My Ex-Husband Is My New Boss

Od AngelaGamayon

992K 18.9K 663

Anong gagawin mo kung bumalik ang taong sinaktan ka? Na akala mo tapos na pero meron pa pala? Yung sya, sya p... Více

My Ex-Husband Is My New Boss
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
AUTHOR'NOTE
CHAPTER 4
AUTHORS NOTE
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 12
Chapter 13
Chapter 14
chapter 15
chapter 16
Chapter 17
chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
EPILOGUE
Author's Note
Author's Note
SPECIAL CHAPTER
Special Chapter #2

Chapter 89

6.4K 138 1
Od AngelaGamayon

Alex P.O.V.

MABILIS lumipas ang isang linggo. Bukas ay re-opening na ulit ng café kaya kaylangan naming umuwi ng Bulacan. Kumatok ako sa pintuan ni Jaime pero walang sumasagot kaya naman pumasok ako sa loob. Natutulog ang mag-aama. Hindi na nakalipat sa mga kwarto nila.

Napakganda nilang tingnan kapag magkakasama. Naging maayos din ang pakikitungo ni Jake kay Jaime, katunayan ay tatlong araw na sa 'min ang bata, at ng wala na siyang maisuot ay nagyayang mag-mall si Jake para bili ng damit ang mga bata.

Lumapit ako kay Jake at marahan siyang ginising. Marahang nagmulat ang mata nito. Sinenyasan ko siyang huwag maingay, nakaka-intindi siyang tumango. Nauna kong lumabas ng kwarto, nakasunod sa 'kin si Jake hanggang sa makarating kami ng kusina.

"Anong oras na ba?" tanong niya.

"Almost lunch. Nagpuyat na naman kayo kaya yung tatlo nagkaka-eyebags na," sermon ko. "Nga pala, kumusta ang café? Bukas na ang opening no'n."

Tumango siya, "oo, sabi naman nina Zia at Lia ay okay na raw. Patapos na."

Last time nagkaroon kami ng family boding with Jake and his siblings. Sinabi na nilang nakabalik na kayo kaya tuwang-tuwa ang in-laws ko pati na rin sila. Nagulat nga si Lia ng malamang kambal ang anak namin. Nakakatuwa ngang mga kaybigan pa pala ni Jake ang makakatuluyan nina Zia at Black.

"Papasok ka pa ba bilang manager ng café?" tanong niya habang nagtitimpla ng sariling kape.

"Hindi ko pa alam. Siguro oo, kaylangan ko pang pag-ipunan ang pag-aaral ng mga bata."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wife, I can provide for our family. Kahit sampu pa ang anak natin ay kaya ko silang pagtapusin sa kung anong kursong gusto nila."

Pinandilatan ko siya. "Hoy, Jake! Kinder pa lang sila tapos college na agad 'yang sinasabi mo!"

"Just don't about it, wife. Dito ka na lang at alagaan ang mga natin tapos hihintayin niyo kong maka-uwi," he said dreamily.

"Paano ang café? Hindi ko kayang pabayaan 'yon kasi matagal na rin akong nagtra-trabaho doon," ani ko.

"Hahanap tayo ng kapalit mo."

"Wag ka ng humanap. Si Deth na lang dahil deserving naman siya. Tapos si Ariel ang bagong manager assistant. Matagal na sila sa café at alam na nila ang pamamalakad noon. Mag-hire ka na lang ng bagong staff."

"Okay, then. Pero sasama ka ba bukas para sa re-opening?"

"Oo, imbitahan mo na rin ang mga kaybigan natin. Sasabihan ko sina Deth na isasama ko rin si Abby bukas," ani ko. Well, nakatira si Abby sa dati kong condo.

Actually, binibigay ko na rin sa kanya 'yon pero ayaw niyang tanggapin. Mas gusto niyang upahan at pansalamantalang tirahan. Balak niya rin kasing mag-stay sa Baguio.

"Nga pala, bahay niyo sa Bulacan ay binili ko na," aniya.

"Mabuti." Naunahan kasi ako ni Jake na bilhin ang lupa doon. Gusto kong mapa sa 'kin na 'yon dahil naging part na siya ng buhay namin. "Nagpaparamdam pa ba sa 'yo si Katherine?"

"Yun nga ang nakakapagtaka. Wala siyang paramdam unlike before palaging nangungulit." Tumango ako. Nakita kong pumasok ang asawa ni Anton sa kusina.

Iniwan ko sa kanya ang niluluto ko at nagpunta sa sala. Kasunod si Jake.

"Bakit mo tinatanong? May problema ba?" tanong niya.

"Wala naman pero hindi man lang siya tumawag para kumustahin ang anak niya?"

Umiling siya at umupo sa sofa. "Ganyan na 'yan noon pa man. Kapag ako lang ang kasama akala mo NBI kung makapagbantay pero kapag ibang tao kasama para siyang anghel."

"Angel ni Lucifer," bulong ko.

"May sinasabi ka, wife?" nakangising tanong niya. Inirapan ko siya na tinawanan niya. Sa loob ng isang linggo ay para kaming bumalik sa dati. Ang pinagka-iba lang ay hindi na hubby ang tawag ko sa kanya.

"Puntahan mo ang mga anak mo at gisingin," utos ko. Sinaluduhan niya ako.

"Yes, Commander!!" anito na kinatawa ko. Alam na kung kanino nagmana si Aura.

Katherine's P.O.V.

"KUNG ayaw mo pala bakit mo binigay sa kanila si Jaime?" tanong ni Daisy.

Nginitian ko siya. "Why not? Huling beses na niyang makakasama ang anak niya." Inabot ko ang wine glass at uminom.

It's been one week since iwan ko si Jaime kay Jake. Isang linggo ko silang hindi ginugulo dahil gusto ko silang bigyan ng quality time. Dahil kung hindi ako sasaya, hindi rin sila sasaya. Mag-iiwan ng matinding sakit sa kanila ang gagawin ko.

Kumunot ang noo niya, "anong ibig mong sabihing huling beses? Ilalayo mo si Jaime? Pupunta kayong ibang bansa?"

Naiirita ko siyang tiningnan. "Pwede ba! Huwag kang magtatanong basta 'yon na 'yon! Ano bang ginagawa mo dito?!"

"Pinuntahan ko lang naman ang pamangkin ko pero wala naman siya dito. Nasaan ang maids? Ang dumi-dumi ng bahay mo!"

"Una sa lahat wala kang pake sa ginagawa ko tungkol sa anak ko. Second wala kang pake sa bahay na 'to," inis kong sabi at nagsalin ng red wine sa wine glass ko.

"Sa 'yo, Ate, wala, pero sa pamangkin ko meron," aniya. Umirap ako.

"Leave." Inirapan niya ako at padabog na umalis. Sumandal ako sa upuan at kinuha ang phone ko. I dialled his number.

"Hello?"

"Yes, baby? Nakabalik ka na?"

"Oo."

Ngumiti ako. "Okay. Come here to my house kasi may kasalanan ka sa 'kin,"

"Anong kasalanan?"

Binaba ko ang wineglass bago nagsalita. "Ikaw ang dahilan kung bakit nagkita sina Alex at Jake! Hindi mo sinunod ang gusto ko!"

"I don't know what your talking about, Katherine. Kababalik ko lang ng bansa, wag kang mang-inis!" iritado nitong sabi bago binaba ang tawag. Gigil kong tinabig ang mga nasa lamesa.

"Magbabayad ka! Hindi mo dapat ako kinakalaban!" mariin kong bulong. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng bahay.

****

NAPADPAD ako sa squatters area . . . kung saan kami tumira bago ako nagsumikap para sa 'min ni Daisy. Nandidiri akong tumingin sa paligid. Puro putik at kalat. Umaalingasaw ang masangsang na amoy.

Kumatok ako sa pinto ng barong-barong ng taong kaylangan ko. Ilang sandali bago 'to nagbukas. Isang babae ang sumalubong sa 'kin.

"Ano pong kaylangan nila?" tanong nito.

"Nasaan si Raul?"

"Ano pong kaylangan mo sa Tatay ko?"

"Camilla, sino 'yang kausap mo, anak?" Tumingin ako sa loob ng bahay ng marinig ang boses nito. Lumabas mula sa isang silid ang lalaki. Nginisihan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Did you miss me?" nakangisi kong tanong.

Mabilis siyang lumapit sa 'min. Humawak agad sa balikat ng bata habang hindi nag-aalis ng tingin sa 'kin.

"Camilla, pumasok ka muna sa loob. Mag-uusap lang kami," anito. Nang umalis na ang bata ay saka niya ako hinarap ng maayos. "Anong ginagawa mo dito, Katherine?"

Tumawa ako ng mahina, "you didn't answer me, Raul, I missed you. Kung kausapin mo ko parang hindi ka nakipila noon sa labas ng bahay namin para manligaw," pagpapaalala ko.

"Wala akong panahong makipaglokohan sa 'yo, Katherine! Anong ginagawa mo dito?! Dapat hindi ka na bumalik sa sinusuka mong lugar!"

"Hindi mo man lang ako papasukin?"

"HINDI! Magsabi ka na!"

Seryoso ko siyang tiningnan. Tumanda ang hitsura nito pero naroroon pa rin ang hitsura ng dating lalaking una kong minahal.

"May gusto akong ipagawa sa 'yo," ani ko.

"Ano 'yon?" interesado niyang tanong. Matamis akong ngumiti.

"Let's have a coffee." Matutupad lahat ng gusto ko.

*******

Alex P.O.V.

BUSY ako sa pag-aayos ng lamesa ng makarinig ng sigaw sa labas ng bahay namin. Mabilis kong binitawan ang ginagawa at tumakbo palabas. Nalaglag ang panga ko ng makita ang mga kaybigan ko na may dalang paper bags. Mabilis akong lumapit sa kanila para pagbuksan sila ng gate.

"Bakla ka! Hindi mo man lang ni-tell sa 'ming bumalik ka na! Kay Lia pa namin nalaman!" reklamo ni Leo na yumakap sa 'kin. Ginantihan ko siya.

"Sorry, baks! Marami kasing nangyari kaya hindi na ako nakapagsabi sa inyo. Balak ko kayong tawagan mamaya para imbitahin kayo sa re-opening ng café," paliwanag ko.

"Mabuti na lang hindi kami nakinig kay Jake na umalis no'n kundi hindi namin siya makikita," ani Lia.

"Mag-usap tayo, Alex," ani Bryan. Tumango ako at niluwagan ang bukas ng gate.

"Pasok kayo. Sakto dahil magla-lunch pa lang kami," ani ko. Pumasok kami sa loob ng bahay. Naabutan namin ang mag-aamang pababa ng hagdan.

"Nandito pala si Jaime," ani Lia ng makita ang bata. "Hi, baby boy!"

"At sino itetch? Parang nakita ko na sila somewhere I can't remember," ani Leo habang nakatingin sa mga anak ko.

"Sa Bulacan, noon," pagpapaalala ni Bryan.

"Ay! Oo nga! Sila yo'n!"

"Ha? Anong pinagsasabi niyo?" naguguluhang tanong ni Amelia.

Lumapit ako sa kambal, "babies, sila sina Tita Lia, Tito Bryan at Tito Leo. Friends sila ni Mama," pagpapakilala ko.

Agad na kinuha ni Aura ang kamay nila at nag-blessed.

"Hello po!!"

"Ang ganda naman ng hair mo, baby gurl! Gusto mo bang i-braid natin 'yan?" tanong ni Leo.

"Kaya niyong i-braid ang hair ko, but your lalaki po," ani Aura.

"Hindi siya lalaki, Aura. Katulad siya noong kapitbahay natin sa Hagonoy," rinig kong bulong ni Aris sa kapatid pagkatapos magmano sa mga kaybigan ko.

"Ah, osige . . . i-braid niyo yung hair ko mamaya," ani Aura na hinila si Leo sa kusina. Sumunod si Lia na hawak sa magkabilang kamay si Aris at Jaime. Naiwan kaming tatlo nila Bryan at Jake dito.

"Alex, 'di ba may condo unit ka? Doon ka na lang," ani Bryan. Hinawakan niya ang kamay ko. "Kung gusto mo sa penthouse ko na lang kayo pansamantala."

Jake remove Bryan's hold into me. Tiningan nito ng masama ang kaybigan ko. "Hindi aalis dito si Alex. Gustong tumira rito ng mga anak namin."

"Mga anak mo lang pala, ibig sabihin pwedeng umalis si Ale—"

"Walang aalis dito kundi kayo!" galit na sigaw ni Jake. Akma niyang susugurin si Bryan ng pagitnaan ko sila.

"Tama na! May mga batang makakakita huwag kayong gumawa ng eksena!" inis kong pigil sa kanila.

Agad na umayos ang dalawa. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Act like civilized people. Kung ayaw niyo'y sa labas kayo magsuntukan!"

Inis ko silang tinalukuran papuntang kusina. Naabutan kong inaasikaso ng dalawa kong kaybigan ang mga bata. Lumapit ako sa kanila.

"Kumain kayo ng madami, ha," bilin ko. Tiningnan ko rin sina Lia at Leo. "Kumain din kayo, teka kukuha ako ng plato." Tumalikod ako at lumapit sa cabinet para maglabas ng ilan pang plato. Bumalik ako sa mesa at inabutan sila. Saktong pumasok ang dalawang lalaki na walang kibuan.

"Daddy, mag-bike tayo mamaya?" tanong ni Jaime kay Jake.

Tumingin naman sa kanya si Jake, "oo, sige mamaya."

Umupo na kami. Si Jake ang nasa kabisera, ako ay nasa kanan. Katapat ni Bryan anga sawa ko, salamtalang katapat namin ng mga bata sina Lia at Leo. Tahimik ang buong hapag habang kumakain, pati yata ang mga bata ay nararamdaman ang tension.

"Mama, pupunta ba tayo sa café bukas? Tutulong kami, ha," tanong ni Aura. Nilingon ko siya.

"Oo, anak. Kaylangang naroroon tayo bukas." Tumingin ako kina Leo. "Pumunta rin kayo. Alam ko ay nakapunta na kayo doon, 'di ba?"

"Sige, anong oras ba?" tanong ni Leo.

"Etchosera si Bakla. Nagtatanong ng oras pero late pa rin darating," pang-aasar ni Lia.

"Hoy, Amelia! Hindi porke may asawa ka na hindi kita papatulan, ha!" Pinanood ko silang magbangayan. Tulad pa rin ng dati, wala silang pinagbago.

"Mga seven am pumunta na kayo." Tumango sila. "Mga anak, matutulog ng maaga, ha. Saka matutulog bago mag-bike."

Umatungal ng pagtanggi ang mga bata dahil sa sinabi kong matutulog.

"Mama . . . ibre-braid ni tito Leo 'yung hair ko!" reklamo ni Aura.

"Maglalaro pa kami nila Papa," ani Aris.

Umiling ako sa kanila. "Hindi matutulog kayong tatlo, tingnan niyo si Jaime matutulog 'yan," ani ko.

Sunod-sunod na tumango ang bata. Ngumiti ako sa kanya. Ganito talaga ang sina Aura at Aris, ayaw matutulog sa tanghali o hapon dahil gusto lang maglaro. Tinapos namin ang pagkain at hinayaan na lang linisin ng asawa ni Anton ang pinagkainan namin.

Dinala ko sa kwarto namin ni Jake ang mga bata. Binuksan ko ang AC at pinahiga na sila. Mabilis lang nakatulog ang kambal dahil nadala rin sa kanta ko pero si Jaime ay gising na gising pa rin.

"Hindi ka pa inaantok, Jaime?" mahina kong tanong.

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at tumango. Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang buhok niya.

"Hikab na ka nang hikan, anak," ani ko.

Yumakap siya sa 'kin na ginantihan ko naman. Humalik ako sa noo niya at marahan siyang hinele.

"Mama Alex, thank you po," anito.

"Hmm? Saan?"

"Kasi po pinapa-feel mo sa 'kin love mo po talaga ako . . . kasi si Mommy po hindi ako pinagluluto o tumatabi sa 'kin kapag matutulog," malungkot nitong pahayag. Matiim ko siyang tiningnan. Para tuloy hindi lang ama ang wala sa kanya pati na Ina. Bakit pinapabayaan ni Katherine ang angel na 'to?

"Wag kang mag-alala, Jaime. Palagi mong madadama yung pagmamahal ko," pangako ko sa bata at mariin siyang hinalikan sa ulo. May narinig akong binulong niya pero hindi ko maintindihan.

Nang masigurado kong tulog na silang tatlo ay dahan-dahan akong lumabas ng kwarto saka bumaba. Nasa sala ang apat at seryosong nag-uusap. Lumapit ako at tumabi kay Lia.

"Tulog na sila?" tanong ni Jake.

"Oo." Ngumiti ako kay Lia.

"Saan ka nagpunta, Alex? Bakit hindi namin nakita noon?" nagtatakang tanong ni Bryan. Nilingon ko siya.

"Nasa Bulacan ako kasama si Abby. Ibang pangalan ang ginamit ko para walang maka-trace sa 'kin, we lived like a normal people," sagot ko.

"Abby Bonifacio?" tanong ni Leo. Tinanguan ko siya.

"Yes, sumama siya sa 'kin noon. As of now sa condo unit ko siya nakatira. Inuupahan niya lang dahil sa Baguio niya balak mag-stay for good." Kumunot ang noo ko ng makitang nagbago ang hitsura nito. "Kilala mo si Abby?"

"Hindi ko sure . . . aalis na muna ako. May pupuntahan lang ako," mahina ngunit may pagmamadali niyang ani. Pinanood namin siyang umalis. Anong nangyari do'n?

"Anong meron? Akala ko ba free na ang schedule no'n!" harap ni Lia kay Bryan.

"I did. Hindi ko alam kung saan siya pupunta," sagot ni Bryan na nakatinngin kay Jake. "Huwag na huwag mo na ulit sasaktan si Alex, Jake, kundi papatayin na talaga kita," banta nito sa lalaki bago tumayo at umalis.

Nanlaki ang mga mata ko. Lumingon sa nilabasan nito. Tiningnan ko si Lia.

"Don't tell me aalis ka rin?"

Inirapan niya ko saka umayos ng upo. "Like duh! Hindi ako eat and run, noh. I really want to talk to you alone." Mariin ang pagkakasabi nito no'n habang nakatingin kay Jake.

Tinaas ni Jake ang dalawang kamay sa ere, "okay, fine. Wife, sa kwarto lang ako." Umalis si Jake at binigyan kami ng privacy.

"Anong gusto mong pag-usapan?" ani ko.

"How are you?"

Napangiti ako, nagkibitbalikat. "I don't know."

"Care to share?"

Tumango ako at ikinuwento sa kanyalahat ng nangyari sa loob ng anim na taong wala ako. 

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

7.6K 229 66
Mika Ella Fuentebella had already planned on resigning from L&T company, because she wanted to enjoy her life that she missed out on those years, bec...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
37.9K 1.2K 62
She survived because the fire inside her burned brighter than the fire around her. Now that she's back on her feet, something isn't right.. She's not...
64.9K 1K 38
"Kahit ilang beses mo pa akong tinanggihan at tatanggihan. Hindi ako titigil because I really like you." Mikee is a working student. For her, she doe...