The Seductive Doctor (Savage...

Por Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something M谩s

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 11

112K 3.4K 1.1K
Por Maria_CarCat

Let's fix this



Hindi mawala sa aking isip ang nakita ko sa pagitan ni Mandee at ng boyfriend ni Valerie. Parang hindi ko naman nabalitaan na nagbreak sila. Kung ganuon niloloko niya si Valerie. Anong kailangan kong gawin? May kailangan ba akong gawin?.

"Uy Sera ok ka lang? Gusto mo ba ulit sa jail booth?" tanong ni Abby sa akin ng mapansin niya ang aking pagkatulala.

Napailing ako. "Wala may iniisip lang ako" sabi ko sa kanya kaya naman tumango tango siya. Pangalawang araw ngayon ng aming Pharmacoperya para sa aming pharmacy week. Dahil may rotation ay nalipat ako sa mga pagkain. Ang gagang si Abby ay nanatili dahil isa ang Mommy niya sa sponsor ng pagkain namin.

"Halimbawa nakita mo si Kenzo na may kahalikang iba, sasabihin mo ba sa akin?" tanong ko sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo. "Hindi ko naman nakita si Doc na may kahalikang iba" sagot niya sa akin kaya naman napairap ako.

"Gaga sabi ko nga kunwari eh" asik ko sa kanya kaya naman kaagad itong napakamot sa kanyang ulo at tsaka nag ngiting aso.

"Edi syempre sasabihin ko sayo. Kaibigan kita eh" sagot niya pa kaya naman napatango na lamang ako.

"Eh kung kaaway mo ako?" mapanghamong tanong ko pa sa kanya kaya naman humaba ang kanyang nguso.

"Edi buti nga sayo" nakangising sabi niya na ikinatawa ko dito.

"Gago" asik ko sa kanya na pareho naman naming ikinatawa.

Naging busy kami ni Abby sa pagaayos at pagluluto ng mga pagkain. Hindi naman hussle dahil karaniwan ay puro prito iyon at kung hindi naman ay to the rescue sa amin ang oven toaster na galing pa sa dorm ko. "Hoy Gago, nagugutom ako eh" asik ko kay Abby ng magkaasaran kami dahil sa pagtatago ng pagkain.

Tawa ito ng tawa habang kumukupit din siya. Natigil lamang iyon ng biglang dumating ang nakasimangot na si Valerie. Kung makatingin ito sa amin ay parang kami pa ang dahilan ng pagkabadtrip niya.

"Tama ba yang ginagawa niyo?" masungit na tanong niya sa amin kaya naman kaagad kaming napaayos ng tayo ni Abby.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Babayaran naman namin ah" laban ko sa kanya. Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa akin. "Babayaran niyo dahil nahuli ko kayo, kung hindi naman hindi rin" paliwanag pa niya kaya naman napanguso na lamang ako.

Muling nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang tungkol sa boyfriend niya. "Ok ka lang ba Valerie?" biglaang tanong ko sa kanya na ikinagulat din niya.

Maging si Abby na nasa aking tabi ay nagulat din. "What?" naguguluhang tanong niya sa akin. Bakas ang iritasyon sa kanyang mukha.

"I mean, ok ka ba? Hindi ka ba broken hearted or what?" tanong ko pa din sa kanya na patuloy iniiwasang mapinpoint ang topic. Umikot ang eyeballs ng gaga na para bang isa akong malaking joke para sa kanya. Pag sinabi ko yung nakita ko dito iyak to!

"The hell you care Sera. Non of your freaking bussiness" mataray pa ding sagot niya sa akin kaya naman nagkibit balikat na lamang ako.

Hindi din siya nagtagal sa booth namin. Nagbanta pa ito na kung makita niya kami ulit na nangungupit ng pagkain ay isusumbong na niya kami sa aming professor. Naging busy kami lalo ng lumabas ang senior high. Halos magligo na kami sa pawis ni Abby lalo na at mainit sa quadrangle. Mayroon lamang malaking lona na nagtatakip sa amin sa sikat ng araw. Puno din ang taas ng mga banderitas dahil nga perya ang theme namin ngayon.

"Magkano sa bread roll?" tanong sa akin ng isang lalaki. Hindi ko siya nilingon dahil busy ako sa aking ginagawa.

"20 isa" sagot ko sa kanya.

"Ang mahal naman!" pagrereklamo ng hayop. Tangina neto, kaagad ko siyang nilingon at tsaka sumalubong sa akin ang nakangising si Kenzo.

"Tangina ka" asik ko sa kanya. Nagulat siya, pero nangmakabawi ay tinasaan lamang niya ako ng kilay. Napaawang ang bibig ko ng marealize kong mga senior high ang nasa harapan ko ngayon.

Napanguso ako. "Sus, mga nagmumura din yan" laban ko kay Kenzo kaya naman mas lalo siyang napangisi at napailing iling na lamang. Nanatili siyang nakatayo duon ay nanunuod habang hinihintay na matapos namin ang order ng mga bumibili.

"Hay naku mas gusto ko na lang bumalik sa Jail booth" reklamo ko kay Abby pagkatapos namin macomplete ang order.

"Mas gusto kita dito" seryosong sabi ni Kenzo kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Hindi niya iyon inalintana. Kinuha niya ang kanyang panyo sa bulsa bago siya lumapit sa akin.

"Bibilhin ko na ang lahat ng tinda niyo para makapagpahinga ka na" sabi pa niya habang pinupunasan ang pawis ko gamit ang panyo niya.

"Siraulo, sino kakain nun aber?" mataray na tanong ko sa kanya. Muli siyang nagtaas ng kilay sa akin, hinapit niya ako sa bewang kaya naman napahawak ako sa kanyang braso bilang suporta.

"Papakain ko sayo, parang hindi ka kumakain Sera. Hindi naman kita ginugutom" seryosong sabi pa niya kaya naman napanguso na lamang ako.

"Ayoko na niyan. Kanina pa nga kami kumukupit ni Abby diyan eh" sumbong ko sa kanya na ikinatawa.

Imbes na bumili sa amin si Kenzo ay lumabas na lamang siya sa campus para bumili ng lunch namin. Tuwang tuwa pa ang Abby dahil libre ni Kenzo ang lunch namin. Napawi ang ngiti ko habang naghihintay ng makita ko ang pagdating ni Fidez kasama ang ilan sa mga kaklase niya, malayo pa lang ay nakangiti na sa akin si Andrew na para bang walang nangyari nuon.

"Uy Sarah" tawag niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamao. Gusto ko siyang murahin at ipaintindi sa kanya na ang pangalan ko ay Sera at hindi Sarah. Hayop.

Imbes na itama siya at nagngiting aso na lamang ako sa kanyang harapan. Tinatamad akong kausapin siya lalo na at katabi niya ang nakasimangot na si Lola Fidez na panira naman talaga ng araw.

"Naku mo si Kenzo?" tanong ni Andrew sa akin kaya naman kaagad akong tumango sa kanya.

"Bumili siya ng Lunch namin, dito daw siya mag lulunch eh" paliwanag ko sa kanila kaya naman mas lalong nalukot ang  mukha ni Fidez.

"Sayang. Maglulunch sana kami pagkatapos group study na din. May exam kasi kami mamaya" paliwanag pa ni Andrew sa akin kaya naman napaawang ang aking bibig.

"Hindi ko alam, hindi naman sinabi sa akin ni Kenzo" nagaalalang sabi ko din sa kanya pero hindi talaga nagpatalo si Lola Fidez.

Mapanuya niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "Wala ka naman talagang alam bata. Kung tunay ngang concern ka may Kenzo dapat ay hinahayaan mo siyang makapagaral ng maayos. Hindi yung gusto mo araw araw kayong sabay kumain. Bakit highschool ba kayo?" masungit na pangaral niya sa akin.

Naramdaman ko ang paghawak ni Abby sa aking kamay. Maging siya ay nasindak ni Lola Fidez dahil sa mga pangaral nitong siya lang din naman ang naniniwala. "Edi kausapin mo si Kenzo. Siya naman yung nagpresinta na dito kumain eh" laban ko sa kanya na mas lalo naman niyang kinainis.

"Exactly, Kenzo wants to please you all the time kaya naman pati yung pagaaral niya naapektuhan" laban pa din niya. Mukhang maraming baon ang isang ito at wala talagang balak na magpatalo.

Nagtaas noo ko. "Eh bakit ka ba galit, ikaw ba nagpapaaral kay Kenzo?" tanong ko sa kanya para naman alam ko kung ano yung pinanghuhugutan niya.

Kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Sa itsura niya ngayon ay parang ano mang oras ay gusto niya nang hilahin ang buhok ko at sabunutan ako.

"Ikaw na babae ka..." gigil na sambit niya sa akin. Hindi na niya naituloy ang dapat pa sanang sasabihin niya ng biglang dumating si Kenzo. May bitbit na itong plastick ng lunch para sa aming tatlo nila Abby.

"Fideliz tama na iyan, nagusap na tayo tungkol dito" seryosong suway ni Kenzo sa kanya. Tumaas ang isang kilay ko ng makita ko kung paano parang tuta na umamo ang lola niyo. Para siyang biglang kumalma dahil sa presencya ni Kenzo.

Tumaas ang isang sulok ng labi ko habang nakatingin kay Fidez. Marahan akong napailing iling. Malala na ang isang ito, baliw na. Napaayos ako ng upo ng makita ko ang tingin ni Kenzo sa akin. Mukhang nakita din niya kung paano ko tingnan ang siraulo niyang kaibigan.

Humalukipkip na lang ako at tsaka nagiwas ng tingin sa kanya. "Magrereview ako sa library pagkatapos naming kumain ng girlfriend ko. Wag kang mag alala Fidez" paninigurado pa ni Kenzo dito kaya naman mabilis siyang napatango tango. Napanguso ako, inis tong babaeng to pagkaharap si Kenzo parang maamong tuta.

Nang makaalis na tangina squad niya ay lumapit na din si Kenzo sa akin. "Ikaw din pala isang matigas ang ulo" nakangising sabi niya sa akin habang hinahalik halikan ako sa aking ulo.

"Eh bakit, ganuon din naman niya ako tingnan eh. Tinawag pa nga akong bata" inis na sumbong ko pa sa kanya kaya naman muling natawa si Kenzo.

Himapas ko siya sa braso. "Kanina ka pa tawa ng tawa, ano ba gusto mo na bang magasawa?" inis na suway ko sa kanya. Nagsusumbong nga ako sa kanya tapos tatawanan niya lang ako. Isa pa pala itong siraulo. Tangina mukhang nakakabaliw talaga ang med.

"Bakit pwede ka na ba?" tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Ang ano?"

Napakagat siya sa kanyang pangibabang labi. "Pwede ka na ba kakong magasawa kasi kung pwede na, aasawahin na kita" nakangising sabi pa niya kaya naman uminit ang buong mukha ko.

"Parang gago to, syempre hindi pa. Hindi pa nga ako nakakagraduate eh" nakangusong sagot ko sa kanya.

Tinitigan niya ako bago siya humilig sa akin at bumulong. "Edi after grad, pakasal tayo. After boards aanakan na kita" sabi pa niya sa akin kaya naman nagtaasan ang balahibo sa aking buong katawan.

Kaagad ko siyang pinaghahampas. "Bastos kang bwiset ka!" sita ko sa kanya habang pinaghahampas siya. Tawa lang ng tawa ang loko na para bang nakikiliti pa siya sa ginagawa ko imbes na nasasaktan.

Hindi pa ako nakuntento, inabot ko pa ang tagiliran niya para kurutin siya. Napaiktad siya dahil duon. "Baby be gentle" maarteng sabi pa niya na akala mo may ginagawa ko sa kanya.

"Ang bastos mo Kenzo, baka mamaya anakan mo lang ako ng anakan pag magasawa na tayo. Ayoko na sayo..." reklamo ko sa kanya. Biro ko lang naman iyon pero ang gago masyadong affected.

"Ilang anak ang gusto mo kung ganoon?" seryosong tanong niya sa akin. Umakto ako na parang nagiisip.

"Depende sa kaya mo. Balita ko masyadong busy ang mga doctor. May napanuod nga akong pelikula, magseSex na sana sila nung asawa niya ang kaso nagkaemergency so ayun..." tuloy tuloy na kwento ko kay Kenzo. Napakagat ako sa pangibabang labi ko ng mareliaze kong ang daldal ko.

"Ayun share ko lang" sabi ko pa.

"Kung mangyari iyon sa akin isasama kita sa hospital. We can still made love sa clinic ko kung gusto mo, on the top of my desk. Uhm what do you think?" laban pa niya sa akin.

"Think think mo mukha mo. Gutom lang yan Kenzo, kumain na tayo" yaya ko sa kanya at tsaka siya kaagad ba hinila sa likod ng booth namin para makakain na.

Pagkatapos ng program sa may quadrangle ay naging busy naman kami sa mga seminars at contest sa may auditorium. Ang iba nga sa mga kaklase namin ay nakakatulog na sa gitna ng seminar, malamig naman kasi sa auditorium kaya hindi ko sila masisisi.

"Balita ko kasali sa singing contest si Valerie..." bulong sa akin ni Abby habang nasa kalagitnaan kami ng seminar at ako naman ay nagpapanggap na nakikinig kahit ang totoo ay nagfofocus akong labanan ang aking antok.

Tamad ko siyang nilingon. "May balita balita ka pang nalalaman diyan, bakit reporter ka ba? Pakialam ko naman duon" inis na sabi ko pa sa kanya kaya naman napanguso na lamang si Abby.

Natapos ang pangalawang seminar namin bago maglunch. Muli nanaman akong napairap habang nakatingin sa mga co pharma ko na naguunahan sa paglabas ng auditorium. "Tangina parang may relief goods amputa..." inis na puna ko sa pagmamadali nilang makalabas.

At dahil tinatamad akong makipagunahan at tulakan sa kanila ay hinintay na muna namin ni Abby na kumonti ang mga tao. "Saan mo gustong maglunch?" tanong ni Abby sa akin.

"Chicken rice na lang. Tapos sa may registrar na lang tayo kumain" tamad na sagot ko sa kanya dahil nakakasakit ng ulo ang matagal na pagupo sa malamig na lugar na hindi ka man lang makakuha ng tiempo na makatulog.

Bumaba kami sa auditorium papunta sa may 2nd gate. Makapal ang tao sa labas dahil lunch time na. Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay dumiretso kami sa registrar para maupo at duon kumain.

"Parang ayoko nang bumalik duon, sa library na lang ako" malungkot na sabi ni Abby kaya naman napairap na lamang ako.

"Gusto mo lang tumambay duon para makita yung librarian, sampalin pa kita diyan eh" asik ko sa kanya kaya naman muling humaba ang kanyang nguso.

Saktong 1:30 mag sisimula ang singing contest. Wala naman sana akong interest duon pero nalaman kong kasali si Valerie kaya naman manunuod ako, hihintayin kong pumiyok siya para naman matuwa ako.

"Baby!" tawag ni Kenzo sa akin na ikinagulat ko. Mabilis ko siyang nilingon.

"Oh akala ko ba may exam ka?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Bumaba lang ako para bumili ng pagkain" kakamot kamot siya ng batok habang nakatayo sa aking harapan.

Kita ko ang kanyang pagaalinlangan. "May sasabihin ka ba?" tanong ko pa sa kanya.

"Magpapalam sana ako. Birthday kasi ni Fidez ngayon may handaan sa bahay nila" paalam nito kaya naman napanguso ako.

"Oh eh bakit ka nagpapalam sa akin? Hihingi ka baon?" masungit na tanong ko sa kanya kaya naman napakagat labi si Kenzo.

"Damn baby, nagpapaalam ako ng maayos. Ayoko naman na pagawayan pa natin ito kung malaman mo at hindi ako nagsabi sayo" paliwanag niya sa akin kaya naman bumagsak ang tingin ko sa aking pagkain.

"Kasama lahat ng classmates niyo, pati si Mandee?" may pagtatampong tanong ko sa kanya. Marahang tumango si Kenzo kaya naman mas lalong bumagsak ang aking balikat.

Magsasalita pa sana ako ng kaagad na may tumawag kay Kenzo mula sa aming likuran. Isa din iyon sa mga kaklase niya. "Pre what time kila fidez? Susunduin ko pa yung girlfriend ko sa morayta" rinig kong sabi nito kay Kenzo kaya naman nabato siya.

Tumingala ako sa kanya para tingnan siya pero hindi niya magawang tumingin sa akin. "I'm sorry baby, alam ko kasing hindi kayo maayos ni Fidez. Gusto din kitang isama kaso baka magkagulo lang." paliwanag niya pa sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.

Biglang naginit ang ulo ko dahil sa sinagot ni Kenzo sa akin. Nasaktan ako duon. "Paano pag ayaw kitang pumunta duon?" mapanghamon na tanong ko sa kanya kaya naman kaagad siyang napahilamos sa kanyang mukha.

"Baby sandali lang ako. Magpapakita lang ako..." laban pa niya sa akin pero buo na ang desisyon ko.

"Pag nagpunta ka duon break na tayo Kenzo" pagbabanta ko sa kanya habang ang aking mga tingin ay nanatili sa sahig. Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.

"Fine" tipid na sabi niya. Akala ko ay magwawalk out na kaagad ito, nagulat pa ako ng humalik siya sa aking pisngi.

"Akyat ba muna ako. May exam pa" malumanay na paalam niya sa akin at kaagad ding umalis.

Napabuntong hininga din ako. Hindi ko naman sana gustong gawin iyon kay Kenzo. Pero kasi, biglang uminit ang ulo kom bakit si Fidez lang ba ang may karapatang papiliin si Kenzo?

Hindi nawala iyon sa isip ko kahiy pa nakabalik na kami sa auditorium. Nagulat ang mga kaklase namin ng hindi nagpakita si Valerie ng siya na ang kakanta. Maraming naging haka haka sa nangyari pero wala akong pakialam.

Bagsak ang balikat ko pagkauwi ko ng dorm. Madilim na din sa labas ay nakauwi na si Kenzo. Kahit inis ako kay Fidez ay naguguilty pa din ako sa nagawa ko. Pinigilan ko siyang pumunta sa birthday celebration ng bestfriend niya.

"Tangina!" hiyaw ko at tsaka nagpagulong gulong sa aking kama dahil sa pagiisip. Ako pa ngayon ang nagkaproblema, inis talaga!

Pasado alas onse ng dumilat ako mula sa pagkakapikit. Kanina ko pa sinusubukang matulog pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa ilalim ng aking unan para magscroll sa social media umaasang aantukin ako pagkatapos.

Pero imbes ba antokin at nasaktan lamang ako. Nakita ko ang ilan sa mga post ni Andrew sa facebook. Sila iyon ng mga kaklase niya, pamilyar ang mga mukha nila sa akon. Napatitig ako kay Kenzo na nasa litrato. Kaagad namuo ang galit sa sistema ko. Nagsinungaling siya sa akin.

Dahil sa nalaman ko nung gabi ay badtrip akong pumasok kinaumagahan. Maging ang guard na bumati sa akin ng good morning ay inirapan ko lang. "Oh hindi nanaman maganda ang gising mo?" tanong ni Abby sa akin ng magkita kami sa labas ng auditorium, nagiinspect ng bag bago pumasok duon kaya naman may pila.

"Umattend pa din ang gagong Kenzo sa birthday party ng bestfriend niya" nanggagalaiting kwento ko kay Abby.

"Eh bestfriend kasi niya iyon eh..." sagot pa niya sa akin kaya naman napairap ako.

"Edi tangina nilang pareho. Magsama silang dalawa" sabi ko pa kaya naman napatahimik na lamang siya. Masama ang titig ko sa lahat ng speaker namin sa seminar. Basta ay galit ako, bwiset na bwiset ako dahil pakiramdam ko naisahan nanaman ako ni Fidez.

Matapos ang unang seminar ay sandali kaming binigyan ng break para makapagmirienda. Dahil hindi naman ako kumain ng breakfast ay sumama ako kay Fidez pababa ng AMS building. Lungga din ng mga med ang likod ng AMS kung saan marami ding kainan.

"Siomai na lang sa akin" tamad na sabi ko kay Abby hindi ko nga sure kung kakainin ko din iyon. Nagugutom ako pero wala akong gaba, ah basta magulo.

Habang naghihintay sa order namin ay kaagad akong nagulat ng may humawak sa aking bewang. Mas lalo lang akong nainid ng makita kong si Kenzo iyon. Ngiting ngiti pa siya sa akin na para bang wala siyang ginawang kasalanan.

"Bitawan mo nga ako" galit na asik ko sa kanya na ikinagulat niya. Muli ko siyang tinalikuran at tsaka masamang tumingin sa aking nasa harapan. Hindi nagpatinag ang gago mas lalo pa itong lumapit sa akin.

"Bakit Sera?" nagaalalang tanong niya pa sa akin kaya naman mas lalo kong naikuyom ang aking kamao. Magtatanong pa ang gago.

"Umalis ka, ayaw kitang makita" pagtataboy ko sa kanya. Naramdaman ko ang hawak niya sa aking braso. Humaplos lamang ang kamay niya duon kaya naman halos magsitayuan ang balahibo ko sa braso dahil sa lambing nuon.

"Tara magusap muna tayo" mahinahong yaya niya sa akin at balak pa akong hilahin palayo duon pero nagmatigas ako.

Mas lalong naginit ang ulo ko ng makita ko ang paparating na si Fidez, nakangisi pa ito habang nakatingin sa akin. "You and your cheap tactics bata" mapanuyang sabi pa niya kaya naman tumalim ang tingin ko sa kanya.

Kaagad siyang natabunan ni Kenzo nang iharang niya ang kanyang sarili. "Stop it Fidez please, maguusap pa kami ng girlfriend ko" suway ni Kenzo sa kanya kaya naman nagtaas lamang ito ng kilay.

"Your so immature para pigilan si Kenzo na pumunta sa birthday party ko. Girlfriend ka lang niya" galit na asik pa niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao, dahil sa namumuong tensyon ay naagaw na namin ang atensyon ng ibang estudyante. Dahil sa inis ko ay tinulak ko si Kenzo papunta sa kanya.

"Yan isaksak mo sa baga mo yang bestfriend mo. Tangina kayong lahat" inis na sabi ko at pumiyok pa. Mabilis akong tumakbo palayo duon.

Muli akong pumasok ng AMS building, bago pa man ako makarating sa CAS at nahila na ako ni Kenzo. "Baby please..." pakiusap niya sa akin.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tuluyan ng naiyak. "Nagsinungaling ka sa akin, sabi mo hindi ka pupunta" akusa ko sa kanya.

Hinawakan ni Kenzo ang aking magkabilang pisngi. Iginaya niya ang mukha ko para iharap ako sa kanya. "Her mom called me, hindi naman talaga ako pupunta. Hindi ko naman matanggihan si tita, sandaling sandali lang ako duon" giit niya sa akin.

Hindi ako nagsalita, nagiwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Sorry...sorry" malambing na pakiusap niya sa akin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "Palibhasa si Fidez ang pinakaimportanteng babae para sayo. Even me, over me Kenzo" sumbat ko sa kanya kaya naman nagulat siya.

"Pangalawang beses ka ng nagsinungaling sa akin para kay Fidez, nung sa hospital. Kung hindi pa kita sinundan hindi ko pa malalaman" umiiyak na sumbong ko pa.

Kitang kita ko ang frustration sa kanyang mukha. Ipinagdikit niya ang mga noo namin. "Sorry baby sorry...please" paulit ulit na paghingi niya ng tawad sa akin.

"Ako nga ang pinili mo, pero hindi ka naman buong buo sa akin. Tangina ka..." pumiyok pang sabi ko sa kanya.

Imbes na sumagot ay hinalikan lamang ako ni Kenzo. Pagkatapos ng halik ay muli siyang tumitig ka sa akin.

"Let's fix this. I can't lose you" paos na sabi pa niya.






















(Maria_CarCat)

Seguir leyendo

Tambi茅n te gustar谩n

7M 227K 65
His Punishments can kill you
827K 28.4K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.3M 151K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
97.7K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...