IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

166K 5.1K 329

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

KABANATA 21

2.8K 92 5
By Lorenzo_Dy


"Lady Bella, siya ang maganda kong asawa. Si Merlina." Nakangiting saad ni mang Karding habang naka-kapit sa baywang ng babaeng sobrang pamilyar sa 'kin.

Hindi ako makapaniwala.

Hindi ko ito inaasahan.

Kahit anong kusot ko sa mga mata ko ay walang nagbago sa nakikita ko ngayon.

"Nana Lina!" Tanging nasambit ko, nabitawan ko pa ang hawak kong palamig at patakbong niyakap si Nana Lina. "Totoo ba 'to?" Naluluha kong saad.

"Ako nga Bella..." Mas lalong humigpit ang yakap ko kay Nana Lina. "Mahal, siya ang sinasabi ko sa 'yo." Naiiyak na ring saad ni Nana Lina kay mang Karding habang nakayakap sa 'kin.

"Akala ko nagkataon lang, akala ko kapangalan mo lang Lady Bella ang sinasabi nitong asawa ko. Binabalak ko nga na dalhin sana siya sa mansion pero heto, nagkita na kayo." Sagot ni mang Karding.

"Paano po nangyari na napadpad din kayo rito sa Casa Bel Palazzo, Nana Lina?" Tanong ko bago bumitaw sa mga yakap kay Nana Lina.

"Mahabang kuwento pero may tatlong buwan na ako rito," hinahaplos ni Nana Lina ang buhok ko habang nakangiti ito. "Ang laki-laki mo na, tama nga ako noon na mas lalo kang gaganda 'pag naging dalaga ka na. Sobrang saya ko para sa 'yo, Bella." Hindi ko maiwasan ang maluha habang pinagmamasdan ang mukha ni Nana Lina. Hindi madungis, hindi na rin buhaghag ang kaniyang buhok lalong hindi na maduming damit ang kanyang suot hindi kagaya noon.

"Kayo rin po Nana Lina, sobrang ibang-iba na ang hitsura niyo kumpara n'ong huli tayong magkita. Sa mansion na ho kayo maghapunan, sigurado po ako na matutuwa si nanay Carlotta at Señor Freigo!" Turan ko at kumunot naman ang noo ni Nana Lina. "Sila po ang umampon sa 'kin." Nakangiti kong imporma kay Nana Lina na ngumiti na rin.

"Maaari bang bukas na lamang kami tutungo ng asawa ko sa mansion, Lady Bella? Gusto kong makapagpahinga ang asawa ko, masyadong napagod sa paglilibot dito sa Casa Tranquillo." Pakiusap ni mang Karding na hinawakan pa ang kamay ni Nana Lina Kaya napangiti ako.

"Sige po, naiintindihan ko. Aasahan ko po kayo bukas at kahit sa mansion na rin po kayo magtanghalian." Imbita ko bago ko ulit niyakap ng mahigpit si Nana Lina na niyakap din ako pabalik.

"Mag-iingat po kayo sa pag-uwi."
Kumaway pa ako kina Nana Lina at mang Karding na nakasakay na sa tricycle.

"Oy, sino ang kinakawayan mo?"
Tanong ni Zendy nang makalapit ito sa 'kin kasama si Paulo.

"Si Nana Lina." Sagot ko na ikinagulat ni Zendy, naikuwento ko rin kasi sa kaniya noon ang tungkol kay Nana Lina.

"Really? How come na nandito sa Casa Bel Palazzo ang Nana Lina mo?" Hindi makapaniwalang saad ni Zendy habang si Paulo naman ay nakikinig lang sa pinag-uusapan namin.

"Siya ang napangasawa ni mang Karding, kung gusto mo pumunta kayo sa mansion bukas para mas makilala niyo ang Nana Lina ko."
Paanyaya ko sa kanila ni Paulo.

"Gusto ko sana kaya lang bukas na rin ako luluwas patungong Batangas." Nanghihinayang na saad ni Paulo.

"Me too. Susunod ako sa Maynila kay kuya Arnold at sa linggo pa ang balik namin." Malungkot na sambit ni Zendy.

"Naiintindihan ko." Nakangiting turan ko sa dalawa.

Hindi mawala ang mga ngiti ko hanggang sa maka-uwi ako ng mansion. Tila ba nakalimutan ko ang lahat ng bigat na dinadala ko dahil sa muling pagkikita namin ni Nana Lina sa hindi inaasahang pagkakataon. Iba talaga kung maglaro ang tadhana.

"Kanina kapa nakangiti, anak ah." Puna sa 'kin ni nanay Carlotta habang nagsasandok ng kanin para kay Señor Freigo.

"Ano bang meron apo?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Señor Freigo.

Saglit ko namang sinulyapan si Señorito Primo na abala sa pagtitipa sa telepono niya at walang pakialam sa pinag-uusapan namin, ni hindi pa nga nito nababawasan ang pagkain na nasa platito niya dahil abalang-abala ito sa kaniyang telepono.

Saglit na kumirot ang puso ko dahil hindi man lang ito tumitingin sa gawi ko o kung tumingin man ito ay para bang hindi naman ako nito nakikita, tumatagos kumbaga.

"Sinagot mo na si Paulo, ano?"
Tuksong saad ni nanay Carlotta at napansin kong naibaba ni Señorito Primo ang hawak niyang telepono at seryosong uminom ng tubig.

"Ano? Sinagot mo na anak?"
Ulit ni nanay Carlotta na parang sigurado ito sa kaniyang nahinuha.

"Yong seaman ba iyon, apo?" Nakangiting tanong ni Señor Freigo. "Mabuti naman at may nagustuhan ka na, ipapakasal ko na agad kayo." Sagot ni Señor Freigo na nilingon pa si Señorito Primo na salubong ang kilay habang marahas na hinihiwa ang karne.

"Mali po ang iniisip niyo nanay Carlotta at Señor Freigo." Saad ko.

"Eh, bakit mukhang ang saya-saya mo ngayon anak?"
Usisa ni nanay Carlotta at huminga naman ako ng malalim bago sumagot.

"Nagkita po kasi kami kanina sa Casa Tranquillo ni mang Karding at ang napangasawa niya." Panimula ko.

"Totoo nga pala talaga ang bali-balita na may napangasawa na itong si Karding." Hindi makapaniwalang saad ni nanay Carlotta.

"Iyan din ang usapan sa sakahan." Dagdag naman ni Señor Freigo.

"Kilala ko po ang napangasawa ni mang Karding. Si Nana Lina po." Nakangiti kong saad na ikinagulat ni nanay Carlotta at ikinatigil naman ni Señor Freigo habang si Señorito Primo ay parang wala lang sa kaniya ang pinag-uusapan namin pero hindi na magka-salubong ang mga kilay.

"Iyong palaboy-laboy rin sa may simbahan ng Quiapo na nag-alaga sa 'yo noon, anak?" Hindi makapaniwalang tanong ni nanay Carlotta at sunod-sunod naman ang naging pagtango ko.

"Opo, hindi nga rin po ako makapaniwala eh. Sobrang liit po pala talaga ng mundo." Turan ko at saglit akong tumigil dahil nagtama ang mga mata namin ni Señorito Primo pero agad din akong umiwas bago ulit ako nagsalita. "Inimbitahan ko rin po sila ni mang Karding bukas dito sa mansion. Pasensiya na po Señor Freigo kung hindi po ako nakapagpaalam sa inyo ukol sa pagpunta nila rito sa mansion bukas. " Dagdag ko.

"Kahit sino ang bisita mo apo ay malugod kong tatanggapin dito sa mansion." Nakangiting saad ni Señor Freigo.

"Salamat po." Sambit ko.

Matapos ang hapunan namin ay nakipag-kwentuhan ako kay nanay Carlotta na kumakain ng hapunan niya rito sa kusina habang pinupunasan ko naman ang hinugusan kong mga nagamit namin kanina.

"Ano pala ang nangyari sa inyo ni Señorito Primo habang nasa maynila kayo?" Tanong ni nanay Carlotta kaya saglit naman akong natigilan bago tumayo para ilagay sa aparador ang mga napunasan ko nang mga platito.

"Marami po akong napagtanto habang kasama ko siya." Saad ko habang inaayos ang mga platito sa aparador.

"Gaya ng ano, anak?"

"Na pumapangit po tingnan ang isang magarang damit kapag nadikitan ng putik." Mapait kong sambit na naglalarawan sa aming dalawa ni Señorito Primo.

Narinig ko ang mabigat na paghinga ni nanay Carlotta na sigurado akong nalungkot ito dahil sa sinabi ko.

"Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa sarili mo, anak? Isang putik?"

Dismayadong saad ni nanay Carlotta.

"Masakit man po pero oo, hindi ko po dapat inilalapit ang sarili ko kay Señorito Primo." Malungkot na sagot ko.

"Ikaw lang ang nag-iisip ng ganiyan anak." Doon na ako humarap kay nanay Carlotta na nililigpit na rin ang pinagkainan niya.

"Mahirap abutin ang mga tala lalo na kapag kauri mo ang lupa. Iyon lang po ang gusto kong iparating nanay Carlotta." Turan ko at malungkot naman akong tiningnan ni nanay Carlotta.

"Matutulog na po ako." Nakangiti kong paalam kay nanay Carlotta kahit parang pinipiga ang dibdib ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang makasalubong ko ang pababang si Señorito Primo kaya yumuko ako at umiwas agad para bigyan siya ng malaking espasyo.

"How are you?" Natigilan ako at halos lumundag ang puso ko dahil sa tuwa dulot ng simpleng pangangamusta niya. Akala ko hindi niya na naman niya ako papansinin.

"Maayos na-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa nilagpasan na ako ni Señorito Primo.

"How are you, Venice?" Doon ko lang napagtanto na may kausap pala ito sa telepono.

Si Venice.

Ilang segundo pa akong nanatili sa kinatatayuan ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad paakyat ng hagdan habang naninikip ang dibdib ko dahil para itong kinukurot sa sakit.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong lumapit at dumungaw sa nakabukas na bintana. Pumikit ako para damhin ang malamig na ihip ng pang-gabing hangin. Saktong pagdilat ko ay nakatingala na ako sa kalangitan na napupuno ng mga bituin at kahit walang buwan ngayon ay maganda pa ring pagmasdan ang kalangitan dahil sa mga kumikislap na mga bituin.

Natagpuan ng mga mata ko ang dalawang magkatabing bituin na lamang ang kinang kumpara sa ibang mga bituin na nasa paligid nito. Nanubig ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang dalawang bituin dahil wala talaga akong ibang nakikita sa dalawang makinang na bituin kundi si Señorito Primo at si Venice.

Parehong maharlika.

Pinilit kong hanapin ang sarili ko sa mga bituin pero naalala ko na hindi pala ako kumikinang katulad nila.

Lumipas na naman ang isang malungkot na gabi at nandon pa rin ang bigat sa dibdib ko, nawala lang iyon nang dumating sa mansion sina mang Karding at Nana Lina bago mag tanghalian.

Marami kaming niluto ni nanay Carlotta at talagang gumawa kami ng bibingka na paborito namin ni Nana Lina.

"Magandang tanghali, Señor Freigo at Carlotta. Magandang tanghali rin po Lady Bella at Señorito Primo." Magalang na turan ni mang Karding habang nasa hapag na kami.

Katabi ko si nanay Carlotta sa kanan na sasabay ngayon sa amin at sa kaliwa ko naman ay si Nana Lina na katabi si mang Karding. Nasa dating puwesto naman si Señor Freigo at Señorito Primo na malamig lang na tumango sa pagbati ni mang Karding.

"Magandang araw ho sa inyo."
Bati naman ni Nana Lina at kumapit ako sa braso niya para maalis ang hiyang nararamdaman niya.

"Nana Lina, paano po kayo nagkakilala ni mang Karding."
Excited talaga ako na malaman kung paano nangyari ang pagkikita nila. Nakangiti namang umiling si mang Karding bago nito hinawakan ang kamay ni Nana Lina.

"Ako na ang mag kukuwento, mahal?" Humihinging permiso ni mang Karding kay Nana Lina na puno ng tamis ang mga mata dahil sa lawak ng pagkakangiti.

"Karding..." Nahihiyang saad ni Nana Lina kaya nahawa na rin kami sa mga ngiti nila.

"Sa totoo lang niyan Lady Bella, nakilala ko itong si Merlina doon sa home for the aged nang bisatihin ko ang pinsan namin ni Kaloy na may walong buwan na ang nakakalipas." Nakangiting pagkukuwento ni mang Karding. Totoo nga pala talaga na sa home for the aged nanatili si Nana Lina. "Simula noon lagi na akong bumibisita sa home for the aged hindi lang dahil sa pinsan ko kundi para na rin kay Merlina hanggang sa... Manligaw na ako."
Lalong ngumiti si Nana Lina at nahampas pa nito si mang Karding sa braso.

"Noong nawala ka sa Quiapo Bella, halos tuluyan na akong mabaliw dahil pakiramdam ko ay nawalan na naman ako ng anak." Naiiyak na saad ni Nana Lina. "Pinagdarasal ko talaga lagi sa Diyos na sana nasa mabuti kang kalagayan at masaya ako na dininig niya ang mga dasal ko."
Turan ni Nana Lina habang hinahaplos ang mukha ko.

"Ako rin po. Pasensiya na po kayo kung hindi agad ako nakabalik." Sambit ko na hinawakan ang kamay ni Nana Lina. "Inalagaan at minahal naman po ako ni Señor Freigo at nanay Carlotta kaya po sobrang nagpapasalamat ako." Dagdag ko pa at nakangiti kong nilingon si nanay Carlotta at Señor Freigo, umiwas naman si Señorito Primo.

"Sa ngayon, gustong magtrabaho nitong asawa ko kahit pa pinagbabawalan ko." Giit ni mang Karding.

"Ayaw ko lang maging pabigat sa 'yo mahal." Sagot ni Nana Lina kay mang Karding.

"Puwede kitang italaga sa Azìenda Agrìcola kung gusto mo." Nakangiting alok ni Señor Freigo kay Nana Lina.

"Nakakahiya naman ho." Sambit ni Nana Lina at agad namang umiling si Señor Freigo.

"Ang apo kong si Bella ang nangangasiwa sa Azìenda Agrìcola kaya huwag kang mag-alala." Naniniguradong saad ni Señor Freigo. Tumayo si Señorito Primo at walang pasabi itong umalis na sinundan ko lang ng tingin. Wala talaga siyang ganang makinig sa mga pinag-uusapan namin.

"Kung gusto niyo po Nana Lina pumunta tayo ngayon sa Azìenda Agrìcola para makita niyo."
Nakangiti kong sambit.

"Baka malayo at kung papayagan din ako ni Karding." Turan ni Nana Lina na lumingon pa kay mang Karding para humingi ng permiso.

"Oo naman!" Masayang saad ni mang Karding kaya tumayo na ako.

"Magbibihis lang po ako." Paalam ko at nagmamadaling tumakbo patungo sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Nagpalit ako ng bistidang kulay pula pero napansin ko na parang umiksi ito dahil masyado ng labas ang tuhod ko.

Tumangkad ba ako?

Huling suot ko nito ay noong birthday pa ni Arnold na may isang taon na ang nakakaraan, hinayaan ko lang din na nakalugay ang mahaba kong buhok bago ako lumabas ng kwarto.

Napasinghot ako habang naglalakad sa pasilyo dahil sa pamilyar na amoy. Hindi ito matapang pero humahalimuyak ang bango sa ilong. Dahan-dahan akong naglakad sa pasilyo hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa labas ng study room kakahanap kung saan nangagaling ang amoy na iyon.

Nakasiwang ang pinto ng study room kaya nakita ko sa loob ang seryosong si Señorito Primo na nagtitipa sa kaniyang laptop. Mula ng bumalik kami rito sa mansion ay bihira na lang ito kung bumaba o lumabas ng kaniyang kwarto, marahil ay abalang-abala ito sa construction ng pabrika ng alak. Kaya nakokonsensiya tuloy ako minsan na nag-resigned agad ako bilang secretary niya.

"What do you need, mendicante?" Napakurap ako dahil nakatingin na pala sa'kin si Señorito Primo at napansin kong lalo lang dumilim ang mukha nito matapos suriin ang buong hitsura ko na para bang hindi ito sang-ayon sa suot ko. Tumunog ang telepono niya at nabaling do'n ang kaniyang atensyon.

"Sì?" (Yes?)

Mahihimigan ang lambing sa boses ni Señorito Primo kaya kumunot ang noo ko dala ng kuryosidad sa kung sino ba ang kausap nito.

"Yeah. I'm tired Venice..."

Naningkit ang mga mata ko at may kung ano sa isipan ko na nagsasabing kunin ang telepono at itapon iyon.

Kinapitan ko ng mahigpit ang doorknob ng pinto ng study room at malakas kong isinarado iyon na naglikha ng malakas na ingay at pagbaba ko sa sala ay nagtatakang tumingin sa 'kin si nanay Carlotta.

"Anong lagabog na iyon sa itaas, anak?" Salubong ni nanay Carlotta na tumingala pa para sumilip sa itaas.

"Wala po. Mauna na po kami."
Sagot ko bago ako lumapit kina mang Karding at Nana Lina na naghihintay sa sala.

"Sana ay pag-isipan mo ang alok kong trabaho sa iyo." Sambit ni Señor Freigo kay Nana Lina bago kami tuluyang umalis ng mansion nina Nana Lina at mang Karding sakay ng karwahe dahil ipinahatid kami ni Señor Freigo kay manong Mario at may kasama rin kaming dalawang kawal.

Pagdating namin sa Azìenda Agrìcola ay sinalubong agad kami ng mga nagbabantay roon, marami ang nakipagkilala kay Nana Lina at kitang-kita ko kung gaano kasaya si Nana Lina habang inililibot ko ito sa buong farm. Sobrang saya ko na nagkita ulit kami ni Nana Lina at pakiramdam ko ay hindi na ulit kami magkakahiwalay pa.

"Sandali lang po." Paalam ko kay Nana Lina na nasa loob ng kubo na masayang nakikipag kuwentuhan sa mga nagbabantay rito sa Azìenda Agrìcola.

Mabilis kong kinalagan ng tali ang kabayo kong si Puti at sumampa agad ako rito upang mangabayo para sundan ang taong kanina pa ako pinagmamasdan mula sa malayo.

Akala ko isa lang ito sa mga nagbabantay sa Azìenda Agrìcola pero dahil hindi ito pumasok sa loob ng kubo ay doon ko na nakumpirma na hindi ito kabilang sa mga nagbabantay sa Azìenda Agrìcola, hindi ko lang ito nakilala dahil sa suot nitong sayap.

Malayo na ang tinakbo ng kabayo ko at nawala na rin 'yong taong sinusundan ko kaya pinatigil ko na sa pagtakbo ang kabayo sa gitna ng lupang daan.

Sino kaya ang taong iyon?

Continue Reading

You'll Also Like

29.9K 1K 57
Flor knew that she's crazy in love with her childhood bestfriend, Ulysses Valentino Montejo, but why she keeps on surrendering herself with the devil...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
17.4K 441 38
Azaira Nicole Zamora is a great dreamer. She has a lot of ambition in her life, but it all sudden change when she found out something. She was about...