Swan of Snowy Trails (Book 2...

By MageAestheria

4.6K 540 270

They had left snowy trails for her to follow, to find them where they had flown far away from her wings. *** ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Trails
Swan Trilogy
Marigold Playlist
Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)

Chapter 23

46 9 19
By MageAestheria

Chapter 23

Downward Spiral


The next day, Tyler called me to his bedroom but I didn't attend his call.

Wala talaga ako sa mood na kausapin siya lalo na't nabaon pa rin sa isipan ko ang pinag-usapan nila at ang oras na paglisan nila na magkahawak-kamay.

I will shove those undesirable thoughts away as best as I could. I just have to keep focusing on my work.

I'm not jealous of Princess Marguerite. Sadyang pinanganak siya na Royal at ako ay lumaki sa ordinaryong pamilya. Wala akong dahilan para pagselosan at mainggit sa iba dahil lang mayroon sila na wala ako.

Sadyang ganyan lang talaga ang buhay, pero hindi ibig sabihin nito'y may pagkukulang na ko dahil magkaiba kaming dalawa. She's not the standard of a woman I want to be, it's the best version of myself I'm striving to achieve.

If I were to choose to have her family instead of mine just to become a princess, pipiliin ko pa rin ang magulang ko. Walang Royalty at yaman na makakapalit sa pagmamahal ko sa aking magulang.

They took care of me, from diapers to school uniforms, from tantrums to rebellious puberty, from struggles in college to my choices in adult life.

My father worked hard in a factory and still tries to cook for my mother and me. Mom doesn't rely on anyone but herself, she works to carry the same burden as Dad does and loves him and me dearly.

Kahit hindi sila royalty, my love for my family is better than a tiara.

Madaling makaakit si Princess Marguerite. Kahit si Zach ay sinubukan landiin siya sa ballroom but she has all of her eyes on Tyler, or to her eyes, it's Prince Tydeus Adler Valdemar Hanselion.

It doesn't mean I'm willing to give up my man to someone else. But if Tyler chooses to be with her, I wouldn't be surprise. Who wouldn't? She's perfect.

Sa gitna ng umagahan nila, ginawa ko lahat ng makakaya ko na iwasan tingnan si Tyler. Katabi niya si Princess Marguerite na nakikipagkwentuhan sa kanya, someone to keep him company.

All I can do is serve their breakfast.

"Maid! Will you pour me a juice?" Utos ni Princess Marguerite sabay inangat ang baso niya.

Nilapitan ko siya atsaka sinalin ang pitchel ng mango juice sa kanyang baso. As I do my duty, hindi ko maiwasan na marinig ang dalawa na nag-uusap.

"I enjoyed our talk last night." Rinig kong bulong ni Princess Marguerite kay Tyler.

"We just talked." I could feel his eyes looking at me.

"Hmm. I like the part where it's more than that."

Nang matapos kong isalin ang juice sa baso niya, tinalikuran ko na sila at bumalik sa pwesto ko.

Tyler is stiff in his seat. His jaw is clenched and he's not looking around at the table like he used to. Nakatingin lang siya sa kinakain niya sa plato.

Ininom ni Princess Marguerite ang juice niya bago siya may binulong sa tainga ni Tyler. He said a few words that I couldn't read as I watch him eat his waffles with strawberry and blueberries, scrambled eggs, bacon, and sausages.

His grey eyes lifts to gaze into mine. Nakatitig lang ako sa kanya nang magtama ang aming mga mata habang nakikipagdaldalan pa rin sa kanya si Princess Marguerite sa tabi niya.

Niyugyog ni Princess Marguerite ang balikat niya habang may binubulong ito sa kanyang tainga pero hindi pa rin natitinag ang kanyang titig sa akin.

Nanlambot ako sa pamamaraan ng pagtitig niya, para bang nilalamon ako ng kanyang kulay abo na mga mata.

Ako na ang naglakas ng loob na umiwas ng tingin.

Counselor Socrates discussed the Harvesting. Not like the kind in farming but a gathering of princesses who wants to be chosen as the brides for the Hanselions.

In short, makakapili ang Hanselions kung alin bulaklak ang aanihin nila.

Sa dami ba naman mga prinsesa na nagboluntaryo, may iba pa nga na nanggaling pa sa ibang bansa. They even have an option to pick more than one bride. Pwede silang magkaroon ng isa hanggang limang asawa.

Knowing Zach, he'd probably have more than five. Tyler can have five wives if he wanted, there are princesses after all who are willing to throw themselves at him.

Nilinga ko ang ibang mga District Royals na kasama rin sa kanilang lamesa. May mga katabi rin ang Hanselions at Trinity na mga prinsesa at prinsipe. No wonder why they have long tables.

"Oh, no! Natapon ang juice!" Napaatras si Tyler at Princess Marguerite sa upuan nila bago siya sumenyas sa akin. "Maid Charlotte, pakilinis ng kalat dito!" Utos ng prinsesa.

Napatingin sa akin si Tyler nang naglakad ako papalapit sa kanila at lumuhod sa sahig. Nilinis ko ang kumalat na juice gamit ng dala kong basahan.

"Ako na maglilinis." Alok ni Tyler.

"Prince Tydeus! Let the maid work! You're a prince, you shouldn't be touching dirty rags!" Pinigilan siya ni Princess Marguerite na abutin ang kamay ko.

"It's fine." Sabi ko para matahimik na sila. I'm just doing my job. I can't be bothered by someone else's sentiments.

Nang malinis ko ang juice, umalis na ko sa kanilang pwesto at bumalik sa pwesto ko. Tiningnan ako ng tatlo kong kasama na maid, nag-aabang siguro ng machichika sa akin.

Nang matapos ang umagahan ng mga Royals, niligpit namin ang pinagkainan nila. Bumalik sila sa kani-kanilang mga kwarto, leisure room, trabaho, kung ano man ang ginagawa nila.

Ang huling tumayo ay si Tyler. Lumingon siya sa direksyon ko, nakatayo lang siya na para bang may gusto siyang sabihin sa akin.

Naglaho rin ito nang hinawakan ni Princess Marguerite ang kamay niya. "Prince Tydeus! Let's go! They're going to play crochet!" hinila na siya palabas ng Dining Hall hanggang sa maglaho sila.

"May galit yata sa'yo 'yung Princess Marguerite." Bulong ni Bayley, pinagpapatong-patong ang mga plato sa tray na dala niya.

"Bakit naman? Mabait naman si Charlotte, ah." Komento ni Parsley, nilalagay ang mga baso sa serving cart.

"Napapansin kasi ng ibang Royals na may favoritism ang Hanselions sa'yo." Tugon ni Oregano, inaareglo ang mga silya. "Sinayawan ka pa naman ni Prince Tydeus sa dance floor kagabi. Sino ba naman prinsesa ang hindi maiinggit?"

"Ako nainggit." Sabi ni Bayley.

"Ako rin." Dugtong pa ni Parsley.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Magalit siya. Anong magagawa niya? Magkalat ng juice?" Sarkastik kong sagot sabay dampot ng pagkain na hindi nagalaw at nilagay sa ilalim ng serving cart.

Tumawa ang tatlo na siyang nilingunan ni Bernard sa may pinto at natahimik din sila.

***

Lumipas ang oras ng pag-vacuum at mop sa sahig ng pasilyo sa palasyo kung saan may naglalakihan mga bintana sa gilid kung saan matatanaw ang palace garden at gazebo. 

Nangangalay na ang buong katawan ko. Gusto ko na lang matulog pagkatapos ng mahabang araw na ito.

Naramdaman ko ang beeper atsaka tiningnan ko ito. Pinapatawag ako ng Hanselion sa gazebo, galing kay Austin ito.

Pagkarating ko sa gazebo, natagpuan ko silang nakaupo sa tapat ng lamesa, may mga napaghandaan pang tanghalian nila na cream puffs, macaroon, at cookie ice cream pati na rin ang milkshakes.

Nasa left side si Austin, Nick, Malcolm, at Riley habang nasa right side ng table naman sina Claude, Zach, Daniel, at Tyler. Mukhang ang Hanselions lang ang nagtipon ngayon sa gazebo.

May bakante sa tabi ni Tyler. Tumingala siya sa akin, hinihintay na umupo sa tabi niya. Umikot ako sa kabilang side ng lamesa at umupo sa pagitan ni Austin at Nick.

Nakita kong tumawa si Zach at Daniel habang nakatingin silang lahat sa akin.

"Anong nakakatawa?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"Wala. May isa kasi diyan tuwang-tuwa na makita ka ulit." Tinuro sila si Tyler na ngumingiti nang patago.

"Bakit mo ako pinatawag?" Tanong ko kay Austin.

"Actually, siya ang nagpatawag gamit ng beeper ko." Sabay tinuro ni Austin si Tyler na katapat ko lang.

Nagtama ang aming mata pero umiwas din agad ako ng tingin. Huminahon ka lang, puso ko. Tiningnan ka lang, nagwawala ka na naman.

"Kanina ka pa namin nakikita sa bintana. Mukhang pagod ka na." Sabi ni Tyler sabay may inabot siyang chocolate milkshake sa akin. Tiningnan ko lang ito. May strawberry at sprinkles sa whipped cream.

"Namin? Ikaw nga 'tong titig na titig kanina pa sa may bintana habang nagma-mop si Charlotte." Kinurot ni Daniel ang malambot na pisngi ni Tyler na tinabig ang kamay niya.

"Kamusta kayo ni Princess Marguerite? Ang sobrang close niyo na, ah. Sabay kayong matulog, sabay din kayo kumain ng umagahan." Sabi ni Zach na nagpipigil na tumawa.

Napahinto ang pagsubo ni Tyler sa kinakain niyang macaroon bago niya binaba ito sa china porcelain plate. Nakangising kumuha si Zach ng macaroon mula sa macaroon tower atsaka kumagat ito.

"Zach." Malalim siyang tumugon.

"Bakit, bebe Tyler?" Zach batted his eyelashes.

Papalit-palit ang tingin ni Tyler sa akin at kay Zach.

"Paano niyo nalaman na magkasama kami?" Tanong niya.

"Usap-usapan namin kanina, hindi ba halata? Siya kasi ang katabi mo kaya siya lang nakakausap mo." Tugon ni Nick then he shrugged.

"It's not what you think." Humarap sa akin si Tyler.

"I'm not bothered." Ngumiti lang ako sa kanya.

"Basta ako nilandi ko ang mga wala sa listahan ng prospective brides. No commitment, no issues." Zach hanged his arm on the back of his chair with a smug grin.

"Charlotte..." Tyler tries to reach for my hand on the table but I pulled away before he can even touch it. I'm not in the mood.

"Bakit ang lamig yata? Nararamdaman niyo rin ba? Giniginaw na ko!" Hinaplos pa ni Daniel ang balikat niya. "Sino ba nag-iwan na nakabukas ang ref? Lumalabas tuloy 'yung lamig." Sabay nalingon pa si Daniel sa paligid, naghahanap ng pagsisisihan.

"Tag-lamig na pala. Dapat pala nagdala ako ng jacket." Sabat pa ni Malcolm na nagpipigil na tumawa.

"Isa lang ang ibig sabihin nito." Isinandal ni Zach ang kanyang siko sa ibabaw ng lamesa habang nakapatong ang kanyang baba sa mga kamay niyang ginawa niyang salungan ng baba niya. "Break na kayo ni Tyler?" Tanong ni Zach na nakangisi.

Muntik na kong mabilaukan sa kinakain kong cookie ice cream. Hindi man lang ako nakapagsalita para uminom ng milkshake.

"Tang ina niyo talaga." Sinamaan sila ng tingin ni Tyler. Tumawa lang sila.

"Pinagtutulungan na naman ng dalawa si Tyler." Natatawang bulong ni Malcolm sa akin.

"Charlotte, ngayon na single ka na, open ka na ba for ligawan?" Zach wiggled his eyebrows.

"Hindi kami nag-break!" Bulyaw ni Tyler.

"Hep! Hindi ka kausap! Tahimik lang dapat ang ex-boyfriend!" Sumenyas si Daniel sa kanya na itikom ang bibig niya. Tyler groaned.

"Oo nga! Dapat 'yung ex-boyfriend hindi umeepal! Kung mahal niya talaga ang babae, hahayaan niya lang pakawalan ang mahal niya sa iba!" Dugtong pa ni Zach sabay inetsapwera siya.

"Panira kayo ng araw." Tyler sighed before combing his hair with his long and delicate fingers out of annoyance.

"May mga litrato kami ng mga prinsipe, baka gusto mong landiin?" Alok ni Zach. Demonyo talaga.

"Ang dami namin nakilala na tipo mo rin, Charlotte! Hindi katulad diyan na tinetake for granted ka lang!" Pasimpleng tinuturo pa ni Daniel si Tyler.

"Kapatid ko ba talaga kayo?" Sinimangutan sila ni Tyler, pero hindi siya pinansin nang mga ito.

Nilapag ni Zach ang mga litrato sa ibabaw ng lamesa, inurong niya ito para makita ko lahat ng mukha ng mga prinsipe at masuri sila.

"Ito, oh! Isa siyang Duke sa Spring District! May abs 'yan, Charlotte. Tutal maganda ka naman. Isang kindat mo lang, luluhod na siya sa'yo." Sabay pinakita ni Zach ang litrato niya pero pinatungan lang ito ni Daniel ng iba.

"Ito na lang piliin mo, matalino siya at mahilig din magbasa ng mga libro. Baka gusto mo siyang basahin? If you know what I mean. Wink wink." And Daniel did wink bago tinulak ni Zach ang mukha niya para ihampas ang isa pang litrato ng prinsipe.

"Sus! Ang boring naman niyan! Ibigay niyo naman 'yung matindi, magaling ito sa kama. Katropa ko 'yan, baka kasi hindi ka napaliligayahan ni Tyler kaya disappointed ka palagi."

Tiningnan ko si Tyler, namumula ang buong mukha niya at nakakuyom ang kanyang panga. Kaunti na lang parang sasabog na siya. 

"Go ahead, Charlotte. Maybe you'll like what you see." Kaswal na sabi ni Tyler.

"Ang gwapo nga nilang lahat." Komento ko, not looking at the photos, just his grey eyes holding mine as he takes a sip on his milkshake.

His jaw tightens and his hands are fidgeting on the table like he wants to say something but he holds his own words back. And I sealed my lips.

"Baka may gusto ka sa pinsan namin? Ireto ka namin sa Trinity brothers." Suhestiyon ni Zach, kulang na lang he will have to rub his hands like a devil that he is.

"Speaking of the gago, ayan na sila! Tawagin natin!" Kumaway si Daniel sa kanila. "Hoy! Mga ulol! Halika rito!"

Kumunot ang noo ng Trinity brothers na naglalakad sa palace gardens. Nag-alinlangan pa silang puntahan kami pero nang sumenyas pa si Daniel at Zach, lumapit na sila.

"What do you want?" Naghalukipkip si Hugo.

"Ano ang tipo niyo sa babae?"

Lumitaw ang ngisi ni Ambrose. "Diyan lang naman tayo nagkakaintindihan."

Tumawa si Zach sabay sumaludo siya kay Ambrose na nakangiti lang din sa kanya. Sumimangot si Daniel. Hugo rolled his eyes. Sachi just looks around at the food on the table, kulang na lang tumulo ang laway niya.

"Gusto niyo rin ba ang magaling mag-ice skate, bumubuo ng obra maestra, at unique ang kagandahan?" Sumenyas sa akin si Zach. Tinulak ko ang mukha niya palayo sa akin.

"I'm not for sale, you dumb bitch." Sabi ko. Natawa sila sa naging sagot ko kahit si Zach ay initsapwera lang ang insulto ko sa kanya.

"Are the Hanselions disrespecting you?" Tanong ni Hugo sa akin. "You can talk to us if they're being malicious."

"Just blink twice if you're being held against your will." Ambrose winked at me.

Ako naman ang tumawa. Alam kong nagbibiro lang sila pero mukhang nainsulto ang pinsan nila.

"Bwiset talaga kayo! Umalis na nga lang kayo! Hindi namin ginagawang hostage si Charlotte!" Malcolm shoos them.

"Say the word, Charlotte. We'll be your knight in shining armor." Ngumisi si Ambrose.

I crossed my arms between my chest while leaning against the table with a sly smile. "I can handle them on my own."

The Trinity brothers exchanged smiles then back to me as if they're amused that I can keep up with the Hanselions in which they can't even stand them for a minute.

"Nice to see you again, Charlotte." Hugo nodded towards my direction.

Sachi waved his hand at me with a soft smile. I tossed Sachi a cream puff he kept eyeing, he catches it, and his cute smile grows wider then he gave me a flying kiss.

Umalis na ang Trinity brothers na may ngiti sa kanilang labi. Pinagmumura naman sila ng mga pinsan nila sa lamesa. 

I saw Tyler watching Sachi with alarming eyes after his flying kiss.

"Add to cart mo lang. Dami ka pa naman pagpipilian." Zach chuckled, making his Adam's apple bobbing.

"Ako na sagot sa shipping!" Sambit ni Daniel na nagba-bounce pa sa upuan niya. Ang hyper na naman ni Daniel. Nako po.

"Available din ako. Fresh, juicy, and saucy. Add to heart mo na rin ako, baby." Sabay kindat pa ni Zach at bumuo ng heart shape gamit ng kamay niya. Nagpapa-cute pa ang babaero!

"No one wants a dirty fuck like you." Tyler glared at him.

Zach rolled his eyes.

"Buti pa ko good boy na. Matuto kayo sa'kin guys, ah? Isang tikim lang kada tao." Tumawa pa si Zach at kumindat kay Tyler, making him even more furious.

"Asa ka naman na isa lang talaga." Komento ni Nick, noticing something's off like I do.

"Hindi kasi ako fingerista katulad ni Tyler." Zach laughed, mockingly.

"Fingerista?" Tyler raised his thick eyebrow at him.

"Mga nakekwento mo pa dati. Nagshe-share pa kami ng mga makabuluhan na impormasyon kung gaano karami ang daliri na kakayanin nila."

"Medyo sagad na kapag apat." Daniel snickered.

"Sus! Ang hihina niyo! Sila nilalamon nila ang eclair ko!" Sabi ni Zach. Sinaway namin si Zach dahil kumakain pa kami ni Nick at Riley. Eclair pa naman ang ningunguya namin!

"Ang bastos mo! Kapatid ba talaga kita?" Singhal ni Nick.

"Parang ikaw hindi mo ginagawa, ah!"

"Gago! I've never done that kind of nasty shit! Huwag mo kong itulad sa'yo para lang makahanap ka ng karamay mo!"

Umakbay si Zach kay Tyler na nakangisi. "Kaya hanggang daliri ka muna, noh? Patikim lang parang appetizer bago ang buong main dish."

"Zach!" Suway ko. But he doesn't stop, his mouth keeps on going. I was getting furious and so does Tyler who's still holding himself back.

"Prince Tydeus Adler Valdemar Hanselions, ang pambansang fingerista. C'mon on. Take a bow." Then Zach raised his glass to him. "Princess Marguerite want those fingers."

"You're a fucking dick." Tyler muttered before looking at me, his eyes are cold and burning at the same time. "I'm sorry about all of this."

May narinig akong dumausdos na silya, iyon pala ay biglaan pagtayo ni Tyler, mapait niyang tiningnan ang mga kapatid niya na nakakuyom ang panga bago niya kami at umalis sa gazebo.

He didn't explode at them. He just walks away, carrying his fury with him.

Mabilis ang paglalakad niya pabalik sa loob ng palasyo. Austin stood up and he ran to the palace garden to follow Tyler, probably to talk to him. Gusto ko rin siyang habulin pero wala rin akong masabi sa kanya.

"Sumosobra na kayo." Sinimangutan sila ni Riley.

"Hindi niyo naman kailangan sagarin ang pang-aasar sa kanya." Sinamaan ko ng tingin si Zach.

"Nagbibiruan lang naman kami. Normal lang may mapikon na kapatid kapag pinagtutulungan namin." Binelatan ako ni Daniel.

"Biruan ba 'yan? Parang nag-aaway na kayo."

"Hayaan niyo siyang mapikon. Ginusto niya magka-girlfriend, panindigan niya pagiging boyfriend niya." Malcolm shrugged, leaning his elbow against his chair.

"You guys are punishing him." I concluded and no one denied it.

"Akala ko ba ikaw ang dakilang fingerista?" Sinikuan ni Daniel si Zach.

"Tongue twister ako, bro." Zach placed two fingers between his lips and stuck out his tongue.

"Minsan talaga, ikinasusuklaman kong maging kadugo ninyo." Nailing na sabi ni Nick at napa-face palm na lang siya.

"Kaya pala may prinsesa na lumabas sa kwarto mo kanina. Kung maglakad parang spaghetti mga binti niya." Natatawang sambit ni Malcolm kay Zach then they clink each other's milkshakes.

"Ay, iba na 'yan. Nabigla kasi siya, hindi raw katulad sa mga naging ex niya." Zach shrugged, smugly. Tumawa naman sina Daniel at Malcolm.

"Pagpasensyahan mo na sila, Charlotte. Hindi sila marunong gumalang sa usapan kapag may babae sa hapag-kainan." Sabi ni Riley.

"Sanay na ko sa kanila." Sabay lumagok ako ng milkshake. It's sweet and creamy flavor refreshing me dahil na-se-stress na ako sa kanilang magkakapatid.

Mas malala pa mga usapan ng naging kaibigan ko sa kolehiyo. Ako ang taga-kinig, sila ang dumadaldal na habang tumatagal ang usapan, nawawala pagkabirhen ng utak ko.

College days offer wild stories. Mga kwento na hindi ko mararanasan dahil may iba akong prayoridad.

And I don't judge. Kung ganyan trip nila ng usapan, bukas naman ako sa ganyan, huwag lang sila manira ng ibang tao.

Bumalik si Austin sa gazebo at hinawi ang kanyang buhok gamit ng mahahaba niyang daliri dala ng pagkabigo. Hinigit niya ang upuan niya para umupo.

"He's pissed off. He won't talk to me." Bungad niya sa amin.

"Ah, ganon ba? Kawawa naman." Sabay uminom ang dalawang pasimuno ng milkshakes nila.

"I wonder who's fault is that?" Austin glared at Zach and Daniel.

"Sino nga ba may kasalanan?"

"Zach, this isn't funny."

"It is to us." Then he exchanged fist bumps with Daniel, ginawa niya ito kay Malcolm pero inirapan lang siya nito.

"Galit pa rin kayo sa kanya? Akala ko ba pinatawad niyo na siya?" Naguguluhan na tanong ni Austin.

"You can't force us to forgive him that easily. He was being a selfish asshole. He chose to leave us." Malcolm glared before taking a bite on his cream puffs.

"Huwag niyo siyang sisihin sa naging desisyon niya. Pare-parehas lang kayong nahihirapan. Sadyang naghanap lang din siya ng paraan para takasan ito." Sabi ko, trying to defend him.

"It doesn't justify the fact he was willing to leave his own flesh and blood." Claude scoffed.

Akala ko nagkaayos na sila, hindi pa pala. Kinikimkim na lang nila ang galit nila para hindi sila magkagulo but this is making things worse.

"Tutal break naman kayo, tumagay na tayo." Sinamaan ko ng tingin si Zach.

Isasalin niya sana ang dala niyang Smirnoff sa milkshakes nang napansin niya ang naging reaksyon ko na siyang nagpaatras ng kamay niya.

"Bakit? Mali ba ako? Hindi pa ba kayo nagbe-break, Charlotte?" Namilog ang mata ni Zach na tiningnan ako.

"Ano ba sa tingin mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Binatukan siya ni Austin sa ulo. "Don't assume things. Nangingielam ka ng relasyon ng iba."

"Charlotte..." Riley's voice sounded serious. "There's a reason why the Harvesting is happening this week."

Naging tahimik sila habang nakatingin silang lahat sa akin. Those sympathetic eyes are telling me one thing and I knew my heart is going to break.

"Teka. Akala ko ba may isang buwan pa kayo?" Kinakabahan kong tanong.

If they have more time, pwede pang mabago ito, pwedeng mabaligtad ang kanilang tadhana at hindi matutuloy ang arranged marriage. Maaaring makahanap pa sila ng paraan para hindi sila ikasal sa iba na hindi nila gusto.

"One month to settle with a bride, pero ngayon week na kami ikakasal." Kumuyom ang panga ni Austin.

Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko. Kapag iniisip ko pa lang na ikakasal sila sa mga tao na hindi nila mahal. To watch Tyler wait for another bride on the aisle. Hindi ko makayanan.

Time is no longer an option for them. When they can't choose love, they are forced to fit into a life built for them, a life as a prince.

Tyler... My precious Tyler is going to get married to someone else.

Hinampas ko ang ibabaw ng lamesa na siyang nagpakalabog ng mga plato at baso. Tumayo ako, iniisip na tumakbo, sumigaw sa kalawakan, sunugin ang palasyo.

"Charlotte..."

I try to shove down the lump on my throat, forcing to push away the tears in my eyes. They are watching me and I can't show them that I'm losing hope.

"We can still find a way to change this." Pagmamatigas ko.

"We already tried everything we can, but we're tied to our blood and this is what we must do." Riley said with a strained voice.

"Kapag itinaboy namin ang korona, maaaring may Elite na uupo sa trono. If we let them win the crown, they will hunt us again. So long as we have the crown, we'll become untouchable." Nick mumbled while stirring the straw on his milkshake, thinking deeply behind his thick framed glasses.

"All of us are on edge because of the arranged marriage. And I need to drink the week away." Malcolm muttered with a sigh of defeat.

"You should let go of him as soon as you can para mabilis kang makapag-move on. Mahihirapan ka kapag nagtagal ka pa sa relasyon niyo." Seriosong tugon ni Claude bago niya nilagok ang Hennessy na hawak niya.

"It's still daylight." Agad na kinuha ni Austin ang bote ng Hennessy sa kamay ni Claude pero halos naubos niya na ang laman nito. 

Namumula ang tainga ni Claude at medyo pagewang-gewang na ang paglinga niya sa kanyang paligid. Too late. He's already drunk as fuck.

"Sinasabi niyo ba na dapat sukuan ko siya?"

Natahimik sila.

Zach and Daniel's vibes had faded and so did their smiles a while ago when the conversation circulated about their arranged marriage. They become quieter than ever.

"I'm sorry, Charlotte. It's hard on us but it will be harder for you." Yumuko si Riley, nawalan na ng ganang kumain.

No, I don't think it's harder for me. Sila ang ikakasal. It's a lifetime commitment they can't ever refuse or escape from. It's a burden they all have to carry together.

"Drink up, Charlotte. You're going to need it." Inangat ni Claude ang panibagong bote na Johnnie Walker. Binuksan niya na ang takip nito at sinalin ito sa milkshake ko hanggang sa hinablot ni Austin ang bote mula sa kamay niya.

Austin reached for my hand with an apologetic look on his face. "Hangga't maaga pa, magmove-on ka na dahil masasaktan ka lang. Malapit na ang kasal at hindi ikaw ang magiging bride ng taong mahal mo."


⛸️ MageAestheria ⛸️

Continue Reading

You'll Also Like

18K 2K 25
Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo
125K 7.8K 103
[Published under Fairy Publishing House] "Zombie ang girlfriend ko..literally." She was suppose to be dead---iyon lang ang alam ng aspiring mad scien...
4.3M 184K 44
|COMPLETED| Sino ang mag-aakala na makakapasok ako sa kuponan ng mga Elite? Ni sa panaginip ay hindi ko iyon inasahan, pero nangyari na nga. Pero ang...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...