam kung ano ang gagawin..

Tama naman si Lola eh. It was my decision to sign the contract. It was my decision to stay in this family.

Hindi ako nag-iisip. Nagadalos-dalos ako.

"Ma, kung ayaw ni Syden, gagawan ko ng paraan."

"Tama na po..." I whispered but my mother continued. Hinanap ko ang aking boses upang marinig niya ako.

I sobbed. "Tama na po...Mommy, tama na po..."

She stopped talking and her eyes gazed to me. Bakas ang gulat sa kaniyang mga mata. Namumula na ang gilid noon at nasasaktan ako na kailangan niya akong ipagtanggol sa sarili niyang ina.

It shouldn't be like this. No one should do it for me.

"Tama na po, 'My. T-tama po si Lola. I-I signed the contract. Hindi na po mabubura iyon." Tumulo ang isa pang luha sa aking mata.

"I'm sorry, 'My..." I sobbed hard. Nanlambot ang kaniyang tingin sa akin at hinila ako patungo sa kaniya.

"Matalino ka naman pala! Gamitin mo iyang utak mo bago ka magpadalos-dalos. Ang daming taong nadadamay nang dahil sa pagiging makasarili mo!"

Patuloy ako sa pag-iyak. Mommy cradled my face and wiped those tears. Amidst the tears, I still heard Lola's heavy footsteps ascending the stairs.

"Sigurado ka ba? I thought you were in good terms with Rhett anak?"

Nanginig ang aking labi. "It's for a show, 'My. Ayaw ko pong madisappoint kayo." Iniwas ko ang tingin sa kaniya.

Gusto kong bawiin ang aking mga sinabi. No, it wasn't for a show! Nagpakatotoo ako sa mga panahong nagkasama kami. I thought...he did too. Pero nagkamali ako kasi napipilitin lang din naman si Rhett na pakisamahan ako.

To even think that...I fell for his deep stares and cold personality, mas lalo lamang bumibigat ang aking dibdib. It was too painful like thousands of needles were piercing my heart.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog nang gabing iyon. Mom tried to talk me out of it. Gusto niyang makasigurado because a few moments I was hysterical asking to stop the wedding and then, I agreed, just after Lola Ansela shook me with her words.

Kahit mabigat sa dibdib, sinabi ko kay Mommy na matutuloy ang kasal. I already gave my word. I gave hope to my brother, to our family. Kahit si Tita Aleah ay hindi na makapaghintay sa araw na sasapit.

From where I was standing, I already see the Vasilievs conversing with my other relatives. Iilan lang ang nakakaalam sa kasal na ito. With the private setting, no one would even know that a wedding was taking over at our garden.

"Syden," I heard the soft voice of my mother. Hindi ako lumingon ngunit rinig ko naman ang kaniyang yabag na patungo sa akin.

"Everyone is here, anak. Sigurado ka na ba?" She held my shoulders from the back. Sinunod niya ang aking ginagawang pagtanaw sa aming piling mga bisita.

"I'm sorry..." she whispered.

"Hindi, 'My. Huwag kayong mag-sorry. I'm doing this for Kuya Bo. I'm doing this to give back for everything that you've done to me."

"But you sacrificed too much. Ang bata mo pa para maranasan ito."

Natahimik ako. I just quietly stared at the people and did not bother to respond.

Oo nga't bata pa ako sa ganito. Pero siguro, kaya ako ipinanganak ay para sa pagsasakripisyo din. Maybe my parents gave me as a sacrifice for them not to suffer. Kung kaya't inabandona nila ako ay para maging masaya sila. Maybe I was bother or a burden, at sa araw na ito ay tanggap ko na ang aking kapalaran.

Inakay na ako ni Mommy pababa ng bahay. The walk was painfully slow. Ang aking mga mata ay nanlalabo sa pagpipigil ng luha. I briskly wipe them off when we reached the garden.

Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Nang maiangat ko ang aking tingin ay nakita ki siyang nakatayo sa dulo at katabi ang paring magkakasal sa amin.

Wala na akong takas sa kapalarang ito. As I held on to my father's arm, my heart fell. Sa bawat yapak na ginagawa ay namimigat ang aking dibdib.

Mas huminga pa ako nang malalim. Nagtama ang tingin namin ni Lola Ansela na mariin ang mga mata sa akin. I looked away, suddenly feeling the terror again.

I thought I was strong, but I wasn't. Kulang ang naipon kong lakas sa mga taong lumipas. I was still that weak Syden who cries after being scolded or humiliated in front of many people.

Nagtamang muli ang tingin namin ni Rhett nang lumingon na ako. He was standing stiffly, his eyes void with any emotions.

Of course. He's not happy being married to me. Sariwa pa sa aking isipan ang mga katagang narinig.

Hindi ko na iniwas ang tingin sa kaniya nang huminto kami sa kaniyang harapan. He laid his hand in front of me asking for mine.

Si Daddy ang naglahad ng aking kamay sa kaniya. Hindi ko napigilan ang panginginig. My eyes were probably red because I was keeping myself from crying. He shouldn't see my tears. Ayaw kong kaawaan niya ako sa desisyong ito.

I stared at his face and noticed a bruise on his lower jaw. Sandaling umawang ang aking labi ngunit agad din iyong itinikom.

Tito Vladd must have punched him last night. Sariwa ang pasa kaya baka sa katigasan ng kaniyang ulo ay nasuntok siya. He stood up too much for his own, but in the end, he didn't get what he deserved. Pareho lang naman kami.

Walang kahit na ano pang patalastas sa seremonya. We just stiffly stood side by side and listened to the priest. Nang magharap kami para lagyan ng singsing ang daliri ng bawat isa ay hindi ako makatingin sa kaniya. His heavy stares, however, pierced through me. Ang bigat ay tila pinapako ako sa aking kinatatayuan.

When I slid the ring in his finger, I immediately withdraw my hand. Pumormal ako at tipid na ngumiti. I wasn't wearing a veil or a fancy wedding dress. I couldn't say that it was the best wedding, either. Halos lahat ng ipinakita ko sa lahat ng tao ay peke, kahit na ang aking ngiti.

I couldn't give them a real smile because I am hurting inside. Hindi umabot sa mata ang aking kasiyahan.

"With the power vested upon me, I pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride." The priest announced.

Dahan-dahan akong humarap kay Rhett. Sa pagbanggit ng halik ay tila nanginig ang aking puso sa kaba. If I didn't know about what he thinks, I might have been excited to be kissed by him again.

Ngayon, ang aking kaba ay nararamdaman ko na sa aking lalamunan. My breathing hitched when he stepped a little closer to me.

Napakabagal ng oras. Gusto kong pabilisin para matapos na ngunit hindi ito umaayon sa akin. Rhett held my face in such a delicate manner. Pumikit ako, ayaw matingnan kung gaano kalalim at kalamig ang tingin niya sa akin.

His lips met mine briskly. Parang isang haplos ng pakpak at nawala agad. I heard the applauses of our family. Unti-unti akong nagmulat ng mata at piniling ngumiti ng tipid sa kanila.

Parang lahat sila masaya sa nangyayari. Nakakainggit. Nakakainggit na makitang nakakaya nilang ngumiti nang malawak habang hindi nila alam na para akong binibiyak sa loob.

Hindi ako makatingin kay Rhett, o sa kahit sino pa man. I remained unmoving even when Tita Aleah hugged and congratulate me.

Ngumiti na lamang ako kapagkuwan. We were gathered for a family picture. Ngumiti ako. Sinubukan ko. Hanggang sa mapagod ako kakapakita sa kanila na ayos lang ang lahat.

Ang handaan ay sa bahay pa rin. Hindi nagtagal ang ibang kaanak namin dahil babalikan pa nila ang mga pinsan kong naiwan sa hotel. The only ones left were the Vasilievs and my grandparents. Huling umalis sina Grandma.

"Be happy, okay?" Iyon ang huling paalala sa akin ni Grandma matapos niya akong yakapin.

Happy...how could I even do that? How can I be happy?

Simula nang matapos ang seremonya ay parehong wala kaming kibo ni Rhett. I tried so hard to converse with our family habang siya ay tahimik lang sa tabi ko. Narinig ko lamang ang boses niya nang minsang tinanong siya tungkol sa plano niya.

"Aleah, it's best if Syden stays here tonight. Saka na lang ang paglilipat nila ng bahay ni Rhett." si Mommy iyon at kinukumbinse si Tita Aleah na manatili muna ako sa bahay.

I didn't want to go. I want to stay here pero may asawa na ako. May nakahanda na ring bahay para sa amin.

"Okay, then. Syden," humarap si Tita Aleah sa akin, "Have good night rest. You look really tired."

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Sige po, Tita. Ingat po kayo pauwi."

"Tita? No, call me Mama. We're a family now. Huwag kang mahiya."

I can't ignore her hopeful smile so I just nodded. Nang umalis sila ay lumapit pa sa akin si Rhett. I saw how Tita Aleah pushed him to walk towards me.

Naiilang na napatingin ako sa kaniya. "Good night." inunahan ko na ang bati.

"Are you okay?" Instead, he asked.

Kumunot ang aking noo ngunit tumango din. Gusto ko na lang magpahinga at kalimutan ang lahat.

His eyes turned soft. Akmang hahawakan niya ang aking mukha nang iiwas ko iyon sa kaniya. I stepped back a little then nodded towards the direction of his family.

"I'm tired now. Umuwi na kayo."

I turned my back against him and entered our home. Lupaypay ang aking katawan nang paakyat na ng kama.

I feel exhausted. A lot has happened that my mind wanted to shut down itself. Agad akong nakatulog nang gabing iyon.

I was absent in class the next day. Sumama ang aking pakiramdam at sumakit din ang ulo. If it's because of exhaustion, I wouldn't wonder at all. Nakatulog ako buong araw at nang gumising naman ay ramdam kong may nakaupo sa gilid ng aking kama.

"She just needed to rest, Rhett." It was my mother's soft voice again. Nagkunwari akong natutulog pa dahil ramdam ko ang presensya niyang malapit lang sa aking katawan.

"Rhett, can I ask you a favor, hijo?"

"What is it Tita?"

"Can Syden stay here for a while? For months, I guess. Naninibago pa ang anak ko sa lahat ng ito at alam kong hindi pa siya handa kaya pwede bang dumito muna siya? I'll talk to your mom about this matter. I am sure she'll understand. Pero gusto ko lang marinig mismo ang pagpayag mo."

Pigil na pigil ang aking hininga habang hinihintay ang kaniyang sagot. A part of me wanted him to say yes, but the other part was saying no. Kung ako lang din naman talaga, ayaw ko munang makasama siya sa iisang bubong. Kapag nakikita ko siya ay naaalala ko kung paano niya tanggihan ang pagpapakasal sa akin.

Of course, he didn't know that I was there. He didn't know how hurt I was when I heard those words from him. Pero hindi niya na dapat malaman pa ang bagay na iyon. I didn't want to confront him because he might even lie to me about it. He's b

"If it's what's best for her, then, she'll stay here, Tita."

"Thank you. Ilang buwan lang naman. You can still visit your wife."

And that's what he did everyday. Kahit sa pagtatapos ng aking klase, bawat araw, nandoon siya. I just didn't want to talk to him. Hindi na ako gaya noon na may biglang sasabihin o itatanong agad sa kaniya.

He didn't even say anything about my silence and I was thankful.

It lasted for months until it was time for me to bid goodbye to my own home.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson
38.5K 826 50
Vhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable...
40.3K 1.3K 56
Second to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician l...
505K 8.1K 53
Eligible Heiress Series Book 3 [Completed] Even the strongest of saints have their days. Can their timid hearts overcome troubling times? This story...