Blood Sucker (Van Floyd Vaugh...

By RediousInPaper

32K 1K 130

Vaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka malo... More

Note
Prologue
Chapter 1: Creed's Wedding
Chapter 2: Party
Chapter 3: Confession
Chapter 4: Debate
Chapter 5: Pag sunod
Chapter 6: Mall
Chapter 7: Over Protective
Chapter 8: Van & Cleopatra
Chapter 9: Relo
Chapter 10: Courting Aphrodite
Chapter 11: Date
Chapter 12: Pain
Chapter 13: Freddrick
Chapter 14: Von
Chapter 15: Von
Chapter 16: Birthday
Chapter 17: Celebration
Chapter 18: Arrange Marriage
Chapter 19: Heartache
Chapter 20: Twin
Chapter 21: Black Alpha
Chapter 22: Bracelet
Chapter 23: Flerio Ozix Vaughn
Chapter 24: B.A
Chapter 25: Bro's
Chapter 26: Organized the Wedding
Chapter 27: Wedding Gown
Chapter 28: Hit Family Dinner
Chapter 29: Confession
Chapter 30: Vacation
Chapter 31: Bermuda Triangle
Chapter 32: Mermaids Prince
Chapter 33: Pearl Ring
Chapter 34: Caught up
Chapter 35: Van
Chapter 36: Please
Chapter 37: Sleeping Van
Chapter 38: Aphrodite
Chapter 39: The Wedding
Chapter 40: Poison
Chapter 41: Cleopatra
Chapter 43: White Alpha
Chapter 44: Van
Epilogue
Vaughn Series

Chapter 42: Blood of Life

543 22 3
By RediousInPaper

Blood of Life.

~~~~

Fin POV

Napa lingon sa amin si Freddrick.

"Ready na?"tanong niya.

"Teka, nasaan yung iba? Bakit tayo tayo lang?"tanong ko.

Umirap siya kaya tumaas ang kilay ko.

"Bakla ka sis?"tanong ko kaya kumunot ang nuo niya.

"Mamaya na kayo mag talo."singit ni Aphrodite at tumingin sa labas.

"Mag gagabi na. Lalakas ang mga pwersa ng Werewolves pag full moon."sabi ni Aphrodite at lumingon sa amin, isa isa kaming lumabas sa sasakyan, sinuri ko ang lugar kung nasaan kami ng biglang lumapit sa akin si Freddrick.

"Lagot ka sakin mamaya pag nag transform ako bilang werewolf." Bulong ni Freddrick sakin. Nag make face lang ako saka natawa.

"Takot ako sis nanginginig ako oh."sabi ko at nanginig. Natawa si Creed sa ginawa ko. Sumeryoso ang awra ko at lumapit sa kanya.

"Lagot ka saken pag kinausap mo ulit ang asawa ko." Seryoso kong sabi at pinakita ang pangil ko.

"Kahit walang full moon, tandaan mo. Anytime pwedeng pwede kong ubusin yang dugo sa katawan mo.  Hindi lang dugo ng tao ang iniinom naming mga bampira Freddrick, mas masarap ang dugo ng HAYOP."pananakot ko. Naningkit ang mata niya at tinalikuran ako.

Pumantay si Creed sa tabi ko kaya lumingon ako sa kanya.

"G na G kay Freddrick." Natatawa niyang sabi.

"G na G makipag tawanan kay Clementine e."sabi ko at kinasa ang baril ko.

"Saang posisyon nga ulit tayo?"tanong ko habang naka tingin sa building na papasukin namin.

"West kasama si Freddrick." Natatawa niyang sabi kaya tumingin ako sa kanya.

"Destiny bro." Pang aasar niya kaya inirapan ko siya.

"Naka pasok na ang ilan sa tropa. Na patay na nila ang ilang tauhan na nag babantay sa entrance."sabi ni Aphrodite kaya napa tingin kami sa kanya.

"Wala ka bang nakikitang mamamatay samin?"tanong ko. Siniko ako ni Creed kaya tumaas lang ang kilay ko.

"Papasok na kami." Sabi ni Creed at nanguna sa pag lalakad, sumunod si Freddrick kaya mas binilisan ko ang pag lalakad ko para makasunod kay Creed. Nilingon ko si Freddrick na nasa likod ko saka nag make face. Nakita ko kung paano siya na aasar kaya natawa ako at binaling ang paningin ko sa daanan.

"Pag tapos natin pumasok sa west anong gagawin natin bukod sa patayin ang mga Black Alpha?"tanong ko at sinabit sa balikat ko ang baril na hawak ko. Pumantay sa pag lalakad namin si Freddrick kaya napa tingin ako sa kanya.

"Belong ka dito sis?"tanong ko. Hindi niya ako pinansin kaya natawa ako.

"Nasa west side gaganapin ang ritwal kaya asahan mong nandoon ang karamihan sa mga Black Alpha." Napa tigil ako sa pag lalakad kaya napa tingin sila sa akin.

"Ano kamo? Karamihan sa mga black alpha ang nasa west side kaya tayong tatlo ang pupunta don para mag pakamatay tayo ganon?"tanong ko. Sabay silang napa irap sa akin.

"Mga bobo uuwi pa ko sa mag ina ko kaya sa south side nalang ako." Sabi ko at tinalikuran sila. Pero pagka talikod ko may bumulaga na agad sa akin na baril, naka tutok pa mismo sa ulo ko. Napa pikit ako ng makita ang dalawang black alpha na may hawak non habang ang sampo sa kasama nila ay naka tutok ang baril kila Creed at Freddrick.

"Saglit nga." Sabi ko at dinilaan ang thumb finger ko saka inayus ang kilay ng isa sa mga black alpha na naka tutok ang baril sa akin.

"Ayan pantay na."sabi ko at tinignan yung isa pang black alpha na naka tutok ang baril sa akin.

"Hala di din pantay kilay mo."sabi ko kaya nagka tinginan ang dalawa. Ngumiti lang ako sa kanila saka ginamit ang speed ability ko. Agad akong pumunta sa likod nilang dalawa at kinuha ang baril nila saka tinapon sa malayo at nag transform bilang paniki.

Nag simulang mag paputok ang mga black alpha, nag transform naman si Creed bilang paniki habang si Freddrick naman ay nag transform bilang werewolf at sinimulang lapain yung mga black alpha.

Lumipad kami ni Creed palayo sa kanila. Iniwan namin mismo si Freddrick  don.

"Talagang kaya ng konsensya mo na mamatay si Freddrick?"tanong ni Creed sa akin. Nag balik na kami bilang tao saka tumingin sa gawi ni Freddrick na pinag tutulungan ng mga black alpha na nag transform na din bilang mga werewolves.

"Hayst, masyado akong gwapo para makonsensya pero sige na nga." Sabi ko at nilabas ang bola na tinago ko.

Sumipol ako dahilan para sabay sabay na mapatigil yung mga black alpha. Ngumiti ako saka pinakita sa kanila yung bola na hawak ko.

"Catch." Sabi ko at hinagis sa bintana ang bola. Gaya ng inaasahan ay tumakbo ang mga  black alpha papunta sa bola. Tatakbo din sana si Freddrick papunta sa bola ng hilahin ko siya gamit ang kapangyarihan ko papunta sa gawi namin.

Ilang segundo pa ay sumabog ang bola dahilan para mamatay ang mga black alpha. Nag balik na bilang tao si Freddrick kaya napa tingin ako sakanya.

"Katanga gusto mo din ng bola? Mamaya na pag tapos ng laban okay? Good dog." Sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinalikuran ko siya at inakbayan si Creed saka nag patuloy sa pag lalakad papuntang west side. Nag bago na isip ko. Mas maraming aso, mag cool na action.

"Fin Vaughn!" Inis na sabi ni Freddrick kaya natawa lang kami ni Creed.

Cleopatra POV

Minulat ko ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kakaibang enerhiya. Napa upo ako ng makita ang bangkay ni Grego, ang pinuno ng mga Black Alpha na katabi ko. May kadena sa paa ko at sa kamay ko. Napa tingin ako sa paligid.

Nandito ako kung saan gaganapin ang ritwal. Napa tingin ako sa kalangitan. Padilim na.

"Gising ka na pala." Napa tingin ako sa nag salita. Si Pheonex.

Naka suot siya ng itim na damit na may sumbrero. Habang ang iba naman sa mga kasama niya ay naka suot ng pulang damit na may sumbrero.

"Ilang minuto nalang ay  mag gagabi na at mag sisimula na ang pag buhay mo sa mahal naming pinuno." Sabi niya kaya napatingin ako sa katawan ni  Grego.  Na aagnas na ito at may mga uod na.

"Sayang lang dahil hindi mo manlang nasabi ang salitang 'I do' sa kasal niyo kanina." Iiling iling na sabi ni Pheonex.

"Pakawalan niyo ako!"sigaw ko at pilit na nag tratransform bilang asong lobo pero di ko kaya dahil sa kadena na nasa paa at kamay ko.

"Ang pangako ay pangako Cleopatra. Pinagaling ko ang lalaking mahal mo, ngayun bubuhayin mo naman ang pinuno namin."sabi niya at tumingin sa kalangitan. Ngumiti siya at saka tumingin sa relo nya.

"Isang minuto nalang."pagkasabi niya non ay nag punta na sila sa pwesto nila. Lumapit sa akin si Pheonex at ang tatlo niyang kasama.

"Mag sihanda, dahil ang Pinunong Grego ay muling mabubuhay at mamumuno sa atin." Pagkasabi non ni Pheonex ay nag siluhod ang mga Black Alpha na nasa harap namin. Napa lunok ako at napa tingin kay Pheonex na ngayun ay may hawak ng maliit na punyal.

Itinaas niya iyon sa ere saka tumingala.

"Tanggapin mo ang dugo ng buhay aming panginoon." Pagkasabi niya non ay kinuha ng isang tauhan niya ang kamay ko at sinugatan iyon ni Pheonex.  Napa daing ako sa sakit ng ginawa ni Pheonex. May isang malaking baso ang nasa ibaba ko kung saan tumutulo ang dugo ko. Pilit kong ginagamot ang sugat na ginawa ni Pheonex sa akin pero hindi ko magawa. Patuloy ang pag tulo ng dugo sa baso hanggang sa mangalahati iyon ay binitawan ako  ng tauhan ni Pheonex.

Ramdam ko ang pagka wala ng dugo. Napa pikit ako ng umikot ang paligid ko at napa mulat ng maging ayus ang pakiramdam ko. Pilit kong ginagamot ang sugat ko pero hindi gumagana ang kapangyarihan ko.

Napa lingon ako sa tabi ko ng makitang pinainom nila sa katawan ni Grego ang dugo mula sa akin.

Ilang sandali pa ay unti unting nag hilom ang mga sugat ni Grego at unti unting nawala ang mga uod sa katawan niya. Unti unting bumabalik ang masigla at malaki nitong katawan hanggang sa nag mulat ang mga mata niya.

"Panginoong Grego." Sabay sabay na sigaw ng mga Black Alpha at  lumuhod.

Umupo si Grego at tinignan ang mga tauhan niya.

"Masaya kami sa inyong pag babalik!" Sabay sabay na sabi nila.

"Inyong damdamin ang lakas na nag mumula sa buwan." Wika ni Pheonex habang naka luhod.

"Mga kapwa kong Black Alpha. Mag bigay pugay sa pag babalik ng ating pinuno!" Sigaw ni Pheonex at sa isang iglap ay naging asong lobo silang lahat habang naka luhod maliban kay Pheonex at Grego.

Napa ngiti si Pheonex at napa tingin sa gawi ko.

"Panginoon. Kung iyong mamarapatin, nasa iyong tabi ang aming handog sa iyong pag babalik."lumingon sa akin si Grego dahilan para matakot ako pero hindi ko iyon pinakita.

"Cleopatra. Ikinagagalak ko na makita ka ulit." Naka ngising sabi nito.

"Kainin mo siya Panginoon ko, kainin mo ang babaeng iyan ng sa ganon ay mapa sayo ang buhay na walang hanggan." Pagka sabi non ni Pheonex ay nag transform siya bilang asong lobo at umalulong ng mahaba na sinundan ng ilang mga Black Alpha.

Tumayo si Grego at iginalaw ang kanyang leeg. Napa lunok ako ng makitang unti unting nag transform si Grego bilang isang malaking itim na asong lobo, kulay pula ang mga mata at mabalahibo. Kasing laki siya ng isang punong nara pag naka tayo.

Umalulong ito ng pagka lakas lakas na sinundan ng mga tauhan niya.

Nanuyo ang lalamunan ko ng ibinuka ni Grego ang bibig niya senyales na kakainin na niya ako. Napa pikit ako at nag hihintay sa susunod na mang yayari ng makaramdaman ako ng isang malakas na hangin na dumaas sa harap ko. Napa mulat ako at napa tigil ng makita kong nasa harap ko ang isang Malaking Puting Lobo. Kasing laki siya ni Grego.

Napa tingin ako sa kabilang gawi ko at nakita ang limang magkakapatid na  Vaughn kasama ang ilang mga White Alpha na nandoon kasama ang ilang mga bampira at ilang mga serena na may paa. Pinag masdan ko ang paligid at nakitang pinapalibutan ng mga white alpha ang paligid.

Bumalik ang paningin ko sa puting lobo na nasa harap ko.

Sino itong malaki at puting lobo na nasa harap ko?

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Continue Reading

You'll Also Like

17.4M 764K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...
10.1K 1K 58
A villainous creep who's fond of chaos, a grumpy law student, a narcissistic pilot, and a peculiar aloof bitch miraculously crossed paths in one cata...
78.5K 3.2K 38
Season 2: The Hidden Daughter of Wang How does it feel waking up from the room knowing nothing, even a name? Will she be able to live her new life o...
223K 9.9K 110
[Completed] Raphael Lancaster, a mysterious man who caught my heart, yet a man who is forbidden to love. How can he be mine when he belongs to someon...