The Cursed Bride Series: The...

By FionaQueen

14.3K 521 20

One month pa ba? Excited na kasi akong palitan ng apelyido ko ang apelyido mo." More

Sypnosis
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 (Finale)

Chapter 1

2.3K 59 2
By FionaQueen


PALAKAD-LAKAD si Charita Del Rio o mas kilala sa tawag ng kaibigan na Charry sa sala ng kanilang apartment ng kaibigang si Daniella o mas kilala din sa tawag na Dani. Kagat-kagat din ni Charry ang kuko sa kanyang kanang hinlalaki. Nag-iisip kasi si Charry ng paraan para mawala ang sumpa ng matandang mangkukulam sa kanilang magkakaibigan ng i-prank nila ang baklita na kaklase nila noong High School na si Francisco Malilong Jr., o mas kilala din sa tawag na Franz.

Noong una ay binalewala na lang nilang magkakaibigan ang sumpang iyon. Inisip lang nila na baliw lang ang matandang babae o hindi kaya ay wala lang itong magawa sa buhay o hindi kaya nakiki-uso lang din ito sa April Fool's day tulad na lang ng ginawa nila sa kasal ni Franz at sa babaeng pakakasalan sana nito no'ng araw na iyon.

Pero sa pagkakataong ito ay mukhang hindi na nila mababalewala ang sumpa dahil sa kamalasang nangyayari sa mga kaibigan niya. Mukhang umeepekto na ang sumpa ng mang-kukulam sa kanilang mag-kakaibigan. Unang nakalasap ng sumpa si Kwini—nakipag-break na rito ang matagal na nitong boyfriend. Sumunod na nakalasap ng kamalasan ay si Maki—nabalitaan niyang nasagasaan ang kapatid nitong si Bitoy. Mabuti na lang at hindi naman masyadong malala ang pinsalang natamo ng kapatid ni Maki. At si Salve naman ay biglang nawalan ng trabaho at ngayon ay dakilang tambay na. At alam din ni Charry na hinahabol na rin ng malas sina Dani at Rafi.

Nalalasap na ng mga kaibigan niya ang bagsik ng sumpa. Kaya ngayon ay natatakot na rin si Charry. Natatakot na siya para sa sarili na baka siya na ang sumunod na makalasap ng bagsik ng sumpa. Pero bago ang lahat ng iyon ay kailangan na ni Charry na unahan ang sumpa. Kahit papano naman ay may alam na sila kung paano kokontrahin ang sumpa.

Kasama niya sina Rafi, Kwini, Maki at Dani kanina na kumunsolta sa isang maghuhula para humingi ng payo kung ano ang mabisang paraan para kontrahin ang sumpa. Hindi sumama sa kanila si Salve dahil natatakot daw itong marinig kung ano ang sasabihin ng manghuhula sa kanila.

At ang sabi ni Aling manghuhula sa kanila ay ang mabisang paraan daw para kontrahin ang sumpa ay kinakailangan nilang maikasal bago sumapit ang Supermoon. Sakramento daw ng kasal ang sinira nila kaya tanging sakramento din daw ang makakakontra sa sumpa. At may tatlong buwan pa sila para maghanap ng lalaking makakaputol sa sumpa.

Pero ang tanong ni Charry, saan naman siya maghahanap ng lalaking pwede niyang maging asawa sa loob ng tatlong buwan? Wala naman kasi siyang boyfriend. Sa kanilang anim na magkakaibigan ay siya ang pinakamaganda pero tanging siya lang ang hindi pa nakakaranas na magkaroon ng boyfriend. Marami namang manliligaw si Charry pero kahit isa sa mga ito ay wala siyang magustuhan.

"Can you please stop walking, Charry. Nahihilo ako sa kalalakad mo, eh." sita sa kanya ni Dani. Matalik na kaibigan ni Charry si Dani. High School pa lang sila ay kaklase na niya ito. Maliban kay Dani ay matalik din niyang kaibigan sina Salve, Maki, Kwini at si Rafi. Pero sa lahat ng kaibigan niya ay kay Dani at Rafi siya close.

Umiling-iling si Charry. "I can't." sabi niya habang patuloy pa rin siya sa paglalakad. Hindi kasi siya mapakali hanggang hindi pa siya nakakaisip ng paraan para maputol ang sumpang iginawad sa kanila ng matandang mangkukulam dahil sa kasalanang ginawa nila sa pang-gi-gate crash nila sa maling kasal. At sa panggi-gate crashed nilang iyon ay nasumpa pa sila ng walang kamalay-malay.

At hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ni Charry ang sinabi ng matanda sa kanilang magkakaibigan no'ng araw na iyon.

"Mga kampon kayo ng dilim! Dahil sa ginawa niyo paparusahan kayo ng langit! Hindi na kayo kailanman liligaya! Lalayuan kayo ng swerte at hahabulin kayo ng malas! Mga kampon kayo ng dilim!"

Biglang nakaramdam ng pangingilabot si Charry ng maalala niya ang binitawang sumpa ng mangkukulam. Ayaw maparusahan ni Charry ng langit, ayaw niyang layuan siya ng swerte at lalong-lalo na ayaw niyang habulin siya ng malas. Kaya kailangan na rin niyang kumilos. Kailangan na rin niyang maghanap ng lalaking mapapangasawa bago sumapit ang Supermoon! Dahil kung hindi siya makahanap ng lalaking puputol sa sumpa ay...

Bye-bye happiness na para kay Charry at Hello loneliness na! Dahil tatanda na siyang dalaga! Tatanda siyang mag-isa!

Kagat labing sumulyap si Charry kay Dani na ngayon ay abala sa pagpipindot sa hawak nitong cellphone habang nakaupo ito sa mahabang sofa sa kanilang sala. Lumapit siya sa kaibigan at umupo sa tabi nito.

Kinalabit niya si Dani para makuha niya ang atensiyon nito. "Sagutin ko na lang kaya ang isa sa mga manliligaw ko, Dani. Sa tingin mo?" tanong niya rito ng bumaling ito sa kanya. "Sino kaya kina James, Patrick at Celso ang sasagutin ko? Siguro naman kapag sinagot ko ang isa sa kanila ay eventually ay mamahalin ko na siya. Hindi ba, sabi nila natututunan daw ang pagmamahal." Sabi niya sa kaibigan habang nanlalaki ang mga mata.

Ang mga lalaking binanggit ni Charry kay Dani ay ang mga lalaking matiyagang nanligaw sa kanya sa kabila ng pambabasted niya sa mga ito. Ang mga ito lang ang hindi sumuko sa kanya at nagpatuloy pa rin sa panliligaw.

Nasabi niya kay Dani ang mga iyon dahil naisip niya na kapag binigyan niya ng atensiyon o pagkakataon ang isa sa mga ito at kapag nakilala niya ng lubusan ang mga ito ay baka may posibilidad na ma-develop siya in a process. Hindi kasi makapasok ang mga ito sa puso at buhay ni Charry dahil hindi niya hinahayaan ang mga ito. Baka kapag may isa siyang binigyan ng pagkakataon ay baka sakaling may magustuhan din siya.

Pero ang tanong sino sa tatlo ang deserving para sa kanya?

Arghh! Ang hirap namang mamili!

"Seriously, Charry?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Dani. Mababakas din sa mga mata nito ang amusement.

"I'm dead serious." nakangusong wika niya kay Dani. Seryoso talaga si Charry sa sinabi. Dahil nakasalalay dito ang kanyang kaligayahan at kinabukasan. "So, sino sa tatlo ang bibigyan ko ng pag-asa?"

Tuluyang ibinaba ni Dani ang hawak na cellphone sa mesa at humarap sa kanya. "Uhm, let me think for a while." sabi ni Dani, hinihimas-himas din nito ang baba. "Tanggalin mo sa listahan si James dahil playboy iyon. Masugid mo ngang manliligaw pero hindi lang naman ikaw ang nililigawan niya. Dalawa kayo." ani Dani habang nakangisi.

Tama ang kaibigan sa sinabi. Hindi lang pala siya ang nililigawan ni James. Alam nila iyon dahil minsan nakita nila si James na may kasamang ibang babae sa isang restaurant kung saan sila kumakain ni Dani. Noong una ay akala nila na kapatid, kaibigan o kapamilya lang ng lalaki ang kasama nito. Pero no'ng umalis si James para pumunta siguro sa comfort room ay hindi niya napigilan si Dani na lumapit sa gawi ng babae. Naiwan naman siya sa mesa habang pinagmamasdan ang kaibigan na nakikipag-usap sa babae.

Nang matapos itong makipag-usap ay iiling si Dani na bumalik sa mesa nila. At doon niya nalaman na hindi pala kaibigan, kapatid o kapamilya ni James ang kasama nitong babae—nililigawan din pala nito ang babaeng iyon! Mabuti na lang at binasted niya ito noong una pa lang at hindi siya nagpadala sa mga pambobola ng binata, sa matatamis nitong salita. "Kay Patrick naman, wala kang future do'n. Graduate nga ng college pero hanggang ngayon ay dakilang tambay pa rin. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin sa mga magulang. Si Celso, oo gwapo siya may magandang trabaho. But Duh!" sabi ni Dani sabay tirik ng mga mata. "Nakaka-turn off ang apilyido niya. Imagine kapag siya ang napangasawa mo? Tatawagin ka nilang Misis Charita Cantot!" Habang sinasabi ni Dani ang mga iyon ay nanlalaki ang mga mata nito. "Kulang na lang ay tawagin ka nilang Charita Bantot!" dagdag pa na wika nito.

Natawa ng malakas si Charry sa sinabing iyon ng kaibigan. Sa sandaling iyon ay biglang nawala sa kanyang isipan ang problemang kinahaharap dahil kay Dani.

SINALUBONG sina Charry at Dani ng maingay na tugtugin pagkapasok nilang dalawa sa isang sikat na Bar. Pagkauwi ng apartment galing sa trabaho ay agad siyang niyaya ni Dani na lumabas. Tumanggi si Charry no'ng una. Sinabi niya kay Dani na may kailangan siyang tapusin na trabaho. Isang Interior Designer si Charry sa isang malaking sikat na Interior Home Design sa bansa—ang Designs. At isa siya sa magaling na Interior Designer ng nasabing kompanya.

Pero nagbago ang isip ni Charry ng marinig niya kay Dani ang dahilan kung bakit siya nito niyaya na magpunta ng Bar.

Niyaya siya ni Dani na pumunta sa isang Bar para...mag boy hunting!

Lihim na lang na napangiti si Charry. Alam din niya na simula noong makaranas ng kamalasan ang mga kaibigan ay naghahanap na rin ang mga ito ng solusyon sa problema. Naghahanap na ang mga kaibigan ng lalaking makakapagkontra sa sumpa.

Kaya hindi din sila magpapahuli ni Dani. Kailangan na rin nilang maghanap ng lalaking mapapangasawa hanggang sa hindi pa nila nahahanap iyong matandang sumumpa sa kanila. At nangako naman din ang baklitang presidente nila na si Franz na tutulong ito sa paghahanap sa matanda para humingi rin ng tawad. At tama lang naman na tulungan sila ni baklita dahil unang-una ay ito naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Dahil kung hindi lang ito nakiuso sa April fool's day eh, 'di sana happy-happy sila nayon. Eh, 'di sana ay wala silang pino-problema.

Naku! Sa sandali iyon ay gusto niyang puntahan sa bahay nito si Franz at kalbuhin ang lahat ng buhok na pwedeng makalbo rito! Pasalamat nga ito't hindi niya kinalbo ito no'ng magkita-kita silang lahat sa condo ni Rafi para pag-usapan ang tungkol sa sumpa. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Dahil kung hindi, baka nakasuot na ito ngayon ng wig!

Arhhg! Tili ni Charry sa isipan.

"Let's go, Charry." Mayamaya ay yakag sa kanya ni Dani. Sinundan naman niya ang kaibigan ng magsimula na itong maglakad patungo sa counter ng bar. "Two margarita, please!" nakangiting wika ni Dani sa bartender ng makaupo ito sa stool sa harap ng counter. Umupo din si Charry sa stool katabi ni Dani.

"Right away, Madam!" nakangiting wika din ng bartender. Hindi naman nagtagal ay binigay na sa kanila ng bartender ang in-order ni Dani na Margarita.

"Thanks!" pasasalamat ni Dani sa lalaki bago siya nito sinulyapan. "Here, drink this." Wika ni Dani sabay lapag ng baso sa harap niya.

"Alam mo naman na hindi ako umiinom ng alak, Dani." sabi niya sa kaibigan.

"Inumin mo iyan para lumakas ang loob mo. Para lang iyan energy drink." sabi nito sabay kindat sa kanya. Iiling na lang na dinampot ni Charry ang baso. Alam ni Dani na sa kanilang magkakaibigan, siya lang ang mahina ang loob.

Mayamaya ay napapikit si Charry ng mga mata ng may pumasok sa kanyang isipan na isang alaala mula sa nakaraan.

"Ganoon ka rin, Charita! Dahil hindi mo ako tinulungan! Magbabayad ka! Habambuhay ka nang panghihinaan ng loob! Dahil hindi mo kayang tumayo sa sarili mong paninindigan, magiging ganyan ka na! Mabubuhay kang pipi!" bumalik iyon sa isipan ni Charry na sinabi ng dati nilang kaklase noong High School na si Diosa.

Mabilis na nagmulat ng mga mata si Charry ng maalala iyon. Ilang taon na ang lumipas pero nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Diosa sa kanilang magkakaibigan pagkatapos nila itong bawian sa mga kasalanang ginawa nito sa kanilang magkakaibigan. Isa-isa kasi silang sinumpa ni Diosa at lahat ng sumpang iginawad nito sa kanila ay nagkatotoo. Naputol lang ang sumpa no'ng humingi sila ng tawad rito at no'ng patawarin sila nito.

At kung kailan naman natapos ang problemang kinaharap nila Charry noon ay may panibagong problema na naman silang kinahaharap ngayon. And this time ay kailangan na nilang kumilos na magkakaibigan hanggang sa hindi pa nila nahahanap ang matandang sumumpa sa kanila. Nagtulong-tulong na nga silang magkakaibigan na hanapin ang matanda pero hindi nila alam kung saang bundok ito nagkukuta!

Nagpakawala na lang ng malalim na buntong-hininga si Charry. At mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya ang kaibigang si Dani na ininom ang laman ng basong hawak nito. Samantalang siya ay nanatiling nakatitig sa hawak at inamoy-amoy lang niya iyon.

"Iniinom iyan, hindi tinitingnan at inaamoy." untag sa kanya ni Dani mayamaya.

"Heh!" angil ni Charry kay Dani sabay lagok ng laman ng basong hawak. Napaubo si Charry ng maramdaman niya ang mainit na likidong dumaloy sa kanyang lalamunan ng ininom niya ang alak.

"Are you alright, Charry?" tanong sa kanya ni Dani. Hindi niya maiwasan na mulagatan ang kaibigan dahil mababakas sa boses nito ang pag-aasar sa halip na pag-alala.

"Try mo ngang uminom ng muriatic acid, Dani? At kapag natumba ka at bumubola na ang bibig mo ay tatanungin din kita ng ganito..." tumikhim siya saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Dani are you alright?" sarkastikong wika niya sa kaibigan. Nanlalaki din ang mata niya. At ang bruha sa halip na sumagot ay tinawanan lang siya.

"Pikon ka talaga!" ani Dani sa natatawang tinig.

Charry just rolled her eyes.

"Okay, okay. Let's change the topic and let's go back to our mission." mayamaya ay wika ni Dani ng mahismasan ito sa pagtawa. Sumeryoso na rin ang ekspresiyon ng mukha nito sa sandaling iyon. "Let's start boy searching." wika ni Dani kasabay ng paglibot ng tingin sa kabuuan ng bar.

Ginaya din ni Charry ang ginawa ng kaibigan. Inilibot din niya ang tingin sa kabuuan ng bar. At unang lalaking nakita ng mata ni Charry ay parang kapre kung magbuga ng usok sa hinihithit nitong sigarilyo. Napangiwi si Charry, ang pinakaayaw pa naman niya sa isang lalaki ay iyong naninigarilyo. Yikes lang. Ayaw niyang makipaghalikan sa isang lalaking amoy sigarilyo. Baka hindi pa naglalapat ang mga labi nila ay baka masuka na siya!

Nang inalis ni Charry ang tingin sa kapre na iyon ay nakita naman niya ang isang lalaking puno ng tattoo ang braso. At sigurado si Charry na hindi lang sa braso may tattoo ang lalaki, pati buong katawan nito. Para itong takas sa bilangguan! At ayaw niyang mapangasawa ang isang ex-convict! Iiling na lang si Charry. Mukhang hindi iyon ang tamang lugar para makahanap sila ng solusyon sa pino-problema nila. Dahil hindi pasok sa taste ni Charry ang mga lalaking nakikita ng mata niya sa sandaling iyon. Mamimili na lang siya sa tatlong masugid niyang manliligaw kung sino ang sasagutin niya sa mga ito.

Iikot na sana ni Charry ang stool na kinauupuan paharap sa counter ng mahagip ng tingin niya ang isang lalaking kakapasok lang sa naturang bar. The guy walks towards her direction. He was wearing a black v-neck shirt and blue jeans. Parang isang modelo ang lalaki habang naglalakad ito. And Charry couldn't take her eyes off him. Deretso lang naman ang tingin ng lalaki sa harapan nito. Tila wala itong pakialam sa nakapaligid rito. Nanatili namang nakatitig si Charry sa lalaki habang naglalakad. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit hindi niya maalis ang tingin sa lalaki. Tila kasi may kakaiba sa aurang taglay nito. At aaminin ni Charry na pasok sa taste niya ang lalaki.

Lihim na napangiti si Charry sa iniisip. Mayamaya ay nahigit ni Charry ang hininga ng umupo ang lalaki sa bakanteng stool sa tabi niya. Ngayon ay kitang-kita niyang mabuti ang hitsura ng lalaki kahit kalahati lang ng mukha nito ang nakikita niya. And she had to admit that the guy sitting beside her was freaking handsome, damn handsome that she couldn't take her eyes off him. Ang tangos-tangos din ng ilong ng lalaki. At iyong labi nito ay mapupula. May tumutubong stubbles din ang lalaki sa gilid ng pisngi nito pero sa halip na makabawas sa kagwapuhan ng lalaki ay nakadagdag pa iyon rito.

And holy shit! He look so hot and he smells so...hmm...good, too!

"One scotch, please." Magaspang na wika ng lalaki sa bartender. Nang binigay ng bartender ang in-order nitong scotch ay inisang lagok lang ng lalaki iyon. Muling humingi ng scotch ang lalaki sa bartender.

And then Charry held her breath when the guy glance at her while holding his glass. Seryoso ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa kanya. Mayamaya ay napakurap-kurap siya ng magsalita ang lalaking kaharap.

"I'm sorry, Miss. But I'm not interested." saad ng lalaki sabay alis ng tingin sa kanya at muling nitong pinagtuunan ng atensiyon ang hawak nitong baso.

"I'm sorry, Miss. But I'm not interested." paulit-ulit na nagpa-play sa isipan ni Charry ang mga salitang binitawan ng gwapong lalaki sa kanya.

What the hell?! Nanlaki ang mga mata ni Charry ng magsink-in sa kanyang isipan kung ano ang ibig sabihin ng lalaki. Napagkamalan pa siya ng gwapong lalaki na isang pick-up girl! Oo, nagpunta sila sa lugar na iyon para maghanap ng lalaki makakatulong sa kanila para makontra ang sumpa. Pero hindi siya makapaniwala na ganoon ang iisipin ng lalaki sa kanya.

Mukha ba siyang babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw?

"Excuse me, Mister. What did you say?" nakakunot ang noo na tanong niya sa lalaki. Muli itong sumulyap sa kanya.

"You heard me right, Miss?" malamig ang boses na wika ng lalaki.

"Asshole." mahinang wika niya. Bigla din nag-init ang ulo niya sa sandaling iyon. Tama nga ang kasabihan na, 'nobody's perfect' dahil hindi lahat ng tao ay perpekto. Tulad ng lalaking kaharap niya. Gwapo ito saang anggulo, pero mas magaspang pa sa sand paper ang ugali nito! Bigla tuloy na-turn off si Charry sa lalaki.

"What?" anang lalaki.

"You heard me right, Mister?" wika niya na nakataas ang isang kilay. Ginaya din niya ang sinabi at ang paraan ng pagkakasabi ng lalaki sa kanya kanina.

Tuluyang inikot ng lalaki ang stool na kinauupuan nito paharap sa kanya. And he looked at her intently. Tila nalulunod naman si Charry sa tingin ng lalaki sa sandaling iyon. "I'll give what you want from me, Miss." hindi pa nagsi-sink in sa utak ni Charry ang sinabi ng lalaki ng kabigin siya nito bigla sa mukha at walang pasabing hinalikan siya nito ng mariin sa labi! Dahil sa sobrang gulat ay napaawang ang labi niya dahilan para mas lalong mapailalim ng lalaki ang halik na ipinagkaloob nito sa kanya.

"Oh, my god!" narinig ni Charry na tili ng kaibigang si Dani sa kanyang tabi. At sa sandaling iyon ay doon lang nahismasmasan si Charry. At handa na sana siyang itulak ang lalaki ng bigla nitong pinakawalan ang labi niya.

"Not bad." nakangising wika nito dahilan para umangat ang kamay niya patungo sa mukha nito.

"You fucking asshole!" sigaw na mura ni Charry sa binata sa nanlalaking mata pagkatapos niya itong bigwasan ng isang malakas na suntok sa mukha.


----

Comments and votes are well appreciated po. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

391K 9.3K 24
Walang pag-aalinlangang sinunod ni Agripina ang pakiusap ng kanyang kaibigan na i-deliver ang isang sulat sa Alvarossa Island. Pagdating sa isla, sak...
355K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
11.7K 125 12
IN YOUR ARMS Hindi nagdalawang-isip si Amber na tanggapin ang alok ni Mr. Sergio So, isang mayamang Businessman na pag-aralin siya at tulungan sa lah...
341K 6.3K 27
Available po ito online: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1437/Checkmate-On-Love When Mavis realized she was in love with Jacques...