The Unexpected 19th Century J...

By salem_ven

197K 5.8K 2.1K

Catherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang ta... More

-Tauhan, Caracteres, Characters, キャラクター-
Prólogo
Kabanata 1 - El principio de todo
Kabanata 2 - Indio at Prinsesa
Kabanata 3 - Doña Anastacia
Kabanata 4 - Memorya ng Ina
Kabanata 5 - Simbahan ng Polo Santa Clara De Asis
Kabanata 6 - Conoce a la familia Montecillo
Kabanata 7 - Celebración Hacienda Santibañez
Kabanata 8 - Si Diego at Isabella
Kabanata 9 - Debajos de las Estrellas
Kabanata 10 - Cellphone / Selpon
Kabanata 11 - Ikatlong araw ng Nobenaryo
Kabanata 12 - Cueva del Amor
Kabanata 13 - Paraan
Kabanata 14 - Plano at Paano
Kabanata 15 - Pista ng Bayan
Kabanata 16 - Kamatayan
Kabanata 17 - Higanteng Alakdan
Kabanata 18 - Bessy
Kabanata 19 - Masayang Anunsyo
Kabanata 20 - Ang Masamang Balakin
Kabanata 21 - Cris at Cathy
Kabanata 22 - Gobernador Felipe Santiago
Kabanata 23 - Colegio De Santa Maria Magdalena
Kabanata 24 - Inang Madre Adoracion De Avila
Kabanata 25 - Ang Intramuros
Kabanata 26 - Malinaw na sa akin ang lahat
Kabanata 27 - Indio
Kabanata 28 - Kaibigan
Kabanata 29 - Bagong Gobernador ng Bayan
Kabanata 30 - Pagmamalabis sa mga Haciendero
Kabanata 31 - Mga Liham
Kabanata 32 - Ang Pagiinspeksyon
Kabanata 33 - Panauhin
Kabanata 34 - Limang Daang piraso na Balita
Kabanata 35 - Andre, Sian at Alexander
Kabanata 36 - Sinungaling na Gobernador
Kabanata 37 - Limangpung Parusa
Kabanata 38 - Ako ay Sayo at ikaw ay Akin
Kabanata 39 - Pagsubok kay Catherina
Kabanata 40 - Catherine, Catherina at Huwad
Kabanata 41 - Tunay na Catherina?
Kabanata 42 - Bangungot ni Catherina
Kabanata 43 - Ngayon mo Sabihin sa akin
Kabanata 44 - Simula ng Pag-aaklas
Kabanata 45 - Ley Marcial
Kabanata 46 - Ang Pagbagsak
Kabanata 47 - Pamilya Montecillo
Kabanata 48 - Donya Peregrina Mogas y Foncuberta
Kabanata 49 - Donya Hilaria Mondragon
Kabanata 50 - Hindi waring Pangyayari
Kabanata 51 - Louisa Montecillo
Kabanata 52 - Magkahiwalay na Landas
Kabanata 53 - Avellanada mula sa Inglatera
Kabanata 54 - Restaurante Español
Kabanata 55 -Sa Kampo ni Heneral Castellano
Kabanata 57 - Labanan sa Hacienda Santibanez
Kabanata 58 - Kasulatan
Kabanata 59 - Nasaan ang Mahiwagang Orasan?
Kabanata 60 - Bunyag
Kabanata 61 - Kahihinatnan ni Catherine
Kabanata 62 - Kapalaran ng Nakatakda
Kabanata 63 - Padre Velasco
Kabanata 64 - Para sa Bayan
Kabanata 65 - Epilogo

Kabanata 56 - Donya Catalina at Luciana

620 38 31
By salem_ven

(DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT)

Kabanata 56 – Donya Catalina at Luciana

1891

Ciudad de Santa Clara de Asis

------------

Kinabukasan sa tahanan ni Donya Anastacia nanahan muna si Veronica na kanilang iniligtas mula sa mga guardia sibil, tagumpay man sila sa kanilang ginawa ngunit lalo naman pinaigtingin ang segridad sa buong bayan na maski mga liblib na lugar ay binabantayan na ng mga guardia sibil na may dala dalang kanyon at malalakas na armas.

Umaga ng araw na iyon at narinig ni Catherina na nagsasalita si Veronica ngunit tulog ito, binabangungot siya.

"Huwag kayong lalapit! Huwag niyo akong sasaktan!" sigaw ni Veronica habang natutulog.

"Pakawalan niyo ako wala akong kasalanan senyor!" sigaw niya pa kaya naman kaagad siyang nilapitan ni Catherine.

"Huwag niyo akong gagaglawin!" natatakot niyang sigaw at ginising siya ni Catherine.

"Veronica hoy gumising ka!" at tinapik tapik niya 'yong mukha mukha ni Veronica.

"Huwag maawa kayo sa akin , nakikiusap ako mga ginoo huwag po!" sigaw pa niya "HUWAG!" at kaagad siyang nagising at napayakap na lang bigla kay Catherine.

"Shhh Veronica huwag kang mag-alala panaginip lang iyon, nandito kami" sabi ni Catherine at [pawis na pawis si Veronica at basang basa ang kanyang likuran, hinahabol naman niya ang kanyang hininga at hindi mapigilan na hindi maiyak.

"Tumahan ka na Veronica wala ka sa peligro, nasa mabuting kalagayan ka" pagpapatahan pa ni Catherine at bigla naman napahinto di Vrronica ng mapagtanto niyang si Catherine ang nakayakap sa kanya.

"Senyorita Catherina ikaw na ba iyan!?" sambit niya at sa sobrang galak niya ay napayakap siya dito at hindi mapigilang umiyak uli.

"Ano ba iyan Veronica iyak ng iyak, tumahan ka na ako lang ito, ako to si Catherine at hindi si Catherina" pabirong sabi ni Catherine at napatawa pa siya.

Humiwalay ng yakap si Veronica at pinunasan niya ang knayang mga luha bago magsalita.

"Buong akala ko po ay hindi na kita makikita Senyorita matapos ng lahat ng nangyari" sabi pa niya at inabutan siya ni Catherine ng mainit na inumin ng mainitan ang kanyang sikmura.

"Ano po ba ang nangyari sa inyo Senyorita mabuti at nakaligtas kayo? Saan naman po kayo nagpunta at nasaan tayo?" sabi niya ng mapansin niya na nasa isang bahay sila.

Isinalaysay ni Catherine lahat ng nangyari sa kanya at ang mga plano nila ni Donya Anastacia upang mapabagsak ang ang gobyerno ni Facundo at mabawi lahat ng kanilang kinamkam.

"Nasaan pamilya ko Veronica, ano ang mga nangyari s ainyo ng paunahin ko kayo sa pagtakas?" tanong ni Catherine kay Veronica.

Napaiwas ng tingin si Veronica at nalungkot ang kanyang itsura, hindi kaagad siya nakapagsalita agad binalot sila na katahimikan sa loob ng ilang Segundo.

"Veronica sabihin ko sa akin nasaan na sila bakit ikaw na lang ang nagiisa?" pilit na tanong ni Catherine.

"M-m-matapos niyo po kaming patakasin ay hinabol kami ng mga guardia sibil at hindi po namin alam kung saan kami pupunta, sa gabi na tinambangan tayo nig mga guardia sibil ay ginawa naming ang lahat upang makatakas at sa pagtakbo naming ay hindi namin alam na nagkahiwa-hiwalay na kami, kasama ko pa si Donya Catalina at Senyorita Luciana at hndi po ako sigurado kung magkakasama sila Don Carlos, Senyorita Louisa at Lucas" paliwanag ni Veronica kay Catherine.

"Gutom, lamig at walang masisilungan ang halos naranasan naming ang buong akala namin ay mamatay na kami sa kagubatan, nasubukan din naming matulog sa loob ng kweb a upnag makapagtago at kumain ng prutas na maiibibigay sa amin ng kagubatan, nagtagal kami ng tatlong araw hanggang sa isang araw habang nangangalap ako ng aming kakainin para sa tanghalian ay hindi ko namalayan na mnay nagmamanman nap ala sa aming mga guardia sibil at ng ako'y kanilang sundan, walang habas nila kaming pinagdadampot na tatlo" maluha luhang paliwanag ni Veronica at hindi naman maiwasan ni Catherine na makaramdam ng galit ng dahiul sa ginawa sa kanila.

"Napakasama nila! Wala silang awa, gusto talaga nila na walang haharang sa mga marurumi nilang hangarin kaya iniisa isa nila ang mga ito" may galit na tono na banggit ni Catherina.

"Dinala nila kmai sa isang liblib na lugar kung saan walang ni isa ang nakaalam kung nasaan kami, gutom at takot ang bumalot sa amin habang para kaming mga hayop na kinadena sa lugar na iyon, isang beses nila kami kung pakainin at kaunting tubig na pinaghahatian pa naming" ani pa niya at bumagsak na ng tuluyan ang luha niya.

"Isang araw ay biglang may dumalaw sa amin at bigla na lang nilang kinuha si Donya Catalina at Luciana at tanging sigaw nilang dalawa ang huli kong narinig" nanlaki ang mata ni Catherine sa narinig niya.

"Saan nila dinala sila Ina at Luciana!?" tanong ni Catherine ngunit umiling lang siya at napahawak na lamang siya sa ulo niya.

"Diyos ko paano natin malalaman kung saan nla dinala si Ina at ang kapatid ko?" naiinis na sambit niya at napasabunot pa siya sa sarilki niya, hindi alam kun anong gagawin.

"Hindi ko po alam Senyorita Catherine, ngunit naniniwala ako na kagaya niyo ay buhay pa siya wala nga lang po tayong kasiguraduhan kung nasa mabuting palad ba sila o hindi, hiling ko lang lagi sa maykapal na nawa ay huwag silang pababayaan at iligtas sa anumang karahasan" dagdag pa ni Veronica.

Walang ideya ang dalawa kung nasaan na si Donya Catalina at Luciana kaya naman ipinasadiyos muna nila ang kalagayan ng dalawa na huwag silang pababayaan dahil gagawa sila ng paraan upang mahanap ang ina at kapatid niya.

-----------------

Sa kabilang banda naman sa Hacienda Montecillo, muling binuhay ng gobernador Facundo ang isinarang negosyo ng nasabing pamilya, gobyerno na ni facundo ngayon ang nagmamayari ng nasabing negosyo, sinabi rin nila na dagdag salapi rin ang perang kikitain mula ditto na airing gamitin sa pagpapatayo ng mga istraktura sa bayan ng santa clara, ngunit ang toto ay sa mga bulsa lang nila ito napupunta at pansariling interes.

Marami ang nagalit sa pagbubukas ng dating negosyong hawak ng pamilya montecillo, ang hacienda montecillo ay pinalitan nila ng pangalan na Hacienda Santa Clara dahil gobyerno na ang nagmamay ari dito.

Kaagad na kumalat ang balita na ito sa buong bayan at nagging usapusapan, kinagalit naman ito ng pamilya Santibanez ngunit wala naman silang magagawa kundiang manahimik muna at huwag munang lumaban sa ngayon.

Nakasaky ngayon sa kalesa ang pamilya Avellanada at sila ay tutungo sa datring hacienda Montecillo dahil nais ipagmayabang ng gobernador sa mga kaibigan nila ang mga nagawa nila sa bayan na ito upang mapalago.

"Donya Hilaria" wika ni Donya Crecensia ng makarating sila sa nasabing Hacienda.

"Donya Crecensia, mabuti naman at pinaunlakan niyo ang aking pag-aya na ilibot kayo ditto sa Hacienda Santa Clara" sambit ni Donya Hilaria at bumeso naman sa kanya si Donya Crecensia.

"Kay ganda naman ng mansion Hilaria" sambit ni Donya Crecensia habang tumitingin sa paligid niya at manghang mangha siya sa itsura nito " sino ang may ari ng hacienda at mansion na ito?" ani pa niya.

"Ang pamahalan na ang nag-mamayari ng hacienda na ito at tanging kami ng asawa kong si Gobernador Facundo ang nagpapatakbo sapagkat kami ang nasa pwesto" paliwanag ni Donya Hilaria.

"Ganoon ba ngunit may nabalitaan ako na isang pamilya ang nag-mamayari nito, ngunit nakalimutan ko na kung ano ang kanilan 'ngalan" wika ni Donya Crecensia.

"Saan mo naman nasagap ang vbalita na iyan?" tanong ni Donya Hilaria sa kaibigan.

"Naririnig rinig ko lang ng minsan na maglibot kami dito sa bayan ng Santa Clara ngunit hindi naman ako naniniwala" sagot naman ng Donya Crecensia.

"Totoo ang iyong narinig ngunit nakuha lamang ito ng pamahalan sapagkat Malaki na ang kanilang utang dahil hindi sila nagbabayad ng buwis sa tamang oras, binigyan sila ng palugit upang makapag baya ngunit wala silang ginawang paraan hanggang sa mabangkarote sila kaya sapilitan na silang pinaalis sa hacienda na ito at ngayon gobyerno na ang namamahala dito" sagot naman ni Donya Hilaria.

"O Bueno, halika na at ilibot niyo na ako sa hacienda na ito, ako'y nasasabik sa aking mga malalaman" sagot ni Donya Crecensia at pumasok na sila sa loob.

Inilibot muna si Donya Crecensia sa buong mansyon, ngunit si Victoria ay hindi sumunod at nagsarili siya ng libot sa buong tahanan.

Nais ng pamilya Avellanada na makaganti kila Gobernador Facundo at Donya Hilaria dahil hindi na nila maatim ang pangaapi niula sa bayan na ito, nagbabalatkayo lamang sila na mabait sa harap ng nasabing mag asawa upang hindi sila mapaghinalaan na kalaban ng pamahalaan.

Ganoon pa rin ang itsura ng tahanan ng mga Montecillo nakakabit pa din ang mga larawan at pinta ng bawat pamilya mula sa henerasyon ng nakaraang dalawang daang taon hanggang sa ngayon, madilim at ilang kndila lamang ang nakasindi bilang liwanag at ang ilan sa mga kagamitan ay nababalot pa rin ng alikabok sapagkat kabuukas lamang ng tahanan na ito at ngayon lang uli magbabalik operasyon ang negosyo.

Dinala si Victoria ng mga paa niya sa kung saan saan hanggang sa makarating sila siya sa palapag ng mga silid tulugan, nakararamdam siya ng kilabot sa bawat hakbang niya at hindi niya maigilan na lamigin.

May bukas na kwarto at hindi siya nagdalawang isip na pumasok, nasa kwarto ngayon siya ni Catherina at nakita niyang bukas ang isang bintana kaya dumungaw siya sandali dito, mula sa kwarto ni Catherina ay matatanaw mo kung gaano kalawak ang hacienda Montecillo, kitang kita ang mga trabahador na nagpapagal sa gitna ng init ng araw.

Sa pagdungaw niya ay biglang bumagsak ang isang maliit na larawan kaya nagaw nito ang atensyon ni Victoria at nilapitan niya ito para pulutin ay larawan ni Catherina ang kanyang nakita, sa kabutihang palad ay hindi naman ito nabasag.

Nang ayusin ni Victoria ang larawan sa kinalalagyan ay biglang may bumulong sa kanyang tainga.

"Victoria" sambit nito ay bigla naman siyang napatras at napalingon sa kung saan niya ito narinig.

Kahit tago ang mukha ng dalaga sa likod ng maskara ay mahahalata mo na nagulat siya.

"Sino nandiyan?" sambit niya at nagpalinga linga siya sa paligid niya "Kung sino ang nagsalita ka, magpakita ka sa akin" sabi niya.

"Victoria tulungan mo ang bayan na ito" sabi pa ng nagsalita kaya napalingon na naman si Victoria kung saan niya ito narinig.

"Saan ba nanggagaling ang boses na 'yon!?" may kaunting pagtaas ng tono ng boses na sambit niya, tinalaban na siya ng kilabot kaya naman pumwesto na siya palabas ng pinto.

"Ako Victoria ako ang iyong naririnig" biglang nagpakita niya ang kaluluwa ni Catherina.

Napalinok laway at nanlaki ang mata ni Victoria kaya naman dali dali siya lumabas ng kwarto at bumababa, binilisan niya at pagbaba niya ay hinihingal naman siya.

Pagbaba niya ay bumungad sa kanya si Donya Cresencia, Mariana at Donya Hilaria.

"O Victoria saan ka ba nagpunta at kanina ka pa naming hinahanap, ang buong akala naming ay nakasunod ka sa amin" sambit ni Donya Hilaria sa dalaga.

"Paumanhin po Donya Hilaria ngunit nakaramdam po ako ng pagkaihi kaya naman naghanap ako ng palikuran" pagsisinungaling niya sa donya.

"Ganoon ba o siy---" napatigil sa pagsasalita si Donya Hilaria ng biglang sumabat ang isang guardia sibil.

"Donya Hilaria, ayaw pong ayusin ng bagong mutchacha ang kanyang trabaho sa cuartel ng mga kabayo" sumbong ng isang guardia sibil at nasimangot naman si Donya Hilaria at naisara niya ang pamaypay na hawak niya.

"Hindi talaga aayusin ng mutchachang iyon ang kanyang trabaho" galit na sabi ni Donya Hilaria at hinawakan niya ang saya niya at naglakad papunta cuartel ng mga kabayo.

Sumunod naman sila Donya Crecensia, Victoria at Mariana sa kanya.

"Hindi talag natuto iyang babaena iyan at kailangan pang bigyan ng leksyon!" galit na sabi ni Donya Hilaria habang naglalakad ito.

Pagdating nila sa cuartel ng mga kabayo ay bumungad sa kanila ang dalawang babae at ang isa ay nakaupo at namamahinga.

"Hindi kita pinapasweldo para lamang mamahinga sa oras na iyong trabaho!" sambit ni Donya hilaria at binuhat niya ang isang balde ng tubig na may sabon at ibinuhos sa babaeng namamahinga.

"Mierda!" sambit ng babae na namamahinga at napapunas pa siya sa kanyang mukha.

"Donya Hilaria huwag niyo pong saktan si Ina ako po ang nagsabi sa kanya na magpahbga sandali at ako na gagawa ng kanyang gawain" dahiulan ng babae at lumapit ito sa kanyang ina at napayakap.

"Ah ikaw ba nagsabi sa kanya mamahinga?" sabi ni Donya Hilaria at ibinuhos pa niya ang isa pang timba ng tubig sa mag-ina.

"Sa akin kayo nagtatrabaho ay wala kayong karapatan na mamahinga hangga't hindi ko sinasabi!, naiintindihan niyo ba ako ha Catalina at Luciana!?" sabi pa ni Donya Hilaria at ibinuhos pa ang isang timba sa kanilang dalawa.

Nasa puder ni Donya Hilaria Si Donya Catalina at Luciana para pagtrabahuin sa dati nilang tahanan, si Donya Hilaria ang nagsabi sa kanyang asawa na gawing mutchacha sa Hacienda Montecillo ang nabihag na sina Donya Catalina at Luciana kaya sapilitan silang kinuha sa piitan at naiwan mag-isa si Veronica.

"Napakasama talaga ng ugali mo Hilaria, anong bang nagawa ng pamilya nain sa iyo upnag maltratuhin at parusahan ng ganito? Kinamkam niyo na lahat ng aming ari-arian gusto pa ninyo na pahirapan kami kahit na nakalugmok na kami sa putikan" may galit na sabi ni Donya Catalina at napasama ng tingin si Donya Hilaria at hindi nagustuhan angt mga sinabi kaya naman lumapit ito at hinablot si Donya Catalina sabay hawak sa bibig niya at lumapit siya sa tainga nito at may sinabi.

"Huwag niyo pong sasaktan si Ina!" Sabi ni Luciana at pipigilan sana niya ang kung anong gagawin ni Donya Hilaria sa ina ngunit tinulak siya ni Donya Hilaria at napasubsob sa putikan.

"Ito ang tatandaan mo Catalina, kulang pa ang mga ito at hindi sapat pa sapat ang paghihrap niyo, hangga't hindi ako nasisiyahan sa mga ginagawa ko ay patuloy kayong nasa ibaba at nakalugmok sa lupa" galit na sabi ni Donya Hilaria at bigat ng bawat buntong hininga ni Donya Catalina pero hindi dsiya nagpakita ng takot sa bruhang donya.

"Tandaan mo din ito Hilaria, hindi man namin mabawi ang lahat ng kinuha niyo sa pamilya ko at sa bayan na ito, nakatitiyak ako na isang araw sinusumpa ko sa ngalan ng Poong Maykapal na siya na ang bahala maningil sa lahat ng ginawa niyo kasamaan sa pamilya ko, sa bayan na ito at sa lahat ng mga taong pinahirapan niyo at pahihirapan niyo pa lang!" may panunumpang sambit ni Donya Catalina at nainis lalo ditto sa Donya Hilaria kaya naman hinigpitan niya pa lalo ang hawak sa mukha nito at binirahan ng sampal sa mukha at nginudngod ang mukha sa putikan.

"Ang kapal ng mukha mong bantaan akong hampaslupa ka, akala mo kung sino ka!" galiyt na sabi ni Donya Hilaria at ngingudngod pa lalo siya ni Donya Hilaria sa putikan na halos pumasok na ang putika sa kanyang bibig at ilong.

"Donya Hilaria tama na po nasasaktan na po ang aking ina" pagpipigil ni Luciana kay Donya Hilaria at hindi niya pa rin tinigilan si Donya Catalina sa pagmamaltrato.

"Ganyan dapat nararapat sa isang katulad mo! Ang nakalugmok lamang sa lupa, wala kang karapatang umangat Catalina tandaan mo yan, sabay sabay kayo ng pamilya mo na mabubulok sa lupa!" gigil pa niyang sabi at sa oras na ito ay hindi na napigilan ni Donya Crecensia at Victoria na pigilan si Donya Hilaria.

"Hilaria tama na iyan, baka mapatay mo pa siya" sabi ni Donya Crecensia at hinawakan naniya ang braso ni Donya Hilaria para pigiulan ito "Nadudumihan na ang iyong damit at hindi na dapat pinapatulan ang mga katulad nila" sambit ni Donya Crecensia at nagpapigil naman siya at inis na inis niyang binitawan si Donya Catalina.

At napasigaw na lang sa inis at nagdadabog na nilisan ang lugar at pumasok sa loob ng mansyon, sumunod naman sa kanya si Donya Crecensia.

Nasaksihan lahat ni Victoria ang ginawa ni Donya Hilaria sa kawawang mag-ina ngunit wala siyang magawa at kailangan nilang magpanggap na kakampi sila ni Gobernador at Donya Hilaria upang hindi sila maghinala na mapagbalatkayo sila at may pinapalano na laban sa kanila.

Naiyak na lamang si Donya Catalina sa ginawa sa kanila, wala naman silang magagawa kundi sikmurain ang lahat ng pangaabuso na kanilang nararanasan, pinunasan ni Luciana ang mukha ng ina na punong puno ng putik.

Sa sobrang awa ni Victoria ay nahihiya siyang lumapit sa mag-ina at lumuhod ito para makapantay sila, iniabot naman niya ang panyong kanina pa niya hawak, napatingin naman sa kanya si Donya Catalina at Luciana.

"Patawarin niyo po ang nagawa ni Donya Hilaria, alam ko pong sukdulan ang kanyang kasamaan niya ngunit sana sa pammamagitan ng panyo na ito ay mapawi ang sakit na inyong nararamdaman" sabi ni Victoria at nakayuko niya itong sinabi.

Hindi namna tinanggihan ni Donya Catalina ang panyo na hawak ni Victoria at napatingins I Victoria sa akanya at nakita niyang ginamit niya itong pamunas sa kanyang mukha.

Napangiti naman si Victoria sa ginawang iyon ni Donya Catalina at nagkatinginan silang dalawa sa mata at napakunot noo naman si Donya Catalina.

"Mabait ka at salamat sa panyo na ito, huwag ka sana maging katulad na pangabusong kagaya nila Facundo at Hilaria" sabi niya at ngumiti lang siya.

"Victoria! Victoria!" rinig ni tawag ni Donya Crecensia sa kanya kaya naman napatayo siya "Halika ka nga dito baka may makakita sa iyo!" ani pa ng ina niya.

"Pasensya na at kailangan ko ng umalis" sabi ni Victoria at agad siyang tumayo at lumapit sa ina niya.

"Ngunit ang panyo mo" sabi pa ni Donya Catalina ngunit hindi na siya narinig ni Victoria.

Pagkabalik ni Victoria sa kanyang Ina ay sinabihan siy nito.

"Mag-iingat ka sa iyong kinikilos Victoria, ayaw kong maghinala sa atin sila Facundo at Hilaria naiintindihan mo ba ako?" bulong ni Donya Crecensia sa anak niya.

"Opo ina" matipid na tugon ni Victoria.

------------------

Malalim na ang gabi, sa mansyon ng mga Santibanez ay mahimbing na natutulog ang pamilya, ang hindi nila alam ay may nagabang na trahedta na gigimbal sa buong pamilya nil at sa bayan ng Santa Clara.

"Ano tapos na ba kayo sa aking ipinaguutos sa kanilang banda ng mansyon?" tanong ni Heneral Castellano sa mga guardia sibil.

"Opo heneral nagawa na po namin" sagot ng mga guardia sibil.

"Mabuti kung ganoon, ngayon ay ikalat niyo sa silangang bahagi ng mansyon ang mga natitira kahon ng pulbura" pag-uutos ng Hneral sa mga guardia sibil.

"Masusunod Heneral Castellano" tugon ng mga guardia sibil at kanila naman na itong sinunod.

Ipinagutos ni Gobernador Facundo at Donya Hilaria na bigyan ng isang patikim ang pamilya Santibanez, kaya kanilang naisipan nilang sunugin ang mansyon ng mga santibanez habang sila ay nahihimbing ng tulog.

Masyadong magalaw at makaluskos ang mga guardia sibil kaya naman naalimpungatan si Crisostomo at nagising ito, nakaramdam naman ng kaba ang binate kaya naman sumilip siya sa bintana kung may tao at hindi siya nagkamali ng hinala at nasaksihan niyang kinakalat ng mga guardia sibil ang mga pulbura sa bahay nila kaya napasigaw siya.

"PENDEJADAS! MGA PUNYETA ANONG SA TINGIN NINYO ANG GINAGAWA NINYO!?" sigaw ni Crisostomo sa mga guardia sibil at nakita siya ng mga ito at kaagad naman siyang pinaputukan ng baril, nakaiwas naman siya sa mga tama nito.

Dahil sa putok ng baril ay kaagad na nagising si Don Fernando at Donya Esperanza.

"Sinumulan na ang paggsunog" utos ni Gobernador Castellano at hawak ng isang guardia sibil ang sulo at akma na sana itong sususnugin ang mga pulbura ngunit may biglang bumaril sa guardia sibil na inutusan kaya naman tumumba ito.

"Mierda!" sabi ni Heneral Castellano at maya maya ay sunod sunod pang pagputok ng baril ang narinig nila Heneral Castellano na ipinaptma sa kanila kaya naman napayuko sila at nagtago para hindi sila matamaan ng bala.

"Punyeta saan nanggagaling ang mga iyon!?" galit na tanong ng heneral "Maghanda! May mga kalaban tayo!" utos ng heneral sa mga guardia sibil niya.

"Sugod mga kasama huwag pababayaan na makagawa na naman sila ng kasamaan!" sigaw ng lalaking nakatakip ang mukha at nagpatuloy siya sa pagbaril at kada putok niya ay isang guardia sibil ang kanyang napapatay.

"Ang mga rebelde! Paano nila nalaman na nandito tayo!?" sambit ni Heneral Castellano at ikinasa na niya ang knayang baril at nagsimulang umasinta ng kalaban.

Sa loob naman ng mansyon ay sumilip si Don Fernando sa labas ng bintana at nakita niyang nagkakaputukan na ang dalawang panig kaya naman agad siyang lumapit sa asawa niya at lumabas sila ng kwarto.

"Anong nangyayari Fernando!?" may takot na tanong ni Donya Esperanza sa kanyang asawa.

"Hindi ko rin alam Esperanza ang mahalaga ay makapagtago tayo" sabi ni Don Fernando at dumeretso sila ng baba at nagpunta sa kusina.

May lihim na taguan sa ilalim ng kusina ang tahanan ng mga Santibanez na sa oras na dumating alanganin na pangyayari o digmaan ay kaagad silang makapagtatago.

Sa kusina nagaabang ang mga kasambahay nila at inihand na ag silong para doon sila ay mananatili habang kasalukuyan na nagpapalitan ng bala ang magkabilang panig ng rebelde at gobyerno.

"Samahan niyo muna ang aking asawa hangga;t hindi natatapos ang tension ay huwag kayong lalabas intiendes?" paalala ni Don Fernando sa mga kasambahay nila at pumasok na agad sila sa loob ng silong para magtago.

"Sandali Fernando saan ka pupunta!?" tanong ng asawa niya habang hawak ang kamay hindi binibitawan.

"Panahon na upang ako'y hindi manahimik at ipagtanggol ang ating bayan, hindi ko na maatim ang ginagawa nila kaya ako ay kikilos na" sambit ni Don Fernando at may kinuha siya sa loob ng silong, isang mahabang riple at dalawang kahon ng baril.

Tutuloy na sana sa laban si Don Fernando ng may sabihin si Donya Esperanza sa kanya.

"Magiingat ka, ipangako mo na babalik kang buhay sa piling ko" sabi ni Donya Esperanza at lumapit naman si Don Fernando at humalik sa kanyang labi.

"Pinapangako ko Esperanza" sabi niya at humalik pa ito sa noo ng asawa at lumisan.

Pumasok na sa loob ng silong si Donya Esperanza kasama ang ilan sa mga kasambahay nila, puno ng kaba ang puso ni Donya Esperanza para sa kanyang asawa at anak na si Crisostomo na nasa gitna ng digmaan.

Lumuhod si Donya Esperanza kasama ang mga kasambahay niya sa harap ng maliit na latar na kanyang ipinagawa dito sa silong at nagsimula silang magrosaryo para sa ikapapayapa ng lahat at ikaliligtas ng kanyang anak at asawa.

----------------

Nakapag update din ako! Jusko ilalaban ko na talaga to na matapos at bibigyan ng hustisya ang lahat ng mga nangyari sa kanila, hanggang ditto na lang muna ang update ko na ito at next chapter na ang isa pang climax, anon a kaya nag mangyayarisa pamilya santibanez? Magwawagi kaya ang plano ni Heneral Castellano? Or magagapi kaya sila ng mga rebeldeng sumabay sa pagsalakay sa kanila?

Abangan na lang sa sususnod na kabanata, malapit lapit na tayo sa katapusan! Kaya salamat sa pagsuporta at mahal ko kayo <3

Continue Reading

You'll Also Like

400K 1.6K 5
Bernadette was once a normal student of Saint Runes Academy until she found out that she's the Chosen Seed. She then realized the importance of her a...
22.1K 683 184
A famous student and model Charity Villaruel was involved in a scandal video that leads to their classmate's death. Find out how the story unfolds o...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.5M 293K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
692K 2.8K 7
BOOK 2 Alaala ay nawala, Aking babawiin, Ng malaman nila ang lahat, Ay huli na, Kaya pagsisisi ay nasa huli, Ngunit pagpapatawad ay mananaig, Dahil s...