Walking in the Wind (Valdemor...

By anchoraigee

41.7K 1.2K 81

Aria Beatrice Legaspi is a simple college student who values her studies. She's the girl you could wish for... More

Walking in the Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Joaquin Gabriel
Author's Gratitude

Chapter 8

875 31 1
By anchoraigee

As expected, a lot of students came to witness their game. Hindi kami nakaabot sa first quarter. Pero nang nag-check lang ng attendance iyong subject teacher namin ay kaagad na akong hinila ni Chesca papunta sa university nila Gab.

Kanina pa niya ako binibigyan ng makahulugang ngiti na pilit kong iniwasan na lang. I'm sure that she's thinking something again.

Nasa likod ng ring iyong naging pwesto namin ulit. He really reserved it for us dahil nang makarating kami rito ay mayroong papel na nakapaskil doon sa upuan na may mga pangalan namin. Nakailang siko pa sa akin si Chesca nang mapansin iyon.

It's already middle of the game when we arrived. Todo cheer si Chesca habang ako naman ay tahimik lang na nanonood. I watched his every move silently.

May mga pagkakataong seryoso ang mukha nito at tutok sa laro. He even brought himself very manly with his signature manbun. Hindi ko alam pero mukhang pati paraan ng pagtakbo at pag-agaw nito ng bola ay nakakamangha. He can make girls scream very hard.

Mas lamang ang sablay at bilang na bilang iyong nakakapuntos ito. I almost laughed seeing his frustrated look when he saw me, watching him intently. Sa huli ay napapahiya itong pinaupo hanggang sa matapos ang laro.

Mukhang pangmatagalang upo si Joaquin Gabriel ngayon, ah.

Dahil ba iyon sa akin o talagang napapanahon lang iyong galing niya?

" Uminit na siguro iyong pwet ng manok ko, ah?" Chesca said with humurous laugh. Pababa na iyong ibang mga estudyante at nagsisilabasan na, hudyat na tapos na ang laro.

A lot of girls flocked on their team because they won, without having him until the end of the game. Mayroong nagpa-picture sa kanya at nagtangkang yumakap pero napapahiyang tinanggihan niya iyon.

Kailan natutong tumanggi ito sa babae?

Naghintay kami ng ilang minuto bago tumayo at dinaluhan kami ni Gab. He's sweating and his hair's damp. Umiinom ito ng tubig at seryoso ang mukha, baliktad noong una naming pagpunta rito.

It's as if he's mad not having his presence until the last quarter. Napangisi pa si Chesca bago tinapik ang balikat ko at iniwan kaming dalawa.

Hihigitin ko pa sana kaso mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng gym.

Awkwardness filled us. Tanging iyong boses ng kapwa niya players na isinisigaw ang pangalan niya ang naririnig namin na hindi niya binibigyang pansin.

I wanted to laugh but it's not appropriate to the situation, lalo pa't mukhang wala ito sa mood. Nakaupo lang siya, eh. Lakas pa naman mag-imbita sa akin dito kahapon.

"You okay?" tanong ko habang bitbit iyong mga libro. Masikip na rin ang bag ko kasi sa mga notebooks na dala.

"Yeah. Sorry 'bout my performance earlier," nginitian ko ito at sinenyasan akong sumunod sa kanya. He carried his bag while walking toward his locker.

Nagpalit ito ng damit bago inayos ang sarili. I waited for him patiently until he finished. Sabay kaming lumabas at nilakad ang mahabang hallway nila.

"Thank you pala kagabi. Nagawa pa kitang tanggihan," I apologized. Inayos niya ang bag bago marahang kinuha ang mga libro kong dala.

I hesitated at first but he forced himself. Binigay ko iyon sa kanya sa huli dahil mapilit.

"Don't mind that. Ganoon lang talaga ako kapag may kaunting achievement," he said while wiping his face. Para tuloy akong natutulala dahil sa makinis niyang mukha.

"Hindi naman ikaw ang may achievement, ako naman," kontra ko habang sinasabayan nito ang mabagal kong paglakad.

He's tall and can walk that fast but he chose to join me. Mabuti na lang dahil kakaunti na ang mga estudyanteng nandito. Mukhang seryoso sa pag-aaral kaya hindi kami napagtutuunan ng pansin.

"I'm not really a basketball player," I widened my eyes as he said those words. Para bang sinasabi niya ito sa akin dahil napahiya siya. "Na-tripan ko lang talaga sumali kasi close naman kami noong coach kaya pinayagan rin. Just want to experience, though."

"Okay lang 'yon. You did your best naman," pampalubag loob ko sa kanya pero natatawang napailing lang ito.

"I watched how you tried not laughing at me. Nakaupo nga ako hanggang matapos ang laro pero mas lamang iyong pagsigaw ng pangalan ko kanina," he defended himself. Doon lang ako nangiti dahil ang cute naman niyang ipaglaban ang sarili. Dahil nakaupo lang talaga siya kanina?

At least, nakaabot kahit na matagal pa matapos iyong game.

"Okay lang. Na-enjoy ko naman panoorin," he gave me his irritated look and frowned a bit.

"Na-enjoy mong panoorin ako habang nakaupo hanggang matapos ang game? Seriously?"

"Ha? I mean, iyong laro 'yong na-enjoy kong panoorin," lihim lang akong napatawa dahil mukhang big deal sa kanya iyong pangmatagalang upo kanina. Mukhang nahiya dahil lakas loob pa namang inaya kami rito. He even reserved a seat!

"Ayoko nang sumali sa susunod. That'd be my last."

I don't have any idea where we're going. Basta lang akong naglakad hanggang sa nakarating kami sa sasakyan niya. He opened the door for me.

But for my sake, I just instructed him to drop me on my part time job. Nag-aya pa itong isama ako kung saan pero tumanggi na kaagad ako. I have to work.

I bid my goodbye to him but he said that he'll be going here later. Hindi ko na iyon pinansin pa dahil agad akong pumasok sa loob.

Wala naman akong ginawa kanina kundi ang maupo lang pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Sa trabaho na lang din ako nagdinner dahil may available namang pagkain doon. Kaunti lang ang kinain ko pero nabusog naman.

Saglit lang akong nagpahinga bago tumutok sa trabaho. May event kasi sa katabing hotel kaya medyo maraming customers kaya nasa counter lang ako. May iilang nakakilala sa akin pero hindi ko naman matandaan kung saan ko sila nakita o na-meet. I just gave them a small smile.

Bukas ay medyo marami kaming kukuhaning quizzes at halos lahat ng subjects ay mayroong ganoon. 'Di bale na. Pagkatapos pa naman iyon ng lessons namin kaya okay lang. May nahahawakan naman akong term kahit papaano.

Napahikab ako pero kaagad ring nagising ang diwa nang mapansin kung sino ang pumasok.

I stood up straight when he noticed me yawning. Agad itong lumapit sa counter. Hinayaan lang ni Oliver dahil mukhang alam na magkakilala na nga kami.

"Tired?" he asked while his hands are on his pocket. Gabing-gabi pero fresh iyong mukha niya. Ano ba 'yan. Hindi talaga patas ang mundo.

"Hindi naman masyado. Wanna buy something?" I asked since he's staring at my back. Napaismid lang ako nang bumili na naman ito ng condom. "Sino ba ang inaano mo at bakit bumibili ka na naman nito?" I asked, handing him his condom. Ngumisi lang ito at nilagay iyon sa wallet niya.

"Wala naman. Nilalagay ko lang sa wallet, wala naman akong ginagawa rito," he explained which I replied with rolling my eyes. Aksaya sa pera. Wala naman palang ginagawa sa mga condom na binibili niya.

Hindi ko alam kung pampaswerte ba iyon o pampadami ng pera sa wallet. Minsan ko na kasing narinig pero nakakalimutan ko kung alin ba sa dalawa ang dahilan. It's not part of our lesson so I easily forgot it.

"Wala bang convenience store sa baba ng condo mo at dito ka talaga pumupunta?"

"Ayoko do'n. Masyadong malapit sa unit, hindi ako nakakapagbyahe kung gusto ko."

"Tatambay ka rito?" tanong ko at tumango ito. He ordered a spag and red tea. Nag-offer pang ilibre ako pero mabilisan akong tumanggi dahil nasa kalagitnaan na ng trabaho.

He silently ate the food while doing something on his phone. Nasa parehong pwesto ito noong hinintay ako, nakaharap pa rin sa gawi ko. Paminsan lang akong nagnanakaw ng tingin dahil nangungunot ang noo nito tuwing nagtitipa sa phone niya.

Bakit pati ang paraan ng pag kain niya ay maganda sa paningin? The way he wiped the side of his lips and the way he swallows the red tea. Iyong pagtaas baba ng adam's apple niya ay parang isang napakagandang tanawin kung titigan?

Isa rin ba ito sa dahilan kung bakit baliw ang ibang babae sa kanya? He can do things easily with his aura. Hindi naman mukhang suplado pero mukhang iyon ang dating niya ngayon.

Mabilisan kong iniwas ang tingin nang dumako ang tingin nito sa akin. I continued working while not minding the stares he's giving to me. Kaya nang wala nang masyadong tao ay nag-mop lang ako ulit ng sahig at nag-add ng ibang stocks.

I've been thinking a lot to just not mind his presence here. Siguro kasi bakit niya nagagawang pumunta dito tapos naiilang ako minsang magtrabaho dahil sa minsang tingin niya.

Tsk. Pwede ko namang huwag pansinin pero nakakailang lang talaga minsan. I can't work that properly.

Until my shift ended, he never left his table. Tahimik lang ito pero nang malamang alas dose na ay sinabayan ako nito papalabas. Kung sana ay itinulog na lang niya ang pagtambay dito ay mas mabuti pa.

Is he really planning to wait for me every weeknights here? Huwag naman sana.

"Pwede ka nang umuwi," sabi ko pero sinabayan niya lang akong maglakad. It's not really dangerous to walk here because my dorm's just a few minutes away.

"You sure you can handle walking alone?" tumango ako para masigurado ito.

Parang tanga. Tagal tagal ko nang naglalakad mag-isa rito, wala namang nangyayari sa akin.

"Sige na," I pushed him gently to not follow me entering our dorm. Tumayo na lang ako at hinintay na makapasok ito sa sasakyan niya bago iyon minaneho paalis.

I was not wrong when I entered our room, the class is already starting. Na-late ako ng gising kaya hindi na ako nakakain ng maayos dahil sa kakamadali papuntang school. I just performed my usual routine before heading here.

Good thing the teacher didn't scolded me. Unang pagkakataong na-late tapos medyo sabog pa ang dating ko. I didn't combed my hair properly! Nakalimutan ko kasing i-alarm iyong phone ko.

Our quiz was very hard though it was just conducted after discussing. Tumutunog pa ang tiyan ko dahil sa hindi saktong pag kain kanina. 'Di bale. Babawi na lang ako next time.

I just did my best to answer it all then immediately got out of the room. Dumiretso na ako sa CR para ayusin ang buhok. Chesca joined me. Kahit papaano naman ay confident ako sa naging answers ko doon.

As usual, she asked me what's my answers. Nakalimutan ko na iyong iba dahil sa gutom kanina. And worst, medyo lutang ako dahil namumungay ang mata.

Not alarming is a big problem for me. Nasanay na kasi akong hindi nale-late kahit inuumaga na sa pagtulog.

Kumain lang ako pagkatapos noon tapos dumiretso na rin kami sa next subject. It was hell because another quiz was already waiting for us. Mukhang naalog iyong utak ko dahil medyo mahirap din.

But it's not a problem for me since it's part of studying. What more kung fourth year na ako? Mas mahirap na iyon lalo pa't graduating na.

I took my lunch on the cafeteria alone since may meet-up na naman si Chesca. May isang subject kaming vacant kaya hindi ko alam kung ano ba ang productive na gagawin ko sa oras na iyon.

Maybe library will do since palapit naman na iyong contest. I am not that pressured but still doubting myself if I can really win that contest.

Sana nga.

Sana nga talaga kasi sayang iyong premyo.

Dumiretso na kaagad ako sa library pagkatapos kumain. I was disturbed by the sudden noise of some students when I was walking in the hallway. Napahinto ako sandali nang matanaw ang lakaking pasimpleng naglalakad habang bitbit iyong isang paper bag.

Hala! Nakalimutan ko nga palang kuhanin kay Gab kagabi iyong mga libro ko!

Sa sobrang pagmamadali kaninang umaga ay hindi ko na rin naisip ang tungkol doon kaya hindi ko na naalala.

He walks like he owns the school here where in fact, he just pleased our school guard for his matters. Napakagat lang ako sa labi at medyo nakaramdam ng inis dahil sa ingay ng paligid.

I walked fastly until I caught his attention. Paimpit pang kinikilig iyong iba kaya hindi ko napigilang hatakin siya kung saan.

He's wearing his uniform and he walks like a model earlier. Muntik pa akong napamura dahil mukhang ako talaga ang sinadya niya dito.

"Your books," he handed me all of those. Kinuha ko iyon sa kanya.

"You're invading our school. Wala ba kayong pasok?" natataranta kong tanong dahil iyong iba ay sa amin pa nakatingin. But he didn't gave too much attention on it. Sa akin lang nakatuon iyong tingin niyang malalim.

"Just dropping that here. Vacant?" tumango ako at tumingin sa relo. Kahit nakauniporme ay ang lakas makahatak ng mga atensyon ng babaeng estudyanteng narito. Ang sarap tusukin ng mga mata. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo, eh.

"Nasa lib iyong sched ko ngayon. Magre-review," paliwanag ko dahil mukhang papunta na naman sa iba iyong usapan namin. He nodded like he really understood me.

"Your friend texted me. Hindi ka raw nakakain kanina?" napalunok ako dahil kitang-kita ako ang nag-aalala nitong mga mata sa akin.

Chesca's been really nosy this time. At talagang pinaalam pa na hindi ako nakakain kanina? Baka isipin nito na nanghihingi ako ng pagkain sa kanya.

Napahilot ako sa sentido habang tumango. He sighed deeply.

"Na-late lang ng gising. May quiz pa kami kanina pero ayos lang. Ngayon lang naman," paliwanag ko pero mukhang hindi naman ito kumbinsido. As if I'm lying here.

"I bought you food. Nandyan sa loob. You can eat that later and please, don't make yourself hungry at all times," he said with his soft voice. Natulala lang ako nang sandali pero kaagad ring nakabawi.

Am I really hearing it ?Is he concern of my health or something? And is he the real Gab that I am facing right now?

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
221K 16.3K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
444K 16.2K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
Ice Cold By m

General Fiction

2.2M 83.5K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...