KISS ME, CAPTAIN

By Zoenia_01

808K 21.9K 7.3K

[ME series#2] The life of Paint Cenery Ordencial is not perfect as other people think. She's beautiful like a... More

KISS ME CAPTAIN
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaptet 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64

Chapter 10

15.8K 408 67
By Zoenia_01

Paint Cenery

PARA akong nanay na may buhat buhat sangol habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Balot na balot ng hoody ni Roks ang katawan ni Roksie.
Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin, bawal naman sa Hospital kasi hindi naman pwede magpasok ng hayop doon t'yak haharangin ako ng guard at baka kunin na muna nila saakin si Roksie.

"DUDES!" nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa tumawag.  Pinanood ko kung paano bumama mula sa pagkasay ng Jeep si Roi at tumakbo palapit saakin. Sinalubong ako nito ng mahigpit na yakap kaya naipit ang unggoy ko kaya dumaing 'to.

"Ano ba?!" inis ko siyang tinulak ganit ang kanan kamay ko dahil gamit ko ang kaliwa kong kamay sa pagbuhat sa maliit ng unggoy.

Nagbago ang expresyon niya, lumungkot 'to at parang naging guilty
"Galit ka rin ba saakin? Sorry na. Nung isang araw ka pa namin hinahanap, nag aalala na mga kapatid mo pati si Gracielle." hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad habang hinihimas nag t'yan ng kawawang Roskie.

"Pintura kausapin mo naman ako, teka ano ba 'yang hawak mo? Bata?" natigil ako sa paglalakad at ipinasilip ko sakaniya ang hawak ko.

"Unggoy?!"

"Sige mo isigaw mo pa. Ano gusto mo ba bigyan pa kita mikropono para abot na hanggang Mindanao 'yang pagkagulat mo? Ang OA." napairap nalang ako sa mga taong tumingin sa gawi namin at inayos ko pa ang pagkahawak ko kay Roksie para hindi nila makita na may hawak nga akong unggoy.

"Saan mo galing 'yan, ang baho!" napatingin ako sa paligid ko na kapag nilalagpasan ako ay nagtatakip sila ng Ilong, aminado akong mabaho talaga ang unggoy pati na rin ako dahil siya nagswimming sa imbornal samantalang akong lifeguard niya todo rescue kaya lumusong din sa kanal.

"Sa kanal, 'diba halata?" napanguso siya pero salubong ang kilay niya habang nakatingin sa suot ko.

"Bakit gan'yan ang suot mo? Dress? Saan ka ba galing?" above the knee ang suot kong dress at sleeveless na kanina natatakpan ng hoody ni Roks  medyo hindi ako komportable at nahihiya rin ako ngayon pero mas iniisip ko ang kalagayan ni Roksie.

"Mamaya ka na magtanong ng magtanong kawawa 'yung unggoy ko. Nanginginig siya sa lamig tapos gutom din? Pwede ba siyang pakainin ng saging?"

'Di ko alam kung anong klaseng unggoy 'to basta unggoy siya kasi mukha siyang unggoy. Hindi ko mawari kung anong tunay na kulay niya kasi nababalutan siya ng itim itim na putik.

"This monkey is an unggoy which means unggoy eat balinghoy that own by budoy?" tumawa siya ng pagkalakas lakas kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil wala na namang kwenta ang sinasabi niya. At hindi nakakatawa ang joke niya, Tss.

"Anak ng shooting star ka, wala ako sa mood na makipag gaguhan sa'yo ha potakte ka."

" Eh 'Di ko rin kasi alam, dumede pa ata 'yang gan'yan. Masyado pang bata. Ano ba plano mo d'yan aalalagaan mo hanggang paglaki?" patuloy lang kami sa paglalakad habang naguusap. Ni hindi namin alam kung saan ba kami patungo.

"Oo, dalhin kaya natin sa veterinarian? 'Yung Vet 'diba doctor ng animal na katulad mo?" imbes na maasar siya sa sinabi ko ay kumunot lang ang noo niya.

"Kala ko ba gusto mo alagaan hanggang lumaki 'yan, kapag pinacheck natin 'yan sa Veterinarian kukunin nila sa'yo 'yan dahil mahigpit na ipinagbabawal iyan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang pagaalaga ng unggoy." seryosong usal niya kaya napairap ako.

"Oh ano ngayon? Pake ko sa DENR na 'yan." pabalang kong sagot kaya hinila niya ako sa isang tabi.

"Kala ko ba magbabagong buhay kana lalo pa't kilalang kilala ka na nung Montego, 'diba may kasunduan kayo? Na h'wag ka ng gagawa ng paglabag sa batas?" nasabi ko na kasi sakaniya ang lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Captain Roks pati na rin 'yung mga kondisyon niyang, magaaral na ako at titigilan ko na ang paggawa ng masama pero 'yung pangatlong kondisyon n'ya na 'Kiss slave' ay hindi na, kasi t'yak nagwawalang 'tong si Roi kapag nalaman n'yang ginawa ni Captain Roks na kondisyon 'yun.

"Bakit pati 'yung pagmamalasakit lang sa unggoy pinakikialam ng batas at kung ano ano pang Department na 'yan, mga peste talaga eh." iritado kong usal kaya huminga lang siya ng malalim at pinagalaw ang kaniyang panga.

"A person may own a monkey as pet in the Philippines provided that both orner and the monkey pass certain qualification. Since monkey aren't domestic animals, we'll turn primary to the wildlife resources conservation and protection act, RA 9174." sinamaan ko na naman siya ng tingin kasi pabatas 'yung sagot niya saakin.

Bakit kaya gano'n napapalibutan ako ng mga taong pabatas ang sagot. Kala ba nila nakakatuwa 'yung gano'n? Nakakabobo kaya. 'Yung tipong bobo ka na pero binobobo ka nila lalo.

"Alam mo potakte ka rin no? Dapat 'di ka nalang namin kaibigan, nabibilang ka doon kina Captain Bato pato Doctor Rare." hindi niya pinansin ang pagrereklamo ko dahil seryoso lang siyang magpabida sa harapan ko.

"In Chapter 3, Art 1, Sec 8-Possession of wildlife, no person or entity shall be allowed possesion of wildlife unless such person or entity can prove financial and technical capabilty and facility to maintain said wildlife provided,  that the source was not obtain in violation this act. Ang ibig sabihin ng sinabi ko hindi talaga pwede mag alaga ng unggoy kung wala kang pera ka at tahanan na nakalaan sa unggoy 'yung tipong parang nasa wildlife pa rin, gets mo? Kailangan may mga permit at kung ano ano pa para maging legal na naga alaga ka." sagot niya habang nakatitig kay Roskie.

Natawa ako ng sarkastiko na nakangisi. "Parang 'di mo ako kilala, kapag gusto ko, gusto ko. Walang makakapigil kahit pa 'yan Roks na 'yan saka wala akong pake sa mga rules ng DENR na 'yan, walang huhuli saakin kung titikom mo 'yang bibig mo, basta ang mahalaga akin 'tong si Roksie." nanlaki ang mga mata niya nang bigkasakin ko ang pangalan ng unggoy ko.

"Roksie?"

"Oo, pamilyar no? Sinunod ko lang sa pangalan ni Captain Bato. Bagay 'diba?" napakagat siya sakaniyang labi na talagang pinipigilan niyang sumabog ang tawa niya hanggang sa 'di niya na mapigilan.

"Pakeneng totoo? HAHAHAHA. Awitize, the best ka talaga." napangisi ako dahil bagay naman talaga sa unggoy ko na ang pangalan ay Roksie.

"Satingin mo iuwi ko muna 'tong unggoy sa bahay? Tapos ang pabalikin ko nalang sa hospital ikaw, si Gracielle o kaya Ella para sunduin si Coco." sumeryoso ang itsura niya habang nakakunot ang kaniyang noo.

Ambilis, magbao ng mga expresyon niya. Parang, weirdo lol.

"Nakita na si Coco?" ngumiti ako ng malaki saka tumango, ngumuso siya at niyakap ako ng mahigpit dahil sa sobrang saya niya. Malaki rin ang sakrispisyo at inilaan na oras sa paghahanap nila kay Coco pati na rin saakin kaya talagang magpapasalamat ako sakaniya.

"Oo," nagsimula akong
ipaliwanag sakaniya ang lahat ng nangyari sakaniya habang naglalakad hanggang sa makarating kami sa isang ukay-ukay.

"T-ngina, babasagin ko mukha ng mga batang 'yun lalo na 'yung mga muntik gumalaw sayo." galit na galit siya at talagang pakiramdam ko nakikita ko kung paano umuusok 'yung ilong at tenga niya

"Sige, tulungan pa kita eh. Ako na babasag sa mukha nang mga bata ikaw na doon sa muntik na nangrape saakin, bukas ano G?" ngumiti siya saka tumango, madalas kami ang nagkakausundo kapag gan'tong may babanatan kami lalo na 'yung nga may atraso saakin. 'Yung nga bumabastos, talagang gumagawa kami ng paraan para magulpi ang mga 'yun.

Malakas kami physically pero si Gracielle talagang mahina 'yun. Lampa, sa madaling salita kaya nabubully siya. Syempre kami naman 'tong todo rescue ni Roi sa bff namin ma parabg baby.

"G ako pero paano natin mababanatan 'yung mga muntik bumaboy sa'yo? Susugod tayo sa bilibid?" talagang seryoso siya at galit, Parehas kaming nakakatakot magalit pero ang kaibahan ay siya marunong magkontrol ng galit at hindi niya ibinabaling sa kung sino sino, hindi ko katulad na kapag galit hindi ko na alam kung anong sinasabi at ginagawa ko. Pakiramdam ko, sinasapian ako ng isang demonyo.

"Bukas na natin, pagplanuhan sangayon intindihin muna natin 'tong unggoy ko." kinagat niya ang manipis at mapula niyang labi saka dahan dahan na tumango.

"May pera pa ako dito, bibili ako biscuit, saging at gatas? Pwede bang powdered milk d'yan?" nagkibit balikat ako dahil ko rin naman talaga alam paano mag alaga ng unggoy.

"Hindi ko alam basta gatas, eto may pera pa ako rito bilhin mo na rin siya ng bote." akmang itaaas ang dress ko dahil nakashort ako para mas safe kapag linipad ng hagin at isa pa doon nakalagay ang perang natitira saakin pero pinigilan niya ako at sinamaan ng tingin.

"Nahihibang ka na na? Itatasa mo 'yan, dito sa public place? Parang 'di ka talaga babae no?" ganyan siya lagi parang tatay, nagagalit nga 'yan kapag umuupo kami ni Cielle na hindi angkop sa babae 'yung tipong parang lalaking upo.

"Naka short naman ako!" mas lalo sumama ang tingin kaya napairap ako at hindi na tumuloy ang bala na pagtaas ko sa dress ko.

"Ako na bahala, maghintay ka diyan." itinuro niya ang bakanteng upuan na gawa sa bato kaya tumango nalang ako at nagtungo doon.

Malapit na kami sa bahay dahil adami naming napagkwentuhan at tungkol sa mga nagyari saakin at sa kung anong lagay ng paghahanap nila kay Coco pati saakin, sangayon wala siyang kasama maghanap dahil busy sina Mamsh, Danice, Sam at ang iba dahil may kaniya kaniyang lakad at raket ang mga 'to. Kaya nga kapag nagkaroon ako ng pera libre ko sila kahit sa tapsihan lang bilang pasasalamat.

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Roi dala ang isang bote ng gatas na pambata, dalawang saging, tatlong sachet ng bearbrand 'yung maliit lang pati narin ang dalawang biscuit ng fita.

"Pwede ba 'yung gatas ng oso sa unggoy?" nagtataka kong usal dahil talagang sa buong buhay ko sabi saakin 'yung bearbrand gatas ng oso.

" Yawa, Ha ha ha pakening jokerist ka na?" sarkastiko 'tong tumawa na parang nasisiraan na ng ulo dahil may pa palakpak pa siya habang naniningkit ang mga mata.

"Ogag, seryoso ako hindi ba gatas ng oso 'yang bearbrand? Hindi ko alam eh, hindi pa naman ako nakatim n'yan gatas ko dati tubig na pina gsainginan na hinahaluan ng konting Alaska tinitipid kasi namin 'yun." totoo 'yun, 'di ko pa natikman 'yang gatas na bearbrand kasi medyo alanganin ako sa gatas ng oso na 'yan. Noong araw kasi mas mura 'yung gatas na alaska kaysa sa bearbrand kaya 'yun ang gatas ko.

"Alaska pa nga, hanep. Sosyal ka naman pala eh." naiiling siyang ngumisi at inakbayan ako at iginiya muli sa paglalakad.

"Tanga ka ba mas mura 'yung alaska dati saka sadyang ayoko lang sa bearbrand kasi pakiramdam ko gatas ng oso." tinawanan n'ya na ako ng nakakainsulto dahil ngayon lang namin natopic ang gan'to tungkol sa gatas.

"Eh ano satingin mo 'yung sa Alaska? Katas at gatas ng bansang Alaska?" napabusangot ako dahil talagang nangaasar na siya ng sobra.

"Syempre hindi no! Brand lang 'yun tanga ka dai?" kinagat niya ang kaniyang labi at umiling iling.

"Awit, 'yun nga point ko eh. Brand lang din 'yun,  pure and ready to drink milk, without the addition of any preservatives, made from 100% high-quality sterilized dairy milk gets mo na?" oo nga no, bakit 'di ko naisip na brand nga 'yun? Bakit napaka bobo ko? Hindi na pangkaraniwan ang kabobohan ko. Isipin mo sa ilang taon kong nabubuhay sa earth naniniwala akong galing sa gatas ng oso 'yung bearbrand.

"Anak ng shooting star, buong buhay ko akala ko mula sa gatas ng oo ang bear brand ilang taon na pala akong bobo." kinagat niya ang tenga ko kaya napahiyaw ako at tinulak ko siya. Paborito n'yang kinakagat 'yang tenga ko pasalamat siya naglilinis ako ng tenga parati.

"Ebarg amputs ang corny mo. Weirdo, ngayon ko lang din nalaman na gano'n ang pagkaalam mo sa bearbrand. Obob Pintura." ginulo niya ang buhok ko habang sinusundot n'ya 'yung natutulog na si Roksie.

"Yabang mo atleast talented." sabi ni Roks kanina, matalino raw ako kasi talented ako. Atleast 'diba nasabihan ako ng isang lalaking pinaglihi sa dictionary na matalino raw ako.

"Corny at weirdo naman." kapag kaibigan talaga walang support no? 'Yung tipong lagi kang lalaitin, kasi 'yun 'yung way nila para sabihin kung gaano ka nila ka love.

Napagdesisyunan namin na sumakay
tricycle papunta ng bahay tutal malapit na rin kami para maiwasan 'yung mga pesteng chismosang kabaranggay namin saka pagod na rin ako maglakad, ang layo ng nilakad namin tapos ngayon kolang naramdaman 'yung sobrang pagod.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami. Pagkalabas ko palang ng tricycle ay agad na akong pumasok sa loob para hindi mahalata ng mga chismosang kapitbahay ko na may dala akong unggoy dahil t'yak pagkakaguluhan nila 'to.

"Ate?" nabitawanan ni Ella ang hawak niyang walis saka tumakbo palapit saakin para yakapin ako.

"Saglit." inabot ko kay Roi ang unggoy para mayakap ko pabalik ang kapatid ko nangingilid na ang luha.

"Saan ka galing?" paos na tanong niya.

"D'yan lang sa tabi tabi." ngumiti ako sakaniya at hinawakan ang dalawang pisnge nito at pinunasan ko 'yung malapit ng tumulo na luha niya.

Napatingin ako sa gilid ko kung saan nakatitig saakin si Gracielle na may halong pag aalala sa mga mata pero hindi niya magawang lumapit dahil nga nagaway kami nung huling paguusap namin.

"Kumain na ba kayo? Nasaan sina Hanz?" alas tres na rin kasi ng hapon ngayon. Kasi kanina pagkatapos ng tanghalian nung pumunta kami sa hospital.

"Opo, sina Hannah at Thea pumasok sa eskwelahan tapos susunduin sila mamaya ni Hanz nag absent lang kami eh." 3:30 kasi ang dissmisal ng dalawa at kailangan sinusundo sila dahil kailangan nilang tumawid ng kalasada kapag uuwi ng bahay. Marunong naman silang tumawid pero para safe ay kailangan may magsusundo sakanila.

"Bukas hindi na kayo mag a-absent nahanap na namin si Coco. Kaya ngayon ikaw Jannella pumunta ka ng hospital ng AKG nandoon si Coco kasama si Nanay. Magpasama ka nalang dito kay Roi o kaya kay Gracielle dahil may aasikasuhin ako." sinulyapan ko ng buhat buhat ni Roi, para siyang tatay na maagang nagkaanak dahil sa itsura niya ngayon na hawak hawak ang unggoy na parang sanggol.

"Ako nalang sasama sakaniya." suhestiyon ni Gracielle kaya tinanguan ko lang 'to dahil medyo masama pa ang loob ko sakaniya kasi kinuwestiyon niya ako tungkol sa pagaalala ko sa kapatid ko.

"Sige na magbihis kyo at umalis na kayo, alam n'yo naman 'diba?" tumango si Gracielle at iniwas ng tingin saakin.

"Ano ba 'yang hawak ni Kuya Roi? Baby?" sinilip niya ang hawak ni Rpi at napahawak pa 'to sa kaniyang bibig dahil sa gulat.

"Oo baby unggoy, anak ng Ate mo." humalakhak si Roi kaya napairap nalang ako.

"Ate!" napangiti ako nang lumabas mula sa kwarto nina Tatay si Hanz. Niyakap niya rin ako ng mahigpit. Kahit pa na binata na 'tong kapatid kong 'to, sweet at clingy 'to. Lahat kasi ng kapatid ko gano'n pero syempre pinaka sweet at Clingy ang bunsong si Hannah pati na rin si Coco.

"Ang astig!" puri naman ni Hanz sa unggoy. Hindi ko sila masisi, dahil ngayon lang din sila nakakita n'yan ni hindi namin nagawang makapunta sa Manila Zoo eh.

"Ipapaliwanag ko sainyo lahat mamaya ang nangyari Janella o 'di naman kaya sina Nanay na ang magsasabi sa'yo, h'wag mong sabihin kay Nanay na nandito na ako sa bahay. Sige na kumilos na ka'yo para makuwi na rin kayong maaga." tumakgo lang si Hanna at pumasok sa kwarto nina Tatay samantalang bumuntong hininga naman si Gracielle lumapit kay Roi para bulungan 'to, seryoso lang na tumango si Roi. Tuluyan ng lumabas si Cielle nang hindi na ako nililingon.

"Ansabe?" tanong ko pero pinanliitan niya lang ako ng mata at inilingan.
"Mamaya."

Napairap nalang ako saka bumaling ng tingin kay Hanz. "May mainit na tubig pa ba sa termos?"

"Wala Ate, saglit mag pakulo ako." wala kami gas at stove. Mano mano ang lutuan na ginagawa namin gamit ang uling.

"Ano balak mo?" naupo kami sa lapag na gawa sa semento na may kulay itim. Etong barong barong na bahay namin, maganda at malinis dahil ang talent ko sa art ay ibubuhos ko rito.

Ang gigamit kong pandrawing sa dingding ng bulaklak at kung ano ano pang magandang art ay ang mga tinunaw kong crayola na pinaglumaan ng mga kaklase ng mga kapatid ko. Recycle lang, minsan naman nakakahingi ako ng extra sa mga construction site.

"Paliguan ko ng maligamgam, pwede kaya?" tanong ko kay Roi pero nagkibit nalikat lang 'to at inabot saakin ang unggoy na ngayon ay nakadilat ang mga mata pero namumungay kaya nginitian ko 'to ng matamis.

"Saglit nga ikaw na muna bahala d'yan pupunta ako computer shop mag search ako." tumango ako dahil mas tamang gawin 'yun.

Lumabas si Roi at iniwan na kami ng tuluyan. "Roksie, gutom na gutom ka ha. Nasaan ba ang magulang mo? Bakit nasa kanal ka?" sobrang nakaawa talaga ang kalagayan ni Roksie kanina sa imbornal.

"H'wag kang mag alala, simula ngayon ako na magaalalaga sa'yo? Ako na ang nanay mo. I love you Roksie." gusto ko sanang halikan 'to pero napagtanto kong madumi pa pala siya.

Sobrang tagal ni Roi kaya ginawa ko nang matapos na ang pinakulong tubig ay inilagay ko na 'to sa batcha at nilagyan ng tubig mula sa drum para
maging maligamgan ang tubig.

"Ate paliguan mo na parang baby, 'yung wisik wisik lang." tumango ako at sinunod ang gusto ni Hanz hanggang sa 'di nagtagal ay tumambad na saakin ng light brown na kulay ng unggoy na kanina itim na itim.

Sinabunan ko 'to, hindi siya magalaw. Tahimik at mapungay pungay lang ang tingin nito saakin. Halatang nang hihina talaga siya.

"Wala na palang tubig, iigib ako mamaya. May barya ka ba d'yan Ate?" nagiigib lang kami ng tubig dahil simula nang matigil si Tatay sa trabaho ay naputulan kami ng tubig at kuryente. Ni hindi naman sapat ang parang sinuweldo ko para ipakanit muli 'yun.

"Sige saglit." tinaas ko ang dress ako at humugot ako ng isang daan. " 'Yung sukli baon mo na bukas." lumaki ang ngiti niya at kinuha ang mga walang laman na galon para ilagay sa kariton na kinumpuni ko. Nangalakal  kasi ako nun sa basurahan eh andami kong nakitang materyales na pwede pa magamit para bumuo ng panibagong bagay..

Hindi ko na tinagalan pa ang pagligo sa kawawang si Roksie, kumuha ako ng damit kong hindi ko na ginagamit at binalot 'yun sakaniya. Inihiga ko muna siya sa papag at nagtimpla ng gatas sa bote na binili ni Roksie. Kumuha rin ako ng isang fita para subuan ko 'to.

"Paint, warm water lang pinaliligo sakaniya at shampoo parang pang baby lang." inirapan ko si Roi at kinuha muli ang unggoy para doon ko sa sala namin.

Naupo ko ako sa lapag at pinadede kong unggoy. Ininom niya naman 'to kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Ok nanaliguan ko na." kinuwento miya saakin kung anong dapat at 'di dapat ginagawa sa unggoy at sa kung anong pinapakain dito na nabasa niya sa mga artikulo sa internet.

"Dito ba siya titira?" tumango lang ako bilang tugon sa tanong ni Roi.

"Paano kapag nakita ni Tita Alice 'yan? Magagalit na naman sa'yo 'yun. Sasabihin nagdagdag ka na naman ng palamunin." parang wala namang balak umuwi na si Nanay dito dahil enjoy na enjoy siya sa buhay niya Hospital kasi kahit pakain kain lang siya ng madami hindi siya mauubusan dahil sinusupplyan sila ng pagkain nina Dr. Rare.

"Pera ko naman gagastusin ko." magtratrabaho muli ako syempre pero ang problema saan ko ipapaalaga si Roksie kapag nagsimula na ulit ako magtrabaho?

"Awitize, batang ina ng isang unggoy. Sino ama? Ako nalang?" natatawa niyang tanong kaya hindi na ako nag atubuling tumango at ngumisi nalang.

"Oo sige, ikaw nalang tutal mukha ka naman unggoy." pinaikutan niya ako ng mata kaya natawa ako sa asta n'yang 'yun.

"Pero pinangalan mo kay Roks? Syet I'm so pakeneng jealous." hinawakan niya pa ang puso at umaktong nasasaktan.

"Oh sige palitan ko na? Gawin kong Roiginy?" mapangasar kong tanong kaya tumawa lang siya at umiling iling.

"Corny talaga, ninong nalang ako sige si Captain Roks nalang tatay. Tutal naghalikan naman na kayo."

"T-ngina mo ka Roi Gin." inirapan niya ako at pinaglaruan ang biscuit.

"Pasalamat ka, hindi ko pa sinasabi kay Gracielle. Tss, oo nga pala makipagbati ka na doon. H'wag mong taasan 'yang pride mo. Sobrang nagaalala kaya si Cielle." natahimik ako nang iopen niya na ang topic na 'yun.

Si Roi talaga ang pinakamatalino at pinakamatured saamin. Madalas kasi kapag may away na gan'to saaming magkakaibigan siya unang naga ayos at nakikipagayos.

"Sometimes our greatest enemy is ourselves. Pride and ego can get in the way of making rational decisions.Kung alam mong mali ka at hindi tama ang ginagawa mo, change yourself hindi 'yong taasan mo pa 'yung pride mo, kung alam mong ikaw may kasalanan ikaw ang mag-adjust. Wala namang mawawala sayo pag binabaan mo pride mo. Lalaki lalo 'yung away kung walang  pagpapakumbaba, minsan hindi na rin kasi tama na dapat ka nilang tanggapin kung sino ka hindi sa lahat ng pagkakataon kaya ka nilang iintindihin at sila nalang lagi ang magpapakumbaba, 'yung tipong hihintayin mo pa siyang mag sorry. Alam mo sa sarili mo kung anong klaseng ugali meron ka."

Sobrang taas talaga ng pride ko, minsan kapag nag away away kaming tatlo tapos kasalanan ko hihintayin ko silang unag mangsuyo at magsorry. Madalas na gumagawa nun ay silang dalawa.

"Learn to be mature and grow, lalo na kung ayaw mong i-let go ka ng mga taong malapit sa 'yo. Change for the better and don't settle for what you think na 'Ganito ako, wala kayong magagawa' quit that mindset, always be the best version of yourself kasi para rin sa 'yo 'yan." magaling magpayo si Roi pero lahat ng payo niya papasok sa kaliwa kong tenga at lalabas din sa kanan tenga ko dahil ayaw ko ipasok sa kokote ko ag mga sinasabi niya.


"Remember, Pride is the mask of one's own faults. Pride is at the bottom of all regret mistakes. Pride is the mother of arrogance." seryosong sambit niya.

°°°

KANINA pang natutulog ng matiwasay ngayon si Roksie sa papag. Tuwang tuwa ang kapatid ko na sina Hannah at Rhyka na may alaga kaming unggoy pero sinabihan ko sila na h'wag ipagsabi na may gano'n kaming alaga sa kahit sino dahil bukod sa mga chismosa marami ding pabida rito at baka bigla nalang magsumbong sa pulis o DENR.

"Ate andyan na sila." napatingin ako sa orasan at 7;00 pm na natutulog na si Hannah sa kwarto dahil sa pagod kakalaro titig kay Roksie samantalang si Thea Rhyka naman ay busy sa paggawa ng takdang aralin niya.

"Ate!" nakangiti akong sumalubong kay Coco at niyakap 'to at pagkatapos ay lumapit naman siya kay Hanz at nakipagfistbam sunod ay niyakap niya si Thea.

"Anong sabi ni Nanay?" salubong ko. Kumunot ang noo ko ng pumasok si Gracielle na may dala dalang mga peper bag na mukhang mga pagkain na mula sa pangnmayaman na restaurant.

"Galit ih, iniwanan mo raw kasi si Kuya Roks." kahit wala pa akong nakikitang Captain Bato ay alam kong nandito siya dahil amoy na amoy ko na kabanguhan niya mula dito.

"Hindi ba raw uuwi si Nanay?" rinig kong tanong ni Hanz pero ako diretso lang ang tingin ko sa pintuan hanggang sa tumambad ang pigura ng isang gwapong lalaki na may kulay abo ang mga mata.

"Anak ng shooting star? Anong ginagawa mo rito?!" tumaas ang boses ko habang nanlalaki ang mga mata kong nakasulyap sakaniya.

Ang fresh ng look niya at andami niyang buhat na paper bag, 'yung nga pinamili niya saaming mga damit.

"I gave them a ride and I want to talk to you." naghalo halo ang kaba ko dahil hindi pwedeng magtagal dito kasi nga baka makita n'ya pa 'yung alaga kong unggoy na walang proper permit, posibleng ikulong ako nito eh.

"Ate nasaan 'yung ung----." pinanlakihan ko ng mata si Ella para hindi niya ituloy ang tanong niya kaya hinila ko na palabas si Roks.

"Sa sasakyan tayo."saad ko saka ko binuksan ang sasakyan niya at pumasok na roon. Aba, marunong na ako magbukas ng sasakyan.

"Ano ba paguusapan natin? Ah ok gusto mo magthank you ako? Thank you po." diretso kong usal nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng sasakyan niya.

"No, its about what happened a while ago."  ngumuso ako habang siya ay hindi inaalis ang pagkatitig ng abo niyang nga mata saakin.

"Ah 'yun, sorry. Badtrip talaga ako. Ayon lang ba? Sige na makakauwi ka na." kapag nagtagal pa siya rito malalaman niya ang tungkol kay unggoy, Si Catain Bato makabatas 'to baka agawin niya pa saakin ang Roskie ko.

"Is there someting wrong?" nagtataka na niyang tanong. Nakakapanglambot nga 'yang mga titig niya pero kailangan pakita kong walang epekto saakin 'yun.

"Anong wrong naman aber?" pagmamaang maangan ko kaya umigting ang panga niya habang hinawakan 'to.

"Are you hiding something or someone? It's Ilegall right?" seryoso niya usal kaya sarkastiko akong tumawa sakaniya.

"Wow, judger grabe ka naman magbintang Captain Roks. Nahurt ako dun ha," pagiinarte ko kaya lumambot ang expresyon niya at inabot ang kamay na nagpawala sa mga bacteria sa t'yan ko.

"Sorry, I didn't mean that.." malambing boses na saad nito habag ang diretso titig niya saakin. Sh-t, Puntura kalma mo tingil mo, h'wag kang pokpok.

Tinabig ko ang kamay niya at ngumiti ng mapait dito. "Hindi na ako gumagawa ng mga bagay na labag sa batas, hindi ba nagkasundo na tayo? Tumutupad ako sa usapan." pinilit ko na hindi mukhang labas sa ilong para hindi talaga maghinala na may tinatago ako.

"Yes, nagkasundo na tayo." mahina niyang bulong kaya ngumiti ako ng tipid sakaniya.

"Kaya nga umalis ka na, wala akong tinatago sadyang ayoko lang na naiisue. Kita mo 'yang mga kapitbahay namin, nakatingin dito at pinag c-chimisan na tayo. Sasabihin nila sugar daddy kita o ano." napatingin ako sa bintana at sa harap. Kitang kita ko ang mga ichoserang mga titig ng kabarangay namin dito sa kotse habang nagbubulungan.

"Sugar daddy what the hell? I'm not that old." napangisi ako sa naging reaction niya dahil sobrag gulat niya.

"Oo talaga angas gumawa ng mga kwento n'yan saka alam ko naman na pagod ka na. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo at pasensya na rin sa nangyari kanina." agad akong bumaba ng kotse niya at bago ko pa  isarado ang pintuan nito ay narinig ko ang mahinang bulong niya.

"I'm not yet done with you Cenery.." padabog kong sinara ang pintuan at kinalampag ito.

"Anong chismis n'yo? Share n'yo naman. Pangako, mag aambag pa ako ng maraming chismis sainyo 'di kayo lugi!" sigaw ko bago ako tuluyan pumasok ng bahay.

"Kainan na!" napatanga ako nang makita ko ang maraming potaheng ulam na pangmayaman na nasa hapag kainan.

"Dala n'ya lahat 'yan?" tinanguan ako ni Cielle at pagkatapos ay 'di ko na siya pinansin. Gusto ko ng pansin ang gaga dahil sa mga pangaral ni Roi Gin kanina.

"Nasaan si Kuya Roks?" tanong pa ni Ella.

"Umuwi na." tipid at may halong pagkaburyong usal ko.

"Ang sarap ng ulam." tuwang tuwa na saad ng mga kapatid ko.

"Mukhang masasarap at pang mayaman talaga ang pagkain Ate, eh lumamig na yata 'yung mga dala n'yong pagkain kanina kaya dumaan kami sa restaurant na mamahalin tapos nag order ng marami." komento niya kaya tumango lang ako.


"H'wag n'yo ng gisingin si Hannah tirhan nalang siya ng ulam dahil t'yak na mamayang hating gabi gigising 'yun. Sige na magsandok na kayo, dito natayo sa lapag kumain." sumulyap ako kay Cielle na nakatitig saakin pero agad niyang iniwas ang tingin niya.


"Bakit mo 'ko sinesenyasan na h'wag magsalita tungkol sa unggoy Ate?" kuryoso na tanong nito kaya nagtiim ang bagang ko.

"Labag sa batas ang pagaalaga ng unggoy, sundalo 'yun baka bawiin nila si Roskie."

"Ano? Roskie pangalan niya?!" natatawang usal niya at talagang sobrang OA ng reaction niya kaya napangisi ako at lumingon kay Cielle na kinakagat ang labi.


Hindu ko na natiis at lumapit sakaiya para pitikin sa noo."Hoy Gracielle, alam kong OA rin 'yang reaction mo h'wag mo ng pigilan. Bati na tayo. Sorry." sambit ko saka niyakap siya at kinagat ang balikat niya kaya tinulak niya ako.

Imbes kasi kiss ay kagatan ang ginagawa naming paglalambing sa isa't isa nina Roi. "Sakit ha! Pero seryoso ba 'to? Ikaw unang nagsosorry?"

"Parang tanga, malamang."napairap ako dahil alam kong bago sa pandinig niya na una akong nagsorry.

"Sorry din Gaga ka gustong gusto ko na talagang makipagbati sa'yo lalo pa't marami kang chismis tungkol dun kay Captain Roks na 'yan, sh-t ang gwapo. Charap charap." humigikgik siya kaya nailing iling nalang ako.

"Whoa, anong meron bakit may pakain saka sino 'yung kakaalis lang na sasakyan? Sino may sugar daddy dun?"napatingin kaming lahat kay Roi na biglang pumasok, galing kasi siya sa bahay nila para asikasuhin niya ang mga kapatid dahil nag t-trabaho ang Nanay niya kahit pa na puro lalaki ang kapatid niya ay hindi siya nagkukulang ng pagaalaga at gabay sa mga ito.

"Si Paint! HAHAHAHA." mapangasar na tugon ni Gracielle.

Inasar lang nila ako ng inisar per ako naman 'tong magalibg magpanggap kunwari walang epekto saakin 'yung si Captain Bato. Nagsimula na kaming kumain sa lapag, kumain na raw si Roi pero kakain na naman siya dahil minsan lang daw makakain gan'tong sosyal na pagkain. Sinabihan ko nga silang dalawa ni Cielle na maguwi ng pagkain sakanila.

"Ate paano mo ba nakilala si Captain Roks? Ang sabi niya may atraso ka raw sakaniya." nagkatinginan naman kami nina Gracielle at Roi dahil sila lang ang nakaalam.

Hindi ko pinaalam sa mgakapatid ko ang tunay na nangyari tungkol sa muntik ng pagpakulong saakin ni Roks, sa totoo lang wala akong direktang sinasabi sakanila na gumagawa ako ng ilegal para may pangtustos ako sa pagaaral at pangkain nila pero alam ko namang nac-chismis ako at alam 'yun ng mga kapatid ko hindi lang sila nagsasalita pero kahit gano'n hanggat kayako ay tinuturuan ko sila ng mabuti asal at ag mga dapat hindi gawin katulad ng pagnanakaw at iba pa.

"Nagulpi ko kasi 'yun nung may raket ako." eto pagiging siga, natapang at agresibo alam nila dahil kapag may ngbubully o nangaawa sakanila sinusugod ko agad.

lhang papuri ni Cielle kaya tumango lang ko dahil talagang ag ganda ng lahi nung mag asawang 'yun.

"Oo nga po eh, tinatanong pa nga kung nagaaral ba raw si Ate Gracielle. 'Diba teh?" tumango lang si Cielle sa tanong ni Ella.

"Oo kinausap din ako tungkol scholar ansabi ko  hindi ko naman kailangan dahil sinustentuhan ako ng Tita ko kaya nakakapagaral pa sa kolehiyo sabi ko kung bibigyan nila ako h'wag nalang ako si Roi nalang, t'yak nagiging worth it 'diba?" napangiti ako at sabay sabay kaming mapatingin kay Roi na seryoso ang mukha at walang bahid na excitement sa mukha.

" So bibigyan din ng scholar si Roi?"  'Di makapaniwalang usa ko dahil sobrang saya nang nararamdaman ko.

"Titignan daw nila 'yung case ni Roi para makapag aral na rin siya! Kinuwento ko nga na gusto maging abogado n'yan eh, mahaba habang pagaaral 'yung hindi ba saka magastos! Dream come true 'to!" napatitig lang ako kay Roi na walang reaksyon na ang mukha kahit na inaasar na siya.

"Yie, si Kuya Roi makakapagaral na."

"Bakit ka tahimik?" tanong ko kaya umiling iling lang siya at sumubo ng manok. Nginuya at nilunok niya pa 'to magsalita.

"Hindi ako uto uto. 'Di ako maniniwala hanggat hindi sila mismo ang kakausap saakin." seryosong usal pa nito at talagang walang bahid na saya at excitement sa mukha niya.

"Think positive magiging scholar ka rin Kuya!" ngumisi lang 'to pero hindi dahil masaya siya kaya nagsalita na ako.

"Ang saya, kung sa dream school mo ikaw magaaral ng law. Excited na akong matawag kang Atty. Roi Gin Jeriox para kapag nakulong ako may abogado na'ko." natatawa kong sambit at isinubo sakaniya ang malaki hiwa ng pusit.

Inabot kami ng ilang minuto sa pagkin dahil talaga nagenjoy kami sa sobrang sarap at dami nito ngayon ay nagpapahinga na ang mga kapatid ko samatalang si Roi ay umuwi na dahil nga walang kasama ang mga kapatid niya, nightshift kasi si Tita Hazel na nany niya.

"First Kiss mo si Captain Roks?!" kami nalang ang naiwan ni Gracielle na magkasama dahil marami akong utang na kwento sa kaniya.

Kanina pako pa pinaliwanag sakaniya ag lahat ng mga nangyayari. Oras na nga eh, may pasok pa 'to bukas pero determinado siyang makinig sa kwemto ko.

"Oo sorry, ayaw ko sanang sabihin sa'yo kasi magagalit ka hindi ako tumupad sa usapan natin pero ayaw ko namang magtago ng sikreto." wala akong galit na nakita sa mukha niya dahil nabalutan pa 'to ng matinding kilig.

"Ok lang hindi naman ako magagalit eh! HAHAHAH hindi naman big deal 'yun, ewan ko ba sainyo bakit kasi gano'n 'yung kasunduan natin ang baduy, ang luma."

" Sure ka 'di ka galit?" gulat na saad ko kasi kala ko talaga nagtatampo ito kagaya ni Roi.

"Hindi bakit ako magagalit, si Roi ba nagalit?" ngumuso ako at tumango.

"Oo kasi raw kung kani-kanino ko binigay first kiss ko pero hindi rin naman nagtagal." tumawa lang siya ng tumawa kaya napakunot ang noo ko.

"Sus, inggitero lang 'yun saka kilala naman mo 'yun masyadong Kuya saatin, Tatay to be specific. Masyadong mahigpit at konserbatib pagdating saatin. Wala naman kapatid na babae 'yun kaya wagas kung maka astang Kuya saatin." napangiti ako dahil pati na rin sa mga kapatid kong nababae ay protective rin si Roi. Si Gracielle naman kasi walang kapatid.

"Sabagay, nga pala meron pa. Naalala mo 'yung sinabi sayo na 'di niya ako ikukulong kapalit na magaaral ako at 'di na gagawa ng krimen." hindi ko pa nasabi ang tungkol sa kiss slave pero dahil sa reaksyon n'yang gan'yan gusto ko na ikwento.

"Oo alam ko. Ano?"

"Ahm, hindi lang kasi dalawa 'yung kondisyon. Tatlo kasi 'yun." maloko siyang ngumiti at tumingin 'to saakin

"Wow, I love you."

"Korni mo." busangot kong sagot kaya napangisi sya.

"Diretsuhin mo 'ko, ano 'yung pangatlo?" mapangasar na tanong niya.

"Hindi ko tinanggap kasi gusto niya ako maging." lumapit ako sakaniya para bulungan. "Kiss slave."

"Anak ng butiki?! G-ga ka! Gan'yan ba tinurong tamang asal sa'yo?! Magagalit si Tatay nito eh, hindi mo naman sinunod ang bilin niya!" nagulat ako sa naging reaksyon dahil nagalit siya, mukhang 'di niya gets sinabi ko ha?

"Teka--hindi ko naman nga tinanggap ha!" kunot noo kong sambit kaya sinamaan niya ako ng tingin.

" 'Yun na nga point ko, tinuruan ka naman ni Tatay na h'wag tumangi sa grasya hindi ba?  Bakit mo tinangihan 'yung grasya! Boba ka Pintura, jackpot na nga 'yung maging Kiss slave ng isang gwapo!" sinamaan ko siya ng tingin at pilit na kinurot ito sa singit dahil sobrang mapangasar siya.

°°°

NAPATAYO ako sa hinihigaan ko sa lapag nang maramdaman kong ginigising ako. Pagmulat ko tumambad saakin si Coco, may inabot siya papel saakin. Tignigna ko 'to at tumambad saakin ag magandang sulat kamay ni Roi.

'Paint, may dadating d'yan namula sa DENR may nakapagsumbong eh napaglaruan kanina sa labas ni Coco. Akala niya talaga baby kaya 'yun, dala ko si Roskie tumakas na muna kami. Itanggi mo ha, ikaw na na bahala magaling ka naman magsinungaling'

                                                      Luv,
                                               Ninong Roi

Napatingin ako sa pinaghigaan ni Roksie pero wala siya dun, biglang may kumatok kaya hudyat na nandito na 'yung tinutukoy ni Roi.

"Dito kalang, h'wag kang lalabas. Magagalit si Ate." malungkot na tumango si Coco kaya hinalikan ko 'to sa noo bago lumabas.

'Di ako nagatubiling magayos at maghilamos para pakita kong nakakastorbo sila. Tumingin ako sa orasan at 9:00 am na pala, nasa school na ang mga kapatid ko pati si Gracielle.

"Anong sadya n'yo at ginulo n'yo ag tulog ko?" iritado kong usal sa isang babae na maputla ang balat kasama ang isang bakla. Sa likod nila kasama ang isang malaking lalaki.

"We're from DENR, we receive news that you're keeping a monkey without the necessary permits from the environment and natural resources agency." napangisi ako at kinusot ang mga mata ko na punong puno ng muta, nakita ko pa kung paano mandiri 'yung baklang mukha naman impakto.

"Saan n'yo naman nakuha 'yang fake news na 'yan?" napailing iling ako nang biglang pumasok sa Kagawad Marjorie at Kagawad Irene.

"Alam mo Paint concern lang naman  kami sa hayop, pet lover kasi ako alam mo 'yan." napapalakpak ako at tumawa ng sarkastiko dahil ang mga kaaway ko palang kagawad ang mga nagsumbong.

"Hindi mo na kailangan sabihin na Pet lover ka Kagawad Marjorie, halata naman eh. Grabe pagaalaga mo sa satili mo, ang puti, kinis, mabango at puno ng kolerete ang mukha mo. Talagang maha na mahal mo sarili mo no, sabagay sabi mo nga pet lover ka. Mukha kang hayop. HAHAHAHA."

"Hindi ka marunong rumespeto!"

"Ows talaga? Kamusta naman kayo? Nag papangap na may respeto at karespeto respeto? Para kayong si Santanas na nag anyong ahas para maitago kung ang tunay na katauhan para makapaglinlang." maanghang at makahulugan kong sambit susugod sana sila ang kaso lang ay pinigilan suila nung bakla pati na rin 'yung isang lalaki.

"Pakiusap, tama na po. Hindi kami nandito para makipag away." mahinahon na usal ng maputing babae habang diretso ang tingin saakin.

"Kung gano'n eh huwag kayong magpapaniwala dito sa mga hayop na 'to, dapat nga po sila 'yung hulhin n'yo kasi sila 'yung tunay na hayop dito. Mas delikado nga sila kasi mga ahas 'di ba?" nakangisi kong sambit kaya tumikhiim ang babaeng kaharap ko.

"May ebidensya na nasa inyo nga ang monkey, alam mo naman po sa sarili n'yo na mali ang ginagawa niyo." matinis at iniipit na boses na saad nung bakla.

"Mas mali ang ginagawa n'yo kasi nambibintang ka'yo." matapang kong saad kaya sabay sabay silang napasinghap.

"Sa article ilegal po ang pagaalaga n'yo. Chapter 3, Art 1, Sec 8-Possession of wildlife, No person or entity shall be allowed possesion of wildlife unless such person or entity can prove financial and technical capabilty and facility to maintain said wildlife provided. There's an Act provides for the conservation, preservation and protection of wildlife species and their habitats, in order to preserve and encourage ecological balance and biological diversity; it provides, furthermore, for the control and supervision of wildlife capture, hunting and trade; finally it pprovides for supporting and promote scientific research on the protection of biodiversi----." pinutol ko ang sasabihin ng babaeng 'to na mukhang pinaglihi rin sa libro ng batas.

"Sino nagtanong?" hindi makapaniwalang tinignan niya ako gano'n din ang mga kasamahan n'ya.

"Pumasok na kayo! Hanapin n'yo!" sigaw ni Kagawad Irene na may utang pa saakin n hampas ng dospordos sa mukha dahil nahanap ko si Coco.

"Pabibo talaga kayo no? Makakatikim kayo kapag ako naman nagpasugod sa bahay n'yo ng mga pulis. Sabay sabay tayong makukulong pero bago 'yun sisingilin ko utang mo saakin, nahanap ko na si Coco at isa lang ibig sabihin nun hahampas ko sa mukha mo 'yung dospordos."madiin akong hinawakan sa braso ng babaeng maputi sa kamay at binigyan ako ng matalim na tingin.

"If you're really concern to the animal! Do not keep monkeys as pets, do not take them away from their natural habitat. Animals’s natural habitat should be respected! If you can't provide them with healthy environment then do not take their natural habitat away from them!" inis na sigaw ng babae sakin, sobrang puti niya at ngayon namumula siya para siyang kamatis.

"Remove your hand at her. Do I need to tell my name and what can I do?" gulat ang lahat habang nakatingin sa blankong mukha ng gwapong gwapo na si Roks.

"So you're from the DENR, and you like that, a warfreak and act like you didn't went to a prestigious school and have bachelor degree. Is DENR taught you to shout and be agressive to the person that you accused?" napangisi ako nang makita ko ang mga reaksyon ng mga nandito, tulala at nakakanganga sila pero 'yung babaeng maputi ay namumutla ngayon.

"But she's the one who act agressive, she's insulting us. We are here because we have evidence that this woman have monkey pet without a proper permit from the DENR, alam mo namang against sa law 'yun, in Republic Act No. 9147 otherwise known as the Wildlife Resources Conservation and Protection Act is an act providing for the conservation and protection of wildlife resources and their habitats, appropriating funds therefor and for other purposes, and in  Chapter 3, Art 1, Sec 8-Possession of wildlife---." pinutol ni Captain Bato ang sasabihin ng maputing babae kaya napadila ako kina Kagawad dahil nandito na ang knight in shining armor ko, lol.

"Stop I know that, where did you get the sources that she's keeping a monkey?" mukhang hindi talaga naniniwala si Captain na may tinatago ako kay ipinakita sakaniya nung bakla 'yung pic na buhat buhat ni Coco ang baby monkey na parang isang sangol.

Nagbago ang expresyon ni Captain, nagsulubong ang kilay niya at pakiramdam ko sa isnag iglap ay kakampi na siya kina Kagawad dahil nga may pinakitang ebidensya.

"That monkey was mine, so ako dapat ang pagbuntungan n'yo kung satingin n'yo may mga nalabag na batas, try me. Kasuhan n'yo ko. Leave and file a case againts me." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya dahil hindi ko inaasahan na gano'n ang gagawin niya.

"Leave." malalim na boses na ulit ni Roks kaya mas namutla ang lahat dahil may kung anong aura si Roks na nakakatakot kaya agad agad silang umalis pero ang babaeng maputi ay masama lang ang tingin saakin kaya pinagtaasan ko 'to ng kilay.

Napatingin ako kay Captain Bato na seryosong palapit saakin. "What do I expect Cenery? Alam kong may ilegal kang ginawa ulit, now where's the monkey?"

"Tinakbo ni Roi kasi nga pupunta 'yung mga taga DENR dito." napamamot ako sa pisnge ko habang siya umigting lang ang panga.

"You break your promise that you'll not do ilegal things anymore." dismayadong usal niya kaya kumulo agad nag dugo ko.

"Eh 'di ko naman alam na ilegal 'yun, mabuting tao lang ako na may malasakit sa hayop. Saka kung makikita mo si Roksie talagang kawawa siya." napahawak ako sa bibig ko nang mabangit ko ang pangalan ng unggoy, pingtaasan niya ako ng kilay.

"Pardon?" naniningkit ang mga mata niya habang nakatingon saakin.

"Anong pardon? 'Yung Sorry o pinapaulit?" alam ko ang ibig niyang sabihin pero kailangan ko mag tanga tangahan baka talaga biglang ibuko na ako nito kasi kahawig ng pangalan niya ang unggoy ko.

"What do you think?"

"Ok sige, Bakit ka nagsosorry aber?" napakagat siya sa mapula niyang labi at pumikit ng mariin na animo na stress.

"Should I hire private tutor for you?"mapanginsulto na wika niya kaya napairal nalang ako.

" 'Di mo kasi linawin no!" nag cross arm ako at sinamaan siya ng tingin kaya napabuntong hininga siya.

"Ok fine, can you repeat what's your monkey name?" nagpipigil na tanong niya pero mainahon.

"Roksie."malutong kong sambit. Hindi nagbago ang expresyon niya at tumango lang.

"Tell to your boyfriend that he need to back Roksie here, dadalhin natin siya sa veterinarian, kukuha tayo ng permit and he will live at my house because owning a pet, whether it’s a cat or dog or wildlife, is not just a hobby. You need not only to invest money in purchasing them but also to dedicate some of your time to understand and ensure their welfare. The owner of a monkey should do some research and understand its nature, maintenance, and dietary requirements. Make sure that you can sustain their needs and provide them with a nice home. " malumanay ang pagpapaliwanag niya at hindi na mabilis ang pagbigkas niya ng wika ng ingles kaya nagets ko.

Pero sagalit sinong boyfriend ang tinutukoy niya? Si Roi ba? O bk naman lalaki na kaibigan ang tukoy niya sa salitang 'boyfriend' ? "Hoy! Akin si Roksie! Hindi porket niligtas mo eh sa'yo na at sa'yo na titira!"

"Inangkin ko ba? I'm just concern to the monkey and do you think I'll not let you to see your Roksie? You can see the monkey everyday because You're my Kiss slave ." lumapit siya ng lumapit saakin hanggang sa 1 inch nalang ang pagitan namin.

Napatingala ako sakaniya dahil mas matangkad ito saakin. " My lips want to cuddle with your lips, I'm so addicted to the feeling that your lips on mine so its means everyday you'll always go to my mansion and serve me your kissable lips, Cenery." malambing na medyo malamig na bulong nito saakin.

______________________________________
Nyang note: Malayo layo pa tayo! Hahaha. Wala pa 'yung mga major conflict. Enjoy reading!

Don't forget to vote and leave a commets.

Continue Reading

You'll Also Like

546K 1.4K 4
Series #2: BLAKE LAWRENCE SARATOGA Lawrence is one of the 7 founders of Recuerdo de Amor Island. He's the happy-go-lucky guy & the youngest in the g...
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
570K 20.7K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.9M 115K 35
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Lindzzy Sebastian, mabait, ulirang anak sa mga magulang niya, mapagmahal na kaibigan, hindi marunong lumab...