MAGWAYEN

By syn_aiman

1.1K 147 39

Ito ang Magwayen ang mundo ng mga magway. Nahahati ito sa pitong makapangyarihang kaharian. Ang Ghanama, Sudi... More

Likha ng Kathang-isip
Magwayen
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV

Kabanata VII

32 8 5
By syn_aiman

[ WAHID ]

MAGANDA ang kinalabasan ng naging laban nina Fatimah at Elise. Sa pamamagitan ng laban na iyon ay mas lalo pang nabatid ni Fatimah ang mga kayang niyang gawin. Katulad laman ng paggawa niya ng espada gamit ang hangin. Kagaya namin ay nagulat din si Fatimah na nagawa niya iyon.

"Salamat," pagpasasalamat sa akin ni Elise matapos kung gamutin ang natamo niyang sugat mula kay Fatimah. "Pinabilib mo ako Fatimah sa pinakitang mong husay sa pakikipaglaban." turan nito kay Fatimah. Marahil nagulat din siya sa kakayahan nito.

"Ngayon babaeng nota sasabihin mo na ba sa amin kung saan namin makikita ang simbolo?" Nagulat naman ako sa winika ni Flavio. Tinignan naman siya ng masama ni Elise tila sinasabing 'Tinawag mo ba akong babaeng nota?'

"Sasamahan ko kayo sa Axem, ang lugar kung saan mahahanap ang mahiwagang nota. Upang mapakiusapan ko rin ang apat na tagabantay nito." May nagbabantay sa simbolo ng musika? Ang akala ko pa naman ay madali lang namin ito makukuha. Ibinalik na kami ni Elise sa bulwagan.

"Sumunod kayo sa akin." katulad ng sinabi ni Elise ay sinundan namin siya palabas ng kanilang kaharian. Naglalakad kami ngayon sa isang gubat dito sa Axum.

Kung tama ang nalalaman ko ang patutungahan naming Axem ay isang kuweba. Walang gumawa ng kahit anong ingay sa aming apat habang tinatahak namin ang pupuntahan namin. Tanging mga huni ng ibon at yabag ng aming mga paa ang nagbibigay ingay sa paligid.

"Malayo pa ba tayo?" Iritadong tanong ni Flavio sa sinusundan namin. "Mainipin pala sa paglalakbay ang isang mandirigma." tugon sa kaniya ni Elise. Hindi na ito nilingon pa ni Elise.

"Hindi ak—" akmang sasagot muli si Flavio ng pigilan ko ito. "Pagpasensyahan muna si Elise, masasanay ka rin sa kaniya." bulong ko sa kaniya.

"Paano mo palang nalaman na si Elise ang notang pinatamaan mo?" tanong ko kay Fatimah para maiba ang atensyon ng dalawa.

"Oo nga Fatimah. Dapat sa bibig mo siya pinatamaan upang hindi na siya makapa—" pang-aasar ni Flavio.

"May sinasabi ka ba, mandirigma?" putol ni Elise sa sasabihin ni Flavio. Nakalimutan ba ni Flavio na kasama namin si Elise. Mukhang hindi magkakasundo ang dalawang ito. "Ang ngalan ko ay Flavio hindi mandirigma!" Inis na wika ni Flavio sa kaniya.

"Huh? Parehas lamang iyon, isa pa isa ka naman talagang mandirigma," sabay irap ni Elise sa kaniya.

"Alam niyo sabi sa akin ng aking mahal na hari sa ganiyang paraan daw sila nagkatuluyan ng aking ina. Lagi raw silang nag-aasaran hanggang sa mahulog sila sa isa't-isa." pang-aasar ko sa kanilang dalawa.

Nakakatuwa lang isipin na ang gaan-gaan lang ng pakikitungo namin sa bawat isa. Si Flavio na kakakilala lang naman ay para ng matagal namin siyang kaibigan

"Manahimik ka Wahid!" sigaw sa akin ni Elise. "Kailanman ay hindi ako magkakagusto sa isang walang galang na mandirigma." Inirapan ulit nito si Flavio.

"Ako rin naman kahit kailan hindi mahuhulog ang puso ko sa isang babaeng nota." nakangising sumbat naman ni Flavio kay Elise. Natawa na lang kami ni Fatimah sa naging asta nila.

"Sabi ko nga hindi kayo magkakatuluyan."

Nagpatuloy na muli kami sa paglalakad. Tinanong muli namin ni Flavio si Fatimah kung paano niya nalaman na si Elise ang notang pinatamaan niya.

"Inutusan ko ang hangin na iparamdam sa akin ang presensya ni Elise." tugon nito sa amin.

"Talaga nagawa mo iyon?" Tumango lang ito sa tanong ko.

Ano pa kaya ang kayang gawin ni Fatimah na may kinalaman sa hangin? Nakapagtatago ito sa hangin at nakararamdam siya ng mga mangyayari sa tulong na rin ng kapangyarihan ng hangin. Tapos kanina nakalikha siya ng isang sandatang gawa sa hangin. Habang natutuklasan ni Fatimah ang mga kaya niyang gawin ay lalo naman ako nagdududa sa tunay na katauhan niya. Hindi kaya isa siyang Ardana? Pero imposible dahil isa siyang sirena. Wala rin naman naikwento ang hari at si Nuno Esma maging ang reyna tungkol sa katauhan ni Fatimah.

"Nandito na tayo!" deklara ni Elise kaya huminto na kami sa paglalakad. Sa wakas nakarating na rin kami sa Axem. Pero bakit walang kuweba rito.

"Ahmm... Elise sa pagkaaalam ko ang Axem ay isang kuweba sa gitna ng kagubatan dito sa Axum. Pero bakit nandito tayo sa isang kakahoyan?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Tama ka isa ngang kuweba ang Axem, pero itinatago namin ito upang walang magtangkang pumasok sa kuweba at kuhanin ang simbolo." paliwanag nito. Naglabas ito ng kakaibang plawta na siyang pinagtaka namin. Balak ba niyang wasakin ang mga puno rito?

Sinimulan na niyang patugtugin ito, na naglikha naman ng isang napakagandang tunog. Pinapanood lang namin si Elise sa kaniyang pagtugtog nang maramdaman namin ang paggalaw ng lupa. Lumilindol ba? Ilang sandali lang ay unti-unting nabibiyak ang lupang tinatapakan namin nina Fatimah.

"Cumeph vacoh!" Sigaw ko. Gumawa ako ng isang bolang tubig kung saan kami naroroon ni Flavio. Sa pamamagitan nito ay nanatili kaming nakalutang sa ere. Samantalang si Fatimah ay bigla namang naglaho. Patuloy pa rin sa pagtugtog si Elise na hindi inaalintana ang pagkabiyak ng mga lupa.

Ilang sandali lang ay unti-unting tumataas ang isang kuweba mula sa nabiyak na lupa, kasabay nito ay ang pagtigil ni Elise sa pagtugtog. Kung ganon ay itinatago pala nila ang Axem sa ilalim ng lupa, kaya hindi ito nakikita ng iba. At ang plawtang pinatugtog ni Elise ang susi para makita ang kweba.

"Ayan na ang Axem. Sa loob niyan matatagpuan natin ang mahiwagang nota." wika nito habang tinuturo ang daan papasok sa kuweba. Bumaba na rin kami ni Flavio. Si Fatimah naman ay bigla na lang lumitaw sa tabi ni Elise.

"Hoy, babaeng nota! Bakit hindi mo sinabi sa amin na bibiyakin mo pala 'yung lupa?" inis na sigaw ni Flavio kay Elise.

"Nagrereklamo ka pa eh hindi ka naman nasaktan!" sigaw din sa kaniya ni Elise.

"Kahit na dapat sinabihan mo pa rin kami. Paano na lang kung hindi nakapaghanda si Wahid? E'di mahuhulog kami." sigaw ulet ni Flavio. Bakit ba nila kailangang sumigaw kapag nag-uusap sila, magkalapit lang naman sila. Ay nako kailan kaya magkakasundo ang dalawang 'to?

"Tama na sumbatan ninyong dalawa. Pumasok na tayo sa kuweba para makuha na rin natin ang ipinunta natin dito." Nagsalita na ako bago pa man maisip na magpatayan ang dalawa. Nauna na akong pumasok sa kuweba.

Madilim ang sumalubong sa amin papasok sa kuweba. Ang tanging nagbibigay liwanag sa amin ay ang butas na pinasukan namin. Walang ibang mababangis na hayop ang nananahan dito kaya hindi kami nahirapan.

"Saan ba natin makikita ang mahiwagang nota, Elise?" tanong ni Fatimah.

"Sa pinakadulong bahagi ng kuweba. Pero bago natin makuha ang mahiwagang nota ay makahaharap muna natin ang apat na tagapagbantay nito na sina Hafu, Forte, Sixto at Uni." Nagpatuloy kami sa pagtahak sa dulong bahagi ng kuweba. Natanaw na rin namin ang liwanag na nanggagaling sa isang nota "♪" iyon na marahil ang mahiwagang nota.

Pupuntahan na sana namin ang mahiwagang nota ng biglang magliwanag ang buong paligid. At lumitaw sa harapin namin ang apat nilalang, marahil sila ang apat na tagapagbantay na tinutukoy ni Elise.

"Ano'ng ginagawa niyo rito sa kuweba ng Axem!?" pasigaw na tanong ng isa sa kanila. Isa itong babae at ang buong katawan niya ay napapalibutan ng kulay berdeng liwanag.

"Forte, naparito kami upang kuhanin ang mahiwagang nota." tugon ni Elise kay Forte.

"Na siyang hindi naming hahayaan. Hindi kami papayag na kuhanin ninyo ang simbolong pinanggagalingan ng kapangyarihan ng musika. Ang nagbibigay saya sa lahat ng mga Axuma." wika ng nag-iisang lalaki sa kanila katulad ni Forte nababalutan din siya ng berdeng liwanag.

"Ngunit iyon ang misyon ng Prinsipe ng Ghanama. Ang hanapin ang lahat ng mga simbolo ng kapangyarihan. Dahil iyon lamang ang paraan upang matalo namin si Haring Armano." paliwanag ni Elise.

"Kung gayon bago ninyo makuha ang mahiwagang nota ay makahaharap ninyo muna kami. Titiyakin namin na hindi niyo makukuha ang mahiwagang nota." sabi ng babaeng nababalutan ng asul na liwanag.

"Tama si Uni, kailangan niyo munang dumaan sa amin." Pagsang-ayon ng ikaapat na tagapagbantay, nababalutan siya ng lilang liwanag. Siya marahil si Hafu.

"Kung gayon humanda kayo, natitiyak kung madali lang namin kayong matatalo. Apat laban sa apat." Hindi ko alam na may taglay palang lakas na loob si Flavio. Inihanda na nito ang kaniyang espada maging si Fatimah ay inilabas din niya ang kaniyang pana. Naglabas naman ng isang instrumento si Elise.

Aktong susugod na sila ng pigilan ko sila. "Sandali!" Tumingin naman silang tatlo sa akin. "Bakit, Wahid?" nagtatakang tanong ni Fatimah.

"Tila naduwag na ang kasamahan ninyong prinsipe." nakangising wika ni Sixto. Hindi ako naduduwag ayaw ko lang masaktan ang mga kasamahan ko. Isa pa may naisip ako mas magandang paraan.

"Nagkakamali ka Sixto, Elise hindi na natin kailangan labanan sila, dahil isa sa kanila ang magbibigay sa atin ng mahiwagang nota."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Hindi ko na pinansin si Fatimah.

Tinignan ko ang apat na tagapagbantay. Ang pinakamahina sa kanilang apat ang gagamitin ko.

Kaagad kong ipinikit ang aking mata at hinayaan kong magamit ko ang kapangyarihan ng mata na ipinagkaloob sa akin ni Azul. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, nakaramdam naman ako ng pagbabago sa aking noo. Unti-unti itong nagkakaroon ng isa pang mata.

"Ang kapangyarihan ng mata!" May pagkagulat sa ekspresyon ni Elise. "Hindi ko inakala na sa iyo na pala ang mata ng Grairat, Wahid."

Makikita mo naman sa mukha ni Flavio ang pagkamangha. Lagi na lang siya namamangha sa mga bagay-bagay.

Tinignan ko ang isa sa mga tagapagbantay na si Hafu.

"Hafu, magpasakop ka sa akin..." pagkasabi ko ng katagang iyon ay kaagad namang natahimik si Hafu at tila naging isang istatwa. "...inuutusan kitang ibigay mo sa amin ang mahiwagang nota." May kulay ubeng liwanag ay lumabas sa aking mata at unti-unti itong pumunta sa kinaroroonan ni Hafu. Binalot ng liwanag na iyon ang ulo ni Hafu.

"Anong ginagawa mo kay Hafu?" sigaw ni Forte sa akin.

Aktong susugurin nila ako, "Cumeph vacoh!" nang gumawa ako ng tatlong bolang tubig para ikulong sila roon. Hindi ko alam kung mahihina ba talaga ang mga tagapagbantay ng simbolo ng musika o sadyang nakabukas lang ang kanilang depensa. Ibinaling ko muli ang atensyon ko kay Hafu.

"Ngayon Hafu, inuutusan kitang ibigay mo sa amin ang mahiwagang nota!" utos ko sa kaniya. Sa pamamagitan ng mata na ibinigay sa akin ni Azul ay pinagkalooban ako nito ng kakayahang kontrolin o utusan ang pag-iisip ng isang nilalang.

"Masusunod, Panginoon." tugon sa akin ni Hafu bago maglakad papunta sa kinaroroonan ng mahiwagang nota.

"Hafu, huwag mong ibibigay sa kanila!" sigaw sa kaniya ni Uni. Hanggang ngayon ay sinisira pa rin nila ang bolang tubig na ginawa ko. Pero kahit anong gawin nila ay hindi nila ito mawawasak.

"Hafu, huwag!"

Sa wakas nakuha na rin ni Hafu ang mahiwagang nota. Naglakad ito papunta sa akin. "Ito na ang mahiwagang nota, Panginoon." Iniabot nito sa akin ang nagliliwanag na nota at kaagad ko rin naman itong tinanggap.

"Ngayon mga tagapagbantay bumalik na kayo sa notang ito na inyong pinanggalingan." Pagkasabi ko nun ay unti-unting hinigop ng nota sina Hafu, Sixto, Forte at Uni. Nararamdaman ko nang unti-unti nang pumasok sa katawan ko ang kapangyarihan ng Mahiwagang Nota.

Kasabay ng mga pangyayaring iyon ay ang panghihina ng buong katawan ko. Narinig ko rin sina Fatimah na tinatanong ako kung ayos lang ba ako.

Naramdaman ko na lang ang aking sarili na nakaluhod, hanggang sa unti-unti akong nawalan ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 790K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
10M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
426K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
20.8M 764K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...