Epilogue

610 33 34
                                    

Makalipas ang isang taon…

Author’s POV

Lumipas ang isang taon at mas nakilala sa buong Pilipinas ang SB19. Mas minahal sila ng nakararami. Marami ring boy group ang dumating. May umalis sa fandom at may dumarating o dumagdag pa.

Mas tumibay ang samahan nilang lima sa bawat oras at panahon na magkakasama sila.

Sa lumipas na isang taon, hindi pa rin nila nakakalimutan ang mukha ng babaeng nagpakilig at minahal nila ng sabay sabay. Ngunit ay masaya sila kung nasaan man ang dalaga dahil ito ang mas makakabuti sa kaniya. Ayaw nilang malayo rito pero kailangan na talaga.

“Kahit ilang beses pang matumba, yeah, we gonna go up”

Pagtatapos nila sa kanilang performance sa isang morning TV guesting ay dumiretso agad sila sa kanilang dressing room at nagpahinga lang.

Kaniya kaniya sila ng pwesto sa sofa na nasa gitna. Yung iba naman ay mga nagtiktok at si Jah ay pumunta ng cr para ilabas ang tubig na naipon na.

“Bibisitahin ba natin siya mamaya?” tanong ni Josh pagkatapos nilang sumayaw ni Stell para sa pag-upload sa tiktok.

“Today is her death anniversary, right?” tanong ni Ken pagkatapos naman nitong magvideo sa salamin ng dressing room nila.

“Isang taon na rin pala siyang wala, ano?” sabi naman ni Stell.

“Miss ko na siya” sabi naman ni Sejun.

“Pupuntahan ba natin siya?” tanong ni Bujing na kakalabas lang ng cr.

“Oo, nakapagpaalam na rin naman tayo kay Tatang kanina eh, at alam niya kung saan tayo pupunta” sabi ni Stell.

Hindi rin naman nagtagal ay nagbihis na sila at dumiretso na kung saan sila pupunta. As usual may mga A’tin ang nag-aabang sa send-off nila. Nandiyan rin ang mga fansites nilang lima na talagang nagpapasalamat sila dahil sa magagandang shots. And they know na nakasalamuha na sila ni Karyll

Pagkasakay nila sa van ay umandar naman agad ito. Alam na rin ni Kuya Yuri kung saan papunta dahil palagi siyang kasama ng ShowBT staff kapag binibisita iyon.

“Bilisan niyo lang ah? Kailangan niyo ng makarating agad sa venue” tumango sila kay Kuya Yuri.

“Yes, kuya. Mag ready pa kami” sabi sa kaniya ni Sejun. Pumunta naman agad sila sa puntod ng bibisitahin nila.

“It’s been a years since you left us” sabi ni Jah sabay lapag ng binili nilang bulaklak para dito.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na kinuha ka na agad ni Lord” sabi naman ni Stell.

“Ang bilis ng panahon, death anniversary mo na agad” sabi naman ni Josh.

“Ang daya mo, yawa ka. Mang-iiwan naman” madramang sabi ni Ken.

“Bunganga mo nga, Keun” saway sa kaniya ni Sejun. Bumaling naman si Sej sa puntod nito. “Hindi na kami magtatagal dahil may concert pa kami ngayon. Alam kong proud na proud ka saamin dahil sa nararating namin ngayong lima. Kung nasaan ka man, mag-iingat ka diyan. Miss ka na namin”

Inaya na silang umalis ni Sejun, sumunod naman sila agad dito pero bago tumalikod si Jah at sumunod sa mga kuya niya. Tinignan niya muna ang pangalang hinding hindi nila makakalimutan.

“Paalam, ate Christine”

~~.~~

Pagdating nila sa venue ng kanilang Manila concert ay nagkukumahog na ang mga staff sa pag-aasikaso. Maraming fans ang dumating at gustong makita ang SB19.

Secretly Chasing A Fan (SB19 Short Story)Where stories live. Discover now