I'm InLove With You

Av rarecrown

5.5K 249 0

Skyler Racaza x Trixie Ann Velasquez Mer

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Chapter 14

97 5 0
Av rarecrown

"Baby? Were here," nagising ako dahil sa halik ni Sky sa labi ko. Minulat ko ang mata ko at hindi na umaandar ang eroplano dahil nakalapag na pala kami. Kinakabahan ako, ewan ko kung bakit.

"Kanina pa ba tayo nakalapag?" Sabi ko sa malamyang boses. Kakagising ko lang kaya ganun.

"Not so, let's go?" Tanong niya sakin. Tumango lang ako sa kaniya. Kinuha na naman niya ang nga maleta namin at may naka-abang ng Ferrari sa labas ng eroplano.

Nakahawak naman siya sa beywang ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. May kumuha kasi ng mga bagahe namin. Binuksan niya ang backseat at pumasok ako, ganun din siya. Pagkapasok namin sa loob ay umandar narin ang sasakyan at humilig kaagad si Sky sa dibdib ko. Hinayaan ko nalang at baka inaantok pa, mukhang ako lang pala ang natulog kanina sa eroplano.

Nakayakap siya sa beywang ko at ako naman ay sinusuklay-suklay ang buhok niya. Sana lang magtuloy-tuloy 'tong mangyayari samin, sana lang walang sumira sa relasyon natin. Sana masaya lang tayo palagi.

Sana nga...

•••

"Baby? Sa apartment lang ako ah?" Sabi ko sa kaniya. Malapit na kasi kami sa apartment ko.

"No, you'll stay in my condo." Kaagad naman akong nagulat sa sinabi niya.

"Huh? No, anong gagawin ko sa condo mo?" Nakakunot ang noo ko. Anong gagawin ko dun? Dun ako titira? Jusko naman.

"You'll stay there, problem baby?" Sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Napabuntong hininga nalang ako. May choice pa ba ako? Kahit anong pilit kung sa apartment nalang, alam ko ding ipagpipilitan niya parin.

"Fine," sabi ko. At matagumpay na ngiti naman ang binigay niya sakin.

"Manong, in my condo." Utos ni Sky sa driver.

"Opo, Sir." Sabi ni Manong at nagdrive na siya papunta sa condo ni Sky. Ano? Dun na ako titira? Hindi pa nga kami mag-asawa.

Ano bang ginagawa mo sa buhay mo Trixie Anne. Okay lang yan, jowa mo naman yan eh. Hay naku!

•••

Pumasok na kami sa loob ng condo ni Sky, infairness ang laki ng condo niya. May living room, kitchen, and a dining room sa gitna ng dalawa ang zones ay naka divide conventionally. Pareha lang ng colour at pareha lang din ng designs. Sa living room niya ay may sofa at couch tapos may center table na may vase at rose na nakapatong.

May mga paintings rin siya sa mga ding-ding at sa dining room niya ay may wooden table na nakalagay tapos anim na upuan. Ang linis ng condo niya parang hindi lalaki ang nakatira.

"Ang linis ng condo mo ah? Ikaw naglilinis?" Tanong ko sa kaniya habang nahubad na ang polo niya at naka topless nalang siya.

"No, I have someone to clean every week." Sabi niya at prenteng naka-upo na sa couch niya. Pumasok naman ako sa kwarto niya nasa gitna kasi ang kwarto niya at dalawa lang ang kwarto niya dito. Ang laki ng kwarto niya ah? King size ata ang katre niya at may bedside table na dalawa. At may banyo na dito, ang laki rin ng banyo niya. May bathtub, shower. Dito din ata naka connect sa kwarto niya ang terrace eh.

Mula dito sa terrace niya ay makikita mo ang buong Manila at ang mga building. Nasa pinaka taas kasi 'tong condo ni Sky. Mas maganda atang tignan 'to kapag gabi na, ngayon kasi ay maaga pa. 8am pa nga lang ata e, maaga kasi kaming nakarating dito sa Manila.

Tapos na kaming magbreakfast ni Sky kaya magpapahinga nalang muna ako. Dun nalang ako matutulog sa guestroom niya, alangan naman dito sa kwarto niya ano? Kinuha ko na ang maleta ko at lalabas na sana ng kwarto niya ng pumasok siya.

"Where are you going?" Tanong niya. Kala mo naman lalayas ako dito.

"Tumabi ka nga, diyan lang ako sa guestroom mo." Sabi ko pero hindi parin siya tumabi.

"Sky.." banta ko sa kaniya. Hindi parin natinag.

"You'll sleep with me, not in the guestroom, not in the sofa but in my room. Do we understand lady?" Nakataas ang isang kilay niya. Tinaasan ko rin siya ng kilay, aba! Hindi lang siya ang marunong 'no.

"Don't raise your brow with me young man," sabi ko sa kaniya nakalagay na ang maleta ko sa gilid ng kama. Ano? Maglilive-in kami dito? Bago pa nga lang kami.

Kaagad namang lumambot ang ekspresyon niya at naglalambing na niyakap ako.

"Sorry baby, I love you." Sabi niya at hinahalik-halikan ako.

"Ano ba sky, hindi pa ako naliligo." Sabi ko sa kaniya. Galing pa kaming byahe e.

"I don't care, hmm.." sabi niya. Kinalas ko naman ang yakap ko sa kaniya at pinakawalan naman niya ako. Dumiritso nalang ako sa banyo para maligo.

•••

Alas quatro y media na kaya kailangan kung pumunta sa apartment para kunin ang reviewer ko. Kailangan ko ng mag review dahil babalik na kami sa monday. Lumabas ako ng kwarto niya at nakita ko si Sky sa living room habang may kausap. Dumiritso nalang muna ako sa kitchen para uminom ng tubig.

Pagbalik ko sa living room ay tapos na ang tawag. Lumapit naman ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Sky?" Tawag ko sa atensyon niya.

"Hmm?" Sabi niya sakin habang nakangiti ng nakatingin.

"Pupunta akong apartment," sabi ko.

"Why?"

"Kukunin ko ang reviewer ko, kailangan ko ng mag-review. 3days nalang ang meron ako para magreview. At kailangan makapasa kami lahat kundi lagot na." Sabi ko sa kaniya.

"Okay, I'll just get my keys." Sabi niya.

"Thank you baby!" At hinalikan ko siya sa labi. Nakangiti naman siyang pumasok sa kwarto niya at kinuha ang susi.

•••

Sumama si Sky sakin papunta sa apartment ko. Buti nalang hindi bawal ang lalaki dito. Pagpasok ko sa loob ay kaagad kung kinuha ang libro at notebook ko. Tapos na naman ako sa mga plates ko kaya iiwanan ko muna dito.

Kinuha naman ni sky ang mga dala ko. Pagbaba namin ay nakasalubong namin si Aleng Rosa.

"Ah, Aleng Rosa? Sa 17 na po ako magbabayad ng renta ko ha?" Nakangiti naman siyang bumaling sakin.

"Oo naman hija, sige... ang gwapo nitong boypren mo ha?" Nanunuksong sabi niya. Tumawa nalang ako at nagpaalam.

"Why don't you stay in the condo instead of paying a rent? So, you won't pay anymore. At makakapag-ipon ka pa.." sabi ni Sky sakin sa loob ng sasakyan. Pabalik na kami sa condo niya. Okay rin naman yun para malaki ang mapapadala ko sa magulang ko, kaso nahihiya ako kay Sky. Baka isipin pa niya na inaabuso ko na siya dahil lang nag offer siya. Hindi ko naman siya binoyfriend dahil sa luho 'no.

"Wag na, malaki naman sweldo ko sa kompanya niyo.. kaya okay na ayun." Nakangiti sabi ko.

"Still a no, we'll get your things in Sunday or even now." Desidedong sabi niya. Hindi pa kasi kami nakaka-alis dahil nag-uusap pa kami. Okay na siguro yung offer niya para malaki-laki ang maipapadala ko sa mga magulang ko para makatulong naman ako.

"Oh sige na nga.." sabi ko sa kaniya. Lumabas ulit kami ng sasakyan at umakyat sa taas may isang maleta akong malaki at isang maletang maliit lang ang nandito. Kasya na naman ang mga gamit ko dito dahil hindi naman ako masyadong mamili dahil walang pera.

•••

Pagkatapos naming mag-impake ay pinuntahan ko muna si Aleng Rosa at sasabihin ko sa kaniyang aalis na ako.

"Aleng Rosa? Tao po?" Katok ko sa bahay nila. Pinauna ko na si Sky sa sasakyan dahil siya ang nagdala ng mga gamit ko.

"Oh, Trixie? Naparito ka ulit?" Nanunuksong sabi niya. Ngumiti naman ako, napaka tsismosa talaga nito.

"Aalis na po ako, kinuha ko na po ang mga gamit ko. Pero wag kayong mag-alala babayaran ko kayo ngayon 17 dahil sunday ko pa makukuha yung sweldo ko. At may klase pa ako sa lunes at magpapadala pa sa magulang. Kaya 17 ko na kayo mababayaran.." sabi ko sa kaniya.

"Ganun ba? Oh sige hija.. mag-iingat ka nalang ha? Wag mong papabayaan ang sarili mo." Nakangiting sabi niya.

"Salamat po sa kabutihan niyo,"

Yun lang ang sinabi ko at nagpaalam na ako sa kaniya. Siya narin ang tumatayong pangatlo kung nanay simula ng lumipat ako sa apartment niya. Hindi niya rin kasi ako tinuring na iba kaya malaking tulong rin si Aleng Rosa sakin. Tatawagan ko pa pala si Tita, sasabihin ko sa kaniya na ako na ang magbabayad ng huling buwan para sa apartment ko.

"Hello, Trixie?" Sagot ni Tita. Pauwi na kami ngayon sa condo ni Sky.

"Hello, Tita?" Sagot ko.

"Oh, hija? Napatawag ka? May problema ba?" May maliit na café sina Tita kaya napag-aral din niya ako.

"Ah kasi po, sasabihin ko lang sana na ako na ang magbabayad ng huling buwan ko sa apartment.."

"Huh? Anong huling buwan? Aalis ka na sa apartment mo? Saan ka naman titira?" Sasabihin ko nalang sa condo ni Sky. Ayokong magsinungaling sa kaniya.

"Sa condo po ng boyfriend ko," sabi ko sabay lingon kay Sky. Nakangisi pa ang loko.

"Ano?! May boyfriend ka na? Ba't hindi mo man lang sinabi sakin?" Nahihimigan ko ang pagtatampo sa boses niya.

"Sorry na tita, sasabihin ko rin naman e." Sabi ko sa kaniya.

"Teka? Ikaw magbabayad? May trabaho ka ba?" Nagtatakang tanong niya.

"Opo, nagtatrabaho po ako bilang secretary sa RGC." Sabi ko sa kaniya. Nagpa-park na si Sky sa basement ng condo.

"RGC? Malaking kompanya yan ah? Buti natanggap ka?"

"Grabe ka naman Tita, syempre naman wala ka bang bilib sakin." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hindi naman sa ganun, ang ibig kung sabihin ay buti natanggap ka e, maraming nag a-apply."

"Buti na nga lang po e,"

"Oh siya sige, basta dalawin mo 'ko sa bahay ah? Diba malapit na periodical exam mo?"

"Opo, sa lunes na po. Don't worry Tita nasa list pa naman ako ng DN at running for Valedictorian.." nakangiting sabi ko kahit hindi niya nakikita.

"Salamat naman, basta ayusin mo sa periodical mo okay? wag pabayaan at malapit ka ng gumraduate." Alam kung nakangiti siya ngayon kaya hindi ko mapigilang ngumiti. Binuksan na ni Sky ang condo niya at pumasok na kami sa loob.

"Sige po, magkita nalang tayo sa graduation ko. Ipakilala ko rin siya sainyo."

"Ay aba! Dapat lang.. oh siya sige, mag-iingat ka."

"Kayo rin po,"

Pinatay ko na ang tawag at umupo ako sa sofa at saka sinandal ang ulo sa headrest. Nagluto narin si Sky ng dinner namin at ngayon ko lang nalaman na, marunong pala siyang magluto.

Chef in profession, Business Man by choice.

_______________________________________________

:> ❤️❤️❤️

Fortsett å les

You'll Also Like

640K 57.3K 35
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
137K 6K 200
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
54.7K 1.1K 52
Everyone is not perfect,ang iba sa kanila ay mahirap pero masaya,mayaman pero malungkot but love will always find a way to make you happy and to make...
58.9K 1.4K 23
- [♯ᴇɴɢʟɪꜱʜ] - MarkHyuck stories with different title! ――― > ♛ [C] MarkHyuck Summer Fight ❛ 𝑴𝒂𝒓𝒌𝒉𝒚𝒖𝒄𝒌 𝒌𝒆𝒆𝒑𝒔 𝒐𝒏 𝒇𝒊𝒈𝒉𝒕𝒊𝒏𝒈. 𝑻𝒉...