Walking in the Wind (Valdemor...

By anchoraigee

41.7K 1.2K 81

Aria Beatrice Legaspi is a simple college student who values her studies. She's the girl you could wish for... More

Walking in the Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Joaquin Gabriel
Author's Gratitude

Chapter 11

739 27 0
By anchoraigee

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kwento sa akin ni Chesca. She's been talking about her past meet ups which never made me surprise at all. Ni hindi ko na napansin ang pagkakatulala sa kawalan. Kung hindi pa kinaway nito ang kamay sa harapan ko ay hindi ko naikurap pa ang mata.

"Hoy! Tulala ka, ah?" I sighed and drank some water.

Ilang araw pagkatapos noong pagpunta ko sa condo niya ay hindi na kami masyadong nag-usap. Pati sa trabaho ay hindi na rin ito pumupunta pa para kulitin o di kaya ay ilibre ako.

Ang hirap kapag nasanay ka sa presensya ng isang tao. Kapag hindi nagpakita o nagparamdam, hahanap hanapin mo.

I didn't answered his question that time. Dahil na rin kasi sa antok saka pagod ay nawalan ako ng gana pang sumagot.

Hindi naman kami nag-date ni Mavy. Saka sino ba ang nagsabi sa kanya noon? Hindi nga rin alam ni Chesca na kumain kami, eh.

Nagpaalam lang ako saka umuwi at itinulog lahat nang iyon. Masyadong pagod na ang isip ko.

Tapos nagulat na lang ako na may ka-date na naman ito hanggang ngayon.

He's back to his old self again. Minsan kaming nagkakasalubong tapos hindi niya man lang ako nagawang pansinin.

He'll just walk like we never knew each other. Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng bagong kaibigan tapos ito ang mangyayari?

I tried confronting him again but he'll just answer me playfully. Ewan ko ba kung anong problema nun sa akin at nagagawa akong hindi pansinin.

Kaya ngayon ay balik tingin ako sa kanya mula sa malayo habang matamis na nakangiti sa kaharap na babae.

I've been staring at them the whole time the moment we arrived here at the coffee shop. Inaalis ko lang ang tingin sa kanila kapag minsang gumagala ang mata ni Gab. I'd pretend that I'm drinking my coffee everytime he does that.

"Selos ka? Sinasabi ko na nga ba, may feelings ka na doon," nangunot ang noo ko saka hinayaang lunukin ang kape. Mahina kong iniling ang ulo dahil maski ako ay naguguluhan sa tanong niya.

"Hindi naman. Hindi na niya kasi ako pinapansin. Pero okay lang, hindi naman siya kawalan," sabi ko at itinaas pa nito ang kilay. Nagdududa na naman ito sa akin.

Minsan na niya kasing nakita iyong naging text sa akin ni Gab kaya walang ginawa kundi ang magtipa ba naman ng 'Miss na kita' kahit hindi ko naman gawain iyon. Buti na lang ay nakita ko kaagad at hindi pa nasi-send. Sakto wala akong load noon, kundi pahiya ako.

"Sinasabi mo lang 'yan kasi nga nasa first level pa lang kayo. Araw-araw naman kayong magkakasama noon kaya imposible namang wala kang nararamdaman sa kanya. Hello? Saksakan ng gwapo iyong kasama mo kaya todo support ako sa'yo kasi baka siya na nga ang magiging boyfriend mo sa wakas!" bumuntong hininga ako saka napatingin na naman sa kanila noong kasama niya.

Mahilig sa magaganda tapos iyong tipo na talagang masasabi kong perfect. Ni hindi nga ako nakaabot sa kalingkingan niya kaya imposible ring magkagusto sa akin 'tong lalaking 'to.

Magunaw man ang mundo ay baka hindi mangyari iyon. Hindi rin naman ako umaasa.

"Remind ko lang ha? Alam mo namang nagiging tanga ang isang matalino pagdating sa pag-ibig," she said while shaking her head. Napahilot ako sa sentido saka inisip ang sinabi niya.

Hindi naman siguro lahat ng matalino ay nagiging ganoon. Depende naman iyon sa tao kung paiiralin niya ang utak kaysa puso.

"Tsk. Hibang ka na. Kumain ka na lang," utos ko. Nanatili kami doon sa coffee shop hanggang maubos iyong order namin.

Patayo na kami nang mapansin ko ring patayo na iyong sina Gab. Inakbayan niya pa iyong babae saka may binulong na kung ano dahilan ng pagtawa nito.

Binilisan ko ang paglabas doon saka naglakad pabalik ng school. Naiinis ako na ewan kasi tuwing nakikita niya ako ay laging nakabusangot ang mukha niya, samantalang kapag iba naman ang kasama ay todo ngiti at pa-cute. Akala mo naman parang artista na dapat sambahin ng ilan.

"Lib lang ako," paalam ko kay Chesca dahil wala ako sa mood na asarin niya ngayon.

Tumango lang ito kahit alam niya namang kailangan ko lang ng katahimikan ngayon.

Ilang gabi na rin kasi akong hindi nakatulog ng maayos kakaisip dahil doon. Pati sa trabaho minsan ay nagiging lutang na ako.

Na-attach iyong sarili ko sa kanya. 'Yong tipo na nasanay ako sa presensya saka sa paminsang pang-iimbita sa akin. Tapos bigla nito akong hindi papansinin?

Hindi naman ako nakikipag-chat sa kanya palagi para i-ghost ako. Text nga lang kami, eh. Hindi ko naman alam na nangyayari rin pala iyon sa mga texts.

Nagbasa muna ako ng kaunti sa lib ng ilang libro. Hindi katulad noon ay marami nang mga estudyante na narito.

I picked my usual spot which is beside the window. Pinili ko talaga iyong pinakamalaking libro para maitago ko ang ulo sakaling mapasarap ang tulog ko.

Talagang tulog ang ipinunta ko dito kasi antok na antok na ako. Hindi ko naman kayang kalabanin iyon lalo pa't namumungay na iyong mga mata ko.

Nag-oovertime na nga ako, nagbabakasakaling mapadaan lang siya doon sa trabaho kaso wala. Ayoko rin namang pumunta doon sa condo niya ng basta-basta. May respeto pa naman ako.

I forced myself to sleep. Bahala na kung maabutan ako rito mamaya ng librarian basta makatulog lang ng mahimbing. I can't risk anything especially my health.

Ilang subjects nalang muna ang ililiban ko ngayon, lagi naman kasi akong present sa lahat nang iyon. I just want to have a good sleep for the mean time.

Kahit dito man lang ay mabawi ang lahat ng pagod ko. Hindi na nga rin ako minsan nakakapag focus dahil laging inuukupa ang isip ko.

Nagising na lang ako nang maramdaman ang marahang tapik sa akin. I groaned and opened my eyes a bit.

Napakurap kaagad ako nang makita kung sino ang kasama ni Chesca saka nanlaki ang mga mata ko. Naramdaman ko pa iyong pagkabasa ng braso ko.

Pinunasan ko iyon dahil sigurado akong laway ko iyon. I also wiped my mouth in case there's still traces of my saliva in it.

"Kanina pa kayo?" kinakabahan kong tanong dahil baka nainip sila kakahintay sa akin. Mavy just stared at me with full of concern. Mabilis kong ibinalik sa pwesto iyong kinuhang libro saka inayos ang sarili.

"Hinahanap ka kasi sa'ken kaya dinala ko na dito. Hindi ko naman alam na tulog ka," paliwanag sa akin ni Chesca habang kinukuha ko iyong bag ko.

"Ganun ba? Sige, salamat."

"Alis na'ko ah? Dinala ko lang talaga 'yan dito," tumango ako at madaliang kinaway ang kamay bago nawala sa paningin namin. Sinabayan ako ni Mavy sa paglalakad habang inaayos ko iyong libro.

"Ako na," hihigitin ko na sana iyon kaso nakuha na niya sa akin. Pasimple niyang binitbit ang mga iyon habang sinasabayan ako.

"Ba't ka pala napunta dito? May kailangan ka sa'ken?" tanong ko. Saglit ko pang inayos ang sarili , lalo na iyong mukha ko dahil baka may natira pang tuyong laway. Nakakahiya naman.

"Wala naman. Gusto lang kitang makita," sandali akong napatigil sa lakad kaya ganoon rin ang ginawa niya. Ibubuka ko na sana ang labi kaso hindi ko na nagawa dahil nawalan kaagad ako ng sasabihin.

I can feel the awkwardness between us. Napapahiya akong ngumiti saka hinilot ang sentido.

"Ah..." naputol na kaagad iyon nang ayusin niya ng marahan ang buhok ko. Nailang tuloy ako dahil parang ibang tingin ang binibigay niya sa akin.

Para bang kumikislap iyong mga mata niya. Katulad na katulad dati ng mga tinginan ko sa kanya noong crush ko pa siya.

We continued walking, not minding what happened earlier. Hinatid niya ako sa dorm kaya hindi na niya ako kinulit pa. Alam rin naman niyang pagod at inaantok ako.

He just reminded me about the outing. Sinabi ko na lang na i-text niya ako. Pagkatapos noon ay diretso nang nagpaalam sa akin.

Maaga na lang akong pumasok sa trabaho dahil wala rin naman akong masyadong ginagawa. Maski doon ay hindi ko mapigilang matulala na naman. Sakit ko na nga siguro ito.

"Okay ka lang? Mukhang matamlay tayo, ah? Dahil ba wala iyong... si Gab?" makahulugang tanong pa ni Oliver sa akin.

I've told him few things about Gab. Lagi na kasing nacu-curious dahil gabi-gabing nandito iyon noon. I couldn't blame him since he's really curious. Lagi na kasi akong kinukulit kaya hindi ko rin napigilang magkwento.

I grabbed the can of coffee and sipped on it. "Posible bang hindi ka mamansin kapag hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ka nagkaganoon?" taka kong tanong. Hindi rin naman niya kasi alam kung ano ba talaga ang nangyari sa amin ng lalaking iyon.

"Hmm. Bakit? Depende rin, kasi ako mismo ang nakakaalam ng tanging dahilan na iyon kung bakit hindi kita pinapansin. Unless kung may lihim na galit ako sa'yo."

Galit.

Galit ba iyon sa akin? Ano naman ang ikagagalit niya? Kung tungkol doon sa naging tanong niya sa akin, handa naman akong sagutin iyon pagka bukas kaso hindi na nga namansin. Paano ko sasagutin iyon?

Parang mas matindi pa sa may buwanang dalaw kung gawin iyon sa akin. Nakakaya niya akong daan-daanan lang kapag nagkakasalubong. Sarap niyang batukan minsan.

"Ganun ba?"

"LQ ba kayo?"

Napahinto ako saka nilapag ang kape. LQ? Lover's Quarrel?

"Hindi naman kami nun kaya hindi ganoon. Bakit ba kasi napunta na naman ba tayo sa kanya?"

Napailing ako nang ngumisi na naman ito. Wala bang mahanap na girlfriend ito para naman ma-inspire sakali.

Sabagay, kapag seaman raw ay manloloko kaagad. Ewan ko ba sa mga mindset ng mga babae ngayon. Palibhasa puro kasi nasaktan kaya ibinubuhos sa isang tao ang lahat.

"Miss mo na ba?"

"Ano? Tsk. Ano akala mo sa'ken? Madaling mahalin ang isang bagay tapos kapag nawala, hahanap-hanapin?"

"Minahal mo na ba?"

Napahilamos ako sa mukha nang matanto kung ano iyong sinabi ko. Hinuhuli yata ako nito, eh. Palibhasa laging nandito iyon noon kaya lagi kaming nakikitang nag-uusap. Tapos ngayon nagkaroon na ng tapang na asarin ako.

"Tigil na nga. Inaantok ako kaya huwag kang magulo," suway ko pero sinundot sundot pa niya ang tagiliran ko. I glared at him until he removed himself beside me. Inubos ko na ang kapeng iyon saka itinapon sa basurahan.

Kasabay noon ay ang pagtunog ng wind chimes kaya napatungo ako kaagad.

"Good eve--" nabitin sa ere iyong sasabihin ko nang dumako mismo sa akin ang mata ni Gab. Hindi kaagad ako nakagalaw nang bigla niyang alisin iyon sa akin saka dire-diretsong pumasok papunta sa fridge.

Sinampal sampal ko pa ang mukha ko ng mahina kung totoo ba iyong nakikita ko.

It's been a while since he showed himself here. Pero katulad ng dati ay hindi niya ako nagawang ngitian o batiin man lang.

He's really acting different. Tapos namumula pa iyong mukha niya at amoy na amoy ko iyong alak sa kanya. He's probably drunk.

Nanatili ako doon sa kinatatayuan ko hanggang sa natapos ito sa pamimili. Sinenyasan pa ako ni Oliver na lasing nga raw. Napapikit na lang ako sa humugot ng malalim na hininga.

Mukhang tuloy iyong drinking session niya dahil bumili pa ito ng alak. Bahala na. I quickly changed my uniform. Minadali ko talaga dahil paglabas ko ay binubuksan na nito ang kotse niya.

I grabbed his arm before he could sit. Sinalubong ko iyong nakabusangot niyang mukha. Kahit galit naman ako sa kanya ay hindi naman ako umabot sa puntong paabutin iyon sa sukdulan.

Pero ang sa kanya ay parang iba na. We've known each other at a short span of time but I considered it as one of the rarest moment. We're friends and friends usually don't treat each other like this.

"Pwedeng sumama? Punta kang condo mo naman 'di ba?" tanong ko pero binawi niya iyong braso niya sa akin. Nagulat ako doon pero hindi ko pinahalata. He's mad and I can clearly see it on his eyes.

"Suit yourself. And don't regret coming to my condo," mabilis akong pumasok sa sasakyan niya bago niya pa ako iwan. Bukod sa lamig na bumalot sa amin ay sobrang tahimik rin sa loob. Umaalingasaw iyong pabango niya saka ang alak. Sa byahe ay hindi niya ako nagawang kausapin.

Hanggang makarating nga kami ng condo niya ay nakasunod lang ako sa likod niya.

"Galit ka pa rin ba sa'ken hanggang ngayon?" tanong ko nang makapasok na kami sa elevator. Hinarap ko ito kahit na nakatagilid iyong pwesto niya sa akin. Pansin ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa paper bag na halos malukot na.

He faced and stepped forward to me. He's now scowling and trying to put me in place. Pinanatili ko iyong ekspresyon ko at inisip kung ano ba talaga iyong pakay ko sa kanya.

"Hindi mo na ako pinapansin tapos dinadaan-daanan mo na lang ako. Hindi mo na rin ako laging binibisita doon sa trabaho ko at hindi ka nagte-text sa akin," tuloy ko pa pero tinitigan niya lang ako ng mariin. I cleared my throat and wiped the beads of sweat dripping on my forehead.

Ganito ba talaga ka-intense kapag kinokompronta mo ang isang tao? Pinagpapawisan ako, eh.

"Hindi ko naman alam na required pala dapat akong gawin lahat iyon sa'yo," bumukas ang elevator kaya lumabas na ito. I chased him until I grabbed his arm again, letting him to face me.

"Sabihin mo nga. Tungkol ba 'to doon sa tanong mo sa akin?"

He shrugged his shoulder and turned his back to me again. Hinigit ko na naman iyon kaya ngayon ay kitang-kita ko na ang pagka-irita niya sa akin. Halos magdikit na ang kanyang kilay.

"Kinakausap kita kaya kung pwede ay huwag mo akong talikuran? Alam mo bang hindi ako nakatulog ng maayos nang dahil sa'yo?"

Napakamot ito sa ulo na mukhang hindi na kinakaya iyong tanong ko. Hindi rin ako aalis dito hangga't hindi nalalaman kung ano ang nagiging dahilan niya.

"Malay ko bang iniisip mo ako."

Sinapak ko ng mahina iyong braso niya saka pinandilatan ng mata. He remained on his frustrated look and walked towards his unit.

"Kung hindi ka sasagot, kukulitin kita ng kukulitin. Hindi mo alam kung anong idinulot mo sa akin," nakasunod lang ako sa kanya papasok ng unit. I even followed him on the kitchen, still waiting for an answer.

Kaunti na lang ang nagiging pasensya ko tapos sinasagad na niya kaagad. Gustong-gusto ko nang paulanan ito ng mura at suntok sa ngayon.

"You should get out of here. We can talk about that some other time," nagsalin ito sa baso ng alak at sumandal sa mesang naroon. Hinihingal na ako sa kakahabol sa kanya tapos paaalisin niya lang ako?

"Hindi ako makapaghintay. Ngayon na mismo. May trabaho pa ako."

"Who told you to follow me here?"

Punyemas naman.

Unti-unti nang umaakyat sa ulo ko ang kumukulo kong dugo. He's acting like a child here! Talagang sinusubukan niya ang pasensya ko.

"Ganyan ka ba talaga? Ako na nga ang naghahabol sa'yo para hindi mo naman ako ituring na parang isang estranghero na dinadaanan lang tapos ganito ka kung umakto. Tinatanong na nga kita kasi ako mismo ay hindi ko alam kung ano ba ang dahilan ng lahat ng pakulo mo ngayon," I burst my anger out and I could really feel the frustration on me now.

Tinignan lang ako nito na parang simpleng nakikinig lang ng mga hinaing ko sa kanya.

"Is that all? I still have to do something," umirap ako saka binigyan ito ng masamang tingin. Tumalikod na ako sa kanya at akma nang lalabas nang marinig ko ang boses ng isang babae na mula sa kwarto niya.

I once laid my eyes on him until I heard the sound of their kisses. Padabog kong isinara ang pinto saka masama ang loob na umalis na doon.

Punyeta talaga kayo ng babae mo.

Continue Reading

You'll Also Like

Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.5M 37.3K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...
592K 27.1K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒐𝒈...
1.5M 128K 62
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
46.2M 1.2M 37
Zoe is a rogue who is forced to attend a school for werewolves for a year thanks to a new law. There she meets her mate, a certain Alpha who holds a...