Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

By CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 15

331 19 3
By CrabLamb

CHAPTER 15

[ Urge ]

---

Alex's Point of View

Hindi ko na pinaabot ng isa pang katok si Jazzquin at binuksan na agad ang pintuan ng bahay ko.

"Hi," ngiti niyang bati saakin pagkabukas ko ng pintuan sabay baba ng kamay niyang nakakuyom na a-akmang kakatok ulit.

"Hi," ngiti kong bati sakaniya pabalik sabay bukas ng pintuan ng mas malawak upang makapasok siya.

Hinintay ko naman siyang makapasok ng bahay ko sabay sarado ng pintuan at kandado noon.

"Wala kang pasok?" tanong ko pagkaharap ko sakaniya.

"Napuntahan ko na yoong i-interviewhin ko para sa ngayon," sagot saakin ni Jazzquin sabay lapag ng echo bag sa sofa, "How about you? Wala kang trabaho?"

Ngiti naman akong umiling, kumibit balikat lamang siya sabay labas ng kaniyang laptop sa echo bag at umupo sa sahig ng sala ko.

Balik na ulit ako sa walang pasok tuwing weekend, nadagdagan kasi kami sa team kaya hindi lang kami ni Jonathan ang sumasalo ng mga homicide na kaso. Nitong nakaraang linggo kasi ay minsan nagka-kapasok ako ng Sabado at Linggo dahil bukod sa nag a-assist ako sa ibang trainees ay inaasikaso ko pa yoong kay Jenny.

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Jazzquin sabay kuha ng juice na itinimpla ko kanina sa ref.

"Yes," tipid niyang sagot habang nagha-hanap ng masasaksakan ng charger, lumapit naman ako sakaniya dala dala ang isang baso ng juice upang ako na ang magsaksak ng charger niya malapit sa telebisyon.

Kasabay nang pag lapag ko ng isang basong orange juice sa center table ay ang pag-upo ko sa tabi niya, sabay namin inintay na magbukas ang laptop.

"Anong article naman ang isusulat mo ngayon?" tanong ko sabay patong ng palapulsuhan ko sa aking tuhod.

"Nasa opinion ulit ako," sagot ni Jazzquin at nag labas ng may ka-kapalang papel, "Tungkol sa  RA 10066."

Napakurap naman ako sa sinabi niya.

"Natural Cultural Heritage?"

Ngumiti siya ng tipid sabay tango bilang pagsagot. Pinanood ko siya magkalikot sa laptop niya at bahagyang napangiti nang makita ko kung gaano kapuno ng gma files ang desktop niya. Nangangati tuloy akong i-sort of iyon.

"Huwag mo akong husgahan, para saakin ay maayos iyan," saway niya saakin nang mapansin akong nakatingin sa laptop niya, napailing na lamang ako.

Binuksan na niya ang Microsoft office kaya napasandal na ako, bigla ko tuloy akong nakyuryus kung anong itura niya kapag nagsulat ng mga artikulong binabasa ng masa.

Pinanood ko siyang magkiskis ng dalawang daliri habang tinitignan ang blankong pahina, pakiwari ko'y nagi-isip ng titulo.

"Fuck titles," mura niya agad kaya bahagyang tumaas ang dalawang kilay ko. Wala pa kasi siyang nasisimulan, limang minuto na ang nakakaraan.

"Wala kang maisip?" medyo taka kong tanong, "Simulan mo muna sa laman?"

"No," tanggi niya agad saakin at marahang tinap ang space bar, "Sa dami lang ng naiisip ko ay hindi ako makapamili, hindi rin ako makakapag simula ng walang title."

Natawa naman ako sa ibinahagi niya, "Ilista mo na lang, pagbotohan natin kung ano ang mas matino."

Medyo nag alangan pa yata siya sa sinuhestyon ko pero sa huli rin ay inilista na nga niya, nakatanghod lang ako sa isinusulat niya at napapalunok dahil maging ako ay hindi makapamili sa ganda ng mga titulo niya.

"Sa tingin ko, ito?" hindi ko siguradong turo sa pangatlong titulo na inilista niya, "Nakakakyuryus para saakin."

"Hindi ba masyadong malalim?" tanong ni Jazzquin saakin sabay turo ng unang titulo, "Sa tingin ko mas okay ito."

Napatango naman ako bilang pag-sangayon, "Ayos lang din naman, pero parang sinabi mo na rin sa title yung pinaka ideya noong buong opiniyon mo."

Tinignan naman ako ni Jazzquin habang nakaawang ng bahagya ang bibig, mayamaya lang din ay pasinghap siyang natawa.

"I didn't know na alam mo ang rule sa pag gawa ng titles, huh?" ngisi ngisi niyang sabi saakin, napaayos naman ako ng upo at napahilod ng baba.

"Minsan nga iniisip ko kung bakit hindi na lang ako nag Journalist," mayabang pero may halong biro na sabi ko, ngiti lamang niya akong inirapan sabay tingin muli sa mga inilista niyang mga titulo.

"Fine," bilog niya sa pinili ko kanina, "Let's go with the third one,"

Napakuyom naman ako ng labi habang pinapanood siyang tipain ang pinili kong titulo sa Microsoft, maliit na bagay pero hindi ko maiwasang matuwa. Pakiramdam ko ay nakatulong ako kahit wala naman dahil siya lang din nag latag ng lahat, namili lang ako.

Habang nagti-tipa na siya ng laman ay naglakad ako papunta sa kwarto upang kunin ang ilang papeles na inuwi ko patungkol sa kaso ni Jenny. Mga statement lang naman ito ng mga kaanak ng biktima at noong ibang POI na inilapag ko kay Adam.

"Meow."

Napatingin naman ako sa gawi ni Reiner nang marinig ko siyang ngumiyaw, napakunot ang noo ko nang nakadungaw siya sa ilalim ng aparador ko, may kaunting awang kasi iyon dahil may paa ang aparador.

"Reiner?" tawag ko sakaniya pero hindi niya ako pinansin. 

Ginagamit niya ang isang kamay upang may abutin sa ilalim ng aparador ang tinitignan, ano ba iyon?

Hinila ko ang tiyan niya palapit saakin sabay buhat sakaniya sa dibdib, "Ano ba iyon? Daga? Kailan ka pa nang hunting ng daga?"

"Meow."

Ngiti lamang akong napailing sabay labas ng kwarto kasama siya.

Napatigil nga lang ako nang makita ko si Jona, nakahiga sa tabi ni Jazzquin at natutulog. Napansin ko rin na hinahagod ng nobya ko ang tiyan nito.

"Buntis siya," puna ni Jazzquin habang pinagma-masdan ang may kalakihan nang tiyan ni Jona.

"Oo," pag kumipirma ko, "Gusto mo ng isa? Kung sakali?"

Nakit kong umangat ang isang dulo ng labi ni Jazzquin, "No, huwag na huwag mo ilalayo ang mga anak niya sakaniya."

Bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi ni Jazzquin, pakiramdam ko ay may malambot siyang bahagi para sa mga pusa.

Tumango naman ako bilang pag-sang ayon, "Sure."

Ibinaba ko na si Reiner sa sahig at u-upo na sana muli sa tabi ni Jazzquin nang biglang may kumatok.

Naantala naman ang pag-upo ko, nakita ko ring napalingon si Jazzquin sa may pintuan habang nakataas ang dalawang kilay ng bahagya.

"Mayroon kang inaasahang bisita?" biglang tanong saakin ni Jazzquin, dumako ang tingin ko sakaniya sabay iling.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ko sabay tayo muli, habang tinatahak ang direksyon kung nasaan ang pintuan ay hinuhulaan ko na sa utak ko kung sino, siguro si Jonathan at manghi-hiram na naman kung ano.

Agad nga lang iyon nabasag nang imbis na si Jonathan ay si Nelly ang tumambad saakin.

Nakita ko kung paano nag transisyon ang mukha niya mula sa pag nguso hanggang sa pag-ngiti nang buksan ko ang pintuan.

"Uy," tanging nasabi ko, "Anong ginagawa mo dito?"

"Nakailang benta ako ng leche flan kaya nagdala ako ng pagkain," ani niya sabay taas ng paper bag na Mcdo, "Wala akong magawa sa apartment eh, at tsaka miss ko na si Reiner."

Napakamot naman ako ng ulo, "Sana hindi ka na nag-abala at pinang ipon mo na lang para sa sarili mong gastusin."

Bigla naman siyang sumimangot at sinamaan ako ng tingin, "Hey, nag effort kaya ako ano. Masama bang ibalik yoong utang na loob na---"

Naputol ang kaniyang sasabihin nang biglang dumako ang tingin niya sa aking likuran.

Sinundan ko naman iyon ng tingin at medyo nagitla ako nang makita ko si Jazzquin, nakatayo na malapit sa aking likuran. Blanko ang ekspresyon niya habang nakatingin kay Nelly.

"Ah, Quin," medyo ilang na tawag ko sakaniya sabay turo kay Nelly, "Si Nelly."

Dumako saakin ang tingin ni Jazzquin sabay taas ng kilay, napakuyom naman ako ng labi at humarap muli kay Nelly.

"Si Jazzquin," ngiti kong pakilala kay Quin, "Girlfriend ko."

Napakurap si Nelly sa isiniwalat ko at napatahimik ng ilang segundo, hindi siguro alam kung anong sasabihin.

"May dala siyang pagkain?" putol ni Jazzquin sa katahimikan kaya sabay kaming napa lingon sakaniya ni Nelly.

Yoong tono niya ay may halong kaunting sarkasamo. Hindi siguro halata ni Nelly, pero halatang halata ko.

"Come on Alex, kanina pa siya nakatayo sa harapan mo. Let her in."

May kakaiba sa tono ni Jazzquin at hindi masyadong halata iyon, pero dahil sanay na ako sa ikot ng pananalita niya ay alam kong kailangan kong mag paliwanag sakaniya mamaya.

Lumunok ako bago siya sinunod, tumabi ako sa tabi ng pintuan at ngiting pinapasok si Nelly.

Bahagyang ngumiwi si Nelly at hinubad ang suot niyang sandals, may tali iyon kaya kailangan niya ng kamay.

"Ako na dito," sabi ko sabay kuha ng dala niyang paper bag ng Mcdo, ngumiti naman siya sa ginawa ko at nginitian ko lang siya pabalik ng tipid.

Tinalikuran ko si Nelly upang pumunta sa kusina, nakita ko naman si Jazzquin na nakaupo ulit sa sahig ng sala ko at may binabasa, siguro yoong source niya ng opinion na isusulat niya.

"Maganda siya huh," puri ni Nelly nang makapasok siya ng kusina.

Napalawak naman ang ngiti ko nang sabihin niya iyon, "Oo, swerte ko nga eh at sinagot ako ni Jazzquin."

"Ts," aniya kaya napatigil ako sa pagha-handa ng dala niya, "May itura ka kaya! Sinong babae ang ta-tanggi saiyo?"

"Believe me, malaki ang tsansa ko na ma-basted noon," iling iling kong sabi nang maalala ko ang kwento ni Sarah patungkol sa mga lalaking artista na hindi pinapansin ni Jazzquin, idagdag pa yoong mga naaabutan kong pumuporma sakaniya pero kinikibitan niya lamang ng balikat.

Nabasa naman ni Nelly ang kaniyang labi sabay tunghay kay Jazzquin mula sa kusina, "Gaano na kayo katagal?"

"Magi-isang buwan pa lang," sagot ko sa tanong niya.

Sakto namang pag katapos kong mag handa ay biglang pumasok si Reiner sa kusina, "Oh iyan oh, si Reiner."

Kumuyom ang labi ni Nelly at umupo upang kutkutin ang noo ni Reiner.

Nilagpasan ko si Nelly upang lapitan si Jazzquin, dumukwang ako ng bahagya upang tapikin siya sa balikat.

"Meryenda na muna," ngiti kong pag-aya sakaniya.

Ilang segundo muna niya ako tinitigan bago tumayo, bago pa ako tumalikod ay nakita kong kinuha niya yoong juice na hinanda ko para sakaniya.

"Pang dalawahan lang ito," kamot ulong turo ni Nelly sa dala niyang pagkain.

"Ayos lang, hati na lang kami ni Jazzquin. Medyo busog pa rin naman ako eh," ngiti kong sabi kay Nelly at pinag-usog ng upuan si Jazzquin.

Bahagya namang umangat ang isang gilid ng labi ni Jazzquin at inupo ang sarili sa itinulak kong upuan. Gumilid naman ako ng kaunti sabay hila ng upuan sa tabi niya.

"Upo ka na rin Nelly," turo ko sa upuan sa tapat ko mismo, "Salamat nga pala sa meryenda, pero sa susunod ay ipunin mo na lang para sa sarili mo."

"Pasasalamat nga ito para sa pinansyal na tulong mo," simangot niyang sabi sabay upo, "Kung hindi dahil saiyo ay baka nga sa kalye ako natulog matapos akong pag bintangan noong tiyuhin ni Veronica."

Napansin kong napatigil si Jazzquin sa pagba-balat ng burger.

"Tumira ka dito?"

Natigilan ako sa itinanong niya.

Napataas ng dalawang kilay si Nelly at dumantay ang tingin kay Jazzquin, hindi rin iyon nagtagal at nalipat saakin ang tingin niya. Mukhang hindi alam kung ano ang isasagot.

"Ah, oo Jazzquin," napadako ang tingin saakin ni Jazzquin nang ako ang sumagot, "Tatlong linggo siyang nakitulog dito."

Unti unti naman niyang inangat burger sa bibig niya sabay kagat noon habang nakatingin saakin, nakaramdam na ako ng kaba dahil mukhang nadagdagan ang ipapaliwanag ko mamaya.

Hindi ko naman masabi na binabantayan ko si Nelly dahil may mga katanungan pa ako sakaniya na kailangan niyang sagutin, ang patungkol sa kaniyang ama at lalong lalo na patungkol kay Cash.

Kumuha naman ako ng fries at iyon na lang ang kinain ko, mukha kasing hindi niya ako bibigyan at ayoko namang magtanong pa.

"Oo nga pala Alex, sa tingin ko may naiwan pa akong mga damit sa kwarto mo. Nawawala kasi iyong iba kong damit, ayos lang ba na kunin ko?"

Palagay ko ay may parte ng fries akong hindi nanguya kaya nang lumunok ako ay may bumara sa lalamunan ko, napaubo tuloy ako at a-akmang ku-kunin ang juice na tinimpla ko para kay Jazzquin pero sakto niya iyon kinuha para inuman.

Malalim na lamang akong lumunok upang itulak iyon paibaba.

"Parang wala naman akong nakita pa?" harang ko sa sinasabi ni Nelly, lihim na dinedepensahan ang sarili ko.

"Ah, inilagay ko ang ilan doon sa ilalim ng kama mo. Sorry, old habits," himas pisngi niyang sabi sabay tingin kay Jazzquin.

"Ay! Please don't get the wrong idea," ngiting sabi ni Nelly at may pag muwestra pa ng kamay kay Jazzquin, "Sa kwarto ako pinatulog ni Alex, pero tatlong linggo siyang nasa sofa."

"Yeah, iyon naman ang sa tingin kong ginawa niya," tango tangong sabi ni Jazzquin sabay lapag ng baso sa lamesa.

Kumuha ako ng fries upang isubo sakaniya iyon, akala ko ta-tanggihan niya pero agad niya iyong pinaunlakan.

Umabot nga lang yoong kagat niya hanggang daliri ko.

"Oops, sorry," sinsero niyang sabi pero alam kong sinadya niya iyon.

Hindi ko na iyon inulit, sarili ko na lang ang sinubuan ko.

Nang maubos na ang pagkain ni Nelly ay agad na siyang tumayo.

"Medyo marami iyon ang alam ko, mayroon ka bang malaki laking bag?" tanong saakin ni Nelly.

Napakurap naman ako, kung may intensyon siyang kunin ang mga damit niya ay bakit hindi siya nagdala ng bag?

Isinantabi ko naman iyon sa isipin na baka ngayon ngayon niya lang naaalala, base sa paraan ng pagkakasabi niya noong inopen niya ang patungkol sa mga damit ay doon lamang niya iyon naalala.

"Mayroon, sandali," sabi ko sabay tayo at lakad papunta sa kwarto.

Naramdaman ko namang sumunod siya saakin, pagkarating na pagkarating ko agad ng kwarto ay lumapit ako sa aparador at kinuha ang isang backpack na matagal ko nang hindi ginagamit.

"Ito," sabi ko sabay pagpag noon, "Huling gamit ko yata dito ay pangatlong taon ko sa pagtu-turo, pwede mo munang hiramin."

Nakita ko naman na nakatuwad na siya sa sahig at pilit na may kinukuha sa ilalim ng kama, "Medyo marami nga ito at mabigat."

Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya, nang ilang minuto pa rin at hindi niya mailabas ay tinapik ko na siya sa may likuran.

"Ako na," sabi ko at minuwestra ang kamay na tumayo na siya mula sa sahig, ako ang nai-ilang sa pwesto niya.

Agad niya naman akong sinunod at ako ang pumalit sa pwesto niya, iniyuko ko ang ulo ko at napansin kong may isang basket ng mga damit ang naroon. Naka plastik pa.

Napahawak ako sa kama ko at inangat ito ng kaunti gamit ang isang kamay, yoong isa naman ay ginamit ko pang hila ng basket palabas.

"Ayan," ani ko sabay pagpag ng kamay, "Ilagay mo na lang sa bag."

Tumango naman siya sabay tango saakin, "Salamat, pwede bang dito ko na ayusin yoong mga damit?"

Nagdalawang isip naman ako sa sinuhestyon niya pero sa huli ay pumayag din ako, masyado pang hassle kung da-dalhin pa ito sa labas.

"Sige, balikan ko lang si Jazzquin sa labas."

Tinanguan niya lamang ako bilang sagot at nagsimula na ngang mag-ayos, madali naman akong lumabas ng kwarto at bahagya pang nagtaka nang makita kong sarado ang pintuan.

Pagka-bukas na pagka-bukas ko pa lang ng kwarto ay ramdam ko na agad ang matalim na titig saakin ni Jazzquin mula sa kusina.

"What did I tell you when I said yes, Alex?" bungad niya agad saakin pagkapasok na pagkapasok ko ng kusina, nakaupo siya sa countertop, katabi ng lababo.

"Na you don't share," tango tango kong sabi, "At hindi ko ibinahagi ang sarili ko kagaya ng iniisip mo, ngayon hayaan mo akong magpaliwanag."

"Dito na siya nanuluyan noong naging tayo?" tila ba hangin yoon huling sinabi ko.

"Yes," tango kong pag amin, "Pero---"

"Please tell me na nakikita mo kung ano ang nakikita ko sakaniya," seryoso at walang kurap kurap niyang sabi habang parang mannequin na nakatingin saakin.

Malalim naman akong napabuntong hininga, "Anak siya ni Mr. Goliath, yoong hinawakan kong kaso noong Hunyo."

"Kung gayon ay ampunan ka na ng mga anak ng serial killer?" taas kilay niyang sabi saakin, napaigting naman ako ng panga sa kinomento niya.

"Kahit na sarado na ang kaso ay binabantayan pa rin si Nelly ng NBI dahil posibleng may kinalaman siya sa krimen ng ama niya," bulong kong paliwanag sakaniya upang hindi marinig ni Nelly, "Kailangan ko siyang bantayan, may mga nakahanda pa akong tanong na kailangan niyang sagutin."

"At ang dahilan kung bakit hindi mo pa rin siya tinatanong hanggang ngayon is?"

"Timing," simpleng sagot ko sa tanong niya, "Isa pa ay nagpapasa rin ako ng weekly report kay Adam, kailangan niyang mamonitor si Nelly."

Hindi ko na dapat iyon ibinahagi pa dahil sakop iyon ng confidentiality ng hinahawakan kong kaso pero wala na sigurong ibang paraan para makumbinsi si Jazzquin, isa pa ay palagay ko naman ay walang mapapala si Jazzquin kung sasabihin ko sakaniya iyon dahil walang ka-ulam ulam sa impormasyon na iyon.

Isang nakakabinging katahimikan naman ang namuo sa pagitan naming ni Jazzquin ng ilang segundo. Nabasag nga lang iyon nang bigla niyang kinuha ang kamay ko.

"Does it hurt?" tanong niya.

Medyo nagulumihanan pa ako pero agad ko ring napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin nang hawakan niya ang hintuturo ko, yoong parte na nakagat niya kanina.

"Hindi naman," may kasama pang pag-iling kong sabi, "Sorry, hindi ko agad sinabi saiyo. Parte kasi iyon ng trabaho ko."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko pero hindi ko na rin hinanap hanap pa dahil bigla niyang hinalikan ang daliri ko.

Nanayo bigla ang balahibo ko sa katawan nang biglang samahan na niya iyon ng pagdila, gusto ko sanang bawiin ang daliri ko pero hinigpitan niya ang pagkakahawak ko doon.

"Quin," mahina at parang kapos sa hininga kong saway sakaniya, "May ibang tao sa kwarto."

"What?" tawa tawa niyang sabi sabay himas ng pisngi ko, "Wala naman tayong ginagawang masama."

"Inaakit mo ako," natatawa kong sabi sakaniya.

Muntikan naman akong mapamura nang bigla niya akong hinila palapit sakaniya sa pamamagitan ng pag pulupot ng dalawang binti sa baywang ko, mabuti na lamang ay agad akong napakapit sa magkabilang gilid niya.

"Quin," suway ko muli sakaniya.

"Shhh," ani niya sabay kulong ng mga mukha ko sa dalawang palad niya, inangatan ko ang isang gilid ng labi ko habang nakatingin sakaniya, "Kita ko naman ang pintuan ng kwarto mula dito, hihiwalay agad ako kapag bumukas, deal?"

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon pang makapag salita, agad na niyang sinunggaban ang labi ko.

May pagkakataon na mapusok ang halik ni Jazzquin at may pagkakataon rin naman na mabagal dahil ako ang nagdadala noon minsan. Pero ngayon ay may kasama pa siyang pagdakma na akala mo ay may hinuhuli sa labi ko.

Natawa pa ako ng bahagya dahil kinagat niya ang pangibaba kong labi, hawak pa rin niya ang pisngi ko at bahagya pang umangat upang mas maging dominante ang labi niya kaysa saakin.

"Kakainin mo ba ako ng buhay?" tanong ko nang bahagya akong lumayo para humigop ng hangin.

Kumibit balikat lamang siya sabay kapit ng braso sa batok ko, "May nagbabalak na mang hingi, binibilisan ko lang na maubos ang pagkain ko."

Napakunot ang noo ko, hindi nakuha ang sinabi niya. 

Magta-tanong sana ako kung ano ang ibig niyang sabihin pero sinunggaban niya lang ulit ako ng halik.

Umakyat ang kamay ko patungo sa dibdib niya at bahagya iyong hinimas, napasinghap siya sa pagitan ng halikan namin at bumaba ang mga kamay sa aking likuran.

Pumulupot ang kamay ko sa itaas ng pwetan niya at bahagya siyang hinila sa dulo ng countertop, bahagya rin akong umatras upang mailusot ang kamay ko sa loob ng maong niyang palda.

"Ohh..." daing niya nang magpasok agad ako ng dalawang daliri.

"Shh," saway ko sakaniya, tinawanan niya lamang ako ng malalim.

Naramdaman ko rin ipinasok niya ang dalawa niyang kamay sa suot kong t-shirt.

"Didn't know that your muscles flex like this sexily," mapang akit niyang bulong sa tainga ko habang hinahaplos ang balat ko sa likuran, "I wonder kung anong view nito mula sa likuran."

Mas binilisan ko ang paglalabas masok ng daliri ko sa kaibuturan niya kaya muntikan nanaman siyang mapasigaw.

"Alex..." kagat labi niyang bulong at tinaniman ako ng halik sa panga at leeg.

Hindi rin nagtagal ay nilabasan siya, narinig ko rin ang malalim na hininga ni Jazzquin na tila ba nakaramdam siya ng ginhawa.

Nilaro laro ko pa ang kaselanan niya upang ikalat ang malagkit niyang likido.

Bahagya akong naalarma nang unti unting bumaba ang kamay niya sa ibaba ng likuran ko.

"Relax," pagpapakalma niya saakin sabay halik sa pisngi ko, "Hindi ko hahawakan, gusto ko lang malaman kung may dimple ka rin sa likuran."

"Dimple?"

"Here," ani niya sabay himas sa bandang ibaba ng likuran ko, "Kaya pala wala kang dimple sa pisngi, nandito."

Natawa na lang ako ng bahagya sa sinabi niya at mabilisan siyang hinalikan.

Nag-ayos na naman siya nang lumayo na ako sakaniya at naghugas ng kamay sa katabi naming lababo. Hindi rin naman nag tagal ay lumabas na rin si Nelly mula sa kwarto ko.

"Tapos ka na?" bahagya kong lingon habang pinapagpag ang kamay ko.

"Ah oo," tangong sabi ni Nelly sabay sabit ng punong punong bag sa kaniyang likuran, "Medyo madami nga."

"That looks heavy," sabat ni Jazzquin kaya sabay kaming napatingin sakaniya ni Nelly, mayamaya lang rin ay bumunton siya saakin, "Help her."

Matagal ko naman siyang tinitigan sa sinabi niya, nang hindi agad ako kumilos ay siya pa mismo ang nagtulak saakin papalapit kay Nelly.

"Hindi, wag na," tipid na ngiting tanggi ni Nelly nang a-akma ko nang ku-kunin ang bag mula sa kaniya, "Kaya ko na."

Tumagos ang tingin niya saakin, palagay ko'y kay Jazzquin siya tumingin.

"Aalis na ako," paalam niya at tumango kay Jazzquin, hindi rin iyon nagtagal at nalipat muli saakin, "Sorry kung nakaabala pa ako sainyo."

"Not at all," sabat ni Jazzquin sa likuran ko.

Napakuyom naman ako ng labi at minuwestra si Reiner at Jona, "Salamat Nelly, masaya daw sila na bumisita ka."

Nilingon naman ni Nelly sila Reiner at ngumiti ng tipid.

"Si Reiner lang naman ang masaya na bumisita ako."

Napakurap ako sa sinabi niya, medyo nag-alangan ako sa unang pagka-kaintindi ko sa sinabi niya.

"Moody lang talaga si Jona kasi buntis," depensa ko kay Jona.

Bahagya lamang natawa si Nelly sa sinabi ko sabay tapik ng aking balikat, "Sige na aalis na ako."

---

"Mukhang tuta ito ni Adam."

Napakunot naman ako ng noo sa ibinulong saakin ni Jonathan at bahagya siyang siniko, "Bunganga mo eh."

Hanggang ngayon kasi ay mainit ang dugo ni Jonathan kay Mark, wala naman itong ibang ipinakita kung hindi kabutihan at kasipagan simula nang napasama siya sa team namin.

"Alam mo, para kang bata," suway ko sakaniya, mabuti na lamang at abala sa pagku-kwentuhan si Adam at Mark.

"Eh kasi naman, noong sumali ako sa team na ito ay wala namang pakain si Adam," krus ang dalawang brasong reklamo ni Jonathan.

"Actually kasi, sabay sabay tayong nakapasok ng homicide team at tandang tanda kong nagpakain rin si Adam ng kumpleto tayo. Hindi mo na tanda na nagka diarrhea ka dahil sa daming kesong nilaklak mo?" sabat ni Nathalie sa kabilang gilid.

Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Jonathan, "Kaya ayokong pag gi-gitnaan niyo akong dalawa eh, mga bully!"

Bumaling naman saakin si Nathalie, "Kasing tanda mo ba talaga ito, kuya?"

"Yaan isa pa iyan, bakit si Alex lang ang tinatawag mong kuya? Favoritism!"

"Then act like it," sabi ko sabay tingin sa cellphone ko nang bigla akong makatanggap ng mensahe.

Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang makita kong galing kay Jazzquin ang mensahe.

Where are you? – Quin.

Agad naman akong nag tipa ng isasagot.

Sa Kenny Rogers dito sa Glorietta. – Ako.

"Alex."

Napatingin naman ako kay Adam nang tawagin niya ako.

"Tinawagan mo ba si Wojtek?" tanong niya saakin.

"Ay Head, marami daw siyang ginagawa, sa susunod na lang," sabat ni Jonathan sa usapan sabay baling saakin.

"Si Cash, natawagan mo na?"

Napatawa ng pagak si Nathalie sa sinabi ni Jonathan at napakurot ako ng ilong upang pigilan ang sarili ko na huwag ngumiti dahil hindi naman dapat nakakatawa iyon.

"Seryoso kasi ako," natatawa ring tanong ni Jonathan.

"Nandito si Cash, Jonathan," basag ni Adam sa kasiyahan, napaayos naman kaming upong tatlo nang marinig kung gaano ka seryoso ang boses ni Adam.

Napatingin naman ako kay Mark na tahimik lamang at medyo nailang sa naging ihip ng hangin ng hapag kainan.

Napayuko ako ng bahagya nang makatanggap muli ako ng mensahe.

Nice, I'm at the event hall. – Quin.

Bahagyang umawang ang labi ko sa nabasa ko at nag tipa ng isasagot.

Pupunta ka? – Ako.

"Ano iyan?" chismosong dungaw ni Jonathan sa cellphone ko.

Napatingin din naman saakin sila Nathalie, Adam at Mark sa atensyon na ibinuhos saakin ni Jonathan.

Ilang naman akong ngumiti, "Si Jazzquin."

"Ah, yoong girlfriend niya," pangunguna ni Nathalie sabay bawi ng tingin.

"Nobya mo na siya?" bahagyang umangat ang isang dulo ng labi ni Adam sa narinig.

"Nako si Head, huli sa balita," bahagyang bulong saakin ni Jonathan, siniko ko naman siya pero agad rin siyang nakaiwas.

"Oo," tango kong sagot, "Noong nakaraang buwan pa."

Napayuko naman si Adam at mayamaya ay napapalakpak, kumunot naman ang noo ko sa sinimulan niya. Idagdag pa na sumabay si Jonathansa pagpalakpak na tila nagta-tawag ng kalapati.

"Tuli na siya," sabi ni Adam na kinahagalpak ni Jonathan at Nathalie ng tawa, umawang naman ang labi ko nang pati si Mark ay hindi naiwasang mapangiti sa sinabi ni Adam.

"Akala mo ah, nakalimutan mo na bang may funny side din si Head?" kutya saakin ni Jonathan, napailing na lamang ako sabay inom ng tubig.

Agad naman akong naalarma nang mamataan ko si Jazzquin sa entrada ng Kenny Rogers. Naka taas ang kaniyang buhok sa isang malinis na puyod, naka high waisted jeans at dark green na one shoulder top.

"Sandali lang, nandito siya," pag hingi ko ng permiso sakanila sabay tayo.

Patakbo naman akong pumunta sa entrada ng Kenny Rogers, nakita kong agad niya akong nakita.

"Hi beautiful," bungad ko sabay halik sa noo niya.

Tipid na ngiti naman ang iginawad niya saakin sabay himas sa aking balikat, "Sinong kasama mo?"

"Sila Jonathan, come," aya ko sakaniya sabay kapit sa baywang niya.

Nang makalapit na kami sa lamesa ay napansin ko agad na sa amin nakalatay ang paningin nilang apat, medyo napangiwi nga lang ako nang makita ko kung gaano pinipigilan ni Jonathan na huwag mapunit ang mukha niya ka-kangiti.

"Adam, Mark," tawag ko sakanila, kilala na naman kasi ni Nathalie at Jonathan si Jazzquin.

"Si Jazzquin," pagpapakilala ko kay Jazzquin at hinapit pa siya palapit sa akin.

"Hi crush!" magiliw na bungad ni Jonathan sakaniya, sinamaan ko naman siya ng tingin.

Bahagyang ngumisi si Jazzquin sabay tingin saakin, "Crush?"

"Oo, simula nang interviewhin mo si Nathalie noong unang beses sa opisina ay hindi na niya ako hinayaan na makaporma saiyo. Tama ba iyon?"

"Huwag mo na lang siya pansinin," bulong ko sa tainga niya na kinatawa lamang ni Jazzquin.

Ipinagtulak ko na ng upuan si Jazzquin, sakto namang inabot ni Adam ang kaniyang kamay sa nobya ko.

"Adam Palma," pormal na pagpa-pakilala ni Adam sa sarili niya.

"Jazzquin Lebedev," tipid na ngiting sabi ni Jazzquin sabay tanggap ng kamay ni Adam, "I heard a lot of things about you."

Makahulugan naman akong tinitigan ni Adam, nanlaki naman ang mga mata ko sabay iling upang depensahan ang sarili ko.

"I mean sa mga Seniors ko," paglilinaw ni Jazzquin sa sinabi niya, "Ikaw ang tinaguriang Sherlock Holmes ng NBI noong 1990."

"Ah," napatawa naman si Adam sa narinig. 

Nagkatinginan kami ni Jonathan dahil parehas naming alam na lumaki ng bahagya ang ulo ni Adam doon.

"Let me guess, si Andrada," panghuhula ni Adam.

"He is one of my Seniors," tango tangong sabi ni Jazzquin.

Nang dumantay ang tingin ni Jazzquin kay Mark ay bahagyang tumaas ang dalawang kilay nito.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa gawi ni Mark, bahagya kasi itong tumayo at inabot ang kamay ni Jazzquin.

"Bonjour madame."

Lumuwag ng bahagya ang pagkakakunot ng noo ko, napatingin pa ako kay Jazzquin.

Halata bang may dugo siyang French?

Nakita ko namang bahagyang tumaas ang kilay ni Jazzquin sa kaniyang narinig, hindi ako pwedeng magkamali dahil sigurado akong naintindihan niya iyon.

"Bonsoir," pag tanggap niya sa kamay ni Mark, yoong ekspresyon niya ay unimpressed.

Hindi ko alam pero kahit na ilang segundo lang nag dikit ang kamay nilang dalawa ay pakiramdam ko'y ilang minuto ang dumaan.

"Kalmahan natin ang ating loob," bulong ni Jonathan pagilid, "Palapit na ang grasya."

Naagaw nga ang atensyon ko nang biglang dumating na ang pagkain, natawa ako nang malaman kong hindi kumakain si Jazzquin ng muffin kaya nawala ang isip ko sa kaunting selos na naramdaman ko kanina.

Nagiging mapang-angkin nanaman ako.

Continue Reading

You'll Also Like

885K 20.3K 52
*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may be reproduced, copied, modified or adap...
52.6K 2.8K 29
REMEMBER ME SERIES # 1 - Demetria Madison Stewart thought that she had finally found her soulmate and her 'other half'. She believed in destiny and s...
5.2K 536 40
What happens when a wizard in training summons a succubus? Orphaned at a young age, Merlin wanted nothing more than to avenge his brother. Now that h...
10.1K 731 14
C O M P L E T E D WARNING: Extreme misogyny, sex trafficking, graphic content, disturbing pictures, murder, violence, vulgar words