Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 16

1.3K 47 13
By Levelion

Kabanata 16
Lyrics


Hindi mapawi ang ngiti ko hanggang ngayon. Tahimik na nagmamaneho si Code habang hinahalik-halikan niya ang kamay kong nakasalikop sa kamay niya.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay parang hindi pa rin ako nakakaahon sa mainit na eksenang pinagsaluhan naming dalawa, sa loob pa nitong bagong sasakyan niya. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang init ng katawan ni Code sa buo kong sistema. His warmth is like an ecstasy, lingering inside of me.

Mabibilang lang sa daliri ang mga nakaparadang sasakyan dito sa basement parking ng building kung nasaan ang dorm ko. Marami pang pwedeng pagparadahan ang sasakyan ni Code, pero pinili niyang ipark ang kanyang hummer sa gitna ng pula at puting sedan. Siguro upang hindi kami gaanong mahagip ng cctv na naroon sa gilid. 

Agad akong bumaba sa kotse ni Code habang may kinakalikot siya sa compartment.

"Wag ka ng bumaba." bilin ko pa sa kanya dahil nangangamba ako na makilala siya sa cctv.

Binuksan ko ang pinto sa backseat upang kuhanin ang bag at gitara ko ngunit sa pagkabigla ko ay binuksan din ni Code ang salungat na pinto at inunahan pa akong kunin ang gitara ko, kaya iyong bag ko lang ang nakuha ko.

"Sabi ko sa iyo, wag ka na lumabas. Ang kulit mo, Nicodemus." naiinis kong sabi.

"Suot ko naman ang disguise ko. Wala ng makakakilala sa akin, Persis." aniya. "At saka, gusto kong makita ang dorm mo." dagdag niya pa.

He's wearing black new york yankees, baseball cap and plain black facemask. His usual disguise.

Pero sa panahon ngayon, masyado ng matatalino ang mga fans, magaling na silang mangilatis. Kahit nakatakip yata ang mukha ng idolo nila ay kaya ka na nilang makilala sa pamamagitan ng pag-oobserba nila sa galaw ng mga ito, minsan ay sa figures o kaya ay sa mga accessories na sinusuot ng mga idols nila at sa hikaw pa lang na krus ni Code na parati niyang  suot at naging trademark na rin niya, siguradong mabubuko agad siya ng fans. Iyon ay kung kakalat ang cctv footage na ito.

Napapailing na lang ako at napabuntong hininga nang tignan ko si Code.

Nag-angat naman siya ng kanyang balikat. "What?" tanong niya pa.

I rolled my eyes and turned around before I started walking. "Ang tigas kasi ng ulo mo, Nicodemus."

He laughed mockingly. "Who wouldn't get a hard on if I'm with someone like you?"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at nilingon siya habang pinandidilatan ng mga mata.

"Bastos!" bulalas ko pa.

Nakita ko sa mga mata ni Code na nginitian niya ako.

Sa sobrang tahimik ng building ay umaalingawngaw ang bawat yabag namin ni Code sa puting tiles ng makitid at mahabang hallway, kung saan nasa dulo 'non ang elevator.

Pagpasok namin ni Code sa elevator ay sumandal siya roon sa kaliwang gilid at humalukipkip. Pinindot ko naman ang 5th floor button, bago ako sumandal sa opposite side ni Code at pinasadahan siya ng tingin na tahimik na nakatingala at pinagmamasdan ang floor numbers.

Bumaba pa nga ang tingin ko sa dala niyang plastic na may lamang mga natira naming pagkain kanina.

"Bakit dinala mo pa iyan? Sana iniwan mo na lang sa sasakyan. Hindi ka pa kumakain, diba?" sabi ko.

Bumaba naman ang tingin ni Code sa plastic na hawak at saka siya nag angat ng tingin sa akin.
"It's your favorite. Kulang pa nga sa iyo ang mga ito at saka busog naman na ako sa iyo."

"Ano?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sabi ko busog naman ako."

Tinaasan ko siya ng isang kilay at saka humalukipkip. "Busog? Hindi nga kita nakitang kumain simula pa sa bar ni ate Alyanna."

"I ate. You just didn't notice because you're enjoying my service."

Sinamaan ko ng tingin si Code nang maunawaan ko ang sinasabi niya at akmang hahampasin ko siya nang bumukas ang elevator. We're already at the fifth floor.

Tatlong pintuan ang nilampasan namin hanggang sa makarating kami sa tapat ng dorm room ko. Ito ang pinakadulong room dito sa fifth floor, ilang hakbang lang din ay may maliit na balcony sa dulo at iyong hagdan papuntang sixth floor.

"Sige na, Code. Umuwi ka na. Hindi na kita mapapapasok dahil siguradong natutulog na ang mga kasama ko." sabi ko sa kanya.

"Kahit naman hindi sila tulog. Hindi mo pa rin ako papapasukin dahil ayaw mo na makita nila ako." sa tono ng pananalita ni Code ay nahimigan ko roon ang pait.

"At alam mo naman kung bakit, diba?"

Apologetic na tinitigan ko si Code. "Siguro, kung ikaw pa rin iyong simpleng Code na nakilala ko noon, hindi kita itatago, ipagmamalaki kita. Kasi ikaw iyong pangarap kong nagkatotoo. Pero sa sitwasyon natin ngayon, it's impossible to do that."

Malungkot na tinignan ni Code ang pinto ng dorm room ko at saka inabot niya sa akin ang plastic na hawak niya.

Kinuha ko iyon at nabigla ako nang hilain ni Code ang braso ko, hinapit niya ako sa baywang at kinabig at saka ikinulong sa kanyang mga bisig.

"C-Code. May cctv din yata rito."

"Ilang minuto lang, Persis. Hayaan mo akong yakapin ka ng ilang minuto bago ako umuwi. Dahil hindi ako sigurado kung ilang oras na naman ang hihintayin ko para makasama ka ulit."

Hindi ako makagalaw sa yakap ni Code. Hindi dahil mahigpit iyon, kung di dahil nagugustuhan ko iyon at sa kaibuturan ng damdamin ko ay parang ayoko ng kumawala pa sa yakap niya.

"D-Diba sabi mo, magsisimula na ang recording niyo bukas?" tanong ko kay Code habang itinutukod ko ang mga palad ko sa kanyang matipuno at matigas na dibdib at saka marahan ko siyang itinutulak palayo sa akin.

Hindi ko kabisado ang mga tao rito, baka mamaya ay may mga tagarito rin na late na umuuwi at maabutan kami sa ganitong akto.

Mabuti na lang at nakaramdam naman si Code sa gusto kong mangyari at dahan-dahan niya rin akong pinakawalan.

"I can go their after class. Diba, kailangan din naman ako roon? At saka, ipapakita ko na rin kay Mr. Frazer iyong ibang lyrics na nagawa ko." dagdag ko pa.

Nangislap ang mga mata ni Code sa sinabi ko, kanima kasi ay parang unti-unti ng nawawalan ng buhay ang mga iyon.

"Anong oras ang uwi mo bukas? Tawagan mo ako. Susunduin kita." tila nananabik niyang tanong.

"Alas-quatro. Pero may aasikasuhin pa kasi ako kaya ako na lang ang pupunta roon. Tatawag ako sa iyo kapag papunta na ako."

Tumango tango si Code habang nakikita kobsa mga mata niya ang kanyang ngiti.

"So, okay na? Pasok na ako, huh?" paalam ko.

Tinulungan niya akong isukbit sa balikat ko iyong lalagyan ng gitara ko.

"Ingat sa pagdadrive, huh?" bilin ko sa kanya.

"Sandali!" Lumingon ako kay Code at nagtatakang tinignan ko siya.

"May nakalimutan ka." aniya.

"Huh? A-Ano?"

Tinanggal ni Code ang suot niyang facemask at nakangiting naglakad palapit sa akin.

"Code, ibalik mo iyong facemask mo at baka---"

Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang inangat ito at saka banayad na hinalikan niya ako sa labi.

"I love you." paos niyang sabi ng putulin niya ang halik niya sa akin at muling ikinabit ang kanyang facemask. Namulsa rin ulit siya at saka tumalikod at naglakad papunta sa elevator.

Tulalang sinundan ko si Code ng tingin, hanggang sa sumara ang elevator at tuluyan siyang nawala sa paningin ko.

Papasok na ako nang biglang bumukas ang pinto sa dorm ko at lumabas ang isa sa mga dormmate ko na sa una ay halatang nagulat pero nang makabawi ay nginitian ako nito.

"Oh! You are our new dormmate?" tanong nito sa akin sa magiliw na tinig. Her hair is in a messy bun and she's wearing a big pink shirt and a black jogging pants.

Mabuti na lang at nakaalis na si Code nang lumabas ito. Pero baka narinig niya kami kanina?

"O-Oo. May pinuntahan kasi ako kaya ngayon lang nakauwi."

Namilog ang mga mata nito at pinasadahan ako ng tingin. "You speak tagalog?" anito na para bang bakas sa mukha nito ang pagkamangha.

"Oo naman."

"Wow! Mukha ka kasing foreigner. Akala ko, english speaking ka." huminga siya ng malalim. "Akala ko mapapalaban na kami sa englisan." biro niya at saka naglakad ito papunta sa balcony.

Nagsindi ito ng sigarilyo at itinukod ang braso niya sa puting railings.

"Ako nga pala si Wency Constantino. From college of Education, second year." inabot nito sa akin ang kamay niya.

Hilaw na nginitian ko naman siya at lumapit sa kanya upang kamayan siya.

"Persis Buenrostro, arki student, freshman." pakilala ko naman.

"Nice to meet you, Persis."

"Nice to meet you din, Wency."

"Finally, kumpleto na tayo. Last year pa bakante iyong isang kama, eh."

"G-Ganoon. Bakit nga pala, gising ka pa?" tanong ko.

"Katatapos ko lang kasi sa ginawa kong powerpoint. Medyo naistress ako kaya yosi break muna." nakangiting sabi ni Wency bagi niya hinithit ang sigarilyo niya at ibinuga sa ere ang usok nito.

"S-Sige mauna na ako." paalam ko sa kanya.

Tinanguan niya naman ako pero nang akmang papasok na ako ay naalala ko ang natira naming pagkain ni Code kanina.

"Ay, siya nga pala. Baka gusto mo?" itinaas ko ang dala kong plastic. "Ang dami kasi naming natirang pagkain."

"Patulog na rin ako, eh. Pero pagkain iyan kaya hindi na ako tatanggi."

Inabot ko sa kanya ang plastic na agad naman niyang kinuha at sinilip ang laman 'non.

May isang bucket ng fried chicken iyon na halos isang piraso pa lang ang nabawas. May isang spaghetti, dalawang burger at large fries.

"Hala ang dami mo palang uwi. Ilagay na lang natin sa ref iyong iba para initin na lang at maalmusal bukas." sabi pa ni Wency. "Teka nga, sabay na rin tayong pumasok." dagdag niya pa.

Kahit na mahaba pa ang sigarilyo ni Wency ay pinatay na niya iyon at saka itinapon sa trash bin na nasa gilid at pinagbuksan niya ako ng pinto.

Madilim sa loob nang makapasok kami. Natutulog na kasi ang dalawa pa sa dormmate namin, pero binuksan ni Wency ang ilaw sa kitchen at saglit pa kaming nagkwentuhan.

Kinabukasan ay nagising ako sa ibat-ibang alarm ng mga kasamahan ko rito sa dorm. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakita ko na alas-singko palang. Pare-pareho pala ang schedule ng mga ito, ako kasi ay mamaya bang alas-diyes ang unang klase ngayong araw.

Habang nakahiga ako rito sa itaas na kama ay animo mga bubuyog na nag-uusap usap ang mga kasama ko. Ang iba sa mga pinag uusapan nila ay naiintindihan ko.

"Ang ganda niya. Iyong buhok niya parang kulay apoy, tapos iyong mga mata niya parang halong gray na green na hindi ko maintintindihan. Akala ko nga inglesera tapos biglang nagtagalog. Nakakatuwa. Mabait siya, sa katunayan. Sinabi niya na paghati-hatian daw natin iyong dala niyang pagkain kagabi." si Wency iyon.

"Ano iyon?" tanong ng hindi ko pa nakikilalang dormmate.

"Tignan mo na lang sa ref."

"Uy ang sarap nito. Pwede bang akin na lang 'tong spaghetti?"

"Uy, baka gusto niya iyan."

"Initin na lang natin o kaya irecooked natin iyong fried chicken."

"Ako na lang magsasangag, tirahan natin siya."

Napapangiti ako habang naririnig ko ang usapan nila tungkol sa akin. Ngayon lang ulit ako nakarinig ng mga nag-uusap usap tungkol sa akin, pero hindi masasakit o paninira ang naririnig ko.

Eight-thirty nang gumising ako. Wala na ang tatlo kong dormmate kaya tahimik na ang dorm, napangiti pa nga ako nang may makita akong nakatakip sa mesa. May fried rice iyon at naroon din ang natirang fried chicken kagabi na nirecooked nga yata nila dahil mukhang ang crunchy pa nito, mayroon din silang nilutong fried egg na nilagyan ng ketchup na naghugis bibig at mga mata.

Nag-iwan pa sila ng dilaw na sticky note na idinikit nila sa ibabaw ng mesa.

Good morning, Persis.
Ininit namin iyong pagkaing dala mo.
Thank you at hindi kami mamomoblema kung anong almusal namin ngayon.
Ubusin mo iyang handa namin for u.
Have a nice day.

Lots of love,
Your dormmates.





"Mukhang ang ganda ng gising natin, huh?" puna ni Brayden pagdating ko sa classroom.

"Maganda talaga! Bukod sa successful ang pagtugtog ko kagabi, nakasama ko pa siya." Nangalumbaba ako at inalala ang mga nangyari kagabi, kasama si Code.

"Ang sarap mong panoorin kagabi. Naeexcite na nga ako bukas, may naisip ka na bang kakantahin mo sa unang set?"

"Wala pa nga, eh. Baka may maisusuggest ka?"

Dahil wala pa ang professor namin sa una naming subject ay nagkaroon kami nagpagkakataon ni Brayden na pag-usapan kung ano ang maganda kong tugtugin para bukas.

Ipinakita ko rin sa kanya ang mga lyrics na nagawa ko para sa Downtown.

"I think this is perfect. Downtown is so lucky to have you."

"Ssh!" inilagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng aking labi.

Kinagat naman ni Brayden ang ibaba niyang labi.
Hindi kasi pwedeng malaman ng iba na ako ang lyricist ng Downtown.

Actually hindi naman lihim ang pagiging lyricist ko pero kaunti lang talaga ang nakakaalam 'non at saka, hindi naman kailangang malaman pa iyon ng iba.

"Ang galing mong pumili ng words, Persis. I like your metaphor at kung hindi ko alam na ikaw ang nagsulat nito, aakalain ko na lalaki talaga ang may gawa nito."

"Bakit ba lagi na lang compliment ang natatanggap ko sa iyo? Masyado mong pinatataba ang puso ko sa mga compliment mo, Bray."

Tumawa siya sa akin. "Your works are perfect. Wala akong makitang mali, gustuhin man kitang bigyan ng constractive criticism ay nahihiya ako dahil mukhang mas magaling ka pa sa akin."

"O, pinupuri mo na naman ako." natatawang sabi ko sa kanya.

Buong araw na ang gaan ng pakiramdam ko. Siguro ang araw na ito ang kapalit ng mga nagdaang araw na parang gusto ko ng sumuko.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga printed copy ng lyrics na ginawa ko para sa Downtown. Sana ay pasado ito kay Mr. Frazer.

Sinubukan kong tawagan si Code para sabihin na paparating na ako, pero panay lang ang ring ng cellphone niya. Marahil ay busy ito.



Pagdating ko sa harap ng Rise Records ay maraming media ang naroon at may ilang fans na nag-aabang sa Downtown. Ganoon talaga ang sitwasyon kapag nagsisimula ng mag recording ang Downtown, dinadagsa na ang labas ng record label dahil sa pag-aasam na makikita nila ang Downtown after ng recording nila.

Bilang kapalit naman sa paghihintay ng masusugid nilang tagahanga ay sinasadya talaga ng Downtown na sa main door ng building sila lalabas upang masilayan sila ang mga fans nila at hindi masayang ang paghihintay ng mga ito.

Bago ako bumaba sa grab na sinasakyan ko ay itinali ko muna ang buhok ko at ipinakot ito at saka isinuot ang blue cap na dala ko. Nagsuot din ako ng puting facemask.

Pagbaba ko sa grab ay mahigpit kong hinawakan ang puting folder na dala ko. Huminga ako ng malalim at saka nakipag gitgitan sa mga fans na naroon. Wala akong choice dahil nahaharangan nila ang daan patungo sa backdoor, kung saan kami parating dumadaan ni Code ng nakakotse.

"Manong, baka pwede akong dumaan diyan? May ibibigay lang ako kay Mr. Frazer." tanong ko sa nagbabantay na guardya.

"Hindi pwede rito, Miss."

Hindi ko kilala itong security guard na nagbabantay ngayon. Sa ilang araw na hindi ako nakakapunta rito ay bagong bago sa paningin ko ang guardyang ito.

Sinubukan kong tawagan si Code pero hindi ko pa rin siya macontact. Tinawagan ko rin ang lahat ng member ng Downtown, si sir Gerry at si Mr. Frazer ngunit lahat sila ay hindi rin macontact.

"Manong, hindi niyo ba ako kilala? Lyricist po ako ng Downtown." sabi ko.

"Ay naku, Miss. Kahit bago sa pandinig ko iyang dahilan mo, hindi ka talaga pwedeng dumaan dito. Kung isa ka sa fans ng Downtown, magtyaga kang maghintay dyan hanggang mamaya."

Nalaglag ang balikat ko. "Pero manong, I'm not just a fan. Lyricist talaga nila ako. Ibibigay ko nga sana itong mga lyrics na pinagagawa sa akin ni Mr. Frazer."

"Excuse me, girl. Hindi bebenta ang mga linyahan mong iyan dito. Masyadong mahigpit ang security ng Rise Records, mapapagod ka lang." sabi naman ng isa sa mga fans ng Downtown, may hawak pa nga itong banner na may nakalagay na. 'We love Downtown'.

Nakakatuwa malaman na may mga fans na marunong talagang umintindi sa security ng Record Label, pero sa mga oras na ito ay hindi ko magawang mamangha dahil mismong ako na isa sa mga staff ay hindi makapasok.

Huminga ako ng malalim at lakas loob na nagtungo naman ako sa main entrance.

Pinagtinginan pa ako ng ilang media at mga fans dahil sa paglalakas loob ko na pumasok. Hanggang doon lang kasi silang lahat sa ibaba ng tatatlong baitang na hagdan papasok ng building.

Nasa harap na ako ng salaming pintuan na at malapad na napangiti nang makita ko ang security na nagbabantay doon. Kilala ako 'non.

"Ops, bawal po pumasok, ma'am."

"Manong guard, ako po ito...si Persis. Iyong madalas kasama ni Code."

"Ma'am Persis? Naku, ma'am pasensya na po pero mahigpit na bilin ni Mr. Frazer na wag po kayong papasukin."

Para akong pinako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nito.

"B-Bakit po? Isa po ako sa mga staff dito at saka nandito po ako para ibigay iyong iba pang lyrics para sa Downtown."

Mabigat ang ekspresyon na nakikita ko sa mukha ng security guard. Para bang nahihirapan din siyang kausapin ako. "Ang sabi po ni Mr. Frazer, hindi na raw kayo parte ng Rise Records at hindi may bagong lyricist na rin silang kinuha, kaya hindi raw po talaga kayo pwedeng pumasok. Pasensya na po, ma'am. Iyon po ang mahigpit na bilin ni Mr. Frazer."

Hilaw akong ngumiti kay manong guard kahit na nakafacemask ako. Nanginginig ang buo kong katawan, parang gusto kong mabuwal sa pagkakatayo ko at nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko.

"S-Salamat po."

Nanlulumo at wala sa sariling humakbang ako sa tatlong baitang na hagdan habang yakap ko ang folder na dala ko, laman ang ilang lyrics na pinaghirapan kong gawin, ngunit hindi na pala malalapatan ng musika at hindi ko na rin maririnig na tinutugtog ng Downtown.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

5K 733 44
Harmony Of Love Series #2 © All rights reserved. Pagkatapos ng ulan, isang aksidente ang ating naranasan. Pagkatapos ng ulan, iniwan mo akong luhaan...
72.5K 3.6K 47
"Seoul gave me a lot to hold on to. From creating good memories to bad heartbreak. From life lessons to applying it. Seoul taught me that love is unc...
739K 14.2K 54
Emilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody loves her and a lot wants to be like her. N...
28.9K 738 54
Adolescents Ardour #2 How would you know if you are falling in love? What risks are you willing to sacrifice for your loved ones? Kahit ikakasama mo...