Kahit Konting Pagtingin (Book...

By Levelion

74.9K 2.4K 618

Hindi akalain ni Persis na darating ang araw na siya mismo ang sisira sa pangarap ng taong mahal niya dahil s... More

Kahit Konting Pagtingin (BOOK 2)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
WAKAS

Kabanata 11

1.3K 40 11
By Levelion

Kabanata 11
Taping

I'm feeling so lucky,
that I've found somebody, like you.
I know it's not easy,
to be with, somebody like you.
You got a dazzling eyes always searching for me
in a sea of people,
When you sing It felt like it's meant for me,
I love your voice when you call me baby.
Promise me you'll love me forever,
because there's nothing better than, somebody like you.

"That sounds good."

Napatigil ako sa pagtugtog ng gitara nang marinig ko ang boses ni Code. Mula sa pagkaka-indian sit ko sa kama ay nilingon ko siya na nakatayo sa tapat ng banyo. Nagpupunas siya ng buhok niya habang nakatapis ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng kanyang katawan.

May mga butil ng tubig na naglandas sa matipunong katawan ni Code at hindi ko mapigilang kagatin ang ibaba kong labi, habang sinusundan ko ng tingin ang mga butil na iyon.

Bago pa mag-angat ng tingin si Code sa akin ay nagbalik na ako sa aking sariling muntik na namang maakit sa kanyang katawan.

"N-Nandyan na sa kama iyong pantulog mo, hinanda ko na." nauutal kong sabi.

"Thanks."

Nag-iwas ako ng tingin kay Code nang maglakad siya palapit sa kama at saka bigla niyang tinanggal ang tuwalyang nakatapi sa kanyang baywang at inilapag iyon sa ibabaw ng kama.

Ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi pa rin ako nasasanay. Kinakabahan pa rin ako kapag nakikita ko siyang hubad. Siguro kung ibang babae ako ay nakatitig pa ang mga iyon kay Code, pero ako...hindi ko talaga magawang gawin iyon.

Nanghihina ang buong katawan ko. At saka, kilala ko si Code. Kapag nakita niyang nakatingin ako sa katawan niya ay inaassume niya agad na pinagpapantasyahan ko siya, inaasar niya ako ng sobra.

"I like it. Maganda iyong melody at saka, babaeng-babae iyong lyrics." ani Code na nakasuot na ng kanyang pajama at puting sando at saka pabagsak siyang nahiga sa kama at inunan ang kanyang mga braso.

"Actually, gusto ko sana na dagdagan mo iyong lyrics, kung okay lang sa iyo? Pangarap ko na magkaroon tayo ng sariling kanta na magkaduet tayo, Code."

"I like that idea." bumangon siya at saka ipinulupot niya ang braso niya sa leeg ko. "I would love to have a duet with you."

Napapikit ako nang halikan ni Code ang pisngi ko paakyat sa aking sentido.

He smells so good. Amoy na amoy ko ang shower gel na ginamit niya.

Inabot ni Code iyong bond paper na nasa tabi ko. "Eto iyong lyrics?" nakangiting tanong ni Code na tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa akin at sumandal ito sa headboard ng kama.

Seryosong binasa ni Code iyong lyrics na gawa ko, napapatango pa nga siya.

"H-Hindi pa final iyan. Pwedeng habang ginagawan natin ng tono iyong kanta, baka marevised o madagdagan ko pa iyan." nahihiyang sabi ko kay Code.

"Are you describing me here?" nakangising sabi ni Code nang mag angat siya ng tingin sa akin.

"I-Isn't it obvious?"

"I love your voice when you call me baby" nakangiting sabi ni Code at saka tinignan niya ako na para bang binubuyo ako.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Wag mo nga akong tignan ng ganyan. Nang-aasar ka na naman, eh."

"Hindi, huh. I'm just pretty impressed and feeling proud."

Inirapan ko siya. "May mga nagawa na rin akong lyrics para sa ilang tracks na magiging laman ng album niyo."

"Let me see."

Nahihiya man ay tumayo ako mula sa kama. Ibinaba ko ang gitara ko sa gilid ng bedside table at kinuha sa drawer ang isang notebook kung saan ko isinulat ang mga lyrics na balak kong ipasa bukas kay Mr. Frazer.

Hinagis ko kay Code ang notebook na agad naman niyang binuklat at binasa.

Pagkatapos basahin ni Code ang ilang lyrics na sinulat ko ay may ilan siyang words na sinuggest sa akin na pwedeng maging alternate ng ibang words na ginamit ko.

"Para medyo sakto sa magiging tono, 'tsaka mas bagay yung rhythm." seryosong sabi ni Code. "Pwede rin na wag mo ng isama ito." may tinuro siyang words sa akin. "Pwede kahit eto na lang, mas bagay. Basta, wag mo muna baguhin. Kailangan pang icheck ni Mr. Frazer iyan." dagdag pa niya.

Napapatango na lang ako sa mga sinasabi ni Code. He sounds so very professional while helping me with the lyrics.

"Alright. Time for bed." ani Code na bigla akong niyakap at hiniga sa kama.

"Nicodemus!" hiyaw ko habang tumatawa, hinihipan niya kasi ang leeg ko.

"Code, tumigil ka na!"

Napuno ng malalakas kong tawa ang buong silid ni Code at nang tumigil siya ay nakakabinging katahimik naman ang bumalot sa buong silid, habang yakap niya ako ng mahigpit.

Saglit lang ay naririnig ko na siyang humihilik.

Actually, matatapos na ang isang buwang workshop ni Code at sa gabi-gabing umuuwi siya ng condo ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagod. Katulad na lamang kanina nang umuwi siya ng alas-diyes y medya. Nagpahinga lang siya saglit at saka naligo. Hindi na kami gaanong nagkikita, ganoon pa man ay ang mahalaga, sa pagtatapos ng araw, kasama ko siya.






Nang matapos ang workshop ni Code ay isang linggo siyang nagpahinga. Pero hindi rin naman talaga matatawag na pahinga iyon dahil araw-araw naman siyang nasa Rise Records at ginagawa para irecord iyong unang track sa album nila. Isa pa lang iyong nalagyan ng arrangment pero nafinalized na iyong unang tatlong lyrics na natapos ko.

Sa ngayon ay isang linggo na nang magsimulang mag taping si Code sa kanyang kauna-unahang tv drama na pagbibidahan. Hindi pa ako nakakabisita sa kanya sa taping, pero balak ko siyang bisitahin ngayon dahil iyon din naman ang gusto ni Code. Pinasasabay niya nga ako mamaya kay sir Gerry na susunduin ako pa ako pagkauwian ko.

'The sounds of my heart' Iyon ang title ng tv drama ni Code. Sa pagkakaalam ko ay isa ring musikero ang gagampanan niya at eere iyon every weekend, tatagal ang drama ng mahigit isang oras kung isasama ang commercial at may dalawampu't limang episode. Wala nga lang akong masyadong alam sa plot ng story dahil hindi rin nagkukwento sa akin si Code, para raw hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag pinanood ko na.

Kinagat ko ang ibabaw ng ballpen ko habang nakikinig sa professor namin. Nakikinig nga ba talaga ako? Hindi ko kasi maintindihan ang itinuturo nito. Lumilipad kasi ang isip ko sa paggawa ng kanta na isinusulat ko sa likod ng notebook ko.

Pero may naintindihan naman ako sa sinabi ng professor namin, iyon ay may bagong plates na naman kaming gagawin.

Ngayon ko nauunawaan ang hirap na pagsabayin iyong gusto mo at iyong hilig mo.

After ng subject naming iyon ay lumabas ako para mag cr at napahinto sa paglalakad nang may  madaanan akong kumpol ng mga estudyanteng ang topic ay si Code.

"Ang ganda ni Laarnie, bagay na bagay sila ni Code!" sabi ng isa sa mga ito habang tinitignan sa cellphone ang pictorial shot ni Code at Laarnie na nagkalat sa internet. It's for the promotion of their upcoming tv drama.
"Mas bagay kami ni Code!" Hindi nagpadaig na sabi ng isa sa mga kasama nito.
"Mga gaga! Eh, diba may girlfriend si Code? Nag-aaral pa nga rito, eh. Sino nga iyon? Si Persis? Arki iyon, diba?"  Sabi naman ng isa sa mga ito.
"Sila pa ba? Bakit madalas kong nakikita si Persis kasama si Brayden? Eh, kaaway ng Downtown ang Zenith?" 

Hindi ba pwedeng friends lang kami? Ang issue talaga ng mga ito.

"Baka nga kasi wala na si Code at Persis."
"Single na ulit si Code?"
"OMG!"

Tuwang-tuwa na nag apir ang apat na babaeng nag-uusap usap tungkol kay Code.

Napabuntong hininga naman.

Mahigit isang buwan na rin na hindi kami nakakalabas na magkasama ni Code dahil sa pagiging abala niya. Kanina nga ay maaga siyang umalis ng condo dahil sa maagang call time nila. Kung noon ay nagagawa niya pa akong ihatid dito sa university, ngayon ay hindi na.

Siguro kaya ganoon na lang magbigay ng konklusyon ang mga tagahanga niya ay dahil tahimik ang relasyon namin ngayon.

"Hindi pa kami hiwalay." Sabi ko sa mga babaeng tila nagbubunyi.

Nilingon naman ako ng mga ito, ngunit mabilis na akong tumakbo palayo sa kanila.



"Okay ka lang, Persis?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Brayden habang kumakain kami rito sa isang carinderia sa Lacson.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Ang sarap ng pagkain dito pero parang wala pang bawas iyang pagkain mo." dagdag niya pa.

Nag-angat ako ng tingin. "Bray, hindi ba talaga kami bagay ni Code?"

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya na para bang nagulat siya sa tanong ko.

"Bakit mo naman naitanong iyan?"

"Iyon kasi ang madalas kong naririnig sa iba niyang fangirl."

"Inggit lang sa iyo ang mga iyon, kasi ikaw ang girlfriend ni Code."

"Pero bakit kapag ibang babae, pinapares nila sa kanya?"

Kumunot ang noo ni Brayden. "Iyan ba ang gumugulo sa isip mo kaya lutang ka ngayon?"

"Kanina pa talaga ako lutang. Pero, parang mas lalo akong nawawala sa sarili dahil sa mga naririnig ko. Bakit iyong iba pwede, bakit ako hindi?"

"Kalimutan mo na nga iyan. Wag mong isipin masyado ang tungkol dyan. Kumain ka na lang. Hindi magandang puro ganyan ang iniisip mo. Sige na, libre ko iyan."

"Pero hindi mo sinasagot ang tanong ko sa iyo. Hindi ba kami bagay ni Code?" nanghaba ang nguso ko habang hinihintay ko ang sagot ni Brayden.

"Hindi kayo bagay, kasi tao kayo." nakangisi niyang sabi.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Bray! I'm serious."

Nangalumbaba si Brayden at pinakatitigan ako. "Kung sasabihin ko rin bang hindi, magagalit ka?"

Muli akong napabuntong hininga. "Well, if that's your honest opinion, hindi ako magagalit."

Nag-ayos ng upo niya si Brayden at saka huminga ng malalim.

"You look good together but..."

Kumunot ang noo ko. "But?"

"We're more look good together."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "Stop joking around, Brayden!"

Tumawa siya at saka ipinagpatuloy ang pagkain. Medyo nabawasan na rin ang pag-iisip ko kaya kumain na rin ako. 





Walang kahirap-hirap na nakapasok ako sa isang bigating TV station dito sa Quezon City, kasama si sir Gerry. Nakasuot pa ako ng uniform ko habang sumusunod ako sa kanyang maglakad. Nagkalat ang mga empleyado ng tv station. Ang ilan ay nagmamadali at natatarantang naglalakad. Mga mukhang sobrang busy nila.

Ito ang unang beses na makakapanood ako ng taping kaya naeexcite ako, pero kinakabahan din sa mga maaabutan kong eksena. Katulad na lang noong ginagawa nila Code iyong photoshoot para sa album nila.

Sana naman ay hindi sa ganoong eksena ko siya ulit maabutan.

Pagpasok namin sa set ng tv drama nila Code ay naabutan kong nagsisimula na sila. Malaki ang set nila. Mataas ang ceiling at may nakatayong living room doon. Bawat anggulo nila Code ay may naka standby na camera. Naroon din ang mga staff at sa gitna ay naroon ang director at assistant nito.

"Pakiusap," ani Code na mahigpit na niyakap mula sa likuran ang co-star niyang si Laarnie.

"Wag kang susuko, wag mo akong sukuan. Mahal na mahal kita. Lumaban ka."

Napakahigpit ng yakap ni Code sa kanya na para bang gugustuhin mo rin na makulong sa bisig niya, kahit na nanonood ka lang.

Tahimik at masyadong focus ang lahat. Para ngang kapag umubo ka o biglang mag sneeze ay masisira mo ang focus nila.

"Pagod na ako. Itigil na natin ito. Iyon naman ang gusto ng lahat dahil hindi ang isang simpleng babae na tulad ko ang nababagay sa iyo, isang hamak na tagahanga mo lamang." iyon ang linya ni Laarnie na parang mas lalong tumagos sa puso ko.

Pakiramdam ko ay para sa akin ang linyang iyon.

"Wag mong intindihin ang mga sinasabi nila." ani Code.

Hinarap niya si Laarnie at pinukol ito ng nangungusap na tingin at saka dahan-dahang hinaplos ang pisngi nito.

He's really good. Pareho silang magaling. Parehong nangungusap ang mga mata nila at iyong facial expression nila, napaka-strong 'non na sadyang pumapantay sa eksena.

"Kailan pa naging kasalanan ang magmahal ng isang tagahanga, huh? Wala akong pakialam kung ayaw nila sa iyo, dahil ikaw...ikaw ang gusto ng puso ko."

Napalunok ako at napahawak sa dibdib ko nang hapitin ni Code ang baywang ni Laarnie at mariin niya itong hinalikan.

"Cut! That was excellent!"

Proud na pumalakpak ang kanilang direktor at nagpalakpakan na rin ang ilan pang staff.

"Napakahusay niyong dalawa. Ang laki ng improvement mo Code from the first day of your acting workshop. Ibang klase." dagdag pa ng direktor.

"Nadala lang po ng co-star. Magaling naman kasi talagang umarte si Laarnie." nahihiyang sabi naman ni Code.

"Grabe! Bagay na bagay sila."
"Ang lakas ng chemistry!"
"Siguradong tataob ang makakalaban nilang tv drama kapag nagsimula ng umere 'to."
"Mataas ang rating nito panigurado!"

Eto na naman ang mga buyuan ng staff kay Code at sa co-star niya.

Imbes na nabibilib lang sana ako ngayon kay Code ay nakakaramdam na naman tuloy ako ng selos.

"Let's go, Persis." yaya naman sa akin ni sir Gerry.

Sumunod ako sa kanya at habang naglalakad kami. Patuloy namang nakikioag usap si Code at Laarnie sa kanilang direktor na may puting balbas at bigote. 

Sakto nang makalapit kami kay Code dahil may kausap ng iba ang direktor nila at si Laarnie naman ay kausap marahil ang manager nito.

Imbes na ngiti ang isalubong ni Code sa akin ay tila tensyon ang nakikita kong gumuguhit sa mukha niya. Mukha siyang nahuling may ginagawang masama.

"Persis, I--I didn't know na...magpapalit kami ng scene ngayon. H-Hindi dapat kita inimbitahan para makita iyon." apologetic niyang sabi.

Kaya pala. Nangangamba siya sa reaction ko dahil sa mga eksenang ginawa nila ni Laarnie kanina.

Hilaw akong ngumiti kay Code. "Okay lang. A-Ang galing mo kanina. Parang...parang hindi ka baguhan." pamumuri ko sa kanya.

"Congrats nga pala, Code." ani sir Gerry.

"Salamat sa paghatid dito kay Persis, sir."

"Walang anuman."

"Gerry, nandito ka na pala." Napalingon si sir Gerry sa director nila Code at saka muli niyang tinignan si Code at tinapik sa balikat.

"Maiwan ko na muna kayo. May pag-uusapan lang kami." paalam nito at saka lumapit sa director.

"Tara doon tayo." yaya naman ni Code sa akin na kinuha ang kamay ko at hinila ako sa isang sulok ng set. 

"Are you sure it's okay to you?" Hinawakan ni Code ang magkabila kong pisngi, nangungusap ang mga mata. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. "Naguguilty talaga ako na inimbitahan kita rito para panoorin iyon."

Binigyan ko siya ng naniniyak na ngiti. "Okay lang talaga iyon, Code. Trabaho lang naman iyon kaya eala dapat akong ipag-alala. Hindi ba?"

"Ganyan din ang sinabi mo noong nagphotoshoot ako kasama ang isang model." nasa mukha niya pa rin ang pag-aalala.

He's really concerned to my feeling. Kaya naman tuluyang nawala ang selos na nararamdaman ko, dahil sa assurance na ipinararamdam niya sa akin.

That everything is just an act and he's doing it because it is his job.

Mahigpit akong niyakap ni Code, pero marahan ko siyang itinulak. Kahit na nasa gilid kami ng set ay marami pa rin ang staff na nakakakita sa amin. Nakakahiya.

"Code, may mga nakatingin."

Nginitian niya ako at hinawakan ang baba ko. "You know what, I really want to kiss you." aniya at saka marahang hinagod ng hinlalaking daliri niya ang labi ko.

"Kiss me then." panghahamon ko naman sa kanya.

Anong nangyayari sa akin? Kanina lang ay tinutulak ko siya dahil niyayakap niya ako. Pero ngayon ay hinahamon ko pa siyang halikan ako? Nababaliw ka na Persis.

Nakakabingi ang malakas na dagundong ng dibdib ko nang itinukod ni Code ang kamay niya sa itim na dingding sa likod ko, napasandal naman ako roon at napalunok, habang dahan-dahang inilalapit ni Code ang mukha niya sa akin.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at naghihintay sa inaanticipate ko na gagawin niya, pero nadisappoint at nahiya ako nang imbes na sa labi ko maramdaman ang mainit niyang hininga ay dumapo iyon sa aking tenga. 

"I'll kiss you later tonight. Not now because I just kissed someone without any desire."

Napadilat ako at pagkatapos akong bulungan ni Code ay nginitian niya ako ng nakakaloko.

"Hey lovebirds! Persis, right?"

Napalingon kami ni Code kay Laarnie Isabendra na nakangiting lumapit sa amin.

Maikli ang buhok ni Laarnie. Pixie cut yata ang tawag doon. Bagay naman iyon sa kanya dahil maliit ang kanyang mukha and she really looks so beautiful with her dark red matte lipstick and a long fake eyeslashes. Maamo ang kanyang mukha, but she also looks hot.

"Laarnie, this is Persis Buenrostro, My girlfriend." proud na pakilala ni Code sa akin.

Friendly namang inabot ni Laarnie ang kamay niya sa akin na kinuha ko naman at kinamayan.

"It's nice to meet you, Persis. Code was right. You have a beautiful hazel eyes and your hair, para kang isa sa mga Weasley. Kilala mo sila? Iyong sa Harry Potter."

Nahihiyang umiling ako rito.

"By the way, Code. May dinner daw tayo sabi ni direk." anito at saka bumaba ang tingin sa akin. "You can come if you want, Persis."

"Of course, isasama ko siya." sabi naman ni Code na inakbayan ako.

Ngumiti naman si Laarnie sa amin at saka niya kami iniwan ni Code.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

276K 7K 52
Nagsimula ang pagkahumaling sa musika ni Amybelle Buencamino, nang minsan siyang magbakasyon sa Ashralka at masaksihan ang taunang battle of the band...
28.3K 4K 67
Season One. Love is not confined to a single definition but rather exists as a kaleidoscope of emotions and experiences. Love is portrayed as beauti...
28.9K 738 54
Adolescents Ardour #2 How would you know if you are falling in love? What risks are you willing to sacrifice for your loved ones? Kahit ikakasama mo...
81K 1.4K 36
Love at first sight. Isang pangungusap na ginagawang katawa-tawa ng iilan. Pero, para sa kay Grysa Montecrisanto, totoo ang love at first sight. Nal...