Claiming Emanuela Velasco (Ni...

By AshantiEverly

35K 642 34

Nasa kasagsagan ng pagdedeliver ng relief goods sina Emanuela Velasco kasama ang mga bodyguards niya nang ma... More

To the Readers
Kabanata 1:Relief Goods
Kabanata 2: Nag-iisa
Kabanata 3: Barbak
Kabanata Apat - White and Black Lady
Kabanata Lima - Barbak on the Way!
Kabanata Anim - Sina Happy Field at Daniel Dos
Kabanata Pito - Paghihintay
Kabanata Walo - Bodyguards
Kabanata Siyam - Paglipad
Kabanata Sampu - Frederico
Kabanata Labing-isa - Misteryosong Lalaki
Kabanata Labingdalawa - Mansiyon ni Dovee
Kabanata Labingtatlo- You're Truly a Beast
Kabanata Labing-apat- What Made Him Dangerous
Kabanata Labing-lima - A Tough Decision
Kabanata Labing - Anim - Getting to Know Each Other
Kabanata 17: Isa, dalawa, takbo!
Kabanata 18: Pagbabalik sa Nakaraan
Kabanata 19: Huli Ka!
Kabanata 20: Pagsubok

Kabanata 21: Cheers

2.4K 59 14
By AshantiEverly

Kabanata 21: Cheers

"P-PATAY na ba siya?" nanginginig ang boses na tanong ni Daniel.

His heart broke upon looking at the bloodied figure of Emanuela. His woman. His meñuza.

Nagising siyang puno ng dugo ang katawan ngunit ang mas malala sa lahat, ang matamis na dugo ng babae ang nalalasahan niya sa labi. It sickened him. How could he? Bakit hindi niya nagawang kontrolin ang halimaw?

"Kung patay na siya, matagal na tayong sumunod sa kanya. Malakas siyang babae kahit ganyan siya kaliit." Tumaas ang sulok ng labi nito. "Natalo ka niya."

Mapakla siyang ngumiti. "Yeah." She's a strong woman. Ilang ulit na nitong ipinakita sa kanya. Tunay nga itong karapat-dapat na tawaging reyna.

"Kailangan na natin siyang ipagamot. Napakarami nang dugo na nawala sa kanya."

His eyes dragged on her shoulders. It was teared open and was bleeding heavily. Basang-basa na ang tela na inilagay nito sa babae.

Pinangko ito ng lalaki. The beast inside him protested. He should be the one carrying her. Pero hindi niya magawang pagkatiwalaan ang sarili. Muntik na niya itong napatay.

"Bakit hindi mo siya tinulungan? Naamoy ko ang malangsa mong baho kanina."

Naramdaman niya ang presensya nito kahit na nasa ilalim siya ng kontrol ng halimaw. Wala lang siyang magawa upang talunin ito. He was pathetic.

"May batas tayong sinusunod. Mahigpit na ipinagbabawal na makialam kami sa Pagsubok. May alam ka bang manggagamot na malapit dito/"

That reminds him.

Kinapa niya ang bulsa ng pantalon. Nang makita ang hinahanap, agad niya itong nilabas. "Put her down. may gamot ako dito."

Matagal siya nitong tinitigan.

His claws trembled. He wanted to rip his throat for being this stubborn but held himself. Hindi ito ang oras.

"Mahalaga ang bawat segundo. Siguraduhin mong epektibo iyan." Sa unang pagkakataon, naiintindihan niya ito. Their lives depended on the survival of Emanuela. But his life will be meaningless if he's not on her side.

"Huwag kang mag-alala. Pinagawa ko ito kay Dovee."

"Iyong Nicomedu?"

Tumango siya.

He made a hesitant step toward her. Mawawalan ba ulit siya ng kontrol?

"Nandito lang ako."

Salamat, pipi niyang tugon. Kaya niya ito.

Lumuhod si Daniel sa katawan ni Emanuela.

The cuts, blood, broken ribs, bloodied lips, he did all of these. Hindi niya mapapatawad ang sarili.

Kahit na nanginginig ang mga kamay, maingat niya pa ring inangat ang ulo nito at nilagay sa kandungan niya. She was deathly pale. She looked...dead.

Tumigil ka. Hindi pa siya patay. Nagpapahinga lang siya.

Inilapit niya ang bibig ng maliit na bote sa labi nito at pinatakan ng isang patak.

"Paano mo nalaman na epektibo iyan?" tanong ng ibon.

"Buhay pa tayo. Iyon ang mahalaga," sagot ni Daniel. "Pagkatapos nito, iuwi mo siya sa kanila."

"Hindi ko iyan nakakalimutan."

Good.

He sighed in relief when the bleeding stopped. Hindi nasayang ang ilang milyon na ibinayad niya kay Dovee. "It's working." Ginawa niyang kwintas ang maliit na bote. Isinabit niya iyon sa leeg ng babae. "Bigyan mo siya ng isa pang patak kapag nagkamalay na siya."

Binuhat ni Daniel si Emanuela.

He could barely feel her weight. Ninamnam niya ang malambot nitong katawan. Unang pagkakataon na binuhat niya ang babae. Napakarami niyang dapat pagbayaran dito.

"Anong mangyayari sa iyo?"

"Wala ka nangg pakialam doon."

"Kung iyan ang gusto mo."  May itinuro ito. "Gusto mong kunin ko iyang kutsilyo sa likod mo?"

"Kaya ko na." Tiningnan niya sa huling pagkakataon si Emanuela bago ibinigay sa ibon. "Guard her with all your life."

"As you wish."

Kinapa niya ang likod. May nakabaon nga sa likod niya. Kaya pala may kung anong masakit. Kinuha niya iyon. "Nearly hit my heart." Tumalikod siya. "Umalis na kayo."

Three months later...

Tahimik na pinagmamasdan ni Emanuela ang mga estudyanteng paroon at parito. Mamayang alas tres pa ang klase niya kaya nagagawa niyang maglagi dito sa circular bench. Sa loob din ng tatlong buwan, hindi pa rin siya dinadalaw ni Alvin upang ibalita ang tungkol kay Az. Baka wala pa talaga itong balita sa lalaki.

May mga gabing napapanaginipan pa rin niya ang lahat ng nangyari sa kanya sa Hancia. Makikita na lang niya ang sariling umiiyak.

Gising na siya nang makarating sa bahay nila. Wala ni anumang bakas na makakapagpatunay na nangyari nga ang gabing iyon maliban sa damit niya na puno ng dugo. Nang tanungin niya si Alvin kung ano talaga ang nangyari, hindi ito agad umimik. Ang sabi nito, kalimutan na lang daw niya ang lahat. Hindi naman siya babalik sa lugar na iyon.

Sa mga unang araw nang makabalik siya, dinumog ng mga reporters ang bahay nila, pilit na kinukuha ang tunay na nangyari. Bali-balita na kinidnap daw siya ng mga rebelled at humingi ng ransom money sa halagang limang milyong piso. Pinasinungalingan niya ang lahat ng iyon at sinabing bumagsak ang helicopter na sinasakyan nila. Matagal silang narescue dahil walang anong sasakyan na dumaan.

Hindi na rin niya sinabi ang tungkol sa Hancia. Natatakot siyang kapag ikinuwento niya ang lugar, maaaring mapahamak ang mga buhay ng mga nilalang na nakatira doon.

Kinuha niya ang aklat sa bag. Lumabas ang nobela ni Anne Rice na pinamagatang Interview with a Vampire. Hindi iyon ang mga librong binabasa niya noon. Para sa kanya, masyadong unrealistic pero pagkatapos makilala sina Alvin, napagtanto niya na may katotohanan naman pala ang ilang mga bagay na akala ng tao ay likhang isip lamang.

"H-hello. Nagbabasa ka pala ng mga ganyan."

Nag-angat siya ng tingin. Isang babaeng nakasalamin ang nakatingin sa kanya. Ngumiti siay rito. "Oo. Pampalipas oras. Maupo ka pala." Inilipat niya ang bag sa kanan niya. Atubiling tumabi ang babae. "Ako nga pala si Cherry. Maari mo rin akong tawaging Emanuela." Cherry ang tawag ng mga kaklase niya sa kanya. Pang-matanda raw ang Emanuela na pangalan. Wala naman siyang pakialam dahil ang mga taong tumatawag sa kanya ng Emanuela ay iyong mga kaibigan niya lamang.

"W-Winona. Mahilig rin ako sa mga paranormal romance. Favorite ko iyong Dark Hunter Series ni Sherrilyn Kenyon."

Napanganga siya. Mahigit dalawampo na ang series na iyon. Isa palang ang nababasa niya pero maganda ang kwento. "That's nice. May complete collection ako niyan sa bahay. Maari ko iyang ipahiram sa iyo mamaya."

Nanlaki ang mga mata nito. "N-ngayon lang tayo nag-usap. Nagtiwala ka agad sa akin?"

Weird mang pakinggan pero nakikita na niya ang nakaraan at hinaharap ng isang tao magmula nang makabalik siya dito. Natakot siya noong una pero kalaunan, nagawa balewalain ito. Akala niya hindi na babalik ang kakayahang iyon ngunit kanina, nang lumapit ang babae, nakita niya ang nakaraan nito. Ang lahat ng paghihirap nito. Higit sa lahat, alam niyang mapagkakatiwalaan ito.

Kinuha niya ang kamay nito.

Images of them laughing together on a beach suddenly appeared. Nagpapaligsahan silang dalawa sa pagtakbo habang tahimik na nakamasid sa kanilang dalawa ang dalawang lalaki. Hindi niya masyadong maaninag iyong isa ngunit namumukhaan niya iyong isang lalaki bilang si ...Daniel.

Agad niyang binitiwan ang kamay ni Winona.

Kumunot ang noo ng babae.

"May dumi ba ang mga kamay ko? Patawad," malungkot na saad nito.

Umiling siya.

"Wala iyon. Na-praning lang ako. Balita ko idolo mo raw iyong daddy ko."

Napasinghap ito. "Kanino mo nalaman? Huwag ka sanang magalit. Napakabait kasi niya. Matulungin sa mga mahihirap na katulad ko –"

Humalakhak siya. "Relax ka lang, Winona. Hindi ako galit. Tama. Kailan ba matatapos ang klase mo?"

"Five p.m."

"Good. Magkita tayo sa library sa oras na iyan. Isasama kita sa bahay. Ibibigay ko sa iyo iyong mga books. Nagbabasa ka rin ba ng mga gawa ni Kresley Cole? Bakit hindi mo subukan iyong Immortals After Dark niya? Paranormal romance rin iyon na hinaluan ng action at humor."

"S-sigurado ka ba? B-baka may mawala sa mga gamit ninyo?" nababahala nitong tanong.

Isang imahe ni Winona na pinagsasapak ang lumitaw sa isip niya. Pinagbibintangan ito ng isang lalaki na kinuha raw ang pera nito  kahit wala naman itong ebidensya.

May kung anong bumangon sa puso niya.

Naikuyom niya ang kamao. Gusto niyang ipaghigante ang babae mula sa lalaking iyon. Walang sino man ang mananakit sa mga kaibigan niya.

"Emanuela?"

Ilang ulit siyang kumurap.

One of this days, ipapakulong niya ang lalaking iyon. Pilit siyang ngumiti sa babae. "Yes?"

"Bigla ka na lang nag-blank out. May problema ba?"

Oo. Itong hindi makontrol na abilidad na ito. Maybe it was of that bite. Baka may naipasang rabies si Daniel kaya siya nagkakaganito.

"W-wala naman." Tumayo siya. "Iyong usapan natin, ha? Sige na. Pupunta na ako sa klase ko. Hanggang sa muli, Winona."

ALAS-SINGKO Y KINSE sila lumabas ng library. Dumiretso agad sila sa guard house at hinintay ang sundo niya. Sa tabi niya, hindi na mapakali ang babae. Para namang giyera ang susugurin nila.

Hinayaan na lamang niya ito.

Winona reminded her of her older self. Ganyan din ang kilos niya sa tuwing may pupuntahan sila ng daddy niya. Hindi rin siya mapakali. Panay ang pakiusap niya sa ama na huwag na lang siyang isama. Matatapos naman ang event na dadaluhan nito kahit na hindi siya kasama pero hindi papayag ang daddy niya. Socialization daw iyon para sa kanya.

"Kailan mo pala nalaman ang tungkol sa akin?" tanong niya. Alam na niya ang sagot. Nakita na niya iyon sa nakaraan ng babae. Mahigit isang taon na pala siya nitong tahimik na sinusundan. She just wanted to know her. And she thought nobody wanted to befriend her. Nagtatago lang pala ang taong totoong gustong makipagkaibigan sa kanya.

"S-sa newspaper. Nabasa ko," sagot nito na hindi tumitingin sa kanya.

Hindi na muna niya ito pipilitin. Naiintindihan naman niya kung bakit ito nagsinungaling. May trust issues ito.

"Ganoon ba? Pasensya na kung natagalan si Manong Ed, ha? Baka na-traffic lang."

"P-pwede naman tayong mag-jeep na lang."

"Patay ako kay daddy kung gagawin natin iyon. Paranoid pa siya hanggang ngayon. Natatakot siyang baka maulit na naman ang pagkawala ko."

"Narinig ko nga ang balita sa nangyari sa iyo."

Natigil ang pag-uusap nila nang tumigil ang isang sasakyan sa harap nila. "Winona, dumating na si Manong Ed. Halika." Bumama ang bintana at napatigil siya sa paglapit sa sasakyan. Bakit siya nandito?

"Sumakay na kayo."

"S-sino siya? Hindi ko naman siya nakita noon dito. B-boyfriend mo?"

"O-of course not! Bakit ka naririto? Nasaan si manong?"

Meeting his gazes was a big mistake. She saw both of them on his palace. Nasa tabi niya ang lalaki habang tinutulungan ito sa pamamahala sa Lorentz Clan. She shook her head a couple of times just to clear her head. Those were not real. There's no way that they will be together.

Ibinaba ni Daniel ang suot nitong shades. Tumalon ang puso niya nang makita ang maitim nitong mga mata. She missed...him. The way he looked through those black piercing eyes like ge could see your soul.

Nababaliw ka na. Huwag kang umakto na parang isang high school student.

 Humalukipkip siya.

"Pumunta na ako sa bahay ninyo. Sinabi ko sa ama mo na ako ang susundo sa iyo."

"At gusto mong maniwala ako sa iyo?" He surely used some magic on his father. Hindi basta-basta nagtitiwala ang daddy niya sa kani-kaninong tao.

"I have my proofs." Inilabas nito ang isang maliit na papel at binigay sa kanya. Marahas niya itong hinablot. "Mayroon pa ako dito kung hindi pa sapat ang sulat na iyan."

I meet this fine man.

Why did you not tell us about such important thing, Emanuela? We are your parents. Sumama ka sa kanya. We. Need. To. Talk. ASAP.

                                                      Love always,

                                                      Watermelon

Pinaningkitan niya ito ng mata.

Totoong nanggaling ang sulat sa ama niya. Siya lang ang nakakaalam sa tawagan nilang dalawa. Watermelon.

"P-parang importante yata ang gagawin ninyo. B-bukas na lang ako sasama."

 Napabuntong-hininga siya. "Patawad, Winona. Bukas na lang. Babawi ako."

"A-ayos lang."

"Shall we go?" tanong ni Daniel nang makaalis na si Winona.

Walang imik siyang pumasok sa  sasakyan at pabalibag na isinara ang pinto.

 "Naligaw ka yata," untag niya sa katahimikang namamayani sa kanila. Before, she loved to savor the silence of her surroundings but now, she wanted to broke the silence and tell him a lot of things. Odd for her. She was the silent and shy type.

Napakislot siya nang sampalin ng katotohanan.

Siya iyon noon. And now, she totally changed and became a freak now. Getting more creepy as ever. A while ago, she saw both of them hugging.

Bumalot ang kilabot sa puso niya. That won't happen.

Nag-init ang mukha niya. She was not the easy type.

"I came for you to ...see that you're doing okay."

"No need to worry. I survived the attack." It was real. "Maayos akong naiuwi ni Alvin. MAari ka nang bumalik doon sa kastilyo mo."

"Please forgive me. Maybe if I just killed myself before the possession I won't have the chance to hurt you like that."

Kinurot ang puso niya sa kalungkutang bumalot sa boses nito. Ngayon lang niya nakitang ganoon kalungkot ang lalaki. Gusto na lang niya itong yaka-

Ano itong sumanib sa kanya? Hindi siya ganito ka-aggressive sa isang lalaki.

"I can see now glimpses of the past and future but I didn't see this coming. Ang hari ng Lorentz Clan, humihingi ng tawad sa isang tao? Didn't see this," naiiling niyang saad.

Muntik nang mabagok ang ulo niya nang bigla itong pumreno.

Nanlilisk ang mga matang tinitigan ni Emanuela si Daniel. "Huwag mo sanang kalimutan na isang mortal ang kasama mo."

Bigla siya nitong hinawakan sa magkabilang balikat. "Ulitin mo ang sinabi mo."

"Alin doon? Hindi ko na matandaan."

"About seeing the future."

Kinuha niya ang kamay ng lalaki. Unlike her hands, his were calloused. Big. Fit for him.

"Salamat sa iyo," sarkastiko niyang saad. "Sa tuwing may nakikita akong mga tao bigla-bigla ko na lang nakikita ang mga sikreto nila na dapat hindi ko malaman. I wanted the images to stop. Parang baliw akong titingnan ng mga tao. Ayos lang. Wala naman akong pakialam. May alam ka bang eksplenasyon sa kondisyon kong ito? Or worst will I become a rabid animal? You bit me."

Binuhay ni Daniel ang makina at pinaharorot ang sasakyan. "Hindi ka magiging lobo. Wala pang naitala sa buong kasaysayan ng Hancia na naging lobo ang isang tao. It must be the side effects of the medicine."

Awtomatikong pumunta ang kamay niya sa kwintas na ang pendant ay isang maliit na bote na may kulay pink na laman. Nandoon na iyon sa leeg niya nang magising siya. "Ikaw pala ang nagbigay nito. Nakokonsensya ka ba sa ginawa mo?"

"Very much. Masaya ka na? Humingi na ako ng tawad sa iyo. Ano pa bang kulang?"

"Bumalik ka sa pinanggalingan mo at mawala ka na sa buhay ko. My life was peaceful for the last three months. Bakit kailangan mo pang bumalik?"

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Mag-ingat ka, Emanuela. The person who brings chaos to your life will also be the one who'll restore peace."

"Nakakatawa. Saan mo naman natutunan iyon?  Sumasakit tuloy ang ulo ko sa iyo. Hey. Bakit huminto ka na naman?"

His feautures flood with worry. "Take one drop of the liquid. It will ease the pain."

"Hindi na. Ayokong umasa sa mga gamot. How did you know our house?"

His lips curled. Gusto niyang batuhin ang mukha nito para lang maalis ang kakaibang ngisi ng lalaki. Napakaarogante. "Kahit na matagal na akong hindi nakapunta rito, marami pa rin akong koneksyon."

Sa bagay. Hindi rin naman mahirap hanapin ang bahay nila. Kilala sa lipunan ang daddy niya. "Magkano ba naman ang binayad mo? Nagwawaldas ka lang ng pera. Mas mabuting i-donate mo na lang iyang mga pera sa mga mahihirap."

"Nagawa ko na iyon. As much as I wanted to continue this conversation with you, the senator's waiting."

Bumaba si Daniel at pinagbuksan siya ng pinto. "Hindi mo na kailangang magpaka-gentleman. Kaya ko pang magbukas ng pinto mag-isa."

Marahas itong napabuntong-hininga at pabalibag na isinara ang pinto. "Mag-ingat ka sa mga gamit na hindi mo pagmamay-ari."

"Huwag kang mag-alala, mahal kong reyna. Kayang-kaya kong palitan ang kotseng iyon kahit ilan pa ang gusto mo."

"Hindi ka pa rin nagbabago."

Nagpatiuna siya ng lakad.

"Ikaw rin. You're still testing my temper"

Sinalubong silang dalawa ng katulong sa may pinto. Kukunin sana nito ang bag niya kung hindi lang niya pinigilan.

"Saan sina daddy?"

"Nandoon po sa sala."

Nagpasalamat siya rito. Napahinto siya nang makita ang napakaraming pagkain na nakahanda sa mesa. Animo may pista sa daming pagkain na nakahain. Nauna na rin sa kasiyahan ang mga magulang niya.

"Sinong may birthday? Tapos na naman ako sa birthday ko," deklara niya.

"Kailan ang kaarawan mo?" tanong ni Daniel.

Noong nakaraang buwan ang kaarawan niya. Kaunti lang naman ang bisita. Iyong malapit na kaibigan lamang ng daddy niya. Wala siyang inimbitang mga kaklase dahil hindi naman sila ang tunay niyang mga kaibigan. Pero sa susunod na taon, mayroon na siyang madadala rito. Si Winona.

"Wala kang pakialam."

"Emanuela!" nanlaki ang mga matang bulalas ng mommy niya. "Saan mo natutunan ang ugaling iyan?" Sa katabi ko. "Humingi ka ng tawad kay Mr. Trinidad."

Sabay na lumapit kay Daniel ang mga magulang niya. Pambihira. Siya ang anak. Siya dapat ang unang kinukumusta.

Pinanlisikan niya ng mata ang lalaki nang ngumisi ito.

Todo-hingi ng tawad naman ang mga magulang.

Kung alam lang nila ang ginagawa nila.

Umupo siya sa sopa, kumuha ng isang slice ng cake.

Matatalim ang tinging tiningnan niya ang tatlo. Enjoy na enjoy naman ang lalaki sa atensyon na ibinibigay ng dalawa rito.

"Emanuela," ani ng daddy niya. "Nagpasalamat ka man lang ba kay Mr. Trinidad sa pagsundo niya sa iyo?"

Hindi siya umimik bagkus nagpatuloy lang sa pagkain.

Pinaupo sa tabi niya si Daniel. Ano itong ginagawa ng mga magulang niya? Are they selling her to the wolf?

"Hindi mo sinabi na kasama mong na-stranded sa isa si Mr. Trinidad."

Iyon ang pagkakataon niyang mabilaokan. Agad na ibinigay sa kanya ni Daniel ang isang  basong juice habang hinimas ang likod niya.

Nagkatinginan ang mga magulang niya hanggang sumilay sa ang kakaibang ngiti sa bawat isa.

Nanghilakbot siya nakita. "Dad-"

"Huwag na po nating ipaalala kay Emanuela ang pangyayaring iyon. She was still afraid."

Ibinaba niya ang baso at lumayo sa lalaki. Kung ipagpapatuloy nito ang ginagawa nito baka makalimutan niyang dapat pa niya itong pahirapan. She held no grudge in him. Naiintindihan niya na hindi ito tao. Na may kakaiba ring nangyayari dito na hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan.

Sa loob ng tatlong buwan, hinintay ni Emanuela si Daniel upang marinig sa labi ng lalaki ang katagang, "Patawad." Gusto rin niyang makita na ayos rin ang kalagayan nito. Na hindi nito sinisisi ang sarili sa nangyari sa kanya. Pero hindi ito dumating. The more she let her self believed that that evening didn't happen. At nagtagumpay siya. Kinukwestyun na niya ang sarili kung totoo ba iyon.

"Mommy, daddy. Maari bang iwan na muna ninyo kami? May kailangan lang kaming pag-usapan ni Mr. Daniel Trinidad."

"Mr. Trinidad, kahit marami kang koneksyon kapag pinaiyak mo ang anak ko, handa akong matulog sa bilangguan."

Inikot niya ang mga mata. "Dad. Hindi na kailangan ang mga pananakot na iyan." Hindi iyan tatalab sa kanya. "Mag-uusap lang kami."

"Pabayaan na muna natin ang mga bata, Honey. Hayaan natin silang umayos sa hindi nila pagkakaunawaan."

Mahina siyang napatawa sa kabila ng kaseryusuhan sa atmospera ng paligid. Kung alam lang ng mommy niya. Maaari na ngang pumasa bilang antique si Daniel. Man antique. Paniguradong mga babae ang unang dudumog dito. Sa mukha niyang iyan...

Kinuyog ng mommy niya ang daddy niya.

"Your staying so long. Ano nga ba talaga ang pakay mo dito?" tanong niya.

Napahalukipkip ang lalaki. "No offense but your parents are eavesdropping."

"Mom, dad. Kailangan namin ng privacy!" sigaw niya.

"Sorry, sorry."

"Umalis na ba sila?" Tumango ito. "Alright. Bilisan mo na. May mga assignments pa akong tatapusin."

"Sumama ka sa 'kin."

She stared at him and laughed. "Your kidding, right? Bakit naman ako sasama sa iyo? Hindi ako gusto ni Carmela. Pati na rin ang mga tauhan mo. Mahina ako."

Tumalim ang mga mata ni Daniel. "Huwag mong sabihing mahina ka. You are the first woman who knocked me. Then we had your back when we went to Lintos. You're a strong woman. Brave."

Mapakla siyang ngumiti. "Nakuha ko na. Malakas na ako kaya tinatanggap mo na ako pero kung patuloy akong naging mahina, hindi ka pupunta dito at magmamakaawa na sumama ako sa iyo. Parehas lang kayo ng ibang tao. You won't accept me for who I am!"

Pinagalitan niya ang sarili nang maramdaman ang maiinit na likidong nag-uunahan sa pagpatak. Mabilis niya iyong pinahiran.

Ito ba ang sinasabi ni Daniel na malakas na babae? Madaling umiyak?

Nagulat siya nang bigla na lang siyang kabigin nito at yakapin gaya noong nakita niya sa isip kanina.

He was whispering to her ears but she couldn't understand what he was saying. Naging blangko ang isip niya. Iisipin sana niyang hindi totoo ang nangyayari ngunit naramdaman niya ang mainit nitong kamay na humahagod sa likod niya.

"Inaamin kong hindi ako naging perpektong lalaki para sa iyo. paulit-ulit kitang nasaktan. But please give me another chance. I will prove to you that I am a better man now."

Inilayo siya nito sa katawan nito.  Natunaw ang puso niya nang pahiran nito ang mga luha niya. Nobody attempted to wipe her tears not even her nanny.

"You're asking for the impossible. Nag-aaral pa ako. Besides, what will be the reaction of your men?"

"They knew that you're their queen and they are looking forward in your arrival."

Nag-iwas siya ng tingin. Tinanggap nila ako dahil wala silang magagawa. Napipilitan lamang sila.

Tumayo siya.

Sawang-sawa na siyang ipagpilitan ang sarili sa iba. "Umalis ka na. Ayokong sumama."

Napahiyaw siya nang bigla na lang siya nitong hawakan at ipaupo sa kandungan nito. "What's your problem?"

Nag-init ang mukha niya nang amuyin nito ang buhok niya.

"We all make mistakes. Give my men another chance to prove that they had changed. Stop running away."

"I'm not running away. Ito ang mundo ko, Daniel. Huwag mo nang ipagpilitan ang mga bagay na hindi pwedeng mangyari."

"May dapat kang malaman."

"Ano iyon?"

Pinaharap siya nito. "You're becoming immortal like us. Hindi mo pa nararamdaman pero ilang araw mula ngayon magsisimula na ang pagbabago."

Lumayo siya rito. Pakiramdam niya hindi siya makahinga. "Naiintindihan kong hindi ko na maiialis ang kakayahan ko ngayon pero ang pagiging imortal...sobra-sobra na. Paano ka nakakasiguro na matutulad nga ako sa inyo?"

"It's one of the signs of humans becoming an immortal. Nabasa ko iyan sa libro galing sa ama ko. Sa kabilang banda, hinihigop ng mga Barbak ang enerhiya ng mga nilalang na kinakain nito maging ang mga kapangyarihan nila. Ang abo ng Barbak ang isa sa mga sangkap sa paggawa ng gamot na nasa sa iyo. Hindi ko alam na may epekto pala iyan sa iyo. Kung alam ko lang –"

"Save it. Wala ka rin namang mapagpipilian. It's either save me or I will die. Kung sakaling sasama ako sa iyo, anong mangyayari kina mommy?"

"Emanuela, hindi tayo ngayon pupunta sa Hancia. Hihintayin nating matapos ang pag-aaral mo. Pero hindi kita iiwan."

"Sinong mamamahala sa mga tauhan mo?"

"Si Ricardo."

Nanghihina siyang napaupo. Handa na ba talaga siyang bumalik sa Hancia at harapin ang mga nasasakupan ni Daniel? "Anong alibi natin kina mommy?"

Ngumisi ito. Kinutuban siya. "Sabihin nating magpapakasal tayo pero ihahanda na muna natin ang venue. Babalik tayo kapag maayos na ang kalagayan mo."

"Paano kung mas maaga ang-" Hindi niya magawang ituloy ang salita. Dahil natatakot siya sa maaring mangyari. "Hindi sila maniniwala sa alibi natin. Wala akong boyfriend. Hindi kita boyfriend. Hindi sila maniniwala agad."

Tumikhim ito. "About that...Sinabi ko sa kanilang nagkagusto na tayo sa isa't-isa. Ayaw lang nating aminin. Iniisip nila ngayon na pumunta ako dito para mag-confess. At sa transition, kapag mas napaaga, wala akong pagpipiliin kundi ibalik ka doon sa Hancia. Mas alam ng mga Nicomedu ang gagawin."

Walang ano-ano'y kinuha ni Daniel ang kamay niya at hinalikan.

Nawala ang takot niya sa puso. Napalitan ng hiya. At gusto na lang niyang mamatay dahil doon.

"Gusto kong magkatotoo ang sinabi ko sa mga magulang mo, Emanuela. Will you accept me as your man? Will you accept my heart?"

"Wala akong nakikitang puso," himig pagbibiro niyang saad.

"Don't waste your time finding it. It's already in your heart without you knowing it. Now, they are beating as one. So will you accept me?" tanong nito na puno ng sensiridad.

"B-bago pa ako sa mga usaping ito. But I want to give you another chance. Prove to me that you won't hurt me anymore."  Nagningning ang mga mata nito. Niyakap siya nito ng buong higpit. Kumalas siya nang biglang uminit ang parteng kinagat ni Daniel noon. "Tingnan mo nga. Parang napaso ako." Maingat nitong hinawi ang parteng itinuro niya. Napasinghap si Daniel. "May problema ba? Anong nangyari?"

"May lumitaw na marka sa balikat mo. But it's nothing to worry. It's a sign that we will have a better future." Hindi na siya magtataka. Nakita na niya ang buhay niya sa tabi ng lalaki. She will be treasured and loved by him.

"Baka bitter future ang ibig mong sabihin."

He feigned a shocked look. "You will pay for that. Hindi ko kailanman binabale ang mga salita ko. Except for the Trial. Bawiin mo ang sinabi mo."

Natatawa siyang tumayo. "Hoy Mr. Trinidad. Nakakalimutan mo yatang ako ang nakakakita sa hinaharap."

"And you could be lying," ani nito habang tinataas-taas ang kilay.

"How dare you. Ako ang reyna mo. Ako ang dapat mong paniwalaan." Huli na nang mapagtanto niya ang sinabi.

"Hmm. Reyna. Gusto ko iyan." Yumuko ito. "Anong gustong ipagawa ng reyna sa hari niya?"

"Off with your head."

Nawala ang ngiti niya nang ilabas nito ang patalim na ginamit niya noon sa lalaki. "As you wish, my queen."

He positioned the knife on his neck. Before he cut himself, she knocked the knife away from him. Natumba silang dalawa, siya ang nasa ibabaw nito. "Nababaliw ka na ba? Paano kung matuloy mo iyon?"

Kumurap-kurap si Daniel saka malakas na tumawa. Pinagpapalo niya ito sa braso nang mapagtantong pinaglalaruan lang siya.

Humiyaw ito sa sakit.

"Mabuti nga sa iyo. Tinakot mo ako doon. Huwag mo nang ulitin ang ganoong biro."

"Kung ano ang gusto ng reyna, gagawin ko. Huwag ka nang magalit diyan." Hinagkan nito ang noo niya.

"Natatakot talaga ako doon." Inilagay niya ang ulo sa dibdib nito.  Malakas ang tibok ng puso nito na sinabayan ng tibok ng puso niya.

"Patawad. Hindi na mauulit."

"Goodness. Honey, mahihimatay ako."

Agad na tumayo si Emanuela at hinarap ang mga magulang. Bakit hindi man lang siya binalaan ni Daniel na bumalik na ang mga magulang niya?  "Mommy, mali ang iniisip ninyo."

Pinagpag ni Daniel ang pantalon saka tumabi sa kanya.

"Tama ang iniisip ninyo, Mrs. Velasco. Sana po ay ayos lang sa inyo ang relasyon naming ito. Please give us your blessings."

Siniko ni Emanuela sa tagiliran si Daniel. Ngumiti lang ito sa kanya at umakbay.

Nagkatinginan ang mag-asawa. "Honey, anong masasabi mo?"

"Kung mahal siya ng anak ko, wala na akong magagawa. Ito rin ang isa sa pangarap ko. Ang magkanobyo siya bago makapagtapos ng kolehiyo. Natatakot ako sa iyo, Emanuela. Akala ko, man hater ka. Pero ngayong nakita ko na kayong dalawa, nasabi kong mali ako." Umiling-iling ito, kumuha ng kopita na may lamang wine. "Para sa inyong dalawa. Sana maging masaya kayo."

Maluha-luhang kumuha ng kopita ang mommy niya. Sinunod na rin nilang dalawa ang ginawa ng ama.

Itinaas nila ang mga kopita at ininom.

Cheers for their present and future.

                                                            Wakas

***

Dear Readers,

Thanks for reading Night Calling which is the book 1 for the Night Series. Kung nagustuhan ninyo ang aklat na ito, you can also proceed to book 2 of the Night Series entitled Night Magic. 

God blesses us!

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 82 24
Vasquez Series #3 After the tragic death of her brother inside the academy, Eurie Vasquez's world turned upside down. Consumed by grief and anger, s...
742 67 45
(Eleazar Cousin's Series #3) Paggusto mo ang isang tao, su-supportahan mo, ipapakita mo kung anong nararamdaman mo, ipagmamalaki mo at higit sa lahat...
322K 9.3K 43
Si Nica ay simpleng dalaga na may masayang buhay kasama ang kaniyang pamilya at nag-iisang matalik na kaibigan. Ngunit nagbago ito nang mamatay ang k...
56.8K 1.2K 62
Si Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ng...