Love Shot ✅

By babyboobaek

98 63 8

A nameless pub witnessed different love stories that will be tackled every chapter! Continue reading to find... More

Maxine
Joraine
Dani
Author's words
Shy
Love
PLAYLIST

Theo

14 8 0
By babyboobaek

HIS POV


Inayos ko ang suot kong polo. Tinignan ko ang buhok ko sa salamin. May nakatayong ilang hibla. Sinuklay ko ito ulit.




Handa na. Handa na ko.





Hindi na nagtaka si mama ng makita niyang maaga akong lumabas ng bahay. Alas sais pa lang kasi. Pupunta akong flower shop.







"Nay Linda, yung sinabi ko sa inyo nung isang araw ha." Pagpapaalala ko kay nanay.






"Ngayon na ba iyon iho?" Ulyanin na talaga si nabay Linda. Matanda na rin kasi. Isa siya sa pinaka naunang nakatira sa baranggay namin.







"Opo. Nakalimutan mo na po, nay. Pupunta ako sayo mamaya bago mag-alas cinco, kukunin ko po." Tumango tango naman siya at ngumiti sa akin. "Good luck!" Tawa ng tawa si nanay.






Ngayon pa lamang ay kinakabahan na ako. Hingang malalim.





Maxineee

Pupunta ka?




Napangiti ako ng mabasa ko ang message ng girlfriend ko. Akala niya kasi may aattendan akong party at hindi kami magkikita today.






Kahapon niya pa ko pinipigilan na pumunta. Mamimiss niya raw ako. Cute talaga ng girlfriend ko.







I think it's fun to live with her. Everyday will be filled with love.







Hindi ako nagreply. Alam kong magtatampo siya. Bare with me, love.





Pumunta ako sa pub kung s'an lahat nagsimula. "Sir, yung usapan natin ha. Mamayang 6:00." Nag-okay sign naman si Sir Love. Hindi ko alam bakit natutuwa ako sa pangalan niya. Ang unique kasi lalo na sa isang lalaki.





"Wala kaming cake. Bumili ka na lang. Sa may bakery na madadaanan mo sa tabi ng barber shop sa tapat namin, masarap don."





Muntik ko ng makalimutan yon! Ngumiti naman ako at nagpasalamat. Alas siyete imedya na. Siguro nagaalmusal na siya.







Pumunta ako sa sinasabi ni sir Love. "Good morning po, pwede po ba akong magpareserve ng cake para mamayang alas cinco?"





"Sure sir. Ano po bang flavor gusto niyo?" Chocolate ang gusto niya.





"Chocolate. Pwede bang medyo maalat? Gusto kasi ng girlfriend ko yung salty-sweet yung chocolate." Tumango naman yung babae. "Para po pala sa girlfriend niyo. Anniversary sir?"






Umiling ako sa kaniya. "Wala namang okasyon ngayong araw para saming dalawa. Kaya ako na ang gagawa ng icecelebrate namin today."







"Sanaol sir." Tumawa yung babae. Hindi, humalakhak siya. Corny ba? Di yata bagay sakin. Simula ng maging girlfriend ko siya, naging ganto na ko. Maraming kusang nagbago.






Lumapit yung babae sa akin. May dala siyang folder. "Sir, upo po." Pagaaya niya sa isang table sa harap ng counter. Medyo malaki rin tong bakery. May tatlong table sa loob at dalawang table sa labas.






"Ano po bang gusto niyong design? Ay, siya pala. Ano po bang gusto niyang design?" Natawa ulit yung babae kaya nahawa ako.





Pinakita niya sakin yung mga sample pictures. Magaganda lahat. Pero may isa akong nakita na alam kong magugustuhan niya. "Ito. Mahilig kasi siya sa sheep." Natawa ulit yung babae. Napapaisip tuloy ako kung talaga bang nakakatawa ako.






Tumigil sa kakatawa yung babae at nagsalita. "Magpopropose kayo sir no?" Sabi naman niya.





Yumuko ako. Kinabahan ulit ako sa thought na magpopropose na ko sa kaniya. Tumango ako ng unti-unti.








"Pagagandahin ko to sir, akong bahala. 5:00 pm sir no? Sa pub po?" Nagdedeliver din daw kasi sila. Madaldal din siya at di ko namalayan na magaalas diyes na.





Umalis ako matapos kong makapagbayad. Pumunta ako sa sakayan. Papunta ako ngayon sa bestfriend ni Maxine. Si Lystra. Ang alam ko ay malapit sa bahay nila ang isa pang kaibigan ni Maxine, si Verna.






"O, Theo! Aga mo a. Pasok ka. Di pa ko nakakapaglinis, pagpasensyahan mo na ha."





Nang makapasok ay nagsalita ako kahit na natutuyuan na ang lalamunan ko sa init ng araw. "May hihingin sana akong pabor." Umupo naman siya ng ayos sa harap ko.






"Magpo-propose na kasi ako sa kaniya." Saglit napatigil si Lystra at saka tumalon at naghihiyaw.







"Yiee! Totoo! Nako, ikakasal na ang Chennie ko! Oo naman, kahit anong pabor yan! Ano ba? Anong gagawin ko? Naku ha, galingan mo. Kinikilig talaga ko, wait."





Chennie ang tawag nila kay Maxine. Palayaw niya kasi yun. Super close sila nitong ni Lystra kaya alam kong hindi siya pwedeng mawala sa araw na to.



"Mga alas sais mo siya dalhin sa pub. Saka si Verna. Isasama ko rin siya sa plano." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na kaagad si Lystra.





"Ako na bahala kay Verna. Wag mo na intindihin. Bahala na kaming magusap. Sige na. Alam kong busy ka. Magaayos na ako pagkatapos ko makausap si Verna para ready ready na!" Halatang excited siya dahil sa bilis ng pagsasalita niya.







Paglabas ko sa bahay ni Lystra, 11:30 na. Kakain muna ako.





Naglakad ako habang palinga-linga. Naghahanap ako ng makakainan.








Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip. Napangiti ako ng maalala ko si Maxine nung una ko siyang makilala.







"Kuyang pogi, mamili ka na. Lagot ako sa prof ko pag di ko nabenta yung cookies niya." Nagpa-cute pa siya sakin non. Tawa ako ng tawa sa kaniya. Lagi kaming nagkakasalubong sa campus.





Ang simple lang niya. Lagi akong napapangiti pag nakikita ko siya. Di nagtagal naging magkaibigan kami. Madali lang kaming naging close dahil na rin pinakyaw ko ang cookies na pinapatinda sa kaniya.






Sa araw-araw, lalo ko siyang nakikilala. Confident naman siya. Funny. Lovely kahit hindi niya aminin. Cute madalas. Napakabait at caring kahit sa mga kaibigan.






Magaling rin siya sa maraming bagay kaya hindi ko maiwasan ang humanga sa kaniya. Independent din siya. Kaya niya yung sarili niya. Yun ang pinaka nagustuhan ko sa kaniya.






Niligawan ko siya kaagad ng marealize ko na gusto ko talaga siya. Nung naging kami, lalo akong namangha sa mga natuklasan ko sa kaniya. Clingy siya. Nakakatuwa, kasi ang sarap sa pakiramdam ng laging may nagpapaalala sayo na importante ka sa kanila.







Habang tumatagal, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya.







Sa loob ng mahigit dalawang taon, alam kong siya na ang gusto kong mapangasawa.





Ayaw ko na siyang mawala pa.





Nang makahanap ako ng makakainan ay nagmadali na ko. Alas dose na kasi.





"Boss, pwede pa-connect sa wifi."




Ibinigay naman sa akin nung crew yung password. Chinat ko si Raver.




Pare, ikaw na bahala kina tita ha. Sina mama rin. Ako bahala sayo, mamaya, iyo lahat ng alak.





Matino namang kausap tong best friend ko. Saka nagkausap na kami nito nung nakaraan.



Sure pare. Sabi mo yan ha



Bilis magreply pag may suhol. Natawa na lang ako. Matapos akong makapananghalian, dumeretso ako sa bilihan ng singsing. Mag aalas dos na ng makarating aki roon medyo may kalayuan din kasi.





"Good afternoon, sir." Bati nung staff. Tumingin tingin ako sa mga nakalagay don. Napako ang tingin ko sa isang singsing na may kasamang kwintas.



Nakasabit yung singsing sa kwintas. Silver. Lumapit ako para makita ko ng maayos yung design. Ang ganda ng design.





May magkahawak-kamay na design yung singsing. Para bang ipinangangahulugan nito ang pagdudugtong o pagiisa ng dalawang tao sa pagtanggap ng kamay ng kabiyak nito.



"Proposal sir?" Napaangat ako ng tingin sa female staff sa tabi ko.




"Opo." Tinuro ko yung singsing na kanina ko pa tinitingnan. "Maganda ang choice niyo sir. Ibigay niyo na lamang po yung size at ireready ko na po yung order niyo sir, kung sure ka na sa pinili mo."






Matapos kong makipagnegosyasyon sa staff na kausap ko naiuwi ko rin ang balak ko talaga rito.






Lagpas alas kwatro nang makarating ako sa flower shop.







"Nay, thank you po a." Umalis ako matapos kong makuha lahat ng kailangan ko. Pagkarating ko sa pub, nandon na ang tatlo sa mga kaibigan ni Maxine. Si Therese, Joey, at si Jacob na boyfriend ni Therese.





"Buti nandito ka Therese. Di ako magaling sa arts e. Tulungan mo naman ako. Pano ba to?" Medyo close ko itong si Therese dahil madalas namin siyang kasama ni Maxine. Pati na rin si Joey na kung tawagin madalas ni Maxine ay Joeyline.






Nagdedesign kami ng dumating yung inorder kong cake. "Sir ako na po." Sabi nung isang crew sa pub. Si Joraine. Girlfriend siya nung isa kong junior sa department namin nung nagaaral pa kami, way back in college. Si Marco.





"Miss, thank you. Saka ano.., paturo ako mamaya magset up ng mga instrument saka ng kung ano ano sa stage ha. Di kasi ako magaling sa ganyan e. Isang beses lang talaga ako kakanta haha." Napakamot naman ako sa batok ko at nahihiyang tiningnan si Jacob.





"Boss, wag mo ko tawanan. Hayaan mo tutulungan rin kita pag ginagawa mo na tong ginagawa ko." Natawa naman siya. Bumaling ulit ako kay Joraine.





"Salamat ha." Tumango naman siya at itinabi yung cake. Nasulyapan ko saglit yung cake. Ang cute.






Matapos ang halos kalahating oras ay natapos kami sa pagdedesign. Nagseset-up kami sa stage ni Joraine ng dumating si Raver.





"Bro! Pano to!" Natatarantang sigaw ni Raver pagpasok sa pub. Kinabahan naman ako. Bumaba ako sa mini-stage at lumapit sa kaniya.



"Bakit?" Medyo nanginginig na yung boses ko pero dapat chill lang.






"Wala. Joke lang pre." Binatukan ko siya. At sinigurado kong malakas yon. "Gago! Kinabahan ako. Kinakabahan na nga ako kanina, dadagdagan mo pa! Hayup ka!" Tawa naman ng tawa yung tao sa pub.






Katulong ko si Joraine at Marco na magset-up sa stage. Handa na ang lahat. Handa na ko.







Siya na lang ang kulang.







Pinagtago ko muna sina tita at mama sa may side kung saan medyo madilim. Ang bagal nga kumilos at nagdadaldalan pa haha.






Nasa gilid naman ng pinto sina Therese, Jacob at Joey.






Yung mga pinsan naman ni Maxine nasa bandang gilid ko. Mga anim siguro yun. Apat na malalaking lalaki, sina kuya Dave, kuya Aktrine, kuya Ivan at kuya Allain. Hindi nga sila kumpleto e. Kasi yung iba may pasok sa work.






Kasama rin yung dalawang babaeng pinsan niya. Sina Ate Aya at ate Hanna. Kasama din si ate Aissel na asawa ni kuya pantet, kuya niya. Kumpleto yung mga kapatid niya pati ang girlfriend ng ate niya, si Emjay.







Parang ang hirap magtago. Ang dami kasi namin haha. Nagtext si Lystra.





Malapit na kami. Nasa barber shop na kami. Patawid.





Sinimulan na ni Marco tumugtog.





Back up singer ko naman si Joraine, habang si sir Love naman ay nakatayo sa counter.







Bumukas ang pinto ng pub at iniluwa nito si Maxine. Tuwang tuwa siya ng makita ang tatlo sa mga kaibigan niya.





"Bat nandito kayo?!" Nagyakapan naman ang magkaibigan. Doon niya napansin na nasa akin ang spot light.




"No one ever saw me like you do
All the things that I could add up to
I never knew just what a smile was worth
But your eyes say everything without a single word"






Bumaba ako sa stage habang hawak pa rin ang mic. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, naluluha ako. Nakita ko siya. Nakangiti.




Sobrang saya.





"'Cause there's somethin' in the way you look at me
It's as if my heart knows you're the missing piece"


Hinawakan ko ang kamay niya. At ngumiti sa kaniya.


"You made me believe that there's nothing in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way you look at me"





Pinagpatuloy ni Marco at Joraine yung kanta ng mahina lang. Nagsimula na kong magsalita.





"Sa pub na to, una tayong naging magkaibigan. Naalala mo?" Natawa naman siya.






Umuulan non. Paglabas ko ng pub, nakita ko siya. Wala kasi siyang payong kaya siguro nakasilong siya. "Miss, wala kang payong?" Napaisip nga ko non. Ang tanga ng tanong ko. Ngumiti siya non at sinabing wala. Nagshare kami sa payong ko hanggang sa sakayan.






"Salamat ha. Saka sa pagpakyaw mo ng cookies." Don ko lang naalala na siya yon. Tawa kami ng tawa non kasi di ko siya nakilala.






"Di mo ko nakilala non. Kasi bagong rebound ako non. Kaya takot ako lalo na mabasa ng ulan." Tumawa si Maxine.






"Sarap pa lang magparebound sa baber shop dito, nagkakajowa!" Sigaw naman ni kuya Aktrine. Maloko talaga yan. Nagsitawanan naman yung mga bisita namin.







"Dito sa pub na to, sinagot mo ko." Napangiti ako sa mga taong nakapaligid samin. Kinikilig sila. Siya din kaya?








"Anong ginagawa mo?" Nakataas ang kilay ni Maxine nang tinanong niya ko habang nakaupo ako sa pub kasama ang long lost friend kong si Janna.





"Wag mo ngang hawakan si Theo!" Sigaw niya kay Janna. Natawa naman si Janna at unti unting nagets ang sitwasyon.






"Sino ka ba?" Inasar pa siya ni Janna. "Nililigawan niya." Natawa ako ng kaunti kasi ang cute niya mainis. Alam kong kinakabahan din siya. Don ko nakita ang masamang tingin ng mga kaibigan niya sakin.





"Nililigawan ka lang pala e. Di ka girlfriend." Pangaasar ni Janna.




Sinipa ko sa ilalim ng table si Janna. Nginitian niya lang ako. "Edi girlfriend na niya ko! Oy, sinasagot na kita. Tumayo ka diyan!" Nagulat man ako nong mga oras na yon, nangibabaw pa rin ang tuwa.







"Sinagot kita kung kailan hindi mo ko tinatanong." Sa hindi ko mabilang na pagkakataon, tumawa ang mga bisita namin.






"Dito sa pub na to, ang unang away natin."







"Sabi ko sayo, wag ka magpapakalasing!" Hinampas niya ko sa likod. Sa sobrang lakas, pakiramdam ko nawala ang kalasingan ko non. Di ko na maalala kasi nagblack out ako. Kinabukasan ko na nalaman na siya ang nagbuhat sa akin pauwi.







Sobrang galit siya kinabukasan.







"Dito sa pub na to, una tayong nag-kiss." Naghiyawan naman ang crowd! Haha.




Pinagpapawisan na ang kamay ko.







"Magiinom kami ni Raver." Pangaasar ko sa kaniya. "Sabing wag na. Tara na kasi."




Pinapauwi niya ko non. "Kiss muna." Panunukso ko sa kaniya.







Nagulat ako kasi hinalikan niya ko. Agad akong napatayo. "Maginom ka mag-isa mo pare." Agad akong tumayo at iniwan si Raver sa pub. Hinawakan ko ang kamay ni Maxine atasaka umalis.







"Para kang abno non, pare." Tawa naman si Raver.






Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "At dito sa pub na 'to, aayain kita magpakasal." Lumuhod ako sa harap niya. Nakita ko naman na napangiti siya ng malaki.






Tumulo na rin ang luha niya.





Inilabas ko yung sing sing.






Hinawakan ko ang kamay niya. "Will you be my wife?" Umupo naman siya upang makapantay ako saka ako hinalikan saglit at niyakap.








Umiiyak siya. "Wala ka pang sagot!" Pangaasar ko sa kaniya.




Tumayo kami. "Dito sa pub na to, papayag akong magpakasal sayo." Hinalikan ko siya.





Hinapit ko ang baywang niya para hindi siya makawala. Ramadam ko ang pagkurba ng mga labi niya hang hinahalikan siya. Humiwalay ako. "Nakalimutan ko isuot sayo." Nagtawanan naman sila.









Isinabit ko sa leeg niya yung necklace na may sing sing.






Ipinalupot naman niya ang dalawa niyang kamay sa batok ko para halikan ako ulit. Naghiyawan na naman yung crowd!





"O tama na yan, inuman na!"




Napailing na lang ako kay Raver.









Having feelings for someone means giving away a bit of your heart.






Loving someone is strange and amazing at the same time.










Continue Reading

You'll Also Like

27.5M 700K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
73.8K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...