If I have Nothing (Absinthe S...

By Lumeare

448K 15.4K 1.9K

Syden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family an... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
W a k a s
Special Chapter

Kabanata 3

10.2K 357 47
By Lumeare

Kabanata 3

If I Have Nothing

Bawat araw ay mas lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko. I’ve been in and out of the school trying to escape the reality that none of them will understand me. It’s been another year of triumph and I am now on the last year of my junior high school life. Si Kuya ay nasa unang taon na niya sa college bilang isang Business Management student. Dahil nga siya ang panganay ay siya ang magtataguyod sa pamamahala ng kompanya. Kahit naman sa akin ibigay ay tatanggi ako dahil alam kong tututol sina Lola kapag ako ang tumayong tagapagmana.
Isang mabuting bagay na rin na nagustuhan ni Kuya ang pamamahala ng kompanya. He’d experienced being a CEO for a day kasama si Dad.

“Hey, Syd!” bati sa akin ng kaklase kong si Jeremy. Itiniklop ko ang librong binabasa at ngumiti sa kaniya.

“Hi!” bati ko pabalik. I am done with the book I am reading. Isang pampalipas oras na gawain para hindi maburo ang sarili sa kawalan.

“Dadalo ka ba sa hapon? I am sure your Kuya will be here!” aniya at umupo pa talaga sa aking harapan. Sinipat niya ang librong kakasarado ko pa lang. Umayos ako ng upo at kinunot ang noo dahil sa kaniyang sinabi.

“Huh? Si Kuya? Why would he be here?” tanong ko.

“I heard that Atticus Rhett will be one of the judges kaya baka sumama na rin ang Kuya mo para naman manuod. Hindi mo ba nalaman iyon sa mga kabarkada niya?”

“Hindi. Minsan ko na lang makita si Kuya. He’s staying in his condo.” Sabi ko.

It’s true. When Kuya turned eighteen, hiniling niya kay Mommy na magkaroon siya ng sariling condo na malapit sa school nila. I’ve been there actually at minsan na ring nakitulog nang mamasyal ako sa kanilang eskwelahan. It was quite big na pwede silang magbabarkada doon.

Matapos ng maikling pag-uusap ay umalis na rin naman si Jeremy. Iniligpit ko na ang aking mga gamit at dumiretso na sa sunod naming klase. I’ll be having lunch outside the school kasama si Juniper. Nagkataon kasing may contest na sinalihan ang aking kaibigan kaya naman gusto ko siyang samahan kahit lunch man lang.

I picked up my phone when I felt it vibrated. Nakita ko doon ang text ni Mommy na nagsasabing tawagan ko si Kuya dahil hindi daw sumasagot. Nagkibit balikat ako bago idinial ang number ni Kuya. Ilang ring pa ay may sumagot doon.

“Hello?” I called the other line. Medyo magulo ang kabilang linya kaya naman bahagya akong nagtaka. What’s taking him so long to talk? Ba’t ang gulo ng background.

“Hmm...Rhett.” I heard the other line. It was a disgusting sound na muntik ko ng mabitawan ang aking cellphone. Boses babae iyon at hindi naman boses ni Kuya. And why is she calling Rhett’s name? Anong ginagawa  nila?

Natuloy ang ingay doon at ni isang boses ni Kuya ay wala akong narinig. Tiningnan ko ang screen ng aking cellphone at nakitang kay Kuya naman ang numerong tinawagan ko. Aligagang tinapos ko ang tawag dahil hindi ako mapakali sa narinig. Ilang beses akong huminga nang malalim at tiningnan ulit ang aking cellphone.

Bakit na kay Rhett ang cellphone ni Kuya? And where’s my brother?

I gritted my teeth in annoyance. Buti na lang pala at ako na lang muli ang tumawag kay Kuya. Kung nagkataong si Mommy iyon ay hindi ko na alam ang gagawin! And I’ve heard the most disgusting sound on Earth!

Ano bang ginagawa ni Rhett? Nilang dalawa ng babae?
Sa narinig ay hindi ako masyadong nakinig sa klase. Buti na lang at hindi naman napansin ng mga guro ang pagkabalisa ko.

Even at lunch ay panay ang tingin sa akin ni Juniper ang sabi pa nga’y para akong nasapian nang tahimik na espiritu.

“Pwede bang lumiban na lang ako sa afternoon class ko Juni? Sobrang bangag ako ngayon.” Sabi ko sa kaniya habang kumakain kami ng inorder naming chocolate cake. Kinurot ni Juni ang aking braso dahil sa sinabi. Humiyaw ako sa sakit.

“Bawal ang ganoon, Syden. Mapapagalitan ka ni Maam Agatha!” sabi niya sa akin. Ngumuso ako at sandaling napaisip. Come to think of it, sa tanang buhay ko ay hindi ko pa naranasang tumakas ng bahay o lumiban sa klase. I’m always thinking about the consequences of my actions. Kung hindi man sermon nina Mommy, ay ang galit naman ni Lola sa akin. Naiisip ko pa lang ay umaatras na agad ako sa gagawing kamalian. I’ve been the good one dahil na rin kay Lola. Ayokong pati pagpapalaki nina Mommy ay kukuwestiyunin niya dahil sa maling gagawin ko.

“Or worst ni Lola...” sabi ko pa. Tumango-tango si Juni bago uminom ng juice.

“Kaya nga sabi ko sa’yo Syden kailangang paghusayan mo. Hindi naman para sa Lola mo yung ginagawa mo, para yan sa sarili mo. Kung hindi ka kinuha ni Maam Agatha, edi sana hindi mo natatamasa yan ngayon. You should be thankful.” Sabi pa ni Juni.

“I’m more than thankful dahil nandito ka Juni. Ikaw lang ang babaeng kapatid ko at best friend ko pa. In every success, alam mong bahagi ka doon.” Sabi ko sa kaniya. Juni broke a smile and then became teary eyed. Ganito talaga ang kaibigan ko. Kaunting emosyonal lang na salita ay naiiyak na.

“Oh before I forgot Juni, may gaganapin palang battle of the bands mamaya sa school baka gusto mong manuod? You can stay in the house for the night, Juni!”

“Huh? Eh sabi ko kay Sister half day lang naman ang contest at uuwi ako kaagad.”

“Edi sabihin mo kay Sister na kasama mo naman ako at doon ka sa bahay makikitulog.” Sabi ko. Wala namang nagawa si Juni at agad na tinawagan si Sister para magpaalam sa aming gagawin. Gladly, sister Martha agreed. Kaya naman naghintay pa ng ilang oras sa akin si Juni para sabay kaming pumunta sa school grounds.

Taon-taon ay may idinadaos na art month at tuwing pebrero iyon. Kaya naman may mga ilang contest na inclined sa arts ang ginaganap katulad ng mural painting, battle of the bands, poetry, dancing contest at team building activities.

Hinanap ng mga mata ko ang kabarkada ni Kuya pero ni isa sa kanila ay wala akong makita.Nakaupo kami ni Juni malapit sa unahan kung saan mas makikita ang mga contestants. May nakahanda ng drumset sa stage at iilang gitara. Marami-rami na rin ang mga tao at iilan doon ay mga estudyanteng puro hiyawan dahil may mga contestant ng dumating from other year levels.

“Hala ang gwapo naman niya, Syden!” rinig kong sabi ni Juni at itinuro pa talaga ang lalaking nasa stage. I glanced at the stage and saw one of the grade 11 ICT student na rinig ko’y magaling kumanta.

“Kilala mo ba?” tanong ni Juni at mukhang interesado talagang malaman ang pangalan ng lalaki. Nagkibit balikat ako at hindi sumagot. Hindi ko naman kilala at kung kilala ko man ay hindi ko pa rin sasabihin kay Juni. Ayaw ko namang umasa ang kaibigan ko and we promised each other not to have boyfriends not until we reached the eage of eighteen. Dalawang taon na lang naman at makakapaghintay naman ang mga lalaki!

Nagsimula ang programa bandang alas quatro y medya ng hapon. Marami ang nagtilian nang magsimula ng ipakilala ang mga judges sa naturang contest. Luminga-linga ako sa paligid para sana hanapin si Rhett dahil alam kong isa siya sa mga judges gaya ng sabi ni Jeremy. Pero bigo ako dahil sa dami ng tao at malalaman ko naman iyon dahil marami namang tumitili sa lalaking iyon.

“Let us all welcome, Atticus Rhett Vasiliev for a special number before we call on our first contestant!” marami ang tumili dahil sa narinig. Habang ako ay natulala lamang sa lalaking kaaakyat lang sa stage at may munting ngiti sa kaniyang labi. Sa simpleng porma ay hindi siya nabigong pakiligin ang mga babae. Despite of his cold aura, many girls still swoon over him. Kahit noong dito pa siya pumapasok ay marami na siyang nabihag na babae.

That’s why I hate him for making such less effort to make them fall in love. Bakit kahit ganoon kasungit ay gustong-gusto pa rin ng mga babae? Why couldn’t they settle for a more gentleman kind of guy? Bakit sa tulad niya pa na walang ginawa kundi kamuhian ang pagkatao ko?

His relationship with Jehyella ended months after she said yes to him. Hindi ko alam ang dahilan pero marami ang nagsasabing si Jehyella naman ang nakipaghiwalay. But I doubt it, siguro ay siya dahil minsan ko na siyang nakitang may dinadalang ibang babae kasama ang barkada nilang dalawa ni Kuya. At kung si Jehyella naman talaga ang nakipaghiwalay ay baka dahil masama ang ugali ni Rhett at hindi na niya nakayanan.

Either way, wala akong pakialam. Sa bawat araw na nakikita ko siya ay wala akong ginawa kundi ang kamuhian siya. He still that cold guy. Hindi man kami nagkakausap ay ramdam ko naman ang galit namin sa isa’t isa.

Rhett started singing one of the famous song of the year. Ayaw ko mang sabihin at naiirita mang sabihin pero maganda ang kalidad ng boses ni Rhett at nababagay sa isang banda. Marunong din siya sa iba’t ibang musical instruments kaya naman natanyagang talentadong lalaki.
I found myself staring at him while he was singing. Sa lamig ng boses niya ay kinilabutan na agad ako at ang seryoso niyang mata ay naglilibot sa buong lugar. I am damn nervous that he might see me and I might break his solemn momentum. Siguro naman sa dami ng tao ay hindi niya na mapapansin ang mga taong nasa unahan dahil mas gugustuhin niyang titigan ang mga nasa likuran.

Ngunit, nagkamali ako. He dropped his gaze on the direction where I was sitting. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang magtama ang paningin naming dalawa. Wearing his blank expression, he stared at me. Kahit na sa di kalayuan ay kitang-kita ko ang pag-iba ng ekspresyon sa mukha niya. Palihim akong napalunok dahil sa mariin niyang titig sa akin. He held my gaze for about five seconds and then looked away.

Sa sandaling iyon ay nakahinga ako nang maluwag. I didn’t know I was already holding my breath while staring at him.

Nang matapos siyang kumanta ay hindi na muli akong tumingin sa kaniya. Instead I focused on the contestants up on stage.

Naipakilala si Rhett bilang isa sa mga judges at naupo siya kahanay ng mga judges. He’s the youngest among all of them kaya naman nakakapagtaka na kinuha siya ng mga teachers bilang isang judge.

Nagsimula ang unang contestant ngunit nawala na ang aking atensyon doon. I found myself stealing glances at Rhett from moment to moment.

Napagmamasdan ko ang pagkunot ng kaniyang noo at ang pagsabay niya sa mga kantang ginagamit ng mga sumali. He was enjoying some of them at nakita ko kung paano siya pumalakpak sa mga contestant pagkatapos.

Nanlaki ang mga mata ko nang lumingon siya sa aking gawi. Dahil nahuli sa akto ay taas noo ko na lang siyang tinitigan pabalik na parang wala akong ginawang pagsulyap sa kaniya. I saw him smirked like what he saw amuses him.Parang sinilaban ang aking mukha dahil sa hiya kaya naman umiwas ako ng tingin at itinuon lamang ang pansin sa mga kumakanta.

I felt my phone vibrated. Agad kong kinuha iyon dahil baka emergency.Nakita kong nagtext si Kuya kaya agad kong binuksan ang aking messaging app.

Kuya Bo:

Stop staring.

Kumunot ang aking noo sa kaniyang text. Huh? Anong pinagsasasabi ni Kuya? Taka akong nagtipa ng reply.

Ako:

Kuya wrong send ka yata. By the way, where are you?

I hit send and held my phone not minding to put it back on my pocket. Naramdaman ko ang pagvibrate ulit ng aking cellphone dahil alam kong reply ni kuya iyon. Sobrang bilis naman yata? Si Kuya kasi yung tipong magrereply pa pagkatapos ng isang minuto.

Kuya Bo:

I’m not your Kuya, Syden Amaryllis.

Lumalim ang kunot sa aking noo.What the hell? Sino ba—wait, it’s not Kuya. And Kuya never calls me on my full name, madalas ay baby sis or sis ang tawag nito sa akin. Inis na tumipa ako sa aking cellphone dahil alam kong may nakahawak na ibang tao sa cellphone ni Kuya.

Ako:

Where’s my brother? Bakit nasa iyo ang cellphone niya? And who are you?

Huminga ako nang malalim bago sumulyap kay Rhett. He wasn’t listening to the band now performing on stage. Ang kaniyang atensyon ay nasa kaniyang cellphone at seryoso siyang nakadungaw doon. Iniwas ko ang aking tingin nang akmang ibababa niya na ang cellphone na hawak. Kasabay noon ay ang pagvibrate naman ng aking cellphone.

Kuya Bo:

You have no brother, Syden Amaryllis.Come on, you know me.

I  bit my lower lip and thought of Rhett. Siya lang naman ang tumatawag sa akin sa aking buong pangalan. And now I remember! The call I made hours ago and the voice of a girl! Ngayon ay kinilabutan na ako dahil sa nabasang text at mas napatunayan na si Rhett talaga ang may hawak ng cellphone ni Kuya! Bakit hindi ko kaagad naisip iyon? All this time ay parang nagmukha akong tanga.
Inis na sumulyap ako kay Rhett and to confirm it, nakita kong pinaglalaruan niya ang cellphone ni Kuya sa ibabaw ng mesa habang seryosong nakatingin sa akin. Naningkit ang aking mga mata habang sinisipat siya. This brute...iniinis na naman ba ako nito?

Naputol ang tinginan namin nang kalabitin ako ni Juni.

“Hoy! Sino bang tinitingnan mo diyan? Parang di ka naman nakikinig!” sabi pa ni Juni at akmang lilingon din sa tinititigan ko pero agad kong napigilan.

“Wala, akala ko kakilala ko.” Balewala kong sabi at alanganin pang ngumiti. Juniper stared at me weirdly. Ngumisi lamang ako bag itinuon ang pansin sa stage. Hindi ko na nireplyan pa si Rhett dahil alam ko namang ayaw niya akong kausapin. Even in texts, ganoon pa rin siya. Malamig ang pakikitungo sa akin. Well, what could’ve change if that happens?

Natapos ang contest at ini-announce agad ang tatlong bandang nanalo. Isa sa aming year level ang nakapasok sa tatlong nanalo kaya naman todo hiyaw ang aming mga batchmates. Hinila ko na agad si Juniper dahil alam kong dagsa na naman ang mga tao sa gate. Mahirap nang lumabas kapag ganoon.

Nadaanan namin sina Jeremy na nakikipag-usap sa iba naming kaklase. Nagpaalam na ako sa kanila at hinila na ulit si Juniper sa gate. Nagtext ako sa aking driver na sunduin na ako dahil tapos na ang contest. Naupo kami ni Juni sa may waiting shed habang naghihintay at ang kaibigan ko naman ay panay ang talak tungkol sa mga nakitang gwapong sumali.

May humintong itim na Trailblazer sa harapan namin. Hindi ko na tiningnan iyon dahil sa ibang direksyon ako tumingin dahil baka paparating na ang aming driver.Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto at panay rin ang kalabit sa akin ni Juni.

“Diba siya yung kumanta kanina, Syd?” pabulong na tanong sa akin ni Juni.

“Maraming kumanta kanina Juni.” Sabi ko at patuloy pa rin sa pagtanaw sa aking service.

“Hala papunta rito!” sabi pa ni Juni at mas kinalabit ako. Sandaling nairita ako dahil panay ang kalabit kaya naman iritado akong lumingon sa kaniya.

“Ano ba Ju---what are you doing here?” gulat kong tanong kay Rhett na nakatayo na sa harapan namin. Hindi ito natinag sa matinis kong pagtatanong. Instead he arched his eyebrow.

“Kilala mo yan, Syd?” tanong ni Juni. Umismid ako at bahagyang tumango. Tinitigan ko si Rhett na nakatayo pa rin sa aming harapan.

“Ako na ang maghahatid sa inyo.” Malamig niyang sambit. Umawang ang labi ko sa kaniyang sinabi at akmang magsasalita pa pero pinigilan niya ako.

“Boaz texted me, Syden Amaryllis. You have no choice,” aniya. Wala sa sariling tumango na lamang ako at pigil hiningang humawak kay Juni.

“How about my driver, Rhett?” tanong ko sa kaniya.

“Boaz already texted him.” He said coldly. Tumango ako at sinundan siya ng tingin nang bumalik na siya sa kaniyang kotse. Hinatak ko si Juni papunta sa kaniyang kotse at binuksan ang back seat. Naunang pumasok si Juni at nang ako na ang papasok ay malamig akong sinulyapan ni Rhett.

“What? Gusto mo bang diyan ako umupo?” malamig kong tanong sa kaniya. Tinaasan lamang ako nito ng kilay bago binuksan ang pinto ng front seat. Bumuntong-hininga ako at tumingin kay Juni. She was wearing a weird smile and then pasimple niyang itinuro si Rhett pagkatapos ay nagkorteng puso ang kaniyang kamay.

Pinanlakihan ko ito ng mata bago isinara ang back seat. Iritado akong pumasok sa front seat at pabagsak na isinara ang pinto.

Rhett scowled. “ If you’re that mad at me, do not include my car, Syden Amaryllis.” Aniya at ini-start na ang kotse.

“Sinabi ko na sa’yong ‘wag na ‘wag mong babanggitin ang buo kong pangalan.” Pigil ang aking boses dahil nakakahiya naman kay Juni na nag-aaway na naman kaming dalawa ni Rhett. Ngayon niya lang ata ito nakilala dahil hindi ko naman siya ipinakilala sa mga kabarkada ni Kuya.

Rhett didn’t say a thing. Nakita kong umilaw ang cellphone ni Kuya at nakita kong may tumatawag doon. It was an unknown number.

Kinuha ni Rhett iyon at tahimik na sinagot. “Hey babe,” rinig kong bati niya at sumulyap pa sa akin. Napanting ang aking tainga sa narinig at naging alerto.

Wow, he have the guts to use Kuya’s phone while calling his fling. Talaga naman! Bakit nga ba nasa kaniya ang cellphone ni Kuya?

The call ended and he was just casual. Nang lingunin ko siya ay nakatukod ang kaniyang braso sa bintana ng kaniyang kotse habang seryosong nagmamaneho. Umismid ako bago naisipang tanungin ang kanina pa bumabagabag sa akin.

“Bakit nasa iyo ang cellphone ni Kuya?” tanong ko sa kaniya. Sandali niya akong sinulyapan bago umayos ng upo.

“Hiniram ko.,” aniya sa malamig na boses.

“And you have the guts to call your fling using his phone. How could you?”

Rhett smirked. “We’re friends, Syden Amaryllis. Walang problema iyon kay Bo.”

“Sa kaniya wala, pero sa akin mayroon. What if Mom called for emergency? What if tumawag ako for emergency?”

“Ahuh. I can beep Bo promptly, Syden Amaryllis.” Aniya ulit at hindi nag-abalang ishortcut ang aking pangalan. Nagtiim bagang ako at nagsalita ulit.

“Still. Kanina ay tumawag ako at nakarinig ng di kaaya-ayang tunog. How could you explain that to our Mom? Malamang ay madadamay si Kuya sa kabulastugan mo.” I said bitterly trying to forget that annoying voice.

Rhett darkly chuckled. “Don’t worry. Your so called brother won’t be involved on my monkey business, Syden Amaryllis.” Aniya at sinulyapan ang aking kaibigang nasa likod.

Lumingon din ako doon. Thank goodness, Juniper was wearing her earphones. Baka kung ano pang sabihin ng aking kaibigan kapag narinig niya ang mga pinagsasasabi ko.

Tahimik na ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa gilid ng daan. He turned off the engine and slightly turned his body to me.

“Salamat.” Simpleng sabi ko at akmang bababa na ng tawagin niya ulit ang pangalan ko. It was still my full name. Wala akong nagawa kundi ang humarap sa kaniya ngunit iritadong mukha ang iniharap ko.

“Why are you staring at me a while ago?” aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Was I staring at him? I was just stealing glances! Hindi ako tumitig sa kaniya.

“Umasa ka, Rhett! I wasn’t staring.” Tanggi ko at dali-daling bumaba. Binuksan ko ang back seat at hinatak ang earphones ni Juni. Pasimple akong sumenyas na bumaba na siya dahil ayaw ko ng makita si Rhett. Hindi na muli akong lumingon sa kaniya pero naramdaman ko naman ang pagvibrate ng aking cellphone.

I saw Kuya Bo’s name pero alam ko namang si Rhett lang din ang nagtext. Nilingon ko ang kaniyang sasakyan at nandoon pa rin naman iyon. Nakipagtitigan ako doon na parang alam kong nakatitig din siya sa akin. I swipe the message to see what it was.

Kuya Bo:

Next time don’t stare at me like that, Syden Amaryllis. Bawal akong titigan.

Ang kapal ng mukha niya! I wasn’t staring! At paano naman niya nalaman kung ganoon?! That brute!

Continue Reading

You'll Also Like

271K 10K 47
What else is dumber than dealing with a devil while you're drowning yourself in alcohol? Kung may parangal lang para sa pinakatanga ay nakuha na ni M...
84.1K 2.8K 43
During a marine patrol, marine biologist Cleora Celdran stumbled across a wounded dolphin together with her friends. Determined to save its life, Cle...
128K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
38.5K 826 50
Vhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable...