Kathang Isip

By alyloony

730K 45.3K 41.5K

Pareho kaming nag mahal ng maling tao. Siya---doon sa babaeng hinding hindi niya maabot. Ako---sa kanya na ha... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Epilogue

Chapter Fifteen

20.1K 1.5K 1.4K
By alyloony

Chapter Fifteen

VANNA

High School. Naalala ko yung gabing sinabi sa akin ni Asul na break na sila nung first girlfriend niya. He told that in a matter of factly way. Hindi niya sinabi kung anong dahilan pero aware ako na ang pinag simulan ng away nila yung araw na hindi siya naka-sipot nung monthsary celebration nila dahil sa akin. Ayun yung nag luto ako ng hotdog at muntik ko na masunog ang buong kusina namin.

Naalala ko nung araw na yun, kabadong kabado ako kasi alam kong papagalitan ako ng parents ko. And true enough, galit na galit nga sila sa akin kasi nagkaroon ng malaking marka na itim yung pader ng kusina.

Blue stayed with me to comfort me. Iyak ako sa kanya nun. Na singahan ko pa ata yung manggas ng polo niya.

I remember ang bango niya nung araw na yun. Nagpapa impress ata sa jowa. Pero hindi bagay sa kanya yung polo at shades na suot niya. That's so not him.

But still, it shows na he really like her for him to dressed up like that. Kaya nga grabe ang konsensya ko nung nag break sila. Feeling ko kasalanan ko. Kaya hindi ako matigil sa pag iyak nung araw na yun.

"Para kang tanga," sabi ni Asul. "Di ba dapat ako ang cino-comfort mo? Bakit ikaw ang cino-comfort ko ngayon?"

Mas naiyak ako sa sinabi niya. Tinawanan niya lang ako and he pulled me near me. I said sorry dahil hindi siya nakapunta sa date niya nung araw na yun dahil sa katangahan ko. Kung hindi niya ako pinuntahan, edi sana sila pa.

"Wala ka naman kasalanan," sabi ni Asul nung hindi ako matigil sa kakaiyak nang sabihin niya sa akin na break na sila. "Gusto ko na rin talaga makipag break kasi binabago niya ako nang husto. Buti na lang inunahan niya na ako."

Blue told me na hindi niya pinagsisihan na pinuntahan niya ako nun kasi kung hindi, baka pati ako nasunog din. "Tanga ka pa naman, sobra," he said in a joking manner at hinampas ko siya. Pero nung time na yun, parang sasabog ang puso ko sa saya dahil ramdam na ramdam ko ang halaga ko kay Blue.

Ilang beses pang naulit yun. Yung may mga importante siyang bagay na dapat gawin pero ako ang inuuna niya. Ako ang pinipili niya.

Yung time na nagkayayaan ang barkada na mag Boracay, kaso hindi ako nakasama kasi nagka bulutong ako, nag paiwan na rin si Asul nun para hindi raw ako masyadong mainggit.

Nung nanalo siya ng dinner for two sa isang sikat na restaurant. Pwede naman niya isama ang ibang tao pero ako yung sinama niya.

Little things. Madalas kong balewalain dati. Sa isip ko, normal lang naman sa'ming dalawa ang mga bagay na 'yun. Isa sa maraming bagay na nakasanayan na.

At oo, kahit pa gaano ko kagusto si Blue, alam kong ginagawa niya ang mga bagay na yun dahil best friends kami.

Ito ang isang bagay na pinoprotektahan ko. Isang bagay na ayokong mawala sa akin.

Pero habang nasa sasakyan ako ni Uno papunta sa ospital kung nasaan si Asul ngayon, pakiramdam ko parang unti-unti na siyang nawawala sa akin.

"Hindi ba nasabi sa'yo ni Blue bakit nasa ospital siya?" tanong ni Uno habang nag d-drive siya. I'm lucky enough na he's here para ihatid ako. Kung hindi, baka kanina pa ako natataranta.

Umiling ako, "hindi ko alam, eh. Na-aksidente ata yung kaibigan namin."

Napahinga ako nang malalim. Naalala ko bigla yung sinabi sa akin ni Asul sa phone.

"I shouldn't have left Anya that night."

Madalas niya akong piliin noon at kita ko sa kanya na walang pag sisisi yon.

Pero ngayon...

Asul, nag sisisi ka na ba na ako ang pinili mo nung gabing 'yon?

Nang makarating kami sa ospital, dali-dali kong pinuntahan si Blue at nakita ko siyang nasa waiting lounge. Nakayuko at hinihimas ang noo. He looks dishevled.

Nilapitan namin agad siya ni Uno.

"Asul," tawag ko at napaangat ang tingin niya sa akin.

Naupo ako sa tabi niya at nakita ko naman si Uno na in-occupy yung seat sa likod namin.

"Anong nangyari kay Anya?" tanong ko.

"V..." he said, half whisper. Then, he took my hand and held it tight. "Anya... she tried to hurt herself."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Asul. I was speechless. Hindi ko alam na ayun ang reason. I thought naaksidente siya or what.

Guilt flooded my emotions.

"Oh my god," I said at napatakip ako ng bibig.

"Na-sense ko na na may mali sa kanya nung gabing yun. The way she looked at me that night, it felt like she's begging me for something," sabi ni Asul. "But I ignorned it. Kung alam ko lang, hindi ko sana siya iniwan doon. Dapat isinama ko na siya sa pag punta sa inyo. Ang tanga ko."

I'm speechless. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

Kanina lang habang papunta kami dito, wala akong ibang inisip kundi yung naging dating ng sinabi sa akin ni Asul sa phone.

But I was not aware na ganito pala ang nangyari. Of course he will feel guilty dahil siya ang nakausap ni Anya. Kahit ako nakakaramdam ng matinding guilt.

Gusto kong murahin ang sarili ko.

Napaka selfish ko.

Hindi ko binitawan ang kamay ni Asul the whole time the doctor's treating Anya. Sabi it's not that bad. May sugat siya sa may forehead gawa nang pagkakauntog niya sa salamin because of her own doing.

Sabi ni Asul sa akin, kaninang umaga pa niya hindi ma contact si Anya. They're supposed to meet para sa competition pero walang paramdam. That's when he decided na puntahan ito sa kanila.

She saw Anya on the floor of her apartment, drunk, half concious at puro dugo ang mukha. There's a shattered glass on the floor. Anya said she did that to herself. Nung makita siya ni Asul, she said she wanted to end everything.

Apparently, Anya caught her boyfriend cheating on her at malala ang naging epekto sa kanya nito.

Ramdam ko ang panginginig ng boses ni Asul habang ikinukuwento niya sa akin yun. Damang dama ko ang guilt niya sa nangyari.

I want to tell him it's not his fault. I want to say na he shouldn't be too hard on himself. Pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Ang tanging nagawa ko lang ay ang hawakan ang kamay niya.

~*~

"You okay?" tanong sa akin ni Uno habang inilalapag niya ang kape na inorder niya sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa coffee shop, waiting for Anya and Blue. Na stitch na ang sugat ni Anya sa noo. Blue's helping her buy her meds. Sabi ko, dito ko na lang sila aantayin dalawa. Sa totoo lang, feeling ko kailangan makausap ni Asul si Anya at ayoko naman maging epal sa kanila.

Tumango ako kay Uno and I gave him a forced smile.

"Weh? Okay ka talaga?" tanong niya ulit.

"Oo naman," sabi ko without looking at him. "Bakit naman ako hindi magiging okay?" I took a sip of my coffee.

"Kasi selos ka kay Anya?"

Muntik ko na maibuga sa mukha ni Uno ang kapeng iniinom ko.

"Ha?! Saan nanggaling 'yon?!"

Napatawa nang bahagya si Uno, "joke lang. Pero halata sa'yo na mukhang malungkot ka."

Napahinga ako nang malalim.

"Wala, na g-guilty lang ako."

"Dahil sa nangyari?"

Tumango ako, "kung hindi ako pinuntahan ni Asul kagabi, hindi mangyayari 'to."

Napahinga rin nang malalim si Uno, "hindi mo naman sinabi kay Blue na puntahan ka niya. It's his choice."

"Alam niya kasi yung phobia ko sa madilim. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako ganito. Para tuloy pabigat ako kay Asul."

Natigilan si Uno at napatingin sa kapeng iniinom niya. He heaved a sigh at muli niyang inangat ang tingin niya sa akin.

"Does Blue made you feel that way? Na pabigat ka?"

Umiling ako, "hindi kasi masyado siyang mabait. Pero feeling ko sa sarili ko ganun ang nangyayari. Hindi ko na rin alam kung ilang beses na nag away si Asul at yung mga naging girlfriend niya nang dahil sa akin. Tapos eto na naman. May babae siyang nagugustuhan pero ume-epal na naman ako."

"I think kahit ilang babae pa ang dumating o kahit pag bali-baliktarin ang mundo, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ni Blue."

Napa-angat ang tingin ko kay Uno dahil sa sinabi niya.

"Ha? Paano mo naman nasabi?"

Iniwas ni Uno ang tingin niya sa akin at napalingon siya sa bandang likuran ko.

"They're here," sabi niya at napatayo siya.

Lumingon ako sa likod at nakita kong papalapit nga sina Asul at Anya. May bandage sa noo ni Anya and both of the look like they're arguing with each other.

"Ayoko nga," dinig kong sabi ni Anya nang papalapit na sila sa amin. "Wag mo nga akong pilitin," medyo irita niyang sabi.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

Napasinghap si Asul, "paki convince nga siya na sa amin muna matulog. I can't leave her alone in that apartment."

Bahagya akong napaiwas ng tingin kay Asul. Pakiramdam ko kasi parang pinipiga ang puso ko.

"Ayoko. Sino ba ko para iuwi mo sa inyo? Jowa ba kita?" tanong niya.

"Both of my parents are doctors. Same goes with my ate. They'll understand your situation so please Anya, hindi ka pwedeng mag isa ngayon."

Nakita ko ang discomfort sa mukha ni Anya, and as much as I don't like the idea, Asul's right. Hindi siya pwedeng mag isa ngayon. God knows kung ano ang pwede niyang gawin sa sarili niya.

"How about sa amin?" tanong ko. "Ako lang naman mag isa sa bahay, eh. Tsaka baka mas comfortable ka na ako ang kasama mo, since pareho tayong babae."

Napatingin sa akin si Anya, "okay lang ba?"

Tumango ako, "oo naman. Wala naman problema yun."

Napayuko siya at bahagyang tumango as a sign na payag siya. Napalingon ako kay Asul. He's smiling at me and he mouthed the word 'thank you.'

Iniwas ko agad ang tingin ko.

Ang hirap magpaka dakilang tanga.

~*~

Dumaan muna kami sa apartment ni Anya to get some clothes. She said she's not comfortable letting guys in inside her apartment kaya naman naiwan sa kotse si Uno at Asul at ako ang sumama kay Anya sa loob para tulungan siya.

Pag bukas nang pinto, unang bumungad sa amin ay yung basag na salamin sa sahig. There are bloodstains everywhere at parang dinaanan ng bagyo ang apartment niya.

"Sorry," she said. "Lilinisin ko lang mabilis."

Kinuha niya yung walis pero dali dali ko naman inagaw sa kanya 'to.

"Ako na rito," I said while smiling at her. "Kuha ka na ng damit mo."

Tumango siya, "salamat."

Winalis ko yung mga bubog ng salamin habang nag aayos naman ng gamit si Anya.

"Pwede kang mag stay sa amin as long as you want," sabi ko sa kanya. "Wag ka mahihiya."

"Vanna..."

"Hmm?" I said without looking at her dahil busy ako sa pag w-walis.

"Gusto mo ba si Blue?"

Bigla akong natigilan at nilingon siya. She's looking at me seriously.

"Ha?"

"Gusto mo ba si Blue?" pag uulit niya sa tanong niya.

Hindi ako agad nakapag salita. May alam ba 'to? Nakakahalata ba siya sa akin?

I forced a laugh, "ha? si Blue? Hindi 'no! Kaibigan ko lang yung gagong yun. Bakit?"

"Wala naman," sabi niya at muli niyang ibinalik ang atensyon niya sa pag titiklop ng damit. "Kasi kung hindi mo siya gusto, pwede bang akin na lang siya?"


To be continued...

A/N

A friendly reminder to please always check on your friends. We're living in a tough time that can be mentally and emotionally draining. Lagi natin ku-kumustahin ang mga loved ones natin so they won't feel they're alone.

Also, if you know that you're mentally unstable, please find someone to talk to. Wag mong solohin lahat. Find an outlet. Your mental health is important too.

I hope everyone's okay. Love you, readers <3

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...