The Boy Changed The Girl

By imneenie

14.6K 543 13

Hope you like it:> Date Re-Started-07-02-19 Date Ended:08-02-20 More

The Boy Change The Girl
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
Stay Safe
CHAPTER 9
Thank You
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
Request
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 50.1
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
E P I L O G U E

CHAPTER 46

82 4 0
By imneenie

Ally POV

Hello ulit sa inyo mga readers. Nandito ako ngayon sa bahay nag-aayos ng kung anu-ano dito sa kwarto ko kahit na birthday ko. Habang nagpapahinga ako ng bandang 9:00 am ay biglang tinawag ako ni Charlly.

"Ally magbihis ka may date daw kayo ni Felix." sabi niya.

"Hoy! Charlly wag ka ngang mang-good time. Tumawag sakin si Felix kanina para batiin ako pero wala siyang sinabing may date kami." sabi ko ng makalapit na ako sa kaniya.

"Basta magbihis ka na lang nag-text sakin si Felix eh at ang sabi niya may date daw kayo." sabi niya.

"Sure ka ba talaga diyan?? Kapag ikaw nanggo-good time yari ka sakin." sabi ko.

"Sigurado ako kaya bilisan mo na malapit na yun, 9:30 am ka daw niya susunduin eh." sabi niya.

"Oo na mag-aayos na ako." sabi ko at pumunta na ulit sa kwarto ko.

Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis at nagsuklay ng buhok. Nagsuot lang ako ng high waste na pantalon at crop top. Ang sinuot ko namang sapatos ay yung white na fila ko. Mga 9:30 am siguro ako natapos.

Maya-maya pa ay may narinig akong busina galing sa labas. Bigla naman akong tinawag ni Charlly. Lumabas na agad ako at pagkalabas ko ay inasar ako ni Charlly.

"Ano naniniwala ka na?? Sabi sayo eh hindi ako nanggo-good time." sabi niya.

"Oo na...Nakabihis na nga diba." sabi ko.

"Pumunta ka na nga dun at naghihintay na si Felix." sabi niya.

"Paalala lang Charlly ha! Birthday ko ngayon, kung paalisin mo ako parang ayaw mo na akong makita. Diyan ka na nga." sabi ko at lumabas na.

Pagkalabas ko ay nakita ko nga yung kotseng sinakyan namin ni Felix nung hinatid niya ako dito. Lumapit naman ako dun at sakto namang lumabas si Felix.

"Happy birthdayulit Ally." nakangiting bati ulit nito sakin at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you." sabi ko at pumasok na sa kotse.

Pumasok na rin siya sa kotse. Nag-drive na siya agad. Habang nagda-drive siya ay tinanong ko siya.

"Felix bakit hindi mo sinabing may date tayo ngayon?? Bakit pati tayo magde-date?? Hindi ka naman nanliligaw sakin ah." tanong ko.

"Surprise kase eh at saka gusto ko lang ma-celebrate natin yung birthday mo ng tayong dalawa lang ang magkasama." nakangiting sagot niya.

"Ah eii saan naman tayo punta??" tanong ko ulit.

"Hahaha matanong ka rin pala, sa mall tayo pupunta." sagot niya.

"Ah okay." sabi ko na lang.

Tumingin na lang ako sa may bintana. Hindi ko alam kung bakit pero medyo nakaramdam ako ng ilang kay Felix ngayon.

Felix POV

Habang nagda-drive ako napansin kong tahimik ngayon si Ally kaya tinanong ko siya.

"Ally natahimik ka yata. May problema ba?? Birthday mo ngayon kaya dapat lagi kang nakangiti." sabi ko.

"Huh??" tanong niya.

"Sabi ko natahimik ka. May problema ba??" tanong ko ulit.

"Wala naman." sagot niya.

Nginitian ko naman siya bilang sagot.

'Baka naiilang lang siya sakin.' sabi ko sa isip ko.

Nag-focus na lang ako sa pagda-drive ko. Pagdating sa mall ginawa ulit namin yung mga ginawa namin kahapon.

5 hours later

Nagsimula kaming mag-uli ng 3:30 pm. Habang nag-uuli kami ay pasimple akong tumitingin sa mga dress na madadaanan namin. Mga 4:30 pm na ng may nakita akong maganda na babagay talaga kay Ally.

"Ally sukat mo nga yung dress na yun." nakangiting request ko sa kaniya.

"Huh?? Bakit ko namang isusukat??" tanong niya.

"Gusto ko yan ang suot mo pag-uwi eh." nakangiting sabi ko ulit.

"Hahaha nagbibiro ka lang diba??" tanong niya.

"Mukha lang akong nagbibiro pero hindi ako nagbibiro. Magulo ba?? Basta isukat mo na lang tapos yun ang isusuot mo hanggang matapos ang araw na to." nakangiting sabi ko pa rin.

"Oh! siya sige na nga." pagpayag niya.

"Sige thank you kase pumayag ka." sabi ko.

Pumunta naman na siya dun sa may counter para itanong kung saan yung room ng sukatan. Pagpunta niya sa sukatan ay lumapit na ako sa counter at binayaran yun. Simpleng dress lang siya pero maganda talaga.

Sky Blue yung kulay nung dress tapos off shoulder yung pagka-design nung sa top niya at yung sa baba naman ay mabulad. Lumabas na si Ally at nakita kong sakto sa kaniya yung dress at yung sa palda ay hindi masyadong mababa. Siguro isang dangkal mula sa tuhod niya yung haba ng dress.

"Sabi sayo eh bagay. Teka parang may kulang." sabi ko at tiningnan siya.

"Ano??" tanong niya.

"Alam ko na yang sapatos mo palitan natin ng doll shoes." sabi ko.

"Pero wala akong doll shoes." sabi niya.

"Eto oh!...Suot mo na." sabi ko at binigay sa kaniya yung kinuha kong doll shoes na bayad na rin.

"Paano mo nalaman ang size ng paa ko??" takang tanong niya.

"Hahaha secret." sabi ko.

"Sure ako kay Charlly mo nalaman." sabi pa niya at isinuot yung doll shoes.

"Hahaha basta. Miss ito na lang yung ibalot mo." sabi ko at bumaling dun sa saleslady.

"Okay po sir." sabi nito.

"Hmm Felix anong oras ba tayo pupunta sa bahay??" tanong niya.

"Maya-maya na lang gusto ko pang mag-uli eh." sagot ko.

"Okay." nakangiting sabi niya.

Nag-uli lang talaga kami. Yung pinambili ko ng dress at sapatos niya binigay lang sakin ni Charlly bago niya tawagin si Ally kanina.

2 hours later

Umupo muna kami ni Ally sa isang upuan sa mall. Habang naka-upo ay tumawag na sakin si Charlly ng bandang 6:30 pm. (Insert Ivana by Soulstice).

"Sino yan??" tanong ni Ally.

"Ah hindi naka-save yung number eh. Wait lang ha sagutin ko lang." sabi ko kahit na naka-save naman talaga ang number ni Charlly.

Pumunta ako sa isang tabi kung saan hindi maririnig ni Ally yung pag-uusap namin.

"Hello." pagsagot ko.

"Pwede na kayong pumunta dito." sabi ni Charlly.

"Ah sige." sabi ko.

"Anong kalaseng dress ang binili mo??" tanong niya.

"Sky blue na off shoulder ang design tapos ibinili ko na rin siya ng doll shoes." sagot ko.

"Ah sige buti naman. Pumunta na kayo dito ready na ang lahat kayo na lang ang kulang. Yung isusuot mong tuxedo okay na ba??" sabi niya at tinanong ako tungkol sa isusuot ko.

"Oo ready na, magbibihis na lang ako pagdating diyan." sagot ko.

"Okay sige." sabi niya at binaba na ang cellphone.

Bumalik na ako sa kinaroroonan ni Ally. Niyaya ko na siyang pumunta sa bahay nila.

"Ally tara na." sabi ko.

"Sige. Sino yung tumawag sayo??" tanong niya.

"Ah wrong number lang daw." palusot ko.

"Ah okay." sabi na lang niya.

Pumunta na kami sa parking lot kung saan ko pinark yung kotse. Pagkasakay ay nakita kong hindi pa niya sinusuot yung seat belt niya kaya naman ako na lang ang nag-suot sa kaniya.

"Sinuot ko lang yung seat belt." nakangiting sabi ko ng maramdaman kong medyo nailang siya.

"Hmm thank you." naiilang na sabi niya na nagpangiti sakin.

Nag-focus na ako sa pagda-drive. Pagdating sa bahay nila ay patay ang lahat ng ilaw. Nagtaka naman si Ally pero kahit nagtaka siya ay pinauna ko pa rin siya.

"Ally una ka na sa loob may aayusin pa ako dito eh." sabi ko.

"Pero nakakatakot." sabi niya.

"Wag kang matakot bahay niyo naman yan eh at saka susunod agad ako." sabi ko.

"Sige bilisan mo ha." sabi niya at bumaba na.

Pagkababa niya ay agad akong pumunta sa likod ng kotse at mabilis na nagbihis. Pagkabihis ko ay lumabas na ako at unti-unting sinundan si Ally hanggang sa gitna ng labas ng bahay nila. Biglang bumukas yung ilaw at lumabas sa loob ng bahay yung mga bisita niya na inimbita nina Charlly.

Naka-suot ang mga ito ng magagandang dress at tuxedo. Nagtaka naman si Ally kaya tumingin siya sa likod niya na kinaroroonan ko kaya lalo siyang nagtaka ng mapansing naka-tuxedo na ako. Nginitian ko na lang siya. Tumingin ulit siya sa pinto ng bahay nila at lumabas naman dun ay sina Stell at Dino na naka-tuxedo rin.

Sumunod naman si Charlly na ganon rin ang suot at nakangiti habang naglalakad. Huling lumabas ang Mommy at Daddy niya na napakaganda ng mga suot. Pagkalabas ng Mommy at Daddy niya ay tumakbo si Ally papalapit sa mga ito.

"Mommy, Daddy." sabi niya at tumakbo palapit sa mga ito at niyakap ng mahigpit

Ako naman ay lumapit na rin sa kanila. Pagkayakap ni Ally sa Mommy at Daddy niya ay hindi niya mapigilan ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya dahil sa sobrang tuwa.

"Huwag ka ng umiyak Ally birthday mo ngayon eii." sabi ng Mommy niya.

"Mommy naman eii bakit hindi kayo nagsabing uuwi kayo ni Daddy." sabi ni Ally.

"Surprise kase yun Ally." sabi ng Daddy niya na napatingin sakin kaya tinanguan ko na lang ito.

Bumitaw sa pagkakayakap kay Ally ang Mommy niya at nag-sign sa mga bisita. Nag-form ang mga ito ng curve at may mga letters na hawak na ang nakalagay ay Happy 18th birthday Ally. Pagkatapos nun ay nagsimula na ang party.

Ang debu ni Ally na inaakala niyang simple lang ay naging perfect na debu. Natapos na ang 18 candles, 18 chocolates, 18 teddy bears at ngayon ay 18 roses na kaya tumugtug yung 10,000 hours na kanta nina Justine Bieber, Dan at Shay.

Ally POV

Grabe hindi ko ini-expect na uuwi si Daddy at Mommy ngayon. Mas lalong hindi ko ini-expect na susurpresahin nila ako. Sobrang saya ko ngayon. Ngayon ay si Dino na ang magsasayaw sakin dahil kasama siya sa 18 roses ko. Pang-apat siya sa huli at may tatlo pa akong isasayaw.

"Ang ganda mo ngayon Ally ah. Ngayon lang." biro ni Dino habang sumasayaw kami.

"Hahaha loko ka rin eii." sabi ko.

"Hahaha yung totoo lagi ka namang maganda." nakangiting sabi niya.

"Sus nambola pa." sabi ko.

"Hindi ako nambobola no." sabi niya.

"Sabi mo eii." sabi ko na lang.

"Sige si Stell naman ang magsasayaw sayo." sabi nito at bumalik sa pwesto niya.

Lumapit naman sakin si Stell.

"Ano okay ba ang surprise??" nakangiting tanong ni Stell habang sumasayaw kami.

"Hahaha sobra pa sa okay. Kayo ha, kaya pala may patanong tanong pa na hindi alam." sagot ko at biniro siya.

"Hahaha ganon kami kagaling magpanggap." sabi niya.

"Hahaha pwede ka ng artista." sabi ko.

"Oh! Siya si Charlly na ang magsasayaw sayo." sabi niya at ibinigay ang kamay ko kay Charlly.

"Ang ganda mo ngayon binibining Ally." sabi ni Charlly.

"Maraming salamat sayo napakagwapong ginoo." nakangiting sabi ko naman sa kaniya.

"Hahaha ang hirap maging makata." sabi niya.

"Hahaha sabi na nga ba inaatake ka lang ng kalokohan mo eii." sabi ko.

"Hahaha ganon talaga." sabi niya.

"Sinong kasunod mo??" tanong ko kay Charlly habang tuloy pa rin sa pagsayaw.

"Yung escort mo ba?? Siyempre secret kung sino yun." sagot niya.

"Hahaha ang daya ha." sabi ko.

"Hahaha sige magandang binibini tapos na ang ating pagsasayaw kaya malalaman mo na kung sino ang escort mo." sabi ni Charlly at nakangiting bumalik sa pwesto niya kanina.

Nakita ko namang papalapit sakin si Felix.

'Seryoso si Felix ang escort ko??' tanong ko sa sarili ko.

Lumapit na nga sakin si Felix ng nakangiti. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nilagay sa balikat niya. Nilagay naman niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko.

"Ang ganda mo." sabi niya.

"Hahaha thank you." sabi ko.

"Ang galing ding mang-surprise nung kakambal mo." sabi niya.

"Hahaha hindi ko nga ini-expect na susurpresahin niyo ako eii." sabi ko.

"Hahaha ako nga rin eh hindi ko ini-expect na susurpresahin ka ni Charlly sa kabila ng kastriktuhan niya." sabi ni Felix.

"Anyways anong pinag-usapan niyo nina Daddy at Mommy habang sumasayaw kami dito." tanong ko dahil napansin kong nag-uusap sila kanina.

"Pinag-usapan namin yung tungkol dito." sabi niya at bumitaw sakin.

May kinuha siyang maliit na box sa bulsa niya at lumuhod. Para siyang nagpopropose. Dahil sa ginawa niya ay naghiyawan ang mga bisita namin dahil sa kilig.

"Felix ano bang ginagawa mo?? Tumayo ka nga diyan." sabi ko.

Ngumiti naman siya at binuksan yung box na hawak niya. Laman nung box yung necklace na bibilhin ko sana sa mall kaso sabi nung saleslady may nakabili na daw.

"Ally Shuai pwede ba kitang ligawan??" nakangiting tanong niya.

Tumingin naman ako kay Mommy at Daddy. Si Daddy nakangiti lang tapos si Mommy parang kilig na kilig tapos naka-thumbs up pa. Tumingin ulit ako kay Felix na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin. Unti-unti naman akong tumango bilang sagot at nagsalita.

"Sino ba namang tatanggi sayo?? Oo Felix payag akong ligawan mo." nakangiting sagot ko kay Felix.

Tumayo naman siya at bigla akong niyakap. Bumulong pa siya sakin.

"Thank you." bulong niya at isuot sakin yung necklace.

Pagkatapos nun ay pumunta kami kay Mommy at Daddy. Nag-thank you pa si Felix sa kanila.

"Mr. & Mrs. Shuai thank you po kase pumayag kayong ligawan ko si Ally." pagpapasalamat ni Felix kay Mommy at Daddy nung makalapit na kami.

"Thank you rin dahil tinulungan mo kami sa pagsusurprise kay Ally." sabi ni Mommy.

"Siguraduhin mo lang na iingatan mo yan." sabi ni Daddy.

"Hon wag mo ngang tinatakot si Felix. Pasensya ka na iho ganyan talaga yan eh diyan nagmana si Charlly." sabi pa ni Mommy.

"Okay lang po tama naman po si Mr. Shuai." nakangiting sabi ni Felix.

"Tito at Tita na lang ang itawag mo samin." sabi ni Mommy kay Felix.

"Ally kapag sinaktan ka nito sabihin mo lang sakin." sabi ni Daddy sakin.

"Tito wag po kayong mag-alala hindi ko po sasaktan ang anak niyo." sabi ni Felix.

"Dapat lang yari ka naman sakin eh kapag sinaktan mo yan." sabi ni Charlly habang papalapit samin.

"Daddy at Charlly wag na po kayong mag-alala hindi naman nanakit si Felix eii. Actually siya nga po yung kinukwento ko sa inyong nagtanggol sakin." sabi ko.

"Kung ganon may tiwala na ako sa kaniya." sabi ni Daddy.

"Hahahha Felix pasensya ka na talaga sa asawa ko ha." sabi ni Mommy.

Marami pa kaming topic habang yung mga bisita ay enjoy na enjoy sa mga pagkain

Sorry sa late update:>

Another story- Guess The Title
                          - The Mirror

-RianeMich-

Continue Reading

You'll Also Like

194K 8.6K 46
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
570K 6.7K 53
A/N: On editing process. 25% processing :)
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
398K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...