Secretly Chasing A Fan (SB19...

By Irish_Byun

6.9K 390 63

Date Started: March 23, 2020 Date Finished: April 6, 2020 More

Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Epilogue

Chapter eleven

401 29 2
By Irish_Byun

Author’s POV

Lumapit sila kung nasaan nakahiga ang dalaga. Hindi nila alam pero mukhang pareparehas silang nanlalamig ang kamay dahil sa nakikitang sitwasyon ng babaeng nakabihag sa kanilang lima.

Maraming aparato ang nakakabit sa bawat parte ng katawan nito. Bukod sa dalaga ay napansin din ng SB19 ang mga regalo at bulaklak sa isang mahabang lamesa. Mukhang hindi pa ito nabubuksan. May iba’t iba pang dekorasyon dito na pang birthday rin.

Napakunot ang noo ni Ken ng may naalala.

“Last last week ang birthday niya hindi ba?” tanong ni Ken kay Bash. Tumango naman ang dalaga.

“Oo,” lumapit ito sa kama ng kaibigan at medyo inayos ang kumot nito ng dahan dahan. “Nung araw ng birthday niya ay nandito na siya”

“Pero hindi ba kakabyahe niya lang non pauwi sa Manila?” malungkot na tanong ni Josh sa kaniya.

“Yung araw bago ang birthday niya ay inatake siya” sabi ni Bash sa kanila habang nakatingin sa kaibigan.

“Pero nakapagcelebrate pa kami ng birthday niya ‘non” sabi ni Stell habang nakatingin din sa maamong mukha ng dalaga.

“Pagkatapos ‘non ay tumawag siya saakin at masayang naikwento ang nangyari nga hanggang sa umabot sa puntong nahihirapan na siyang huminga” pinunasan ng dalaga ang luhang tumulo sa pisngi niya. “Ang sabi niya pa nga ‘non sobrang saya niya daw kasi nakasama raw niya kayo ng ilang araw sa Davao, sa sobrang saya daw ng araw na ‘yon nahihirapan siyang huminga hanggang sa nangyari na nga ang kinakatakutan namin ng papa niya buti nga nung araw na ‘yon ay papunta na si Tito, ang dad niya sa hotel para surpresahin siya kaya naisugod agad siya sa hospital”

“Yung gamot ba na palagi niyang iniinom ay gamot sa sakit niya?” tanong naman ni Sejun. Tumango ang dalaga.

“Oo, kailangan ay araw araw niyang inumin iyon dahil aatakihin talaga siya” sagot nito.

“Ano ba ang sakit niya, Bash?” tanong ni Ate Rappl sa kaniya.

“Heart disease Ate Rappl at malala na ito according to her doctor” napaluha ulit siya. “Kaya madalas kasama niya ako sa mga events niyo kasi hindi siya papayagan ng daddy niya kapag siya lang mag-isa. Kasama niya rin ako sa Apartment niya”

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at may isang lalaki ang pumasok. Mukhang kasing-edad nito ni Josh. Mas matanda ng ilang taon kila Bash at Karyll.

“Kuya Brent” bati ni Bash dito. Tiningnan naman sila ni Brent. At nakilala niya naman agad ang mga ito.

“Teka, kayo yung mga lalaking hinahangaan ng kapatid ko” sigurado niyang sabi dito. Kapatid?

“Kuya Brent sila yung sinasabi ko sayo kanina na gustong makita si Karyll, ang SB19” tumango tango naman ang binata.

“I’m Brent, Karyll’s older brother” pakilala nito. Nagpakilala rin naman sila isa isa dito kasama na si Ate Rappl.

Nagkaroon ng katahimikan ng ilang minuto dahil hindi alam kung sino ang mag-uumpisa sa pagsasalita lalo na at parang hindi pa rin nag-sink in sa isip ng SB19 ang nangyayari ngayon.

“Alam niyo bang bukambibig kayo nitong kapatid ko?” panimula ni Brent. Napatingin sa kaniya yung lima. “Nung una ayoko siyang payagan talaga sa mga pagpunta punta sa events niyo kasi makakasama sa kalagayan niya, lalo na at hindi biro ang sakit niya. Nagkulong siya ‘non sa kwarto niya pero Bash explained to me na kayo ang nagpapasaya sa kapatid ko kaya starting that day pinayagan ko siya sa lahat ng events niyo kahit labag sa loob ko”

“Pero bakit hindi niya sinabi saamin na may sakit siya?” tanong ni Josh dito.

“Siguro pinili niyang hindi sabihin saatin yung kalagayan niya para hindi kayo o tayo mag-alala sa kaniya” sabi ni Ate Rappl.

“Pero ate kung alam sana namin edi sana—“ pinutol ng kuya ni Karyll sa pagsasalita si Ken.

“Ayan, ayan ang pinaka ayaw niya, yung edi sana. Ayaw niya na iniisip niyo yung kalagayan niya. Ayaw niyang maudlot at kasiyahan niyo dahil sa kaniya. Ayaw na ayaw ‘yon ng kapatid ko” malungkot na sabi sa kanila ni Brent.

~~.~~

Sa rest day ng SB19 ay nagdesisyon silang bisitahin si Karyll sa hospital kasama ulit nila si Ate Rappl.

Pagdating nila doon ay naabutan nila ang papa ni Karyll. Bumati naman agad sila rito.

“Kaibigan ba kayo nitong anak ‘ko?” tanong nito sa kanila. Tumango naman sila.

“Opo,” sabi ni Justin.

Ngumiti sa kanila ang lalaki at bumaling sa anak na nakahiga sa Hospital bed.

“Nak, akala ko ba wala kang kaibigan?” sabi nito sabay ngiti dito sa dalaga.

Halata sa mga mata niya ang lungkot at pangungulila sa anak.

“Pasensya na kayo, miss ko na rin kasi ‘tong anak ko lalo na at mahigit isang buwan na kaming hindi nagkikita” inaya naman silang umupo ng lalaki sa mahabang sofa sa loob ng private room nito.

“Ah sir—“

“Call me tito, ngayon ko lang rin kasi nalamang may mga kaibigan pa ito bukod kay Bash” nakangiting sabi sa kanila nito.

Kahit nahihiya man ay nilakasan niya na lang yung loob ni Stell na tawagin ito.

“Ah t-tito, nagising na po ba siya?” tanong ni Stell dito. Malungkot na umiling ang lalaki.

“Hindi pa, simula nung dalhin namin siya dito sa Manila. Never pa siyang nagigising,” tumayo ito at may kinuha sa drawer ng table. “Nakita ko ‘to sa loob ng hotel room niya nung dumating kami sa Davao. I guess kayo ang SB19?”

Nagulat man sila dahil kilala sila nito pero tumango pa rin sila dito.

“Hangang hanga sainyo ang anak ko. Naging inspirasyon din kayo sa kaniya and I’m thankful for that. Osiya maiwan ko muna kayo ah” tumango sila dito at nagpaalam na rin.

Iniwan nito ang notebook na may SB19 sa cover nito.

“Titignan ba natin?” tanong ni Sejun. Nagkibit balikat si Ken.

“Pero pangalan natin ang nasa cover” sabi naman ni Stell.

“Baka para talaga saatin yan” sabi ni Jah. Tumango naman si Josh.

“Bahala na” sabi ni Sejun at tinignan ang notebook. Binuklat niya ito at nakita nila kung anong nasa unang pahina.

‘MY LOVE AND SUPPORT WILL ALWAYS BE TO SB19’

Binuklat ni Sejun sa bandang gitna yung notebook at may biglang nahulog na larawan dito. Ito ang picture nila lima nung nag-uumpisa palang sila as SB19.

“May picture pala siya nito,” nakangiting saad ni Sejun. Tinignan ni Stell yung picture.

“Ito yung time na nag-uumpisa palang tayo” sabi ni Stell.

“At nandoon na siya sa umpisa pa lang” sabi ni Ate Rappl sa kanila.

Sinimulang basahin ni Sejun ang nakasulat sa page na ‘yon.

Dear to my beloved SB19,

Sana mabasa niyo ‘to in the future, siguro wala na ako sa future na ‘yon. Hahaha Char. Thankful ako na dumating kayo sa buhay ko. Thankful ako kasi isa kayo sa nagbigay ng lakas saakin para lumaban sa sakit na ‘to. Isa kayo sa dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay at tumagal dito sa mundo. Thank you kasi nandiyan kayo sa tabi naming mga A’tin without S. Char.

Mula umpisa pa lang ay kasama niyo na ako. Nakita ko kung paano kayo nahirapan at paano kayo nangarap na makilala ng lahat dito sa Pilipinas, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Sabi niyo kami ang nagiging lakas niyo sa bawat pagsubok niyo sa buhay, hindi niyo alam ganon din nararamdaman namin lalo na ako na may sakit sa puso.

Nakakalungkot lang na mayroong umaalis sa fandom niyo, sorry kasi naging pabaya kami kaya umalis sila. Pero you know what? The true A’tin will never leave you, mah loves. Lagi niyong tatandaan na nandito lang ako mula umpisa hanggang sa huli. Never ko kayong iiwan, susuportahan ko kayo hangga’t saaking makakaya kahit malagutan pa ako ng hininga. Char. Hahaha.

SB19 x A’TIN FOREVER NA ‘TO, ika niyo nga. Hanggang sa Huli nating pagkikita, SB19. Thank you for everything.

Love,
Karyll”

Malungkot silang nakatingin sa dalaga, hindi nila alam pero sobrang swerte nila sa mga fans nila na kagaya ni Karyll na never silang iniwan.

Sa pagtingin nila sa dalaga ay may napansin si Stell. Para bang nahihirapan itong huminga.

Napatayo bigla si Stell at lumapit sa kinaroroonan ni Karyll. At tama nga siya, habol nito ang hininga at medyo nanginginig na rin ang katawan ng dalaga. Nag-uumpisa na ring bumaba ng heart beat nito.

“Tumawag na kayo ng doctor!” sigaw sa kanila ni Ate Rappl na lumapit na rin kay Stell. Nanginginig siya dahil sa maaaring mangyari sa dalaga.

“A-ate Rappl, baka may mangyari hindi maganda sa kaniya” sabi ni Stell na talagang kinakabahan na. Mabilis na bumukas ang pinto at mabilis na lumapit si Bash at ang daddy ni Karyll dito kasama na ang kuya nito.

“Tangina nasaan na yung mga doctor?” natatarantang sabi ni Brent. Dahil bumababa na talaga ang heart beat ni Karyll. Umiiyak na rin si Bash, dinaluhan naman agad sya ni Ate Rappl.

Saktong pagdating ng mga doctor ay tuluyan na ngang nagdiretso ang heart beat ni Karyll.

“Hindi! Buhayin niyo siya!” sigaw ng daddy nito. Umiiyak na rin silang lima pati na si Ate Rappl. Hindi nila ineexpect na magiging ganito ang mangyayari sa babaeng talaga namang nakapansin ng atensyon nila. Nakakuha ng puso nilang lima.

Hindi ganito yung iniimagine kong pagkikita ulit natin’ ang nasa isip ni Josh.

Akala ko ba walang iwanan? SB19 x A’TIN Forever diba?’ ang nasa isip naman ni Jah.

Yawa naman, bakit ganito naman, Lord?’ ang nasa isip ni Ken.

Hindi pa kami ready. Biglaan naman nito’ ang nasa isip ni Sejun.

Lord, please. Wag muna, hindi pa kami umaamin sa kaniya na gusto namin siya’ ang nasa isip naman ni Stell .

Lahat sila umiiyak sa loob ng kwarto. Tuluyan silang napatigil ng tumigil sa pag-clear ang doctor. Mas lalong lumakas ang iyak ni Bash, pinagsusuntok ni Brent ang pader habang nakikiusap naman ang daddy ni Karyl sa mga doctor. Ang SB19 ay natulala na lang at patuloy ang mahinang pag-iyak habang nakatingin sa walang buhay na katawan ng babaeng minsan na nilang minahal na lima.

“Time of death—“

‘Yon ang huling araw na nasilayan nila ang babaeng sumuporta sa kanila mula umpisa hanggang sa huli nitong ala-ala.

Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 392 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
15.4K 517 18
"Sorry. Sorry kung akala mo hindi ako naging totoo sa'yo. Oo dahil lang sa dare na yun nakilala kita, pero sobrang nagpapasalamat ako na ikaw ang nan...
156K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...