His Woeful Stare | Sixth of A...

By NeifileTheDreamer

121K 5.6K 1.1K

VLOGGER/SENIOR HIGH SCHOOL SERIES #1: STEM [COMPLETE] . ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ . Science Technology... More

His Woeful Stare
Vlogger/Senior High School Series
Stare I
Stare III
Stare II
Stare IV
Stare V
Stare VI
Stare VII
Stare VIII
Stare IX
Stare X
Stare XI
Stare XII
Stare XIII
Stare XIV
Stare XV
Stare XVII
Stare XVIII
Stare XIX
Stare XX
Stare XXI
Stare XXII
Stare XXIII
Stare XXIV
Stare XXV
Stare XXVI
Stare XXVII
Stare XXVIII
Stare XXIX
Stare XXX
Stare XXXI
Stare XXXII
Stare XXXIII
Stare XXXIV
Stare XXXV
Stare XXXVI
Stare XXXVII
Stare XXXVIII
Stare XXXIX
Stare XXXX
Final Stare
Maesteries Note
Special Stare
Maesteries FAQ's

Stare XVI

1.8K 69 23
By NeifileTheDreamer

For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. 
~Jeremiah 29:11

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Labing Anim na Kabanata

WE go to the hospital after I packed all my things. Nash came with me. While walking in the hospital hallway, we saw Aqui standing in the nurse station.

"Aqui!" I called him.

Hinanap niya kung saan nanggagaling ang boses. Nang makita niya ako, lumapad ang kaniyang ngiti. Tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako.

Ang higpit ng pagkakayakap niya at para niya akong pinipipi. Grabe si Aqui, anong nakain niya at ganito siya umakto?

"Praise! Na-miss mo ang gwapo kong mukha noh?" tanong niya at sabay papogi.

Hay nako, hindi pa rin siya nagbabago. Dalawang araw pa lang kaming hindi nagkikita, kala mo isang taon na sa kaniya. Saka, siya nga itong makayakap ng napakahigpit sa akin!

"Miss mo mukha mo," I hissed and rolled my eyes.

"I heard the news about your twin brother. Why you didn't tell me that huh?"

I forgot to tell him that! Wala na kasi akong ibang iniisip kung hindi ang mapabuti ang kalagayan ni Bal.

"You're not asking," sabi ko na lang.

"Ginaganyan mo na ako ngayon? Dalawang araw lang tayong hindi nagkita, ang laki na ng pinagbago mo." Wika niya na para bang nasasaktan.

Hindi na ako magtataka kung balang araw mag-artista na lang si Aqui. Ang hilig niyang umarte daig pa ang artista.

"Ewan ko sa iyo!"

He just mocked at me. Our conversation interrupted when we heard someone cough. I look behind and I saw Nash with his stare. I almost forgot that I'm with him because of Aqui.

Blanko lamang siyang nakatingin sa amin at mukhang naiinip na. Nginitian ko siya ng hilaw at nag-peace sign.

"Nash nandiyan ka pala pre! Hindi kita napansin."

"Yeah." Tipid na sagot ni Nash.

Inakbayan siya ni Aqui at ngumiti. Mukhang hindi komportable si Nash sa ginawa ni Aqui kaya naman inalis niya ang pagkaka-akbay nito.

"Bakit ka ba nandito Aqui?" I asked.

Imposible namang napadaan lang siya rito dahil nagtatanong siya sa Nurse Station kanina. Hindi naman sila close ni Bal upang bisitahin niya ito, pwera na lang kung ako ang sadya niya.

"Binibisita ka. Miss mo na yata ako eh."

"Hangin mo!"

I hit him with my bag. Mas kumapal 'ata ngayon ang mukha niya. Lalo rin siyang prumesko!

"Ang totoo niyan, sinamahan ko lang ang pinsan ko rito. Nag-CR lang ako at nawala na siya. Habang hinahanap ang aking pinsan, nakita ko sina Aera. Nalaman ko na na-ospital pala si Stair."

After Aqui explained what he's doing here, the three of us go to my twin's room. Aqui said he also want to visit Stair while waiting for his cousin.

Inagaw pa niya ang bag na dala ko at siya na ang humawak. Babawiin ko pa sana ito ngunit nauna na siyang naglakad sa amin. Wala na kaming nagawa ni Nash kung hindi ang sumunod sa kaniya. Sumakay kaming tatlo sa elevator at binalot lamang kami ng katahimikan.

When we reached the room of Stair, no one dares to talk. I opened the door, I saw Axti and a girl sitting beside him. Who's that girl?

"Bal good thing you're here!" Stair said when he saw me.

Inilapag muna namin ni Nash at Aqui sa upuan ang mga gamit na dala namin. Nang bumaling ako sa gawi nila Bal, naaninag ko ng mas malinaw kung sino ang babaeng nasa silid.

"K---Khlei?"

"Couz?" Aqui and I said in chorus.

My jaw dropped at what's Aqui said. Khlei was a childhood friend of Axti but there's something that happened between them. And because of that, we hated Khlei.

"She's your cousin?!" tumango naman siya sa tanong ko.

Napakaliit ng mundo! Hindi ko inaakala na si Khlei pala ang madalas niyang kinukuwento sa akin!

"Wait. What? How come? This bitch lasagna seriously?" sunod sunod na tanong ko.

We called Khlei 'Bitch Lasagna' because she's a bitch when she hurt and leave our friend Axti. 

"Don't call her that Xeidrine. Kaya nga siya nandito upang bisitahin si Stair at kausapin kayo," pagtatanggol ni Axti.

Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari ngayon. Akala ko ba ay galit si Axti rito? Mukhang kailangan talaga nilang magpaliwanag sa amin. Napahilamos ako ng aking mukha. Hindi ko maproseso ang kaganapan.

Lumapit naman sa akin si Nash. Alam kong wala siyang kaalam-alam sa nangyayari dahil hindi naman niya kilala si Khlei.

"Xeidrine, I'll go now. I think you guys need to talk." Nash whispered to me and without hesitation, he leaves the room.

Hindi niya ako hinintay na makasagot at dere-deretso siyang naglakad palabas ng pinto. Bumaling muna ako kila Axti at sinabihan ko silang maghintay. Kailangan ko munang makausap si Nash at makapagpasalamat sa kaniya ng maayos.

Pagkapaalam ko sa aking mga kaibigan, walang anu-ano ay lumabas ako ng hospital room. Hinabol ko si Nash at mabuti na lang ay hindi pa siya nakakalayo.

"Wait Nash! "

Sinundan ko siya hanggang sa maabutan ko siya sa tapat ng elevator. I grab his left hand and asked, "Why are you leaving?"

Nash looked at me. He placed his other hand in his pocket and sighed. He leaned on the wall before answering me.

"Nahatid na kita. My business was done here. I need to go Xeidrine," he uttered.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kaniyang kamay at saka siya nginitian.

"Thank you nga pala sa pagsama. I appreciated your efforts. Lalo na 'yung pagbanat mo ng mga pick up lines para lang napatawa ako." I sincerely said.

I was so lucky to have a friend like him. Nash was such a good man. He's too kind and gentleman.

"No problem, I'll do everything for you Mango Graham Shake," he said.

Before leaving, Nash tapped my head and kissed my right hand. My heart beats so fast because of that.

"Xeidrine! Anong ginagawa mo rito sa labas? Baka pasukan 'yung bibig mo ng langaw, takpan mo nga."

Hindi ko namalayan na kanina pa pala nakaalis si Nash. Nasa harapan ko ngayon sina Aera at Coast na mayroong dalang pagkain.

Napahawak ako sa aking kanang kamay na hinalikan ni Nash. Bakit niya ginawa iyon?

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

"BAL, I admire the friendship between Axti and Khlei. Biruin mo kahit mayroon silang masamang nakaraan, bumalik pa rin ang pagkakaibigan nila. And take note, parang mas tumibay pa ito," Stair said.

Nandito pa rin kami sa ospital. Naging maayos naman ang pag-uusap namin kahapon tungkol kay Axti at Khlei, kaso sumama ang loob ni Coast.

Mayroon nga lang hindi pagkakaunawaan noong una, ngunit nasabi na sa amin ni Khlei ang buong nangyari. Tinanggap na rin namin siya ng buo dahil pinatawad na rin naman siya ni Axti.

"Well, I think the real friendship cannot ruined by anything. Kagaya na lamang ng sa kanila."

"You're right. And I'm so happy because Axti was going back to his old self."

Nagkwentuhan pa kami ni Bal. Mabuti na lang at walang pasok ngayon dahil last day na ng cluster meet. Tapos na rin naman ang tournament kahapon kaya ayos lang. Mostly sa ibang sports category ngayon ang awarding.

Makakalabas na rin si Stair bukas sabi ng doctor. Nabuhayan ako ng loob dahil dito. Hindi na namin po-problemahin ang hospital bill dahil sinagot na ito ng nakabangga sa kaniya.

"Papasok na ako sa Friday," sabi niya

"Loko walang pasok sa Friday. Holiday 'di ba?"

"Kahit na. Papasok pa rin ako. Ikaw lang naman tamad pumasok." Sinupalpal ko si Bal ng orange na binabalatan ko dahil sa sinabi niya. May toyo talaga 'tong kambal ko.

"Tamad lang mag-aral hindi pumasok. Perfect attendance kaya 'tong kambal mo palagi," I correct him.

"Pareho lang tayo. Tamad pero laging may award," he said while eating the orange and smirked.

Bal was right. Even we are so lazy to do our projects, assignments, and other school works, we can pass it on time. We even belong to with honors and have awards. 

Sipag at tiyaga lang talaga ang kailangan. Kahit hindi ka matalino, makakamtan mo ang iyong gusto.

"Let's visit our parents this Saturday. Ang tagal na rin nating hindi pumupunta sa kanila I missed them so much." I said to Bal out of the blue.

Bigla na lang kasi silang pumasok sa aking isipan. Nalulungkot pa rin ako sa pagkawala nila kahit ilang buwan na ang nakalipas.

"Sure pero baka bungangaan ako ni Mama dahil dito sa bali ko. Kilala mo naman siya, lagi tayong binubungangaan." I chuckled on what he said. 

Si Mama kasi 'yung tipo ng taong parang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses. Para rin siyang sirang plaka tuwing pinapagalitan kami.

"Nakaka-miss din pala ang pagbubunganga niya. 'Yung tipong alas singko pa lamang ng umaga gigisingin na tayo at sasabihing alas siyete na at late na tayo."

"Tsaka tuwing pinaglilinis niya tayo ng bahay o 'di kaya'y tuwing maghugas ng pinggan. Galit na galit siya sa atin kapag hindi agad natin siya sinunod," sambit pa ni Bal.

Napatingin ako sa kisame habang inaalala ang aming mga magulang. "Biruin mo, kinakaya natin ng wala sila. Hindi ko akalain na kaya pala nating mabuhay ng wala sila."

"Thanks to Tita Aliza and Titok Nike. Hindi nila tayo pinapabayaan kahit na hindi naman nila tayo tunay na mga anak."

We reminisced all the moments with our parents when they're alive. That moments were so precious and they will remain in my heart forever.

"Sayang lang nga at wala na si Mama. Wala na tuloy nagbubunganga sa atin," pambabasag ni Bal ng napakaseryosong atmosphere.

Napatigil kami ni Bal sa pagbabalik-tanaw sa nagkaraan ng mayroon kaming narinig na katok. Tumayo muna ako upang silipin kung sino ang dumating.

Nang buksan ko ang pinto, tumambad sa aking harapan ang pigura ni Nash. Nginitian niya ako at binati. Anong ginagawa niya rito?

"Bal sino 'yan?" tanong sa akin ni Stair.

Hindi ko siya sinagot at pinapasok ko na lamang si Nash. Inilapag ang dala niyang basket ng prutas sa table. 

"Nash ikaw pala!" Stair said.

"Hi, Stair!" He greeted back and pointed his finger to the basket. "These fruits were from our life group. Nalaman kasi nila ang nangyari sa iyo. Hindi makakapunta sila Kuya Rhobee kaya ako na ang nagdala."

"Pasabi sa kanila salamat."

Bumaling sa akin si Stair at tiningnan ako ng nakakaloko. Pinalapit niya ako sa kaniya at binigyan ng pera. Nagtaka ako bigla at para bang mayroon siyang plinaplano base sa kaniyang tingin.

"Xeidrine, bili mo muna kami ni Nash ng pagkain. Bilis na!" utos ni Bal sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil mukhang alam ko na ang gagawin niya. Baka i-interrogate lang niya si Nash kaya niya ako pinapaalis. Kilalang kilala ko si Bal.

Kahapon nga noong nakauwi na ang mga kaibigan namin ilang beses niya akong tinanong kung bakit kasama ko sina Nash at Aqui kahapon. I kept on telling him that they just want to visit him, but Bal didn't believed in it.

Sa huli, natalo rin ako kay Bal kaya naman lumabas ako at bumili ng pagkain. I just bought pizza and drink for the three of us. When I came back to Bal's room, I saw the guys were laughing to each other.

Wow. That's new. Sa mga lalaking nagiging kaibigan ko, kay Nash lang siya nakipagtawanan. Mostly kasi napapalayas or nagkakainitan ang mga kaibigan kong lalaki at si Bal.

I think it was a good thing. Mukhang nagbago na ugali ni Bal noong nabangga siya. Kidding.

"Bal! Hindi mo sinabi na joker at mahilig din pala 'tong kaibigan mo sa mga codes."

I just remained silent and I prepare the food. Bahala silang nagkwentuhan diyan. Ni hindi ko nga rin alam na mahilig din pala si Nash sa codes.

While preparing, the guys keep telling corny code jokes to each other. Hindi ko akalain na magkakasundo kaagad silang dalawa. Bumili lang ako ng pagkain, close na sila. Iba talaga ang mga lalaki.

"Ang corny niyo. Kumain na nga muna kayo," I said and interrupted them.

"Hindi ka lang maka-relate. Banatan mo nga ng STEM jokes 'yang kambal ko Nash," bwelta ni Bal.

I just rolled my eyes. Ilang beses ko nang narinig si Nash na mag-joke. Sawa na nga ako.

"Pass. Immune na ako sa mga corny joke niyo," pag-alma ko ngunit hindi nagpaawat si Nash.

"Bio means life, right?" I just nodded and he continued what he's saying, "And logos means study, right? That's where Biology comes from."

"So, asan ang joke dun?"

"You are my bio Xeidrine and let's study love together."

My blood flows up to my cheeks and it turns red. My butterflies in the stomach also get wild. Nash never fails to give me this feeling every time he will say some pick up lines.

"Oy teka lang bro. STEM joke ang sabi ko hindi banat. Babanatan kita riyan eh!" Singhal ni Bal.

I laughed on the reaction of my twin. It was so epic. Napaka-over protective talaga ni Bal, pick up line lang ganun na maka-react. Mabuti na lang din at mukhang hindi nila napansin ang reaksiyon ko sa banat ni Nash.

"Ako naman ang babanat," saad ko.

Akala nila sila lang ang may baon na joke? Ako rin kaya.

"May scientific calculator ba kayo?" I grin to them.

"Oo bakit?" They said in chorused.

"Bigay niyo sa akin, hahampas ko lang sa inyo. Ang ko-corny ng jokes niyo eh!"

They gave me a facepalm and said that I'm much corny than them. Pinagkatuwaan pa nila akong pareho. Mga lalaki talaga! Ang hihilig sa kalokohan.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

I'M stressing right now. Akala ko chill nalang kami ngayon dahil tapos na ang midterm ngunit mali pala ako. Today was Thursday, pumasok na ako dahil makakalabas naman na mamamaya ng ospital si Stair. 

Kasama ko ngayon si Nash. Tinatapos namin ngayon ang mga requirements and activity na hindi namin naipasa noong training namin. Akala ko makakaligtas na kami ngunit hindi pala. Excuse lang daw kami sa klase hindi exempted.

"I HATE PRE-CALCULUS AND GEN BIO! ISAMA MO NA ANG E-TECH AT EAPP! ANG DAMING REQUIREMENTS. WALA MAN LANG BA SILANG CONSIDERATION?!" I said with frustration.

Nakakainis naman 'yung mga teacher, parang hindi sila mga naging estudyante rati! Pinapahirapan pa kami.

"Teachers just testing and preparing us for the real world. Mas mahirap pa ang mga gawain kapag nagtrabaho na tayo," Nash said while arranging his paper.

It was almost four o'clock in the afternoon. Hindi pa rin kami tapos sa ginagawa namin. Nagsabay-sabay kasi sila.

"Kapag ako bumagsak this sem. Kukulamin ko 'yung mga teacher at babawian ko sila sa teacher's evaluation!" I grin. Ang ganda ng naisip ko.

"Hey, that's bad," suway niya sa akin.

"Biro lang!"

Pinagpatuloy namin ni Nash ang paggawa ng mga requirements ang paper works. Halos maubos ang tinta ng ballpen ko kakasulat

Lumipas pa ang ilang minuto at naayos ko rin ang lahat ng kailangan.

"Sa wakas natapos din! Ikaw ba Nash?" I sighed with relief. Bumaling ako kay Nash.

"Kanina pa ako tapos. I'm just waiting for you."

"Edi ikaw na ang mabilis."

Pumunta kami sa Faculty Room at ipinasa ang mga requirements and paper works na ginawa namin. Nagmamadali na ang mga teachers sa paggawa ng grades nang pumasok kami rito.

One week from now, bigayan na ng midterm grades for this semester. Bigla tuloy akong kinabahan. Sa tanang ng buhay ko, ngayon lang ako nahirapan sa pag-aaral. Marahil ay naga-adjust pa ako sa bagong buhay namin.

Ginawa ko naman ang aking makakaya para sa ngayong grading. Sana sumabit man lang ako sa with honors. Kung hindi baka ang scholarship ko ang sasabit.

"May gagawin ka pa ba?" Nash asked I shook my head as an answer.

"Come with me."

Napakunot ang noo ko. Inaaya niya ako? Kaming dalawa lang?

"Saan naman tayo pupunta?"

"You'll know later."

Naglakad kami ni Nash palabas ng school. Kakaunti na lamang ang nakakasalubong namin na estudyante sapagkat kanina pa uwian.

Huminto kami sa tapat ng Amiel's Sizzling House kung saan kami kumain noong nakaraan. Amoy na amoy ko mula rito sa labas ang aroma ng mga sizzlings.

"Ang dami mong arte. You'll know later later ka pa, rito lang pala tayo pupunta," I joked.

"You don't like here?" he asked with a low tone.

Wow. Mukhang sineryoso niya ang biro ko. Kaya naman binawi ko kaagad ito. "No, na-miss ko na ngang kumain dito."

Nash smiled when he heard that. We entered the sizzling house and find a spot for us. When waiting our order, I talked to Nash.

"Alam mo Nash, naisip ko lang. Ilang buwan na tayong magkaibigan ngunit wala pa rin akong alam sa iyo."

"You're right. So, what you're thinking?"

"Let's interview each other."

Pumayag naman siya sa naisip ko. After I asked question, he will answer it and vice versa. Wala lang talaga akong maisip upang maalis ang awkwardness sa pagitan namin, bukod dito.

"Birthday?" He asked

"December 31"

I was born on new years eve, while Bal was born exactly New Year. Ang weird nga raw sabi ng iba. Kambal daw kami tapos ang birthday namin magkaiba ng date at taon.

Kasalanan ba namin na pinanganak ako ng 23:58 ng December 31 at si Bal ay 12:05 ng January 1?

"Feb 28, 3:00PM to March 1, 3:00PM." My forehead wrinkled on Nash answer.

"Huh?"

"I was born February 29 exactly 3:00PM, since there's no Feb 29 every year, I celebrate it exactly 3:00PM on Feb 28 and March 1."

Wow. That's so weird. Akala ko kapag Feb 29 ang birthday mo, mamili ka lang kung Feb 28 or March 1 mo ito ise-celebrate. But pwede naman palang hindi mamili at gawin ito sa parehong araw. Mautak din 'tong si Nash.

"Color?"

"Gray"

"Gray," we answered in chorused. We both like gray, wow.

"So, you like my eyes?" he asked.

Napaisip ako roon ah. Maganda naman talaga ang gray eyes ni Nash but there's really something with it. I just nodded as my answer. Ayoko naman itanong sa kaniya kung bakit minsan kakaiba ang titig niya.

"What do you want to be?"

Sa totoo lang, hindi ko pa alam ang course na gusto niya. Kung si Aqui, nag-STEM siya dahil he wants to be a doctor, while Aera wants to become a veterinarian. I wonder what Nash wants to be.

"I really don't know." I raised my eyebrow. Wala siyang pangarap? Impossible.

"Ano nga pangarap mo? Ako, I want to be an architect someday. I want to design my own house."

"I think I can be a construction worker that will build your house, or should I say our house?" Aniya.

"Puro ka kalokohan!" I hissed

We laughed to each other. Nash really such a joker. Mukhang nagiging komportable na kami sa isa't isa at nagagawa na niyang maagbiro sa akin.

Dumating na ang pagkain namin at patuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan na dalawa. We proceed to the next question. This time I asked again. Wala raw kasi siyang maisip na tanong.

"Do you believe in destiny?" tanong ko.

Sa totoo lang wala na rin akong maisip na tanong. Bigla na lamang itong lumabas sa aking bibig.

"Yes, I believe in destiny, correction in God's destiny. Why? Because I know God has already knew who's destined for us. We just need to wait in His perfect time to meet that person."

Ang lalim ng pinaghuhugutan ni Nash. Muntik na akong mahulog sa sobrang lalim.

Bago pa tuluyang lumamig ang aming pagkain, inubos na namin ito ni Nash. Nagtanungan pa kami hanggang sa maubusan na kami ng topic at maubos na rin ang aming pagkain.

"Kumusta na pala kayo ni Tito Nike?" Bigla ko na lang naitanong sa kaniya. Wala na kasi akong naging balita sa kanilang dalawa mula noong nagkita sila sa school.

Nandito pa rin kami ngayon sa sizzling house at nagpapababa ng aming kinain.

"I think we're fine," tipid na sagot ni Nash.

"If you don't mind, can I ask something?" Nash just nodded and sipped on his drink.

"How's your relationship with Tito Nike? I mean matagal ba kayong hindi nagkita?"

Napabuntong hininga si Nash sa tanong ko. Mukhang mali yata ako nai-open up ang topic nilang mag-ama. Ang chismoso mo kasi Xeidrine!

"It's okay if you don't answer my question."

"My relationship with my dad was solid. He's not just a father to me. He's my best friend, teacher and hero."

He paused for a while and deeply sighed again. I just remained silent.

"But something happened to my family and my dad leave us." I can sense the sadness on his voice.

"I'm sorry to heard that."

Gusto ko pa sanang itanong kung anong ang nangyari kung bakit sila nagkalayo ngunit minabuti kong manahimik na lamang. Baka kasi akalain ni Nash na pinapakialamanan ko ang buhay niya.

"It's okay Xeidrine. Let just don't mind the past. Let's talk about our future," he stated.

"What about our future?"

"I can be your future."

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Somehow edited. There are still errors and incorrect words. Please bear with me.

Read. Vote. Comment. Lovelots!

Continue Reading

You'll Also Like

38.4K 1.7K 73
"They say that Omegle is a site for bored people. But for her case... she's broken not bored." Epistolary #1
3.1K 332 94
Moon, do I have a chance with you?
2.6K 115 44
Sabrina Luella Rivero, ang asal-ate sa kanilang magbabarkada. Minsan siya ang tagapa-gitna sa mga bardagulan pero madalas, siya rin ang pasimuno. Wel...
2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...