Between The Lines

Bởi Mixcsjam

317K 11.7K 2.5K

At a very young age, Gino Romualdez suffered from a heart disease which caused him to be very careful for his... Xem Thêm

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty - One
Chapter Twenty - Two
Chapter Twenty - Three
Chapter Twenty - Four
Chapter Twenty - Five
Chapter Twenty - Six
Chapter Twenty - Seven
Chapter Twenty - Eight
Chapter Twenty - Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty - One
Chapter Thirty - Two
Chapter Thirty - Three
Chapter Thirty - Four
Chapter Thirty - Five
Chapter Thirty - Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thiry - Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three

Chapter Forty-One

2.2K 89 123
Bởi Mixcsjam


Chapter Forty-One:


Busan, South Korea


Tatlong taon na ang nakalipas simula nang malaman ko ang tungkol sa sakit ko. Dalawang taon naman simula ng umalis kami ng Pilipinas. Maraming nangyari bago kami umalis. Masyadong mabilis ang panahon at naging mahirap para sa amin ang magsimula ulit . . . lalo na kay Ate.


Isang taon na kami dito sa Korea at pakiramdam ko ay mas magtatagal kami dito, hindi kagaya noong nasa US pa kami na saktong isang taon lang.


Pumikit ako at huminga ng malalim, ramdam na ramdam ko 'yung malamig na hangin na tumatama sa balat ko.


Mabilis akong bumaba ng apartment nang makita ko ang gagong boyfriend ni Ate na si Jackie Chan. Pagkatapos niyang sabihan ng masasakit na salita si Ate, pupunta siya dito?!


Hindi ko mapigilan ang galit ko. Kahit kailan hindi ko sinaktan ng ganoon si Ate at lalong lalo na't hindi ko gusto kapag nakikita ko siyang umiiyak.


Mabibigat ang paghinga ko at nakakuyom ang kamao ko. Daretso siyang nakatingin sa akin habang naglalakad ako papalapit sa kanya. Hindi siya nag-iisa. May kasama siyang mga lalaking naka-amerikana.


Hindi ko sila pinansin at mabilis na sinuntok si gago sa pisngi niya. Napangiwi ako sa sakit ng kamao ko. Napalingon siya sa gilid niya pero nanatili siyang nakatayo sa pwesto niya na parang wala lang yung ginawa ko.


Nanlaki naman ang mga mata ko ng mas mabilis pa sa pagkurap ko ang pagtutok sa akin ng baril ng mga kasama niyang lalaki.


Anak ng?!


Napangisi ako at umiling. So, tama nga ang nasa isip ko? Siya yung leader ng sinasabi nila Sam na gang? Mythical 5?


Nakaramdam ako ng kaba pero mas nangibabaw ang galit ko. "Akala ko ba hindi mo sasaktan si Ate?" May bakas ng nginig sa boses ko.


Tinaas niya ang kamay niya na parang pinipigilan ang mga kasama niya. Mabilis nilang binaba ang baril saka muling tumindig ng tayo. Huminga siya ng malalim atsaka dahan-dahan akong tinignan.


Akala niya ba matatakot niya ako?


"This is the only way." Malamig ang boses niya pero kita ko sa mga mata niya na hindi niya gusto ang nangyayari.


Alam ko na sinadya niyang gawin 'to para hindi kami mapahamak ni Ate. Narealized ko lahat ng mag kwento si Sam tungkol sa mga gang na 'yan. Alam kong hindi magiging madali para kay Ate lahat.


"Duwag ka! Maraming paraan pero mas pinili mo yung masasaktan siya! Alam mong ayaw na ayaw kong nakikitang nasasaktan si Ate." Nanatili siyang nakatingin sa akin. Umiling ako, "If this is how you want it to be then be it. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakalapit sa kanya." Tinalikuran ko siya at akmang papasok na sa loob ng bigla siyang nagsalita.


"I only want you to be safe and as long as your sister is with me, you're life is at risk."


Napangisi ako at nilingon siya, "Alam kong mahal mo si Ate pero tandaan mo 'to, sa oras na maging maayos ang lahat wag mong asahang babalik pa siya sayo. Sa ginawa mo ngayon, binuksan mo yung pinto na magiging daan para makahanap siya ng iba. Naiintindihan ko na nahihirapan ka pero kung alam mo naman pala na umpisa pa lang hindi na magiging maganda kapag napalapit si Ate sayo, sana hindi ka na lang nagpumilit na pumasok sa buhay niya."


Nakita ko ang pagbabago ng malamig niyang tingin. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Kitang-kita ko naman kung gaano niya kamahal si Ate pero ayokong isugal yung kaligtasan naming dalawa.


Nagpakawala ako ng malalim na paghinga, "Uulitin ko, maraming paraan. You can be honest with her and tell her everything. . . mas maigi na yung maiintindihan niya kahit mahirap at delikado kaysa ngayon na paulit-ulit niyang iniisip yung halaga niya bilang tao."


Sinulyapan ko yung unit namin, nakapatay na ang mga ilaw nito.


"Alam kong pagsisisihan mong lahat 'to. Magpakalunod ka na lang sa sakit at panghihinayang sa oras na makita mong masaya na siya at hindi ka na niya kailangan. Panuorin mo ang resulta ng desisyon mo, unti-unti mong panuorin kung paano siya mawawala sayo."


Muli ko siyang nilingon, alam kong nakikita niya ang galit sa mga mata ko.


"Umalis ka na. Ayokong makitang umiiyak at umaasa na naman si Ate kapag nalaman niyang nandito ka."


"Yah! Oppa! Gogiro gaja!" (Let's go!)


Huminga ako ng malalim atsaka tinignan si Dea na ngayon ay nakanguso at nakahawak sa braso ko. Kapatid siya ni Kuya DJ ngunit dito na siya lumaki at tumira sa Korea kaya hindi siya ganoon kasanay magsalita ng tagalog pero sa pagkakaalam ko ay kahit papaano ay nakakaintindi siya nito. Hindi ko mapigilang mapangiti,


"Where?"


Nandito kami ngayon sa Yondusan Park, day off kasi ni Ate sa part-time job niya kaya lumabas muna kami para makapagliwaliw man lang. Sinulyapan ko sila ni Kuya DJ na naka-upo sa bench habang nagkukwentuhan.


Napangisi ako at marahang umiling, tinuro niya ulit yung Busan tower. Ilang beses na ba kaming nakapunta diyan?


"Gogil wonhae?" (You want to go there?)


Tumango siya ang ngumiti, "Geurae. Oso!" (Yes. Come on!)


"Urineun gogie duo bon ga bon jogi ittta." (We've been there a couple of times.) Sabi ko habang nakatingin sa tower.


Ngumiwi siya at umiling. Pinatong niya ang baba niya sa may balikat ko atsaka nagpa-cute.


"Please? I want to go again with you."


I chuckled. Hindi talaga ako mananalo kapag ganito na ang inasta niya. Hay! Mga babae nga naman.


"Alright. As you wish."


Nakita ko 'yung pagkislap ng mga mata niya. Napa-iling na lang ako atsaka napakagat sa labi ko. Kahit kabisado ko na 'yung pasikot sikot ng tower hindi pa rin ako makatanggi kapag si Dea na ang nag-aaya.


"Yay! Nega gojolhaji aneul goraneun gol ara." (I know you won't say no.) Bakas sa mukha niya ang excitement.


"Jongmal?" (Really?)


Tumango siya saka mas lalong niyakap ang braso ko, "Dangsini nareul saranghagi ttaemune." (Because you love me.) Kinindatan niya ako saka ako hinila papunta kila Ate.


I was caught off-guard. Napakagat na lang ako sa labi ko atsaka napa-iling. Niyaya namin sila Ate para pumunta ng Busan Tower at alam kong kahit na naka-ilang bisita na rin sila doon ay kapag si Dea ang nag-aya, wala kaming magagawa dahil hindi 'to titigil hangga't hindi niya nagagawa ang gusto niya.


I find it cute though.


"Yah! Gino! Oppa! Sajin han jang jjikjja!" (Let's take a picture.) Hinila niya ako sa malapit sa glass wall ng tower.


"Again?" Natatawa kong tanong.


Masaya siyang tumango saka tumingin sa pwesto nila Ate. "Onni!" Napalingon sila ate sa kanya, lumapit sila sa pwesto namin at mukhang nakuha na agad nila yung gustong sabihin ni Dea.


"Sajineul nomu mani jjigotkkuna. Bolsso chon bon watjjana!" Saway ni Kuya DJ saka umakbay kay Ate. (You've been taking too much pictures. We've been here for a thousand times already!)


Agad naman siyang siniko ni Ate saka ngumiti kay Dea, "Oppaneun singyong sseuji ma. Sajin jjigeuro gaja!" (Don't mind your brother. Let's go take pictures!) Lumapit si Ate kay Dea habang hila hila si Kuya DJ.


"Baka naman makapalag pa ako?" Natatawang sabi ni Kuya DJ, tinaasan naman siya ng kilay ni Ate.


Malaki ang ngiti ni Dea habang mahigpit ang kapit sa mga braso ko. Siya ang may hawak ng camera kaya siya ang nasa unahan habang katabi ako at nasa likod ko naman sila Ate.


"Hana. Dul. Set. Chijeu!" (One. Two. Three. Cheese!)


Ngumiti ako habang nakatingin sa camera.


Aaminin ko masaya ako ngayon. Masaya ako sa buhay namin ngayon. Tahimik at malayo sa gulo at kung papipiliin man ako kung uuwi pa kami sa Pilipinas, mas gusto kong hindi na. Ngayon ko na lang ulit nakita si Ate na masaya at ayokong maranasan niya ulit yung mga naranasan niya noon.


Napatingin ako kay Ate na masayang nakikipag biruan kay Kuya DJ. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ibang-iba siya ngayon, hindi tulad ng bago kami umalis ng Pilipinas. Ang akala nga namin hindi na siya babalik sa dati,


Nandito kami ngayon sa Hospital, sinundo kasi agad kami ni Kuya Vince sa bahay at nasa hospital nga daw sila Ate. Abot abot ang kaba sa dibdib ko ng sabihin nila 'yon. Kahit alam kong ma-ingat sila dahil sa sakit ko hindi ko pa rin maiwasang hindi matakot.


Ano na naman kayang nangyari?


Nasaktan kaya si Ate?


Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala siyang kahit anong galos. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya saka malungkot na ngumiti,


"Delikado nga, ate. Sorry at kailangan mong maranasan lahat ng 'to." Huminga ako ng malalim at kasabay nito ang pagbukas ng pinto. Isa-isang pumasok sila Kuya Shark, bakas ang pag-aalala sa mga mata nila.


Mabilis akong nilapitan ni Ate Ella at niyakap.


"Everything's going to be okay." Bulong niya habang marahang hinihimas ang likod ko. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita.


Lumipas ang ilang oras na naka-upo lang kami ni Vanilla sa may sofa malapit sa pwesto ni Ate. Habang busy sila Kuya Jacob mag-asikaso ng kung ano-ano, marami ding mga lalaking naka-ameriikana ang nakabantay sa amin.


Nilingon ko si Duwends na tahimik na nakatingin sa akin.


"Okay ka lang, Labs?" Mahinahon siyang ngumiti sa akin. Hindi dapat siya nandito, baka madamay lang din siya sa gulo.


Tumango ako, "Hindi ka ba natatakot sa mga nakikita at nalalaman mo?"


Mabilis siyang umiling, "May tiwala naman ako kila Kuya Nathan. Mas nakakatakot yung hindi mo na ko lab. Hehe." Nag peace sign siya saka ngumuso sa akin.


Baliw talaga.


"Ikaw talaga. Siguro ako lang laman niyang utak mo no?" Natatawa kong tanong.


"Luuuh. Feeler ka naman. Selfish ka? Gusto mo ikaw lang?" Inismiran niya ako saka umiling. Hindi ko mapigilang matawa lalo sa inasta niya.


Napagdesisyunan kong hanapin si Kuya DJ ng mapansin kong hindi siya kasama nila Kuya Vince. Nasaan naman kaya siya? Ang alam ko kasama siya ni Ate bago mangyari lahat ng 'to.


Habang naglalakad ako sa hallway hindi ko mapigilang hindi mapansin ang isang bukas na kwarto. Hindi 'to kalayuan sa kwarto ni ate. May konting awang yung pinto kaya kita ko ng kaunti yung mga tao sa loob.


Napataas ang kilay ko ng makita ko si Ate Christine at Kuya DJ, kausap nila yung pasyente pero natatakpan nila kaya hindi ko masyadong makita.


Hindi naman ako chismoso pero parang pakiramdam ko ay dapat kong makita kung sino yung pasyente.


Kaibigan din kaya nila? Sino naman?


Lumapit ako ng kaunti para sumilip. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Jackie Chan na naka-upo habang may benta sa may tagiliran.


Anong nangyari sa kanya?


Napapapikit siya sa kirot kada gumagalaw siya at hawak ang tagiliran niya. Hindi ko masyadong marinig ang mga sinasabi nila pero alam kong galit si Kuya DJ at Ate Christine kay Jackie Chan.


Nagkibit-balikat na lang ako at umalis. Kung ano man ang nangyari ay hindi ko na dapat alamin pa. Mas delikado kasi yung madami akong nalalaman at ayokong may mapahamak sa mga nakikita ko.


Masyadong mabilis ang mga pangyayari ng magising si Ate. Naramdaman ko na lang ang paghigpit ng hawak ni Vanilla sa braso ko ng marinig namin ang balak na pagpunta sa Korea.


Hindi ako handa nang mga oras na 'yon.


Nahirapan akong huminga dahil pakiramdam ko ay masyadong nagiging mapait ang tadhana sa amin. Na kailangan namin umalis sa lugar kung saan kami masaya at komportable para lang makaiwas sa gulo . . .


Dahil nakikita ko na si Ate naman ang nahihirapan huminga dito.


Alam ko na kapag tumutol ako ay hindi na papayag si Ate na sumama papuntang Korea dahil para kay Ate mas mahalaga ako at mas uunahin niya ang gusto ko.


"Labs," Pabulong na tawag ni Duwends.


Ayaw niya rin, alam ko 'yon. Ngunit hindi ito ang oras para mag matigas pa ako. Kailangan si Ate naman ang unahin ko.


"Gino?" Para akong nagising ng marinig ang boses ni Dea.


Napakurap-kurap ako atsaka siya nilingon. Mataman niya akong tinignan atsaka ngumiti, "Non bindunggorigo ittta." (You're spacing out.)


Nakatayo kami dito sa loob ng observatory, mula dito ay kita mo halos lahat ng buildings. Maganda ang view dito lalo na kapag gabi.


"Am I?" Natatawa kong tanong. Gaano katagal akong nakatulala?


Tumango siya, "What were you thinking?"


Umiling na lang ako at huminga ng malalim saka tinignan ang mga building.


Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya, "Jibi geurimni?" (Do you miss your home?) Napatingin ulit ako sa kanya, nakatingin din siya sa akin at nakangiti. "I have never been in the Philippines. What does it feels like living there?"


Napangiti ako at nagkibit-balikat. "Nothing much. Everything's different there from here. You should see it for yourself."


Tumango siya, "Is it like a good different or a bad different?" May bakas ng excitement sa tono niya.


"A good different."


"Jongmal?" (Really?) "I have always wanted to go there but Oppa wants me to finish school here first." Napangiti ako ng sumimangot siya. "Pilripineso gajang bogo sipeun goseun?" (What do you miss the most in the Philippines?)


"Uri jip naemsae." (The smell of my home.)


Nagtataka siyang tumingin sa akin. Akala niya siguro nagbibiro ako?


"Jibiyo?" Natatawa niyang tanong na para bang hindi siya makapaniwala. Tumango ako atsaka tumingin sa labas. "I'm curious though. What is the smell of your home?"


Napangisi ako atsaka huminga ng malalim.


"Vanilla."

--

Hindi ko prinoof read so expect for wrong spellings and grammatical errors.

xoxo

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...