If I have Nothing (Absinthe S...

By Lumeare

417K 14.8K 1.9K

Syden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family an... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
W a k a s
Special Chapter

Kabanata 6

8.7K 342 20
By Lumeare

Kabanata 6

If I Have Nothing

Hindi na ako ginulo ng iilang mga kaklaseng babae tungkol kay Bo. Some gave me a title of being the most protective sister, a selfish one at that. Hindi ko na lang pinansin kasi bakit ko naman papaunlakan ang mga iyon? Wala rin namang saysay kung papansinin ko. Hindi rin naman ako nito matutulungan sa pag-unlad.

Hindi katulad noong junior high, kaunti lang ang extra-curricular activities ng senior high. Madalas ay pokus sa akademiko kaya mas lalo kong nagugustuhan. Don’t get me wrong, I love joining any contests pero minsan mas gusto ko na lang piliin na pag-aralan lahat ng subjects kaysa um-excel lang sa iisa. At saka, nasa ibang school na ako. Iba ang pakikitungo ng mga tao dito at parang kailangang sabayan ang lahat.

“Syd, lunch tayo?” Marriam invited me after our morning class. Nagliligpit pa lang ako ng aking mga gamit habang siya ay nakatayo na. Tatlo na lang kaming naiwan sa classroom dahil halos lahat ng aking kaklase ay nakaalis na.

“Sorry, Mar. Kuya invited me for lunch eh. Ikaw lang ba mag-isa? Gusto mo bang sumabay na lang sa akin?” aya ko sa kaniya sabay sukbit ng aking bag sa aking balikat.

“Okay lang ba? Nakakahiya naman sa kuya mo.”

Ngumiti na lang ako sa kaniya. “My kuya won’t mind. Masisiyahan pa nga iyon kapag nagdala ako ng kaibigan eh.” ang sabi ko at hinawakan siya sa siko. We went outside our room. Ang kabilang kwarto ay kakadismiss lang din kaya mas dumami ang mga estudyante sa hallway.

I texted my brother that I would meet him at the college cafeteria. Ilang building lang naman ang pagitan ng senior high sa college kaya madali kaming nakapunta doon ni Marriam.

“Syd!” si Kuya Jax ang nakita kong kumaway sa akin nang makapasok kami sa cafeteria. Nasa mahaba silang mesa na magbabarkada. Ngayong college na si Kuya Bo ay iba na rin ang kaniyang mga kaibigan maliban na lang kay Kuya Jax at Rhett dahil pareho lang sila ng university na pinasukan.

Kumaway din ako at may ngiti sa labi. Hindi ko talaga madalas na makita si Kuya Jax dahil minsan lang siyang nagagawi sa bahay, kapag naroon man ay hindi ko na nakakausap kasi maglalaro lang naman sila ni kuya.

“May kasama ka pala? Buti na lang marami pang bakante!” nakangiti niya pa ring sabi. Inilibot ko ang tingin sa kanilang table at nang hindi mahanap ang aking kapatid ay kumunot ang aking noo.

“Nasaan si Kuya Bo?” sabay lapag ng aking bag sa upuan.

Napakamot si Kuya Jax ng kaniyang batok. “Sinundo pa si Rhett eh. Hayaan mo, parating na ‘yon. Upo na kayo. Oh bago ko makalimutan, mga kaibigan nga pala namin. Guys, this is Syden, Bo’s sister and this is…?” bitin niyang sabi.

“Si Marriam, Kuya, kaklase ko.” I supplied.

Kuya Jax grinned and told everybody. “Iyan si Lloyd, kaklase ko, si Ben at Ira kaklase naman ni Bo.”

Kumaway ako sa mga kaibigan nila bago ako umupo. Tahimik lang si Marriam sa aking tabi kaya kapag nag-uusap kami ni Kuya Jax ay isinasali ko siya dahil ayaw ko namang mapag-iwanan siya. Nang dumating naman sina Kuya ay agad nitong ginulo ang aking buhok. Nasa likod niya si Rhett at may kasamang babae.

“Ano ‘yan Rhett? Bago na naman?” halakhak ni Kuya Jax nang mapansin na ang kasama nitong matangkad na babae. Unlike Rhett’s complexion, the girl was tanned skin and tall. Halos magkasingtangkad lang nga sila ni Rhett eh.

“Mind your own biz, Jax.” malamig na sabi ni Rhett na tinawanan lang din ng huli. Umupo sina Rhett sa upuang nasa harapan ko. At dahil nga kapatid ko si Marriam sa kabilang side at si Kuya Jax naman sa kabila, walang choice si Kuya kundi upuan na lang din ang nasa tabi ni Marriam.

Gaya ng kanina ay ipinakilala ko si Kuya kay Marriam pagkatapos ay pumili na kami ng makakain namin. Habang nasa pila ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin kina Rhett at girlfriend nito. She was sweetly embracing her arms over his. Rhett’s stoic face turned into a smirking one while the girl was talking. Napaiwas na lamang ako ng tingin at pumili nang makakain.

“Ang gwapo pala ng mga kaibigan ng kuya mo.” pasimpleng bulong sa akin ni Marriam. Mahina akong tumawa at napailing. Kahit si Juniper ay ganoon din naman ang reaksyon nang makita ang mga kaibigan ni Kuya. Noong makita nga si Rhett noon ay parang hindi niya naalalang kaibigan iyon ni Kuya dahil mukhang nagbabago ang mukha, mas lalo daw gumagwapo sa paglipas ng panahon.

“Huwag ka diyan sa kanila. Mga playboy iyan.” sabi ko. Humagikgik si Marriam sa aking sinabi.

Tahimik kami ni Marriam habang nagkukuwentuhan sina Kuya. Mukhang matino ang usapan noong una hanggang sa magkayayaan silang magbar sa darating na Biyernes.

“Libre ni Rhett iyon! Birthday niya sa Friday eh.” singit ni Kuya Jax sa usapan. Napaangat ang tingin ko kay Rhett na napangisi lang. May ibinubulong ang babae sa kaniya. Mukha naman siyang nakikinig habang nakikinig din sa usapan ng barkada.

Napaismid ako nang bahagya nang makitang hinalikan siya ng babae sa tainga. Talaga naman! Ganoon ba talaga kapag nasa college na? Parang mga walang hiya nga ang mga tao dito.

Napapayag nila si Rhett na ito ang magbabayad sa inuman nila sa Biyernes. I can’t help but think why would he celebrate his birthday on a bar rather than spending it with his family? Busy ang kolehiyo at kung tutuusin kapag nakaluwag ng oras ay mas pipiliin ko na lang na umuwi sa bahay at makipag-bonding sa aking mga magulang.

I know Rhett wasn’t that affectionate to his parents. With his cold demeanor, everyone would really think that he had no soft side on his body. Ang papa ni Rhett ay mabait naman kahit na ang mukha ay masungit. His mother, Tita Aleah was also kind and cheerful.

Matapos ang lunch na iyon ay humiwalay na kami ni Marriam sa kanila. Hinatid pa kami ni Kuya hanggang sa may boundary ng senior high.

“Bibisita ka sa condo mamaya?” tanong sa akin ni kuya.

“Hindi na, Kuya. Diretso akong uuwi sa bahay. Ikaw ba? Kailan ka uuwi?”

“On Friday.” he then put his hands on his pockets. Kumunot ang noo ko nang maalalang sa Friday ay birthday ni Rhett at mag-iinuman sila.

“Eh diba birthday iyon ni Rhe-- I mean Kuya Rhett?” napangisi si Kuya sa aking pagkakamali. Ginulo niya na naman ulit ang aking buhok kaya agad na akong napaiwas bago pa ako magmukhang bruha.

“We’ll celebrate at his home, then we’ll go. Magagalit si Tita Aleah kapag hindi sumipot si Rhett.”

Tumango na lang ako. Iniisip pa rin na baka ganoon naman talaga? Ang dami mo ng magagawa kapag nasa kolehiyo ka na at nasa tamang edad. My brother started going out when he was in first year. Noong senior high ay sinubukan niyang mag-bar dahil eighteen na siya pero pinagalitan siya ni Dad pag-uwi. Kaya naman gumraduate muna siya ng senior high bago magliwaliw.

When he was in high school, he was greatly influenced by his friends. Maaangas ang dating at puro mataas ang tingin sa sarili. I had it one time when Kuya brought one of his friends at the house. Nasa bahay din ako noon kasi wala naman akong kaibigan sa subdivision namin kaya wala rin naman akong mapupuntahan.

One of his friends talked ill about me saying that I don’t look like Bo’s sister because we don’t have any similarities. He then talked about how my parents adopted me and how I took advantage of their richness.

Nang malaman iyon ni Kuya ay pinalayas niya sa bahay. That friend of his never set foot in our house again. At noong time din na iyon, piling-pili na lang sa mga kaibigan niya ang nakakatapak sa bahay.

Kuya doesn’t know about Rhett’s attitude towards me. Hindi niya rin alam kung gaano kinasusuklaman ni Rhett ang pagkatao ko dahil lamang sa ampon ako. He never knew my struggle with his best friend because I chose to stay quiet. Mas matagal na nakasama ni Kuya si Rhett at mas kilala niya ito kaysa sa akin.

And I believe that Kuya will believe Rhett more than me.

Naiintindihan ko naman iyon. Ganoon din naman ako kay Juniper na kahit minsan siya ang nauunang makipag-away sa mga batang kasama namin sa ampunan, siya pa rin ang pinaniniwalaan ko kasi mas kilala ko siya kaysa sa kaaway niya. I realized it didn’t matter if she’s right or wrong because in the end, ang haba pa rin ng pagsasama ang nasusukat.

Days went by. Sa muli kong pagtingin sa mga araw ay hindi ko namalayang sumapit na ang Biyernes. I received a text from my mother that the Vasiliev’s invited us for dinner at their house. Hindi lang naman kami ang imbitado dahil may iba pang pamilyang kaibigan ang mga Vasiliev. They came from a family of Architects, lahat ay kilala sa industriyang kinabibilangan, that’s why everyone had high expectations on their family.

Nasaktuhang alas cuatro y media ang aming labasan kaya mas maaga akong nakauwi sa bahay. The Vasiliev’s live a few blocks from our house. Ilang beses na akong nakatapak roon dahil palaging imbitado ang aming pamilya sa kung anumang okasyon ang mayroon sila, and every year, I would attend Rhett’s birthday, maliban na lang noong nasa primary school pa ako dahil ayaw ko talagang sumama kina Mommy. I was too young back then to even understand the importance of being there.

Sa muli kong pagpasada ng aking bulaklaking bestida ay napatigil na lamang ang titig ko doon. Hindi gaanong hapit iyon sa akin at medyo flowy naman kaya madaling makagalaw. It ended just above my knees and the sleeves were short. Nakikita ang kabuuan ng balingkinitan kong mga braso. I wasn’t Ivory white just like my brother’s complexion.

I have a natural tan for a complexion. My face was framed by my long wavy hair that stops just right below my chest. Manipis ang aking kilay at may kahabaan. I had almond eyes , one which makes anyone feel that I am scary and unapproachable but it was warm to look at because I had brown eyes, mapusyaw ang kulay di katulad ng mga nakasanayan. My lips with a pointed upper ones were coated with a pink gloss. Naglagay ako ng kaunting blush sa aking pisngi upang magkaroon ng kulay ang aking mukha.

Dala ang aking cellphone ay bumaba ako upang maharap sina Mommy at Daddy. My mom looks gorgeous on her black fitted dress and pumps. Si Daddy naman ay nakasimpleng itim na polo rin at slacks. My mother then informed me that my brother was already at the Vasiliev’s residence and no need to wait for him.

Siguro ay alam na rin ni Mommy na hindi uuwi si kuya sa bahay dahil magiinuman pa ang mga ito. He’ll be staying in his condo again.

Nasa gate pa lang ay rinig na ang tawanan ng mga kaibigan nina Kuya. I saw my brother already having fun while his arm was on Rhett’s shoulders. Nang pumasok kami ay doon natuon ang atensyon ni Kuya. Agad niyang inakay ang may birthday patungo sa amin.

“Mom! Dad!” maligayang bati pa ni Kuya. He kissed my mom’s cheeks and had a fistbump with our father. Huli akong nakita ni Kuya at lumawak lang ang ngiti niya sa akin.

“Syd, kindly give Rhett his gift.” utos sa akin ni Mommy. Tumalima agad ako at lumapit kay Rhett na kakakiss lang sa pisngi ni Mommy. Nakabox iyong gift kaya dalawang ang kamay na gamit ko upang maabot sa kaniya iyon. I kept a straight face and handed it to him.

“Happy birthday.” bati ko. Pasimple kong pinagmasdan ang kaniyang ayos. Maroon ang suot niyang v-neck na t-shirt at maong na pantalon naman ang kaniyang pang-ilalim. The color of his shirt made his almost porcelain white complexion stand out. I caught a whiff of his musk scent too.

I immediately withdrew my hand when he got the gift. Nagtama ang dulo ng aming mga daliri pero hindi ko na lamang pinansin iyon.

Rhett just stared at me. His graying-silver eyes were mocking me. Tumaas ang sulok ng labi ngunit hindi nagpasalamat. I secretly scowled at him. Iniwas ko na lamang ang tingin at humawak na sa braso ni Mommy.

We went inside their house. Marami pa ang mga bisita doon. Bumati ako kay Tita Aleah at Tito Vladd. Rhett’s mother made a compliment of my appearance saying that pagdadalaga suits me. Ngumiti na lamang ako.

Maliban sa aking ina, I consider Tita Aleah as my second mother. Palaging nagdadala ng kung anu-ano sa bahay at kulang na lang ay doon na tumira sa amin. She said taking care of boys tire her. Mas nakakastress daw ang mag-alaga ng mga lalaking anak kaya kapag pumupunta siya sa amin at nakikita niya ako ay nawawala ang kaniyang pagod.

“I really need a dose of Syden tonight, Agatha.” natatawang sabi ni Tita Aleah kay Mommy. Ang huli ay pinagtawanan ang kaniyang sinabi. I stayed with them while we were eating. Sa labas ay nandoon sina Kuya at ang mga kaibigan nila na mix ng babae at mga lalaki.

“How’s school, Syd? Nahihirapan ka bang mag-adjust sa university?” sabay haplos ni Tita Aleah sa aking buhok.

“Okay naman po. The university was really nice actually, Tita.”

“Naku baka puro aral ka lang ha? Have fun while you’re young. Magkaroon ka ng boyfriend kung saka-sakali.”

“Wala naman pong nanliligaw. At kung sakali man po, I don’t think mom and dad or even Bo would let me have a boyfriend.”

Tinawanan niya iyon at pabirong hinampas si Mommy na nakangiti lang sa amin. She then go on about why would my parents wouldn’t let me, sayang daw ang ganda ko kung wala namang makakapansin.

Nang matapos akong kumain ay nagpasya akong lumabas. Namataan ko sina Kuya Bo doon at nainom. Mukhang walang balak tumigil at umalis. I remember their plans of going in a bar to drink. Kung iinom sila ngayon edi mas lasing silang pupunta sa bar. Kung wala ng matino sa kanila, ay sino ang magda-drive?

Sumimangot ako sa naisip na baka pilitin pa ni Kuya ang sarili na magdrive kahit na nakainom. Lasing man o hindi, kapag nakainom ka at nahuli ng pulis, sa presinto pa rin naman ang bagsak kapag nagkatong may nangyaring di kaaya-aya.

I checked the time on my phone. It was already quarter to eight. Nagsisipag alisan na ang ibang bisita pero ang mga kaibigan nina Kuya ay nandoon pa rin. Malapit lang naman ako sa pinto at walang balak na lumapit doon.

“Syd, bakit ka nandyan?”tanong sa akin ni Kuya Jax nang makita niya ako sa pinto. He was about to enter the house, hindi ko alam kung ano ang kukunin dahil hidni ko naman pinagtutuonan ng pansin ang kanilang pinag-uusapan.

“Nagpapahangin lang po. Ikaw? Why are you heading inside?”

“Ah, I’m gonna get my bag.” tumango ako at nangunot ang noo nang mahagip ang amoy ng alak sa kaniya. Mukhang napansin iyon ni Kuya Jax at lumayo sa akin.

“ Sorry, amoy na amoy ba? Nakakahiya ba kung pumasok ako doon?” he asked shyly. Nagkamot pa ng batok.

“A bit. Gusto mong ako na lang ang kumuha para sa’yo, Kuya?”

“Pwede?” his eyes looked hopeful. Tumango naman ako dahil iniisip kong baka makaistorbo din sa mga bisita ang kaniyang amoy.

“Thanks. Kaso nasa kwarto iyon ni Rhett. Okay lang ba na kunin mo? Nasa couch lang naman iyon ng kwarto niya, may nakalagay na white polo sa ibabaw nun. ”

“Yeah, I’ll just asked for Tita Aleah’s help.”

“Sige, salamat.”

Tumango na lang ako at tumalikod na. I think Kuya Jax stayed at the door to wait for me. Pumunta naman ako kina Mommy upang matanong si Tita Aleah kung nasaan ang kwarto ni Rhett, because obviously, I didn’t know his room and this is going to be my first time entering it.

Abala si Tita sa ibang bisitang nagpapaalam kaya wala akong choice kundi ang magtanong na lang sa kasambahay na nandoon. She accompanied me to Rhett’s room and left me there alone. Sa pagbukas ko ng ilaw ay bumungad sa akin ang malawak na kwarto. His room was a mixed of warm blue and gray. May couch para sa mga bisita at sa harap ay nakasabit ang flat screen na tv at may maliit na speaker sa magkabilang gilid. He had a divider filled with miniature characters. May case ng gitara na nakasandal sa paanan ng kaniyang malapad na kama. His bed sheets were in warm blue color. Ang mga unan naman ay abo ang kulay.

I went to the couch. Gaya ng sabi ni Kuya Jax ay nandoon ang kaniyang bag at may puting polo na nakapatong. Kinuha ko iyon pati na ang polo. The door opened. Sa pag-aakalang ang kasambahay lamang iyon na baka binalikan ako, ay hindi ko na nilingon dahil aalis naman agad ako.

Humarap ako at akma ng aalis nang matigilan. I saw Rhett standing at the back of his door, staring at me. Isang beses akong kumurap upang makumpirmang siya nga iyon.

“What are you doing here?” his cold voice filled the room. Isang hakbang niya ay napahigpit na agad ang hawak ko sa bag ni Kuya Jax. Nilabanan ko ang malamig na titig ni Rhett sa akin habang nakatayo siya doon at nakapamulsa. His cheeks were a bit red, probably because he’s already tipsy from alcohol. Kahit ang baho noon ay hindi nakaligtas sa aking pang-amoy.

I held my chin while clutching on tightly.

“Kinuha ko lang ang bag ni Kuya Jax.” I told.

“By barging into my room without my permission?” aniya.

Umawang ang aking labi. “I asked permission from the maid. She led me here. Pwede na ba akong makaalis?”

Nang hindi siya nagsalita ay nagdesisyon akong humakbang. Lumagpas na ako sa kaniya nang hinabol niya ang isa kong braso. That made me stop and hardly pursed my lips. Hindi naman mahigpit ang hawak niya pero nagawa nitong pahintuin ako.

My lips parted when his hands glided down my lower arm in a featherlight manner. Nangunot ang aking noo at akmang haharap na sa kaniya nang maramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran. I held my breath when his fingers touched mine. Nagdaiti ang mga palad namin. The warmth against the contact overwhelmed me, making me ignore his presence a bit.

“The next time you come here without my permission, flower, you wouldn’t like what I will do to you.” he coldly whispered. Agad akong napalayo at huminga nang malalim. Hindi ko pinansin ang kaniyang banta at basta na lamang akong lumabas.

There was something in Rhett’s threat that made my heart go wild.

And that was scary.

Continue Reading

You'll Also Like

128K 3.1K 49
Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if there is a will, there is a way. She wil...
390K 20.5K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
71.2K 2.6K 43
During a marine patrol, marine biologist Cleora Celdran stumbled across a wounded dolphin together with her friends. Determined to save its life, Cle...
342K 8.1K 49
(La Carlota #3) Sea, sand, sun, and waves, it was Delilah and Loki's childhood. Just like the waters Delilah's dreams were vivid, clear, and touchabl...