Walking in the Wind (Valdemor...

By anchoraigee

41.7K 1.2K 81

Aria Beatrice Legaspi is a simple college student who values her studies. She's the girl you could wish for... More

Walking in the Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Joaquin Gabriel
Author's Gratitude

Chapter 7

915 34 0
By anchoraigee

After our class, I went to my part time job. Hinatid ko lang sa dorm iyong bag ko at mabilisang dumiretso doon.

Oliver was surprised. Naunahan ko kasi itong pumasok kaya ganoon ang gulat.

Kahit hindi ko pa shift ay nandoon na kaagad ako, naglilinis at nagmo-mop na ng sahig.

"Ba't ang aga mo?" Oliver asked.

"Wala lang. Sayang din pera."

The reason was I don't want to be with Gab today. He invited me to a dinner which I never like!

Hindi ko na nagawang mag-reply doon sa naging text niya dahil hindi ko rin naman alam kung anong isasagot.

As much as I want to say that I am rejecting it, there's part of me that says that I should not reply. I have work. Hindi ko rin alam kung matatagalan ba kami pero mas importante sa akin ang trabaho.

Nagi-guilty pa rin ako dahil baka umaasa iyon at baka naghihintay sa magiging reply ko. I turned off my phone to have a peace of mind, not thinking about it. Dahil alam kong tatadtarin lang ako ng text kapag hindi ko ginawa iyon.

Bukas na lang siguro ako magpapaliwanag sa kanya. And while working, I am thinking what reason I should say.

Nakatulog ako? That would be unbelievable. Hapon pa niya nai-text iyon pero nakatulog kaagad? Scratch that.

What if may pinuntahan? Tsk. Labo rin kapag ganoon. Baka nga magawa pang humingi ng tulong kay Chesca, eh.

Chesca knows me very well. Alam niya kung saan ang nagiging lungga ko kapag may naghahanap sa akin. It's either mall, bookstore, dorm, sa part time job, o 'di kaya nag o-overtime doon sa library.

Pwede namang sabihin ko na may sakit ako o di kaya busy sa schoolworks. Ah ewan! Wala akong mahanap na matinong dahilan na sasabihin sa kanya.

Wait. Why would I explain to him? Bakit ko pinapahirapan ang sarili kong mag-isip tungkol doon? Niyaya lang naman ako ng dinner tapos hindi ako sumipot.

It's actually my first time being invited to a dinner with someone, especially a man. Kaya hindi mapirmi ang isip ko sa kakaisip kasi nga unang pagkakataon ko pa lang!

Ipinilig ko ang ulo at tinuloy ang trabaho.

Mag a-alas otso na. I hope that he's not hoping for my presence. Bakit naman niya ako iniinvite sa dinner? There's nothing to celebrate.

Saka, pumayag nga ako kahapon na next time ulit basta huwag lang date. Pero kasi dinner 'to, eh. At hindi ako sigurado kung active ba o hindi iyong mga kababaihan na nakakakilala sa kanya.

I don't want to see myself being dragged by his girls! Iyon ang pinaka ayoko sa lahat. Baka kapag nagkataon na makita kami ay ma-issue ako. Not now.

Napaigtad ako nang kalabitin ni Oliver. Kunot ang noo nito at may kung anong sinabi sa akin.

"May naghahanap sa'yo," huh? Except Chesca, sino iyon?

"Lalaki?" I started to feel nervous when he nodded.

For sure, that's him! Nakita na niya ako dito noon kaya hindi ako nagkakamali na posibleng siya iyon!

I have no choice today. Tumango lang ako kay Oliver at tinapos ang ginawa bago dumiretso sa counter.

He's standing and wearing a simple shirt and above the knee black shorts. He's crossing his arms while he stared at me.

Kahit ganoon kasimple ang suot niya ay talagang iba ang dating. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

"Uhm... ano kasi... may trabaho ako," napalunok ako nang masalubong ang tila naghihintay niyang mukha sa eksplenasyon ko. The way he stared at me looks like I committed a crime. Obligado ba talaga akong pumunta sa sinasabi niyang dinner?

"Hindi ka nag-reply. You have rights to decline it," he brushed his hair using his long fingers. Napahawak ako sa sentido at napapahiyang tumango.

Parang kasalanan ko pa. Hindi ko naman siya boyfriend para interogahin ako ng ganito.

I mean, we've met already but we're not very close. Nasa first level pa lang kami kumbaga.

"Pwede mo namang imbitahin iyong mga naka-date mo? "walang kasiguraduhan kong sabi. He sighed as if losing on me. Mabuti na lang talaga kakaunti ang mga taong nandito. I can talk to him freely.

"Ikaw gusto ko, eh," my eyes widened a bit. Sandali ko pang ipinasok sa utak ang totoong kahulugan noon bago nag-react.

Tsk. Gustong makasama, hindi iyong gusto niya talaga ako.

"Sorry na. Trabaho pa kasi ako. Kung gusto mo... pwede kang maghintay," I uttered a silent prayer for saying that.

Talagang binigyan ko pa ng choice? Eh hanggang madaling araw ako rito! Baka sunggaban din iyong naging suhestyon ko.

Tumingin ito sa relo niya at hinarap na naman ang mukha sa akin pagkatapos.

"What time?" he asked, eager to be with me and have a dinner.

"12 am," I replied and he just nodded.

"What's your favorite here?" saglit akong natigilan. Is he asking me what food do I always buy here? Kakain ba ito rito?

"Uh... Iyong Nescafe Espresso Roast," he nodded again before going to the fridge and grabbed two cans of it. Para itong galing lang sa condo niya at agad-agad na dumiretso lang dito dahil sa suot.

He paid for it and gave me the other can. Gustuhin ko mang tumanggi pero hindi ko na naman nagawa.

"I'll wait for you there," iminuwestra niya ang bakanteng table at dumiretso na doon upang maupo habang nakaharap ang gawi niya sa akin.

He started fiddling on his phone. Free WiFi naman dito kaya ayos lang. Saka, para na rin hindi siya ma-bored kakahintay sa akin.

I gave him the choice, he grabbed it. Ngayon ay aminado akong kasalanan ko nga.

I continued working while he did his part there. Minsan itong inoobserbahan kung paano ako ngumiti sa customers at kung paano ako magtrabaho. He even eyed Oliver which is on my side, doing his job.

Pero mas lamang iyong pagtitingin sa phone niya kaya ayos lang sa akin. Hindi naman na ako masyadong naiilang at hindi distract sa trabaho kahit nandiyan siya.

Noon ay may kasama itong babae tapos condom ang binibili. Ngayon ay matiyagang naghihintay sa akin habang may kapeng iniinom.

Funny how world works. Hindi ko naman pinangarap o hiniling ito pero nangyayari.

"Boyfriend mo?" Oliver leaned a bit and whispered it to me. Natawa ako ng kaunti at umiling.

"Hindi. Ano..." I couldn't find a word on what really are we.

Friends? Mukhang hindi naman, eh.

"Tanggi ka? Huwag ka nang mahiya," siniko niya ako pero umiling lang ako ng umiling.

"Kakilala ng kaibigan ko," tanging sagot ko pero mukhang hindi ito nakumbinsi.

Totoo namang kilala ito ni Chesca. That would be more safer than telling him lies. Ayoko namang ituro ako kung sakaling may magtanong kung sino ang kaibigan nito.

When my shift's done, I grabbed the can of coffee and changed my uniform into jeans and shirt. Napansin niya namang tapos na ako dahil alas dose na ng umaga kaya hinintay na ako nito sa labas.

I opened the can and started drinking it. May kaunting ilaw na nagmumula sa kakaunting sasakyan na dumadaan.

"Pasensya na," hingi ko ulit. He threw the can before started walking.

"Do you work here every night?" tanong nito bago ko nilunok ang kape.

"Every weeknights. Nasa bahay naman ako tuwing weekend," I answered when he clicked his car key to unlock his car. "Saan punta?"

Though I joined him on his condo, I still have doubts. Madaling araw na tapos magdi-dinner pa ang isang 'to. May class pa naman ako bukas.

"Where do you wanna go?" the lines on my forehead appeared.

Dinner tapos ako ang tatanungin niya? Talagang hinintay niya ako para ako ang gumawa ng desisyon kung saan kami pupunta?

"Kung saan tahimik nalang," I suggested but he just gave a soft chuckle.

"Sementeryo gusto mo?" tumungga ako ulit ng kape bago ito inismiran.

Sarap kausap.

"Ikaw nagplano ng dinner kaya ikaw humanap. Siguraduhin mo lang na wala iyong mga babae mo," I warned him before we entered his car. Ito na ang nagbukas ng pintuan sa akin bago ito pumunta sa pwesto niya.

"Condo ko? Gusto mo? I cooked... dinner," bumaling ang tingin ko sa kanya dahil sa mahina nitong sabi. He cooked dinner? I mean, really?

Mas lalo tuloy akong na-guilty dahil ni-reject ko iyong alok niya sa akin. It's just a dinner but I gave too much meanings on it. Praning lang talaga ako siguro.

Wala, eh. First time sa ganitong bagay.

"Kung wala kang pinaplanong masama, sige. Sa condo mo na lang," I agreed and he manuevered his car back to his condo. Medyo napapahikab na ito at mukhang nilalabanan ang antok.

Kawawa naman itong si Gab.

He bought few soft drinks which I think for me since mukhang beer din naman ang iinumin niya. For the sake of my safety, I won't join him drinking beers though I really want to satisfy myself.

Umiinom naman ako pero hindi nagpapakasobra.

We reached his unit and he offered me to sit. Totoo nga ang sinabi niya dahil pagdating namin ay mayroon nang nakahain sa table.

"I'll just transfer all of these in veranda," tumango ako at uminom ng tubig na dala sa bag. He immediately transferred all of it until the bottled softdrinks left empty.

Sinenyasan niya akong tumungo doon at napansin ko kung gaano ka-effort iyong ginawa niya.

It's not a date but it looks like one. Masasarap na pagkain ang niluto niya which I think good dahil amoy pa lang ay mabango na.

Umupo na ako at dinamdam ang malamig na simoy ng hanging dumadampi sa balat ko. So relaxing. Mukhang fresh naman dahil hindi amoy usok o mayroong alikabok.

We started eating silently. Hindi ko rin mapigilang purihin iyong niluto niya. Masarap nga at mukhang pinaghirapan niyang lutuin. I can ask him the ingredients he used later.

Hindi ko rin alam na masarap pa lang mag-dinner ng madaling araw. Or should I call this an early breakfast? I'm with the man I used to avoid before. Invited to dinner and made an effort just to have me here. Wala namang okasyon o ano para dito.

"Know what? I really love the wind so much, especially at night," I broke the silence before drinking the softdrink.

"Really?" he asked that like he's surprised. Umihip muli ang hangin at nangiti ako.

Nature's always been good to me. The wind is the proof why I always feel relaxed whenever I want. Bukod sa dilim ay ito ang nagpapakalma sa akin.

"Try mo kayang magpahangin minsan. You know, you can relax more if you'll do that. Depende na lang sa'yo," tugon ko at sinubo ang huling piraso ng pagkain. I wiped the side of my lip before drinking again.

"Sure," he replied shortly which I replied with a nod.

Saglit kaming nagkwentuhan doon sa veranda niya kahit munting ilaw lang ang nagsisilbing liwanag.

We talked a lot of things about his life. Hindi ko na sinama iyong pagtatanong tungkol sa tatay niya. He's been avoiding that topic. Ayoko rin namang makiusyuso kasi hindi naman ako parte ng pamilya nila.

I even told him about myself, a little bit part of my life kasi hindi rin naman ako palakuwento. Okay na siguro iyong kaunting kaalaman tungkol sa akin.

He even asked a picture of our family which I showed. Nangunot pa ang noo niya nang makita iyong tatay ko.

"I've met your father."

"Talaga? Saan?"

"There's this someone who committed a crime. Sa presinto ko nakita," tumango tango ako. Na-meet na niya pala. Good then.

Pagkatapos ng dinner or should I say our early breakfast, hinatid na niya ako sa dorm. Napapahikab na ako nang makababa kaya agad na akong nagpaalam sa kanya.

"Do you have time to watch our game tomorrow?" madalian niyang tanong. Agad ko na namang naalala iyong kahihiyang ginawa ko.

"Gagawin mo na naman ba akong tagapunas?" I arched my brow to confront him. Namula ang tainga nito at kaagad na mahinang natawa.

He's just talking to me while he's inside the car, just opening the window to have a conversation with me. Habang ako ay nakatayo na sa harap niya.

"No. But you can watch our game. Reserve na kita ng seat kaagad kasama iyong kaibigan mo," he assured like he's really sure that I will watch.

I took my class sched and see if I have free time tomorrow. Hindi ko pa rin kasi kabisado iyong ibang subjects at specific time kaya lagi kong dala itong sched.

So far ay may isa namang bakante. Hapon nga lang.

"What time?"

"Three to five o'clock."

"Okay lang ba kung hindi ako makaabot sa three? May class kami ng alas tres hanggang alas kwatro, eh. But I'll watch after our class, sama ko si Chesca," I made sure since sigurado naman akong hindi palalampasin ni Chesca ang larong iyon. Hindi rin naman masyadong importante iyong subject bukas pero gusto ko pa ring mag-attend ng class for attendance. Sayang minsan grades.

"Okay. Thanks for joining me again," he gave me a smile which I replied with a nod.

Tinaboy ko na ito at nagsimula namg maglakad nang tawagin niya ang pangalan ko ulit.

"What?" napaharap ako at sinalubong ulit ang tingin niyang mukhang masaya.

"Congrats," he uttered that made me shocked and surprised at the same time.

Mabilisan niyang inalis ang sasakyan sa harap ko habang ako naman ay nandoon pa rin, nakatayo at napakurap ng ilang beses.

He congratulated me. It's not new to me since people would always do that, but hearing it from him was just like... wow.

How did he knew that I'm part of the rank list? Did Chesca told him about it? Not to assume but, was that the reason why he invited and waited for me for a couple of hours just to celebrate it?

Mahirap umasa na iyon nga pero pakiramdam ko lang. He won't wait for me to finish my work and still invite me to have a dinner with him. Iyon ba talaga ang dahilan?

I quickly grabbed my phone and typed a message for him. Pinagtiyagaan kong hintayin ang reply niya habang hindi pa nakakapasok sa loob ng dorm.

May guard naman doon kaya safe lang. Wala namang curfew sa amin.

To:Gab

Ininvite mo'ko dahil dun?

He probably knows what I mean.

From:Gab

Yup.'Sensya na, gusto ko lang magcelebrate. I hope that's okay?

To:Gab

Nakakainis ka talaga.

I don't know why but I smiled while I entered our dorm. Napabati pa ako sa guard na prenteng nakaupo bago ako binati ng pabalik.

Was that really a good move from him? We're not that really close but he celebrated?

Damn Joaquin Gabriel. You made me happy at least for a couple of hours.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 128K 62
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
220K 16.2K 20
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...