Academia Majica

By sheya-chan

750 95 32

Will you accept your true identity and fight for your life? Are you ready to embark on a journey to discover... More

Read before you proceed
Prologue

Chapter 1: Unexpected Visitors

149 33 15
By sheya-chan

Tahimik at nakatungo akong naglalakad sa hallway papunta sa classroom ko, ang paningin ko ay nananatili lamang sa sahig na aking nilalakaran. Hindi ko man i-angat ang paningin ko, ramdam ko na ang mga mata nilang nakatitig sa'kin. Mga matang wala namang ibang alam kundi ang manghusga at mangutya ng kapwa. Napuno ang paligid ng kanilang mga bulong-bulungan at tawanan. Wala mang magsabi, alam kong ako ang bida ng kanilang usapan pero hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Hindi pa ako nakakarating sa classroom may sumalubong na agad sa'kin na grupo ng mga kababaihan. Huminto sila sa harapan ko dahilan para mapahinto rin ako pero hindi ko pa rin iniiaangat ang aking paningin.

"Hey there, loser" Buong lakas na sinabi ng isa sa kanila dahilan para mapunta sa amin ang atensyon ng iba pang estudyanteng nagsisipasukan.

Hindi naman ako nag-audition sa kanila pero mukhang ako ang masuwerteng napili para gumanap na bida sa kanilang munting palabas.

"I said...Hey.Loser." Madiing niyang pagkakasabi sa tapat ng tenga ko. Ramdam ko ang pagyuko niya nang bulungan ako nito. Matangkad na nga siya, nakasuot pa siya ng 6-inch heels, nagmukha tuloy siyang poste dahil sa tangkad at kapayatan niya.

"Bingi ka ba?!" Bulyaw nito sa'kin at sabay hablot sa kwelyo ng blouse ko. Hindi ako nag-abala pang pansinin siya, tumalikod na lamang ako saka naglakad palayo. Dinig ang tawanan ng mga estudyante sa paligid dahil sa ginawa ko.

"You fucking bitch!" Dinig kong sigaw ng babaeng poste sa likuran ko. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay mayroong biglang humatak ng buhok ko.

Putangina. Ang sakit.

Buong lakas akong nagpumiglas saka ko pilit na hinihigit pabalik ang buhok ko. Hindi pa siya nakuntento at nagtawag pa ng mga bamboo stick n'yang alagad. Sabay sabay silang naglakad palapit at kanya-kanyang higit sa buhok ko. Parang gusto kong pumatay sa sakit ng bawat higit nila.

Nasulyapan ko mga estudyante sa paligid na tuwang tuwa sa nangyayari sa harapan nila ngayon. Wala man lang bang may balak tumulong o umawat man lang?

Nauubos na ang pasensya ko at talagang nanggagalaiti na ako sa inis. Buong lakas kong sinipa ang babaeng poste saka ko isa-isang binigyan ng sapak at sampal ang mga alagad niya. Natahimik ang buong paligid, tanging mga ingay ng kanilang pag-aray sa sakit ang madidinig.

Sorry not sorry, sinagad n'yo ang maiksi kong pasensya.

Kinuha ko ang ilan sa gamit kong kumalat sa sahig dahil sa ginawa nilang eksena saka ko ito inilagay muli sa bag.Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang buhok ko at nagdiretso ako sa paglakad paalis sa bahay tanghalan ng babaeng poste. Walang nagbalak magsalita sa mga estudyanteng nadadaanan ko maski ang tumingin sa mata ko ay walang may lakas ng loob.

"You'll p-pay for this b-bitch"

Halos wala na ngang hininga, nagagawa pang sayangin ang lakas para sa walang kwentang sasabihin niya.

"Yeah, whatever princess"

Looks like a princess but attitude came from the devil.

Oh well, nagkamali ka ng binangga mahal na prinsesa.

Huminto ako sandali upang tignang muli ang kalunos-lunos na kondisyon ng mga walang-hiya. Hindi maipinta ang mga mukha dahil sa sobrang lukot. Binigyan ko sila ng isang matalim na tingin bago muling naglakad sa ibang direksiyon. Patuloy lamang ako sa paglalakad at 'di alintana ang mga tao sa paligid ko nang may tumabing mukhang daga.

"That's harsh" Bulong pa nito sa akin. Iba nga naman talaga kapag ang tao ay walang magawang matino sa buhay.

"What do you want, Lucas?" I asked in an irritated tone.

"Woah, period?" He asked jokingly.

"Fuck off"

"Haha okay chill, just wanted to say my opinion"

"Who asked for it?"

He's really annoying.

"Why so sungit today, huh?" He said while pouting his lips. Parang bata naman 'to. "I just wanted to make you smile hmph."

I don't get it.. how will that kind of comment make me smile?

I must admit that he really is annoying most of the time though I can't help but smile at the thought kahit hindi ko talaga malaman kung ano ang kangiti-ngiti sa sinabi niya.

"I really am your happy pill" Pagmamayabang pa nito.

"Since when?"

"Since birth" Proud na sambit nito sabay kindat.

I didn't respond nor react and just continued walking.

"Where are you going by the way?" Tanong nito habang naglalakad kami papunta sa likod ng main building ng school.

"Black Woods"

"Ooh you're ditching?"

"Isn't it obvious?"

"Haha sungit, sabay na tayo pumunta" Natatawang saad nito sabay akbay sa'kin. His arm is a bit heavy so I removed it around my shoulders. Narinig kong bumulong siya pero hindi ko pinansin at saka mas naunang naglakad until we reached the restricted area.

Naunang sumampa at nakatawid ng bakod si Lucas sumunod naman ako. Dahan-dahan akong umakyat at umapak sa maliit na siwang ng grills. Hirap na hirap akong umakyat dahil sa suot kong palda.

Pesteng palda 'to.

"Need a hand?" Tanong ni Lucas na prenteng nakasampa sa bakod at parang tangang aliw na aliw na nakikita niya ngayon.

"No thanks, I still have mine" I said sarcastically.

Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ng mga braso ko sa pag-akyat ng bakod na halos tatlong tao ang taas. Dahan-dahan ulit akong bumaba dahil 'di ko naman kayang tumalon para makababa, hindi naman kasi lahat biniyayaan ng height.

"Angkas na" Sambit ni Lucas saka binato sa direksyon ko ang helmet na hawak niya.

Wag na kayong magtaka, madalas siyang mag-cutting classes kaya nakahanda ang motor na gamit niya para pumunta sa kung saan-saan sa oras ng klase.

"Kapit ka sa'kin" Sabi nito na ginawa ko naman. Malaki ang motor na gamit ni Lucas kumpara sa ibang mga motor. Hindi maabot ng paa ko ang apakan ng motor kaya wala akong choice kaysa naman mahulog ako at madisgrasya.

Kakaayos ko palang ng upo nang biglang pinaandar ni Lucas ang motor saka kami bumulusok papunta sa likod ng school. Muntik na akong matumba sa motor pero mabuti nalang at naka-kapit ako ng mabuti sa damit ni Lucas.

"Higpitan mo.. baka mahulog ka sa iba"

"Ano?" Tanong ko dito dahil ko narinig ang sinabi niya.

"Huh?" Sagot niya pabalik. Sagot ba 'yon o binalik niya ang yung tanong?

Hindi ko marinig nang maayos yung sinabi ni Lucas dahil sa bilis ng takbo namin pero sigurado akong may sinabi siya.

"Okay"

Ilang minuto na ang nakalipas at nasa daan pa rin kami. Tahimik lang kami ni Lucas buong byahe,wala ni isa samin ang nagbalak magsalita. Hindi naman na nakakapagtaka yun dahil hindi kami parehong mahilig dumaldal.Ilang sandali pa ang nakalipas at natatanaw na namin ang gate sa entrance ng Black Woods.

"Identification Card please" Sabi ng guard sa gate nang makarating kami dito. Agad naman namin itong ibinigay sa guard saka dumiretso sa parking area ng lugar.Hindi naman masyadong nahirapan sa paghahanap ng mapaparadahan si Lucas dahil sa kakaunti lang ang mga nakaparadang sasakyan at motor, karamihan kasi ng mga nagpupunta dito ay mga estudyante rin mula sa iba't ibang schools at dahil nag-cutting classes kami ni Lucas kaya wala masyadong tao ngayon.

Pagkatapos iparada ni Lucas ang motor niya, pumunta agad kami sa bar ng Black Woods. Malaki ang Black Woods, para 'tong subdivision tapos may mga mini malls kaya paborito itong puntahan ng mga mayayamang estudyante pagkatapos ng klase. Pinaka paborito nami'ng tambayan ang Bar na pagmamay-ari ng pinsan ni Lucas.

"Welcome to BarCode ma'am and sir" Ani ng isang boses sa likuran namin.

"Leon mahal kong pinsan" Bati ni Lucas sabay akbay kay Kuya Leon. "Palibre naman" Hirit pa nito sa pinsan niya bago siya sikuhin nito.

"Magbayad ka muna kung gusto mo ng libre" Bulong nito kay Lucas at saka siya naman ang umakbay dito.

"Anak ng! Paano naging libre 'yon kung magbabayad ako?"

"Exactly! Bawal libre dito" Maangas na pagkakasabi ni Kuya Leon na sinabayan pa ng pag-ngisi.

"Parang tanga lang"

"Hahaha just kidding, tara sa VIP room" Sabi nito saka namin siya sinundan papunta sa vip room ng bar.

Pagkapasok namin ay nabigla ako sa itsura ng kwarto. Ang dating black and gold na kulay ng kwarto ay naging green at silver. Napalitan din ang mga decorations pero kumpara sa dati mas gumanda ang VIP room ngayon.

"Woah" Ani Lucas.

"What do you guys think? Pinabago ko lang yung look ng room nagsasawa na kasi ako sa puro black" Tanong ni kuya Leon habang kumukuha ng mga naka-stock na wine sa malaking cabinet. Naupo kami ni Lucas sa sofa at saka pinatong ni Lucas ang paa niya sa small table. Kahit talaga napaka-kapal ng mukha ng lalaking 'to. Nakita naman siya ng pinsan niya kaya binato ito ng mansanas na nakuha niya sa fruit stand malapit sa kanya.

"Thanks bro"

"Gago" Sabi nito saka naupo sa harapan namin ni Lucas dala ang mga wine glass at ang bote ng wine.

"Hehehehe"

"So what are you guys doing here?" Tanong nito habang naglalagay ng wine sa wine glass niya.

"Wala naman tinamad lang ako pumasok" Sabi Lucas habang nginangatngat ang mansanas.

"Yeah, what's new?" Tugon nito sabay irap ng mata saka tumingin sa'kin. "How about you, Lyra? It's very unusual to see a good honor student in this place at this time."

"Hmm"

"What do you mean hmm?" Pang-uusisa nito saka ako pinaningkitan ng mata.

"Wala, tinamad lang din"

"Pffft" Narinig kong pigil na tawa ni Lucas sa gilid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"You're hiding something" Sabi nito habang prenteng nakaup sa sofa at nakasandal ang likod, may hawak na wine glass at saka diretsong nakatitig sa mga mata ko na para bang may hinahalungkat sa loob ng ulo ko. "I know you so well kaya I know when you're hiding something in your sleeves."

"Hahahaha napa-away kasi siya hahaha!" Singit ni Lucas. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to.

Sumeryoso ang mukha ni kuya Leon at nag-iba ang timpla ng paligid. Bata palang kami ni Lucas si kuya Leon na ang nag-aalaga sa'min at ayaw niyang napapasama kami sa kahit anong gulo. Para siyang overprotective brother sa'min ni Lucas.

"What happened?" Tanong nito sa'kin.

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.

"May nakasalubong akong grupo ng disco balls at lamp posts tapos pinagtripan nila ako kaya gumanti ako."

"Sigh" Si kuya Leon naman ang bumuntong hininga ngayon.

"Tell me what happened." Ma-awtoridad na utos nito kay Lucas at halata sa tono nito na hindi ito natutuwa. Napalunok si Lucas bago pilit na tumawa.

Wala ba siyang nagets sa kwento ko?

Sinimulang magkwento ni Lucas at ako naman ay tahimik lang. Hindi ko mapigilang umirap sa ilang parte ng kwento niya kasi naman may actions and hand gestures pa, akala mo batang nakapunta sa amusement park.

Huminga ng malalim si kuya Leon bago ito tumingin sa'kin ng seryoso saka umiling-iling. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nag-iwas nalang ako ng tingin para hindi na maging mas awkward yung atmosphere.Ilang minuto ang lumipas bago tumayo si kuya Leon at naglakad papunta sa kitchen area. Akala ko ay papangaralan niya ulit ako pero ngayon wala siyang sinabing kahit isang salita.Tumingin ako kay Lucas para tanungin kung anong nangyayari pero maging siya ay naninibago din sa pinsan niya.

Bumalik ito dala ang mga hiniwa niyang prutas pero hindi pa rin ito umiimik. Naging ganoon ang sitwasyon namin sa buong mag-hapon, wala ni isang salita ang maririnig sa pinsan ni Lucas.

Wala akong magawa kaya nagbasa nalang ako ng libro, maraming libro ang naka-display sa malaking bookshelf sa bukana lang ng kwarto. Mahilig kasi si kuya Leon magbasa at puro horror at thriller ang lagi niyang binabasa.

Habang nagbabasa, may biglang pumasok sa isip ko.

Kung hindi lang sana nagsalita si Lucas hindi sana ganito...

Nalipat ang tingin ko kay Lucas na naglalaro ng crossword puzzle. Napansin ako nito at nagtatakang tumingin ito sa'kin.

Ikaw na lalaki ka, napaka-daldal mo!

Tinitigan ko lang siya hanggang sa unti-unti kong siyang sinamaan ng tingin bago nagpatuloy sa pagbabasa.

Naging tahimik ang mga oras na lumipas. Kanya-kanya kami ng ginagawa at hindi nag-uusap. Nakaka-bored pero wala naman akong magagawa. Nasa kalagitnaan na ako ng librong binabasa ko at inaantok na ako. Isinara ko ang libro at matutulog na sana ako sa sofa ng isang malakas na tunog ng nabasag na salamin ang narinig namin mula sa labas ng VIP room.Agad kaming lumabas para tignan ang nangyayari sa labas.

Isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng black suit ang tumambad sa amin.Nagkalat rin ang mga basag na piraso ng wine glass at mga bote ng wine.May ilang mga tao sa loob ng bar pero wala naman akong nakikitang nasugatan o nasaktan.

"Hey there, bitch" Sabi ng isang boses mula sa likod ng mga kumpol ng lalaking mukhang hoodlum.

Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nagsalita, yung babaeng disco ball!

Infairness mukha siyang christmas ornament ngayon at nagsama pa siya ng mga men in black.Hindi ko tuloy malaman kung pasko ba ngayon or halloween. Pero teka, paano niya nalamang nandito ako?

"Long time no see, my dear bitch" sabi pa ni christmas ornament.

Ang oa naman niya, kaninang umaga lang kaaway ko siya eh.

Gusto ko siyang ibalibag pero nanigas ako sa sunod na ginawa niya. May hawak siyang baril at itinutok niya 'to kay Lucas na ngayon ay hawak na ng mga kampon niya.

Anak ng putcha! Paanong nangyaring hawak nila Lucas?Tangina Lucas ano bang ginagawa mo puta!

Naging mabilis ang mga sumunod na nangyari. Binato ni kuya Leon ng mga mansanas ang mga lalaking naka-itim saka ito sumugod at nagpaulan ng suntok at sipa. Nabawi niya si Lucas pero nasuntok siya ng isang alagad ni disco ball at natumba siya. Agad ko naman sinipa sa tyan si disco ball habang distracted siya sa nangyayari. Nabitawan niya ang baril na sinipa ko palayo para 'di niya makuha ulit.Gigil na gigil itong hinila ako dahilan para matumba kami pareho. Nagpalitan kami ng sabunot at sampal. Pero lamang ako dahil sanay ako sa martial arts, pinasok ako ng ate ko sa isang karate school para daw matuto akong depensahan ang sarili ko.

Nagpakawala ako ng isang malakas na suntok at kita ko ang pag-agos ng dugo mula sa ilong ni disco ball at unti-unti itong nawalan ng malay.

"Fucking bitch..." Usal nito bago tuluyang nawalan ng malay.

Hingal na hingal akong tumayo at nakita ko si Lucas na pinagtutulungan ng mga lalake. Isa-isa niya itong pinagsisipa saka binalibag ang pinakamalaki sa kanila ngunit marami pang mga men in black ang lumapit kay Lucas at nakita ko ang isa kanila na may hawak na kutsilyo.

Tangina mga kriminal pala 'tong mga 'to.

"Lucas sa likod mo!" Sigaw ko dito.

Agad akong tumakbo palapit kay Lucas pero may kung anong pumigil sa'kin. Parang nanghina ang katawan ko. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko na para bang may humihigop sa lakas ko.

"Lyra!" Sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa entrance ng bar.

Si ate Shea.

Isang malakas na putok ng baril ang umalulong sa paligid. Napalingon ako sa pinanggalingan ng putok at nakita ko si Lucas na nakahandusay sa sahig at puno ng dugo.

"Lucas!"

Hahakbang na sana ako papunta sa kanya ngunit bigla akong nahilo at sandaling nagdalawa ang paningin ko. Isang kamay ang humawak sa likod ko at biglang naging mainit. Sobrang init dahilan para mapa-sigaw ako sa sakit. Ramdam ko ang pagkalapnos ng balat ko at ang pag-ikot ng paligid saka ako bumagsak sa sahig. Unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mga mata ko.

Bumagal ang takbo ng oras at naging tahimik ang paligid, wala akong naririnig na kahit ano mang ingay. Nakita ko si kuya Leon na pinuntahan si Lucas at si ate Shea na tumatakbo papunta sa direksyon ko bago tuluyang pumikit ang mga mata ko.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 5.2K 18
စံကောင်းမွန် + တခေတ်ခွန်း ငယ်ငယ်ကခင်မင်ခဲ့တဲ့ဆက်ဆံရေးကနေအကြောင်းတစ်ခုကြောင့်စိတ်သဘောထားကွဲလွဲပြီး ပြန်တွေ့တဲ့အချိန်မှာသူဌေးနဲ့အလုပ်သမားဆက်ဆံရေးဖြစ်သွ...
382K 16.1K 121
SYPNOSIS Reading Purifying Love made Rachelle D'magiba feel very insulted. The ending that the author had written didn't go well with her expectation...
140K 4.9K 58
|A COURT OF THORNS AND ROSES| Perhaps it was her own fault that the people around her always ended up hurt. Perhaps she had done something, stumbled...
169K 4.9K 35
"baby i just want yo' heart, hope ian' askin' for too much."