Gabriel Is An Angel From Hell

By lucky22222

57 0 0

When an angel comes from hell got surprises that she didn't expected the angel will probably move like a new... More

Gabriel Is An Angel From Hell
chapter 1: the beggining
Chapter 2: The First Encounter
chapter 3: the river
chapter 4: first violation
chapter 6: Golden Eyes
chapter 7: Surprise her
chapter 8: Enrollment

chapter 5: The dinner

3 0 0
By lucky22222

Its wednesday at nandito lang ako lagi sa garden tuwing hapon malilim na kasi. Tatlong araw na ang nakalipas ng kunin ni tita ang kotse ko. Sa umaga jogging, kakain sa tanghali at tatambay sa garden pag hapon. Nakakaboring na ni wala man lang ako makausap dahil hindi pa din bumabalik si keizer dito. Lagi kasing andito si tita, kasama ko nga siya pero parang wala lang din , nagkikita lang kami tuwing kakain. Napakatamad ng babaeng yun ni hindi man lang magluto , umaasa talaga sa mga niluluto ko puro na nga prito kainis ang kapal ng mukha.

Di bale, isang buwan na lang magpapasukan na ulit. Kailangan matapos ko na ung grade 11 ko para naman matuwa si daddy. Sana naman maayos ang maging pamumuhay ko dito sa casa delijore.


"Gabriel iha"

"Yes tita?"

"Pumunta ka ng palengke wala na tayong stock ng mga pagkain. Nagsasawa na din ako kakaprito mo kaya pupunta mamaya dito si keizer para magluto. Nagmamantika na ako kakaprito mo"

"Di ako marunong mamalengke tita tsaka saan ba palengke dito? okay lang sana kung nasaakin ang kotse ko eh wala namn. Iutos mo na lang yan sa mga bodygaurds mo"

"Sino ka para utusan ako sa kung anu gagawin ko aber?"

"Eh hindi nga ako marunong"


"Pakealam ko? Oh ayan yung listahan ng bibilhin mo ito yung pera pagkasyahin mo yan." Sabi niya at naglakad na palayo

"Ehh saan ba ang daan?"

"Hintayin mo si felis sasamahan ka nya!" Habol niyang sabi at umalis na ng tuluyan

Letche nautusan pa ako pero ayos lang yun para naman makagalagala na din ako dito ng onti. Kainis ganda naman ng destination ko palengke.

Maya maya dumating na yung sinasabi ni tita na babae. Matangkad siya at mahaba ako buhok mukhang mga 25 na.

"Ikaw si gabriel tama ba? Tara na 3:30 na ng hapon baka abutin tayo ng gabi. Yang tita mo talaga abnormal. Hapon mamalengke amputik sana ayos lang siya."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Mabait ,makwela at madali lang pala siya pakisamahan.

"Ewan ko po ba sakanya. May saltik po ata"

******

Nang makarating kami sa palengke onti na lang ang mga tao 30 min din kaming naglakad at ang sakit na ng paa ko. Wala atang kapagudan tpng si ate Felis ni hindi man lang nagaaya magpahinga. Pagkadating na pagkadating namin tinignan niya agad ang listahan at isa isa naming pinuntahan ang mga bibilhin namin. Tinuruan niya din ako kung paano mamimili ng magandang gulay at kung paano malalaman pag fresh pa ang karne. Tinuruan niya na din ako kung paano tumawad mukhang madaming kilalang tindera dito si ate felis kaya 5pm tapos na agad kami mamili.

Nangmakadating kami sa bahay jusko hagard na ako tapos andun na pala si keizer at makikita niya akong ganto ka gusgusin naka akalin niya na nga akong pulubi nito. Umalis na din si ate felis dahil papakainin niya pa daw ang mga anak niya, wala sa mukha niya ang may anak na mukha kasi siyang bata pa. Inilagay ko na ang mga pinamili namin sa kusina at sinundan pala ako ni keizer.

" kailangan mo ng piso?" Pangaasar niya. Sabi na nga ba ehh. Dapat talaga di na muna ako pumunta ng kusina.


" wag mo kong bwisitin ngayon pagod ako."

"Opo misis" sabi niya habang tumatawa. Tignan mo to nagawa pang lumandi misis daw ako hahaha

"Ligo lang ako mister ko" pagsabay ko sa trip niya at tumawa lang siya ulit ng malakas.

"Di ko pinangarap magkaroon ng asawang pulubi"

"Letche!tigilan mo ko" tumawa lang siya ulit.

Umakyat na ako sa taas para maligo ulit. Feeling ko ang dugyot dugyot ko ang lagkit lagkit ng mga balat ko. Pagkatapos ko maligo nagbihis lang ako ng sando at short tska bumaba na para kumain. Naabutan kong andoon na si tita henshi at naghahanda na ng hapagkainan si keizer nakakahiya naman kaya tinulungan ko na siya. Di naman kasing kapal ng mukha ko ang mukha ni tita henshi. Kasing kapal ata yan ng pader dito sa mansion di natitibag. Tahimik kaming kumakain ng pumasok ang isang bodygaurd ni tita henshi at sinabing may nahuli daw silang lalaki na sinusubukang akyatin ang balcony malapit sa kwarto ko. Naalarma si tita kaya umalis siya sa hapagkainan.

"Diyan lang kayo at ipagpatuloy niyo ang pagkain. Wag na kayong sumunod dahil nakakabastos iyong sa pagkain" umalis na siya kasama ang kaniyang bodygaurd.

"Bakit naman niya aakyatin ang balcony malapit sa kwarto mo?"
Tanong saakin ni keizer

"The question is malapit nda ba sa balcony ng kwarto ko o yung balcony ng kwarto ko talafa ang balak niyang akyatin"

"Anung ibig mong sabihin?"

"May ipapakita ako sayo mamaya kumain na muna tayo"

Pinagpatuloy namin ang pagkain at naginsist akong ako na lang ulit ang maghuhugas habang siya nakaupo lang sa counter ng kitchen habang nagbabasa ng libro. Napansin kong tungkol sa politika ang binabasa kanina pero di ko na lang pinansin malay mo may balak pala siyang tumakbo bilang politiko. Goodluck na lang sa kanya, sa ugali niya yan baka kahit tanod di siya pumasa. Nang matapos ako maghugas umakyat kami sa kwarto para ipakita sakanya yung dalawang golden box na nakita ko. Tinignan niya iyon ngunit wala siyang naging kibo.

"Wag mong sasabihin kahit kanino na nakakatanggap ka ng mga ganitong bagay dahil baka madaming buhay ang mawala lalo na kung ang tita mo ang makakakita nito"

"Huh? Anu buhay buhay? Ang korni mo naman!"

"Seryoso ako Gabriel. Mas mabuting itago mo na muna ang mga ito sa hindi makikita ng kahit sino"

"May alam ka ba tungkol dito? Iniisip ko kasi baka may stalker ako ganun tapos gandang ganda pala saakin kaya nagpapadala ng mga gantong bagay" napawi ang seryoso niyang mukha at parang nandiri bigla

"Hindi ka ba nandidiri sa mga sinasabi mo? Hayss gabriel kung ganyang puro ka kalokohan mapapahamak ka lang lalo na at nagmula ka sa pamilyang Moraita"

"Bakit anu bang espesyal sa pamilya ko? Except sa gandang lahi namin?"

"Malalaman mo din ang mga iyon. Wala ako sa tamang katayuan para sabihin sayo ang mga iyon ngunit kung gusto mong may malaman tungkol sa pamilya mo sana naman ay wag mong madaliin mas magandang wala ka munang alam."

"Ewan ko sayo. Ang korni mo na masyado. Ngapala saan ka nagaaral?"

"Syempre sa MR University. Grade 11 this year"

"MR University? Saan yun? Malayo ba?"

"Malapit lang yun dito. Medyo sa dulo ng Casa Delijore nakatayo kaya napapalibutan yun ng gubat pero malaki naman ang loob nun. Bakit saan mo ba balak magaral?"

"Siguro doon na lang din para may kakilala ako anung strand kinuha mo?"

"STEM ikaw?"

"Ganun din. Gusto ko talaga maging doctor kaso hindi ako pumasa sa grade 11 ko last year kaya repeat ang lola mo"

"Mukha ka naman talagang tarantado kaya gunun"


"Hoy sumosobra ka na kakainsulto saakin ahh. Kanina ka pa!"

"Wala kang mapangbawi noh. Di kasi ako kainsuinsulto" sabi nya ng tumatawa nanaman

"Di ko kasi ugaling insultuhin ang taong walang laban sakin"

"Yabang. Sige na alis na ko"

"Mabuti pa nga. Nangangamoy mabaho ang kwarto ko pagandito ka" tumawa lang siya at umalis na

"Ngapala kanina ka pa may kanin sa buhok nagmukha ka tuloy patay gutom" habol nya tska sinarado ang pinto ng kwarto ko. Agad ko naman tinignan ang ulo ko sa salamin at meron ngang tatlong butil ng kanin sa tuktok ng ulo ko. Siya naglagay nito eh!

"KEIZER LUFAS MONTEVERDE LETCHE KA TALAGA!"

******

A/N

Wala masyadong ganap pero sana nagustuhan niyo.

Babawi ako next UD promise

#lugiSiGabriel

Continue Reading

You'll Also Like

181K 8.9K 54
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
17M 652K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
688K 2.6K 65
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
83.7K 3.2K 38
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.