Maybe This Time

由 SiMarcoJoseAko

19.4M 423K 33K

Can love truly change the past? #BSS4 更多

Bachelor Stories Series 4: Maybe This Time
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
EPILOGUE
Author's Note

Chapter Forty One

236K 5.6K 226
由 SiMarcoJoseAko

FORTY ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Travis, kumain ka muna. Kanina ka pa hindi kumakain." Mahinahon kong sabi sa kanya, pero parang wala siyang narinig at malungkot lamang siyang nakatitig sa puting kabaong ng Mommy niya. Bakas sa mukha niya ang pagod na marahil ay sa kawalan ng tulog, nangangayayat na rin ang katawan niya dahil sa hindi pagkain. Simula kasi ng iburol ang Mommy niya ay kakaunti lang ang kinakain niya at lagi lamang siyang nakabantay sa Mommy niya.

"Travis, kumain ka muna kahit konti lang. Magkakasakit ka na niyan sa ginagawa mo." Pagpupumilit ko sa kanya. Huminga lamang ako ng malalim ng hindi pa rin siya kumibo. Tumayo muna ako at lumabas. Mas maganda siguro ang iwan ko muna siya para makapag-isip siya. Alam kong hindi madali ang lahat ng ito para sa kanya lalo na't biglaan ang nangyari at hindi niya inaasahan.

"Hindi pa rin ba siya kumakain?" Napalingon ako sa nagsalita, si Tita Freen. Ngumiti ako at tsaka umiling.

"He really loves his mom. Ngayon ko lang nakita si Travis na ganyan." Ani Tita Freen. Muli akong huminga ng malalim bago sumagot sa sinabi ni Tita Freen.

"Mahirap man po, pero kailangan niyang tanggapin ang katotohanan. He needs to be strong for Shaun and Tito Trav." Saad ko.

"Hindi ko talaga maisip na mangyayari ang ganitong bagay, ang hirap tanggapin pero kailangan. Mayroon talagang mga bagay na hindi natin inaasahan pero kusang dumarating." Saad ni Tita Freen at tsaka ito nagpahid ng luha. Hindi na ako nakasagot dahil hindi ko na alam ang dapat kong sabihin. Tama si Tita Freen, mayroong mga bagay na hindi naman natin inaasahan pero kusang dumarating dahil mayroong dahilan. Hindi naman pupwedeng mangyayari ang isang bagay kung wala itong dahilan at alam kong mayroong dahilan kung bakit ito nangyayari ang mga bagay na 'to kay Travis.

"Mommy." Napalingon kami sa maliit na boses na nagsalita. Nakita kong si Francisco iyon at lumapit sa Mommy niya. Batid sa mukha nito na inaantok na ito, alas diyes na rin kasi ng gabi. Miski ako ay inaantok na rin pero pinipilit kong maging mulat para kay Travis.

"Hindi pa ba tayo uuwi, Mommy? Inaantok na ako." Sabi nito habang kinukusot ang mga mata.

"Doon ka muna sa kwarto nang Kuya Travis mo, nandoon ang Kuya Axcel mo at natutulog." Sabi ni Tita Freen kay Francisco. Pinagmamasdan ko lang sila mag-usap at napapangiti ako kapag sumisimangot si Francisco.

"Mommy, natatakot akong umakyat." Mahinang sabi ni Francisco pero narinig ko pa rin. Hindi ko mapigilang hindi mapatawa, he's so adorable saying that.

"Maiwan na muna kita, Jeorge. Patutulugin ko lang 'tong baby damulag ko." Ani Tita Freen. Ngumiti lamang ako at tsaka tumango. Narinig ko pang nagrereklamo si Francisco na hindi na siya baby habang papasok sila sa loob.

Muli akong huminga ng malalim bago pumasok sa loob. Naroroon pa rin si Travis sa unahan habang nakatitig sa kawalan. Mag-isa pa rin siya at tila ba malalim siyang nag-iisip. Lumapit ako sa kanya at muli siyang tinabihan. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.

"Doon muna tayo sa may kusina n'yo, kumain ka muna kahit konti lang. Ayokong makita kang ganyan, Travis. Hindi matutuwa ang Mommy mo sa inaasal mo ngayon." Pagpupumilit ko sa kanya. Lumapit sa amin si Tita Sindy at Tita Jin.

"Sige na, Travis. Kumain ka muna at kanina ka pa walang kain." Mahinahong saad ni Tita Sindy. Hindi siya nagsalita pero tumayo na siya kaya inaya ko siya papunta sa kusina. Umupo siya sa may kitchen counter habang kumuha naman ako ng plato para kuhaan siya ng pagkain. Tahimik pa rin siya at walang kibo na nakaupo.

"Kumain ka na." Sabi ko sa kanya sabay lapag sa harap niya ng pagkain. Hindi siya kumibo at katulad kanina ay tulala pa rin siya.

"Travis..." Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Sa tingin mo ba gusto ng Mommy mo na makita ka niya ng ganito? Kung ako ang Mommy mo magagalit ako sa'yo dahil hindi ka kumakain. Alam mo na alam ko na ayaw ng Mommy mo na hindi kayo kumakain ng kapatid mo, Travis. Maging malakas ka para sa kapatid mo, para sa Daddy mo at para sa sarili mo." Seryoso at mahinahon kong sabi sa kanya. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at bigla siyang napatitig. Matagal lamang siyang nakatitig sa akin na para bang naghihintay siya na may sabihin ako.

"Kumain ka na." Ulit ko pa.

"Subuan mo ako." Mahina niyang sabi. Napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon. Agad kong kinuha ang kutsara at sinubuan siya. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain. Napansin kong nagkakaroon na siya ng stubbles at malago na rin ang bigote niya. Malaki na rin ang itim sa ilalim ng mga mata niya pero kahit na ganoon ay hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan niya. He looks matured and I admit, his stubbles make him more look hot.

Nang matapos siyang kumain ay inaya ko siyang umakyat sa kwarto niya. Sumunod naman siya at nadatnan namin roon na natutulog si Axcel katabi si Francisco. Dalawa naman ang kama roon kaya pinatulog ko muna siya. Sa una, ayaw niyang matulog dahil gusto raw niyang bantayan ang Mommy niya pero hindi ako pumayag. Kailangan niya ng pahinga at baka hindi na kayanin ng katawan niya at bigla na lamang siyang bumigay.

"Tabihan mo akong matulog." Sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim bago siya sagutin.

"Sige na, tatabi na ako sa'yo. Mahiga ka na d'yan." Sabi ko. Humiga naman siya at tsaka ako tumabi sa kanya.

Hindi na ako nagulat pa ng bigla siyang yumakap sa akin. Nakapikit ang mga mata niya at ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya. Pinapakiramdaman ko lang ang paghinga niya at marahan kong hinahawi ang buhok niya. Maya-maya lang ay naramdaman kong nakatulog na siya. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya habang natutulog siya.

Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon dahil mahirap ang mawalan ng ina at lalong mahirap kung pati ama mo ay mawala. Alam ko iyon dahil nakita ko kung paano umiyak si Heena gabi-gabi nang iwan sila ng Mommy niya. Ayokong makita si Travis na nagdurusa lalo na kapag pati Daddy niya ay nawala.

I kissed his temple and closed my eyes. This will be a long journey ahead and I need to prepare myself. I need to be strong because I know, we will be both broken in no time.

NAGISING ako na maliwanag na sa labas batid na rin sa liwanag na tumatakas sa binatana papasok sa kwarto nila ni Shaun. Napalingon ako sa tabi ko at mahimbing pa rin ang tulog ni Travis sa tabi ko. Marahil ay bumabawi siya ng tulog sa mga araw na puyat siya. Marahan kong tinanggal ang braso niyang nakayakap sa akin at tsaka ako bumaba sa kama. Inayos ko lang saglit ang buhok ko bago ako lumabas. Nadatnan ko sa ibaba sila Tita Freen at Tita L.A na nag-uusap. Nagpaalam lamang ako sa kanila na uuwi muna ako sa amin para makapagpalit ng damit at babalik na lamang ako maya-maya. Sabado pa lang naman ngayon at wala pang pasok kinabukasan kaya ayos lamang na bumalik ako mamaya.

"Kamusta ang mga Montemayor?" Agad na tanong ni Mommy. Humalik muna ako sa kanya pati na rin kay Daddy bago ako umupo sa tabi ni Eugine para kumain.

"They are still mourning because of Tita Celestine's death." Kaswal kong sagot. Naglagay ako ng ham at hotdog sa plato ko.

"And Travis?" Agad na tanong ni Daddy. Ngumiti ako ng pilit kay Daddy. Alam niyang boyfriend ko na si Travis dahil siya mismo ang nagsabi sa Daddy ko na kami na.

"He's still not okay, Dad. You know, he really loves his mom and it's not that easy to accept the fact that his Mom was already gone while his Dad was in a critical condition. If I were in his condition, I might suicide." Kaswal kong sagot sa kanila. Hindi na sila nagsalita pa at nagpatuloy lang kami sa pagkain. Wala rin naman akong panahon na sagutin pa ang mga tanong nila.

Saglit akong nagpaalam sa kanila pagkatapos kong kumain. Umakyat ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Ngayon ko lang naisip na hindi pala ako nakapagpaalam kay Travis. Sigurado akong hahanapin ako noon pagkagising niya. Muli kong ipinikit ang mga mata ko.

Why I have this kind of feeling? I really can't explain myself. Nakakaramdam ako na para bang mayroong mangyayari at kailangan kong ihanda ang sarili ko. Ngayon lang ako naramdam ng ganito at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. I am feeling something different and I really don't know where it came from. Pilit ko mang iwasan ang mga iniisip, hindi ko magawa. Kahit na sa panaginip ay dinadalaw ako ng takot ko and I know, I should face this fear. Kailangan ko 'tong harapin para malaman ko kung ano ba talaga ito.

I shook my head, I must be paranoid. Pagod lang siguro ako kaya kung anu-ano ang mga naiisip kong bagay.

Hindi ko dapat isipin na aalis si Travis at iiwan ako.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


继续阅读

You'll Also Like

13.1K 710 7
Delilah Ysabelle Diaz, 24, has lost her parents in a tragic accident. Starting a new life, her aunt convinces her to live with her in Brooklyn, New Y...
2.3M 1.7K 2
SPG/R-18 Claude Vidalia will do everything his father tells him to do, no matter how dangerous it is. Itataya niya ang kanyang pride, yaman at pang...
800K 15.3K 43
Nang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon mo...