Jenny the Stripper ✔(Zodiac...

Від CrabLamb

15.7K 834 365

[COMPLETED] A typical city afflicted with illegal prostitution and corruption. An intended seduction. Unexpec... Більше

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 11

366 17 10
Від CrabLamb

CHAPTER 11

[ Mirror ]

---

Alex's Point of View

"Mukhang mahal dito ha?" may pagtataka sa boses ni Nelly habang binubuksan ko ang pintuan.

Nang maikot ko na ang door knob at mabuksan ang pintuan ng unit ay pabulong akong sumagot.

"Salamat kay Sarah."

"Sarah? You mean yoong artista?" nanlalaki ang mga matang sabi ni Nelly, nag kibit balikat lamang ako at iginaya siya sa loob.

Iginala ni Nelly ang mata sa buong apartment, maliit lamang ito pero maaliwalas dahil pang-isahan lang ang unit.

Napahinga naman ako ng maluwag nang makita kong positibo ang ekspresyon ng mukha ni Nelly, mukhang nagustuhan niya. 

"Saan naman ako kukuha ng pera pang bayad dito?" parang birong tanong ni Nelly sabay tingin sa banyo.

Napalunok naman ako sabay kamot ng ulo.

"NBI ang sasagot, kailangan ka naming mas bantayan pa."

Dumako ang tingin saakin ni Nelly, halatang hindi siya naniniwala dahil nagpakawala siya ng isang sarkasamong tawa.

"Napaka saya naman palang bantayan ng NBI."

Alam kong may teorya na siya kung saan talaga nanggagaling ang mga perang ibinibigay ko sakaniya, ngunit panay lang naman ang bukas ng palad niya kapag magbibigay ako. Kung hindi niya naman gusto ay hindi naman niya ta-tanggapin.

Pinananatili ko lang naman na lihim na si Mrs. Melanie ang nagbibigay ng pera dahil sa iyon ang pakiusap ng Ginang saakin. Sumang ayon ako kaya tinutupad ko lamang ang pinangako ko.

Kung may hinala na si Nelly ay labas na ako roon. Saka ko na lang siguro ipapaalam kay Mrs. Melanie kung dumating ang oras na hindi na tanggapin ni Nelly ang perang pinaaabot niya.

"Tungkol nga pala doon sa nangyari noong Huwebes," panimulang tapika ni Nelly, napatingin naman ako sakaniya habang awtomatikong bumabalik sa nangyari noong Huwebes ang utak ko.

Iyon yoong araw na nagsimula siyang makitulog sa bahay ko, simula nang mag bato siya saakin ng tantrums tungkol sa ina ay hindi na kami ulit nag-usap matapos noon.

Pumasok ako ng maaga kahapon at tulog pa siya dahil madaling araw iyon, late rin naman akong nakauwi kagabi dahil nga pinag-usapan namin ni Adam ang tungkol kay Jenny, ang panibagong Serial Killer na kailangan kong mahuli at maiharap sa korte.

"Hmn?" sabi ko sabay tulak ng sliding door na magdadala saakin sa isang maliit na balkonahe, kitang kita dito ang mga nagta-taasang gusali ng Maynila.

"I'm sorry."

Napalingon ako ng bahagya sakaniya sa sinabi niya, nahuli ko siyang nag-iwas ng tingin at pansin ko rin na namumula ang pisngi niya sa hiya.

"Hindi maganda yoong mga salitang binitawan ko. Yeah, and thank you sa pagta-tanggol sa akin sa tiyuhin ni Melissa."

Sa totoo lamang ay nakalimutan ko na iyon, alam ko namang nadala lang siya ng emosyon. Bahagya lang siguro akong na-opensa na mas pipiliin niyang tumalon sa bangin kaysa lunukin ang pride niya.

"Wala iyon," parang wala lang kong sabi sabay pasok muli ng apartment at sarado ng sliding door sa aking likuran, "Nakalimutan ko na naman."

Napakuyom siya ng labi habang nakatingin saakin sabay tingin muli sa buong apartment.

"Sa ganitong bahay lang rin kami nakatira noon," biglang kwento ni Nelly, taas dawalang kilay naman akong napatingin sakaniya.

Nakita ko sa mga mata niya na parang may binabalikan siya sa nakaraan. May kaunting kasiyahan roon na unti unting nau-upos.

Alam ko na ang dahilan kung bakit iyon naupos.

"Ako, si Papa, tapos si Mama," ngiti niyang dagdag sabay upo at sandal sa pader, itinuro naman niya ang bakanteng pader sa harapan niya, "Nanonood ang TV noon nang magsimula silang mag-away."

Patuloy naman akong nakinig sa kwento niya, ginamit ko ang aking palad upang igaya ang sarili kong umupo sa tabi ni Nelly.

Isinandal ko ang aking likuran sa pader at tinignan ang pader na itinuro niya.

"Eleven pa lang ako noon, Grade 6 at medyo hirap sa Science kaya kailangan ko ng magtu-turo," kwento ni Nelly habang nakaangat ang isang gilid ng labi, "Kaso nga lang masyado nang stress si Mama sa sarili niyang estudyante noon, si Papa naman ay walang alam kung hindi art at gawaing bahay lang. Kaya panay nood na lang ako ng mga CD na ipinahiram saakin ng kaklase ko."

"Paano mo naman nasabing walang alam ang Papa mo kung hindi gawaing bahay lang at art? Sinubukan mo na ba siyang tanungin?"

Iling na napakibit balikat si Nelly habang nakatitig pa rin sa pader, "Iyon ang sabi ni Mama eh, paulit ulit niyang ipinamukha kay Papa na wala itong kwenta dahil walang pinag-aralan."

Napagalaw ako ng panga sa narinig ko, bahagya akong nasaktan para kay Mr. Goliath sa parteng iyon.

Ano kayang pakiramdam na sabihan ng walang kwenta? Kasalanan ba ni Mr. Goliath na kinulong siya ng kaniyang lola at hindi pinag aral? Kasalanan ba niyang hinubog siya ng ganoon?

Palagay ko ay labas lamang ang mga iyon sa kabilang tainga ni Mr. Goliath, ang mga Serial Killer naman ay walang pakialam sa opinyon ng tao sakanila o sa nararamdaman nila mismo.

Iyon ang problema sakanila, masyado nilang ini-ignora ang mga bagay bagay na pwedeng magpalago ng kanilang mentalidad. Sarado ang tainga nila sa mga ganoon.

"Kung naniniwala kang walang kwenta ang iyong ama," kamot pisngi kong panimula, "Bakit hindi ka sa Mama mo sumama?"

Bahagyang natawa si Nelly sa itinanong ko at kinutkot ang sariling kuko, "Parehas ko silang kinamu-muhian para sa impormasyon mo. Mas pinili ko lang sumama kay Papa dahil si Mama ang nagloko."

Kung gayon ay hindi totoong hindi siya sumama sa ina niya dahil hindi siya gusto ng Step-Father niya. Hindi, isa iyon sa dahilan pero hindi ang pinaka.

Ito ang pinaka dahilan, hindi niya kayang sumama sa ina niyang nag udyok na sirain ang pamilya niya, ang taong nag udyok na sirain siya mismo.

Naiintindihan ko, sa totoo lamang ay maswerte pa si Nelly at medyo may isip na siya nang nag hiwalay ang mga magulang niya.

Ako ay apat na taong gulang, walang paga-away akong narinig mula sa mga magulang ko, basta ko na lang nakita ang ama ko na lumabas ng kwarto na may dalang bagahe.

"At nagagalit ka sa ama mo dahil kung naging edukado lang siya at may matinong trabaho ay hindi siya i-iwan ng Mama mo?"

Dahan dahang napatango si Nelly sa naging konklusyon ko, "Kung gumawa lang siya ng paraan para makapag-aral, kung sana lang rin ay mas ginamit niya yoong pagpi-pinta niya sa mas praktikal na bagay katulad ng pagbe-benta ay sana buo ang pamilya ko. Sana hindi siya nag mukhang talunan."

Napayuko ako sa terminong ginamit ni Nelly.

Bakit ba ang lahat ng tao ay may pamantayan pag dating sa pag-ibig? Bakit kailangan maging perpekto ng mukha at katawan ni Mama para lang manatili si Papa sa tabi niya? Bakit kailangan ni Mr. Goliath na maging edukado at magkaroon ng trabaho para lang hindi mag hanap ng salapi si Mrs. Melanie sa ibang lalaki?

Anong klaseng satispaksyon ba ang hinahanap ng mga tao? Bakit sila ganoon?

"Kaya ka nagsi-sikap na makapag aral? Para hindi ka matulad sa ama mo?"

"Nagsi-sikap ako dahil natatakot akong maging mahirap," natatawang sagot saakin ni Nelly, kita ko naman sa periperal na bisyon ko na napatingin siya saakin, "Sisiguraduhin kong magiging mayaman ako, yoong tipong makukuha at mabibili ko ang lahat."

Bahagya akong natawa sabay iling, ganoon rin ata kataas ang pangarap ko noong nasa bente pa lamang ang edad ko.

"Mag asawa ka na lang ng matanda tapos hintayin mong mamatay," pabirong suhestyon ko.

Napangiti naman siya, "Ayoko nga, kadiri."

Bente uno pa lang naman si Nelly, marami pa siyang pagda-daanan, matututunan at makikilala sa buhay.

"Oo nga pala," pagbabago niya ng tapika, "Parang nakikita kita sa Lyceum dati, professor ka ba?"

Napatikhim ako sabay tango, "Dalawang taon akong nagturo sa Lyceum, pero bumalik ako sa NBI."

"Talaga? Bakit?"

Umiling lang ako, senyales na hindi ko pwedeng sagutin ang tanong niya. Napanguso naman siya sabay tingin muli sa pader.

"Ayos na ba itong apartment?" pagi-iba ko ng tapika, iginala ko muli ang tingin ko sa buong apartment.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Nelly at iginala rin ang tingin, "Ayos na kung ibibigay mo saakin si Reiner."

Mabilis pa sa alaskwatro ang pag lingon ko sakaniya.

"Hindi pwede," agad kong tanggi, seryosong seryoso.

"Cat man," nakangising asar saakin ni Nelly, napangiti naman ako dahil pakiramdam ko ay naging kumportable si Nelly na kausapin ako.

Nag indian sit naman siya.

"Hindi, ayos na ito," tango tangong paglilinaw ni Nelly sa sagot niya, "Nakakahiya naman kung a-angal pa ako, artista pa tumulong saiyo para lang maihanap ako ng ganito."

Hindi ko naman kayang mag tanong sakaniya ng malapit lapit sa nangyari sa ama niya o sa posibilidad na kinidnap siya ni Cash, masyadong maganda ang modo niya para masira.

Kailangan ko ng timing.

Napiling na lamang ako habang nakangiti, ito yata ang epekto ng madalas na pabago bagong mood ni Jazzquin, medyo nagagamay ko na kung paano limitahan ang mga lumalabas sa bibig ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano kami ni Jazzquin, hindi naman kami nagsa-sabihan ng 'I love you' pero panay ang asaran naming dalawa ng hindi naman pang kaibigan.

Desidido kasi siyang hindi ulitin ang naging sagot niya noong tinanong ko siya kung pwede ko siya maging nobya, kailangan daw ay maalala ko dahil wala siyang balak ulitin ang sagot niya.

Pero kahit anong untog ko ata talaga ng ulo ko ay wala akong maaalala.

Nabalik naman ako sa kasalukuyan nang marinig kong sumigaw si Nelly mula sa banyo.

Agad naman akong tumakbo sa banyo para tignan kung anong nangyari, nakahawak si Nelly sa isang transparent na kurtina habang nakayuko sa isang bathtub.

"May bathtub pala dito? Hindi ko napansin kanina!"

Napadako naman ang tingin ko sa bathtub at bahagyang lumunok, napaiwas pa ako ng tingin at pinilit na ikinalma ang sarili ko.

"Sa susunod huwag kang sisigaw ng ganoon," seryosong saway ko sabay lakad palabas ng apartment.

---

"Hoy, Alex?"

"Hmn?" agad akong napa-angat ng tingin nang biglang kunin ni Jonathan ang atensyon ko.

Lunes na ulit at tanghalian na kaya narito kami nina Jonathan at Nathalie sa 7Eleven, ito lang naman ang malapit na kainan sa Headquarters at walang gustong mag sayang ng gasolina kaya dito na lang naming napagkasunduang kumain.

Napakunot ang noo ko nang gayahin ni Jonathan ang ekspresyon ng mukha ko, "Nagta-tanong ako kung kumusta yoong kaso ni Cash."

"Ah," tangi kong nasabi, "POI pa rin ang kapatid mo, pero huwag kang mag-alala dahil sa tingin ko ay malayo na siya ang suspect."

Malalim na napabuntong hininga si Jonathan sabay inom ng tubig. Yoon nga lang ay naibalik niya rin ang tubig sa bote nang hampasin siya ni Nathalie sa braso.

"Tubig ko iyan!"

Sinamaan naman ng tingin ni Jonathan si Nathalie at paasar pang dinila dilaan ang inuman ng bote, bumagsak ang panga ni Nathalie sa sobrang pandidiri.

"Bili ka na lang ulit, may laway ko na rin ito," agaw ni Jonathan sa mismong tubig niya na tinangkang kunin ni Nathalie.

"Baboy mo eh," iling iling kong suway kay Jonathan nang padabog na tumayo si Nathalie at bumili muli ng tubig, ang haba pa naman ng pila.

"Okay lang iyan, may girlfriend naman siyang artista," walang kwentang pagda-dahilan pa ni Jonathan sabay kain ng Tuna Omelette na tanghalian niya, "Arte arte, parang hindi siya nakipagsipsipan ng isang candy sa akin noong trainees pa lang tayo."

"Noong nawala si Wojtek?" naalala ko iyong pagkakataong iyon, survival sa gitna ng gubat. Iyon din ang pagkakataon na binansag ni Jonathan na oso si Wojtek.

Pauso lang iyon ni Jonathan pero mas lalo siyang nagtagumpay sa pagpapauso dahil kada may masasaradong kaso si Wojtek noon ay nagsi-sipag hiyawan ang mga ugok kong kasama at ibang Senior Agent na parang oso. Maliban saamin ni Nathalie syempre.

"Oo, noong tinangay yoong tsinelas ko sa ilog. Tang ina," iling iling na pag-alala ni Jonathan, napalakas naman ang tawa ko dahil naalala ko ang ekspresyon ng mukha niya habang tinatangay ng tubig yoong tsinelas niya palayo.

Hindi man lang naghabol.

Napatigil nga lang ako saglit nang biglang mag vibrate ang cellphone ko, agad ko itong kinuha at tiniginan kung sino ang nagpadala ng mensahe.

YA dumayu, chto moya grud' stala bol'she – Quin.

Agad akong napakunot ng noo dahil Russian ang lenggwahe, agad siguro iyong napansin ni Jonathan.

"Oh bakit? Si Adam yaan ano?" natatawa niyang panghuhula, "Sandali, hulaan ko sinabi niya. Schwarz come here! I need you."

"No, it's Quin," agad kong tanggi, bahagyang bumagsak ang panga ni Jonathan na tila hindi niya nakilala ang pangalang binanggit ko, "Si Jazzquin."

"Ah... si crush," tango tango niyang pag-alala, tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya.

Napatawa naman si Jonathan at napataas ng dalawang kilay, "Woah, huwag kang mag-alala at ikaw ang tinutukoy kong may crush sakaniya. Iyo na iyan at may pinopormahan ako."

Lumuwag naman ako ekspresyon ko sa aking narinig.

Bumalik si Nathalie pero nagtataka ako nang hablutin niya ang kaniyang jacket na naka lagay sa gilid ng lamesa at a-akmang aalis na.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sarah," simpleng sagot ni Nathalie, "Tumakas daw siya saglit sa shoot, bye."

Pinagtawanan pa namin ni Jonathan si Nathalie saglit at hiniyawan bago pa siya makalabas ng 7Eleven, sa sobrang pag mamadali ay namura pa nito ang mga taong nakakabangga niya sa labas.

"Oh? Bakit naman kumunot ang noo mo? Binasted ka na?" natatawa pa ring baling ni Jonathan saakin, napa paltik naman ako ng dila sabay harap sakaniya ng mensahe ni Jazzquin.

Dumukwang pa si Jonathan at binasa ang mensahe habang ngumunguya, habang gumagalaw ang mata niya pakanan ay unti unting kumukunot ang noo niya.

"Anong lenggwahe iyan?" reklamo ni Jonathan saakin na parang kasalanan ko, "YA dumayu? Ganiyan talaga kayo mag-usap? Ano kayo alien?"

"It's Russian," pagta-tama ko kay Jonathan sabay bawi ng cellphone ko, "Hindi ko rin maintindihan."

"Akin na, translate natin sa Google," aya saakin ni Jonathan at muwestra ng kamay na tila may hinihingi.

Napakunot naman ako ng noo. Nagpi-pindot siya sa kaniyang cellphone, mukhang may data ang kumag.

"Akin na," ulit niya na tila inip.

Naga-alangan pa ako noong una pero sa huli ay sumuko rin ako at ibinigay sakaniya ang aking cellphone.

Pako lamang ang tingin ko sa pagti-tipa niya sa kaniyang cellphone, medyo mahaba ang mensahe ni Jazzquin kaya pabaling baling ang tingin ni Jonathan sa cellphone ko.

"Russian ito ano?" paninigurado ni Jonathan, tumango lamang ako.

Mayamaya lang ay napansin kong natapos na siya sa pagti-tipa, napaayos naman ako ng upo upang ihanda ang sarili ko sa kung ano ang ibig sabihin noon.

"Ano?" walang pasensya na tanong ko.

"Sandali puta ang bagal."

Iginilid gilid pa ni Jonathan ang cellphone niya na tila nagha-hanap ng signal. Agad ko namang hinablot ang cellphone ko sakaniya at hinayaan niya lamang ako.

Yoong kunot niyang noo ay biglang lumuwag habang nakatingin sa kaniyang cellphone, mukhang nakita na niya.

"Ano?" tanong ko ulit nang umayos na siya ng upo.

Yuko pa rin akong tinignan ni Jonathan ng makahulugan, tinaasan ko na siya ng dalawang kilay dahil may kakaiba sa tingin niya, "Ano nga?"

Unti unting pumorma ang ngisi sa labi ni Jonathan sabay harap saakin ng cellphone niya, tumingin muna ako ng masama kay Jonathan bago binasa ang translasyon.

Yoong naniningkit kong mata ay biglang nanlaki sa nabasa ko.

"Gago," tanging nasabi ko sabay hablot sa cellphone ni Jonathan pero agad niya iyong naiwas.

"Ako pa sasabihan mo ng baboy Alex," panga-asar saakin ni Jonathan, "Oh! Tignan mo pa, tugmang tugma yoong pinadala niya sa tinipa ko."

Irita kong kinuha ang cellphone niya sabay kumpara nito sa ipinadala saakin ni Jazzquin.

Napagalaw ako ng panga nang mapagtanto kong parehas nga, sinigurado ko pang bawat letra na nakalagi roon ay tugma sa tinipa ni Jonathan.

Tang ina.

Sana pala naging mas mapag pasensya ako at inintay na makabalik ng Headquarters para ako na lang mismo ang nakakita ng translasyon, ano na lang i-isipin ni Jonathan kay Jazzquin?

Sinamaan ko ng tingin si Jonathan, masaya lang siyang tinatapos ang tanghalian niya.

"Kung nakamamatay lang ang titig Alex, baka kanina pa may crime scene dito," may halong pagka seryoso ang tono ni Jonathan bago uminom sa tubig niya, "Huwag kang mag-alala. Hindi ko ipagsasabi kahit kanino, walang hiya babae nag send eh."

"Kalimutan mo na lang na nabasa natin iyon."

"Yes boss."

Malakas na pag hinga naman ang pinakawalan ko sabay tango, naniniwala naman akong hindi ipagkakalat ni Jonathan iyon.

Alam kong may pagka-tarantado siya pero alam niya kung hanggang saan ang limitasyon niyon.

Sinubukan ko ulit na ubusin ang pagkain ko.

"Reliable ba iyang ginamit mong translasyon?" may pagdududa sa sinabi ko.

Malakas na napabuntong hininga si Jonathan sabay krus ng dalawang brasong tinitigan ako, "Akala ko ang trabaho ko ang papatay saakin kasi minsan nakaka bobo, ikaw lang pala."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Jonathan, alam kong may laman iyon pero ayokong intindihin.

Bakit magpapadala si Jazzquin ng ganoong mensahe? Inaaya niya ba ako?

"Bakit hindi mo gamitin ang deduction skills mo para malaman mo?" sabi bigla ni Jonathan na tila nabasa ang iniisip ko.

Napaigting ako ng panga sabay laro ng cellphone ko sa palad, "Hindi ko rin alam, parang hindi naman siya tinatablan noon."

"Nako, nakahanap na ng katapat si Batman."

Natawa ako sa sinabi ni Jonathan, "Akala ko ba Superman?"

"Wala ka namang pwet sa baba."

"Pero may bum chin din si Batman."

"Alam mo Alex, gusto ko lang sabihin talaga saiyo na masaya ako para saiyo," tango tangong sabi ni Jonathan, napatingin naman ako sakaniya at nakita kong puro ang ngiti niya na may kaunting panggi-gigil, "Sa unang pagkakataon ay nakita kitang payapa, hindi iyong mukha kang gurang na maagang mamamatay sa stress, alam mo iyon?"

Iling iling na lamang akong sinarado ang lagayan ng pinagkainan ko, "Ganoon ba ako noon?"

"Oo, sobrang boring mo," walang hiyang sabi ni Jonathan, "Minsan iniisip ko kung may oras ka pa para magsalsal, para kasing lagi kang nahanap ng paraan para maging abala."

Napahimas ako ng noo nang napatingin saamin yoong halos katabi naming lamesa.

"Biro lang," natatawang bawi ni Jonathan.

"Ipinagdadasal ko talaga na sana bastedin ka ng pinopormahan mo," pabiro kong sabi sabay iling.

Natawa naman ng bahagya si Jonathan sa sinabi ko sabay yuko, "Kahit hindi mo na ipagdasal, palagay ko nga basted na ako ngayon pa lang."

Natigilan naman ako nang sa unang pagkakataon ay nakita kong mamasa masa ang mga mata ni Jonathan.

Napaiwas siya ng tingin sabay baling sa labas ng bintana, bahagyang umuwang ang labi ko sabay baba ng tubigan na iniinom ko.

Tang ina. Bakit ko ba sinabi iyon?

"Ayos lang iyan," wala na akong masabi kaya mas pinili ko na lang sabihin kung ano ang unang pumasok sa utak ko.

Hindi natinag si Jonathan sa sinabi ko at nanatiling nakatingin sa labas ng 7Eleven. Mukhang tinamaan na siya sa babaeng tinutukoy niya, bakit hindi ko iyon alam?

Napahinga naman ako ng malalim, marami pa rin talagang hindi nagba-bago. Mahilig pa rin si Jonathan na sarilihin ang hinanakit niya, kung hindi pa lalasingin ay hindi maglalabas.

Sa naisip ko ay naisipan ko tuloy magyaya.

"Inom tayo?"

Sinamaan niya ako ng tingin, "Ano akala mo saakin tanga? Sige kailan?"

Napailing na lamang ako at tumayo na.

"Mamaya, labas mo yan."

---

Nang mahawakan ko ang switch ng ilaw ay agad na kumalat ang liwanag sa buong sala.

Isinarado ko ang pintuan sa aking likuran at pagod na pagod na inilapag ang helmet sa ibabaw ng center table sabay upo sa sofa ng sala, inumpisahan ko na rin mag hubad ng sapatos.

Agad kong napansin na bago na ang comforter na nakatupi sa ibabaw ng tatlong unan na ginagamit ko, iba na rin ang kobre ng mga iyon.

Lihim akong napatingin sa pintuan ng kwarto ko na nakasarado, nagpalit yata si Nelly ng kobre.

Doon ko lang napansin na parang ang linis ng bahay. Pati ang mga kurtina ay pinalitan at halos kumintab ang sahig sa linis.

Ano kayang naisipan ng batang iyon?

"Meow."

Bumaba ang tingin ko kay Reiner, nakaupo ito sa may paanan ko at nakatingala patingin saakin.

"Kaunti lang," ngiti kong sagot sakaniya, kunwari ay naamoy niya akong uminom at pinapagalitan.

Nakasanayan ko na itong gawin, ang kausapin si Reiner kada gigising ako sa umaga at pag-uwi ko. Dati kasi noong bata ako ay nasanay akong pinagsasabihan at kinakausap ni Mama tuwing nag a-agahan at u-uwi galing eskwelahan.

Muling nanumbalik ang mga alaala sa utak ko, napansin siguro iyon ni Reiner kaya tinalikuran niya ako at naglakad sa may kusina. Napailing tuloy ako at napatayo upang tignan kung pinakain na sila ni Nelly.

Nakita kong may isang piraso pa ng cat food ang natira sa kainan kaya wari ko'y pinakain na nga sila, hinanap naman ng mata ko si Jona pero mas napako ang tingin ko sa pagkain sa lamesa.

Kunot ang noo kong nilapitan ito at hinablot ang papel na nakalagay sa ibabaw ng pantakip ng ulam.

Kung kumain ka na, ilagay mo na lang yoong ulam sa ref. Bukas din ang pintuan ng kwarto, hindi ko ni-lock.– Nelly.

Ayon, buti at makakakuha ako ng damit pantulog at pamasok bukas.

Itinaas ko naman ang takip ng ulam at tinignan kung ano ang niluto ni Nelly, hindi ko alam pero napangiti ako nang makakita ako ng sinigang.

Siguro dahil ito ang paborito ni Mama.

"Mama, sinigang nanaman?" reklamo ko nang ilapag na niya ang magiging ulam sa lamesa.

Dinilaan niya lamang ako, "What? Sei nicht wählerisch und einfach essen!"

Napakamot na lamang ako ng ulo at pinaliguan ng sabaw ang kanin ko. Nang maisubo ko na ang unang kutsara ay napailing na lamang ako habang nakangiti.

Kumuha ako ng kutsara at humugot ng isang upuan, nag hila rin ako ng isang placemat at binuhat ng kaunti ang mangkok ng sinigang sabay papak niyon.

"Meow!"

"Hindi pwede," suway ko kay Reiner, baka mamamaho lalo ang dumi niya kapag binigyan ko siya.

Marunong naman siya maghukay at maglubog dahil may kahon siya para doon, pero ayoko siyang masanay sa pagkain na hindi pang pusa.

"Aray ko," bahagya akong napatalon sabay baba ng tingin kay Reiner, kinalmot kasi nito ang paa ko.

"Aba aba," ani ko sabay a-akma na tatampalin ko siya pero nau-unang umatras ang ulo niya, napapapikit pa.

Natawa naman ako at kinutkot ang noo niya, "Nagiging salbahe ka na."

Tumayo naman ako mula sa pagka-kaupo at kumuha ng tubig sa refrigerator, kulang saakin ang isang baso kaya nagsalin pa ako ng isa.

"Meow."

Agad naman dumantay ang paningin ko kay Jona, kapapasok lamang nito sa kusina.

Saglit na umalis ang tingin ko sakaniya pero agad rin iyong bumalik, para kasing may napansin ako sakaniya.

"Jona," seryoso kong tawag sa pusa kong puti at sinarado na ang ref sa aking likuran.

Nang hindi nagkusang lumapit saakin si Jona ay ako na mismo ang lumapit at binuhat siya.

"Sandali kasi," suway ko kay Jona nang maglikot pa ito.

"Meow," ngawa nito saakin, itinalikod ko siya sa dibdib ko at tinaas ang dalawang unahang paa nito.

Gamit ang isang kamay ay hinaplos ko ang tiyan niya na medyo malaki.

Nang may maramdaman akong umbok ay makahulugan kong tinignan si Reiner na nasa hindi kalayuan, nakatingala siya at lumilikha ng tunog na parang galit saakin. Napadako tuloy pabalik kay Jona ang tingin ko.

Unti unti kong ibinaba si Jona muli sa sahig, lumapit dito si Reiner at inamoy amoy.

Matapos ng saglit nilang landian ay sabay pa nila akong iniwan mag-isa sa kusina.

Unti unti kong inilagay ang dalawa kong minasahe ang isang gilid ng panga ko.

Naunahan na nga ako ni Reiner magka nobya, naunahan pa akong magka anak.

"Mamamatay ba tayong single, Alex?" lasing na turan sa akin ni Jonathan.

"Hindi."

"Ah tang ina! Gusto kong maging Abogado."

Napailing na lang ako at uminom muli ng tubig.

Nalasing nga yata ako.

Продовжити читання

Вам також сподобається

DOLLHOUSE Від 𝙨𝙝𝙚𝙚𝙣

Детективи / Трилер

7.4M 375K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
✔ How To Tame A Succubus Від NoxVociferans

Паранормальні явища

5.3K 536 40
What happens when a wizard in training summons a succubus? Orphaned at a young age, Merlin wanted nothing more than to avenge his brother. Now that h...
37.3K 2.7K 30
Grie Mcfee Amberson is an adorable guy who loves potatoes so much, at talaga namang gagawin niya ang lahat para lang maipaglaban ang kanilang pagmama...
223K 6.7K 51
Cara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatras...