Subside Everything (SB19)

By LanehLarry

952 49 0

A SB19 FanFiction wherein; Stell, the owner of the house together with Josh and Ken, the supermodels let Seju... More

Subside Everything
GITZ, BREAK! #1
GITZ, BREAK! #2
GITZ, BREAK! #3
GITZ, BREAK! #4
GITZ, BREAK! #5
GITZ, BREAK! #6
GITZ, BREAK! #7
GITZ, BREAK! #8
GITZ, BREAK! #9
GITZ, BREAK! #10
GITZ, BREAK! #11
GITZ, BREAK! #12
GITZ, BREAK! #13
GITZ, BREAK! #14
GITZ, BREAK! #15
GITZ, BREAK! #16
GITZ, BREAK! #17
GITZ, BREAK! #18
GITZ, BREAK! #19
GITZ, BREAK! #20
GITZ, BREAK! #21
GITZ, BREAK! #22
GITZ, BREAK! #23
GITZ, BREAK! #24
GITZ, BREAK! #25
GITZ, BREAK! #26
GITZ, BREAK! #27
GITZ, BREAK! #28
GITZ, BREAK! #29
GITZ, BREAK! #30
Epilogue
SB19
PSICOM APP

Prologue

75 4 0
By LanehLarry

At kung nasabi ko ang lahat noon, may magbabago ba?

Hi, I'm the youngest member of SB19. My name is Justin.

---

Isang araw na naman na puro pagtatago na lang ang ginagawa ko. Nakakapagod naman, gusto ko nang sabihin lahat. Gusto kong malaman n'ya na iba na ang nararamdaman ko.

Pilit kong nilalamukos lahat sa isip ko ang itsura n'ya simula paggising hanggang sa pagtulog. Ni panaginip ko nga, naroon s'ya.

"Sejun! Hotdog man!" Narinig ko si Josh na kumakatok sa kabilang kwarto.

Ilang segundo pa ay narinig kong bumukas ang pintuan at iniluwa ang humihikab-hikab na si Sejun.

"Maka-hotdog man!" Inambahan nito ng suntok si Josh. Tawa lang ang naisukli ni Josh at naunang maglakad.

Napangiti pa ako ng palihim nang makita ang mukha ni Sejun. Ilang linggo matapos s'yang umiyak sa harapan ko.

Papunta na sila sa hapag para kumain ng agahan.

Mula sa pagkakahiga, umupo ako sa kama at muling natulala sa sahig na tiles. Narinig ko ang tinig ni Stell.

"Good moooorning, yuuuuh!" Pakantang sabi n'ya. Dinaanan n'ya ang kwarto kong nasa dulo bago bumalik sa hagdanan para bumaba.

Ayan! Ayan ang pampagising n'ya sa aming dalawa ni Ken.

Patagalan yata kaming dalawa sa kama pero alam kong s'ya na ang mananalo. Umaabot pa s'ya ng alas dos sa kama nang walang kain. Dahil na rin sa pagod ng trabaho namin.

Tuluyan na akong tumayo at pumunta sa harapan ng aparador para pagmasdan ang sarili.

"Gising, de Dios. Gising."

Bumuntong hininga ako bago ayusin ang buhok. Pinagmasdan ko ang sarili.

"Gan'yan itsura mo tapos haharap ka kay Ken?" tanong ko sa sarili.

Hindi ko makalma ang sarili ko. Kagabi ko pa s'ya iniisip.

"HOY! SUSON! GISING NA! Wala ng fried chicken!" Narinig ko ulit si Josh habang kinakalampag ang pintuan nito.

Hinawakan ko ang busol at huminga ng malalim. Nasa tapat ko lang ang kwarto ni Ken kaya si Josh ang unang makikita ko.

Pinihit ko ito at hindi na nagulat sa ayos n'ya. Boxer shorts at black sando.

"Oh? Gising ka na pala," puna n'ya.

"Good morning!" Nakangiting bati ko nang lumingon s'ya sa akin.

"Sige na, bumaba ka na roon. Gisingin ko lang si Ken...Ken! Gising na!" Itinuloy n'ya ang pagkalampag sa pinto.

"Uhmm, Josh..."

"Oh?" Pumihit ang ulo n'ya upang bigyan ang ng tingin. Agad namang umatras ang plano ko sa utak. Umiling ako, "Sige na. Gisingin mo na 'yan."

Tinanguan lang n'ya ako kaya bumaba na ako.

"Naks! Nauna si Jah! Tara, kain na!" si Sejun habang hawak ang tinidor na tusok ang dalawang hotdog.

Tinungo ko ang lababo para maghilamos at magsipilyo.

"Ano, Josh? Hindi pa rin gising?" tanong ni Stell nang pababa si Josh mula sa hagdan.

"Wala, bro. Ang lalim ng tulog. Lock pa 'yung pinto," sagot n'ya.

"Sus, edi ubusan natin ng chicken." Ngumunguyang sabat ni Sejun.

Ipinagpag ko ang kamay ko para matuyo bago bumalik sa mesa.

"Bakit ba kasi late na kayo natulog?" tanong ni Josh.

"Ha?! Kami?" Itinuro ko ang sarili dahil nakatingin silang lahat sa'kin.

Hindi sila sumagot.

"Nauna akong pumasok sa kwarto, ah!" buwelta ko.

"Ahh."

Napapahiya akong nangiti bago ko napansin si Stell na nakatitig sa hagdan. Ininguso n'ya si Ken na pababa.

Napakamot s'ya sa ulo, "Sorry."

Nagpatuloy s'ya sa paglakad at tumabi kay Josh na kaharap ko. Katabi naman ni Stell si Sejun na panay ang kuha ng hotdog at parang mauubusan.

Tinapik ni Josh ang kamay ni Sejun.

"Magtira ka nga, may kakain pa, oh!" Itinuro n'ya kaming dalawa ni Ken. Nanatili akong tahimik.

Tag-iisang sandok kami ng kanin, tig-dalawang hotdog at isang pirasong paa ng manok.

Kumain na kami at puro nguya lang ni Sejun ang naririnig ko.  Sa kalagitnaan ng pagkain, may tumunog na cellphone. Napakunot pa ang noo ko at inalala kung may trabaho ba si Ken.

"Jah," sabay-sabay na sambiy nila.

Nakabusangot, inabot ko ang cellphone na nakalagay sa countertop. Naiwan ko kagabi.

Kuya calling...

"Kuya," sagot ko sabay lunok ng kanin.

[Magkakasama pa ba kayo?]

"Oo, hanggang bukas na nga lang. May pupuntahan kaming event sa makalawa."

[Ayun, sakto. May kailangan ka ba?]

"Bakit? Wala na akong damit."

[Padadalhan kita, tanggapin mo na lang mamaya.]

"Oo, sige sige. Abangan ko mamaya."

[Sige, ingat kayo d'yan.]

"Salamat, Kuya." At ibinaba na n'ya ang linya.

Bumalik ulit ako sa hapag.

"Ano sabi?" Usisa ni Josh.

"Magpapadala raw ng damit. Mukha raw nauubusan na ako ng damit. May event din na pupuntahan si Ken sa makalawa kaya kailangan ng damit..."

"Maglalaba ka?!" Si Sejun na agad namang sinaway ni Stell.

"Ako na ang maglalaba ng damit natin."

"Sows! Pakaharot!" Si Josh.

"Anong maharot do'n?!" sabay na usal nilang dalawa.

Hindi ko na sila pinansin at muling napatingin kay Ken. Hindi ko alam kung ako lang ba nakakaramdam na sa bawat kilos at salita n'ya, nararamdaman ko ang pagiging maingat n'ya.

Pagkatapos kumain, nagpresenta na ako na maghugas. Si Stell naman ang nag-imis. Si Josh at Ken ay nag-uusap sa isang computer game sa sala. Si Sejun ay bumalik sa kwarto.

"Sabihin mo kung may kailangan ka, ah?" Si Stell sabay bigay sa akin ng mga plato.

"Hindi na. Sige na, ako na rito. Magwalis ka na lang muna," sagot ko sabay talikod.

Iniayos ko ang hugasin bago tahimik na nagsimula. Malayo ang kusina sa sala kaya kalansing lang ng kubyertos ang naririnig ko.

"Stell!" sigaw ni Sejun habang kumakaripas ng takbo pababa.

Si Stell naman ay nasa mesa pa rin.

"Ano?"

"Alis tayo mamaya. May gusto akong bilhin," aya n'ya.

"'Di mo sila isasama?" tanong ni Stell.

"Hindi na. Tayong dalawa na lang. 'Tsaka mabibigat 'yung bibilhin natin." Ramdam ko ang pagkindat ni Sejun dahil tumili s'yang papaakyat.

Natapos akong maghugas at umupo na lang sa mataas na stool sa island counter. Nag-iisip ng ulam ng tanghalian. Ipinatong ko ang siko sa mesa at pumangalumbaba sa kamay. Biglang pumasok si Ken.

"May naiisip ka nang tanghalian?" Malalim ang boses n'ya nang magtanong. May tuwalya sa balikat n'ya.

Napalunok ako at pinilit na tuwid na magsalita, "Wala pa nga, eh. Ikaw? Anong gusto mong ulam?"

Natawa ako sa sariling tanong! Alam ko na ang isasagot n'ya at napaismir na lang ako nang bigla s'yang ngumisi.

"Tinolang manok," sagot n'ya habang ginugulo ang buhok.

Napalunok na naman ako sa ginawa n'ya. Nag-iwas ako ng tingin.

"Puro na lang manok?" Mataray na tanong ko.

"Ikaw bahala. Ikaw naman ang magluluto, eh. Kaya mo ba?"

"Walang choice. Pag-aaralan ko."

Hindi na n'ya ako sinagot dahil pumasok na s'ya sa CR para makaligo.

Tinignan ko na lang ang laman ng ref na nasa tabi ko. Nilaga. Nilagang baboy lang p'wedeng lutuin. Inipon ko lahat bago ako magsimulang magluto muli. Umakyat na si Josh. Kaaalis lang nina Sejun at Stell.

"Jah," malalim na boses na tawag nito.

"Ano?" Binitawan ko ang kutsilyo at dinungaw s'ya sa banyo.

Nanlaki ang mata ko nang lumabas s'yang nakatuwalya ang bewang. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok pababa sa dibdib n'ya.

"....Jah?"

Nailang ako bigla.

"A-ano?"

Binaliwala n'ya ang pagkatulala ko.

"'Ka ko anong niluluto mo?"

"Ahh...Nilaga. Nilaga lang 'yung pwedeng lutuin, eh." Pinilit ko ang sariling hindi mautal.

"Eh, umalis sila? Tayo lang dalawa ang kakain n'yan."

"Huh? Bakit? Gutom ka na ba?"

Umiling s'ya at tinalikuran na ako, "Mamaya na lang."

Kusang bumaba ang balikat ko sa sagot n'ya.

Pinatay ko na ang apoy ng kalan nang maluto ang nilaga. Hindi ako umaakyat sa kwarto dahil inaabangan ko ang katok ng Kuya ko.

Natulala ako. Pinipilit alisin ang iniisip ko. Pero hindi nakatulong dahil puro s'ya ang laman nito.

"Jah," maliit na boses ni Ken ang bumungad nang makatungtong s'ya sa harapan ko.

Hindi ko s'ya inangatan ng ulo.

"Galit ka ba sa akin?" Hindi s'ya kumilos para umupo sa harapan ko.

Hindi ako nakasagot.

"May problema ba?" tanong n'ya muli.

"Justin, lingunin mo ako."

Napilitan akong tignan s'ya sa mata at tanging tanong lang ang nakikita ko rito. Hindi ba n'ya nararamdaman?

"Wala, okay lang ako," sagot ko sabay balik sa yuko.

"Pagod ka ba?"

"Nakapagpahinga naman ako ng maayos," agad na sagot ko.

"Hindi ka gan'yan."

"'Wag ka nang mamilit, Ken. Ayos lang ako," pagpipilit ko sa kan'ya.

"Kung wala kang problema...may iniisip ka? Ano 'yan?" tanong n'ya ulit.

Napanguso ako sa inaasal n'ya ngayon.

"Wala nga," pamimilit ko ulit.

Napapikit ako para pigilan ang sariling magsalita pero walang hiya dahil hindi ko nakayanan at nagpatalo na lang.

"Sabihin mo na. Hindi kasi ako sanay na gan'yan ka---"

"Gusto kita," mahinang bulong ko na nagpatigil sa kan'ya.

"Ano?" takang tanong n'ya.

Bago pa man ako magsalita, biglang may kumatok. Umangat ang tingin ko sa kan'ya bago pa man ako tumayo at lagpasan s'ya.

Nasa sala na ako nang hindi na nasundan ang katok. Hindi naman ganito si Kuya, ah?

Inabot ko ang doorknob at ipinihit. Binuksan ko ito at walang bumungad sa akin na tao kundi...ingit ng baby?

Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa akin ang sanggol na nasa loob ng basket. Gising s'ya at hindi umiiyak. Malikot lang pero sapat na para makagalaw s'ya sa pinaglalagyan.

"May bata?!"

Napaigtad ako sa sigaw ni Ken sa tenga ko. Tuluyan kong binuksan ang pinto at si Ken ang tumugon sa batang nasa sahig.

"B-bakit may bata?" tanong ko sa kawalan.

"Shhh," pagpapatahan n'ya sa bata.

Nanatiling nakapako ang tingin ko sa karga-karga n'yang bata.  Isinayaw n'ya ito hanggang sa manahimik dahil bigla s'yang pumalahaw sa biglaang sigaw ni Ken at ang pagkarga nito.

"B-baka hindi sa atin 'yan! Ken! Ibaba mo!natatakot sa'yo 'yung bata!"

Pero hindi ako nakatanggap ng sagot. Hinehele n'ya lang ang bata at pinanlakihan pa ako ng mata.

Kinuha ko ang basket na pinanggalingan ng bata. Nang may makita akong papel na nakaipit sa lampin nito, kinuha ko.

'Please...keep the baby. September 9, 2017.'

Tuluyan nang nalaglag ang panga ko at nagpalipat-lipat ang tingin sa papel, sa basket, kay Ken at sa baby.

Continue Reading

You'll Also Like

49.1K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
80K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
343K 8.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]