Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 18

1.4K 59 6
By Levelion

Hi to Mary Joy B. Cabigas. Belated happy birthday, dear. Thank you for the love and support for me and my stories.

--------------------------------
Kabanata 18
Quit


"Hindi. Hindi ka aalis sa banda, Code. Hindi mo gagawin iyan."

Hinaplos ng isa kong kamay ang pisngi niya. "Tumingin ka sa akin. Please, tingnan mo ako. Sabihin mo sa akin na hindi mo gagawin iyon."

Dahan-dahang siyang nag angat ng tingin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang diterminasyon, tila hindi magpapatinag.

"Kaya kong gawin iyon." aniya. "Kung hindi magbabago ang isip nila, Persis." napailing-iling siya. "Sobra na." dagdag niya pa.

Muling tumalim ang mga tingin ni Code, naghihimagsik ang bawat sulok ng kanyang mga mata. "Hindi na tama ang ginagawa nilang pagtrato sa iyo at hindi ko na palalampasin pa ito. Kung hindi ka nila kayang tanggapin, pwes wala na ring dahilan para makisamahan ko pa sila." mariin niyang sabi.

Malakas ang kutob ko na hindi na mababago pa ang isip ni Mr. Frazer. He's stubborn, he don't take opinions because he will do whatever he wants and as for Code, hindi rin ito patitinag sa kanyang mga desisyon.

Their determination is equal at para bang kapag nagbangga sila ay magkakaroon ng isang malaking pagsabog.

Tinanggal ko ang kamay ko sa pisngi niya. "Kung hindi nila ako ibabalik bilang lyricist. Paano ka? May kontrata ka sa kanila, Code. Maaari kang makasuhan sa gagawin mo."

Walang mababakas na pagkabahala sa mukha niya. Ngumiti pa nga siya na para bang nanghahamon. "It doesn't matter. I'll be glad to see them in court."

Shit. Ako ang natatakot para kay Code. Masyado siyang nadadala ng kanyang emosyon at hindi ko akalain na siya ang mas higit na magdaramdam sa ginawang pagtanggal sa akin ni Mr. Frazer bilang lyricist ng banda.

Kung alam ko lang na aabot sa ganito ang magiging desisyon ni Code ay inilihim ko na lang sana ito. Pero kung gagawin ko naman iyon ay baka mas malala pa ang sitwasyon na kaharapin namin ni Code.

Sa madaling salita. Ano man ang gawin kong kilos at pagpapasya, ang lahat ay may kahihinatnan. There's no way out to leave it all. I have no choice but to face it.

"Code! It's alright. Tatanggapin ko na lang ng maluwag ang desisyon nila. Kaya pakiusap, wag kang aalis sa Downtown. Isipin mo ang mga kabanda mo, Code." pagmamakaawa ko sa kanya.

"They'll be fine without me. Afterall, I don't really want this kind of fame. It's making my life chaotic."

Nalaglag ang mga balikat ko. Ako ang nanghihinayang sa desisyon na ginagawa niya.

"But it's your dream."

"Pero kung ang pangarap ko 'tong ang sisira sa atin. Mas mabuti pang kalimutan ko na lang ito."

Ipagpapalit niya ang pangarap niya para sa akin?

Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang bumagsak sa mga mata ko, ngunit kahit gaano katinding pagpipigil ang ginawa ko ay tuluyang naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi.

Nang makita ako ni Code na umiiyak ay agad din na naglaho ang tapang sa kanyang mukha. Napalitan ng lambing ang mga tingin niya sa akin habang pinupunasan niya ang mga luha ko at saka dahan-dahan niya akong kinulong sa kanyang nga bisig at masuyong hinagod ang buhok ko.

"Ayokong masira ang pangarap mo, Code." umiiyak kong sabi, sa pagitan ng bawat hikbi ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Code.

"Hush. Wag mo ng isipin iyon."

Paano kong hindi iisipin iyon? Involve ako roon, at kapag nangyari nga ang pag-alis ni Code sa Downtown, guilt ko iyon. Ngayon pa lang nga ay guilty na ako na sinabi ko pa sa kanya ang totoo.


Nang tumigil ako sa pag-iyak ay ilang minuto pa kaming nanatili ni Code sa rooftop. Naupo sa ilang tambak na hollow blocks sa gilid at si Code naman ay naupo sa ilang patong ng sako-sakong buhangin.

"Paano mong nalaman na wala pa ako sa loob ng dorm ko?" nagtatakang tanong ko kay Code.

"Syempre nagtanong ako sa dormmate mo. Hindi nila ako nakilala dahil may suot akong facemask at shades."

Tumaas ang isa kong kilay. "Pero nang abutan kita ay hindi mo na suot ang mga iyon. Paano kung lumabas bigla ang kasama ko sa dorm? O kaya ay iyong mga nasa katabi naming kwarto?"

Umangat ang isang sulok ng labi ni Code. "Hindi naman nila ako nakita."

"Pasalamat ka." Nirolyuhan ko siya ng tingin.

Mabuti na lang talaga at walang nakakita sa kanya kanina. Pero kung nagtagal pa kami marahil doon ay baka pinagkakaguluhan na si Code ngayon.

"So, saan kayo ng punta ng lalaking iyon?" seryoso at may halong pagdududa ang ipinupukol na tingin ni Code sa akin habang hinihintay niya ang sagot ko.

"Nagpunta kami sa baywalk. Nagpahangin lang kami sa may sea side, tapos...pinakinggan niya iyong mga sentimento ko."

"I'm really sorry. Ako dapat ang kasama mo kanina."

Nakita ko ang pagbagsak ng balikat ni Code at ang lungkot sa mga mata niya nang tumingin siya sa malayo. He's looks guilty.

"Nauunawaan ko naman na wala kang alam."

"Pero kung naisip ko lang sana agad na may mali. Naiganti sana agad kita."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at saka naglakad ako palapit kay Code. Namumungay ang mga mata niya nang paglapit ko sa kanya ay agad niyang niyakap ang baywang ko at isinubsog ang mukha niya sa tyan ko, ako naman ay masuyong sinuklay ang kanyang buhok at hinagod ang kanyang ulo.

Alas-onse pasado nang bumaba kami ni Code sa rooftop. Sa tenth floor ay sumakay kami ng elevator at nang makababa ito sa fifth floor ay nagpaalam na kaming dalawa sa isat-isa.

Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa loob ng doorm ko. Sabay-sabay namang napatingin sa akin ang mga kasama ko.

"Hi, Persis. Kumain ka na?" ani Wency na nakaupo sa kanyang kama at kandong ang kanyang laptop.

Nakangiting tumango naman ako sa kanya.

"Nice to meet you, Persis. Ako nga pala si Beatrice Santos. Nursing student. Sophomore." pakilala sa akin ng dormmate ko na nakaupo sa kama niya habang nanonood ng tv.

"Ako naman si Jenielyn Dela Cruz, IT at sophomore na rin." pakilala naman ng dormmate ko na nasa itaas ng kama ni Wency.

"Bakit laging late ka na kung umuwi, Persis? Ganoon ba ka-busy ang mga Arki student?" tanong ni Wency.

"Medyo, may pinag meetingan lang kami ng mga groupmates ko." pagsisinungaling ko.

"Salamat nga pala sa dala mong pagkain, Persis." ani Jenielyn.

"Wala iyon."

"May naghahanap sa iyo kanina, Persis." sabi naman ni Beatrice. "Matangkad tapos moreno na..."

"Mukhang gwapo! Nafacemask at shade." nakangiting dagdag pa ni Jenielyn.

Hilaw ko silang nginitian.

"Boyfriend mo iyon, no?" nanunuksong tanong naman ni Wendy na nahihiyang tinanguan ko.

"Sabi na, eh. At saka iyong boses, parangang sexy. Kaya lang, gabi na pero bakit siya naka-shades at nakafacemask?"

"Natakot nga ako pagbuksan siya kanina noong panay ang katok niya." si Beatrice.

"Ano...kasi, weird iyon minsan."

Kinabukasan ay maaga kaming nagising na apat. Magkakasabay ang oras ng klase namin at nag decide kami na si Wency ang unang maligo habang si Jenielyn naman ang nagluluto ng almusal namin at si Beatrice ay ang nagtimpla ng kape. Ako naman ang nag-ayos ng mga plato at kutsarang gagamitin namin.

Inaayos ko ang bag ko nang buksan ni Beatrice ang TV. Pigil ko pa nga ang paghinga ko nang mag flash ang ilang clips na kuha ng media mula sa harap ng Rise Records. Ipinapakita roon kung gaano karami ang fans ng Downtown na nagsipunta roon upang masilayan sila.

"Grabe ang mga fans nila. Sobrang dedicated sa kanila." humahangang sabi ni Beatrice. "Ngayon lang ako nakakilala ng isang banda na kung hangaan ng marami ay daig pa ang isang superstar. Iyon bang kulang na lang ay suotan sila ng sampaguita garland."

"Ang galing kasi nila. Lahat pa sila, parang mga model ng calvin klein, gwapo na, hot pa! Pero syempre, bonus na lang iyon kasi sa performance talaga nila ako namamangha. Walang kang maipipintas sa kanila dahil talented talaga sila." tila nangangarap ng gising na sabi ni Jenielyn.

"Hoy, yung niluluto mo baka masunog." saway naman ni Beatrice rito.

Pinakita sa screen ang mukha ng Downtown nang umalis sila ng studio kagabi. Nag focus pa nga kay Code ang camera.

"Ang gagwapo!" ani Beatrice. "Mga perpektong anak ng diyos." dagdag pa niya.

"Hindi ko alam na fan din pala nila kayo." sabi ko.

"Ako, huh. Fan ako ng music nila. I'm not really a big fan of them. Si Code nga lang ang kilala ko sa kanila kasi mas gusto ko silang tawaging Downtown." ani Beatrice.

Kaya naman pala, hindi nila ako kilala bilang girlfriend ni Code. Sa pagkakaalam ko kasi, iyong mga die hard fan ng Downtown. Para silang mga FBI dahil alam na alam nila ultimo yata paboritong underwear brand ng idolo nila.

"Ako rin. Fan nila pero wala akong bias. Gusto ko silang lahat." sabi pa ni Jenielyn.

Pinabackground check kaya ni sir Gerry ang mga ito bago niya ako ilagay sa dorm na ito? Dahil kung oo ay nagpapasalamat talaga ako kasi kahit papaano, nararamdaman ko na walang sama ng loob sa akin ang mga kasama ko, kahit pa tagahanga rin sila ng Downtown.

Magkakasabay man ang oras ng klase namin ay si Jenielyn lang ang nakasabay kong pumasok. Pareho kasing nagmamadali si Wency at Beatrice. May reporting kasi si Wency at may simulation activity naman daw si Beatrice.




"Hi." bati ni Brayden sa akin pagdating ko sa classroom.

Nginitian ko naman siya.

"Kamusta ang naging usapan niyo kagabi?" nag-aalala ang tono ng kanyang boses.

Tumingin muna ako sa paligid. Siniguradong walang kaklase namin malapit sa amin at maaaring makarinig ng sasabihin ko. Nang matiyak ko na abala naman ang lahat ngayon ay ikinuwento ko kay Brayden ang lahat at maging siya ay nagulat.

"Damn. He's really cool." gulat at namamanghang sabi ni Brayden.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hey, don't take it wrong. Namamangha lang ako sa lakas ng loob niya na mag-isip ng ganoon. He will do everythinfg for you. Like, wow! Ganoon ka niya kamahal?"

"I don't think I deserve it."

Tumaas ang isa niyang kilay. "Ang alin?"

"Ang pagmamahal niya. Pakiramdam ko, sinisira ko lang talaga siya, eh."

"Wag mong sabihin niyan. Hindi ko masisisi si Code. You're one of a kind, Persis. Hindi ka katulad ng ibang babae, you don't know how beautiful you are. Wala kang kayabang-yabang sa katawan at hindi mo rin alam kung gaano kagaling."

Nag-iinit ang pisngi ko sa mga sinasabi ni Brayden. Ayan na naman kasi siya sa pamumuri sa akin.

"He's lucky to have you, kaya hindi niya hahayaan na minamaliit at sinasaktan ka ng ibang tao. You are the rarest diamond that he has. Imagine, sinusugal niya ang pangarap niya para sa iyo."

Umiling-iling ako. "Pero ayoko 'non, Bray. Pangarap niya iyon, eh. Bata pa lang kami, pangarap na niya na maging sikat na musikero at mang-aawit."

"Just trust his decision for now. Hindi ko siya ganoon kakilala pero alam kong matalino siya."

Bago mag uwian ay nagpaalam ba sa akin si Brayden. Mayroon daw kasi silang rehearsal ngayon. Ako naman ay kailangan pang maghintay ng ilang oras dito sa university, tutugtog kasi ako mamaya sa bar.

"Uy, narinig niyo na iyong balita? Umalis na raw si Code sa Downtown."
"No way!"
"Hindi ko alam ang totoong dahilan but there's a lot of speculation na publicity stunt lang daw iyon para mas lalong mapag-usapan ang banda, kasi nga gumagawa na sila ng bago nilang album."

Maya-maya'y nadagdagan pa ang mga kababaihamg nagkukwentuhan sa likod ng kinauupuan ko.

"Guys, umalis na si Code sa Downtown!" umiiyak na sabi ng bagong dating na babae.
"Publicity stunt lang daw iyon."
"Hindi. Napanood ko iyong interview niya kanina. Ang sabi niya, he wants to settle down."

Naihilamos ko ang mga palad ko.

Isa lang ang ibig sabihin, hindi napakiusapan ni Code si Mr. Frazer. Hindi niya nagawang baguhin ang desisyon nito.

"Balita pa nga na baka raw may nagaganap na feud sa pagitan niya at ng ibang members, kasi nga diba...siya iyong parating center of attention."
"Pero mukha naman silang okay, huh!"
"Hindi naman natin masasabi kung okay nga sila dahil saglit lang naman natin silang nakikita, baka nagpapakitang tao lang din sila."
"Hindi ko kaya! Kung wala si Code, paano na ang Downtown. He's the voice of the band. Hindi siya pwedeng mawala!"

Sabay-sabay na nag-iyakan ang mga babaeng nasa likod ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinilot ang aking sintido at saka tinawagan ko si Code, pero voice prompt lang ang lagi kong naririnig na paulit-ulit sinasabing out of coverage area at unattended.

Nang sumuko na ako sa pagtawag sa kanya ay rumehistro naman sa phone ko ang pangalan ni Chard na tumatawag sa akin. Bihira lang akong tawagan ni Chard at nahuhulaan ko na ang dahilan nito.

"Hello, Chard?"

"Persis, busy ka ba? Baka may klase ngayon?"

"Tapos na ang klase ko, Chard. Nagpapalipas oras na lang ako ngayon dito sa university, may pupuntahan pa kasi ako mamaya. Anong dahilan at napatawag ka?"

"Itatanong ko lang sana kung alam mo ba kung nasaan si Code ngayon?"

"H-Hindi."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Chard sa kabilang linya. "Sinubukan namin siyang puntahan sa condo niya pero wala siya roon. Ilang ulit ko na rin tinatawagan ang number niya pero hindi ko siya macontact. Alam mo ba na nag quit na siya banda?"

Napalunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Hello, Persis? Are you still there?"

"Oo, Chard. I'm on my way to UST. Pupuntahan kita. I'll call you back."

"Sige."

Nasaan ka Code? Ano bang plano mo?

Takot at pangamba ang bumabalot sa damdamin ko ngayon. Gustuhin ko mang ibigay ang buo kong tiwala kay Code ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung nasaan siya.

Pagkatapos niyang ipamalita sa lahat na aalis na siya sa banda ay bigla siyang mawawala?


Sampung minuto ang nakalipas ay tumawag muli sa akin si Chard. Lumabas naman ako ng gate at saka pumasok sa kanyang puting Mercedes-Maybach na kulay itim.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng sasakyan ni Chard ay ramdam ko na agad ang bigat sa mga tingin niya.

"Persis, tell me. What happened?" bungad na tanong niya sa akin. "Alam kong may alam sa mga nangyayari ngayon. Nag-away ba kayo ni Code? Kahapon ay nakita ko ang pagkabahala sa mukha niya nang malaman niyang lahat kami ay nakatanggap ng tawag mula sa iyo. Nasa recording kami marahil nang tumawag ka kaya hindi namin nasagot, but we called you back, kaya lang ay hindi ka namin macontact. Code waited for you to come last day, bakit hindi ka pumunta?"

Kumunot ang noo ko at muling gumapang ang galit sa dibdib ko. Paanong nagagawa ni Mr. Frazer na itago sa kanila ang mga nangyayari?

"Tinanggal na ako bilang lyricist niyo, Chard." nakita sa mga mata niya ang pagkabila, bahagya pa ngang umawang ang kanyang mga labi.

"Pumunta ako sa Rise Records kahapon pero pinagtabuyan ako roon. That's the reason that triggered him and decided to quit the band."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

12.9K 327 12
Las Rozas Series #3 (Book 1) COMPLETED *PROOFREADING* Aries Leiden Esquire is a kind of friend who's sweet, caring, and clingy to his girl friends th...
28.3K 4K 67
Season One. Love is not confined to a single definition but rather exists as a kaleidoscope of emotions and experiences. Love is portrayed as beauti...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
780K 8.4K 44
C O M P L E T E D Cheating is easy. Try something difficult like being faithful.