Thorns of Roses

By MeanAndBlock

307 23 18

Even being a girl with girl siblings and girl bestfriends, Aamirose Christine de La Isla contradicts what mos... More

Thorns of Roses (Series of Hana #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 11

13 1 2
By MeanAndBlock

Chapter 11

There are far greater things than being happy, but I guess we will always resort to things that make us enthusiastic; things that couldn't devaluate us and things that we learn to love in the process. In the end, no matter what we choose, our last and final resort will always be our own happiness.

Happiness with no greed and full of self-worth.

But, is it really possible?

Binato ko ang aking sombrero sa nakangising si Jace. We were in the midst of discussing Hugh's wants. Gusto niya raw magshift ng course; culinary. Habang ako'y pinipilit na huwag niyang gawin iyon, ang apat ay patuloy ang pagkukumento na kung saan siya mas masaya ay iyon dapat ang piliin niya.

In my case, I don't think that your course and future career is just all about you. Pero nawala kami sa topic nang biglang nagcrack ng joke si Jace na wala atang ibang ambag kung 'di ganoon.

"Second year na tayo bukas, habang maaga pa, pag-isipan mo."  Si Arn.

I don't really know the reason why he pursued Mech. Eng kung ayaw niya naman pala in the first place. But wow, coming from me? I don't think I am fit to say that when I am doing the very same thing.

"Kayo, ba't Mechanical Engineering kinuha niyo? No offense, I know you're very good in this field. I just want to know your reasons. Kasi ako, my dad is one, and I think it's better to pursue something aligned with what your parents are taking." Si Brain.

"Decided naman na kaming dalawa ni Renz noon 'di ba? Ang akala ko nga'y sa ibang field kayo ng engineering dadako, hindi ko alam bakit kasama ko kayo noong enrollment." Arn abruptly said.

Nasa bahay kami nina Renz ngayon, pero imbes na sa court ang pinalagian namin, we're in their game room. Punong puno ito ng iba't ibang gaming devices at mga disks. May billiard table rin, dart board and such.

"Hindi ako pumasa sa Electronics, kasunod noon ang Mech Eng. Not bad, natutunan ko na rin magustuhan kasi marami namang benefits." si Jace na himala ay seryoso na ngayon.

Madramang sumimangot at sumalampak sa sahig si Hugh.

"Ang layo kasi ng Culinary sa inyo at sa business ng parents ko." Pagsasagot niya.

Lumapit ako sa kanya at umupo rin sa sahig. I held his shoulders and hugged him. A soft big baby.

Because above all the words and rants in this four cornered room, we shared the same struggle and sentiments. Ang kaibahan ay ni minsan, hindi ko naisatinig na gusto kong magsundalo at hindi maging inhinyero.

"Ikaw AC?" pagtatanong niya. Ngumiti ako at kunwari'y nag-iisip.

"Dahil sa 3 Idiots movie." I answered.

Marahas na tumayo si Hugh sa gilid ko at binatong pabalik ni Jace sa akin ang sombrero. Umiiling sila dahil akala nila ay nagbibiro na naman ako!

"Hoy! Oo nga." Sigaw ko at tumayo na rin.

"Sabagay, makes some sense." Si Jace na tumatango tango pa.

Nakatingin lamang sa akin si Hugh na parang walang katiting na idea sa sinasabi ko.

"Have you watched that movie tho?" I asked at tumango naman siya. "Then panoorin mo ulit. Tapos saka ka mag-isip." I continued.

Lumagpas ang tingin niya sa akin dahil sa pag-iisip at kinuha ko ang oportunidad na iyon para magpaalam na umuwi.

"Sabay ako sa'yo, AC." Paghahabol ni Brain. Sakto siguro ngayon kasi ihahatid na sila ni Renz, I mean for the first time in forever, at sakto lang sa 4 ang kasya sa sasakyan. Wala sa mood makipagsiksikan?

I shrugged and texted Sir Nico para magpasundo. Trip na trip ako no'n sunduin o ihatid. One call/text away lang. Ewan ko rin kung bakit.

After few more chitchats, nagpaalam na ang 4 na mauuna. Malungkot na yumakap sa akin si Hugh bago umalis na ikinangiti ko.

For me, he's very much suited in our course. Marami siyang alam tungkol dito at mga background knowledge, kaya't nagulat ako na gusto niyang magpursue ng culinary na malayong malayo sa field na ito. I guess, you can't really remove a person's wants and needs in choosing a career 'no?

Hugh and his passion for food.

Dumating ang sasakyan ni Sir Nico at nagkatinginan sila ni Brain. For a moment parang may invisible electricity na dumaloy sa line of vision nila, taray anime? Pero nawala rin agad.

I hopped in the shotgun seat. Sinarado ni Sir ang pintuan kaya't hindi ko naririnig ang sinasabi niya kay Brain na siyang dahilan ng kanilang pananatili sa labas ng sasakyan for like a couple of seconds.

Nang umandar ang sasakyan ay nasanay na akong kinakalikot ang iPod ni Sir for some music. Wala ako sa mood sa mellow songs at relaxing kaya umalis ako sa kanyang playlist at naghanap pa.

"Stay for tonight
if you want to
I can show you
what my dreams are made of."

Sa pangalawang line ay sumabay sa akin si Brain mula sa backseat. Napa-headbang ako at sinabayan siya sa pagkanta ng susunod na lyrics. Para kaming nagsha-shower concert sa loob ng kotse ni Sir.

"How the hell did we end up like this?
You bring out the beast in me
I fell in love from the moment we kissed
since then we've been history"

Kellin's voice is so soothing for me, kahit na hindi mo maiimagine na lalaki siya sa unang rinig mo ng kanyang boses. I guess I liked him more because of that.

Nagtatawanan kami ni Brain sa loob ng kotse noong binirit niya ang higher note. Dumako rin ang usapan namin tungkol sa kung ano-anong bagay tungkol sa banda at umabot pa sa issues nito sa alcohol and such.

"They say that love is forever
your forever is all that I need.
Can't promise that things won't be broken
but I swear that I will never leave"

The song ended with our voice singing along with it. The next songs were still songs of the same band and I can't stop giggling with Brain habang patuloy kaming dalawang kumakanta.

Pero tumigil na lamang ako noong tumikhim si Sir. His eyes were fixed on the road na para bang may ginawa itong masama sa kanya. Without any word, I turned the volume lower and just hummed it peacefully.

Nakakahiya, siya na nga ang sumundo siya pa ang mukhang na-a-out of place.

"Sir 'di ba po graduating ka na this year?" Paninimula ni Brain matapos kami balutin ng katahimikan.

Tumango lamang si Sir na siyang kinakunot ng noo ko.

"This year? Akala ko next year pa?" I asked.

"Hindi, maaga ako ng isang sem dahil pinuno ko 'yong loads ko noong First Year tapos nakapag-OJT na rin ako."

"Pero sasabay ka sa march nila Sir?"

"Most probably."

Tumango tango naman ako pero nakita ko ang titigan ni ni Sir at Brain sa rearview mirror.

"Next year Sir, sa Law school ka na kung ganoon?" pagbabasag ko ng kanilang titigan.

"My plan. Tho I think I'll review first for LET then PhilSAT. Take undergrad subjects required for law school that my course didn't offer."

The pressure and tension filled the air kasi kanina lamang, pinag-uusapan namin kung gaano ka-hindi sigurado si Hugh sa kanyang kurso while Sir Nico here is very much staying in the lane with his dreams and goals.

"Ikaw Brain?" I muttered.

"Bussiness." He simply shrugged. Kuminang ang piercing niya sa kaliwang tainga nang tumagilid siya para tumingin sa bintana.  

Well, the CVC progressed so much. Ang kilalang kumpanya ng pamilya ni Brain, na isang automotive and electronics with 40+ technical divisions, is highly admirable. Baka roon na nga ang tungo ko pagka-graduate.

Nakarating kami sa malaking gate ng isang Village Park sa Makati na siyang bababaan ni Brain. Kumaway siya sa akin at nanatili naman ang tingin ni Sir na siyang tinanguan lamang niya bago humarap ang kanyang likod sa amin.

As soon as the vehicle continued moving, we talked about random stuff, how our first day of me being a sophomore tomorrow. Tumatango lamang siya at paminsan minsang sumasagot. 

And just like that, my day is already nice.

-

"The blue or the red one?"

Calla is busy choosing a gown for her upcoming beauty pageant in LSU. Mahilig talaga siya sa mga ganito and she even tried modelling before, pero 'di niya lamang binibigyan masyado ng pansin.

"Why do you have to join the pageant anyway?" si Aly. Tatlo kaming nandito sa boutique since wala naman akong masyadong alam sa detalye ng isang gown ay pinipili ko lamang iyong papasok sa taste ko.

"You know hindi naman ako pwedeng tumakbo na lang bilang council president basta basta. I need a name." Calla said, without tearing her eyes off in a large mirror in front of her. Sinasalit salit niya ang dalawang gown sa tapat ng katawan niya.

"I like the pink one better." Pagpapatuloy ni Calla.

"No." sabay na anghil namin ni Aly. Anything but not pink please.

Umirap siya sa ere at binalik ang tingin sa blue at red na nasa harap niya. Personally, I like the red one better. Dalawa ang kakailanganin niya, isang short dress at isang evening gown.

The blue one is just a simple off shoulder na nagcross sa bandang dibdib. Matingkad na uri ang tela nito at may mataas na slit na kaliwang hita. While the red one has a deep neckline. Sleeveless ito at  may accent na flowers sa upper part. Sa likod nito ay backless na may clear ata na tela na hindi makikita kapag suot mo.

I hope I described both of them with justice.

"I think, gamit na gamit na ang blue and red sa mga evening gown. Ganoon din ang black." Paninimula ko. Lumingon sila sa akin na may pagtataka.

"Although I like the red one for you because of your porcelain skin, I think fiery red is very mabenta na sa mga sumasali sa beauty pageant. Something na titingkad ka, bagay sa'yo at attention seeker type of gown ang gusto ko for you." I continued.

Tumango lamang si Calla, tila naiintindihan ang aking punto.

"Sa bagay, I've been using red in most of my contests."

"What color should we choose then?" si Aly na ngayon ay nililibot ang paningin sa loob ng boutique.

Ginawa ko rin iyon at napadako ang tingin namin sa isang particular na long gown na nasa mannequin. Nagkatinginan kami ni Aly at kumindat ako sa kanya.

"Yellow."

-

The months of my second college year passed so fast. Next thing I knew, malapit nang matapos ang unang semester nito at papalapit na rin ang Foundation Week na paggaganapan ng Miss LSU.

Calla is very confident and vocal about how sure she is that she would win this. Isa sa mga criteria for judging ay amount ng donation. Pero siyempre with a twist.

Since Calla is representing the whole Engineering Department para sa babae, at ang partner niya naman ay isang Civil na hindi ko kilala, lahat ng types of engineerning student na meron ang LSU ay nagtutulungan para rito.

We were given a week to raise funds without sponsor and walang nilalabas na sariling pera, siyempre lugi kami sa business department pero magpapatalo ba kami? Hindi.

Ang lahat ng pumapasok na pera ay may financial report at records and receipts na kung ano ano man na nakaassign kina Aly. 

At ang target namin ngayong customer: Senior High School students. Sobrang mabenta talaga ng engineering guys sa Senior High. Mas marami ring fangirls ang varsity mula Senior high dept kaya't bakit hindi natin pagkakitaan ang kapogian ng 5?

Renz is holding a placard the says free hugs, habang si Brain naman ay isang kiss mark stamp na kada nilalagyan niya noon ay halos himatayin dahil madrama niya pang nilalapit ang mukha niya.

Kiss mark stamp lang ang gagawin pero ang nakalagay sa head band niya ay 'Free Kiss'. Scammer. 

Hawak naman Hugh ang chocolate na binebenta. Every purchase saka sila makakuha ng free hug or kiss of course. While Arn is holding a camera, kada bibili, may free pass ka for a picture na ipopost din niya. And Jace? Ayun. Sa kanya raw magpapapicture.

Ang ganap ko siyempre, salestalk. Walang bago, crush ko pa rin si Sir Nico. Char.

Pero ang totoo niyan, kinuntsaba ko si Sir Nico na pumunta sa booth namin sa hilera ng Engineering building at dalhin niya ang estudyante niyang senior high.

True enough, naglalakad si Sir with his usual white button down long sleeves polo, slacks at brown leather shoes. Maayos din ang kanyang buhok at ang salamin sa mata'y lalong nagpatingkad ng kagwapuhan niya.

Mabilis ang kanyang mga hakbang sa kahabaan ng quadrangle. Ang sikat ng araw na tumatama sa rim ng kayang salamin ay nagbigay ng kakaibang epekto. I was looking at him from afar, and I don't really know what his expression is.

Pero nang makitang may mga nakapilang students sa likod niya na nakasunod sa kanya ay lumawak ang ngiti ko, siyempre eyes on the goal! Bonus na lamang si Sir.

Nilingon ko ang 5 lalaki na pinagkakaguluhan ng mga Tourism students. Maraming nagpapapicture kay Jace na medyo kinamangha ko habang si Hugh naman ay masayang nakatayo at ngningitian ang kada bumibili ng chocolates para ma avail ang service tatlong feeling celebrity.

Lumapit ako nang may biglang kumalabit. Tourism student din 'ata ito base sa kanyang uniform at niyugyog niya ang balikat ko.

"Gurl, take a picture of us!" sigaw niya. Sobrang lapit sa akin ni ate at nakikita ko ngayon ang sobrang kinis niyang mukha. Maaliwalas rin ang kinulot niyang brown na buhok, perpektong kilay at light make up na lalong nag-enhanced sa features niya.

Tinuturo niya si Arn na mukhang busy sa pagkuha ng retrato. Pero nang natapos at dumako ang tingin niya sa amin- more like sa babaeng kasama ko- at sinamaan niya ito ng tingin.

Niyugyog niya uli ang balikat ko nang mas marahas. Umiling ako at kinuha kay Arn ang camera. Ngunit mabilis niya itong nilayo sa akin.

"At bakit?" tanong ko. Ngunit umiling lamang siya at nilagpas na naman ang tingin sa akin papunta kay ate.

Lumingon ako sa magandang babae ngunit malapad pa rin ang ngisi niya.

"Customer 'yan, Arn."

"Hindi 'yan magbabayad." Arn said kaya mabilis na lumapit ang babae sa amin!

Naglapag siya bigla ng isang libo sa mesa nang malakas. She caught the attention of everyone, buti na lamang ay wala na iyong ibang tourism students kanina!

"Anong hindi magbabayad, hoy Ilog kaya nga kitang bilhin e." lalong sumama ang timpla ng mukha ni Arn dahil sa 'Ilog' na tawag sa kanya.  Mabilis kong hinablot sa kanya ang Camera.

Tumili pa lalo si ate tapos mabilis na inayos ang sarili niya at pumwesto sa tabi ni Arn. Umalis si Jace sa pagkakatayo sa backdrop para bigyan sila ng espasyo. Nagsisigawan ang 4 na lalaki, particularly Jace.

"Two Thousand, lahat ng service niyo pero si Arnriver ang gagawa." Biglang banat ni ate.

Lalong lumakas ang hiyaw ng 4 na lalaki at tinulak pa si Arn. Inabot nila ang Kiss Mark stamp kay Arn at umiiling niyang tinanggap ito.

Ngumisi si Arn na minsan lang mangyari! At nilapit ang mukha niya kay ate para dampian ito ng mark. Kitang kita ang pagkagulat sa mukha ni Gurl at ang pamumula ng pisngi niya.

Akala ko, ako at Brain lang ang naglalaban para sa poqpoq spot sa aming 6, hindi ko alam na contender pala itong si Arn! 

It was a very good moment kaya kinuhanan ko sila ng several shots. Nang matapos ang kiss mark, ay tumayo sa gilid niya si Arn for another pic, I flashed the camera and the girl smiled widely.

Sa pangatlong shot ay tila nakabawi na si ate sa kahihiyan kanina kaya't niyakap niya si Arn mula sa gilid at humarap sa camera. Arn looked so flushed. Pero mabilis niya itong pinalis sa pamamagitan ng pagkayap pabalik si ate.

The whole booth was in chaos at nakisigaw na rin ang mga SHS students na kararating lang kasama si Sir.

Namumulang kumaway ang babae sa amin at iniwan ang 2k niya sa mesa.

It was the students' turns so siyempre, oras ko na para sa kung ano anong bola.

"Anong strand niyo?" malakas na sambit ko.

"HUMSS po!" they all answered in unison.

Ngumiti ako nang mas malapad.

"Wow future lawyers and pag-asa ng bayan! 'Pag sinuportahan niyo ang booth namin malay niyo pati sila ay maging future niyo rin." I hissed.

Malakas na tumili ang dalawang lalaki sa kanila, which I highly doubt. Gumegewang silang lumapit sa booth at mabilis na tumakbo kay Renz para yumakap. Natatawa akong tumingin sa rest students na sumama ang tingin sa kanila.

"Hoy, may pila kaya!" sigaw ng isang babae from their class.

"Bawal mauna ang chararat." Madrama pang nagflip hair ang dalawang nauna kaya't lalo akong natawa.

The booth then were filled with SHS students, karamihan sa section na ito ay babae buti na lamang!

"Brain, minor 'yan dumistansya ka ng kaunti." Sabat ko nang lumapit ang dalawang iba pang senior high kay Brain.

"Chill. Selos ka kagaad." Brain said habang natatawa . I sticked my tongue out. Mabuti naman at sinunod niyang huwag masyadong lumapit habang naglalagay ng kiss mark. Mahirap na 'no.

"Sumbong kita kay Father Buenavista." And that earned a laugh from the shs students. Lumapit ako kay Arn at kinuha ang camera. May spare pa naman kaming isa kaso reserba iyon if ever na maubos ang battery percentage nito.

Sa dami ng estudyante ay tumulong na rin si Sir Nico sa pagpapakalma at pag-aayos ng pila. He made sure that all of the students engage first sa aming booth bago sila hinayaang maglibot sa iba pa.

I flashed the camera to a girl in between Arn and Jace. Ang maiksi nitong buhok ay lalong nagpamukhang baby face sa kanya.

Nang kakaunti na lamang ang natirang estudyante ay kinalabit ako ni Sir.

"Is it limited only for students?" seryoso niyang tanong.

Umiling ako dahil kahit sino naman ay puwedeng gumastos dito sa booth namin. Kahit pa ang  aming Patron Saint ay puwedeng bumili ng chocolates at kung gusto niya rin ng kiss mark, e 'di sure!

Pero nang nakita kong namutawi ang ngisi niya ay tila alam ko na ang gusto niyang iparating.

"I'd like some of your service then?" he said.

"Sigurado ka Sir? Baka mainlove ka sa'kin."

"Sounds good so why not." Umangat ang isang kilay niya na pakiramdam ko'y dahilan ng pag-iinit ng pisngi ko.

With that being said, ay inabot ko ang camera kay Arn. Nagsialisan ang estudyante sa booth nang lumapit kaming dalawa ni Sir.

Samu't saring pang-aasar at tilian ang namutawi sa booth. Hindi rin matanggal ang ngisi ni Sir at kung kanina'y malakas ang sigaw ng 4 kay Arn, pakiramdam ko ay mas malakas 'ata ang hiyaw nila ngayon.

"Egul AC, chansing ka kay Sir!" sigaw ni Jace.

"Anong chansing, customer 'to 'no, alangan naman tanggihan ko."

Although I could always do that pero siyempre, sinong tatanggi na paglingkuran si Sir Nico Lopes de Leon? Hindi ako.

Kinuha ko ang chocolates at inilapit sa kanya. Nang ngumanga lamang siya ay mas lalong nagulo ang booth namin.

With trembling hands, my index finger and thumb held out the chocolate to Sir Nico's mouth. Mabilis ko iyong binaba nang naramdaman kong dumampi ang malambot niyang labi sa aking daliri.

I smiled widely to hide the building tension and fleeting feeling inside of me.

Tumatango tango si Sir na kunwari ninanamnam ang chocolate.

"Not bad." He said pero sa akin nakatingin. Nang nilingon ko ang kiss mark namin ay nagmukha iyong korni. Parang ayaw ko na pala no'n.

"Sir bawal po 'yan sa harap pa ng estudyante niyo!" Brain uttered pakiramdam ko ang kaninang tamang simoy lang ay uminit nang dumampi iyon sa pisngi ko.

O ako lang talaga ang naiinitan pero sinisisi ko pa ang hangin?

"Bawal mag-avail ng service kapag teacher?" madramang sagot ni Sir which earned a laughter from the 5 or 4 of them.

"Is it a kiss mark?" pagwawalang bahala ni Sir at lumapit sa akon. Tumango ako at nilingon siya. His eyes bore into me and his lips turned into a playful smirk.

"I want one then."

Kinuha ko ang stamp at pinilit na kinalma ang sarili. Kaya mo 'yan Ace! Customer request lamang iyan.

Sa pagdadahilan ko sa aking utak ay inilapit ko ang aking sarili at pumwesto sa harap ni Sir. Hindi masyadong mahirap dahil hindi naman malayo ang agwat ng height namin.

I forced my almost frozen hands to gnaw para lamang maidampi ko ang stamp sa right cheek niya. When I felt his right cheek submerged a little, inangat ko ang stamp at lumayo sa kanya.

"Sir bawal ang hug kay AC." Si Renz naman ang nagsalita ngayon. Napansin ko rin na wala na ang kaninang estudyante roon at siguro'y napadako na sa ibang booth.

"Napag-usapan namin iyon Sir, ayaw naming may ibang humawak diyan." Si Jace naman.

Tumango tango lamang si Sir. When Arn called our attention, pumwesto ako sa gilid ni Sir.

I made a peace sign, and a wacky. Nang naramdaman kong hinapit ni Sir ang bewang papalapit lalo sa kanya ay parang nanlambot ang tuhod ko. Kabang kaba ako sa hindi malamang dahilan pero mas lalong magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako kumportable.

It felt, nice.

Tinapik ni Brain ang kamay ni Sir at nagkatinginan. 

"Bawal 'yan, Sir." At nagngising aso pa nga ang utak.

Bumitaw si Sir sa akin at ako naman ngayon ang umakbay sa kanya. Sabay sabay na sumigaw sina Renz, Hugh, Brain at Jace habang si Arn at natatawa lamang na kumukuha ng retrato.

"AC!!!" they all said at the same time.

Natatawa ko silang nilingon at kinindatan, masama ang tingin nila sa akin. Napag-usapan talaga namin na hindi ako dapat magbigay ng service dahil ayaw nila, pero hindi naman nila sinabing bawal akong humawak!

Sa sobrang lapit namin ni Sir ay naaamoy ko na siya. His manly scent is attacking and waking up my senses. Napasinghot ako para mas maraming amoy ang makuha ko bago siya lumayo. Posible ba iyon, iyong sosobrahan mo ang singhot para manatili hanggang bukas ang amoy?

He smells like fresh and mint. Amoy: mayaman.

"Damn, kinda wished that the kiss mark was real."

Sa bulong niyang iyon ay tila nabulabog lahat ng sistema sa aking katawan. His voice was so low when he uttered that kaya't walang narinig ang 5. Parang may kakaibang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. I felt the small hair on my nape slowly rose and my cheeks slowly being offered in hell dahil sa init.

Hala si Sir, kiss daw. E friends lang naman kami.

My last resort will be ignorance. Kunwari'y hindi ko na lang narinig at magpapanggap na walang narinig kahit ang totoo'y sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko'y pakiramdam ko lalabas na sa ribcage iyong puso ko.

When I realized that I have nothing to say, ngumiti ako kay Sir na sinuklian niya rin ng marahan at tila magaang ngiti.

His smile could make my heart beat tenfold its normal pace and I guess the things that can give you excitement and chills could also make you relax at the same fucking time. Looking at him feels like I'm in a safe haven.

Like home.   

-

The quadrangle of LSU is filled with people, mapa-students, teachers, some alumni at iba pa. Maingay at malakas ang musikang tumutugtog sa stage. Lights are also very evident with different hues and the stage design is very pleasing.

5 minuto na lamang ay mags-start muli na ang Mr. and Ms. LSU, it's the question and answer portion now. Although being in a Holy University, like literally because LSU means La Santa Università, the candidates were allowed to show some skin and ramp their swimming attire.

So far it's great. Calla has a good shot from the crowd, may mga banner pa ang kanyang blockmates at mukhang paborito ng masa.

I sipped the lemonade that I ordered. Maraming stalls na nagkakalat sa paligid ng Quad. Kasama ko ang 5 na kumakain at maingay pa rin sila as usual. Kinukulit nila nang bahagya si ateng nagtitinda ng lemonade.

"Do you think Calla will win?" I asked after a sip.

"I don't need to think of it, sure win na e." si Renz. Tumango tango naman si Hugh at Arn.

"Omsim." Jace said bago sumubo ng siomai.

Siguro mas kabado pa ako kay Calla kasi gusto ko talagang manalo siya. She said na hindi namin nakuha ang  pinakamataas na fund na naraise. Almost 85% lang iyon sa nakuha ng business. But still, we hit the 3rd spot and that's not bad either.

Nakapili na kami ng dress at evening gown niya. I'm more than excited to see her ramp with those on on stage!

When the chill music was subsided by Rihanna's S&M, lumakad na kami papalapit sa stage dahil magsisimula na uli.     

Ang natitirang 5 candidates mula sa Tourism, Business, Engineering, Education at Nursing departments for final round.

Nagsimula ang hiyawan noong unang lumabas ang babae sa Tourism. Malakas ang hatak nito. Her long ebony hair is straight and pulled down at ang itim niyang gown na simpleng humahapit sa kanyang katawan ay bumabagay sa napakaputi niyang kutis.

It's just that, she has a resting bitch face na kahit sino sa judge ay hindi niya nginingitian.

Sumunod ang galing sa Business; her chinky eyes and red lips matched her maroon gown. Kung kanina'y madalas ang ngiti nito ay ngayon wala na. Bawal 'ata 'yon sa evening gown part?

The crowd then fell silent after few seconds, nang tinawag si Calla ay halos dumagundong ang buong quad.

Her yellow gown and the soft curls of her hair matched her perfectly done make up. Ang slit sa kanang hita ay mas lalong nagbigay kurba sa kanyang katawan. The tubed top part of the gown was accented by white shining gems. Nang madrama siyang umikot, revealing her full back at dahan dahang humarap sa judges bago kumindat, the crowd was in chaos.

Pinangungunahan ng Bros ni Aly ang ingay na hula ko'y nasa ibang department naman pero todo ang suporta kay Calla dahil kay Aly. Aly is in front of them at sinasaway kapag gumugulo nang bahagya ang mga lalaki.

Aly and her super powers to tame hundreds of men. 

Biased siguro ako kasi ramdam ko ang angat ni Calla sa lima. Litaw na litaw ang kanyang dilaw na suot, habang ang natitira'y dark colored and napili. Siya rin ang pinakamatangkad sa kanila at nasa gitna pa.

Biased talaga ako kasi gusto ko siyang manalo. Siyempre alangan suportahan ko ang iba, sila ba bestfriend ko?

The 5 guys with me shouted too. The crowd was then silenced by the host. Nang magsimula ang tanong sa unang candidate ay natahimik kami lalo.

The questions were answered smoothly by the candidates at magsisinungaling ako kapag sasabihin kong si Calla ang may pinakamagandang sagot. Everyone's answer was a beau.

Sumunod na rumampa ang mga lalaki, kaya't sigaw naman namin ang mas malakas. Ang tilian ng mga babae at binabae ay namutawi. Sumisigaw rin ang ibang lalaki sa kanilang department, pero ako? Lahat ng department hinihiyawan ko.

Pinitik ni Brain ang noo ko dahil doon.

"Mag favoritism ka. Engineering lang dapat ang sinisigawan!" He abruptly said.

Umiling ako sa kanya at binalik ang tingin sa stage, malay ko ba. Wala naman akong kilala sa kanila. Mayroon lamang silang bottomline; pogi.

After that portion, ay top 3 na. And this time ang matatawag ay magpapalit into dress. Sobrang gusto ko ang dress ni Calla rito!

Sa girls, unang tinawag ang Tourism. Sumunod ang Business. At kinakabahan na ako dahil malakas ang drumrolls and hininto ang music para sa huling kalahok.

I crossed my fingers. Damn Calla, you need to win!

"Calla Lily Xaramicco of Engineering!" with that being said ay saka kami nagsigawan. Masayang masaya ang 5 at nagawa pa akong buhatin ni Hugh!

The 3 girls entered the stage, at siyempre biased talaga ako kasi si Calla para sa akin ang may pinakamagandang dress.

The silver dress fitted her perfectly. Ang kaliwang bahagi ng dress ay sleeveless at may slit. May mga parteng may mga maliliit na hiwa ito sa gilig ng tiyan at sa ilalim ng balikat. While the right part is longsleeved at walang slit. With her hair in up do and some few strands as bangs, her cheekbone was highlighted at kitang kita ang kahabaan ng kanyang leeg.

Biased na biased because I really wanted her to win this.

When the same question was thrown for all of them, at parehas ang sagot ng naunang dalawang tinawag, alam kong mas lumaki ang tyansa niya.

"What is the essence of a woman?" as it says. The first two girls resorted on the same thought: being able to bear a child. Umani ito ng tango mula sa judges. 

Kaya't mas lalong natahimik ang crowd nang si Calla na ang nagsasalita. Her answer is seriously out of the 2 girls' thoughts, pakiramdam ko binigyan niya ng mas magandang kahulugan kung ano ba talaga ang babae.

Namutawi ang katahimikan sa buong quad. All I can hear is her serious voice and encouraging face. Wala ring reaction and mga judges, and when she ended her statement with a genuine smile. The crowd went havoc.

Her answers validated all women, not that they need it tho. That exact time, even if she wouldn't win this contest, I knew for the fact that she got the crowd's agreement on being on her side.

And I am more than happy with that.  

The fireworks started to fill the sky, maingay man ang marami matapos ianunsyo kung sino ang nanalo ay nasasapawan ito ng ingay ng kalangitan.

At kahit may banda nang nagsimulang tumugtog sa entablado, tila mas mabigat para sa akin ang sayang kayang ibigay ng kalangitan.

"Ang buhok mo'y parang gabing numinipis
Sa pagdating ng madaling araw
Na kumukulay sa alapaap"

The sky is filled with such beauty. Tahimik akong nakangiti at nakamasid sa langit nang biglang may naramdaman akong humawak sa aking baywang.

Sir Nico's serious eyes met mine. Walang salita kaming tumingin sa langit at tahimik na pinagmamasdan ito.

"Kailan kaya mahahalata
Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa"

The fireworks displayed different colors and hues, nanatili ang tingin ko rito. Still amazed even though it wasn't my first time looking at it, ay parang ngayon lamang ako nakakita nito. I will always choose to look at it no matter what. 

"Beautiful isn't it?" I asked not tearing my eyes off the sky.

"Very much." Bulong ni Sir. Nang nilingon ko siya ay sa akin siya nakatingin.

"Ni isang beses ay hindi pa 'ko
Nakakakain ng paru-paro
Ngunit tila bakit ang sikmura ko'y puno"

Inabot niya ang aking kamay at mabilis na pinadausdos ito sa kanya. Akala ko'y pagsasalikupin niya ito pero may nilabas siyang isang pulseras.

The brown strap of the bracelet is binded by the gear-shaped symbol on the middle. Sinuot niya ito sa akin bago inabot ang kaparehas na pulseras na ngayo'y isang wrench naman ang nasa gitna.

Nanginginig ang kamay kong may hawak doon. I forced myself to wrap it around his wrist and when I successfully made it, dumagundong ang pinakamalakas na firework kaya't umalis ang titig niya sa akin at tinapon doon.

I didn't do it. I didn't look at the beautiful sky. I ignored my most favorite scenery in the world. I just stared at his face that's not looking at me.

"Kahit mawala ka pa
Hinding-hindi mawawala
Ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo."

"Sa'yong sa'yo..." sinabayan ko ang huling lyrika ng kanta.

My heart thumped loudly against its cage, like wanting to be set free. Many emotions filled me and it all occurred once, making me forget that I'm in the middle of the mad crowd and loud voices. Making me forget that the firework above is what I really wanted, and the thought that it was my favorite scenery slowly burst into nothingness.

Because when he looked at me as I was looking at him, I knew in that exact moment that I now have a new favorite thing to stare at: his eyes.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...