<3 Blackmailed to be His g...

By lil_MissBlue

114K 3.8K 325

"hindi ko sasabihin sa kanila, if you agreed to be my Girlfriend" "are you blackmailing me?" tanong ko sa kan... More

<3 Blackmailed to be His girlfriend <3
¤CHAPTER 1¤ kick out
¤CHAPTER 2¤ bye classmate
¤CHAPTER 3¤ HSP High?!
¤CHAPTER 4¤ first day in new school
¤CHAPTER 5¤ FRIENDS?
¤CHAPTER 6¤ call me.....,
¤CHAPTER 7¤ GUSTO?!
¤CHAPTER 8¤ Fight? Again? Really?
¤CHAPTER 9¤ the call
¤ CHAPTER 10 ¤ Lucky
¤CHAPTER 11¤ LQ?
¤ CHAPTER ¤ 12 Deny?
¤CHAPTER 13¤ game start
¤CHAPTER 14¤ walang ganyanan
¤CHAPTER 15¤ comments!!
¤CHAPTER 17¤ Thank you ^_^
Chapter 18 meet the parents

¤CHAPTER 16¤ Tutor?

3.7K 139 4
By lil_MissBlue

¤CHAPTER 16¤ Tutor?

 

Arabella's POV

 

“anak…, gising na may pasok ka ngayon….,” sigaw ni mom.

“gising na po!” sagot ko.

 Oo Monday na…, kainis!! Makikita ko na naman si Panget! Buti nalang kahapon hindi pumunta si Panget kung hindi lagot talaga siya saakin…., well kung tinatanong niyo kung anong ginawa ko kahapon, ang masasabi ko lang WALA. Wala akong ginawa kahapon kung hindi sagutin ang mga demanding text ni Panget!! Kakainis!! Kahit weekends ginugulo niya ako…., pero sabi ko nga I’ll act like a GF to him diba?so I’ll play my role…., and besides today is the start of my revenge game to him!! Bwahahah, humanda ka saakin Panget!

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ako sa kusina at nag-almusal.

“anak….,kayo na pala ni Harvey ah? Hindi mo sinasabi…,” biglang sabi  ni mom. Bigla tuloy akong nabulunan….,

“mommy naman…., huwag mo kong bibiglain nang ganoon…., masakit!” sabi ko habang umuubo-ubo pa.

“so ano totoo ba anak?” tanong naman ni Daddy. ‘hay…, eto na naman sila…, pinagtutulungan ako!! Hmm…, wawa ako’

 

“Opo…., nung Saturday lang. sa tingin ko po kasi seryoso naman siya.” Sabi ko.

 

“oo…, sa tingin ko seryoso talaga siya sa’yo.” Sabi  ulit ni Daddy.

“gusto ko siya para sayo..,” sabat naman ni Mommy.

“sige po…, alis na po ako” nagmamadali kong sabi. Nakalimutan ko kasing may assignment pala ako!! ‘ugh!! Panget kasalanan mo ‘to!! Kakainis ka talaga!!>_<’

Dali-dali akong pumasok sa school at pumunta sa garden dala-dala ang assignment ko…, naisip ko kasi na doon na lang gawin yung assignment ko. Pagdating ko sa Garden nandoon na si Panget…,

“ huy…., aga mo ah…, kanina ka pa ba dito?” tanong ko sa kanya. Kaagad siyang humarap saakin at nang Makita niya ako kaagad siyang ngumiti. Hay…., kung hindi lang ako inis dito.

“hindi…, kadarating ko palang.” Sabi niya ng nakangiti pa rin. “how was your sleep? Bakit hindi ka nag-reply kanina sa txt ko?” sabi niya sabay frown.

“naubos load ko…, hindi ako nakapagload kahapon eh…., gabi na kasi. Sorry…,” sabi ko nang nakangiti at apologetic.

“ ah ganoon ba? Ok lang…, kala ko di mo lang talaga rineplyan…, kala ko…” sabi niya nang malungkot. ‘hay…,nakakaguilty naman ang lalakeng to.’

“alam mo nakakainis ka…., dahil sa’yo hindi ko nagawa ang assignment ko…, text ka kasi ng text eh..,” sabi ko.

 

“sorry.., kung gusto mo ako nalang ang gagawa…, para makabawi ako.” Sabi niya nang nakangti. ‘ano daw? Gagawin niya assignment ko? Sige bah! di ako tatanggi diyan. Hindi ko pa naman masyadong alam…,mahirap kasi, kaya konti lang ang may alam at nakakakuha ng tamang sagot. Pero baka hindi niya rin to alam at mali ang isagot niya!’

“alam mo ba ito?” sabi ko sa kanya at sabay abot nung notebook ko sa kanya.

“oo…., mahina ka sa math?” biglang tanong niya.

“sigurado kang alam mo yan? Baka mali ang isagot mo ah. At FYI lang ah…., di ako mahina sa math.” Sabi ko sa kanya. ‘kapal nya ah…., ako mahina sa math.., porket ba hindi ko alam ang isang lesson mahina na ako sa math?’

 

“sigurado ako…, college na ako tapos hindi ko parin alam ‘yan? Pero bakit hindi mo alam yan?” sabi niya lang.

“college kana? Kala ko high school ka palang….,?” sabi ko.

“oo college na ako…., matanda ako sa’yo nang isang taon… so ano na? ba’t di mo alam ‘to?” sabi niya biglang tanong.

“ganun ba? Hindi kasi ako nakikinig nang ituro yan…, nakakaantok kasi magturo yung teacher, kaya nagfocus ako sa hindi pagtulog kaysa sa tinuturo niya.” Sabi ko honestly. ‘totoo naman kasi eh!!’

“hahaha….., kung lagi kang matutulog. Wala kang matututunan. Kung gusto mo after class turuan kita sa library…, sa mga lessons na tinulugan mo.” Sabi niya nang nakangiti habang sinasagutan na ang assignment ko.

“ parang tutor? Huwag na ….,baka busy ka. Balita ko malapit na ang laban niyo sa basketball…., kaya kailangan mong magpractice.” Sabi ko nalang.

“oo one month nalang, pero kung gusto mo sa bahay nalang namin pagkatapos nang klase….,” sabi niya.

“sa bahay niyo? Ayoko nga!! “ sabi ko. ‘sa bahay nila? Nagbibiro ba ito?’

“bakit ayaw mo…..,? kung about ‘to sa parents ko, huwag kang mag-alala. Sa totoo niyan gusto ka na nga nilang makilala eh!! Kaya sige na ha…, kapag pumayag ka…, ako lahat gagawa sa assignment mo!! Ano payag ka?”

“nakakatempt ang offer mo…., pero ano ako sira? Ayoko nga!!”

“sayang naman…., marami pa namang cake saamin at ipapaluto ko pa naman sana ang mga paborito mong pagkain…., gaya ng carbonara, sopas, steak..,” sabi niya nang nakangiti.

“tama nah!! Sige na.., payag na ako!! Hay…., paano mo nalaman na weakness ko ang pagkain…., kakainis talaga!!”

 “tapos nah!” sabi niya nang nakangiti sabay bigay ng notebook ko.

“oo nga ganito yung nakita kong nakasulat sa blackboard nung friday! Thank you!! Sige pasok na ako sa room ko ha? Malapit na rin magsimula ang klase…, pasok ka narin…,” sabi ko habang paalis at sabay na kumaway.

“teka kailan magsisimula ang tutoring natin?” tanong niya bigla.

“sa Wednesday nalang…., sige na ha? Babye” sabi ko nalang. ‘hay…, naisahan na naman ako!!’

 ==================================

A/N: sa wakas nakapag-UD din ^_^ Sana nagustuhan niyo. Please vote, be a fan and comment.

-Jhen-

Continue Reading

You'll Also Like

141K 5K 19
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
395K 27.2K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...