The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 10

124K 3.5K 830
By Maria_CarCat

Magpapahuli ako


Hiyang hiya pa din ako dahil sa sinabi ni Kenzo. Mas lalo akong nagsumiksik sa kanyang leeg dahil dito. Muli kong narinig ang kanyang mahinang pagtawa. "Wag kang mahiya, normal lang iyon baby" pagaalo pa niya sa akin. Marahang nagtaas baba ang kamay niya sa aking likuran.

"Inaantok ka pa din ba?" malambing na tanong niya sa akin.

"Kaunti. Pero nanghihina ako" paos na sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagtango tango ni Kenzo. Maingat akong gumalaw para magharap kami. Nanatili ang aking mga kamay na nakapulupot sa kanyang leeg.

"Kung hindi tayo tumigil magseSex na dapat tayo kanina di ba?" diretsahang tanong ko sa kanya. Kita ko ang kakaibang titig ni Kenzo sa akin. Napanguso ako, naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko dahil sa hiya pero ipinagsawalang bahala ko na lamang.

"Hindi tayo magseSex Sera. We can made love dahil iyon dapat. Mahal kita kaya hindi lang iyon basta sex" seryosong pagtatama niya sa akin kaya naman bumaba ang tingin ko sa kanyang dibdib. Ramdam ko din ang pagtitig ni Kenzo sa akin.

"Masyado ba akong bata para sayo?" mahinang tanong ko pa sa kanya.

I heard him chuckle. "Ilang taon lang ang agwat natin" sagot pa niya sa akin kaya naman mas lalo akong napanguso. "Kasi palagi na lang sinasabi ni Fidez na bata ako. Palibhasa Lola na siya" inis pang sabi ko kaya naman napatawa si Kenzo.

"Hindi ka na bata Sera, pero baby kita" pangaasar pa niya sa akin kaya naman imbes na mangiti ay pabiro ko siyang sinabunutan.

"Gago, baka mamaya marami ka ding ibang baby. Madaming magaganda sa college of medicine tapos matatalino pa" asik ko sa kanya. Nanatili siyang nakatitig sa akin na para bang gandang ganda siya sa akin. Tangina talaga netong lalaking to.

"Ikaw lang ang baby ko. Uhm my baby Sera" malambing na sabi pa niya sa akin kaya naman hindi ko napigilang halikan siya sa labi.

"Mag aaral ka pa di ba?" nakangising paalala ko sa kaya kaya naman natawa din siya.

Maingat akong umalis sa pagkakakandong sa kanya. Inayos ko ang aking palda "Hay naku, nalukot tuloy" pangaasar ko sa kanya pero nagtaas lamang siya ng kilay sa akin.

"Ako na ang magplaplantsa bago tayo bumalik sa school" pagprepresinta pa niya kaya naman nagulat ako.

"Hindi na ako na. Parang sira to" natatawang suway ko sa kanya. Sandali akong nagpaalam kay Kenzo na magbabanyo ako. Nakangisi ito sa akin na para bang alam niya kung bakit ko kailangang pumunta duon because i'm freaking wet!

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong tahimik na itong nakaupo at nakatutok sa kanyang hawak na handouts. Imbes na sitahin ay tahimik na lamang akong naglakad papunta sa aking kama. Dumapa ako duon dahil sa sobrang pagod at antok. Nung una ay nakatalikod ang ulo ko sa gawi ni Kenzo. Pero kaagad ko siyang nilingon at naabutan kong nakatingin din siya sa akin.

"You can sleep. Gigisingin kita bago mag alatres" malambing na sabi niya sa akin kaya naman napatango ako hanggang sa pumungay ang aking mga mata. Sa huli ay hindi ko na napigilan pa ang antok at tuluyan ng nakatulog.

Nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone. Tamad ko iyong inilagay sa aking tenga.

"Hello..." paos at iritado pang sabi ko sa tao sa kabilang linya.

Kaagad akong napadilat ng marinig ko ang boses ni Abby. Napaayos ako ng upo at nakita ilang minuto na lamang ay alaskwatro na. Kaagad akong napatingin kay Kenzo at nakitang nakapikit ito habang nakasandal sa sofa. Hawak pa din niya ang kanyang handouts at mukhang nakatulog din.

Mabilis akong bumaba sa may kama para lapitan siya. "Kenzo gising late na tayo!" sabi ko pa sa kanya. Nang makabawi ay kaagad din siyang napatayo.

"May exam ako" pamomorblema niya habang pareho kaming aligaga para makaalis na. Mabilis kong isinuot ang aking uniform. Halos hindi na kami nakapagayos pa at patakbong lumabas sa dorm. Hingal na hingal kaming pumasok ng university.

"Saan ang room mo?" tanong niya sa akin. Alam ko na ang balak niyang gawin pero kaagad akong umiling.

"Ikaw muna, mas importante ang exam mo" sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nakatanggi pa ng kaagad ko siyang hinila papunta sa AMS building kung nasaan ang room nila. Tumakbo kaming dalawa para makahabol siya. Tahimik na ang buong 3rd floor dahil nagsisimula na ang exam. Bago tuluyang kumatok si Kenzo ay inayos ko pa muna ang medyo nagulo niyang buhok dahil sa pagtakbo namin.

"Good luck, galingan mo" nakangiting sabi ko sa kanya kahit pa hinihingal pa din ako at ganuon din siya.

Tipid niya din akong nginitian. Kumatok si Kenzo at pumasok sa room. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakaabot siya. Tatalikod na sana ako para umalis na ng marinig ko ulit ang pagbukas ng pintuan. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang kanyang paglabas, bigong bigo siya.

"Anong nangyari?" nagaalalang tanong ko sa kanya.

Marahan lamang siyang umiling. "Hindi na ako pinayagang magtake, masyado ng late" sagot niya sa akin kaya naman ako ay nalungkot. Kagaya ni Kenzo ay bumagsak din ang aking balikat.

Pagod siyang umupo sa may hagdanan. Tumabi ako sa kanya para damayan siya. "Sorry Kenzo" nahihiyang sambit ko.

"Baby hindi mo kasalanan iyon. Ako nga ang nagsabi na ako ang gigising sayo pero nakatulog din ako" malumanay na paliwanag niya pa sa akin pero sinisisi ko pa din ang aking sarili.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. "Ihahatid kita sa room niyo, baka makahabol ka pa Lecture lang naman" yaya niya sa akin pero marahan akong umiling.

"Gusto ko dito kasama mo. Please wag mo na muna ako piliting pumasok gusto kitang samahan dito please..." pakiusap ko pa sa kanya. Kita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata.

Marahang tumango si Kenzo kaya naman kaagad akong napangiti. "Next time papasok na tayo...bawal na ang tambay" nakangising sabi pa niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.

Napahikab ako sa kalagitnaan ng paghihintay namin. "Palagi ka bang nagpupuyat?" tanong niya sa akin na inilingan ko lang.

Imbes ba umalis duon ay hihintayin muna namin ang ilan niyang mga kaklase para makakuha siya ng notes. Kita kong masyadong seryoso si Kenzo sa pagaaral. Kaya naman naisip kong kailangan ko ding ipakita sa kanya na siya ang nagiging inspirasyon ko kaya naman mas lalo kong gagalingan.

Matapos ang halos isa't kalahating paghihintay ay narinig na namin ang paglabas ng kanyang mga kaklase. Napatayo si Kenzo kaya naman napatayo din ako. Napayuko ito ng unang dumaan sa aming harapan ang Doctor na nagtuturo sa kanya. Napatingin siya sa akin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay si Kenzo. Marahan itong napailing na para bang nadismaya. Bayolente akong napalunok dahil duon.

"Kenzo what the hell..." hindi na naituloy ni Fidez ang kanyang sasabihin ng makita niya ako. Mukhang magaling na siya.

Kagaya ng doctor ay tiningnan din niya ako mula ulo hanggang paa kaya naman mas lalo akong napayuko. Naramdaman ko ang pagtago ni Kenzo sa akin sa kanyang likuran. Mukhang nakita ang kakaibang tingin nito sa akin.

"Come on Fidez, wag mong tingnan ng ganyan si Sera" suway sa kanya ni Kenzo. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking palapulsuhan.

Sandali akong sumulyap kay Fidez. Kita ko pa din ang kanyang pagdisgusto sa akin. Tangina neto para namang gusto ko din siya. Nirerespeto ko siya kahit papaano dahil bestfriend siya ng boyfriend ko.

"Nalate ka dahil sa kanya" akusa ni Fidez. Marahang umiling si Kenzo sa kanya. "Nakatulog kami, hindi ko namalayan ang oras..." pagod na paliwanag ni Kenzo sa kaibigan ngunit tumawa si Fidez ng pagak.

Nalipat ang tingin ko sa kararating lamang na si Andrew. Hindi katulad ng dati ay seryoso din siyang nakatingin sa akin na para bang may mali sa akin. "Sino sa tingin mo ang maniniwala sayo Kenzo. Tingnan mo nga yang itsura ng girlfriend mo, parang kagagaling niyo lang sa sex" laban pa ni Fidez at parang diring diri pa siya sa pagkakasabi niya nuon.

Napatingin ako sa aking sarili. Duon ko lang naalala ang lukot kong palda na hindi na naplantsa dahil sa pagmamadali namin. Bayolente akong napalunok at tsaka marahang inayos ang aking buhok. Hinawi ko iyon sa isang side para hindi masyadong sabog, nakalimutan ko ding magsuklay.

Sumulyap ako kay Kenzo pero sa iba siya nakatingin. Lumipat ang tingin ko kay Fidez nakita ko ang matalim niyang tingin sa aking leeg. Nagtaka ako. Nang hindi na siya nakapagpigil ay kaagad siyang lumapit sa akin para makita iyon. Muli siyang natawa ng pagak. "Nagiwan ka pa ng marka sa batang ito. Really Kenzo?" mapanuyang tanong niya dito kaya naman kaagad akong napahawak sa aking leeg na itinuro niya.

Sandali lamang iyong tiningnan ni Kenzo bago niya muling binalingan ang kaibigan. "Normal lang iyon, magkarelasyon kami" sagot niya kay Fidez kaya naman napanganga siya.

"Ayoko ng pagawayan natin ito. Walang kasalanan si Sera kung bakit ako na late. Tapos na, babawi ako sa susunod na exam" pinal na sabi niya kay Fidez bago ako hinila ni Kenzo paalis duon.

Matapos ang pangyayaring iyon ay mas naintindihan ko na si Kenzo. Kahit minsan ay hindi kami nagkikita sa isang araw o kaya naman ay hindi siya nakakapagtext ay naiintindihan ko na lalo pag may mga exam sila.

"Congrats Sera, ang taas ng exam mo. Ikaw ang sumunod kay Valerie sa mataas" tuwang tuwa pang sabi sa akin ni Abby kaya naman tipid ko siyang nginitian.

Palabas na kami ng room dahil kakatapos lang naming magquiz. Inayos ko ang pagkakatupi ng aking test paper, ipapakita ko iyon kay Kenzo. Sigurado akong matutuwa siya dahil siya ang inspirasyon ko kung bakit na ako nagaaral ng mabuti ngayon.

"Congrats Sera. But hanggang diyan ka lang. You can never go over me...makakalapit ka pero hindi mo ako mauungusan" mataray na sabi sa akin ni Valerie. Sa kanyang likuran ay ang kanyang mga kaibigan na minamaliit din ako sa pamamagitan ng tingin nila sa akin.

Nginisian ko siya. "Hindi naman ako nakikipagkumpitensya sayo Valerie. Sasak mo sa baga mo yang highest score mo" nakangising sabi ko pa sa kanya kaya naman napapadyak nanaman siya sa kanyang kinatatayuan. Malas lang niya dahil hindi niya ako kayang saktan dahil sa iniingatan niyang pangalan ay deans list.

Inaya ko na lamang si Abby na umalis kaagad duon. Panay ang reklamo niya tungkol sa ugali ni Valerie. Hindi ko naman siya pinansin dahil wala naman talaga akong pakialam kay Valerie. Mula sa may dulo ng hallway ay nakita ko si Kenzo. May kausap itong tatlong lalaking kasing tangkad lamang din niya. Nakatalikod ang mga ito sa akin kaya naman ganuon na lamang ang gulat ko ng makita kong halos magkakamukha na sila.

"Girlfriend ko si Sera" pakilala niya sa akin duon sa mga kamukha niya. Napangisi si Kenzo ng makita ang aking naging reaksyon.

Quadruplets pala ang mga hayop. Halos magulantang talaga ako dahil duon. Iba din ang dating ng kanyang mga kapatid na sina Tadeo, Cairo at Piero. Matapos akong ipakilala ay umalis din kami kaagad. "Ok lang ba sa kaibigan mo?" tanong niya sa akin dahil humiwalay nanaman si Abby sa akin.

Nginisian ko siya. "Crush ng gaga ang librarian kaya panay ang tambay sa library" kwento ko kay Kenzo kaya naman natawa na lamang din siya.

Kinaumagahan nuon ay hindi ako pumasok sa school na nakauniform. Dalawang araw ang magiging program sa quadrangle para sa gaganaping pharmacy week. Ang tatlong sumunod na araw ay panay contest at seminar na sa auditorium gagawin.

Nakasuot lamang ako ng aming puting pharmacy shirt na nakatuck in sa aking maong na pantalon at pinarisan ng puting converse.

"May open mic daw" rinig kong sabi ng isa sa aming kaklase. Napatingin ako sa may gitna ng quadrangle at nakitang nagseset up na sila ng mga speaker ay microphone.

"Saan ka ngayon Sera?" tanong ni Abby sa akin. Bago kami magsimula kanina ay naAssign na kami kung saan kami magbabantay ngayong araw.

"Sa jail booth amputa. Ang boring" inis na sabi ko pa sa kanya na may kasamang pagirap. Natawa na lamang ito, palibahasa ay duon siya sa booth ng magtitinda ng pagkain. Tamang nakaw at subo lang pagnagutom.

Humilig ito ng bahagya sa akin. "Wag kang magalala, kukupit ako para sayo" natatawang bulong niya.

"Gago!" asik ko sa kanya sabay hampas sa kanyang braso.

May dalawa akong kasamang 2nd year sa jail booth. Dalawang lalaki nung una, pero nagdagdag sila ng isa pang lalaki para manghuli. Madaming tao sa quadrangle kaya naman panay ang labas namin ng bawal. Ang una ay kailangang hulihin ang mga nakarubber shoe na mahigpit na ipinagbabawal ng school. Pero may iilan pa ding gumagawa. May ilang nahuli pero kaagad din binayaran ng mga kaibigan para makalaya.

Tumaas ang kilay ko ng magsulputan ang isang grupo ng mga marine student. Tansya ko ay nasa anim silang lahat.

"Magpapahuli kami" nguting ngiting sabi nila sa akin kaya naman sinamaan ko sila ng tingin.

Ibinigay ko sa kanila ang listahan ng mga hinuhuli namin. "Hanapin niyo diyan kung meron kayo niyang hinahanap namin. Kung wala, chupi kayo" masungit na sabi ko sa kanila kaya naman mas lalo silang nagtawanan.

Dahil wala silang nahanap ay nagstay sila sa tabi ng aming booth. Nagpresinta pa nga ang mga ito na tutulong silang manghuli para sa amin. Sinimangutan ko sila. "Pharmacy week ito, pharma ba kayo?" mataray na tanong ko sa kanila kaya naman napatameme sila. Dahil sa pananahimik ay kaagad ko silang inirapan.

"Pwede na lang mahingi number mo? O pangalan, pwede kitang iadd sa facebook?" diretsahang tanong sa akin ng isa sa kanila.

Sinamaan ko sila ng tingin. Magsasalita pa sana ako ng kaagad akong magulat dahil sa pagdating ni Kenzo. "Magpapahuli ako" matigas na sambit niya kaya naman ang mga marine sa harap ko ay bahagyang umatras.

Diretso ang tingin niya sa akin. Parang galit pa ang gago pero gustong magpahuli. Inabot ko sa kanya ang papel. "Sige tingnan mo kung may nalabag kang batas" sabi ko pa.

Napanguso na lamang ako at napailing. "Para kamo kayong abno, nanghuhuli kami tapos kayo nagprepresinta pa" naiiling na sabi ko pero halos mapatalon ako sa upuan ko ng inihagis ni Kenzo ang kumpol ng papel sa lamesa.

"Oh bakit, akala ko ba magpapahuli ka?" tanong ko sa kanya.

"Sayo ako magpapahuli. Hindi sa jailbooth niyo..." sabi niya sa akin. Narinig iyon ng ilang mga kasama ko kaya naman tumingin sila sa akin at nginitian ako, nangaasar pa ang mga abno rin.

"Aba't tangina ka ha. Hindi porket boyfriend kita hindi kita huhulihin. Hala sige kulong ka..." mataray na sabi ko sa kanya. Nakangisi lamang si Kenzo abat tuwang tuwa pa ang gago.

Tinulak ko siya papasok sa aming jailbooth. Kitang kita ko pa din si Kenzo dahil parang rehas talaga iyon kung titingnan mo. "200 ang piyansa mo, makulit ka eh" nakangising sabi ko sa kanya. Nagtaas lamang siya ng kilay.

"Pwede ko bang piyansahan ang sarili ko?" tanong niya sa akin kayaako naman ngayon ang nagtaas ng kilay.

"Oh di ba magdodoctor ka, hindi ka naman abogado" asik ko sa kanya kaya naman mas lalo siyang natawa.

Ngumuso ang gago nagpacute pa ang hayop. "Edi sinong magbabayad para makalabas ako dito?" tanong niya sa akin , nagpapaawa pa.

"Edi tumawag ka ng magbabayad para sayo...edi kung wala hanggang mamaya ka diyan" paliwanag ko pa sa kanya. Mas lalong lumaki ang ngisi niya.

"That's better though, babantayan kita" pangaasar niya sa akin kaya naman inirapan ko siya at tsaka ako mabilis na bumalik sa aking pwesto. Nasa likod ko lamang ang rehas na gawa gawa namin kaya naman napaiktad ako ng kalabitin ako ni Kenzo.

"Wala bang pakain dito?" tanong niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon.

"Manahimik ka diyan" sita ko sa kanya.

Humawak siya sa kanyang tiyan. "Nagugutom na ako" pagmamakaawa niya pa kaya naman galit kong hinampas ang aking lamesa.

"Siraulo ka talaga. Maghintay ka diyan, kukupit ako duon" turo ko sa booth nila Abby.

Tawang tawa ang gago. Nagmartsa ako patungo sa booth nina Abby. Kaagad ko siyang binulungan. "Abby pakupit, nagugutom yung boyfriend mo. Kawawa naman..." sabi ko sa kanya kaya naman kaagad siyang napatawa.

Tiningnan niya si Kenzo na nakakulong sa booth namin. "Ang supportive ng boyfriend mo...ang sweet talaga ni Doc" kinikilig pang sabi ni Abby.

Inirapan ko siya. "Anong supportive ka diyan eh binibwiset nga ako!" asik ko pa sa kanya. Sa huli ay nakuhanan ko si Kenzo ng dalawang cheesecake at ilang pirasong graham balls.

Nakangiti siya habang papalapit ako. "Oh ito lang ang nakupit ko, pagtyagaan mo yan" sabi ko pa sa kanya kaya naman muling naglaro ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Mahal mo talaga ako noh?" nakangising sabi niya sa akin.

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Mura ka. Tangina ka" asik ko sa kanya na pareho lamang din naming ikinatawa.

Hindi nagtagal ay pinakawalan ko na si Kenzo dahil may klase pa siya. "Bukas ba dito ka pa rin? Ayokong nilalapit lapitan ka ng mga marine na iyan" galit na sabi pa niya kaya naman napatawa ako.

"Sa iba naman ako maAassign bukas" sagot ko sa kanya. Tumango tango ito bago niya ako halikan sa aking ulo.

"Penge na ako ng kiss na pang kinder" pangaasar niya sa akin kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na tumingkayad para halikan siya sa pisngi.

Dahil sa nangyari ay nakarinig kami ng ilang pagalma galing duon sa grupo ng mga marine.

"Sayang pare may boyfriend" rinig pa naming sabi nila.

Nakita ko ang pagtalim ng tingin ni Kenzo duon. "Anong sayang sayang..." inis na sambit niya kaya naman kaagad ko siyang hinampas sa kanyang braso.

"Akyat na. Baka mahuli ka nanaman sa exam mo. Mapagalitan nanaman tayo ni Lola Fidez, siya ba ang nagpapaaral sayo?" nakangising tanong ko kay Kenzo.

Natawa siya. "Wag kang magalala hindi ka na aawayin nun, nakausap ko na" paninigurado niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Nang umalis si Kenzo ay nagpaalam ako sa aking mga kasama na pupunta muna ako sa booth nila Abby. Bilang kapalit ng pangiiwan ko sa kanila ay dadalhan ko sila ng pagkain. Tuwang tuwa naman ang mga mokong.

Pasado alasingko ng hapon ng magligpit kami. Humupa na din kasi ang mga tao, kailangan din naming magpahinga para bukas. Buong araw din ang program na iyon.

"Didiretso ka sa dorm mo?" tanong ni Abby sa akin habang nagliligpit kami. Umiling lamang ako sa kanya. "Hintayin mo muna si Kenzo" sagot ko na mabilis naman niyang tinanguan.

Imbes na maghintay ay umakyat ako sa may medicine building para puntahan siya. Medyo nahiya akong lumapit sa classroom nila ng makita ko ang ilang med student na nakatambay sa hallway.

"Ano nanamang ginagawa mo dito?" salubong sa akin ni Fidez.

"Syempre pupuntahan ko si Kenzo, alanga namag ikaw" bulong bulong ko pa.

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Pero hindi din nagtagal ay napangisi siya. "You know what. Magkasama sila ni Mandee ngayon sa instrumentation room...pwede kang pumunta duon kung gusto mo" nakagising sabi pa niya sa akin.

Napanguso ako dahil sa kakaibang tingin nito sa akin. "Come on Sera" paguudyok pa niya sa akin.

Tinalikuran ko siya para puntahan si Kenzo, hindi dahil inutos niya kundi dahil iyon naman talaga ang sadya ko ang puntahan ang boyfriend ko.

Dumiretso ako sa instrumentation room. Nakaawang ang pintuan duon, bahagya akong sumilip pero likod lang ni Mandee ang nakita ko. Nabato ako sa aking kinatatayuan ng makita kong may kahalikan ito, hindi ko makita ang itsura ng lalaki. Pero kaagad bumigat ang dibdib sa isiping si Kenzo iyon.

"Anong sinisilip mo diyan?" tanong ng lalaki sa aking likuran. Kaagad akong napayakap sa kanya.

"Kenzo" i said in relief.

Napatingala ako ng marinig ko ang pagngisi niya. "Nanunuod ka ng scandal baby?" nakangising tanong niya.

Napanguso ako. "Hindi ah, akala ko nga ikaw yan eh" sumbong ko pa sa kanya kaya naman kaagad bumaba ang tingin niya sa akin.

"Bakit mo namang naisip na ako yan. Yung mga palamura lang ang hinahalikan ko. Ikaw lang naman iyon" pangaasar pa niya kaya naman hinampas ko siya sa braso.

Kaagad kaming napatago ng marinig naming palabas na ang dalawa. Mula sa aming pinagtataguan ay nakita ko kung sino ang lalaki. Nanlaki ang aking mga mata.

"Boyfriend iyon ni Valerie ah"













(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 61.3K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
684K 24.4K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
158K 8.8K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.3M 150K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...